Chapter Eleven

108 4 0
                                    


"Ay naku friend, puwede bang pass muna?" sagot ni Amhiela kay Tomomi. Habang nakikipagchikahan ay naghihiwa naman siya ng mga gulay na rekado sa nilulutong pansit ng mother in law niya at sina Tomomi at Limien naman ay gumagawa ng dessert. Nagyaya ang kaibigan niya ng out of town vacation ngayong wala ang asawa ito.

It was Sunday morning at mula nang makapanganak siya kay Mirasol ay itinakda na nilang family day ang Sunday. Pumupunta sa bahay nila ang pamilya ng asawa at ang pamilya niya. Nasa garden na may basketball court ang mga kalalakihan kasama ang asawa niyang nakatoka sa pag-aalaga kay Mirasol. Siya, ang sister in law niya na si Limien Rose, si Tomomi, at si Nay Marie na abala na harap ng kalan ang nakatoka sa pagluluto. Ang mama niya lang ang wala dahil kasalukuyang nasa ibang bansa ito.

"Ilang beses ka ng pass friend, kakatampo na ha. Kayo ni Limien, manyapa't mga nag-asawahan na kayo nakalimutan n'yo na ako," ungot ni Tomomi.

"Oy, nauna kang mag-asawa. Nauna kang lumimot!" natatawang panggatong ni Limien. Nagkatinginan pa sila.

"Hindi ako ganyan, Friend!"

"Dapat kasi sumama ka na lang sa asawa mo," hirit niya. "Nakawala na naman iyon, lagot ka!"

Sumimangot si Tomomi. "Ang bad mo ha. Manyapa't wala na kayong problema ng kapatid ko, nahihiritan mo na naman ako."

"Syempre, maganda ako e."

"Saang banda, Friend?" basag trip ni Tomomi.

"Sa noo ba iyan?" gatong pa ni Limien.

"Sa tiyan I think," tugon ni Tomomi sabay tawa.

Tumawa lang din siya. "Kayo naman, ngayon na nga lang makapagyabang e. Buti pa iyong asawa ko palaging sinasabing maganda ako."

"Ay friend, baka inggit lang ang kapatid ko sa ganda mo."

Sinakyan niya ang sinabi ni Tomomi. "Oo nga ano? Pero hindi, maganda talaga ako sabi niya." On cue pumasok ang asawa niya karga ang kanilang three months old baby. "Vlad, di ba maganda ako?"

"Ha? Depende sa level ng antok ko iyan," sagot ni Vlad na ikinatawa nila maliban sa kanya.

"Paano ba iyan, anak? Nilaglag ka ng bunso ko" sabad ni Nay Marie.

"Ah ganon, ganito na ang treatment? Bahala kang maglaba ng briefs mo!" ungot niya.

Pumailanlang ang tawa nila sa kusina.

"Hoy, ako ang naglalaba ng briefs ko. Masyado ka," sakay nito sa biro niya.

"Ako kaya naglalaba, hindi ka naman marunong maglaba. Pangit mo, Vlad. Ayoko na sa'yo." Inirapan niya ito. Tumawa lang ito at nagpahabol siya. Dinala niya ang gulay sa tabi ni Nay Marie.

Paglingon niya ay agad siyang binigyan ng quick kiss ni Vlad. "Biro lang, ikaw naman!" Inayos nito ang pagkakabuhat sa anak na nahimbing na. "Hawakan mo muna si baby." Marahan na inilipat nito sa kanya ang bata at ipinatong sa balikat niya ang towel.

Napansin niyang namumutla ang asawa niya. "Okay ka lang ba?"

"Sumasakit ang braso ko at binti." Umupo ito sa tabi ni Tomomi.

"Gusto mo bang dalhin ka namin sa ospital? Mas magandang paospital ka na agad," nag-aalalang sambit ng nanay nito.

"Wag po muna, 'Nay. Tolerable pa naman po."

Keep The Music Playing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon