✔ 02 | Flames Of Madness [Soo...

By NoxVociferans

104K 8.2K 545

"The crazy thing about a fire is that it devours everything..." Detective Nico Yukishito and Detective Briann... More

NOX
PROLOGUS
CAPITULUM 01
CAPITULUM 02
CAPITULUM 03
CAPITULUM 04
CAPITULUM 05
CAPITULUM 06
CAPITULUM 07
CAPITULUM 08
CAPITULUM 09
CAPITULUM 10
CAPITULUM 11
CAPITULUM 12
CAPITULUM 13
CAPITULUM 14
CAPITULUM 15
CAPITULUM 16
CAPITULUM 17
CAPITULUM 18
CAPITULUM 19
CAPITULUM 20
CAPITULUM 21
CAPITULUM 22
CAPITULUM 23
CAPITULUM 24
CAPITULUM 25
CAPITULUM 26
CAPITULUM 27
CAPITULUM 28
CAPITULUM 29
CAPITULUM 30
CAPITULUM 31
CAPITULUM 32
CAPITULUM 33
CAPITULUM 34
CAPITULUM 35
CAPITULUM 36
CAPITULUM 37
CAPITULUM 38
CAPITULUM 39
CAPITULUM 41
CAPITULUM 42
CAPITULUM 43
CAPITULUM 44
CAPITULUM 45
CAPITULUM 46
CAPITULUM 47
CAPITULUM 48
CAPITULUM 49
CAPITULUM 50
CAPITULUM 51
CAPITULUM 52
CAPITULUM 53
CAPITULUM 54
CAPITULUM 55
CAPITULUM 56
CAPITULUM 57
CAPITULUM 58
CAPITULUM 59
CAPITULUM 60
CAPITULUM 61
CAPITULUM 62
CAPITULUM 63
CAPITULUM 64
CAPITULUM 65
CAPITULUM 66
CAPITULUM 67
EPILOGUS
About the novel

CAPITULUM 40

1.2K 105 6
By NoxVociferans

The Eastwood Jewels
8:38 a.m.

---

Atty. Lelouch San Andres kept staring at the expensive jewelries displayed in front of him. Higit-kalahating oras na yata siyang nakatayo rito sa tapat ng mga estanteng may harang na salamin, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umaalis.

He was actually half-expecting the store owner to check his pulse if he was still alive. Pero mapagpasensya lang siyang nakatitig sa abogado na tila ba nauunawaan ang problema nito.

Finally, Mr. Sauveterre, a man in his mid-thirties who had been famous for the half-moon shaped eyeglasses resting on his pointed nose, approached him..

"Attorney, ilang araw na kitang napapansin dito. Hindi ka pa rin ba makapili ng ibibigay mo sa kanya?"

Agad na nag-iwas ng tingin si Lelouch. 'Paano niya nalaman?' Inayos niya ang kwelyo ng kanyang kulay puting polo at mabait na ngumiti sa may-ari ng shop na ito. Ilang dekada nang nakatayo ang Eastwood Jewels, kaya hindi na nakakapagtakang nababasa na ng matanda ang kanyang mga customers.

"I.. I just couldn't find the right one to match her."

And Lelouch doubts he ever will.

Alam niyang hindi naman mapili sa alahas ang dating kasintahan, pero nahihirapan pa rin siyang maghanap ng babagay sa kanya. If he were a reckless and impulsive bastard, baka binili na lang niya lahat, lalo na't mayaman naman sila---pero hindi niya gagawin 'yon. Mawawalan ng saysay ang ilang araw na niyang pagpapabalik-balik dito sa Eastwood Jewels kung hindi siya makakapili.

Sensing his discomfort, napabuntong-hininga si Mr. Sauveterre at tipid na ngumiti.

"Nauunawaan kita, hijo. Noong pinilian ko ng hikaw ang asawa ko, inabot rin ako ng isang linggo sa pamimili. Only men with true intentions go through this trouble. My grandfather once said that women are like jewelries.. all of them are pretty, all of them shine in their own special way.. it's just a matter of how we take care, value, and appreciate them."

"That.. makes sense. I never thought of it that way."

"Bata ka pa, hijo. Marami ka pang matututunan sa buhay."

Napangiti si Lelouch. Huminga ulit siya nang malalim at tinitigan ulit ang mga alahas sa estante.

Pero ilang sandali pa, bigla na lang umalingawngaw sa katahimikan ng shop ang ringtone niya. Kalmado niya itong kinuha sa bulsa ng kanyang itim na slacks at sinagot ang tawag.

"This is Atty. San Andres speaking."

["Atty. San Andres! Akala ko naligaw ka na. Nandito na ako sa Owl Night Café--"]

"You mean, Night Owl's Café," he corrected.

Mahina namang natawa yung kausap niya. ["Bah! Pareho rin yun. Bilisan mo na para mapag-usapan na natin yung kaso ko."]

"Yes, sir. I'm on my way."

At pinatay na ni Lelouch ang tawag. Napasimangot siya nang makitang isang oras na mas maaga ang kausap niya sa napag-usapan nilang oras ng pagkikita. 'Impatient clients. They think they can demand just because they have money. Tsk!' He cleared his throat and composed himself before he could say anything nasty.

Napapailing na lang si Mr. Sauveterre, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"In demand ka talaga, attorney. Lahat na yata ng kaso, naipanalo mo. Maswerte ang Eastwood sa'yo."

"S-Salamat po."

Lelouch tried not to be bothered by what he said. Kung mabuti siyang abogado ngayon, iyon ay para makabawi siya sa lahat ng pagkakamaling nagawa ng kanyang ama. This was his own kind of "atonement" for his father's sins. Sabihin na lang natin na sadyang "magkaiba" ang mga prinsipyo nila ni Mr. Lemuel San Andres.

Until now, Lelouch would still hear his spiteful words echoing inside his head, along with the memory of almost disowning him.

"Sayang at mukhang hindi ka pa nakapili, attorney.. do you want me to display the new arrivals? Baka may magustuhan ka roon."

Napabalik na lang siya sa kasalukuyan nang biglang magsalita ang matanda. He politely nodded, "That would be great. I'll come back tomorrow, Mr. Sauveterre."

At umalis na ang pinakabatang district attorney ng Eastwood, bitbit ang kanyang kulay itim na briefcase. Nang makalabas na siya sa shop, agad niyang pinuntahan ang sasakyang ipinarada niya sa malapit.

Agad siyang napahinto nang maramdamang may nakamasid sa kanya.

Nagpalinga-linga siya sa paligid, pero wala namang kahina-hinalang tao roon. Makalipas ang ilang sandali, napagdesisyunan na niyang isawalang-bahala ito at pumasok sa kanyang kotse.

He was already late for an appointment and he doesn't want his client blabbering anymore nonsense, now does he?

*

Pinanood ng Robinhood Arsonist ang papalayong sasakyan ng abogado.

He smirked and leaned casually against a chair outside a convenience store. Kanina pa siya nakatambay doon habang minamanmanan ang bawat kilos ni Atty. Lelouch.

'When fire goes up, a corpse comes down.'

Sinubukan niyang isulat ito kanina sa isang tissue, pero agad rin siyang sumuko. His hand never cooperated with him when it came to writing. Ibinulsa na lang niya ang tissue, at ibinato sa isang waitress ang ballpen.

Later on, he played with the matchbox in his hand, filled with his dead dog's ashes. Para sa kanya, nagsisilbi itong "lucky charm" sa anumang gagawin niya. Some people call him crazy for believing in such foolishness, but he knows better.

Ang hihilig nilang kuwestiyunin ang mga pananampalataya at paniniwala ng ibang tao dahil mas madaling ibaling ang atensyon sa iba kaysa sa salamin.

"Ah, yes. Humanity--or atleast, what's left of it..." Mahina siyang natawa at tinitigan ang listahan. Kinuha niya ang isang kulay pulang marker at nilagyan ng ekis ang pangalan ni Mr. Kingstone sa magazine. "When fire goes up, a corpse comes down.. you should be thankful, attorney. Unlike the others, I'll burn you in hell myself."

Hell is a nice place.

And the Robinhood Arsonist would be more than delighted to hear his last victim scream in torment. Papanoorin niya kung paano tumuklap ang kanyang balat habang nilalamon ng apoy ang kanyang katawan. Kung paano tatagas ang pinaghalong dugo at tubig sa ilalim ng kanyang sunog na balat. The arsonist will relish the smell of burnt fats and watch the attorney's internal organs pop like party balloons and leave a sickly pile of black, toasted meat..

He will be nothing but a corpse, a skeleton, murdered and eaten by the beautiful flames.

His final masterpiece.

'But that will have to wait. May iba pang naka-schedule mamatay mamayang gabi.'

---

Continue Reading

You'll Also Like

170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
44K 4.5K 69
"Kailangan natin siyang pigilan bago pa ubusin ng virus ang populasyon ng Eastwood!" This time around, Detective Nico Yukishito and Detective Brianno...
2.5K 299 34
Eula Chelle Payton came home one day, with her belongings packed in her bag and luggage, on the pavement in front of her father's house. Her father t...
60.3K 3.7K 21
COMPLETED | The Orphic Secret must be unveiled to put an end to the Zero Curse. The Orphic Secret // Phoenix Academy's prequel + short postlude [ACAD...