Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 40

1.4M 35.1K 14.3K
By jonaxx

Kabanata 40

Sinusundo Kita

"Let them, Alejandra." Pagkagising ko isang araw ay ang sigawan sa baba ang bumungad sa akin.

Aalis si mommy at daddy ngayon. Magbabakasyon daw silang dalawa dahil tapos na ang preparation sa concert ng Going South. Dumungaw ako sa aming sala at nakita ko si Tito Adolfo, ang daddy nina Stan at Everlyse.

Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam na nakabalik na pala ang mga magulang nina Stan galing US? Mabilis ang pagbaba ko para mag mano at bumati.

"Tito, kailan kayo dumating? Where's tita?" Tanong ko, nangingiti.

"Last Wednesday, hija. Nasa bahay ang tita mo. Aalis ulit kami for business matters next week. You should visit your tita later. She missed you." Ngiti ni tito bago bumaling sa nagsusupladang si mommy.

Kahit walang make up si mommy dahil masyado pang maaga ay kitang kita parin ang awtoridad at ang pagiging matigas niya sa bagay na gustong mangyari ni tito.

"I hope they will not fail me again, Adolfo." Mariing sinabi ni mommy.

"Stan's never failed before." Sagot naman ni tito.

"What about Stan, mom?" Kumunot ang noo ko sa usapan nila. "Sorry to interrupt. What is this all about? Bakit kayo nagtatalo?"

Tumayo si mommy at nagkibit balikat. Umiling naman si daddy kay tito Adolfo.

"Nasayang 'yong perang ininvest namin sa bandang iyon." Ani daddy.

"Mababawi niyo rin iyon. Besides, Stan is your nephew!" Giit ni tito Adolfo.

"Kailangan ma publicize ulit ang banda. Hija, babalik si Liam ng Paris. Ang mali lang ng kompanya ay hindi natin sila kinontrata muna. This time, we'll let them sign a contract. Lalong lalo na ang vocalist. Are you sure you're okay with this, Adolfo?" Ani mommy.

Unti unti akong naliwanagan sa usapan nila. Nalaglag ang panga ko nang napagtanto kong babalik si Stan sa grupo.

"They will need more gigs. Mas marami pa sa ginawa nila sa linggong ito. Give me two months to expose them. At isa pa, kailangan din nilang sumunod sa mga kondisyon ko." Sabi ni mommy.

"You signed them, mom? Payag ka na na si Stan?" Tanong ko.

"Of course, Meg." Sagot ni mommy. "They have to work with one of my new artists. Idedebut ko siya kasama sila. They have to accept my conditions. Kung ayaw nila..." Nagkibit balikat si mommy. "It's their loss."

Nilingon ko si daddy na pinapanood ako kanina pa. Kumunot ang noo ko habang ginagawa niya iyon ng nakapangalumbaba. Hindi parin kami nakakapag usap tungkol sa mga sinasabi niya kay Noah. I want to confront him but surely this isn't the right time to do that. Nasa harap namin si tito Adolfo at ang mommy.

"Are you going to prepare for your work, Meg? Or are you gonna stay here and watch us all day?" Tanong ni daddy.

"I'll prepare dad." Sabi ko at umalis na doon para bumisita sa kitchen at maghanap ng makakain.

Ano pa ang punto ng pagtatanong ko kay daddy sa lahat ng mga sinabi niya kay Noah kung unti unti ko nang aalisin si Noah sa aking sistema? I will only complicate things if I ask him questions. Pero hindi ko mapigilan ang pag iisip ko tungkol doon.

Pagkatapos kong kumain, maligo, mag ayos, at magbihis ay bumaba na ako. Naroon parin si daddy kung saan siya nakaupo kanina. Katabi niya ang isang malaking maleta. And I can imagine mommy still doing her thing in their room. Nakapikit si daddy. He's obviously tired of waiting. Tito Adolfo was not there anymore. Siguro ay umalis na kanina pa habang nag aayos ako.

Hinalikan ko ang pisngi ni dad. Nagulat siya sa ginawa ko. Ngumiti ako.

"Alis na po ako. Mag ingat kayo ni mommy. Enjoy Los Angeles, dad." Sabi ko ngunit hindi agad umalis.

Kinusot ni daddy ang kanyang mga mata bago ako tiningnang mabuti. Gumagapang sa isip ko iyong mga maaaring nasabi niya kay Noah. "How's your work?" Biglaan niyang tanong.

"Fine, dad. Magandang training ground to sa akin." Sabi ko, pinapanood siya.

"Well, that's good. You should go and get yourself a boyfriend too. You're young but you're of age." Ngumiti siya.

Hindi ako makangiti pabalik. Gusto kong magtanong ng mga tungkol doon pero iniwasan ko iyon. "It will come, dad."

Tumango si daddy. "May pumuporma ba sa iyo? Can I expect na pagbalik namin ng mommy mo galing L.A. ay may ipapakilala ka sa amin?"

"Dad!" Ngumiti ako. "Wala pong pumuporma sa akin."

Nagtaas siya ng kilay na para bang hindi naniniwala.

Tipid akong ngumiti. "Wala po talaga."

Tumaas ang kanyang dalawang kilay. "Then I will just wait."

Hinalikan ko ulit si daddy pagkatapos ay nagpaalam na para makaalis na ng bahay. Naglalaro parin sa isip ko iyong mga tanong ko habang nasa loob ng taxi pero pinutol ko ang naglalakbay kong utak. I should stop thinking about him. Wala ngang pakealam 'yong tao, ako pa ang makekealam sa kanya?

Sa umagang iyon ay naging productive ako. Marami akong natapos na trabaho. Nang nag lunch break ay nakakuha ulit ako ng styro na may note galing kay Ysmael.

'Happy lunch.

-Ysmael Aboitiz'

Nangiti ako habang dinudungaw ni Ma'am Alice ang note na agad kong itinago.

"Sino ba talaga iyang secret admirer mo, ha?" Tanong ni Ma'am Alice habang binababa ang kanyang eye glass.

"Sino ba edi si Mr. Aboitiz!" Pabirong umirap si Ma'am Alexis. "Ilang beses ko na 'yang nadatnan ngayong linggo."

"Naku! Wala ah! Hindi ko siya secret admirer. May atraso kasi 'yon sakin kaya ganon." Giit ko.

Pinagkatuwaan pa ako ng mga kaopisina ko tungkol kay Ysmael. Nakisabay na lang ako sa kanila at naisip na malabong pormahan ulit ako ni Ysmael. Sa mga nangyari sa amin noon ay sa palagay ko ay nadala na siya sa akin. Pero hindi maalis sa utak ko iyong pangako niyang dinner namin mamaya.

Nag stretching ako nang nag alas singko. Humikab na si Ma'am Alexis habang nagliligpit ng gamit. Dinungaw ko ang cellphone kong may text galing kay Wella. Binuksan ko iyon.

Wella:

Hi Meg! Wala kang trabaho ng Saturday diba? So you're free tomorrow? May gig kasi 'yong Zeus sa Cafe Marcello. Ito ang first time kong makita ulit sila na si Stan na ang vocalist. Please, come with us?

Ginulo ko ang buhok ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Wella. Syempre ay hindi ako pupunta pero gusto ko ring makita kung kamusta na sila ngayong si Stan na ulit ang vocals. Hindi pa sila nag iisang linggo sa arrangement na iyon.

Tinulak akong bahagya ni Ma'am Alexis. Inaayos niya ang mahabang bohemian skirt niya at ang kanyang sling bag na dala.

"Di ka pa aalis? May date pa kayo ni Mr. Aboitiz no?" Tukso niya sa akin na siyang dahilan kung bakit napatingin ang ibang ka officemate sa akin.

"Hindi ah! Wala!" Uminit ang pisngi ko. Nilakihan ko ang mata ko para matigil na siya pero humagalpak lang siya sa tawa.

"Naku! Swerte mo. Sa dalawang taon ko na dito isang beses ko lang nakita si Mr. Aboitiz na nag date. Kung ididate ka niyan, ibig sabihin may meaning." Tumango pa si Ma'am Alice.

"Hindi kami mag didate no!" giit ko ulit kahit na wala namang naniniwala sa akin.

Ilang sandali pa nila akong biniro hanggang sa tuluyan na silang umalis. Nagligpit na rin ako ng gamit habang nag lalagay ng konting make up sa aking mukha. Tumunog ulit ang cellphone kong nasa tabi ng monitor. Nagulat ako at si Wella ulit iyon.

Wella:

Have you seen their recent gigs? Mas dumami daw ang nanood. I haven't seen it. Dahil sa work of course. Pero you know they have been so busy with their gigs. Kakagaling lang daw nilang Batangas kahapon? Dalawang araw sila don.

Oh? Really? I have no idea. Wala parin akong maisagot sa kanya kaya pinag patuloy ko ang paglalagay ng konting make up nang biglang may umubo galing sa likod ko. Sa pagmamadali ko ay halos natapon ko lahat ng gamit ko nang tumayo.

"Oopps!" Sambit ko at pinulot ang iilang ballpen na nahulog ko.

"Oh..." Humalakhak si Ysmael at tinulungan ako sa pagpupulot nito.

"Thank you." Nahihiya kong sinabi pagkatayo ng maayos.

"Sorry at ginulat pa kita. But are you ready?" Ngiti niya.

"Y-Yup!" Nauutal kong sinabi sabay tango.

"Shall we?" Sabay lahad niya sa pintuan ng opisina.

Iilan na lang ang natitira sa floor namin pero bawat ulo ay napapalingon parin sa amin na para bang may salidang nangyayari. Uminit ang pisngi ko sa bawat tingin ng mga tao sa amin.

"Do you usually treat your employees like this?" Tanong ko nang nasa elevator kami.

Nakapamulsa siyang humarap sa akin. This time, he's wearing an all black suit and a blue longsleeve under shirt with a red neck tie. Damn! "Of course not. I prefer to build walls between me and my employees, Megan. But you're an old friend. What's the matter?" Tanong niya nang nakitang balisa ako.

Umiling ako. "Wala. Baka kasi magka isyu pa."

"Don't worry about it. Ano ngayon kung ano ang isipin nila?" Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok. Hindi ko mapigilan ang pagkakamangha sa kanya.

Pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan kaya dumiretso ako sa loob ng malaking ngiti. Pagkapasok niya ay pinaandar niya agad. We'll have dinner again at siya ulit ang bahala sa akin. Maybe I'll treat him sometimes, huh?

"Oh my God!" Marahan kong sinabi habang hinahawakan ang aking labi. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa daan.

"Why?" Napatingin siya sa akin.

"Oh forget it! Babalikan ko na lang mamaya." Binigyan ko siya ng ngiti at sumulyap ako sa kanya. "I forgot my phone. Nasa desk ko."

"Daanan na lang natin mamaya pagkatapos nating mag dinner. Is that alright?" Tanong niya.

Tumango ako. "Yeah. I'm sorry. Hassle."

"It's okay." Ngiti niya.

Nagpark siya doon sa parehong restaurant na kinainan namin. Pumasok kami doon at binigyan ulit ng table for two ng waiter. Ngayon ay pinasadahan ko ng tingin ang buong restaurant na may kulay pulang mga dingding at sahig.

"Is this your favorite restaurant?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. Di mo ba gusto dito?" Binaba niya ang menu at tinitigan akong mabuti.

"Gusto, syempre Ysmael. I'm just curious." Sabi ko at dinungaw na rin ang menu.

Nag order kami ng ibang pagkain at nag toast nang binuhusan ng waiter ng red wine ang aming mga wine glass.

"How's your day?" Tanong niyang ikinagulat ko.

I don't want to really assume something but I'm quite sure this is going somewhere. Hindi ko rin alam kung gusto ko ba ang nangyayaring ito. I just like his company because I find it refreshing and light.

"Ayos naman. Ikaw? Kamusta 'yong conference mo? By the way, hindi pa ako nakakapag thank you sa'yo sa mga binigay mong lunch sa akin."

"You are welcome. Well, the conference was okay. Oh, by the way... Are you interested? May seminar na gaganapin sa Batangas. This is exclusively for advertisers and designers like you. I have one slot and you know, matagal na sina Alice, Alexis, and the rest of your group sa kompanya kaya pareho silang nakapunta na dito."

Nanliit ang mga mata ko. I'm interested. Pangpadagdag din ito ng credentials.

"You know you're overqualified for my company, right? Anyone with your skill and credentials should be in higher ranks-"

"Ysmael, nagsisimula pa lang ako kaya ayos lang sa akin. Nevermind my credentials. This is my first experience sa trabahong ito. I don't mind if I start from scratch." Giit ko.

Ngumuso siya at sumimsim ng red wine. "I got your point. But by being in this seminar, Meg, madadagdagan pa lalo ang credentials mo. With more experience, I can offer you promotion."

"Hindi pa nga ako nag iisang buwan." Ngumiwi ako.

Humagalpak siya sa tawa. "I know, I know. Sinabi ko lang. Let's say you'll last a year in my company. Pwede ka nang head sa inyo pag ganon. We'll that's if you stay. I'm not quite sure if you will. Your a daughter of a business tycoon." Tinagilid niya ang kanyang ulo.

"Hindi ko alam, Ysmael, pero I want to join that seminar. Saan ba iyon sa Batangas?" Tanong ko.

Nilalapag ng waiter ang inorder naming mga seafood ngayong araw. Inilapag din nila ang Perignon na inorder din ni Ysmael kasama ng mga seafood. Malaking lobster ang umagaw sa aking atensyon. Nakaramdam tuloy ako ng gutom.

"I will send you the details. It's next month. You sure you want that slot? I'm sorry isang slot lang ito. It's an international seminar. Lahat ng malalaking advertising company ay kasali. It's a seminar slash training."

"Oh! Ito 'yong binanggit ni Rozen sa akin." Wala sa sarili kong sinabi.

"Yes. I didn't know you were friends with him. Ang akala ko ay si... Noah lang ang kaibigan mo..."

Kinabahan ako sa sinabi niya sa hindi malamang kadahilanan. "Oo. We communicate sometimes."

"Pati ni Noah?" Tanong niyang bigla nang hindi nakatingin sa akin.

"Hindi maiiwasan. Lalo na ngayong nakabalik ang pinsan ko galing States at nasa iisang banda ulit sila. Pero hindi naman kami palaging nagkikita. Tsaka lang pag may gathering. Family gathering or something." Kinuha ko ang kutsara at tinidor ko para makapag simula nang kumain.

"Let's eat?" Anyaya niya.

Kaya linantakan ko na ang pagkain sa hapag. Nahihiya naman ako kaya tipid ang aking mga kinukuha. I should work out tomorrow. Ngayong may trabaho ay minsan na lang ako nakakapag work out.

"So you still communicate, huh? Kamusta na kayong dalawa?" Tanong niya gamit ang mabibigat na mga mata.

"Huh? We're friends! May girlfriend na yata iyon. Matagal na iyong kabaliwan ko sa kanya." Hindi naman ako makatingin sa kanya ngayon.

"Oh? I'm sorry. I don't want to be nosy. Nagtatataka lang ako kung ano na ang nangyari sa inyong dalawa." Aniya.

Sumulyap ako sa kanya habang nginunguya ang pagkain. "We're cool. Hindi ko alam kung sila pa ba ni Coreen pero you know, an Elizalde like him won't run out of girls."

"Coreen? Coreen Aquino is with Rozen Elizalde." Nanliit ang mata niya.

"Oh, yeah, right! Hindi ko alam kung sino ang girlfriend ni Noah ngayon." Sabi ko at nagkibit balikat.

"You used to have a crush on him, right? Alam ko iyon. Alam ng lahat." Mariin niyang sinabi.

"Hindi ko naman pinagkakaila." Tumawa ako. "That was the young me."

"So the Meg now isn't young anymore?" Nagtaas siya ng kilay na para bang naghahamon.

"Definitely, Ysmael." Nagtaas din ako ng kilay.

Ngumuso siya at ilang sandali pa ang titigan namin. Hindi ko maalis ang ngiti ko buong panahong nag uusap kami. Magaan siya sa loob. Minsan lang ay naaasiwa ako. Palabas kami ng restaurant ay tsaka ko pa lang naalala na naiwan ko nga pala 'yong cellphone ko sa building. Nilingon ko siya at nakita ko ang pagod niyang mga mata. Mas lalo lang tuloy akong nahiya.

"Pwede namang mag taxi na lang ako pauwi. I'm fine." Sabi ko para huwag niya na akong ihatid.

"No. Ihahatid kita." Wika ni Ysmael at pinagbuksan ako ng pintuan.

"But I know you're tired." Malungkot kong sinabi pagkatapos ay pumasok sa front seat.

"Ihahatid parin kita." Ulit niya pagkapasok sa loob ng sasakyan.

Ngumuso ako at hinayaan siya sa pagdadrive non. Nagkakwentuhan pa kami kung paano siya pinahirapan ng kanyang daddy sa pagkuha ng kompanya. Noon ay hirap na hirap siya at ngayon ay tinatawanan niya na lang.

Umiling ako sa pagkakamangha. "It must've been hard for you. Hindi ka ba pinagkatiwalaan ng daddy mo sa kompanyang yan nong una?" Tumitig ako sa kanya.

"Pinagkatiwalaan naman siguro. Maybe he wants me to prove that I deserve the company."

Dahan dahan akong tumango nang nakatitig sa kanya. Ang dating nakangiti niyang labi ay unti unting sumimangot habang humihina ang sasakyan. Nakita ko sa labas ang matayog na building kung nasaan ang opisina namin. Nakarating na pala kami. Inayos ko ang bag ko at nang napatingin sa labas ay nakita ko ang isang kulay puting BMW na naka park at ang lalaking nakahilig don.

Ano na naman ang ginagawa ni Noah dito?

"Uhm..." Nilingon ko si Ysmael.

"Ikaw ba ang sadya niya?" Nanlamig ang boses niya.

"Hindi ko alam. Titignan ko." Sabi ko at binuksan ang pinto para mapuntahan ang lintik na si Noah.

Nakatingin pa ng paulit ulit ang lalaking ito sa kanyang relo na para bang may hinihintay na babaeng sobrang late na.

"What are you doing here?" Matalim ko siyang tiningnan.

Napalingon siya sa akin ng hindi man lang nasisindak. Pinagmamasdan niya akong mabuti bago niya inilipat ang paningin sa nakaparking na sasakyan sa likod ko. Tumunog ang pintuan bilang pagsarado sa sasakyang nasa likod ko.

"Sinusundo kita." Mayabang na sinabi ni Noah pagkatapos ay hinarap ako.

He's wearing his black leather jacket and faded blue jeans. Kulay grey na v neck ang nasa loob ng leather jacket. Yabang!

Continue Reading

You'll Also Like

111M 2.3M 65
It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niy...
11.6M 296K 33
Breaking the Bad Boy prequel/sequel Written by blue_maiden Start: September 15, 2016 End:
248 127 60
an epistolary wherein Olivia Dela Torre bought a pocket notebook then filled it with pictures and a small details about it. She gave the pocket note...