Midnight Lover [RATED SPG / C...

By iamaivanreigh

9M 100K 4.7K

WARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed wi... More

Author's Note
TEASER
Midnight Lover - 01
Midnight Lover - 02
Midnight Lover - 03
Midnight Lover - 05
Midnight Lover - 06
Midnight Lover - 07
Midnight Lover - 08
Midnight Lover - 09
Midnight Lover - 10
Midnight Lover - 11
Midnight Lover - 12
Midnight Lover - 13
Midnight Lover - 14
Midnight Lover - 15
Midnight Lover - 16
Midnight Lover - 17
Midnight Lover - 18
Midnight Lover - 19
Midnight Lover - 20
Midnight Lover - 21
Midnight Lover - 22
Midnight Lover - A
Midnight Lover - 23
Midnight Lover - 24
Midnight Lover - 25
Midnight Lover - 26
Midnight Lover - 27
Midnight Lover - 28
Midnight Lover - 29
Midnight Lover - 30
Midnight Lover - 31
Midnight Lover - 32
Midnight Lover - 33
Midnight Lover - 34
Midnight Lover - 35
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Midnight Lover - 04

297K 3.1K 247
By iamaivanreigh

PLEASE WATCH MY VLOGS! ❤️❤️❤️


*****


ASHER



Umakyat lang saglit si Raven sa kwarto niya para kunin ang wallet niya at pagkatapos ay sabay na kaming naglakad palabas ng gate.



"Ang tahimik pala talaga dito, noh?" Narinig kong komento ni Raven habang naglalakad kami sa gitna ng kalsada. Dahil mag a-ala una na ng madaling araw kaya halos wala nang nagdaraang mga sasakyan.



"Sinabi mo pa. Usually ten pa lang ng gabi natutulog na ang mga tao dito sa Javier. Iilan lang din ang mga bagets na tumatambay sa labas kapag ganitong oras na."



 "That's nice," sagot ni Raven habang palapit na kami nang palapit sa nag-iisang tindahan na bukas 24/7 dito sa lugar namin. Sa 'di kalayuan ay namataan ko ang grupo nina Pastora na nakatambay sa may waiting shed na malapit sa outpost.



Si Pastora ay isa sa pinaka-masipag, nakakatawa at maskuladong bakla dito sa Javier. Sikat si Pastora dito sa lugar namin dahil sa pagiging palakaibigan niya. Minsan nga ay biniro ko siyang pwede na siyang tumakbong kagawad sa susunod na eleksiyon dahil sa dami ng kaibigan niya. Habang bumibili si Raven ng yelo, junk foods at ilang de-lata ay nakita kong papalapit sa amin si Pastora kabuntot ang isa pang beki na si Randel.



"Hin-o ton nga im upod, Ash?" mabilis na tanong ni Pastora nang sa wakas ay tuluyan na silang nakalapit sa amin. Awtomatiko namang napatingin sa mga bagong dating si Raven. Saktong inaabot ng tindira ang mga pinamili niya.



"Bag-o ko nga boarder. Anay ipakilala ko kamo." Tumingin ako sa kasama ko at nakita kong nakangiti naman siya. "Tinatanong niya kung sino ka raw. Pastora, this is Raven. Raven ito naman sina Pastora at Randel. Mga friends ko."



"Hi. It's my pleasure to meet you guys," bati ni Raven sa dalawa na nakipagkamay pa.



"Ano ba 'yan! English speaking it murat! Nosebleed!" natatawang saad ni Pastora.



"Actually, marunong naman akong mag-Tagalog. Pero hindi ako marunong mag-Waray," dagdag pa ni Raven.



Tumango-tango si Pastora at muling bumaling sa akin. "Penge naman twenty. Bili lang kami ng tinapay sa Panaderia."



Sabi ko na nga ba, naisaloob ko nang marinig ko ang sinabing 'yon ni Pastora. Uso rin talaga ang buraot dito sa lugar namin. Pero dahil mga friends ko naman sila ay dumukot ako ng pera sa suot kong shorts.



Buong fifty pesos lang ang meron ako kaya iyon na ang inabot ko sa kanya. "Fifty 'yan meaning may sukli pa ako. I-massage mo ako bukas sa bahay." Magaling magmasahe si Pastora. At joke lang 'yong sinabi ko kanina. Dahil kahit naman hindi ko siya bigyan ng pera, talagang minamasahe niya ako kapag masakit ang buong katawan ko.



"Sure, baby. Basta maligo ka bago pa 'ko pumunta para bongga, okay?"



"Gaga ka, sis!" biro ko pa sa kanya sa tonong nagbabakla-baklaan. "Sige, mauna na kami sa inyo," paalam ko sa dalawa bago ko kunin ang plastic na hawak ni Raven.



"Talagang nakikipag-kaibigan ka sa mga beki?" tanong ni Raven habang naglalakad kami pauwi ng bahay.



"Oo naman. Wala namang masamang makipagkaibigan sa inyo, 'di ba?" sagot ko habang nililingon siya par asana makita ko ang reaksiyon niya. Pero nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha niya.



"Pero bihira lang ang lalaking nakikipagkaibigan sa aming mga beki. Karamihan sa mga lalaki, kung hindi nandidiri, pinagtatawanan kami," himutok ni Raven sa malungkot na boses. Sakto namang nasa harap na kami ng gate.



Pero bago pa man kami makapasok ng gate ay hinawakan ko ang isa niyang kamay na siyang dahilan para mapahinto siya at mapatingin sa 'kin. Tinitigan ko siya nang maigi sa mukha at hinanap ko ang mga features na makapagsasabing bakla nga siya. Pero wala ni isa akong nakita.



Wala siyang adam's apple, bigote at kahit ang boses niya ay talagang pambabae. Could it be na pinagti-tripan niya lang ako? Itatanong ko sana kung talagang bakla siya pero sa huli ay naisip kong huwag na lang. Kung talagang pinagti-tripan niya lang ako, okay lang. Basta ang mahalaga sa akin, tanggap ko siya kahit na ano pa man ang kasarian niya.



"May sasabihin ka?" tanong ni Raven dahil nakahawak pa rin pala ako sa kamay niya.



Ngumiti ako sabay iling. "Sasabihin ko lang sanang ang ganda mong beki."



Ngumiti na rin si Raven sa puntong 'yon. "Naks naman! Salamat po," aniya na nag ala-Chichay pa.



Tumatawang sabay na pumasok na kami ng gate at pumunta sa unit niya. Matapos kumuha ng lalagyan ng mangkok at can opener ay umakyat kami sa kwarto ni Raven. At namangha pa ako dahil sa ayos ng kwarto niya. May malaking kama sa gitna ng kwarto na puting-puti ang bedsheet pati na punda ng mga unan. Sa kaliwang bahagi ng kama ay may detachable table kung saan may nakapatong na computer at kung ano-anong bagay.



Dark brown ang kulay ng kurtina na terno naman sa kulay brown na carpet ng sahig. Mukhang pinagkagastusan ni Raven ang pagtira dito sa apartment ko dahil halos lahat yata ng gamit niya ay bago.



Sa gitna ng carpeted na sahig kami pumwesto. May kinuhang kung ano si Raven mula sa isang kahon na nasa may tabi ng maliit na na ref.



"Ano 'yan?" tanong ko sa kanya bagama't alam ko namang bote ng alak ang hawak niya. Minsan talaga nasa 'mema' mode ako—memaitanong lang.



"Tequila malamang. We're going to do the body shots," ngingisi-ngising sagot ni Raven.



Body shot? Shet! This is exciting.



"But to make it more exciting, gagawin nating palabunutan kung saang parts ng katawan natin ilalagay ang asin. Is that okay with you?" ani Raven na ngayon ay may hawak nang ballpen at maliliit na pirasong papel.



"It's okay with me," sagot ko na naka-squat sa sahig.



"So anong parts isa-suggest mo?"



"Boobs!" mabilis na sagot ko na bahagya pang tumatawa.



"Since ako naman nakaisip nito, sige hindi na ako tatanggi. Ako naman, sa neck."



"Belly button," dagdag ko naman.



"Ears," suhestiyon naman ni Raven hanggang sa makapag-suggest na kami ng taglimang body parts.



Tumayo ulit si Raven and this time ay may kinuha naman mula sa ibabaw ng table niya. It was a deck of cards.



"So ang mangyayari, maglalaro muna tayo ng tong-its. Ang matatalo, bubunot dito para malaman kung saang part ilalagay ang asin. Is that okay with you?"



Kunwa'y tinaasan ko siya ng kilay. "Ni hindi mo man lang tinanong kung marunong akong mag tong-it. Kung nagkataon palang hindi ako marunong, eh, 'di nalasing mo na ako."



"C'mon, alam ko namang marunong ka. Ano mag iinarte ka ba o itutuloy natin 'to?" ani Raven na bahagya ring nakataas ang kilay.



"Tuloy siyempre," mabilis na sagot ko.



And the game started. Kitang-kita ko ang kaseryusohan sa mukha ni Raven habang ako naman ay pasipol-sipol lang. In the end, ako ang nanalo at nakakunot ang noo ni Raven na tila hindi makapaniwalang natalo ko siya.



Kinuha ko ang box na naglalaman ng papel na may mga nakasulat na body parts. Inalog-alog ko ang kahon at saka iyon inilapit sa kanya. Dahan-dahang bumunot si Raven at pagkatapos ay binasa ang nakasulat sa papel. "Boobs," aniya.



"Sayang! Ako na lang dapat nakabunot niyan," natatawang saad ko.



At dahil wala akong boobs, sa nipple ko ilalagay ang asin na ngayon ay nasa daliri na ni Raven. Hinubad ko ang damit ko at saka humiga sa sahig.



Paluhod na pumwesto sa harap ko si Raven habang nasa tabi niya ang shot glass pati na ang lime.



"Be gentle, baby," panunukso ko pa sa kanya. At sa ilang saglit lang ay yumuko na siya at saka dinilaan ang nipple ko bago ibinudbod ang asin sa part na 'yon na ngayon ay mamasa-masa na. Muli rin niyang dinilaan ang nipple ko na ngayon ay may asin na at saka tinungga ang laman ng shot glass. Nang masaid niya ang laman niyon ay kumagat naman siya ng lime.



"Ano'ng lasa ng utong ko?" natatawang tanong ko sa kanya nang makaupo na ulit ako.



"Ang alat dude!" natatawa namang sagot ni Raven.



"Malamang kasi may asin. Pero ano'ng pakiramdam na ngayon natikman mo na ang katawan ko?" Natawa ulit ako nang makita kong namumula ang tenga niya. May bakla rin pala talagang nagba-blush.



"Tumigil ka nga diyan. Mamaya tigasan ka sa maging sagot ko."



Aba'y! Pero sa halip na magsalita ulit ay tumahimik na lang ako dahil pakiramdam ko ay kumislot nang bahagya si junior ko. Paktay kang bata ka!



Naglaro ulit kami ng tong-its at sa ikalawang pagkakataon ay hindi na ako pinalad. Tuwang-tuwa si Raven nang ako naman ang matalo. Bumunot ako sa box at ganoon na lang ang ngisi ko nang basahin kong neck ang nakasulat sa papel.



Sinalinan ni Raven ng alak ang shot glass habang ako naman ay umuurong palapit sa kanya. Kumuha ako ng kaunting asin sa lalagyan at dumampot naman ng lime at iniumang sa bibig niya.



"Ba't sa bibig ko?" tanong ni Raven nang sinenyasan ko siyang ibuka niya ang bibig niya.



"Para may thrill. Besides, this is how French do this body shot, dearie."



"Baliw! Eh, hindi naman tayo mga French."



"Ang arte. Buka na kasi ng bibig." Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ilagay ang lime sa pagitan ng mga labi niya.



Bumilang ako ng tatlo bago ko dinilaan ang leeg niya. Naramdaman ko pa nang mapapitlag siya nang sumayad ang dila ko sa makinis niyang balat. Nang mabasa na ang parteng iyon ng leeg niya ay inilagay ko ang asin. Bago ko dilaan ulit ang leeg niya na ngayon ay may asin na, tumingin pa ko sa mukha ni Raven at doon ko lang napansing nakakagat-labi pala siya. Napangisi ako dahil sa itsura niyang 'yon na para bang nai-L siya.



Sinadya kong patagalin ang pagdila sa leeg niya hanggang sa wala nang matirang asin sa balat niya. Tinungga ko ang laman ng shot glass at saka mabilis na sinakop ang bibig ni Raven bago pa man siya makapag-protesta. Noong una ay ang ang lime na nasa pagitan ng bibig niya ang sinisimsim ko pero sa huli ay labi na niya ang sinisibasib ko.



Pero bago pa man lumalim ang halik na 'yon ay itinulak ako ni Raven saka siya mabilis na tumayo at tumalikod sa 'kin.




What's wrong with her? Wala naman akong ginagawang masama.



*****


Another author's note: So, any violent reactions? Haha.

Continue Reading

You'll Also Like

5.4K 432 19
Kapag bago ka, malaking katuwaan na ang magkaron ng kaibigan. Nung una maayos. Nung una masaya. Isang plano ang sisira sa lahat. Isang planong magh...
4.5M 4.5K 2
Highest Rank: #1 in Action! Feb. 21, 2019 Highest Rank: #1 in Romance! May 11, 2019 "Love is the most powerful emotion and that makes it the most dan...
1.2M 3.3K 5
Ever since Elaina Lain Cornell was a little girl she dreamt of becoming a princess. Living in a castle, loving and marrying an handsome prince. But i...
428K 8.4K 44
Kyrie Veil Sasha is a teenager who sell her virginity. Mahirap lamang siya at dahil gipit, kapit sa patalim. Her virginity worth one hundred million...