Secrets Beyond the Stars

Bởi aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of 𝙁𝙄𝘾𝙏𝙄𝙊𝙉. I repeat, 𝙁�... Xem Thêm

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life

1.1K 44 10
Bởi aefanfiction

Angge's POV:

"OKAY, good! Next prod po!" sabay sa pagsigaw ng floor director namin ang pagtigil din ng kanta na siyang hudyat na commercial break na.

"Waaah Ge! Tapos na ang mga prod ko! Makakauwi na ako!" masaya na pasigaw na sabi sa akin ni Yenggay habang pababa na kami ng stage.

"Talaga? Wow naman, sana lahat. Edi ang saya mo na niyan." sabi ko naman sa kanya. May isang production number pa kasi ako.

"Oo naman. Buti na lang Ge maaga ako makakauwi ngayon yieee ang saya ko! "sabi naman niya

"At bakit giyang na giyang ka namang makauwi aber? Ano bang meron ha?" takang tanong ko naman habang naglalakad kami.

Halata kasing excited talaga siya.

"E kasi nga diba anniversary namin ni Yan ngayon as boyfriend and girlfriend. Ayuuun so magcecelebrate kami Ge! Magdedate kami!" kinikilig naman na sagot niya

Natawa naman ako dahil sa ikinilos niya.

Hanggang ngayon pala ay nagcecelebrate sila ng ganoon.

It's been years simula nang ikasal sila pero hanggang ngayon ay makikita mo pa rin kung gaano siya kasaya sa piling ng asawa niya.

True love? Siguro nga.

"Wow edi kayo na may icinecelebrate." pabiro kong sabi habang inaantay siyang matapos sa pag aayos niya ng mikropono niya para makabalik na kami sa backstage.

"Sus e kayo nga kahit hindi magjowa palaging nagcecelebrate. Mas wow yun." natatawang sabi niya. Doon ay hindi ko alam pero bigla na lang natigilan ako.

That actually hit me.

Parang ang sakit.

Kasabay noon ay parang nanghina ang tuhod ko at muntik na akong matumba dahil biglang umikot nanaman ang paningin ko.

"Oh my God, Ge!" natarantang sigaw ni Yenggay nang mapahawak ako sa braso niya para hindi matumba.

Agad naman akong inalalayan ng ibang mga nasa hallway kahit na halos lahat sila ay nagulat sa ginawang pagsigaw ni Yenggay na kahit ako ay nataranta.

Anong nangyayari sa akin?

"Hala Ge, uy ayos ka lang? Ano bang nangyayari sayo? May nasabi ba akong mali ha?" sabi niya sabay pa-along humawak sa likod ko nang matapos akong alalayan ng mga kasamahan namin at sabihin kong ayos lang ako at nabigla lang "Kasi naman self e, napakadaldal mo talaga." narinig ko pang bulong niya sa sarili niya.

Pero I forced a smile to hide my sudden sadness. "Hindi, ayos lang ako ano ka ba. Medyo nahilo lang."

Pinilit kong ngumiti sa kabila ng nararamdaman ko.

Palagi namang ganito diba?

"Huh? Sigurado ka ba? Bakit ba naman kasi namumutla ka nanaman ha?" sabi naman niya "Sure ka na wala kang problema?" sabi pa ulit nito at pasimpleng tumingin kay Erik na nakatayo sa hindi kalayuan. Napansin ko rin na nakatingin siya sa amin. Kanina, nakita ko kung paano siyang natarantang alalayan ako pero agad din siyang lumayo pagkatapos.

And that broke my heart a little.

Bumaling na lang ako kay Yenggay. I smiled to reassure her.

"Ayos lang talaga ako, promise yan. Tara na?" sabi ko naman. She just sighed and guided me as we walk towards the backstage.

"May problema ba kayo ni Erik? Akala ko ba nakapag usap na kayong dalawa?" biglang tanong niya sa akin.

I shook my head as an answer. Hindi ko magawang magkwento sa kanya dahil ayaw ko nang palalain pa ang sitwasyon namin. Pero ang totoo ay hindi pa rin kami okay.

It's been a week since umuwi kami galing US.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag uusap.

Noon talaga akala ko ay magiging maayos na, akala ko ay magkakasundo kami pero sadly, lalo lang kaming lumala.

Kanina nga ay halos hindi man lang kami nag imikan kahit na magkasama kaming nagperform sa stage. Alam kong naramdaman ng iba naming kasama ang kakaiba sa kilos namin.

----FLASHBACK----
🗾: Flight going back to Manila

"Ge, tumahan ka na please naman oh."

Paulit ulit nang sabi sa akin ni Ate Cynthia habang paulit ulit niya ring hinihimas ang likod ko para pakalmahin ako.

Ang sakit, sobrang sakit.

Patuloy lang ako sa pag iyak. Ni hindi ko na nga pinapansin ang ibang mga pasahero dito sa eroplano na kanina pa lingon nang lingon sa akin.

Nahihiya man ako sa kanila na kanina pa naririnig ang paghikbi ko ay wala naman akong magawa.

Sobrang bigat kasi talaga ngayon ng nararamdaman ko.

Mula kaninang lumipad ang eroplano ay hindi na tumigil sa pagpatak ang mga luha ko. Ngayon ko lang kasi naibuhos ang sama ng loob ko dahil malayo si Erik sa akin.

Ang sakit pala ng ganito 'no? Yung gusto mo pang lumaban pero tadhana na ang kalaban mo.

"Ate Cynthia ang sakit sobrang sakit talaga." I managed to say in between my sobs.

"Ge, please calm down. Pag usapan niyo na lang nang mabuti yan. Tumahan ka na naman oh. Nasasaktan na rin ako sayo."

Gustuhin ko man tumigil ay hindi ko kaya. Wala akong magawa.

"Akala ko talaga Ate sapat na ako. Bakit ganoon Ate, bakit naman niya ako niloko nang ganito?"

Gusto kong itanong sa kanya kung bakit sa kabila nang lahat ay kahit kailan ay hindi ako naging sapat.

Gusto kong malaman kung bakit kailangan ko pa siyang mahalin tapos mauuwi rin pala kami sa wala.

"Ge, please."

"Ang sakit Ate Cynthia, saan ba ako nagkulang?"

Kita ko kung gaanong awang awa sa akin si Ate Cynthia pero wala naman siyang magawa.

She just caressed my back, trying to somewhat make me feel like I'm not alone.

Pero walang silbi.

Pakiramdam ko ngayon, I was left out. I was left by my own life.

Tama nga siguro sila na hindi dapat natin inaasa ang buhay natin sa ibang tao. Dapat matuto tayong magtira ng para sa atin.

Hanggang ngayon nadudurog pa rin ang puso ko sa tuwing naaalala ko ang larawan ni Keia at Erik.

Alam na alam ko kung kailan kinuhanan ang picture na yun kaya ganoon na lang kasakit para sa akin.

Si Erik ang tinutukoy ng mga balita tungkol kay Keia. It was him whom the gossipers saw going out with her.

At anong ginawa nila? Ginagawa din ba nila yung mga bagay na ginagawa naming dalawa?

Lalong sumakit ang puso ko dahil sa naisip ko.

Is she better than me? Baka naman may naibibigay siya na hindi ko kayang ibigay kay Erik.

Sobrang sakit isipin na nung mismong araw na nag away kami noon sa office ay nagkita pala sila kinagabihan.

Pathetic me, bakit hindi ko man lang nalaman?

Kanina, wala na akong ibang naisip kundi ang makaalis sa kwarto kung saan kami natulog ni Erik.

Walang ibang laman ang puso ko kundi ang sakit at ang mga tanong ko kung bakit.

Malinaw na malinaw naman, he went out with that girl. Ano pa bang dapat kong malaman?

Kaagad kong itinext si Ate Cynthia at sinabing mauuna na akong pumunta sa airport. Hindi ko ginising si Erik.

Ayokong makita niya kung gaano akong nasasaktan nang dahil sa kanya.

Napapagod na ako, ayaw ko na nang ganito.

I immediately grabbed my things and left nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Kung pwede nga lang sana kanina na mauna na akong umalis sa bansang ito ay ginawa ko na sana. Pero hindi naman.

I stayed at the lounge of the airport. Pinipigilan kong umiyak noon dahil na ayaw kong may makakita sa akin na nasasaktan ako.

Dumating rin naman si Ate Cynthia at Jen na paulit ulit akong kinulit kung ano daw ba ang nangyari pero mas pinili kong hindi sumagot.

At maya maya rin naman ay dumating si Erik.

He looks like he is in a rush na para bang tarantang taranta siya sa mga nangyayari.

The moment he saw me ay kaagad niya akong niyakap.

Hinayaan ko lang siya pero I didn't hug him back.

"Bakit iniwan mo ako, bakit ka umalis bigla?" tanong niya sa akin.

I tried not to show any emotions while looking at him.

"Wala lang. Gusto ko lang na mauna na." sabi ko sa kanya.

"You made me worried. Alam mo ba kung gaano ako ka-kabado kanina nang magising ako na wala ka na? Love, takot na takot ako. Akala ko mawawala ka na sa akin."

"Mukha ngang mawawala ako sayo, Erik. Mukha ngang ganoon ang mangyayari." malungkot na sabi ko.

"W-What do you mean? May nangyari ba? Love, tell me."

"Hindi mo alam? And tell you? Hindi ba dapat sinabi mo rin sa akin? Pinagmukha mo nanaman akong tanga, Erik!" nanginginig na sabi ko sa kanya.

Hindi ako iiyak, hinding hindi.

"Ano bang nangyari? Bakit ganyan ka nanaman?"

"Dapat sinabi mo rin sa akin na lolokohin mo lang ako! Dapat sinabi mo sa akin na ibang babae na pala ang hinahanap hanap mo!"

"Angeline, ipaliwanag mo kasi sa akin, yan nanaman tayo sa mga hinala mo eh!"

"Hinala? Sige, paano mo ipapaliwanag 'to?!"

I showed him his picture on my phone.

Yung larawan na kanina ko pang iniiyakan.

I can see how shocked he is nang makita niya ito na lalong nagpasikip sa nararamdaman ko.

"S-Saan mo nakuha yan?"

"Kailangan pa bang malaman mo yun? Ikaw ang tatanungin ko, bakit ako may nakuhang ganito? Anong ibig sabihin nito, Pogs?!"

"Kung ano man ang iniisip mo nagkakamali ka. I can explain that to you, maniwala k---"

I raised my hand to stop him.

Ayoko na muna, sobra sobra na ang kasinungalingan at sakit na natamasa ko.

Tama na muna.

"Tama na muna Erik, pagpahingahin muna natin ang isa't isa."

"So ano hindi mo nanaman ako papakinggan? Wala nga lang yan. Yes, lumabas kaming dalawa and she tried to kiss me pero---"

"Pero ano, pero nadala ka? Hindi ko na maintindihan Erik. Sana naman sinabihan mo ko. You should've told me para hindi ako paulit ulit na nagpapakatanga sayo!" sagot ko naman.

"Hindi ganon yun! Hindi ka kasi nakikinig sa akin, kaya lagi na lang tayong nagkakaganito."

"Paano ako makikinig sayo kung paulit ulit lang naman tayo!? Bakit, dahil mas magaling siya sa akin, na may mga bagay siyang nagagawa sayo na hindi ko kaya? Pogs, bakit?! Sabihin mo nga sa akin, hindi pa ako sapat para sayo?"

He was about to answer me nang bigla naman nang pumailanlang ang announcement sa eroplano.

📢: CALLING ALL THE ATTENTION OF PASSENGERS OF FLIGHT 265854 TO MANILA, YOU MAY NOW PROCEED TO THE DEPARTURE AREA. THANK YOU.

Kaagad na akong tumayo at lumapit kina Ate Cynthia at Jen na nakaupo naman sa hindi kalayuan.

I am done. Tama na yung mga sinabi ko.

"Jen palit tayo ng seat. Tabi na kami ni Ate Cynthia." sabi ko at nauna nang maglakad dahil naramdaman kong tutulo na ang mga luha ko.

"Pero Ate Angge--" hindi ko na lang pinansin ang pagtawag sa akin ni Jen pati na ang paulit ulit din na banggit ni Erik ng pangalan ko.

Hinayaan ko na lang siya, hahayaan ko na lang siya.

Sobrang sakit.

I really thought that I was already enough.

Na yung pagmamahal ko sa kanya, sapat na yun para hindi siya umalis at magsawa.

However, life is really cruel to us. Hindi naman lahat ng tao palaging masaya.

I don't know if this is already the end of us.

Pero ngayon ang tanging alam ko lang ay unti unti nang lumalabo ang dating malinaw naming mga pangarap nang magkasama.

I am slowly losing the sight, mangyayari pa nga ba talaga?

----END OF FLASHBACK----

Hindi ko alam, parang hindi na kami nagkakaintindihan. Parang hindi namin kayang unawain ang nararamdaman ng isa't isa.

Masakit, oo, nasanay ako na sa tuwing may problema kami ay mabilis lang naming naaayos. Masakit kasi alam ko naman na kahit anong mangyari, wala pa rin naman akong karapatan dahil hindi siya akin.

Masakit kasi hindi ko alam kung hanggang saan aabot yung ganitong sitwasyon namin.
-------------------------
"SIGE na Nak ilapag mo na lang diyan. Kami nang bahala pagkagising niya."

Naalimpungatan ako sa pagkakaidlip ko nang marinig kong may kinakausap si Nanay Bianca.

I opened my eyes to saw who she is talking to.

"Eeeh ang utos kasi sa akin Nay hintayin ko daw siyang kumain. Siguraduhin ko nga daw na mauubos niya." sagot naman ng kausap ni Nanay Bianca.

I turned around since I heard a familiar voice. Hindi ako pwedeng magkamali sa kung sino yun.

"Sinong hihintaying kumain, Mark?" bigla akong nagsalita dahilan para medyo magulat silang lahat at mapatingin sa akin.

"Ay si jowa--- Ate Angge! Gising ka na po pala!" sabi naman niya sa akin na para bang kinakabahan pang sumagot nang makita ako.

Napakunot ang noo. "Anong meron? Ano yun?" sabi ko ulit sa kanya.

"A-aaah eh kasi Ate, ano po..." nag aalangang sabi niya sabay hawak pa sa batok.

Napatingin naman ako sa mga pagkain na nasa lamesa.

Hindi ko naman natatandaan na nagpabili ako ng pagkain o nagpadala sa kahit na sino.

"Dala mo yan?" I asked pertaining to the food.

"Ahm Ate.. opo." sabi niya.

"Kanino galing yan?" tanong ko.

Sa totoo lang alam naman naming lahat na alam ko kung kanino nanggaling yung pagkain.

I just wanted to hear it from him. Iisa lang naman ang pwedeng magbigay niyan kung si Mark nga ang may dala.

Pero imbes na sumagot ay wala ni isa sa kanila ang nagsalita.

Tiningnan ko silang lahat. Lahat sila tahimik lang na nakatingin sa akin habang si Mark naman ay nakayuko pa.

I was about to speak again nang magsalitang muli si Nanay Bianca. "Sige na Mark, bumalik ka na doon baka hinahanap ka na rin ni Erik. Ako na ang bahala." sabi nito

Personal assistant ni Erik si Mark.

Agad namang sumunod si Mark sa sinabi ni Nanay Bianca at madaling lumabas na ng dressing room at doon din sumunod ang stylist at make up artist ko para lumabas.

(A/N: Huwag na nating pangalanan, masyado nang maraming characters charot)

Hindi ko alam pero parang awtomatiko na silang umalis kahit hindi sinabi ni Nanay Bianca.

Pagkalabas nila ay kaming dalawa na lang ang natira dito sa loob ng dressing room. Isa isang inihanda ni Nanay Bianca ang pagkain na dala ni Mark.

"Kumain ka na. Hindi mo naman sinabi sa amin na hindi ka pa nag aalmusal. Hindi pa namin malalaman kung hindi sinabi ni Ate Irene kay Mark." sabi nito sa akin pagkaabot ng pagkain.

Pero imbes na sumunod ay sandali ko lang tinitigan ang pagkain bago muling tumingin kay Nanay Bianca.

"Bakit niya ginagawa 'to?" I bursted out.

I heard Nanay Bianca sigh bago siya umupo sa upuan na nasa tabi ko. That made me face her and then she spoke.

"At bakit naman hindi? Inaalagaan ka niya kasi yun ang dapat niyang gawin." sabi niya lang at humarap sa akin, "Nak kung may problema man kayo ni Pogs, anuman yan, sana ayusin niyo. Huwag niyong pabayaan na ganito kayo." she said

I knew it.

Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita.

"I know wala akong karapatan na sabihin sa inyo 'to pero nak, hindi na kayo bata. Dapat alam niyo na yan. Sa tagal niyo nang magkasama dapat mas alam niyo na hindi kayo dapat sumuko na lang bigla. Huwag niyo hayaang mawalan kayo ng pagmamahal sa isa't isa dahil lang sa natatakot kayong ayusin ang mga mali. " sabi ni Nanay Bianca

I sighed at napahawak sa sentido ko tsaka nagsalita "Ang hirap Nay, hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung bakit umabot na kami sa ganito. Siguro nga tama nga, kasi nga wala naman talagang kami kaya wala kaming dapat na ayusin."

"Pero mahal mo siya at alam kong mahal na mahal ka niya." she said and so I looked at her as she continued her words "Alam mo ba Nak, kahit na nagkakagulo kayo hindi ka pa rin matiis ni Pogs. Mahal na mahal ka talaga niya. Kahit magkalayo kayo, ikaw at ikaw pa rin ang iniisip niya."

----FLASHBACK (3rd persons POV)----
(A/N: Narration type ang paraan ng pagkukwento sa part na itey, huwag maconfuse mga vakla.)

From: Nakchi Erik
Nay, kamusta?

Pagkabasang pagkabasa ni Bianca sa text na natanggap niya ay napangiti agad siya.

Nakakatawa nga, alam niya naman kasi na hindi naman talaga siya ang kinukumusta nito.

Bago maisipang magreply ay napatingin siya sa anak anakan niyang kakaidlip lamang na nasa kanyang kinauupuan.

To: Nakchi Pogs
Okay naman siya nak, ito natutulog.

Napabuntong hininga na lamang siya. Alam niya na hindi madali ang sitwasyon ng dalawa.

Makaraan ang ilang minuto ay hindi na ito nagreply pa.

Inisip niya na baka okay na dito na nalaman na nagpapahinga si Angge kaya hindi na umulit pa. Pero nagulat na lamang siya nang may isang pamilyar na lalaki ang pumasok sa pintuan.

"Nak!" medyo gulat na sabi niya kaya napalakas ang sigaw niya habang papalapit ito sa kanila pero sinenyasan siya nito para tumahimik.

Nakuha niya naman ang ibig nitong sabihin kaya hindi na lang muli siyang nagsalita.

Agad na lumapit si Erik sa kinauupuan ni Angge.

He looked at him closely as if like he really misses her. He actually does.

He misses his Angeline.

Hindi niya na napigilan ang sarili niya na hindi haplusin ang pisngi nito sa kabila ng pangangamba na baka magising ito. Na sa kabutihang palad ay hindi naman.

For him, she has the most angelic face. Kaya nga siya si Angeline.

Pero, sa likod ng maamong mukha na ito ay ang Angeline na walang takot na harapin ang mga hamon sa buhay.

At sa likod din ng maamong mukha na ito, nandoon ang Angeline na maraming sakit ang dinaranas.

Kagaya na lang ngayon na sa kasamaang palad ay siya ang dahilan.

He heaved a heavy sigh before speaking "Kumain na ba siya?" tanong niya kay Nanay Bianca na matamang nakamasid lang sa kanila.

"Hindi pa nga nak e. Wala daw siyang gana magtanghalian. Nag aalala nga ako, hindi naman siya ganyan diba? Palagi na lang siyang walang gana kumain sa tuwing may taping siya. Tapos minsan nahihilo pa. Minsan naman kung ano anong pagkain ang hinahanap niya." sabi nito.

"Hmmn, kagaya naman ng ano?" pag usisa pa ni Erik.

He wants to hear more about her. Kahit siya ay nag aalala.

"Alam mo bang kahapon ay inutusan daw niya si Rudy na humanap ng color pink na mangga? Saan naman hahanap kami hahanap nun diba? Itong batang 'to talaga." sagot ni Nanay Bianca

Napailing na lang siya. Kahit kailan talaga, pasaway.

Ang hilig pag alalahin ang mga tao sa paligid niya.

Matagal ring tinitigan ni Erik si Angge bago muling nagsalita si Nanay Bianca.

"Nak, alam kong mahirap, pero pilitin niyong ayusin ha? Nakikita ko kung gaano kayo nahihirapan. Si Angge, nakikita ko siyang nasasaktan. Ngayon niyo pa ba isusuko ang isa't isa? Ngayon pa ba kung kailan mas marami na kayong nalagpasan kesa dyan sa mga problema na meron kayo ngayon? Lumaban kayo hindi dahil dapat, kundi dahil kailangan niyo. Kailangan niyo ang isat isa sa oras na to."

*end of 3rd person's POV*

----END OF FLASHBACK----

"Anong ibig mong sabihin Nay?" naguguluhang tanong ko.

Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay ngumiti lang siya sa akin.

Iniabot niya ang plato na may lamang pagkain at sinabing,

"Kilala mo ang puso mo Nak kaya hindi ko na kailangang sabihin pa. Sige na, kumain ka na. Teka lang ha bibili muna ako ng maiinom mo diyan ka lang."

I was left dumbfounded. Anong ibig niyang sabihin?
----------------------------

MATAPOS ang napakahabang araw sa wakas ay tapos na rin ang nakakapagod na trabaho.

Mag isa ako ngayong inaayos ang mga gamit ko sa dressing room. Nauna na kasing umalis sila Nanay Bianca dahil may iba pa kasi silang trabaho.

Ganoon din ang ibang make up artists at mga artista na katrabaho ko. Inaantay ko pa kasi si Kuya Boy dahil pinahatid ko pa sila Nanay Bianca dahil wala silang dalang sasakyan.

"Hi Ge." napatigil ako sa pagkanta nang pumasok si Ate Kyla sa loob ng silid.

"Oh Ate Ky, akala ko umuwi na kayo. Bakit nandito ka pa?" sabi ko naman habang nag aayos pa rin ng mga gamit.

"May biglaang inayos lang. Pero ayun okay na naman. Ikaw, bakit mag isa ka lang dito? Nakita ko si Erik nandoon sa---" pero pinutol ko na ang sasabihin niya at inunahan ko na siyang magsalita.

"Ah pinauna ko na sila Nanay Bianca. May trabaho pa kasi sa kabila kaya inaantay ko pa si Kuya Boy, e mukhang nasabit nanaman sa chismisan." pabirong sabi ko.

Mabuti naman na natawa at mukhang satisfied naman siya sa sinabi ko at maya maya lang ay tumahimik na rin kami.

Hangga't maaari lang ay ayaw ko munang pag usapan si Erik.

Mga ilang minuto ring namayani ang katahimikan sa loob ng dressing room.

Actually, gusto ko nga sanang kumanta para mawala ang pagkailang ko pero nahihiya naman ako kay Ate Kyla. Pero, habang nag aayos ako ng gamit ay ramdam na ramdam ko na nakatitig lang siya sa akin.

Ang weird, bakit niya ako tinititigan? Jinajudge niya ba ako?

Medyo naconcious naman tuloy ako sa galaw ko. Teka, baka naman ang haggard ko na?

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi ko na natiis at magsasalita na sana ako pero naunahan niya na ako.

"Ge, ayos ka lang ba?"

"Huh?" nagtatakang tanong ko

"I mean, ayos ka lang ba? Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa katawan mo?" parang nahihirapang pagpapaliwanag niya sa akin.

"Uhm wala naman Ate, tao pa rin naman ako." medyo pilosopo pero nagtatakang tanong ko.

"Wala? Kanina bigla ka na lang daw nahilo sabi ni Yenggay. Yung mga ganoon, wala ka bang napapansin na kakaiba sa mga nararamdaman mo?"

Ewan ko pero parang biglang nag iba ang pakiramdam ko sa nagiging takbo ng usapan namin sa tanong na ito pero hindi ko alam kung bakit sumagot pa rin ako.

"Madalas... madalas nahihilo ako. Tapos nawawalan ako ng ganang kumain. Alam niyo naman na hindi ako ganoon diba?"

Tumango naman siya na senyales na magpatuloy lang ako sa pagsasalita.

"Minsan nagsusuka ako kapag kagigising ko lang kasi minsan kapag gabi doon ako nagugutom kung ano anong naiisip kong kainin. Nung nakaraan nga kumain ako ng pancit canton na may ketchup. Tapos, parang lagi akong pagod. Parang lagi akong inaantok kahit na kakagising ko lang. Alam mo yun Ate Ky? Hindi ko maexplain pero basta ganon." sabi ko. "Pero bakit, bakit mo tinatanong?"

Nakita ko na parang amused ang mga mata niya dahil sa mga sinasabi ko.

Tumayo siya sa kinauupuan niya. Napakunot ang noo ko nang sumilip siya sa pinto ng dressing room at isinarado ito bago lumapit sa akin.

Tiningnan niya akong mabuti at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Sa totoo lang noong nakaraan ko pa nga napapansin na matamlay at parang nanghihina ka. Noong nakaraan ko pa 'to gustong sabihin sayo pero hindi ako makahanap ng tiyempo."

Lalo akong naguluhan. Medyo kinabahan naman ako.

Wait, ano bang meron? Nasshookt ako sa mga kaganapan.

"Ano bang meron Ate Ky? Kinakabahan naman ako sayo." seryosong sabi ko.

She sighed and smiled before speaking. "Kasi, napapansin ko nga na nagbabago ka. Kanina noong muntik kang himatayin lalong lumakas ang kutob ko na tama nga ako. Kasi Ge, lahat ng sinabi mo kanina, lahat nang yun naranasan ko na... noong ipinagbubuntis ko yung anak ko."

Hindi na ako makagalaw.

Parang biglang umurong ang lahat ng lakas ng loob ko habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya.

Parang sasabog ang puso ko sa huling sinabi niya.

"Ge, buntis ka ba?"

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

26.5K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
201K 8.4K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
54.8K 1.8K 39
Can he change the woman with a jet black heart?
95.7K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...