Wait For Me (COMPLETED)

By whenIsaySandy

10.1K 2K 2.4K

Labis na dinamdam ni Seonaid ang pagkasawi ng kanyang asawa na si Horace. Ilang taon itong nagluksa ng nag-ii... More

Wait For Me
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28 - 1
Chapter 28 - 2
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Author's Note

Epilogue

120 22 35
By whenIsaySandy

Horace's POV

Bumaba na kami ng sasakyan ni Seonaid habang magkahawak-kamay papunta sa main entrance ng mental institution kung saan dito dinala si auntie Wilma pakatapos ma-confine sa hospital dahil sa paglaslas nito sa sariling pulso.

Ilang taon namin hindi ito nakita o nabisita dahil inaamin ko na hindi pa ganoon kalalim ang paghilom ng mga sugat na ginawa ni auntie Wilma, hindi literal na sugat na nakikita ng mga mata o nalulunasan ng mga gamot ngunit isang malalim na sugat na nagkapilat na sa aking puso, kay Seonaid at sa ibang taong nasaktan ni auntie.

Bagamat hindi man siya nakulong sa likod ng rehas, alam kong pinagbabayaran niya na ang lahat ng ginawa niyang kasalanan.

Naglalakad kami ngayon ni Seonaid kasama si nars Jerome papunta sa hardin. May dala kaming mga prutas at pagkain na puwedeng makain ni auntie Wilma.

Nakita na namin si auntie na nakaupo sa wheelchair habang nakatingin sa malayo.

Umupo kami ni Seonaid sa isang sementadong upuan katabi ni auntie Wilma. Nasa harap ko ito na nakatagilid mula sa akin at kay Seonaid. Ilang minuto kaming hindi nagsasalita, nakikiramdam lang sa bawat isa.

Pinagmasdan ko muna si auntie. Ibang-iba na ito sa dating itsura, hindi na raw ito nakikipag-usap at nakatingin lang sa malayo. Malayong-malayo ito sa dating itsura, manipis na ang buhok, at pumayat din ito.

Huminga muna ako nang malalim. "Auntie," tawag ko sa kanya. Hindi ito tumingin sa akin, kung anong posisyon nito kanina ay ganoon pa rin ngayon.

"Auntie, kumusta ka na?" tanong ko. Ang totoo hindi ko alam ang sasabihin ko. Awang-awa ako sa nakikita ko ngayon sa kanya bagamat kalahati ng utak at puso ko ang nagsasabing nararapat lang sa kanya ito.

"Auntie, may dala kaming pagkain ni Seonaid para sa 'yo. Kapag gutom ka, puwede mong kainin 'yon ah," sabi ko.

Hindi pa rin ito kumikibo, nakatingin lang sa malayo.

"Auntie, huwag kang mag-alala dadalasan na namin ang pagdalaw namin sa 'yo," tumigil muna ako ng ilang sandali. "Pasensya na kung ngayon lang kami nakabisita sa 'yo auntie, hindi lang talaga naging madali para sa amin na harapin ka ulit."

"Inaamin kong galit na galit ako sa 'yo auntie dahil hindi naman kasi biro ang ginawa mo. Pumatay ka ng mga taong akala mo hindi ka tanggap, na akala mo hindi ka nila minahal," dagdag ko.

"Isang pagkakamaling nag-udyok sa 'yo na magsinungaling at mangloko ng ibang tao. Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin auntie, inalisan mo ako ng pagkakataon na maipakilala ko man lang sa mga anak ko sina mama at papa," patuloy ko.

Hinawakan naman ni Seonaid ang kamay ko at ngumiti ito sa akin na para bang sinasabi niya sa akin na magiging maayos ang lahat.

"Auntie," tawag ko ulit sa kanya. Hindi ito lumilingon sa akin. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ako o nakikinig lang siya.

Ayoko man gawin ito pero para sa katahimikan ng sarili ko, at ng pamilya ko ay gagawin ko.

Huminga muli ako nang malalim. "Maniwala ka man auntie o hindi, hindi ito madali para sa akin. Gusto ko lang sabihin na pinapatawad na kita. Alam kong mahirap paniwalain pero totoo ang sinabi ko," saad ko.

Napansin ko ang pagtulo ng luha ni auntie sa sinabi ko.

"Sana matutunan mo rin patawarin ang sarili mo auntie," dagdag ko.

"Sir Horace, ma'am Seonaid, kailangan na pong bumalik ni Ms. Dela vega," sabi ni nars Gina, ito ang tumatayong nars ni auntie Wilma rito sa mental.

Pinunasan ko muna ang pisngi ko bago tumayo at tumango kay nars Gina. Tiningnan ko muna si auntie Wilma.

"Auntie, aalis na po kami ni Seonaid," paalam ko.

Bigla naman lumapit si Seonaid at hinawakan sa kamay si auntie Wilma. "Tita, magpalakas po kayo ah. Babalik po kami," nakangiti nitong sabi kay auntie.

Napatingin kami sa isa't isa nang hinawakan din ni auntie Wilma ang kamay ni Seonaid at tumingin ito sa amin habang umiiyak. "Ahg," hirap nitong sabi.

Nalaman kasi namin na na-stroke si auntie Wilma last year na labis na naapektuhan ang pagsasalita nito. Hindi naman sana magiging malala ito pero dahil ayaw nitong magpa-speech therapy at hindi na raw ito nagsasalita pakatapos ma-stroke, posibleng mahihirapan na itong magsalita.

Niyakap ko ito habang umiiyak kaming pareho. Bagamat hindi ko kadugo si auntie Wilma, tinuturing ko pa rin siya bilang pamilya ko. Hindi pa lubos na tinatanggap ng sistema ko ang ginagawa ko ngayon pero alam ko na darating ang araw na gagaan ang bigat na nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang ginawa niya sa pamilya namin.

Halos gabi na kaming nakauwi ni Seonaid dahil sa layo ng mental hospital mula sa bahay namin. Inaamin ko na ayokong patawarin si auntie Wilma pero tama ang asawa ko, hindi naman ibig sabihin na kapag pinatawad ko si auntie ay kakalimutan ko na ang lahat ng ginawa nito. Kahit hindi siya karapat-dapat na patawarin ay mas pinili kong patawarin ito dahil gusto kong makuha ang hinahangad kong katahimikan. At sigurado akong ito rin ang nais nina mama at papa na kailangan kong gawin.

"Mahal," sabi ko sabay amoy ko sa kanyang leeg. Naglo-lotion kasi ito sa harap ng salamin. Napatulog ko na rin ang kambal.

Bigla naman itong tumayo at tiningnan ako ng seryoso. "Ano ba Horace?!"

"Bakit ba?" sabi ko. Nagugulahan ako sa reaksyon nito sa akin.

"Huwag mo akong lapitan. Ang baho-baho mo!" Inipit nito ang sariling ilong ng kanyang dalawang daliri.

"Grabe ka naman mahal, kakaligo ko pa lang," sagot ko. Inamoy ko ang sarili, oh hindi naman ah? Ang bango ko nga! dugtong ko sa isip ko.

Napansin ko rin ang pagkuha nito ng unan at nagulat ako nang tinapon niya sa akin ito, mabuti na lang magaling akong umiwas.

"Ano ba ang problema mo Seonaid?" seryoso kong tanong.

Nakita ko ang gulat nitong reaksyon sa sinabi ko, bigla naman itong humagulhol. "Hindi mo na ako mahal!" atungal nito.

Agad ko itong nilapitan at niyakap. Ayokong umiiyak ito dahil nasasaktan ako kapag nakikita ko ito na umiiyak.

"Ano ba?! Lumayo ka nga sabi!" sigaw nito. Tinutulak naman ako nito.

Ano bang problema ng asawa ko? Pansin ko ang pagiging moody nito kanina pang umaga pati nga ang french fries na nabili namin sa drive thru kanina ay kailangan daw na isawsaw ito sa bagoong, hindi sa ketchup. Naisip ko nga na baka ganoon lang kamahal ng asawa ko ang produkto namin.

Akala ko lang pala. Kanina dumaan kami sa wet market bago kami umuwi sa bahay dahil may bibilhin daw siya. Akala ko bibili siya ng isda, kaso nang nakita ni Seonaid ang pagtadtad ng isang vendor sa isang malaking isda, bigla itong umiyak. Iniiyakan niya raw ang isda dahil tinatadtad ito. Hindi ko alam kung tinotopak na naman ito o hindi. Nagalit pa ito sa akin dahil wala raw akong ginagawa para tulungan ang isda, at sinisi rin ako kung bakit pumunta pa kami sa palengke, napagod daw tuloy siya.

Ganyan na ganyan siya kapag buntis. Napakaweirdo. Teka, buntis?

"Luh, mahal kailan ba ang huling araw ng regla mo?" tanong ko.

Natigilan ito sa pagtulak nito sa akin. Nakita ko rin ang reaksyon nito na para bang may napagtanto sa sinabi ko.

Bigla naman bumukas ang pinto at nagtitinakbo ang kambal papunta sa amin. Teka, pinatulog ko na ang mga ito ah.

"Daddy, mommy, dito kami matutulog ni kuya Ash," sabi ni Ara Dulce habang nakangiti sa amin.

"No more buts daddy," seryosong sabi naman ni Ash Damien sa akin.

Luh? Paano ko naman masosolo ang asawa ko?

"Sige mga anak, dito na kayo. Sa labas naman si daddy niyo matutulog, 'di ba daddy?" baling ni Seonaid sa akin.

"Hindi. Ayoko," sagot ko.

"No, mommy! Please. Zombies will eat daddy's brain," sabi ng prinsesa ko habang magkadikit ang mga palad nito sa isa't isa.

Ang kyut talaga ng baby girl ko. Tumango-tango naman ako habang naka-pout. Talagang magkakampi kami palagi ng mga anak ko.

Napabuntong-hininga na lamang ang asawa ko. "Fine baby," nakangiti nitong sabi kay Ara.

Pumunta sa gitna ang kambal kaya napahiwalay kami ni Seonaid. Agad naman ang mga ito humiga at nagkumot. Wow! Ibang klase. Ang bibilis!

Napansin ko rin ang pagkatuwa ni Seonaid sa kilos ng kambal.

"Good night mommy and daddy," sabay na sabi ng kambal.

"Nag-pray na ba kayo?" tanong ni Seonaid sa kambal.

"Opo," sabay na sagot naman ng kambal.

"Good night twins," sabay rin naming sabi ni Seonaid. Napatingin kami sa isa't isa at bigla naman lumapit si Seonaid at hinalikan ako.

"Good night daddy," nakangiti nitong sabi sa akin.

"Good night mommy," agad kong sabi.

Hahalikan ko sana ito nang bigla itong humiga sa tabi ng kambal.

"Mahal!" reklamo ko.

Napangiti na lang ako habang tinitingnan ko sila. Kinumutan ko ng maayos ang mga ito. Nanalangin muna ako sa Diyos bilang pagpapasalamat sa binigay niyang pamilya sa akin at sa kaginhawaan na naramdaman ko mula nang nagpatawad ako.

Pinatong ko na ang wristband ko sa ibabaw ng drawer na katabi ng kama namin ni Seonaid. Nakita ko rin na naroon na ang wristband ni Seonaid kaya pinagtabi ko ito sa aking wristband.

S
2020

END

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 512K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
694K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...