In Time (COMPLETED) (BXB)

By jailleunamme

11.3K 788 69

Buong akala ni Ash Federacion ay nag-iisa na siya sa kaniyang buhay matapos ang paghihiwalay ng kaniyang mga... More

In Time
Prologue
/1/ One Nine Nine One
/2/ Discovery
/3/ Going Back
/4/ Galing Ako Sa Future
/5/ Art Gallery
/6/ Obra At Tula
/7/ Poblacion
/8/ I Will Never Forget This One
/9/ Happy Birthday Arthur
/10/ Sign
/11/ You're Mine
/12/ Wala Akong Girlfriend
/13/ Kailangan Ba Talaga? Baka Gusto Na?
/14/ Pustahan
/15/ Remembrance
/16/ Scars
/18/ Isaw
/19/ Three Words
/20/ G-Spot
/21/ Sa Akin Ka Lang
/22/ Kailan Magiging Tayo?
/23/ I Won't Last The Day Without You
/24/ Sa Oras
/25/ Work Of Art
/26/ Level Five
/27/ Kailangan Mong Gawin Ito
/28/ Bring Me Back To Art
/29/ Please Calm Down Ash
/30/ Art, I'll Miss You
Epilogue

/17/ Goodnight... Art

208 18 3
By jailleunamme

CHAPTER SEVENTEEN:
Goodnight... Art

ART

Nang makaupo si Ash sa aking tabi ay sinimulan kong iguhit ang kabundukang aking nakikita. Kasama na rin ang simbahan na tanaw ng aking paningin.

"Sure kang hindi tayo mahuhulog dito?" tinanong niya habang ginagalaw ang gitara niyang bitbit.

"Kaya tayo nitong bubong, magtiwala ka lang." tugon ko.

Hinahampas kami ng napakalamig na hangin at halos magsiliparan ang mga nakasingit na papel sa aking hawak na sketchpad. Kahit madilim na ang paligid ay nakuha ko paring makuha ang bawat detalye upang maisagawa ko nang maganda ang pangunang sketch na gagawin ko.

Habang ginuguhit ko ang mga kabundukan na nakapaligid sa Mt. Pinatubo ay bigla kong naalala ang huling panahon na nandito kami nina Nanay at Tatay sa taas ng bubong dahil hiniling ko sa kanila na dito kami manatili muna bago ako makatulog.

Napahinto naman ako sa pagguhit nang makita ko si Ash na nakapikit habang nagpapatugtog ng gitara. Patuloy ang kaniyang ginagawa habang pinapanood ko lamang siya.

"Natapos na ang lahat
Nandito pa rin ako..."

Narinig ko na naman ang kaniyang pagkanta at talagang madadala ka kahit hindi mo alam ang kanta. Nakapikit parin siya at dinadama ang pagkanta at ang simoy ng hangin.

"Hetong nakatulala
Sa mundo, sa mundo..."

Unti unti nang dumidilim ang paligid at halos lumubog na ang araw, tinuloy ko na ang pagguhit habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin at paligid. Ang tanging pinagmumulan lamang ng tunog ng paligid ay ang gitara at ang mahinang kuliglig sa paligid. Unti unti na ring nagsisilitawan ang mga alitaptap.

"Hindi mo maiisip
Hindi mo makikita..."

Iminulat niya ang kaniyang mga mata at pinagmamasdan ang tanawin na nasa tapat at kitang kita naming dalawa.

"Ang mga pangarap ko
Para sa 'yo...."

Lumingon siya sa akin at tumingin nang diretso.

"...Para sa 'yo..."

Nakatitig lamang siya sa akin at nakikita kong nasa gilid lamang ang kaniyang luha. Napansin ko ding kumukurba ang kaniyang labi at ngumiti sa 'kin.

"May gusto ka ba talaga sa 'kin Art?" bigla niyang sinabi sa akin at muntikan ko nang mabitawan ang aking lapis. "Kasi diko alam kung anong gagawin ko kapag itinuloy ko yung nararamdaman ko din para sayo."

Nailunok ko nang buo ang namumuong laway sa aking bibig kaya naman para akong naging statwa matapos niyang sabihin iyon sa akin. Kinakabahan ako dahil sa hindi ko malamang dahilan. Nagsisimula na ring bumilis ang tibok ng aking puso at pinagpaawisan na din ako ng malamig.

"Bakit mo naman biglang naitanong?" nauutal kong binigkas.

"Diba sabi mo? May gusto ka sa akin?" tanong niya at itinabi saglit ang gitarang hawak niya.

"Oo..." marahan kong sinabi.
"Anong nagustuhan mo sa akin?"

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil tanong siya nang tanong, wala akong magawa kundi isipan nang magagandanag sagit lahat ng kaniyang itatanong. Inilagay niya ang kaniyang ulo sa aking hita dahil inaantok na daw siya. Nakita kong humikab siya nang mailagay at nang mapahiga siya sa aking hita.

"Bakit naman gusto mong malaman?" tanong ko sa kaniya.

"Gusto ko lang kasing malaman kung ano yung nagustuhan mo sa akin dahil feeling ko kasi, hindi ako deserving magustuhan ng kahit sino..." nakatitig siya sa akin pati na rin sa madilim na kalangitan. "Never pa kasing may nagkagusto sakin kaya nabigla ako dun sa sinabi mong may gusto ka na sa akin."

"uhhh, ganito kasi iyon Ash... Nung una kitang nakita sa school, parang ang gaan na kaagad ng pakiramdam ko sayo." agad kong ipinaliwanag at isinantabi muna ang malapit ko nang maiguhit sa sketchpad. "Sa totoo nga lang, hindi talaga ako tulog noon... Nakita kitang nakasubsob sa likuran ng classroom kaya napag-desisyunan ko na ding kunwaring natutulog para kung sakaling makita ka ni Mam, hindi lang ikaw yung mapapagalitan..." sinabi ko at nakita kong nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang nalaman.

"Seryoso ka? Kunwaring tulog ka lang noon?" tanong niya habang nakalagay parin ang ulo sa aking hita.

"Oo, mapapagalitan ka kasi nang husto at mapaparusahan ka lang mag-isa kapag nagkataong hindi ako nagtutulug-tulugan..." sinasabi ko habang nararamdaman ang simoy ng malamig na hangin. "Hindi ko din malalaman yung pangalan mo kung hindi tayo nagsama sa labas ng room para balansehin yung mga libro..." paliwanag ko.

"Hindi mo pa naman sinasagot yung tanong ko talaga eh..." sinabi niya at ako naman ang napangiti nalang sa sinabi niya.

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong ko at ngumiti sa kaniya.

"Kanina ko pang gustong malaman, Art." ani ni Ash.

"Ang tanging nagustuhan ko sayo, eto ha walang halong biro at pangiinsulto... Yung nagustuhan ko sayo ay yung pagiging cute mo lang sa mga bawat kilos mo..." lakas loob kong sinabi. "Tsaka hindi ko alam pero gandang-ganda ako sayo..." dagdag ko at hindi ko alam na lumabas iyon sa aking mga labi.

"Talaga? As in ayun yung mga nagustuhan mo sakin?"

"Oo, pati na rin tinuturing kita bilang nakababatang kapatid..." tugon ko.

"Hindi ba masyadong mabilis yung panahon para magustuhan mo ako?" tanong niya.

"Kapag kasi mahal mo yung isang tao o kaya naman gusto mo siya, hindi na dapat pinapatagal pa... kung sa tingin mo ay tunay at totoo ang nararamdaman mo para sa kaniya..." paliwanag ko at nagsisimula nang maging mahamog ang paligid.

"Hindi ko din kasi alam kung anong gagawin kong response sa nararamdaman mo para sa akin, hindi ko pa din kasi alam kung paano mainvolve sa ganitong sitwasyon..." paliwanag niya habang pinapakisuyo niyang masahihin ko nang marahan ang kaniyang ulo at buhok.

"Pero kung ikaw ang tatanungin ko Ash, may posibilidad din bang magkagusto ka sakin?" tanong ko.

"Hindi ko alam... Oo siguro, ewan..." Kahit alam kong hindi padin siya sigurado sa isasagot niya, ramdam ko na kahit papaano na nagbibigay siya ng pag-asa sa akin. Hindi pa siguro talaga siya handa. "Hindi naman din kasi natin malalaman ang panahon eh..."

"Pero kung papipiliin lang kita sa 'Oo' at 'Wala' , may tsansa bang magustuhan mo rin ako?" matapang at seryoso kong sinabi kahit nilalabanan ko ang aking kaba.

"Wala..." tila tumusok sa akin ang kaniyang sinabi nang bigla ulit siyang magsalita.

"Wala akong ibang pipiliin kundi 'Oo'."

Naramdaman kong biglang umakyat ang dugo sa aking ulo at tila ba pinipigilan kong hindi kiligin ng todo. Sa pagkakataong ito, hindi ko mailabas ang tunay kong saloobin dahil baka magulantang itong si Ash. Pinili ko nalang kagatin ang aking labi upang hindi ko maipahalata sa kaniya na sobrang tuwang-tuwa ako sa sinabi niya.

"Pero natatakot ako..." seryoso at malungkot niyang bigkas.

"Bakit ka matatakot?" tanong ko.

"Natatakot ako na baka magaya lang ako sa Mommy ko na naiwan nalang mag-isa, na walang kasama..." panimula niya. "Natatakot din ako kasi alam kong hindi ito yung lugar at panahon na para sa akin kaya nangangamba ako na baka magkahiwalay nalang tayong bigla..." saad niya habang nakatingin sa kalangitan.

Nabalot nang katahimikan ang paligid at tila ba parehas kaming tinamaan at naapektuhan sa kaniyang sinabi.

"Ash, wala ka dapat na ikatakot dahil alam ko namang mas matapang ka sa akin..." ani ko. "Kung natatakot ka na baka magkahiwalay tayo, pinapangako ko naman sayong hindi iyon mangyayari..." seryoso kong sinabi ngunit ngumiti naman ako para mawala ang pangamba sa kaniyang dinadama.

"Hindi naman siguro masama kung mas pipiliin mong maging mas masaya diba?" paliwanag ko habang nakatingin sa kaniya.

"What if ibalik na ako ng relo sa panahon ko?" bigla niyang itinanong.

"Wala akong magagawa doon Ash..." saad ko at nakita ang kaunting dismaya sa kaniyang mukha. "Pero habang nandito ka, kasama ako, gagawin ko lahat para maramdaman mong hindi ka nag-iisa... Tsaka naniniwala naman akong hindi hahayaan ng relo na ibalik kang malungkot sa inyo."

"Paano kung maranasan natin yung mga pangitain ko? Yung mga nakita kong vision?" nagaalala niyang itinanong.

"Ash, hinding hindi iyon mangyayari kung maniniwala kang hindi talaga iyon mangyayari..." Positibo kong saad at nakita kong naalis kahit papaano ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Malay natin, yung mga nakita mong vision ay kabaliktaran pala ng mga mangyayari sayo, mas magiging maganda pala..."

Ginagawa ko lahat ng aking maisip para mailihis sa pag-aalala ang isip ni Ash. Medyo naaawa na kasi ako at nalulungkot din dahil alam ko namang hindi ko nararanasan ang pangamba, takot, at hirap na dinadanas niya.

"Paano mo naman masisigurado lahat nang iyan?"

"Magtiwala kalang sa akin, at ipagdadasal nating hindi mangyari lahat nang iyon..."

Hinalikan ko siya sa kaniyang noo para pagaanin ang kaniyang loob.

"Pinayagan ba kitang halikan ang noo ko?" mala-bata niyang sinabi.

"Hindi na ako nagpaalam kasi alam ko namang gusto mong gawin ko iyon sayo diba?" pabiro kong ibinalik ang tanong at ngayon ay nagsisimula na siyang mamula at mapatawa.

Ilang sandali pa ay nasulyapan ko sa bintana ng bahay ang malaking wallclock na nasa tabi ng painting namin nina Nanay at nakita kong halos magdadalawang oras na kaming nandito ni Ash sa labas. Nakita ko rin ang sketchpad na nasa gilid ko at kahit papaano ay nakuha ko na rin ang outline ng landscape na malapit ko nang matapos.

Nang kakausapin kong muli si Ash ay nakita kong nakapikit ito at natutulog.
Hindi ko tuloy maigalaw ang aking sarili dahil mauudlot ang kaniyang pagtulog.

Maya maya pa ang napagdesisyunan ko nang buhatin si Ash papasok ng bahay at dalhin sa aking kwarto. Hinahayaan lang niya akong gawin ang ginagawa ko sa kaniya kahit alam kong nagigising siya dahil sa aking pagbubuhat sa kaniya.

Bigla ko namang naisip na may pasok bukas kaya naman minabuti ko munang iayos nang kaunti ang pwesto ni Ash sa kama. Agad ko namang kinuha ang natirang gamit sa may bubungan at ipinasok ito nang maayos.

Ilang sandali pa ay ako naman ang hindi makatulog dahil sa kailangan ko pang ayusin ang susuutin naming damit para bukas. Kinuha ko sa aparador nang dahan dahan ang dalawa kong polo, dalawang sando, dalawang pantalon, at dalawang panloob.

Inihanger ko ito nang maayos dahil naplantsa ko na naman ito bago pa makarating si Ash dito sa bahay.

"Art, tabi tayo." mahina niyang sinabi habang nakapikit. "Huwag kang aalis sa tabi ko please..."

Napapangiti nalang ako sa kaniyang sinasabi dahil parang lasing at wala sa sarili niyang sinabi lahat nang iyon. Kaya naman napagdesisyunan kong mahiga narin sa kama upang tabihan siya.

"Goodnight... Art."

Sinabi niya at ako naman ay nagulat nang sabihin niya iyon nang mahina at nakapikit.

"Matulog kana Ash, tatabi na ako sayo..." Mahina kong sinabi. "Goodnight narin sayo Ash."

Naramdaman kong ipinatong niya ang kaniyang kamay sa aking dibdib at inilagay nang bahagya ang kaniyang hita at binti sa aking mga paa. Para siyang may niyayakap na unan sanhi para hindi ako makagalaw sa aking pwesto.

Minabuti ko na ring buksan ang lamp na nasa tabi ko at ipinikit ko na rin ang aking mga mata.

END OF CHAPTER SEVENTEEN







Continue Reading

You'll Also Like

28.8K 1.4K 70
It all started with a kiss. ' Start: October 26, 2021 End: April 3, 2022
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.1K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
1.8K 124 37
#LoveIsColorBlind - Kid Adlawan is a freshman taking up an engineering course. He is a closeted gay, who chose to hide his true identity due to an in...
5.1K 366 55
Two strangers in a very unexpected scene: Ely, a seeker of true love, and Paul, the brokenhearted one. What started as a fleeting moment, now becomes...