Can't You Love Me Again? [Sho...

By PollyNomial

23.3K 585 83

Ross Angeles. Simpleng lalaki, simpleng estudyante. Pero hindi sa mata ng babaeng ilang taon nang nahuhumalin... More

Prologue
ONE//
THREE//
FOUR//
FIVE//
SIX//
EPILOGUE [1]
EPILOGUE [2] end...

TWO//

2.2K 68 5
By PollyNomial

CAN'T YOU LOVE ME AGAIN?

Short Story by PollyNomial

 

 

CHAPTER TWO

After 5 months.

January 2011

< HAZELLE AGONCILLO >

“Welcome back class! How’s your Christmas vacation? Okay ba?” tanong ng teacher namin. Kakabalik lang namin from our Christmas vacation at ngayon, back to normal nanaman kami.

“Yes, Ma’am.”

 

“Opo!”

 

“Ma’am kayo po?”

Sagot ng mga classmates ko sa teacher namin.

Haay, medyo nakakabitin ang bakasyon namin. Two weeks lang kasi eh. Balik klase nanaman ngayon. Pero ayos lang. At least malapit na graduation namin.

Naeexcite na nga ako eh. Gusto ko na rin kasi mag-college. Nakakasawa na pati dito sa school ko. Mula grade one dito na ko nag-aaral.

“Masaya yung bakasyon Ma’am! Kaya lang ang lungkot na ulit!” narinig kong sigaw ni Ross.

Isa pa yang lalaking yan sa dahilan kung bakit gusto ko nang maka-graduate. Gusto ko na rin kasing makalayo sa kanya, kahit sa school na pinapasukan lang.

“Bakit naman, Ross?” tanong ng teacher namin.

“Eh pasukan na kasi po ulit. Nakakatamad! Di ba classmates?!”

 

“OO NGA!” sabay sabay na pagsang-ayon ng mga kaklase ko sa kanya.

Haay, ayan nanaman siya. Matapos ang ilang linggong bakasyon, araw araw ko nanaman siyang makikita. Sa lugar pa nga lang namin ay hirap na ko eh. Kinailangan ko pang wag lumabas ng bahay para lang hindi siya makita, eh lalo pa kaya dito sa school.

Siguro ay nagtataka kayo kung ano nang nangyari sa nararamdaman ko para kay Ross. Ayun, hanggang ngayon… Mahal ko pa rin siya.  Pero hindi niya pa rin alam yun. Nagdesisyon na rin ako na hindi ko na ipapaalam sa kanya. Sa simula pa lang naman wala na kong balak sabihin sa kanya yun eh.

Umiiwas na rin ako sa kanya. Kung dati ay todo na ang pag-iwas ko, mas dinoble ko pa yun ngayon. Hindi ko na talaga siya kinakausap hanggat kailangan.

Kapag naman ginagawa niya ang daily routine niya na mangopya ng mga assignments ko, hindi ko na siya pinagsasalita at ibibigay ko na agad sa kanya. Ayoko na kasi talagang marinig ang boses niya o kung ano mang ka-sweetan na sasabihin niya. Napapagod na kasi ako. Alam ko rin naman na hindi totoo yun.

Isa pang dahilan ay nagkaroon kasi ng girlfriend si Ross. I can see how serious he was dun sa girl. He’s happy with her. Third year highschool lang yung girl. Maganda siya. Malayo sa akin. Di hamak na mas okay naman siyang babae kesa sa akin. Eh sino ba naman ako sa mga mata ni Ross? Ako lang naman ang tagapakopya sa kanya ng assignments, seatworks, at minsan tests pa nga. Yun lang naman ako sa kanya eh.

Hindi na rin niya siguro napansin yun pagbabago ko. Yung pag-iwas ko. Eh panu naman kasi niya yun mapapansin? Eh wala naman siyang pakialam sa akin.

“Okay, since you’re back in class again and it’s already a new year for us, kailangan na rin ng mga new faces na katabi. Bagong quarter na rin ngayon kaya magkakaroon na ulit tayo ng bagong sitting arrangement.” Sabi ng teacher namin. Nagsimula nang tumayo yung mga classmates ko dahil magpapalit na kami ng sitting arrangement.

Isa yan sa mga pakulo ng teacher namin. Every quarter, nagbabago kami ng sitting arrangement. At every quarter ko ring pinagdadasal na sana ay hindi ko makatabi si Ross.

Napwesto ako sa pinakaharap. Malapit sa wall ang upuan ko at bakante pa ang upuang katabi ko. Ilan nalang yung mga classmates kong nakatayo at wala pang upuan. Kaya nga todo dasal na rin ako na sana hindi ko makatabi si Ross.

“Please, please. Wag ko sanang makatabi si Ross. Please po…” Bulong ko sa sarili ko.

“Huy! Wag ka nang magdasal diyan! Hindi yan magkakatotoo.” Nagulat ako nang may biglang magsalita sa tabi ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis na siya ang katabi ko ngayon.

“Hi Hazelle! I’m your new cheatmate!” todo ngiting bati niya sa akin habang nagwe-wave ang kamay niya.

“Cheatmate talaga?” asar na tanong ko then I rolled my eyes.

“Ay? Cheatmate ba nasabi ko? I mean, seatmate pala. Hehe.”

 

“Tsk!” yun nalang ang nasagot ko sa kanya.

Ano ba yan! Sa dinami dami ng mga kaklase ko siya pa ang nakatabi ko. Ang kulit ng lalaking to eh! Siya lang naman si Paolo Cristobal, kaibigan ni Ross. Kung si Ross ang pinakaiiwas-iwasan ko dahil may gusto ako sa kanya, eh si Paolo naman ang iniiwasan ko dahil ayaw ko sa kanya. Sobrang pilyo at pilosopo kasi ng lalaking ‘to eh.

“Uy, ba’t ka nakasimangot diyan? Ayaw mo ba kong katabi? Nakakatampo ka naman.” Naka-pout niyang sabi sa akin. “After all these years?” sumimangot siya sa akin.

“Anong after all these years na sinasabi mo diyan?” naaasar na tanong ko sa kanya.

“Ha? Ah eh, siyempre kasi classmates tayo mula pa nung unang beses na mag-aral tayo sa school na ‘to. Ngayon nga lang kita nakatabi eh. Tas ganyan ka pa.”

 

“Ehh? Ewan ko sa’yo.” Inirapan ko nalang siya. Haay! Hindi nga si Ross ‘tong katabi ko, pero ito namang epal niyang kaibigan ang nandito.

---

Ilang araw na ang nakalipas nang mag-resume ang classes. Ilang araw na rin akong inaasar nitong katabi ko. Grabe. Wala siyang tigil ng kakabwisit sa akin. Parang di siya napapagod. Ini-ignore ko na nga lang siya eh, pero wala pa ring tigil.

Palagi rin siyang nangungulit. Feeling close masyado.

“Hazelle! Assignment meron ka? Pahiram naman pleeeeease!” pakiusap niya sa akin.

“Anong pahiram? Ibabalik mo ba sagot ko pagkatapos mong mangopya? Ha?” balik na tanong ko sa kanya.

“O sige. Hindi na pahiram, pahingi nalang ng sagot. Sige na… Pretty pretty please.”

 

“Ay! Ewan ko sayo. Bahala ka diyan. Tamad kang gumawa ng assignment tas ako kinukulit mo.” Inirapan ko siya sabay talikod.

Maya maya lang may kalabit ng kalabit sa akin.

“Zelle, peram na. Maaatim mo ba na ma-zero ang cheatmate mo?”

 

“Oo.” Madiin kong sagot. Ewan ko ba kung bakit pero pagdating sa lalaking ‘to hindi umuubra ang pagiging mahiyain ko. Talagang napapakita ko sa kanya kung sino ako.

“Damot mo! Pero kapag si Ross ang nanghiram binibigay agad.” Mahina lang ang pagkakasabi niya nun pero narinig ko pa rin.

Napalingon ako nung sinabi niya yun. Nakaub-ob na siya sa upuan ngayon na parang natutulog.

Tinamaan naman agad ako ng konsensya. Oo nga naman. Kapag si Ross ang nangheheram sa akin, wala nang sabi sabi at ibibigay ko na agad. Pero bakit kay Paolo hindi ko yun magawa?

Mahal mo kasi si Ross.

 

Hindi!

Feeling ko tuloy ang unfair ko. Kay Ross lang kasi ako ganun. Pero kailangan ko na ngang kalimutan yung feelings ko sa kanya eh.

Kinuha ko na yung notebook ko sa bag.

“Oh, eto na.” kinalabit ko si Paolo pero hindi pa rin siya namamansin.

“Uy! Kumopya ka na. Eto na yung notebook.”

 

“Paolo! Uy!” tawag ko ulit sa kanya pero hindi pa rin niya inaangat ang ulo niya.

“Ay naku! Kung ayaw mo di wa—”

 

“Akin na!” bigla niya inagaw sa kamay ko yung notebook. “Papahiram ka rin pala eh. Pakipot ka pa diyan! Hinayaan mo pa kong magtampo sa’yo.”

 

“Ako pa pakipot?” tinuro ko ang sarili ko. “Ikaw kaya yun!”

 

“Ako? Ikaw kaya!” turo naman niya sa akin.

“Ikaw!”

 

“Ikaw!”

 

Nagsagutan pa kaming dalawa hanggang sa hindi nalang namin namalayan na tawa na pala kami ng tawa.

Humalakhak siya na kala mo wala nang bukas.

“Ang kulit mo rin pala, Zelle eh!” Zelle ang nickname niya sa akin. “Akala ko mahiyain ka, asa loob rin pala kulo mo. Hahaha!” ginulo niya ang buhok ko. “Ang cute moooo!!!” kinurot naman niya yung pisngi ko.

“Arouch!” ang sakit. Feeling ko namumula yung pisngi ko sa sakit ng kurot ni Paolo. “Sama mo!” inis na sabi ko sa kanya.

“Cute ako!” proud na sabi niya sabay pogi sign.

“Pangit ka!”

 

At nagkulitan pa kami.

Habang tumatagal ay nagiging komportable ako kay Paolo. Kumukulit na rin ako dahil sa kanya. Minsan daldalan lang kami ng daldalan. Kahit mga walang kwentang bagay ay pinag-uusapan namin. Hindi kami nauubusan ng topic. Nalaman ko rin na marami rin pala kaming pinagkakasunduan dalawa.

Minsan sabay na kaming nagla-lunch. Sumasabay kasi siya sa amin ni Joy. Madalas rin kaming mag-share na baon sa isa’t isa. Parang feeling ko nga, malapit ko na siyang maging best friend.

Naging mabuting kaibigan sa akin si Paolo.

Nang dahil sa kanya, nakakalimutan ko ang lungkot na nararamdaman ko nang dahil kay Ross.

---

< PAOLO CRISTOBAL >

“Zelle!” tinawag ko si Hazelle. Ito naman kasing babaeng ‘to kinakausap ko tas bigla nalang umalis. Kausap niya ngayon yung president ng section namin. May kinikwento pa ko sa kanya eh tas bigla bigla nalang niya kong iniwan.

“Wait lang Pao!” sigaw niya sa akin at kinausap na niya ulit yung president namin.

Hinintay ko nalang siya dito sa upuan ko.

“Mukang close na kayo ni Hazelle ah.” Napatingin naman ako dun sa nagsalita. Si Ross pala. Umupo siya sa upuan ni Hazelle.

Napakamot naman ako ng batok. “Ah, oo eh.”

“Bakit parang nahihiya ka?” tanong niya sa akin.

“Wala, wala. Pare, okay lang naman di ba? Hindi ka naman nagseselos no?” curious na tanong ko sa kanya. Aba malay ko ba kung nagseselos na ‘tong kaibigan ko. Sa pagkakaalam ko kasi, ako lang ang lalaking naging close ni Hazelle ng sobra.

“SUS! AKO? Magseselos? ‘Lol!” super lakas ang boses na sabi niya. Naglingunan tuloy yung mga classmate namin sa amin. Pati si Hazelle napansin kong napadako ang tingin sa amin.

“Buti naman pare. Eh alam mo naman na may gusto sa’yo yang si Hazelle eh. Baka lang nagseselos ka kasi nagiging close na kami.”

 

“Hindi no! Paki ko ba diyan? Alam mo naman na wala akong pakialam sa kanya eh. Buti nga na nagiging close kayo eh. Para maka-move on na siya sa pagpapantasya niya sa akin.” Sabi niya. Tiningnan niya si Hazelle saglit tas tumingin ulit siya sa akin. “Kung gusto mo sa’yo na siya eh. Kung gusto mo siya bahala ka.” Natatawang sabi niya.

 

Pakiramdam ko may iba kay Ross. Hindi ko lang ma-point out kung ano ba yun. Tagal ko na rin kasi ‘tong hindi nakakasama eh.

“Sigurado ka diyan pare? You see, I think I like Hazelle. May balak na rin akong ligawan siya. Iniisip lang kita.” Nag-aalangang tanong ko sa kanya. Pero totoo na nagkakagusto na ako kay Hazelle. Actually, matagal ko na siyang gusto. Si Ross lang talaga ang iniisip ko.

“O-oo naman.” Ngumiti siya sa akin saka tumango. “Sige pare. Balik na ko sa upuan ko.”                             

 

“Sige.”

 

Pagkatayo niya ay sabay naman ng pagdating ni Hazelle. Nagkaharapan tuloy silang dalawa. Eto namang si Hazelle, halos mangamatis na muka nang magkatitigan sila ni Ross.

Ilang seconds din silang ganun nung mapansin kong magsasalita si Hazelle. Pero bigla nalang siyang nilagpasan ni Ross. At nakita ko yung lungkot sa mata niya sa ginawa ni Ross.

Hay. Gago talaga tong kaibigan ko. Sana manlang kahit papanu ayusin niya yung pakikitungo niya kay Hazelle. Oo inaamin ko na dati nilolokoloko ko din yang si Hazelle pero kasi ngayon, iba na… Concern na ako sa kanya.

“Zelle, pasensya ka na kay Ross ha.” Sabi ko sa kanya pagkaupo niya.

 

“H-huh? B-bakit naman?” nauutal niyang sabi sa akin. Apektado talaga siya pagdating kay Ross.

“Wala! HAHA! Laro tayo Zelle.”

“NAKU! Ano nanaman yang trip mo ha?” bumalik na rin siya sa pagkakulit niya.

“Tanungan lang tayo.”

 

“Naku! Bahala ka. Sinong mauuna?”

 

“Ako siyempre, ako nakaisip eh.” Nag-isip ako ng tanong kay Hazelle na sigurado akong mahihirapan siyang sagutin.

“Hmm. Ah! Para sa’yo, sino ang mga pinakagwapo dito sa classroom? Top 5 most handsome ha. Tas 1 yung highest.” Nakita kong nanlaki mata niya dahil sa tanong ko. Nahihiya siguro ‘to.

“Top 5? Hirap naman niyan!” reklamo niya.

“Anong mahirap dun? Sasabihin mo lang naman kung sino dito gwapo eh. Don’t worry. Secret lang natin ‘to.” Pabulong na sabi ko sa kanya.

Magsasalita na dapat siya pero pinatigil ko siya bigla.

“Wops! Wait lang. Dapat kasali ako diyan ha! Di hamak na isa ko sa mga gwapo dito sa classroom. Bahala ka na kung pang-ilan ako. Basta dapat kasali ako.”

 

“Ay! Grabe. Sige na! Ikaw na gwapo. Ikaw na talaga.” She rolled her eyes on me. Natawa nalang ako.

“Eh sino sino na nga kasi?”

Nag-isip siya saglit bago sumagot.

“Uhm, number five ko si John Paul.” Mahinang sabi niya sa akin.

“Si JP?!!! HAHAHAHAHA!”

 

“SHHHHHHHHHHH! Wag kang maingay!!!”

 

“Ay! Sorry sorry. Nabigla lang.” natuwa naman ako dun. Akala ko gagawin niya kong pang last eh. Pang-ilan kaya ako?

“Pang four ko si Ricky.”

“Talaga! Si Ricky?!” sigaw ko kaya naman napatingin yung iba kong classmate with matching nagtatakang face. Buti nalang wala si Ricky dito sa classroom.

“Ang ingay mo!”

 

“Sorry ulit. HEHE. Quiet na ko. Promise.” Izinip ko kunyari yung bibig ko.

“Three si Jeremiah.” Hindi na ako nagreact sa pangatlong sinabi niya. Hindi dahil sa pinatahimik niya ako kanina kundi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako nababanggit.

Pang-ilan kaya ako? Sa totoo lang kaya ko naman siya tinanong tungkol dito ay para malaman kung gwapo ba ako sa paningin niya. Ewan ko ba kung bakit ko naisip gawin yun.

“Oh? Bakit ‘di ka na nagreact?”

 

“Huh? E-edi ba sabi mo wag maingay. Gulo mo rin eh.”

“Okay. Sorry. So yung pangalawa ikaw.”

Pangalawa lang ako? Yeah. I’m disappointed. Gusto ko kasi akong ang number one.

“Pwede bang secret nalang yung pang number one?” pakiusap niya sa akin.

“Well, you don’t have to tell me kung sino yang number one. Kilala ko naman eh.” napatingin siya sa akin at nanlaki ang mata. “Si Ross, di ba?” siguradong sabi ko sa kanya.

“A-alam mo?” parang hindi siya makapaniwala na alam ko yun. Nauutal pa siya at mukang kinabahan din.

“Hazelle, sobrang halata ka kaya. I know your feelings for Ross. Matagal na.”

 

“Panu mo nalaman? Kailan pa?” magkasunod na tanong niya sa akin.

“Kakasabi ko lang di na? Halata ka kasi.”

“Ganun ba?” napayuko siya. Kita yung lungkot niya sa mga mata. Pero itinago niya iyon sa akin. “Alam din ba niya?” pagpapatuloy niya. “Kaibigan mo siya di ba. Nahahalata rin ba niya?”

 

Bulag siya Hazelle. He never noticed you. Matagal na niyang alam pero ayaw niyang pansinin yang nararamdaman mo para sa kanya.

 

Hanggang isip ko lang ang mga salitang yan. Hindi ko kayang sabihin kay Hazelle dahil ayaw ko siyang masaktan. Ngayon pa’t mahalaga na siya sa akin at ang gusto ko lang ay maging masaya siya.

“Hindi niya alam. Kung alam man niya, hindi sana ganyan ang pakikitungo niya sa’yo.” Yun nalang ang sinabi ko.

“What do you mean?”

 

“He’ll be nice to you Hazelle.” Matipid kong sagot. “Why don’t you confess your feelings for him?” That’s not what my heart wants to say pero, gusto ko kasing makatulong kay Hazelle.

“Hindi na. Nakapag-decide na rin naman ako na itago nalang ‘tong feelings ko sa kanya hanggang sa kusa nalang ‘tong mawala.”

Kinwento sa akin ni Hazelle lahat lahat. Kung paano nagsimulang magkagusto siya kay Ross at kung paano niya ito minahal. Na kinikilig siya every time na lalapit ito sa kanya at nagiging sweet. At higit sa lahat, kung paano siya masaktan kapag bigla nalang itong magiging cold.

Hindi ko tuloy maiwasang makonsensya. Dahil alam ko na inuuto lang talaga siya ni Ross. Dati, kasama ako ni Ross sa mga kalokohan niya dito kay Hazelle. And I can’t help but regret those times. Hindi ko iyon masabi sa kanya. Baka magalit siya sa akin at ayokong mangyari yun.

Matapos magkwento ni Hazelle ay saglit kaming natahimik. Walang nagsasalita sa amin. Ramdam ko ang lungkot niya. Alam kong pinipigilan lang niyang umiyak dahil baka may makakita sa kanya. Kaya inasar ko nalang siya para mawala na ang malungkot na atmosphere sa pagitan naming dalawa.

Tiningnan ko muna siya at nagkunware akong galit sa kanya.

“Nakakainis ka Hazelle!” biglang sigaw ko sa kanya. Nagpout pa ako.

“Huh? Bakit?” nagtatakang tanong niya.

“Akala ko ako ang number one para sa’yo. Pero yun pala... Grabe. Nakakatampo. Ang sakit. Sobrang nadisappoint ako.” Hinawakan ko yung dibdib ko na parang nasasaktan.

“Adik! Hahaha!” natawa siya sa ginawa ko. It’s good to see her smile again. Hinampan niya ko ng mahina sa braso.

 

“Kala ko ako ang pinakagwapo sa paningin mo.”

 

“Loko ka! Hayaan mo na yun. Gwapo lang naman yun.”

“Ano?”

 

“Gwapo lang naman sila. Alam mo naman kung bakit siya yung number one ko di ba? Pero kung ang tanong mo sana eh kung sino yung pinakamabait, pinakaclose at pinakagusto kong lalaki edi ikaw sana number one ko. Kahit hindi mo pa irequest.”

 

“Talaga?” hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya. Para akong batang napuri ng magulang.

“Oo naman no Paolo.” Nakangiti niya sabi.

 

“Ako ang pinakamabait, pinakaclose at pinakagusto mo?” hindi talaga ako makapaniwala.

 

“Oo nga! Uy, andyan na pala si Ma’am.” Nakita naming papasok na ng room namin ang teacher namin.

Nanahimik na kaming dalawa.

Hanggang sa may biglang mag-sink in sa utak ko.

“Pero kung ang tanong mo sana eh kung sino yung pinakamabait, pinakaclose at pinakagusto kong lalaki edi ikaw sana number one ko. Kahit hindi mo pa irequest.”

Pinakagusto? Ako ang pinakagusto niyang lalaki? Biglang tumibok ng malakas ang puso ko sa thought na yun.

Gusto niya ako? Gusto ako ni Hazelle? Ang saya sa pakiramdam, syet lang!

Pero… Gusto lang pala niya ako. Like is different from love. Iba ang mahal niya.

Sana kasi ako nalang siya, Hazelle. Pangako, kapag ako ang minahal mo, hinding hindi ka masasaktan ng ganyan. Kung ako lang sana ang laman ng puso mo…

-- 

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!