HATBABE?! Season 2

By hunnydew

492K 12.7K 7.3K

*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real expe... More

HAT-BABE?! Season 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39

Chapter 25

9.2K 342 221
By hunnydew

"Huwooow! Tignan mo o! Ang ganda niya 'no? Ang sexy pa!" tuwang-tuwa kong sabi kay Henry na nasa tabi ko habang kumukuha ako ng mga litrato nung mga babaeng rumarampa. Siguradong matutuwa rin sina Kuya kapag nakita nila 'to!

Pero palagay ko, si Kuya Mac ang talagang mag-e-enjoy eh. Siya naman kasi ang nagtatago ng mga magazines ng mga babae. Si Kuya Chuckie naman, nakikiuso lang sa kanya. Tas sempre di pede si Kuya Chino na tumingin sa ibang babae. Mahal na mahal kasi nun si Ate Llana. Tas si 'Ya Marcus naman, mas gusto nun ng balot na balot na babae. Makaluma yun eh, ahaha.

Di ko na ipapakita kay Mason yung mga nakuhanan ko. Bukod sa KJ yon, hindi rin naman namamansin ng babae. Baka singhalan lang ulit ako. Tss.

Sa kalagitnaan ng pagrampa ng mga magagandang babae, biglang sumakit ang pantog ko. Kanina ko pa kasi pinipigilan ang pag-ihi ko kasi gusto ko sanang mapanood lahat ng mga nagmomodel. Pero nung pinatay na yung ilaw, hindi ko na kinaya. "Henry, naiihi na ako. Sandali lang ah."

Dahil nga mataas yung sapatos ko, nababagalan pa rin ako sa galaw ko. Kaya para mas mabilis akong makapaglakad, tinanggal ko na talaga yung sapatos ko at kumaripas ng takbo palabas nung theatre.

Pero ba naman! Nagsimula nang magsalita yung nasa loob, hundi pa rin ako nakakaihi! Huhuhu. "Ate! Ate! Nasan yung CR?" tarantang tanong ko kay Ate milktea. Konti nalang kasi tutulo na talaga. Ayoko namang mapaihi sa harap ng maraming tao!

Hindi ko na nga siya napasalamatan nung tinuro niya sakin eh. Malayo pa pala yon! Basta nagmadali na ako at nagdasal na sana walang pila. Mukhang ako lang naman ang tao kaya pumasok na ako sa pinakaunang cubicle na nakita ko at umupo sa trono.

Medyo nagtagal pa nga ako dun eh. Sobrang dami ko nga yatang nainom na milktea. Kinilig pa ako nung sa wakas, natapos rin akong magwiwi. Doon ko na rin sinuotulit yung sapatos ko. Kung pwede nga lang sanang nakatapak na lang ako hanggang matapos. Natuwa rin pala ako dun sa lababo kasi automatic yung gripo! Yung itatapat mo lang yung kamay mo sa nguso nung gripo tas may lalabas nang tubig. Ganun din yung sabon at yung hand dryer.

Pagkabalik ko sa theatre, may isang babaeng nakasuot ng itim na makapal at mahabang gown ang rumarampa. Pero pagdating niya sa gitna, nagulat ang mga tao nung bigla siyang hinubaran! Ako naman, nilabas ko agad yung pnone ko para pichuran. Akala ko nga may nag-aaway eh, yun pala, tinulungan lang siyang magpalit ng damit. Ang galing nga eh. Parang magic!

Gusto ko pa sanang lumapit kaso sobrang daming tao kaya pinagtiyagaan ko nalang yung pag-zoom sa telepono ko. Buti nalang talaga may camera na yung gamit ko. Wala naman kasing camera yung luma kong cellphone na sinira ni Hiro eh. Pero at least pinalitan niya. Blessing in the skies na rin siguro na nangyari yon, ahahah.

Agad ko rin namang nahanap si Henry at binida sa kanya yung mga kuha ko.

"Ang weird mo naman," kumento ni Henry. "Usually naiinis ang mga babae kapag nakakakita ng mas sexy o kaya mas magandang babae. Ikaw, tuwang-tuwa pa."

Nagkibit-bakikat ako. "Eh sa magaganda talaga sila eh. At bakit naman ako maiinis? Diba nga, may kanya-kanyang ganda ang tao? Dapat masaya ka sa kung anong binigay sa'yo ni Papa God." Bigla ko tuloy naalala sina Chelsea kapag nakikita nila akong maganang kumakain. Naiinis sila kasi bakit daw ako, masiba pero payat pa rin. Samantalang sila, kahit konti lang ang kainin, mabilis raw tumaba.

"Hindi mo ba pinangarap na maging model? O kaya beauty queen?" tanong niya.

"Hindi eh. Bukod sa ayaw ko yung mga sinusuot nila at yung palaging naka-make-up, ayoko ring gutumin ang sarili ko." Kasi sina Bea, gusto raw magmodel kaya kailangang payat. Yun nga...ampapayat na nga, nagda-diet pa at napakakonti kung kumain. Ang sarap kayang kumain! Ako... naniniwala akong nabuhay ako para kumain ng masasarap na pagkain, huehuehue.

"Speaking of...nabusog ka ba sa mga kinain mo?"

  

Napakamot ako sa ulo ko. "Sa milktea, oo. Sa pagkain, hindi gaano, heheh." Masarap yung handa kaso, nakakahiya talagang bumalik para kumuha ng marami. Nagtiyaga na lang talaga ako sa milktea.

  

Ngumiti si Henry nang maluwag. "Gusto mong mag-McDo?"

Agad talaga akong umoo kaya umalis na kami. Ang totoo kasi niyan, nabo-bore na ako dun sa event. Bukod sa hindi ko maintindihan ang mga pinag-uusapan, naiirita na ako sa suot ko. Dahil nga palda, kailangan dahan-dahang maglakad o kaya umupo. Tas ang taas pa ng sapatos ko kaya mabagal talaga akong maglakad. Mamaya ma-sprain pa ko at tuluyang di makapaglaro ng softball. Tas gusto ko rin sanang makipag-usap kaso lahat talaga nag-i-English. Tss.

Suot ko na ang fluffy bear na tsinelas ko nung pumasok kami sa pinakamalapit na McDo. Muntik pa ngang tumirik ang mata ko kasi napahinga na sa wakas ang nangalay kong mga paa dahil dun sa mataas na sapatos. At kahit pinagtitinginan kami ng tao kasi nga naka-tux pa rin si Henry tas naka-dress pa rin ako, wala kaming pakialam! Nagtuloy-tuloy lang kami sa loob.

Binilhan ako ni Henry ng Big Mac na may large na fries at large na iced tea. Sinamahan pa niya ng six piece chicken nuggets. Tas Double Cheeseburger naman sa kanya. Parehas pa kaming may chocolate sundae. Pati pala siya hindi nabusog sa kakarampot na nakain namin kanina. Kinakabahan daw kasi siya dahil dun sa mga business partners ng mga magulang niya kaya hindi siya makakain nang mahusay kanina.

Kaya ayon, galit-galit muna kami hehe.

Napadighay talaga ako nung maubos ko yung burger sa loob lang ng ilang minuto. Eto yung sulit talaga eh. Hindi ganun kamahal pero nakakabusog.

"May chicken nuggets ka pa ah," natatawang sabi ni Henry kasi kalahati pa lang ang nakain niya sa burger niya.

"Oo mamaya yan. Pabababain ko lang yung burger, hehehe." Uminom muna ako ng iced tea bago ko siya tinanong. "Buti pala ako ang inimbitahan mo?" Nagtataka lang talaga ako kasi hindi naman kami close ni Henry para ayain niya ako sa ganito kalaking event. Ano yun? Wala talaga siyang ibang maimbita?

Pinunasan niya ang bibig gamit yung tissue. "I-promise mo muna sa'king hindi ka magagalit?"

"Cross my heart, hope to die," sabi kong nag-ekis pa sa dibdib ko at itininaas ang kanang kamay. Bakit naman iniisip niyang magagalit ako sa sasabihin niya?

"Diba nasabi ko na sa'yo na ilang araw bago yung event, umalis ng bansa yung inaya ko?" paalala niya sa'kin.

"Oo. Tapos?"

"Girlfriend ko yun. Nung sinabi ko sa kanyang kailangan ko pa ring pumunta at kailangan ko ng date, sinabihan niya akong humanap ng taong hindi niya pagseselosan," dahan-dahan niyang kwento.

Nagsalubong na naman ang kilay ko. "O tapos?"

"Binigay ko yung link sa FB mo."

Nagsawsaw ako ng tatlong fries sa ketchup at sinubo yon ng sabay-sabay. "O tapos?"

"Nakita niya yung mga litrato mo."

Napalatak ako habang ngumunguya. "Diretsuhin mo na lang ako. Bakit pa insto-installment mo pang sinasabi? Hindi naman ako magagalit."

Nagbuntong-hininga siya. "Akala niya tibo ka."

Siguro may mga five seconds din akong hindi nakaimik agad. "Hmmm.. Nakakagalit nga 'yan ah..."

"Sorry talaga, Charlie," nag-aalalang tanong niya sa'kin.

"Sabi ko, nakakagalit nga. Pero hindi ko sinabing galit ako," paliwanag ko. Sanay na rin naman kasi akong natatawag na tibo kahit hindi naman totoo. Tsaka nilibre na niya ako ng pagkain kaya pwede na rin. "Basta alam mo ang totoo, hindi ako magagalit sa'yo. Pero teka, alam mo namang hindi ako tibo diba?"

Kitang-kita ko yung pagkapanatag niya sa sinabi ko. Tumango-tango siya. "Oo. Sinabi mo 'yun nung Lantern Parade."

"Edi 'yon. Walang problema," nakangiti kong sabi sa kanya. "Kung nakatulong ako sa inyo ng girlfriend mo, ayos lang sa'kin. Yun nga lang kung lagi na lang siyang magseselos, hindi ba nakakasakal 'yon? Parang hindi ka kasi niya pinagkakatiwalaan."

Mahina siyang natawa. "Ganun yata talaga kapag ilang linggo pa lang," nahihiya niyang kwento bago namin pinagpatuloy ang pagkain. Hindi na rin namin naungkat ulit yun kahit nung nasa sasakyan na kami para ihatid ako. Hindi na nga rin kami ulit nag-usap kasi nakatulog na rin siya.

Pero naaalala ko lang yung mga narinig ko sa usapan nina kuya nung minsang sinama ulit nila akong uminom sa likod-bahay. Kaka-break lang ni Kuya Mac at nung bago niyang girlfriend kasi masyado raw selosa. Nasasakal daw siya. Sa isang relasyon raw, kailangan pagkatiwalaan ang isa't-isa kahit maraming nakapaligid na iba. Tsaka dapat daw na hindi ka rin gagawa ng ikaseselos nung isa.

Ay ewan. Problema na nila yon. Basta ako, walang iniisip na ganyan. At dahil nakakahawa ang antok, nakatulog rin ako.

Si Papa yung nagbukas ng gate nung makarating kami mga bandang alas onse ng gabi. Hindi na rin bumaba si Henry kahit inaya siyang magkape ni Papa kaya umuwi na rin sila. Wala pa rin pala sina Kuya Mac at Kuya Chuckie. Tas si Mama, napasarap ang tulog dahil nga nakapagpa-spa nung umaga. Pinatulog na rin niya ako pagkatapos kong maghilamos.

Maingay ang buong bahay paggising ko kinabukasan. Kumpleto kasi kami. Mas lalo silang umingay nung nakita nila akong pumupungas-pungas papunta sa kusina.

"O! Gising na pala ang prinsesa! Good morning! Kumusta ang lakad kagabi?" masigla nilang bati sa'kin.

Humikab ako bago umupo. "Sakto lang po. Wala akong naintindihan."

"Paanong may maiintindihan ka kung sa pagkain ka naman nakatutok?" Iiling-iling na puna ni Kuya Mac.

"Hindi nga po ako nabusog sa pagkain dun eh. Puro milktea lang ang laman ng tiyan ko kagabi. Kung di pa ako nilibre ni Henry sa McDo, mamamatay ako sa gutom," kwento ko naman.

Sabay-sabay muna kaming nagdadasal bago ulit sumabog ang ingay sa kusina habang kumakain kami. Ang dami nilang tanong sa'kin tungkol sa event, pwera kay Mason na wala pa ring imik. Lagi namang tahimik yon. Di kaya napapanis ang laway nun?

"Wala ka bang nakita doon?" tanong ni Papa na nakangisi.

Nagningning ang mga mata ko. Naalala ko na naman siya. "Ay Mama! May artista po akong nakita!"

Napailing na lang si Papa nung nagliwanag ang mukha ni Mama. "Talaga? Sinong artista ang nakita mo?"

"Ay, hindi ko nga po natanong kung sino siya eh, ehehe."

"Hindi ka nagpalitrato sa kanya? Diba may camera yung phone mo?" tanong naman ni Kuya Chuckie.

"Agad nawala po sa paningin ko eh. Hahabulin ko nga po sana."

"Hahanap pa kayo ng artista, ang dami na namin ditong mukhang artista," sabat ni Kuya Mac na naghagod pa ng buhok. "Nasan na ang phone mo, Prinsesa? Magpicture tayong dalawa mamaya."

"Kung mukhang artista ka talaga, bakit hindi ka pa artista ngayon?" natatawang balik ni 'Ya Marcus.

Hinagod ulit ni Kuya Mac ang buhok niya bago humarap sa panganay namin. "Over-qualified ako. Besides...I prefer to keep a low profile."

Binato ni Kuya Chino ng kapirasong patatas galing dun sa corned beef si Kuya Mac. "Lakas ng apog mo ah!"

"Oy! Anong sinabi ko sa paglalaro ng pagkain?" pagbabawal ni Mama.

Akala ko tatahimik na sila, pero saglit lang pala. Pinagpatuloy lang nila ang usapang pogi at pag-aartista habang nilalantakan ko ang longganisa.

"Hindi lahat ng artista, pogi. Subsequently, hindi rin lahat ng pogi, nag-aartista," depensa pa rin ni Kuya Mac at hindi na sila nabawalan ni Mama nung nagbatuhan ulit sila ng maliliit na piraso ng patatas kasi pati siya nakikitawa. "Teka nga lang! Bakit niyo ako pinagkakaisahan? Hindi ko naman sinasarili ang pagiging pogi ah. Sabi ko, lahat tayo mukhang-artista."

"Dapat lang, mukhang artista rin ako eh. Mana kayong lahat sa'kin," sabat ni Papa at siya naman ang binato ni Mama ng patatas.

Bumaling sa'kin si Kuya Chuckie. "Wala ka na bang ibang ginawa dun?"

Agad kong naalala yung mga pictures na nakuha ko. "Meron po!" Kaya kumaripas ako ng takbo pabalik sa kwarto para kunin yung telepono ko. "Kumuha ng litrato ng mga magagandang babae na naka-bra at panty lang! Eto po o!"

Halos lahat sila naubo sa sinabi ko.

"Ah, oo...naalala ko ngang underwears and lingerie ang linya ng Elle Couture," paliwanag ni Papa pero wala namang nakikinig sa kanya kasi nagkumpulan na sina kuya sa paligid ko.

"Huy, B2... Bakit ka nakikitingin, isumbong kita kay Llana eh!" sabi ni Kuya Marcus na bina-box out pa si Kuya Chino.

"De isumbong mo lang, B1. Sabihin nun sa'yo, mas sexy siya sa mga 'to," balik naman ng pangalawa namin na naniningad pa rin.

"Ang sexy nga," bulong ni Kuya Chuckie.

"Malamang! Alangang kumuha sila ng malusog para magmodel ng lingerie!" asik ni Kuya Mac na pinakamalapit sa'kin. "Sinong pinakamaganda prinsesa? Ireto mo sa'kin, bibigyan kita ng pagkain."

Isa-isang binatukan ni Mama sina kuya ng binilot na dyaryo. "Kayong mga bata kayo! Kung anu-ano ang natututunan ni Charlotte dahil sa inyo eh. Tsaka alam niyo bang mas sexy pa ako sa mga iyan nung dalaga pa ako!"

Pati talaga ako natawa sa sinabi ng nanay ko. Ang ingay talaga namin.

"Sino pa ang nakita mo dun, 'Nak?" tanong ni Papa na nakangisi pa rin. Naisip ko tuloy kung may dapat ba akong makita dun na hindi ko nakita o napansin?

"Bukod kay Mama Louise po...wala na. Akala ko nga po nakita ko si bespren Louie eh. Hawig kasi niya yung huling nagmodel. Teka...di ko alam kung may kuha ako nun eh..." bulong ko habang kinakalikot yung phone ko. "Nagkagulo yung mga tao kasi po nung hinubaran siya—"

Napasinghap talaga silang lahat nung sinabi ko 'yon. "Hinubaran?!"

"Hinde! Ano...kasi balot na balot siya nung unang naglakad, tapos biglang kinalas yung damit niya. Tas sa isang iglap, nagbago yung suot niya. Parang magic nga eh," kwento ko habang nagsi-scroll pa rin sa mga litrato. Kaya hindi ko rin inisip na si bespren nga 'yon. Baka na-KO niya pa yung mga babae bago pa siya matanggalan ng damit eh. "Eto o! Kaso blurred. Diba, Mase? Kamukha ni bespren?" baling ko sa katabi ko.

Tumahimik lahat nung kinuha ni Mason yung telepono ko. "Nasan? Wala man," sabi niya bago binalik yung cellphone ko at tumayo.

"Meron!  Kakikita ko pa lang kani—" nanlaki ang mga mata ko nung di ko na makita yung kaisa-isang litrato nung huling babaeng naglakad. "BAKET MO BINURA?!"

Kaso di na niya ako narinig kasi nakabalik na siya sa kwarto.

Kainis 'yon! Ipapakita ko dapat kay bespren yung picture pag nagkita kami eh, huhu.

===

A/N: Yehey... Blessing in the skies! Why not naman? Wag tularan!!! Blessing in disguise yon! Hahahaha

At dito ko na po tatapusin ang kwentong business launch ni Charlie :) sa kasamaang-palad, wala siyang nakitang ibang taong kilala niya ahaha XD

Picture ng artistahing si Mark at si Charlie, nasa multimedia section XD haha.. kunwari hindi blonde si Charlie jan.. lelelels

-hunny

Posted on 6 December 2014

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...