In Time (COMPLETED) (BXB)

By jailleunamme

11.3K 788 69

Buong akala ni Ash Federacion ay nag-iisa na siya sa kaniyang buhay matapos ang paghihiwalay ng kaniyang mga... More

In Time
Prologue
/1/ One Nine Nine One
/2/ Discovery
/3/ Going Back
/4/ Galing Ako Sa Future
/5/ Art Gallery
/6/ Obra At Tula
/7/ Poblacion
/8/ I Will Never Forget This One
/9/ Happy Birthday Arthur
/10/ Sign
/11/ You're Mine
/12/ Wala Akong Girlfriend
/13/ Kailangan Ba Talaga? Baka Gusto Na?
/15/ Remembrance
/16/ Scars
/17/ Goodnight... Art
/18/ Isaw
/19/ Three Words
/20/ G-Spot
/21/ Sa Akin Ka Lang
/22/ Kailan Magiging Tayo?
/23/ I Won't Last The Day Without You
/24/ Sa Oras
/25/ Work Of Art
/26/ Level Five
/27/ Kailangan Mong Gawin Ito
/28/ Bring Me Back To Art
/29/ Please Calm Down Ash
/30/ Art, I'll Miss You
Epilogue

/14/ Pustahan

234 21 0
By jailleunamme

CHAPTER FOURTEEN:
Pustahan

ART

"E e Art, kakasya ba sa pera mo lahat ng inorder natin?" tinanong niya sa akin habang ako naman ay nakatingin lamang sa paligid.

"Oo naman, ngayon lang naman eh." saad ko.

Sana kasi maunawaan ni Ash na yung ginagawa kong ito ay para din sa ikalilibang niya habang nandito siya sa panahon ko. Ayoko kasing maramdaman niya na nakakulong siya dito sa 1991 kaya naman ginagawa ko lahat ng kaya kong gawin para maging masaya siya kahit papaano. Ang bilis nga lang ng mga pangyayari.

Nakita kong may paparating na isang tray na puro pagkain sa aming direksyon. Umuusok ito at talaga namang nakakatakam ang amoy. Nakakunot ang noo ni Ash at tila ba nagtataka sa mga nagiging reaksyon ko.

"Art, huwag ka sanang maooffend pero, bakit parang ang takaw mo?" tanong niya. Muntikan ko nang maibuga yung nainom kong tubig.

"Hindi ako matakaw, natatakam ka lang kasi sa inorder kong pagkain." Napabuntong hininga nalang siya. "Halata na din sa mukha mong gutom kana kaya nasasabi mo iyan." Natatawa kong sinabi. Nagsimula na kami sa pagkain at halos nakakatakam lahat ng nakahain din dito sa aming lamesa.

"Hoy, hindi ako matakaw." Sinabi niya sabay kuha ng kutsara't tinidor sa isang maliit na lalagyanan.

Napansin ko ang isang maliit na TV sa taas ng sulok ng restaurant na may nakalagay na balita. Napahinto ako sa aking pagkain at nagpatuloy padin si Ash sa pagkain.

"Muling naalarma ang mga awtoridad dahil sa pagiging aktibo at sa posibilidad na paggising ng---"

Naantala ang aking panonood nang maaninag ko sa aking tabihan ang pagkuha ni Ash sa aking plato ng pagkain.

Napahinto siya sa pagkuha ng ulam sa akin at bigla na lamang siyang ngumiti.

"Pwedeng makahingi ng balat?" tanong niya at ako na mismo ang nagtanggal ng balat ng aking kinakaing manok. "Salamat." Nakangiti niyang sinabi. Nang ibalik ko ang aking paningin sa television ay commercial na ang nakalagay dito.

"Anong hinahanap at tinitingin-tingin mo diyan Art?" tanong ni Ash habang pinapapak ang manok niya.

"Wala, may nakita lang akong balita." tugon ko.

Bigla naman akong napaisip sa kung ano yung sinasabi ng balita kanina. Para kasing seryoso na marinig kaya naman ako ay nabahala. Mabuti na lamang at hindi nakita iyon ni Ash at bak makadagdag lamang iyon sa kaniyang aalalahanin.

"Anong balita naman iyon?" agad niyang itinanong. Nagiisip ako nang kung anong pwedeng sabihin para hindi niya malaman yung talagang nakita ko.

"Ano daw, may ano..." nauutal kong ipinapaliwanag.

"Anong ano?" tanong niya at siya'y nakatingin ngayon sa akin.

"May ano daw, may naaksidente daw na artista." pagsisinungaling ko.

"Sino daw?"
"Hindi ko masyadong kilala eh, basta daw artista." bigkas ko.

Ang hirap palang hindi sabihin ang totoo sa taong gusto lang talagang malaman ang tunay. Sorry Ash pero hindi ko din alam kung ano yung nakita ko kanina eh, basta sana kung ano man iyon ay wala lang sana.

"Uhmmm Ash, sayo nalang itong manok ko, busog na kasi ako." sinabi ko at tumayo. "Pupunta lang ako sa banyo." Naramdaman kong tila ba naguguluhan si Ash sa mga ikinikilos ko pero pupunta talaga ako ng banyo.

Ilang minuto ang nakalipas at ako ay bumalik na sa aming kinaroroonan, halos wala nang laman na nakadikit sa buto ang ibinigay kong manok sa kaniya. Gutom na gutom talaga siguro itong taong ito.

"May problema ba Art?" tanong niya sa akin at ako'y napabuntong hininga at napangiti na lamang sa kaniya.

"Wala naman, pero ikaw yata, meron." biro ko sa kaniya at siya ay nagtataka.

"Anong meron sa akin? Gawa ba nung kinakain kong ulam?" Tanong niya. "Baka iniisip mong matakaw ako, subukan mo lang." depensa niyang sinabi at ako naman ay natawa sa sinasabi niya.

"Nakikita mo ba yung labi at pisngi mo?" natatawa kong itinanong.

"Anong meron?" tanong niya at wala siyang kamalay-malay sa kung anong meron sa mukha niya. Agad ko namang pinunasan gamit ang isang tissue ang kaniyang labi at pisngi. Nakatitig ako dito at tila ba nagulat si Ash sa aking ginawa.

"Kitang kita sa amos mo na gustong gusto mong kainin halos yung buong manok eh." panunukso ko.

Ang sarap talaga nitong kasama, hindi ko maintindihan pero ang saral saral lang niyang alagaan at asikasuhin. Kung alam lang sana ni Ash ito, baka akin na siya kahapon pa.

"Naku, sorry ha..." saad niya at uminom ng tubig "Oo na, aaminin ko na..." sinabi niya at nakaisip agad ako ng sasabihin.

"Alin? Na gusto mo na rin ako?" napatigil siya sa kaniyang pagkain at ako naman ay nakangiti sa harap niya.

"NA MATAKAW AKO, OKAY?" Halos marinig ng ilang tao sa loob ng restaurant ang sinabi niya at siya ngayon ay biglang napayuko at nahihiya.

"Ahhh, matakaw pala naman." panunukso kong muli. Sinamaan ako ng tingin ni Ash na tila ba sisipain na naman niya ako kahit anong oras.

-----

Tapos na kami sa aming kinain at iniwan nalang namin ang aming pinagkainan, napansin kong niluluwagan ni Ash ng kaniyang sinturon para daw siya ay makahinga kahit kaunti.

"Grabe nabusog ako." saad niya sabay dighay. "Salamat Art."

Iniabot ko sa kaniya ang pera. "Ito yung pambayad, ikaw nalang magbayad sa counter." saad ko. Sumang-ayon naman siya at agad na tinahak ang daanan.

Nang siya ay tumayo, bigla kong napansing parang nagiilaw ang kaniyang relo pati na rin ang aking suot. Kahit nasa counter na siya ay kitang kita kong kumikinang ang paligid ng relo na tila ba may ipinapahiwatig. Bumalik si Ash sa aking kinauupuan at ibinigay sa akin ang resibo.

"Ash, wala ka bang napapansin sa suot mo?" tanong ko. Tumibgin siya sa kaniyang damit at pantalon, ngunit sinabi niyang wala daw siyang nakikita.

"Wala naman, bakit?" tanong niya.

"Nakikita mo bang umiilaw yung relo mo at yung sa akin?" pakisuyo ko. Agad naman niyang tinignan ang kaniyang relo at ang sa akin ngunit para bang wala siyang napapansin.

"Wala naman akong napapansing umiilaw..." Tugon niya. Mayamaya pa ay untiunting nawawala ang pagilaw ng aming mga relo.

"Bakit ganon? Hindi mo nakikita yung nakikita ko sa relo nating dalawa." paliwanag ko.

"Baka ikaw lang yung pwedeng makakita, bakit? Umiilaw ba talaga?" saad niya at tinititigan ang akibg relo.

"Kanina umiilaw, ngayon hindi na." tugon ko.

Hindi ko lubusang maisip kung ano nga ba ang nakita ko pero may nararamdaman akong mali eh, pakiramdam ko may gustong iparating yung relo sa amin ni Ash pero hindi parin namin malaman.

"Nakita ko yung relo ko na umiilaw nung mahimatay ako. Ayun lang yung unang beses na nakita kong umilaw iyon." paliwanag niya.

Bigla naman akong napaisip dahil sa sinabi niya, paano kaya kung yung pangitain niya ay siya lang ang nakakaramdam tapos ako nakikita ko lang yung relong umiilaw. Baka may sinisimbolo talaga yung relong iyon para sa amin. Hindi ko na talaga alam ang gagawin.

Matapos naming magusap ay napagdesisyunan na naming lumabas na at iwan ang restaurant.

"Saan na tayo pupunta?" Tanong niya sa akin habang inililibot ang kaniyang paningin.

"Punta muna tayo sa mall, may titignan lang ako." anyaya ko at tila ba hindi makasagot si Ash. "Please... Masaya dun, promise." Nakangiti kong habol at sa wakas ay napapayag ko na din siya.

Hinawakan kong muli ang kaniyang kamay at saka naman ako pumara ng jeep. Naramdaman ko namang hinawakan din niya nang mahigpit ang aking kamay.

"Pasmado ang kamay ko ha, bahala ka diyan." sinabi niya at sumakay na kami sa jeep.

Ilang minuto ang nakalipas at nakababa na kami ng jeep matapos kong iabot ang bayad sa driver, medyo umiinit na ang paligid kaya't minabuti na naming pasukin ang mall dahil pinagpapawisan na kami.

Ilang sandali nang makapasok kami sa mall ay bumungad sa amin ang napakaraming tao. Agad ko naman ulit na hinawakan ang kamay ni Ash matapos kaming harangin ng mga guard sa labas.

"Mamaya tayo maglakad ng mabilis, ang bigat kasi ng tiyan ko." saad niya at ako ay napangiti na lamang.

"Buntis ka?" pabiro kong sinabi.

"Sira ka!" Natawa ako nang makita kong kumunot na naman ang kaniyang noo.

"Huwag kang sumimangot, papangit ka niyan." panunukso ko at naglakad na ulit kami.

"Sumisingga na naman ang pagiging bully mo ha." sinabi niya habang pinagmamasdan ang paligid at loob ng mall.

Ilang sandali pa ng aming paglalakad ay may mga nakikita kaming nagtitinda ng lobo, may mga maliliit ding mga tindahan at isang napakahabang escalator at hagdan.

"Ang dami namang pwedeng mapuntahan dito." ani ni Ash at siya ay humarap sa akin. "May palaruan ba dito?" naeexcite niyang itinanong.

"Oo naman. Gusto mong puntahan?" Anyaya ko at pumayag naman siya. "Hindi ka siguro nakakalabas ng bahay sa inyo 'no?"

"Bihira lang din, tsaka ako lang din lagi magisa sa bahay kaya feeling ko nasa presinto ako." pabiro niyang ipinaliwanag. Ginamit namin ang escalator at bakas sa mukha niya ang tuwa at excitement.

Ilang hakbang nalang ay nasa tapat na kami ng isang napakalaking palaruan, lumiwanag ang mata ni Ash dahil na rin siguro sa kagustuhang makapunta dito.

Hinila ako ni Ash at sabay kaming tumakbo papasok sa palaruan, napahinto siya nang tawagin siya ng babaeng nasa counter at namimigay ng ticket.

"Hindi kayo pwedeng pumasok basta-basta ng wala kayong ticket." sinabi niya kaya naman napa-atras kami ng kaunti at ako na mismo ang nagbayad para sa aming dalawa.

"Anong gusto mong unang puntahan?" alok ko sa kaniya. "Marami nang tao dito."

"Doon sa may mga arcade games doon!" excited niyang sinabi at itinuro ang direksyon kung nasaan ito. Aninag ko sa mukha niya talaga ang saya.

"Sige doon ka muna tapos doon naman ako sa may basketball." paliwanag ko ngunit bigla siyang nagtaka.

"Anla, gusto ko sabay tayo... Doon muna tayo sa may mga arcade." Anyaya niya at bigla naman niyang hinawakan ang aking kamay at hinila ako papunta sa mga arcade na tinuturo niya. Wala na akong nagawa kundi sabayan siya sa pagtakbo upang hindi ako matalapid at maiwan.

Habang tumatakbo kami at puno ng ilaw ang paligid, ang tangi ko lang nararamdaman ay ang mabagal na paligid. Sobrang saya lang din ng aking nakikita at nakafocus lamang ako sa mukha niyang tila ba isang napaka-among nilalang. Natutuwa din ako dahil kahit sa simpleng paraan ay napapasaya ko siya at nailalayo ko siya sa kalingkutang dinadala niya.

"Ikaw dun sa ibaba at ako naman dun sa taas." Sinabi niya nang makaupo kami sa tapat ng isang malaking arcade video game.

"Ayoko sa baba, ako nalang sa taas, pwede?" tanong ko at napabuntong hininga siya.

"Sige na nga, basta kapag natalo kita, isang game pa ulit." sinabi niya at ako ay nagfocus nalang sa nilalaro naming dalawa.

"Paano naman kapag nanalo ako?" tanong ko.

"Edi gagawin ko kung anong ipapagawa mo sa akin." paliwanag niya at napangisi nalang ako. Gagawin pala niya ha, tignan natin.

Napapasulyap ako sa kaniya at pinapanood ang reaksyon niya habang naglalaro. Kinakagat niya ang kaniyang labi at para bang gustong gusto niyang may iabot. Napangiti na lamang ako at ipinagpatuloy ang paglalaro.

END OF CHAPTER FOURTEEN










Continue Reading

You'll Also Like

8.5K 776 22
"I found the love I no longer believed was real." All Jericho Sebastian ever wanted is for her sister to be happy and to be loved even if it means s...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
3.2K 186 28
Pagsali na nga lang sa Theater Club ng kanilang paaralan ang tanging paraan ni Chester para matapatan si Donny, maaagawan pa siya ng nito spotlight a...