GRADUATION DAY|COMPLETED

By LittleCreepHeart

5.4K 433 36

Kapag bago ka, malaking katuwaan na ang magkaron ng kaibigan. Nung una maayos. Nung una masaya. Isang plano... More

TEASER
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
EPILOGUE
TO MY READERS

KABANATA 16

237 19 0
By LittleCreepHeart

KABANATA 16








“ANONG gagawin niyo kina mama at Woni? Pakawalan niyo ko! Mga walang hiya kayo! TULOOOOOONG!” sigaw pa nito at pilit na kumakawala sa pagkakatali. “MAMA! WONI!”

“Tama na ang iyak Ianna!” naiinis niyang saad. Kahit kasi umiiyak ito at nagwawala ay maganda padin ito. Maya-maya nga ay inumpisahan na nang mama niya ang pagpatay sa nanay ni Ianna.

"P-pakawalan n-niyo a-ang mga a-anak ko!" Pakiusap pa ni Aling Fatima. "Maawa k-kayo---aaaaaaahhhh!"

“HUWAAAAAAG! MAAWA KAYO SA MAMA KOOOO!” iyak pa ni Ianna ng tuluyan ng wakwakin ng mama niya ang tiyan ni Aling Fatima. Kitang kita pa niya ang pagka gulat sa mukha ni Ianna ng makitang kinakain ng mama niya ang laman loob ng ina nito.

“H-hindi…si Aling Emalyn ba ang m-mamamatay tao sa l-lugar natin?”

“T-tama ka, Ianna, ang mama ko nga iyon. At halos lahat pala ng napatay ng nanay ko ay kabit ng nanay mo! Nakakadiri ang angkan niyo Ianna.”

Napapalunok si Shatile habang pinapanood ang ina na kinakain ng sariwa ang laman loob ng mama ni Ianna. Tama, lahat ng namamatay sa lugar nila ay kagagawan iyon ng mama niya. Halos ilang buwan na rin kasing hindi uminom ng gamot ang nanay niya kaya naman bumalik ang sakit nito. Ang pumatay ng tao at kumain ng laman loob ng tao. Napupunta lamang kasi ang pera ng tatay sa kabit imbes na pang-gamot ng ina.

“P-pinatay niyo ang nanay ko! MGA HAYOP KAYO! KAYO ANG MAS NAKAKADIRI!” humahagulgol na sigaw ni Ianna ng makita nitong wala ng buhay ang ina.

Maya-maya ay umiyak ang baby kaya naman napunta ang atensyon nila dito.

“Ikaw na ang susunod, baby!” nakangising saad niya.

“Huwag! Huwag si Woni! Maawa kayo kay Woni! SHATILE! MAAWA KAYO SA KAPATID KO!”

“He! Huwag ka ngang maingay, Ianna. Gutom pa ang nanay ko at tamang tama si Woni para sa desert!” irap niya dito.

“SHATILEEE! PARANG AWA MO NA! HUWAG MO NA IDAMAY ANG KAPATID KO SA KADEMONYOHAN NIYO!”

“Ah! Demonyo pala ha!” tumaas ang kilay niyang nilapitan ito.

“OO! Demonyo kayo! Mas demonyo pa kayo kesa sa grupo nila Elai! Kasing pangit ng mukha mo ang kaluluwa mo Shatile!” matapang na sigaw nito kaya naman idiniin niya ang paghawak sa baby kaya napaiyak nanaman ito. “BITAWAN MO ANG KAPATID KO!”

“Edi bitawan!” walang ano anoy, pabagsak na binitawan niya ang sanggol, na para bang isa lang itong bagay. Nauna pa ang ulo ng sanggol at tumama ito sa isang malaking bato.

“WONIIIIIIIIIIII!” Iyon nalang ang naisigaw ni Ianna ng makitang nawasak ang ulo ng kapatid. “MGA HAYOP KAYOOOOOO!”

“Oh ayan kasi ang ingay ingay mo eh! Ngayon ikaw naman!” Nakangising saad niya. Maya maya pa ay inilabas na niya ang kutsilyo.

Lumapit pa siya kay Ianna at sinuri ang mukha nito. Sadyang kahit saang ang gulo ay naiinis talaga siya sa ganda nito.

“A-anong gagawin mo, Shatile?” Umiiyak nitong saad.

“Magme-make up tayo, Ianna.”  Nakangisi niyang tugon. Iyon kasi ang bonding nila, pero ngayon hidi make-up ang gagamitin niya para dito, kundi kutsilyo.

Maya-maya pa ay inumpisahan na ni Shatile ang pagkikilay dito.

"Aaaaaaaahhhh! TAMA NA SHATILE!" Napapasigaw nalang si Ianna sa sakit. Ibinabaon talaga kasi niya ang kutsilyo sa kilay. Maya maya pa ay isinunod niya ang gilid ng mga labi nito. Halos hindi na makasigaw si Ianna sa sakit. Tuwang tuwa pa siya habang ipinapakita ang mukha ni Ianna sa video.

Hindi pa doon natatapos, binuksan pa niya ang botunes ng blouse nito at sinaksak ang magkabilang dibdib na naging dahilan ng pagkamatay ni Ianna.

"Ano Ianna? Sino na ang mas maganda saating dalawa?" Maya maya pa ay natapos na sila sa ginagawa. “Ayos ba mama?” tanong niya sa ina na may dugo pa ang bibig nito.

Halos maubos rin ng ina ang sanggol.

“Ayos anak!” Sagot ng ina. “Pero hindi pa ako busog, Shatile! Pwede ko bang kainin yan?” tanong nito sa katawan ni Ianna kaya umiling siya. Sumimangot naman ang ina.

Ayaw niya kasing masira ang art niya. Balak niya kasing balikan ito makalipas ng ilang araw at kunan ulit ng letrato para makita niya kung gaano ito kapangit.

Akmang aalis na sila ng…

“EMALYN, SHATILE!” napalingon sila sa kanilang likuran at nakita nila ang isang lalake.

“Papa?”

“Anong katangahan ang ginawa niyong ito, Shatile? Pati ba naman ikaw? Tutulad sa mama mong abnormal?” galit na galit na turan ng tatay niya.

“Papa, paano mo nasasabing abnormal si mama? Saka naghihiganti lang naman kami!”

“Eh bakit niyo pa kinunan ng video? Alam niyo bang maaari kayong makulong ha?” galit ang tono nito. "Halina kayo! Ako na mismo ang magpapakulong sainyo!"

“Hindi! Nagagalit ka lang dahil pinatay namin ang kabit mo, Protacio!” sigaw ng mama niya.

“Baliw kayo! Baliw kayong mag-ina!” akmang lalayo na ang papa nito ng biglang hablutin ng mama niya ang hawak niyang patalim at mabilis na sinaksak ang ama niya.

“MAAAA!” sigaw niya pero huli na dahil gigil na gigil ang nanay niya sa pag-saksak sa kaniyang ama.

Napaiyak nalamang siya ng magsimula nanamang kumain ang ina ng laman loob. Laman loob ng sarili nitong asawa.



***




WALA na ang tatay ni Shatile. Kung ganon ay mawawalan na din sila ng pera sapagka’t ang ama lang niya ang maaring connection nila sa lolo para makakuha ng pera mula dito. May nakuha silang pitaka sa bangkay ng ama at doon nga nila nakita ang detalye ng kaniyang lolo.

Namangha pa sila dahil ang lolo pala niya ay isang mayaman. At lalo siyang napanganga ng malamang ang school na pinapasukan niya ay ang school na pagmamay-ari ng lolo niya. Napangiwi nalamang siya ng makitang ang legal na apo niya ay kaklse niya rin, ito ay sina Lexi at Kit. Magpinsan pala ang mga ito ng hindi nila alam. Ibig sabihin ay bawal dapat siyang magka-gusto kay Kit dahil magkadugo sila.

Nalaman din niya na kapag namatay ito ay sa apo niyang si Kit ibibigay ang lahat ng ari-arian. Tila ba may bumbilyang umilaw sa kaniyang ulo ng may maisip. Napangisi siya at idinetalye niya ito sa ina.  Pumayag naman ang ina sa plano.

Papabagsakin nila ang lolo niyang si, Bonifacio Laurito Uy Teologo!



-END OF FLASHBACK-

Graduation Day



DAHIL kabisado niya ang mukha ni Ianna ay nagpanggap itong siya ito. Kasama ito sa plano nilang mag-ina. Kunwari ay nawawala siya, para ang masisi ay si Ianna. Dahil ilang araw na niyang pinagpa-praktisan noong nakaraang mga linggo ang mukha ni Ianna ay gayang gaya na niya ito ngayon.

At wala ngang nakapansin sa paaralan na fake ang Ianna na kaharap ng mga kaklase. Kung papabagsakin niya ang school, kailangan niya ng isang taong kaya siyang suportahan. At si Marco iyon. Naalala kasi niyang nangako ang binata na kapag kailangan niya ng tulong ay tutulungan siya nito. Kaya naman pagkatapos ng practise nila nang araw na iyon ay nag message siya sa binata upang makipagkita dito at idinetalye ang gagawin ngunit hindi niya binanggit na nagpapanggap siyang si Ianna dito.

Una niyang iniutos ang paglalagay ng pampatulog sa mga water dispensers, pangalawa ay ang pagdala sa mga nahimatay; Ianna, Teacher Zeffy, Zon, Lynna, Lexi, Kit, Elai at Eana. Siyempre hindi alam ni Marco na nagpapanggap siyang siya si Ianna kaya naman nagpanggap itong nahimatay sa CR para kunwari ay kasali ito sa mga papatayin.

Pinatay ni Shatile ang mga walang kwenta niyang kaklaseng sina Elai, Kit, Lexi, Lynna, Eana, at Teacher Zeffy bilang siya si Ianna. Natutuwa siya dahil natikman niya din ang pinapangarap niyang lalake na si Kit, Nabitin lang siya dahil hindi tumayo ang pagkalalake nito.

Hindi naman dapat kasali si Eana dahil college ito at magkaiba ang araw ng graduation nila, yun nga lang ay sa tuwing nagpapraktise sila ay nandoon din ang mga college, salitan sila sa pag practise sa gym. Kaya naisama nadin.

Wala naman kasi siya masyadong galit kay Eana pati kay Lexi, pero dahil barkada sila ni Elai, pinatay nalamang din niya. Kay teacher Zeffy naman ay nang-gigil talaga siyang pinutol ang mga kamay at tinanggalan ng mata tenga at bibig, dahil napaka unfair nito. Hindi na niya ito naipakita sa screen dahil wala naman ng manonood.

Pangatlong utos, pagkatapos mailagay sa tamang pwesto ang mga ito ay lagyan naman nito ng lason ang mga bottled mineral water para sa iinumin ng mga tao kinabukasan.

Pang apat, dahil alam niyang may pera si Marco, inutusan niyang pumasok ito ng maaga upang bayaran ang mga guards na siguraduhing makakatanggap ng bottled water ang lahat nang naroon pati narin ang mga hindi pinapasok, binayaran din nila ang operator para ma-iplay ang video na ginawa nila.

Hindi alam ng mga guwardiya at operator na ang iniinom din nilang tubig ay may lason kaya naman pati ang mga ito ay kasamang nawalan ng buhay.

“Ang galing mo, Shatile!” napangisi siya ng nilapitan siya ni Marco saka hinalikan sa labi. “Lalo mo akong pinahanga.”

Soot ang mga graduation gown nila at sa harap ng mga patay na tao sa paligid, nagsimula na silang maghalikan.

Ang kapalit ng lahat ng pinagawa niya kay Marco ay ang maging sila. Nagtataka man siya kung bakit sa dinami-rami ng babae sa school ay siya pa talaga ang napili nito. Pero dahil ipinakita naman nitong sincere ito, pumayag siya sa gusto ng lalaki. Tutal ay marami naman itong nai-ambag sakaniya.

Alam ni Shatile sa sarili na ngayon lamang siya pumatay ng mga tao, kaya hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip niya kung sino ba talaga ang killer sa school na iyon. Lahat ng taong dumalo sa graduation ay namatay, pati nga ang daddy ni Marco.

Hindi naman ito nagalit sakaniya dahil pati ang daddy ay nadamay na namatay, sa totoo lang ay malaki talaga ang sama ng loob niya sa ama dahil palagi itong busy sa ospital nito at hindi siya nito nakakamusta man lang.

Napaisip tuloy siya, napatay din kaya niya ang killer na matagal ng gumagala sa school? (Ang killer na saka lang umaatake sa tuwing graduation.)

Hindi tuloy niya maiwasang tanungin ang sarili, galit kaya ang killer na iyon dahil naunahan niya itong pumatay ng mga taong walang kwenta?








-FOLLOW ME FOR MORE-

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
1.1M 6K 8
Twi different story in 1 book Book 1: THE NEW BOSS BOOK2: MY STRANGER GIRL
25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
7.5M 380K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...