Del Fuego Series: The Devil's...

By Nammmiii-san

1.7M 47.2K 1.8K

"You can't escape me Samantha. Not now. Not tomorrow. Never." wika ni Tres sa nanggagalaiting tinig. I take... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue
ABOUT THE AUTHOR
DEDICATIONS
Story Description
AUTHORS NOTES
BOOK DETAILS
Nami
Last Author's note (Important!)
Book Details
Book Details Part 2

Chapter 1

68.3K 1.8K 55
By Nammmiii-san

Chapter 1

"Good morning Daddy!" Masayang bati ko sa Daddy ko nang maabutan ko siya sa dining area. Lumapit ako sa kanya at mabilis na hinalikan ang pisngi niya.

Ngumiti siya at bahagyang tinapik ang balikat ko.

"Happy birthday Princess." Masayang wika ni Daddy ngunit hindi umabot sa mata niya ang kanyang ngiti.

"Thanks Dad. Parang hindi ka ata masaya." Biro ko sa kanya habang kumukuha ng pagkain.

"Ang bilis ng panahon. Dati ay buhat buhat pa kita pero ngayon ay dalaga kana." Naiiling na wika niya kaya natawa ako.

"You're being sentimental Dad. Para namang aalis ako. Kahit na dalaga na ako ay dito pa rin ako. I am still your princess." Natatawang wika ko bago sumubo.

Nakita ko pa siyang umiling. " Yes you're still my Princess." Sabi niya na tila mas lalong nalungkot.

Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon. There are times na nagiging sentimental talaga siya lalo na kapag ako ang usapan. Maybe signs of aging.

"Nasaan pala si Mommy?" Tanong ko at bahagya pang uminom ng tubig.

"Maaga siyang umalis para kunin ang gown mo." Sagot niya na ikinangiti ko.

"Are you excited?" Tanong niya kaya mabilis akong tumango. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil excited ako sa araw na ito.

"Super excited! Oo nga pala Daddy sino nga pala yung pang 18th roses ko?" Tanong ko dahil noong nagpagawa kami ng invitation at pinaiwan iyong blangko ng Daddy. Sabi niya ay mayroon daw mag eescort sa akin.

Biglang naglumikot ang mata niya at bahagyang tumikhim. "Someone I know Princess. Finish your food at kailangan mo pang magpahinga para mamaya."

"Sino? Do I know him? Gusto kasi ni Josh na siya maging escort ko." Usisa ko pa at hindi gaanong napansin ang pagkabalisa niya sa tanong ko.

Mabilis akong napatingin sa kanya nang bigla niyang bitawan ang hawak niyang kutsara na lumikha ng ingay.

"Do you have a romantic relationship with him?" Seryosong tanong niya na ang tinutukoy ay si Josh kaya napahalakhak ako.

"How can I Dad? Hindi kita kayang suwayin. Magkaibigan lang kami ni Josh. At isa pa andami kong bodyguards hindi pa man nakakaporma ang mga lalaki sa akin ay masama na ang tingin ng mga bodyguards ko e." Natatawang wika ko.

It started when I was sixteen. Kinausap ako ng Daddy tungkol sa pakikipag boyfriend. Sabi niya ay huwag muna akong makipagboyfriend until I turn eighteen. Mula din ng araw na iyon ay may tatlong bodyguard na laging nakabuntot sa akin. Dinaig ko pa ang anak ng presidente ng pilipinas.

At first ay nagtataka ako ngunit mabilis ding nawala iyon dahil alam ko naman na nagiging protective lang ang Daddy ko dahil nag iisa akong anak.

Hindi naitago ang relief sa mukha ni Daddy sa sinabi ko. Para bang nabunutan siya ng tinik kaya lihim akong natawa. He's strict when it comes to boys. Well lahat naman siguro ng tatay sa mundo.

"By the way Princess, can you please sign this for me. I have booked your flight in Isla Del Fuego. It will be my Birthday gift to you." Wika niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Really Dad?!"bulalas ko na hindi naitago ang saya.

Tumango naman siya kaya mabilis akong nakalapit sa kanya at niyakap siya. "Thank you Daddy! Alam mo talaga ang gusto ko! I love you!" Masayang wika ko.

"I-I love you too anak."aniya kaya mas lalo akong napangiti.

Matagal na kasi akong umuungot na magpunta kami ng beach. There was a certain beach that I want to go to. It was the Isla Del Fuego. Nakita ko lang iyon sa picture. Dad has been there and I fell in love with the place. It was in Siquijor.

It will be a one hour flight from Manila to Dumaguete city. Hindi ko lang alam kung ilang oras para makapunta sa mismong isla kapag nasa Dumaguete na. But it doesn't matter. Kahit gaano pa kalayo iyon ay pupuntahan ko pa rin.

"You can sign this and finish your food Princess." Wika niya bago inabot sa akin ang folder.

Hindi ko na pinagabalahang basahin iyon at mabilis ko iyong pinirmahan. Too excited for his gift.

"Done." Sabi ko at binalik sa kanya ang papel.

Tumango lang siya at niyakap ako. "I-I love you Princess. I will do everything for you." Wika niya na medyo garalgal kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"I know Dad and I love you more, kayo ni Mommy." Sagot ko at nagbiro pa. "Huwag ka ng umiyak diyan. Para naman akong ikakasal kung makapag senti ka." Biro ko na bahagya pang tumawa ngunit hindi siya nagsalita.

**

"Happy Birthday Brat!" Bati ni josh sa akin sabay abot ng regalo niya. Kadarating lang niya at pormadong pormado siya sa suot niyang itim na tuxedo.

Mabilis akong napangiti. "Thank you." Pasasalamat ko bago ko siya niyakap.

Ayaw akong palabasin ni Mommy kanina dahil tatawagin daw ako ng Emcee para sa Entrance ko pero mabilis ko iyong kinontra. I don't want to have a grand Entrance. Maboboring lang ako sa paghihintay sa kwarto kaya imbes na maghintay sa loob ay sinalubong ko si Dianne at Josh.

"My pleasure." Anito na gumanti ng yakap sa akin.

Mabilis kong iginala ang mata ko dahil may pakiramdam akong may nakatingin sa amin ngayon. There I saw a man standing near the garden. May kasama siyang iba pero ang mata niya ay nakatuon sa akin. Or should I say sa amin ni Josh. I dont know why pero parang patalim ang mata niya habang nakatingin sa gawi namin.

Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka namatay na kami ni Josh.

Mabilis akong kumalas ng yakap kay Josh at iniwas ang paningin ko sa lalaki. He give me chills.

"Ang gwapo mo ngayon ah. Saan ang libing?" Biro ko sa kanya na ikinatawa niya.

Pasimple akong lumingon sa kinaroroonan ng lalaki kanina ngunit wala na ito doon kaya ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon.

"Pagbibigyan kita dahil birthday mo ngayon. And you look gorgeous." Puri niya sa akin bago iginala ang paningin sa paligid. "Dumating na ba si Dianne?" Tanong niya na ikinataas ng kilay ko.

"Looking for your love huh?" Sabi ko na sinundot pa ang tagiliran niya kaya natawa siya.

"Shh. Wag ka ngang maingay." Saway niya sa akin at inakbayan ako. "Nasaan na ba ang kaibigan mo?" Muli ay tanong niya kaya napatawa ako.

"Nandoon na sa mesa. Bakit kasi hindi mo pa ligawan. Dinadaan mo pa sa paasar-asar." Biro ko sa kanya. Nakaakbay pa rin siya sa akin habang naglalakad kami.

Marami na ang tao at halos mga business partner iyon ni Daddy. May mga kaibigan din si Mommy doon. Ang tanging inimbita ko lang ay si Josh at si Dianne.

Tumawa siya at umiling. "Dont be nosy." Aniya at bahagya pang ngumiti.

Josh is my bestfriend. Matanda siya ng dalawang taon sa amin ni Dianne. He's a childhood friend. Parang magkapatid na ang turing namin sa isat-isa. Kahit hindi naman sabihin ni Josh sa akin ay alam ko namang iba ang tingin niya kay Dianne.

"Hayun si Dianne oh!" Turo ko kay Dianne na nasa isang mesa.

Mabilis kaming lumapit doon. "Nag-iisa ang bratinella." Buska ni Josh na ikinairap ni Dianne.

"Mukha kang patay." Balik asar naman ni Dianne kaya napailing ako sa kanila.

"I told you josh." Tumatawang wika ko. Bigla namang nalukot ang ilong niya kaya sabay kaming natawa ni Dianne.

"Happy birthday again sis." Bati ulit ni Dianne at niyakap pa ako. "Huwag kang lapit ng lapit sa panget na yan at baka mahawa ka." Aniya sa akin at nilayo niya ako kay Josh.

"Sus selos ka lang niyan. Wag kang mag alala baby Dianne. Ikaw pa rin ang baby ko." Sabi ni Josh na kinindatan pa si Dianne na ikinapula ng huli.

"Gago! Ang panget mo." Dianne.

"Sa lahat ng panget ako ang gusto mo, ganon ba?" si Josh habang nakangisi.

"Wag ka ngang feeling diyan! Ang kapal ng mukha mo, mukha ka namang unggoy!"

Natawa na lang ako sa asaran ng Dalawa. Lagi silang ganyan. Kapag nagkikita sila ay para silang aso at pusa.

"Bagay talaga kayo." Sabi ko na lalong ikinapula ni Dianne.

"Narinig mo yon baby? Bagay daw tayo." Sabi ni Josh na inakbayan si Dianne.

"Hindi tayo bagay, kasi ako tao ikaw hayop." Nakangising wika ni Dianne kaya napasimangot si Josh.

"Sa lahat ng hayop ako ang pinakagwapo." sagot ni Josh kaya sabay kaming natawa ni Dianne.

Ilang sandali pa kaming nagbiruan bago ako nagpaalam sa kanila.

"Guys iwan ko muna kayo. Mag iistart na." Sabi ko sa kanila ng makita ko na sinenyasan ako ni Mommy.

Hindi ko na sila hinintay sumagot at mabilis akong tumungo sa may stage nang tawagin ako.

Nagsimula ang 18 roses. Ang unang nagsayaw sa akin ay ang Daddy ko. Dinla niya ako sa gitna at doon kami nagsimulang magsayaw.

"You look wonderful Princess." Puri niya sa akin na ikinangiti ko.

"Syempre kanino pa ba ako magmamana?" Pabirong wika ko.

Marahan siyang tumawa. Ilang sandali pa kaming nagsayaw hanggang muli siyang magsalita.

"I hope you can forgive me after this Night. Just always remember that I love you. We love you." Anito bago ako pinasa sa kasunod kong kasayaw.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Daddy sa sinabi niya pero tila may kabang bumundol sa dibdib ko.

Gusto ko sana siyang pigilan pero nagsimula ng sumayaw ang kapareha ko. Pinilit ko na lang ngumiti at nagpatuloy sa pagsasayaw.

Ilang sandali pa ay nag eenjoy na ako sa pagsasayaw. Ang ilan sa mga nakasayaw ko ay mga pinsan ko at ang iba ay anak ng mga kaibigan ni Daddy.

Ngunit muli ring bumalik ang pagkabahala sa isip ko. Nasa seventeen roses na pero hindi ko pa rin alam kung sino ang escort ko. Paano kung hindi pala pumunta ang pang 18th roses ko? It will be embarrassing.

Hinagilap ng mata ko ang paligid and there I saw the man earlier. Nakatingin na naman siya sa akin. But this time walang emosyon ang mukha niya.

He's handsome. Hindi naitago ng dilim ang kagwapuhan niya. He has this authoritative eyes, pointed nose and a sexy red lips. Hindi siya maputi pero bumagay ang kulay niya sa kanyang mukha. He look masculine. Lalaking lalaki.

"Hey kanina ka pa tahimik." Ani ni Josh na umagaw ng atensyon ko. Siya ang kasayaw ko ngayon.

"I am nervous. Paano kung hindi dumating ang escort ko. Baka mapahiya ako dito sa gitna. Sana pala ay tinanong ko si Dad kung nandito na yon." Wika ko at inilibot ang tingin sa buong paligid at iniwasang sulyapan ang pwesto ng lalaking nakita ko kanina.

Sa gilid ngmata ko ay nakita kong umakyat sa stage si Daddy.

Tumawa si Josh at bahagya pang kinurot ang pisngi ko. "Okay lang kahit hindi lumitaw ang escort mo. Ako ang mageescort sayo." Aniya kaya napailing ako.

"Nako huwag mong sabihin yan dahil kapag hindi dumating yon ay lagot ka sa akin. Sasabihin ko kay Dianne wag kang sagutin." Banta ko sa kanya at inalis ang kamay sa mukha ko.

"Hindi ka na mabiro. Parang hindi kita kaibigan ah." Aniya na kunway nagtatampo pa kaya napangiti ako.

Huminto kami sa pagsasayaw at sabay kaming napalingon ni Josh nang marinig namin ang boses ni Daddy sa may stage.

"Ladies and gentlemen my only Daughter, Samantha Nicole Valdez Del Fuego!" Mula sa speaker ay umalingaw-ngaw sa buong bulwagan ang boses ng Daddy ko.

Mabilis akong napalingon sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin at ang mata niya ay nakafocus sa mga bisita.

'Samantha Nicole Valdez.... Del Fuego.' Tama ba ang dinig ko?

Nilipat ko ang tingin ko kay Mommy at ganon din siya. Nakayuko at hindi magawang salubungin ang tingin ko. Biglang kumabog ang dibdib ko nang makita ko sa sulok ng mata ko ang paglapit ng lalaking kanina pa nakatingin sa akin.

Napatingin ako sa mga bisita. Lahat ay nagulat. Lahat ay nagbubulungan. Maging si Josh ay hindi rin napigilan ang gulat na lumatay sa kanyang mukha.

"May I have this Dance?" Tanong ng lalaki na bahagya akong sinulyapan at nakipagtitigan kay Josh na hawak pa rin ako.

Tinignan ako ni Josh. "Sam." Aniya matapos ang ilang sandali na para bang nanghihingi ng pagsang-ayon ko. Lumingon ako sa magulang ko at kita ko ang pagtango nila.

Hindi ko alam kung bakit nagdalawang isip ako. Siya ba ang pang 18th roses ko? Kilala siya nina Mommy at may go signal mula sa kanila pero bakit pakiramdam ko ay may ibang mangyayari?

Tinignan ko ang lalaki. Naghihintay pa rin siya habang nakalahad ang kamay sa harapan ko. Hindi siya nakangiti at pormal lang ang mukha niya na lalong nagpatingkad ng appeal nito. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at tumango kay Josh.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 73.2K 43
De La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she fo...
1M 28.8K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
102K 4.9K 31
He is a formidable boss. She is a tough virgin. His devotion to the cause of his clan knows no bounds. Her advocacy for the Mangyan people is remarka...
141K 2.6K 53
Hinahabol ka ng lalaking kinamumuhian mo. Kinasal ka sa lalaking mahal mo na akala mo ay kinamumuhian mo. Ano bang mararamdaman mo? You will feel the...