Keep The Music Playing (Compl...

By melainecholy

3K 96 7

She was looking for her prince charming... He was looking for escape... Natagpuan nila ang isa't isa. Itinuro... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Epilogue

Chapter Ten

114 3 0
By melainecholy

            Kabadung-kabado si Vlad habang naghihintay sa waiting area sa labas ng Emergency Room ng hospital. Madaling araw nang isugod niya ang asawa dahil sa biglaang pagsakit ng tiyan nito na nasundan ng pagdudugo. Lubos ang pag-aalala niya dahil wala pa sa hustong buwan ang sinapupunan nito para manganak. Eight months pa lang.

Nang hindi siya mapakali ay tumayo siya at inihilamos sa mukha niya ang kanyang mga kamay.

"Relax ka lang, anak. Dasal ka lang at magiging okay din ang mag-ina mo," pag-aalo sa kanya ng Nay Marie niya.

"Kinakabahan talaga ako, 'Nay."

Ang mga magulang niya at pamilya ni Amhiela ay ando'n at naghihintay.

"Ayokong patulan ang pagka-nerbyoso nitong si Vlad, pero iba rin ang kutob ko," sabi ni Mama Mhiel. Nakadagdag iyon sa kaba ni Vlad. Kahit kailangan, hindi nagkakamali ang mother's instinct.

"Ma, hindi iyan makakatulong," sita naman ni Hamiel.

Kumabog sa kaba ang puso niya nang lumabas ang doctor mula sa ER at agad siyang hinarap. "I'll be honest. You're wife and the baby is not in good condition. Medyo marami ng dugo ang nawala sa asawa mo kaya kailangan na naming magsalin ng dugo sa kanya. Nakita rin namin na nakaikot na ang umbilical cord sa leeg ng baby. Kailangan na niyang manganak. We'll be transferring her to the OR to undergo cesarean operation. This might not be easy for her and the baby as well."

Pinigilan niyang maluha sa harap ng doctor. "Do the right thing...everything, doc. Just save their lives."

The doctor nodded and walked back to the Emergency Room. Ilang saglit lang ay inilipat na si Amhiela sa OR. Matyagang naghihintay silang lahat sa waiting area sa labas noon. Panay ang tingin niya sa pintuan ng operating room. Bilang na bilang niya ang bawat minutong lumilipas dala ang abot langit na panalanging malagpasan ng mag-ina niya ang panganib.

Sari-sari ang tumatakbo sa isip ni Vlad. Why those things have to happened? Karma ko po ba ito dahil nasaktan ko siya? Ako na lang po ang parusahan Nyo kung kasalanan ang maging bakla. 'Wag Nyo pong singilin ang mag-ina ko.

Tears fell from his eyes. Hindi niya maipaliwanag ang takot na nararamdaman niya sa puso niya. Tila wala iyong katapusan na pawang kinukuha lahat ng lakas niya at pilit siyang ginugupo hanggang sa dumating sa puntong sinisisi na niya ang sarili niya.

Kasalanan ko 'to. Kung wala akong sakit, hindi siya mag-aalala sa akin hindi iyon makakadagdag sa stress niya. Kung hindi bumalik si Christian, hindi ko siya masasaktan. Kasalanan ko! He sobbed. Naramdaman niya may nag-tap ng likod niya. It was Amhiela's mom.

"Hindi ko alam kung paano sabihin yong, 'maging matapang ka' dahil ako mismong ina niya, takot na takot ngayon. But we have to be strong, Vlad. I know you love my princess so much and I also believe my husband was on her side right now. Hindi siya pababayaan ng ama niya."

"Sinusubukan ko po, Ma pero talagang abot langit na po ang takot ko."

Na-appreciate niya ang yakap ng mother in law niya. "Believe in her. She'll make it."

Ilang minuto na lumipas at nanatiling tahimik ang OR. Mabigat na mabigat ang loob ni Vlad. Nagpa-flashback sa isip niya lahat ng naging pagkakamali niya na sa tingin niya ay naging dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Until they heard a baby's cry. Nagsunod-sunod ang patak ng luha niya. Isa na siyang ama. Official na, ngunit taliwas sa ibang nagiging ama, mas napapangunahan siya ng takot kaysa excitement. Upang maalis saglit ang tension na nararamdaman ay naglakad siya pabalik-balik sa hallway. Lahat na ng paraan para makumbinsing magiging okay ang lahat ay ginawa na niya ngunit walang manalo sa takot na nararamdaman niya. Lumapit siya sa pintuan ng OR. Please Ayen, stay with me. You can make it okay? Matapang ka, kaya mo iyan. I'll be a better husband, wag mo lang akong iiwan. Another batch of tears fell.

Until the door opened.

"Mr. Cerio, you're baby is alive but she's weak. She's having some trouble in breathing. We have to transfer the baby into the neonatal intensive care unit and do strict monitoring for couple of hours to make sure that she's going to live."

"Ang asawa ko po?"

"She's not yet out of danger though we promise to do our best to save her. For the mean time, we'll transfer her to ICU." The doctor went back to the OR.

Daig pa niya ang nabagsakan ng mundo. Sa ICU dadalhin ang asawa niya, nangangahulugang kritikal ang lagay nito. Ayaw tanggapin ng puso at isipan niya ang narinig. Mas gugustuhin niyang siya na lang ang magkasakit, masaktan, mahirapan, at manganib ang buhay. Alam ng Diyos na kung maaaring magpalit sila ni Amhiela ng sitwasyon, mas gugustuhin niyang siya ang nasa bingit ng kamatayan at hindi ang asawa niya at ang anak niya. Dobleng dagok ang kapalit ng lahat...at sinisisi niya iyon lahat sa sarili niya.

Matapang na sumama siya sa mga nurses na naghatid sa asawa niya sa ICU. Binigyan siya ng doctor ng pagkakataon na makita ang asawa bago ito ma-isolate. Kung anu-anong aparato ang inilagay dito madugtungan lamang ang buhay nito. Awang-awa siya sa lagay ng asawa.

"I'm sorry, Ayen. Please, wag kang susuko. Mahal na mahal kita. Alam kong hindi mo akong iiwan kasi di ba andami nating pangarap para kay Mirasol? Tutuparin natin iyon lahat. Kaya magpapalakas ka at magpapagaling ha. Andito lang ako, hindi rin kita iiwan kaya please, lumaban ka. I love you, Ayen." He leaned down and kissed her forehead with so much love. Pagkatapos ay lumabas siya ng ICU. Kailangan naman niyang asikasuhin ang baby niya na nasa neonatal intensive care unit.

"Hamiel, kayo muna bahala dito ha. Puntahan ko lang ang baby ko," sambit niya dito.

"Sige pare."

Binalingan niya ang ina at in law. "Magpahinga muna po kayo."

"Wag mo kaming intinidhin, Vlad. Hindi ko iiwan ang anak ko na ganito ang lagay," tugon ni Mama Mhiel.

Binalingan niya ang ina.

"Okay lang din ako anak."

"Sige po. Pupunta lang po ako sa NICU." He turned to walk towards the NICU. Mabigat ang kanyang kalooban habang naglalakad. Kahit gaano katindi ang kagustuhan niyang iligtas ang buhay ng mag-ina niya, wala naman siyang magawa kundi ang magdasal at maghintay.

How he hated his situation. Kung hindi siguro ako ang napangasawa ni Ayen, di ito mangyayari sa kanya. Maraming bagay ang nagsisulputan sa isip niya. Naging mabuting asawa nga ba siya? Magiging mabuting ama ba siya? Magiging masaya pa ba sila? Pumatak muli ang luha niya nang makarating siya NICU.

Pinapasok siya ng nakabantay na nurse at ini-assist siya kung nasaan ang baby niya. Nadurog ang puso niya nang makita ang sitwasyon ng anak. May oxygen na nakakabit dito dahil nahihirapan daw itong huminga ayon sa doctor. Napakamusmos pa nito para maghirap agad. Bakit di na lang sana ginawang okay ang lahat, walang nahihirapan, at walang umiiyak? Muli niyang pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi niya.

"Ayen Mirasol, anak. Dito lang si Daddy ha. Gusto pa kitang kargahin, alagaan, yakapin, ipaghele kaya wag ka munang aalis anak. Mahal na mahal kita. Mahal ko kayo ng Mama mo." Hirap na hirap ang kalooban niya sa nangyayari.

Matapos ang ilang minutong paglalagi niya sa neonatal intensive care unit ay inabisuhan na siya ng nurse na lumabas muna. Agad na siyang sumunod. Wala na siyang ginawa kundi ang umiyak. Wala siyang pakialam kung makilala siya ng mga tao sa ospital. Walang mas mahalaga sa kanya ngayon kundi ang buhay ng kanyang mag-ina.

Sa pagbalik niya sa ICU para kumustahin ang lagay ng misis niya ay napadaan siya sa chapel ng hospital. Napahinto siya roon. Matagal siyang tumitig sa malaking krus sa may altar. Hindi siya masyadong madasalin kahit palasimba silang mag-asawa. Ngunit batid niyang sa mga sandaling iyon, wala na siyang matatakbuhan kundi ang Diyos lamang. Pumasok siya sa chapel, nag-sign of the cross at paluhod na naglakad habang ang mga mata niya ay nakatitig lang sa krus sa altar.

"Alam ko po Lord na wala akong karapatang humingi ng kahit ano dahil may pagkukulang din po ako sa Inyo. Pero Lord, mahal na mahal ko po ang mag-ina ko."

Nakarating siya sa altar pero hindi niya nagawang tumayo. Panibagong mga luha ang pumatak mula sa kanyang mga mata. Pumikit siya at tumungo. At muling kinausap ang Maykapal. Wala siyang pakialam kung may makakita sa kanya at may makarinig na ibang tao sa panalangin niya.

"Bigyan Nyo po sana ako ng pagkakataong maging mas mabuting asawa, mabuting ama, at mabuting padre de familia. Handa po akong tanggapin ang lahat ng magiging kapalit ng hiling ko." Dumapa siya sa sahig at idinipa niya ang mga braso sa magkabilang dulo para makabuo ang krus. "Isinusuko ko na po ang buhay ko kapalit ng buhay ng mag-ina ko. Kayo na po ang bahala sa amin." Tuluyan na niyang isinuko ang sarili sa Diyos. Kung sakaling ikamatay niya ang kasalukuyang karamdaman, gagawin na lang niya ang lahat ng magagawa niya para masiguro ang magandang buhay ng mag-ina niya bago siya mawala. Handa siyang gawin lahat, isakripisyo ang lahat para sa mag-ina niya. Ganoon niya kamahal ang mga ito.

MARAHANG iminulat ni Amhiela ang kanyang mga mata. Sa pagkakatanda niya ay pangatlong beses na niyang paggising iyon at wala siyang idea kung ilang araw o oras ang pagitan ng paggising niya. Ang alam lang niya, napakahaba ng kanyang pagpapahinga. She was indeed feeling so sick. Nang una siyang magising ay ang kanyang ina ang nakabantay sa kanya. Agad nitong tinawag ang doctor at matapos ang doctor's inspection ay nakatulog siya muli. Sa pangalawang pagkakataon ay si Vlad naman ang nakabantay sa kanya, ilang minuto lang siyang nagkamalay noon. Sa natatandaan niya ay humingi lang siya ng tubig at nahimibing uli.

"Ayen..." Agad na hinaplos ni Vlad ang kanyang pisngi at hinalikan siya sa noo. Mataman siya nitong tinitigan. Bakas sa mata ng asawa ang lubos na pag-aalala at pagod. "Kumusta ang pakiramdam mo? Gusto mo ba ng tubig? Pagkain?"

"Hindi naman, mamaya na lang. Mas okay na ako, Vlad kaya wag ka ng mag-alala."

Vlad sighed of relief but the fear and worry was still on his expressive eyes until she noticed the tears on the corner of his eyes. Umiwas ito ng tingin at pinawi ang sariling luha. "Sorry ha. Hindi ko lang mapigilan. Sorry Ayen ha."

"Bakit?"

"Hindi naman mangyayari lahat ito sa'yo kung di dahil sa akin. Ayen, I almost lost you. I can't even find the right word to describe how worried and scared I am." Pumatak ang luha nito sa pisngi. "Hanggang ngayon, kahit sinabi na ng doctor na stable ka na, stable na rin si Mirasol, hindi pa rin maalis-alis ang takot ko."

Seeing Vlad in tears broke her heart. Ramdam niya ang bigat ng kalooban at takot na pinagdaanan nito habang siya at ang kanilang baby ay lumalaban sa buhay. "It's not your fault, Vlad. Kung anu-ano na naman iyang iniisip mo."

Umiling ito. "It's entirely my fault, Ayen. Naalala mo ba noong tinanggihan mo ang kasal na alok ko? Sinabi mong ako ang problema kasi bading ako. And yeah, dahil sa akin, nagkaroon ka ng maraming problema, worries at stress na naging dahilan ng pre-mature labor mo. It was entirely my fault. I'm sorry. Sana hindi na lang ako ang napangasawa mo di ba? You will be far better if you married someone else. I'm sorry, I dragged you this kind of life."

Kung hindi lang siya walang lakas magtaray ay baka nakapagtaas na siya ng kilay o kaya naman ay napairap. Instead, she grabbed his hands and squeezed tight. "Hindi kasalanan ang pagiging bakla. Sorry kung nagkaroon sa'yo ng negative thoughts ang mga nasabi ko dati. Pero wala akong pinagsisihan sa nangyari ngayon. Kung wala ka sa tabi ko, baka wala na rin talaga ako ngayon. Hinding-hindi ko pinagsisihan na pinakasalan kita." Pinawi niya ang luha nito sa pisngi. "Ayokong nakikita kitang ganyan, Vlad. Ang gusto kong makita ay ang Vlad na matapang at mapagmahal. Wala kang kasalanan okay? Itigil mo na ang paninisi sa sarili mo. Okay na ako. At mas magiging okay ako kasi andito ka sa tabi ko. Plus, we have Mirasol. Nagsisimula pa lang ang buhay natin, Vlad. At kahit anong sabihin ng ibang tao dyan, proud akong ikaw ang mister ko at ikaw ang ama ng anak ko."

"Maraming salamat, Ayen. Mahal na mahal kita. Magiging mabuti akong asawa at ama. I'll promise that. Aalagaan ko kayong mabuti at hinding-hindi ako papayag na mawala kayo sa akin." He kissed her with so much love and tenderness.

Amhiela lovingly kissed him back. Then she stared at him, silently telling him how much her love for him gone bigger just because he was able to hold on to her despite of his personal issues. "Wala akong hihilingin..." napangisi siya bago ituloy ang naisip niyang sasabihin, "kundi ang kagandahan ko lang ang iyong sambahin." Then she laughed.

Napatawa na rin niya ito sa wakas. "Bakit iyon? Wala bang iba?"

"Wala, pagdusahan mo ang nag-iisang hiling ko na iyon."

"Ganon? Sige na nga."

"Napilitan?"

"Hindi na-cute-an lang."

She smiled. "Vlad..."

"Hmm? Gusto mo ng kumain?" Umiling siya. "Tubig?"

"Hindi. Gusto kong bumangon sana. Parang 10 years na akong nakahiga. Masyado na kaming close ng kutson."

Tumayo ito. "I-adjust na lang natin ang hospital bed mo. Much better kung nakasandal ka pa rin kesa nakaupo lang."

Hinayaan na niya itong i-adjust ang hospital bed. Naging mas comfortable sa kanya na bahagyang elevated ang upper body niya. Bumalik si Vlad sa tabi niya at umupo sa gilid ng hospital bed. She asked him to move closer. She lovingly embraced him. "I love you so much, Vlad. Kahit anong panghihina ng loob pa ang daanin mo, wag na wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita at palagi akong andito kahit anong mangyari."

"I love you more, Ayen." He moved a little to gaze on her. "Gusto mong makita si baby?" She nodded. Kinuha nito ang Iphone at pinakita sa kanya ang mga pictures ng baby nila na hanggang sa mga sandaling iyon ay nasa neonatal ward pa rin. "Noong two days niya, may oxygen siya kasi nahihirapan pa ang lungs niya na mag-pump ng enough air para makahinga. Sa awa ng Diyos on the third day, inalis na ang oxygen pero need pa daw niya na mag-stay sa intensive care unit."

"Ilang araw na ba kami dito?"

"Five days. Cute ni baby ano? Nakuha niya ang mata mo. Nung kinarga ko siya kanina, parang ikaw ang tinititigan ko."

"Gusto ko siyang makita, Vlad."

He gave her a sweet quick kiss. "Itatanong natin mamaya sa doctor kung pwede mo siyang makita. For the mean time, pictures muna."

She was happily browsing the photos when Vlad suddenly grasped his chest. Nag-aalalang binalingaan niya ito. "Vlad—"

Suminenyas itong okay lang ito. "I'm fine, lately nagkaka-chest pains at abdominal pain ako. But I'm okay."

"You're not! Nasa hospital na rin lang tayo, magpa-ER ka na."

"Hindi ko moment sa hospital, Ayen. Ayoko."

"Vladimir, wag mo akong gagalitin okay?" Hindi na ito umimik. She took it as retreat. She pressed the intercom and requested a doctor to attend her huband. At wala na rin itong nagawa.

NANGINGITI si Vlad habang tumutugtog siya ng mellow piano pieces. He was randomly playing piano versions of different love songs that served to be the best lullaby for his wife and baby. Kasalukuyan silang nasa kwarto. His baby Mirasol was sleeping in the crib on his side while his wife was on the bed taking an afternoon nap. Mas pinili niyang maging live lullaby ng kanyang mag-ina kaysa matulog. Mula nang maidlip ang mga ito mahigit isang oras na ang nakalilipas any tumutugtog lang siya ng piano, practice and lullaby in one. Ang mga songs kasi na tinutugtog niya ay bahagi ng collaboration album na ginagawa nila ni Limien Rose kung saan ang nanay nito ang producer.

"Vlad, hindi ka man lang tumayo diyan mula nang matulog kami?"

Bumaling siya sa kama at ngumiti. Ipinagpatuloy lang niya ang pagtugtog sa piano. Abot langit pa rin ang pasasalamat niya at nagawang makaligtas sa bingit ng panganib ang kanyang mag-ina. Ilang linggo ding nanatili si Amhiela sa hospital habang ang kanilang baby ay higit sa isang buwan ding kinailangang nasa pangangalaga ng hospital. At ngayon nga, sa wakas, naiuwi na rin nila ang baby. Ligtas na rin si Mirasol sa panganib. Unti-unti nakahinga si Vlad ng maluwag ngayong batid niyang malayo na ang chance na mawala sa kanya ang mag-ina niya. Pinagpapasalamat din niyang kahit madalas umatake ang sintomas ng kanyang sakit, nanatili pa rin siyang matatag. Walang tuwirang gamot ang sakit niya kaya ipinagdarasal na lamang niya na wag muna siyang lumala para maasikaso pa niya ang pamilya.

Umiling siya. "Mas masaya kayang tugtugan kayo. How's your sleep?"

"Okay naman." Bumangon si Amhiela at lumapit sa kanya. She lovingly embraced on his shoulder from his back. "I like that love song, kantahin mo, please."

"Baka magising si baby."

"Hindi iyan, please? Na-miss ko ng kinakantahan mo ako."

Ibinalik niya ang tinutugtog sa note ng first stanza ng kanta. He then started to sing his rendition of Come What May of Air Supply.

"When she looks at me, I know the girl sees things nobody else can see. All of the secret fears inside, all of the craziness I hide. She looks into my soul and reads me like nobody can. And she doesn't judge the man. She just take me as I am..."

Isa iyon sa personal choice of song ni Vlad sa album na ginagawa nila ni Limien. That song perfectly describe who was Amhiela in his life. That song described how she affected him and his life in general.

"Come what may she believes and that faith is something I've never known before. Come what may she loves me and that love has helped me open a door, making me love myself a little more..."

Naramdaman niyang humalik si Amhiela sa kanyang pisngi. How he loved moments like that. Kahit siguro anong paghihirap ang pagdaanan niya ay hindi siya mawawalan ng lakas basta't nasa tabi niya ang asawa.

"When I turn away, she knows those are the times there's nothing left to say. Nothing that anyone can do and so she lets me live it through. And when I'm in my darkest hours of uncertainty, she just simply lets me be and goes right on loving me..."

Ipinagpatuloy niya ang pagkanta hanggang sa matapos. His loving wife gave him a round of applause and hugged him again. "I love you so much, Vlad. I hope I was really able to win your heart and made you a man. Pero alam mo naisip ko, hindi naman importante kung mabago mo ang preference mo o hindi. Ang mahalaga, andyan ka, minamahal mo ako, naging mabuti kang asawa sa akin at naging mabuting ama ka kay Mirasol."

He turned to face her. Hinapit niya ito sa baywang at saka tinitigan ng buong pagmamahal. "Hindi ko alam kung anong meron ka, Ayen. Ang alam ko lang, naibigay ko na sa'yo ang pinakamataas na level ng love na kaya kong ibigay sa isang love partner. I'm still guilty of my past. I'm still blaming myself from hurting you, but you keep on letting me feel that I am loved. I love you so much, Ayen. I just can't wish anything more than having you and Mirasol with me." He gently grabbed her nape and kissed her tenderly...lovingly...passionately.

Then a door bell interrupted.

"I'll check the door," sambit niya. He gave her a last quick kiss bago siya tumayo.

Nagising ang baby marahil ay dahil sa nag-iingay na door bell. "I'll get the baby," sabi ni Amhiela.

Bumaba na siya at pinagbuksan ng pinto ang kanina pang nagdo-doorbell. Si Miguel, ang kapatid ni Amhiela na hindi nito masyadong kasundo ang bumungad sa kanya. Malaki ang sama ng loob ng asawa niya rito dahil di ito dumating nang ikasal sila at hindi rin ito nagpakita nong nag-aagaw buhay ang asawa niya sa hospital.

"Where's Amhiela? I have to talk to her," Miguel seriously uttered.

He opened the door wider and let him in. "Have a seat, tatawagin ko lang siya."

Pumanhik na uli siya sa silid. "O sino'ng nag-doorbell?" Buhat nito si Mirasol at marahang naghehele ng bata.

Kinuha niya rito ang baby. " Ang Kuya Miguel mo, nasa baba. Kakausapin ka raw."

Agad napairap ang asawa niya. "Sabihin mo na lang na masama ang pakiramdam ko."

"Alam mong hindi uubra iyan. Hindi naman iyon papayag na hindi kayo magkakausap kaya puntahan mo na."

Napanguso ito sa inis. "Mang-aaway lang naman iyon e."

Hinalikan na lang niya ang nakanguso nitong labi para kahit paaano ay maibsan ang pagkainis nito. "Sige na, baba na ro'n."

Napapakamot sa ulong bumaba ito.

"ANO NA NAMAN, kuya?" walang kagana-ganang sambit ni Amhiela. Bihadong umuwi lang ang kuya niya para mambuwisit.

"Don't act like a brat, Ayen. Di ko talaga alam kung talagang nagrerebelde ka or whatever," patutsada nito.

"Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Won't you just go straight to the point?"

"Bakit mo ba pinakasalan iyang asawa mo? Do you know who really he is? I don't think he's worth it for you."

"Kuya, magdahan-dahan ka nga sa pananalita mo. Alam mo bang nakatapak ka ngayon sa bahay ng asawa ko? Kaunting respeto naman. Tinatanong mo kung bakit? Kasi po nagpapakasal naman talaga ang dalawang taong nagmamahalan." Kung hindi niya kapatid ito ay baka nasakal na niya ito sa pagtataas ng kilay sa kanya na parang sinasabing kalokohan ang sinasabi niya. "Ah siguro hindi mo alam ang ibig sabihin no'n kasi nagpakasal ka lang dahil sa negosyo mo." True indeed, nag-asawa nang di nila alam ang kuya niya sa US at inamin mismo nitong nagpakasal lang ito para sa isang business venture. Hindi na rin sila nagtataka kung bakit never pa nilang nakita ang napangasawa nito at hindi pa rin sila nagkakaanak.

Natigilan ito ngunit madaling nakabawi. "You married a wrong guy, Ayen."

Napailing siya. "I married an imperfect guy perfectly, Kuya. Anong karapatan mo namang sabihing mali ang desisyon kong magpakasal kung ikaw nga hindi rin qualified tawaging right guy?"

Nakuyom nito ang palad at akmang sasampalin siya nang may kamay na pumigil dito. "Vlad..."

"Excuse me lang, pwede mong kausapin ng pabalang ang asawa ko. Titiisin ko iyon kahit labag sa kalooban kong ganito mo siya itrato pero hinding-hindi ko hahayaang masaktan mo siya." Iniharang ni Vlad ang free-hand nito para bahagyang ilayo siya sa mga ito.

"Wag kang mangialam, asawa ka lang at kapatid niya ako. Hindi na maganda ang tabas ng dila ng kapatid ko. At dahil iyon sa'yo."

Nagsukatan ng tingin ang dalawa. "Nakatuntong ka sa bahay ko. Alamin mo ang lugar mo." Padabog na binitawan ni Vlad ang braso ng kuya niya.

Binalingan muli siya ng kapatid niya. "Sige mas maganda 'to harap-harapan. Ayen, iyang pinakasalan mo, bading iyan." May ibinigay itong mga pictures. "Nakikipag-relasyon siya sa ibang lalaki." Binalingan niya ang asawa. Sa kabila ng mukha nitong firm and serious bakas sa mata nito ang takot na mapahiya ito sa pamilya niya.

Pictures nina Christian at Vlad. Napansin din niya ang date, kuha ang pictures na iyon ilang araw bago sila ikasal at ang iba naman ay bago niya makumpirma ang tungkol kay Christian. Itinapon niya pabalik dito ang pictures. "And so? Umuwi ka sa Pilipinas para lang diyan? Wow, kuya you're so drastically amazing. Akalain mo iyon? Ikinasal ako, ni phone call wala akong nakuha sa'yo. And you don't even bother to go home when I was fighting for my life when I gave birth to Mirasol. Then ngayon lilitaw ka dito para sabihing bading ang asawa ko? Yes, he is. Alam kong bading siya bago ko pa siya naging boyfriend. And so? Does it have something to bother you?"

"For God sake, Ayen wake up! Hindi siya mabuting asawa. Niloloko ka lang niyan. Paano ka niyan mamahalin kung sa kapwa niya lalaki siya tumitingin? Pag nakatalikod ka, lalandi iyan sa ibang lalaki—"

"Vlad!" Hindi na niya napigilan ang asawa nang bigwasan nito ang kuya niya. Her kuya fought back hanggang sa magrambulan na ang dalawa. Sinubukan niyang awatin ang mga ito ngunit kapwa parehong ayaw magpaawat. "Tigil n'yo na iyan ano ba? Bitawan mo siya, Vlad." Pero hindi siya pinakinggan ng asawa.

Na-corner ni Vlad si Miguel sa pader. "Wala kang karapatang tapakan ang pagkatao ko sa sarili kong pamamahay. Akala mo siguro porke't kapatid ka ng asawa ako, hindi na kita papatulan. You're wrong. Yes, I used to be a discreet gay. I don't know, I might still have that freaking preference within me. Sige, insultuhin mo ang pagkatao ko. Wala naman akong magagawa kung maging isang kahihiyaan para sa pamilya n'yo na nag-asawa ng bakla ang kapatid mo. Pero wag na wag mong huhusguhan ang pagmamahal ko kay Ayen, ang pagiging asawa ko, at pagiging ama ko. Wala kang alam sa pinagdaanan ng marriage namin. Wala kang alam sa nararamdaman ko!" He let go of him.

"An'ng ba'ng gulo iyan? Rinig naming kayo sa labas—Miguel? What happened to you?"

Natigilan sila nang nagtatakang pumasok ang Mama niya at ang magulang ni Vlad. Napaiyak na lang si Ayen. Dumating na ang araw na kinatatakutan ng asawa niya. At ngayon, wala siyang magagawa dahil andon ang kuya niya.

Nilapitan ni Nay Marie at Tay Nathan si Vlad. "Wala bang iimik sa inyo para sabihin kung ano ang nangyayari ha? Bakit nag-uupakan kayong dalawa?" sambit ni Tay Nathan.

Tiningnan niya ng masama ang kuya niya nang yakapin niya si Vlad. Walang masyadong tama si Vlad habang ang kuya niya ay pumutok pa ang labi.

"Your precious daughter—"

"Miguel found out that I am gay." Vlad cut whatever Miguel was about to say. Matapang na sinabi nito ang katotohanan sa lahat.

"Vlad..." nag-alala siya dito. Alam niyang napakabigat ng sitwasyong iyon para sa asawa.

Natigilan lang ang lahat at tila tahimik na nagtatanong ng napakaraming bagay para malinawan sa sinabi ni Vlad.

"You don't have to do this, Vlad."

"I'll be okay. Lalabas din naman iyon dahil hindi naman tayo titigilan ni Miguel." Matapang na pinulot nito ang mga pictures na dala ng kapatid niya at pinakita ang mga iyon sa mga magulang nila. "I had a relationship with this guy way back in high school. Hindi kami nagtagal kasi may girlfriend siya. Naghiwalay kami at namuhay ng magkalayo. Bago kami ikasal ni Ayen, nakita ko uli siya sa pavilion sa village namin. Do'n kinuha ang stolen pics na ito."

"Nagkarelasyon kayo habang kasal ka na kay Ayen. Iyong karelasyon mo mismo ang nagsabi sa akin ng lahat kaya wag ka ng magkaila pa do'n. You're playing on my sister's emotion."

"No! Hindi iyan totoo kuya!" Amhiela shouted on him. Gigil na gigil na siya sa Christian na iyon at talagang gumawa pa ng paraan para sirain ang pamilya niya. Mapipino ko rin ang baklitang iyon!

"Come on! Wag mo ng ipagtanggol ang asawa mong iyan!"

"Wait, let's listen to my son, first can we?" tila pissed off na ring sambit ni Nay Marie.

"Go ahead, Vlad," sambit ni Mama Mhiel.

Hindi na kaya ni Ayen ang feeling na naiipit ang asawa niya sa hot seat. Yumakap na lang siya dito at isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Baka sakaling mas maramdaman nito ang suporta at pagmamahal niya.

"Wala na akong relasyon sa lalaking iyan. At lahat ng iyan alam ni Ayen. Bago maging kami, sinabi ko sa kanyang discreet gay ako. Tinanggap niya akong buong-buo kahit ako nga mismo hindi ko tanggap ang sarili ko. Hindi ko gustong maging bading. Lahat ng hirap pinagdaanan ko. Wala akong karapatang maging isang pagkakamali kasi kilala ang pangalang dala ko sa apelyido ko. Ginawa ko lahat para iwasan maging ganito. Pero ito ako. At minahal ako ni Ayen kahit ganito ako. Pinaramdam niya sa akin kung gaano kasarap sa pakiramdam ng merong babaeng uuwian ko gabi-gabi, may kaibigan, kapatid, kakulitan, kaaway, kalambingan. Bahala na kayong humusga sa pagkatao ko. Oo, bading ako, pero hindi ibig sabihin no'n, hindi ko kayang magmahal ng babae. I actually did. And I will always do. Mama Mhiel, mahal ko po si Ayen. Mahal na mahal. Alam ko pong forever akong magiging kulang para sa kanya, pero ginagawa kong lahat para maging karapat-dapat sa pagmamahal na binibigay niya sa akin."

Natamik ang lahat. Amhiela was just hugging him with so much love. Lalo niyang hinangaan ang asawa niya sa katapangang ipinakita nito. She calmed herself and faced their parents. Napakaswerte nilang mag-asawa dahil nagkaroon sila ng mauunawaing magulang. Her mom was just looking at them with glimpse of understanding in her eyes. Same goes with Vlad's parents.

"Please po, don't condemn my husband. Mahal po niya ako. Mahal po niya kami ni Mirasol. At kahit ano pong sabihin n'yo o isipin n'yo, lalo na ikaw kuya na walang ginawa kundi sirain ang buhay ko, hinding-hindi ko isusuko si Vlad."

"You are impossible, Amhiela. I'll just go ahead," bad trip na umalis si Miguel.

"Ay naku, pagpasensyahan mo na Vlad ang anak kong iyon ha. Iba talaga ugali no'n. Tingnan mo pati akong ina niya hindi niya napansin. Kaya nga pinababayaan ko na lang siya do'n sa States. Wag kang mag-aalala, Vlad, walang nabago. Mas naging kampante pa akong nasa mabuting kamay ang anak ko." Mama Mhiel gave them a motherly hug.

"Well in our case, kakausapin muna namin ang anak ko. Privately, can we?" saad ni Tay Nathan.

Binalingan muna ni Ayen si Vlad. "You'll be okay ha. Sa taas muna kami ni Mama."

"Sige..." He gave her a quick kiss. "Love you."

"Love you."

With her mom, she went up on their room while Vlad had a long talk with his parents downstairs.

Continue Reading

You'll Also Like

713 100 18
[ONGOING] TAMING THE AÑONUEVO SERIES #2 Disobedience is the most common trait of one of the Añonuevo heiress, Alissa Añonuevo. From taking Nursing wh...
154K 4.8K 16
Black Blade Series #2 "As you grow older, you will discover that you have two hands. One for helping yourself, the other for helping others" - Audre...
7.7M 226K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
683 81 39
tadhana // ikatatlong serye ng pag-ibig Si Anastacia, isang binibini na binansagan bilang isang perpektong binibini sapagkat ang lahat ay nasa kaniya...