✔ 02 | Flames Of Madness [Soo...

By NoxVociferans

102K 8.2K 543

"The crazy thing about a fire is that it devours everything..." Detective Nico Yukishito and Detective Briann... More

NOX
PROLOGUS
CAPITULUM 01
CAPITULUM 02
CAPITULUM 03
CAPITULUM 04
CAPITULUM 05
CAPITULUM 06
CAPITULUM 07
CAPITULUM 08
CAPITULUM 09
CAPITULUM 10
CAPITULUM 11
CAPITULUM 12
CAPITULUM 13
CAPITULUM 14
CAPITULUM 15
CAPITULUM 16
CAPITULUM 17
CAPITULUM 18
CAPITULUM 19
CAPITULUM 20
CAPITULUM 21
CAPITULUM 22
CAPITULUM 23
CAPITULUM 24
CAPITULUM 25
CAPITULUM 26
CAPITULUM 27
CAPITULUM 28
CAPITULUM 29
CAPITULUM 30
CAPITULUM 31
CAPITULUM 32
CAPITULUM 33
CAPITULUM 34
CAPITULUM 35
CAPITULUM 36
CAPITULUM 37
CAPITULUM 38
CAPITULUM 40
CAPITULUM 41
CAPITULUM 42
CAPITULUM 43
CAPITULUM 44
CAPITULUM 45
CAPITULUM 46
CAPITULUM 47
CAPITULUM 48
CAPITULUM 49
CAPITULUM 50
CAPITULUM 51
CAPITULUM 52
CAPITULUM 53
CAPITULUM 54
CAPITULUM 55
CAPITULUM 56
CAPITULUM 57
CAPITULUM 58
CAPITULUM 59
CAPITULUM 60
CAPITULUM 61
CAPITULUM 62
CAPITULUM 63
CAPITULUM 64
CAPITULUM 65
CAPITULUM 66
CAPITULUM 67
EPILOGUS
About the novel

CAPITULUM 39

1.2K 116 3
By NoxVociferans

Genesis Orphanage
3:00 a.m.
---

Detective Nico Yukishito impatiently tapped his fingers against the sofa's armrest. Kanina pa siya hindi kumportable sa upuang ito. Akmang magrereklamo na sana siya kanina nang sinamaan siya ng tingin ni Nova. She glared at him as if daring him to say something rude in the presence of a nun.

'Women. Tsk!'

Huminga na lang siya nang malalim at nakinig sa usapan. Kasalukuyan nang inaasikaso nina Inspector Ortega at ng Eastwood Crime Unit ang nahanap na bangkay---o ang natira sa bangkay---ni Janella Consejo. Atty. Lelouch, being the litte righteous and goody-two-shoes prick he is, volunteered to assist them.

Nang malaman nila ng tungkol sa ivory figurines, hindi na nagdalawang-isip ang dalawang detectives at dumiretso dito sa kalapit na orphanage.

Now, after exchanging a few pleasantries and almost waking up the kids with Nico's loud knocking, nakaupo silang lahat sa may sala. Nakahain sa kanilang harapan ang inihandang herbal tea ng madre at ilang piraso ng biskwit na nahanap nito sa maliit nilang refrigerator.

Nico didn't touch any of it.

"Pasensya na kayo, detectives.. naku, hindi pa ako makapagluto ng matinong pagkain para sa inyo. Baka kasi magising ang mga bata."

Detective Briannova Carlos shook her head in a kind manner, "No worries po. Sandali lang din naman po kami.. pasensya na sa abala, Mother Theresa, pero narinig po kasi namin sa kasama namin na may nabanggit kayo tungkol sa ivory figurines?"

Napansin ni Nico na bahagyang nag-iwas ng tingin si Karies. Hindi mapakali ang kanyang mga mata at kanina pa inaayos ang pagkakaipit ng kanyang buhok.

'She's nervous.'

Pero bakit naman siya kakabahan?

Nico's guts is telling him that there's something more to this case.

Sa kabila ng pagtataka, sinagot pa rin ng madre ang tanong ni Nova.

"Ah, opo. Donation kasi ang mga ivory figurines para dito sa bahay-ampunan. Hanggang ngayon nga ay hindi ko malaman kung saan pwedeng ibenta ang mga ito." Mahinang natawa ang madre. Pero nang mapansin niyang walang tumawa, mabilis ring napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon nito.

"May problema po ba?"

"Pwede ba naming makita ang figurines na sinasabi niyo?" Nico finally asked. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niyang lalong hindi mapakali si Karies.

'Is she hiding something?'

Hindi na lang niya ito pinansin at sumandal na lang sa upuan habang hinihintay nilang bumalik si Mother Theresa. Sa kanyang tabi, kapansin-pansin na rin ang pagkabahala ni Nova. "Do you think they're the same figurines?"

"Yes."

"Pero paano naman mapapadpad ang mga 'yon dito? This place is harmless!"

"Sometimes the most innocent places harbor the most terrifying secrets, Nova. Do not be deceived by appearance alone."

Maya-maya pa, bumalik na ang madre bitbit ang tatlong ivory figurines. Ipinatong ni Mothers Theresa ang mga ito sa coffee table at bumalik sa kanyang pwesto. A sad smile graced the elderly woman's lips, "Malaking tulong nga ang donations na 'to lalo pa't medyo kinakapos kami ngayon ng panggastos dito sa ampunan. Matagal-tagal na ring tumigil ang sustento sa'min dito.."

Detective Nico picked it up one of the displays and eyed it. Ganoon rin ang ginawa ni Detective Nova at ikinumpara ang mga ito sa larawang nasa cellphone niya. Nang malaman niyang ivory figurines ang nanakaw kay Mr. Kingstone, the pink-haired detective immediately did an online search and tried to get some references. Fortunately, nahagip ng isang picture sa instagram post ni Mr. Kingstone ang estante niya ng mga ivory figurines.

Kalaunan, napabuntong-hininga si Nova at itinuro ang isang "angel" figurine sa kasama.

"Kamukhang-kumukha nito ang nasa picture, Nico. It's too distinctive to be a coincidence. At dahil imposible nang mag-import ng mga ganito sa legal na paraan, I think these are the same ones from Mr. Kingstone's office."

"I figured as much," Nico said. "This case is too damn twisted to be a coincidence. Sino ulit ang nag-donate nito?"

Bumalik ang atensyon nila sa madreng naguguluhan pa rin sa mga nangyayari. Tipid naman itong ngumiti sa kanila, "Dala-dala ni Karies ang mga 'to kahapon. Nakuha raw nila sa attic ng mansyon nila.. dati raw itong pagmamay-ari ng mga Victoria."

'What in the name of Sherlock?'

Ngayon naman ay napunta sa dalagang kanina pa nananahimik ang atensyon ng dalawang detectives. Karies was fidgeting as she held her hands on her lap. Hindi rin siya makatingin nang maayos sa kanila.

"Is that true, Karies?"

Binilang ni Nico ang segundong lumipas bago ito marahang tumango. Para bang nag-aalinlangan ito at pinag-isipan muna ang isasagot sa kanila.

Si Detective Nova na ang nagpaliwanag ng sitwasyon sa madre. Sinabi nito ang ilang piling detalye tungkol sa kaso at kung saan nanggaling ang mga figurines na ito. Meanwhile, Nico was still deep in thought...

'These ivory figurines are clearly the stolen ones from Mr. Kingstone. Whoever had these must be the Robinhood Arsonist. Posible kayang si Mr. Victoria mismo?'

"---we need to confiscate these ivory figurines and surrender them to the Eastwood police. Magagamit itong ebidensya kay Robinhood Arsonist." Pagtatapos ni Nova, an apologetic smile on her cherry pink lips.

Pagkatapos nito, tumayo si Nico at sinundan ang kasamang lumabas ng ampunan. He dared one last glance at a pale Karies and frowned. Ngayon ay sigurado na siyang may itinatago sa kanila ang dalaga.

Nang makalabas na sila ng Genesis, Detective Nico announced, "Well, I guess we have to do an investigation on Mr. Victoria. Kung siya nga ang Robinhood Arsonist, kailangan nating maging handa."

Nova sighed.

"Actually, I have a theory."

"Is that why you and that disgustingly noble attorney trespassed into the Eastwood Fire Department's main office yesterday?" He smirked.

"H-How on earth did you know that? Gosh! Nevermind. I'll tell you all about it once you get atleast five hours of sleep. You look like a mess, detective."

Hindi na kumibo si Nico. As much as he doesn't want to be bossed around, maybe he does need some sleep.

---

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 642 31
"Nico, she's been dead for over a decade! Mahihirapan tayong i-identify ang biktima." "Well, we have no choice, Nova," the greatest detective in East...
146K 8.8K 16
COMPLETED | After all, the storm was only a reminder of death. A Thieves of Harmony short sequel about death and storm. [THE OLYMPIAN WORLD] Thank yo...
6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...