The Proxy Wife

By nimbus_2000

630K 10.4K 852

si Maxine, NBSB ever ang drama sa buhay..paano kung dumating ang isang araw na mangailangan sya ng tulong, pe... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Sakin na muna ang spotlight
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
TEASER LANG!
Chapter 40
Finale
Thank YOU!!
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 30

11.6K 187 16
By nimbus_2000

-30-

"Who are you?"

*gulp*

"A-anong ginagawa mo dito?"

Agad niyang itinulak ang pinto at pumasok sa loob saka ako hinarap.

"Speak now bitch, sino ka?" Mataray niyang tanong sa akin.

"Maxine."

"Where's my husband?"

"Umalis ka na.."

"Oh, bakit natatakot ka ba na nahuli kong may tinatago palang babae ang asawa ko..at sya pa talaga ang nagbukas ng pinto..at home na at home ka ha."

Ang walanghiya, akmang pupunta na sya sa kwarto pero pinigilan ko sya sa braso.

"Umalis ka na sabi Patrice." Napatigil sya..halatang mas sanay syang tawaging Trixie kesa sa Patrice.

"W-what? Sino ka para paalisin ako. Dapat nga ako ang magpaalis sayo eh!"

*Pak*

Sinampal niya ako ng ubod ng lakas, I could taste blood, nakagat ko ang labi ko dahil sa sampal niyang iyon. Leche, ngayon pa ba ko papatalo sa bruhang ito?

"MAXINE!" Parehas kaming napatingin sa pinto at nakatayo roon si Kyle.

Agad siyang tumakbo sa side ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" Baling niya kay Patrice, halatang nagpipigil ng galit.

"Kyle?"

"Umalis ka na bago ko makalimutang babae ka Patrice."

Humarap sakin si Patrice, ako naman sapo ko pa ang pisngi ko na sinampal niya.

"Babalik parin ako."

"GET OUT!" Sigaw ni Kyle. Ngayon ko lang sya nakitang galit. Nakakatakot.

Pagkasara ng pinto hinayaan ko ng tumulo ang luha ko. Masakit, di ko man lang nagawang ipaglaban ang sarili ko sa walang kwentang babaeng iyon. Puro awa nalang sa sarili ang nararamdaman ko. May kasama naring takot ngayong bumalik na sya para bawiin si Vlad.

Napaupo ako sa sahig, naramdaman kong may yumakap sa akin.

"Shh, ako nang bahala sa kanya.."

"Kyle.."

"Di ko na sya hahayaang saktan ka."

Pag angat ko ng tingin agad niyang sinalubong ng halik ang labi ko.

O__________________O

Hindi pwede ito. Agad ko siyang itinulak saka ako dalidaling tumayo at tumakbo papasok sa guest room.

Sinalat ko ang labi ko..

Oh my God..ano bang nangyayari sakin? Bakit ko hinayaan si Kyle na gawin iyon?!

After ilang minutes ay narinig kong sumara ang pinto. Umalis na siguro si Kyle.

Hinagilap ko sa bulsa ko ang cellphone at agad na nagdial..

Wala pang isang oras ay nandito na si Ella.

Kwinento ko sa kanya ang lahat mula sa pagpunta ni Patrice hanggang sa pagkakahalik sa'kin ni Kyle.

"Anong nararamdaman mo para kay Kyle?"

"Kaibigan lang sya para sakin.."

"Come to think of it, mas may pag asa pa kayo ni Kyle kesa sa inyo ni Sir. Max, kasal si sir.."

"Alam ko.."

"Alam mo rin naman sigurong di ikaw yung asawa."

"Pero Ella..."

"Pero mahal mo sya..lahat tayo dyan nasisira..sa pagmamahal.."

"I'm sorry pero eto lang ang alam kong tama.."

"Ang alin? Ang patuloy syang mahalin..wake up Maxine, andito na ulit si Patrice at anytime now pwede kang sumira ng pamilya."

"Pero hindi sya mahal ni Patrice.."

"Pero ikaw mahal mo. Sino ba ang mahal ni Vladimir? Ikaw ba o siya?" Napaiyak ako sa tanong niyang iyon..alam naming pareho na kahit ata magunaw na ang mundo si Patrice parin ang pipiliin niya kesa sa nagmamahal sa kanya. Ang loser ko naman.

"Maxine, I'm sorry pero bestfriend mo ako kaya ayaw kong nakikita kong nagkakaganyan ka dahil sa kanya. Kahit paulit ulit ko pang ipamukha sayo na di ka niya mahal gagawin ko..magising ka lang sa katotohanan."

"P-pero Ella, sa kanya ko lang naramdaman 'to."

"Wag kang maging madamot, andyan si Kyle. Pakiramdam ko ay may gusto sya sayo."

Umiling lang ako, bakit parang di ko kaya na ibaling sa iba ang atensyon ko.

Saturday.

Nagdahilan ako kay Ate Carlene na di ako makakasama sa pagpapacheck up ni Vlad, parang di ko pa kayang makita si Kyle. Natatakot ako. Sabi ko ay dadalaw muna ako sa tatay ko.

Every Saturday ang check up ni Vladimir. Third Saturday ng mapagpasyahan kong sumama na, buo narin ang desisyon ko.

"Maxine.." Nakaupo kami ni Kyle sa bench sa labas ng isang lab, hinihintay niya lang ang lab results habang nasa kwarto si Vlad at ate Carlene.

"--I'm sorry, nabigla lang ako.." Oo..tama nabigla lang sya Maxine..

"Sorry din Kyle.." Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang lumabas ang isang nurse at inabot ang results..sasabihin ko na sanang mahal ko ang pinsan niya eh.

Ginabi narin kami ng uwi sa bahay dahil nag aya pang lumabas si ate Carlene.

Pagkasapit namin sa bahay nakatulog agad si Vlad.

"Ate.."

"Max..may sasabihin sana ako eh.."

"Ano yun?"

"Kami na kasi ni Erik.." ^________^ Sa wakas naman!

"Talaga?!"

Tumango naman sya..parang teenager lang ang reaction, cute..hahaha!

"Kelan pa?!"

"Three weeks ago?"

"Andaya naman, bakit ngayon mo lang sinabi.."

"Sorry naman, enjoy na enjoy syempre ako..hehe."

Hinawakan ko ang kamay niya at nasalat ko ang suot niyang singsing..

"A-ate..?"

She smiled..

Ang saya ko rin for her..

"Actually nauna yung proposal niya kesa manligaw..hahaha!"

Kinikilig ako sa kanilang dalawa..haha..

"--Kayo pala ni Vlad?"

Agad naman akong nag iwas ng tingin..

"Naikwento sa akin ni Kyle.." Ang pagdating ni Patrice ang tinutukoy niya.

"I'm sorry kung wala akong nagawa para sa'yo.."

"Don't worry ate..okay lang naman ako eh.."

"Hindi narin ako makakapayag na bumalik pa sya kay Vlad."

"P-pero..kailangan na ate.."

Sinabi ni Kyle na anytime soon ay pwede narin bumalik ang vision ni Vlad dahil sa patuloy na medication niya at continued rest.

"You love him..don't you?"

Tumango lang ako.

"Magagawan pa naman siguro ng paraan para mapaghiwalay sila ng walanghiyang babaeng iyon."

Naging mahaba pa ang pag uusap namin pero umalis narin sya bago pag mag nine, may usapan pa raw sila ni Erik. Buti pa sila..

Maaga din akong dinalaw ng antok, dala nari siguro ng pagod kaya tumabi na ako kay Vlad.

Pagkatapos naming magbreakfast ay nakinig lang ng cartoons si Vlad..haha, parang bata lang. Magsisimba kami mamayang hapon.

*buzz buzz buzz*

Simula nung nangyari sa amin ni Patrice naging matatakutin na ako pag may nagdo-doorbell. Di na kasi maalis sa isip ko yung sinabi niyang babalik sya.

"Maxine..I mean, Patrice pala.." Buti nalang pabulong ang naging pagbati ni Bea..nakilala ko na sila ng dumalaw sila dito weeks ago.

"Bea, Dale..tuloy kayo.." Karga karga ni Dale si Jacob, habang dala naman ni Bea ang isang medyo may kalakihang bag.

"Sorry sa istorbo ah, pero pwede ba muna naming iwan sa'yo si Jacob..medyo malayo kasi yung kasal na pupuntahan namin ni Dale eh. Di pa kasi masyadong sanay magbyahe itong si Jacob.." sabi ni Bea.

"Ok lang ano ka ba..sunduin niyo nalang si Jacob dito mamayang gabi. Mas okay nga na dito niyo sya iiwan para umingay naman dito."

"Naku, thank you ha..wag kang mag alala di naman masyadong makulit itong anak namin eh." Kinuha ko naman si Jacob sa braso ni Dale at nagpaalam narin sila.

"Jacob, kumain ka na?"

"Yes po..can I call you mommy po? Kasi I have mama na.." Napangiti naman ako, di ko tuloy napigilan ang sarili kong kurutin pisngi niya..ang cute talaga ng batang ito.

"Sure!!"

Inilagay ko lang sa sala yung gamit niya at hinayaan na syang tumakbo takbo..

Ang kulit kulit.

"Jacob, lets go to your ninong.." Niyaya ko sya sa kwarto kung saan naroon at nanood--no nakikinig si Vlad.

"Vlad.."

"Babe?"

"Jacob's here.."

"Hello ninong Blad!" Napangiti nalang ako..di talaga niya mabigkas ang Vlad..

"Hi baby Jacob.."

Tumakbo sa kanya ang bata at yumakap sa kanya..kumpleto na ang bahay bahayan namin--may instant anak narin oh..ang cute tignan..

Ay shizz, ano ba 'tong iniisip ko?

Hinayaan ko ng magstay sa kwarto si Jacob kasama ni Vlad at parehas silang nanood ng cartoons. Behave na behave naman si Jacob dahil talagang nanonood lang sya. Sinamantala ko na ang pagkakataon, naglinis ako ng bahay. Before ako magluto ay binalikan ko ang dalawa sa kwarto..

Si Vlad at Jacob--parehong tulog, nakaunan sa braso niya ang ulo ni Jacob. Hinatak ko ang comforter para di sila ginawing pareho.

After ko magluto ay di ko na muna agad ginising ang dalawa. Siguro mga 1:30 na nung balikan ko at sakto nag iinat na si Vlad..

"Mommy.." Napatingin naman ako kay Jacob..

"Mommy.." Ulit pa niyang tawag..mommy daw..mommy..ay oo nga pala, di nga pala tita oh ninang ang tawag niya sakin. Mommy nga pala. (-____-") Lumapit ako sa kanya at binuhat sya.

"Jacob..lets eat na.."

Napatingin naman ako kay Vlad, he's smiling.

"Vlad, halika na..past 1 na oh. Kain na tayo ng lunch." Hinawakan ko naman ang isang kamay niya at tinulungan din siyang makatayo. Pagkatayo ay hinatak niya kami ni Jacob saka niya kami niyakap.

Napapikit nalang ako, medyo natutulog pa sa braso ko si Jacob. This feels like home. ^______^

Continue Reading

You'll Also Like

129K 3.6K 35
[COMPLETED] Fiarra Charlotta Shryte, a 20 year old woman and Lurd Demhon Verotome Scendon, a 23 year old man... Magmamahalan at masasaktan. Paghihiw...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
690K 6K 47
A perfect epitome of love story, which you can relate with, it can make you cry, make you laugh and make you fall in love, this book is not all abou...
1.7M 4.1K 4
Married was never part of Alejandria's plan. But, because of one stupid deal she was forced to do it. How can she escaped from it? Would she runaway...