Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic

1.5K 45 1
By aefanfiction

"Mahal ko, bati na tayo, please."

AH ANO BA, HINDI.

ULIT, ULIT.

"Ano Erik, mag iinarte ka? Bilisan mo na gumala na tayo, tara!"

Parang mali pa rin. Teka.

"Love sorry, tara na alis na tayo please-----aaaahh ano ba naman kasi yan eh!"

For the nth time ay muli akong pabagsak na humiga sa kama.

Ugh naiinis ako sa sarili ko, ano bang dapat na gawin ko.

Dinampot ko naman ang cellphone ko para makita kung anong oras na.

10AM na.

Isang oras na mahigit magmula nang umalis si Erik ng kwarto kaya isang oras na rin akong parang tanga dito na kinakausap ang sarili ko.

Bukas ng umaga flight na namin pabalik ng Maynila.

Hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakapaglibot at nakakapaggala, hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkakaayos.

Kasi naman Erik eh, bakit ang arte mo?

Naalala ko naman ang sinabi ni Miss Cynthia kanina, naisip ko na rin naman talaga na baka nga ito na yung tamang panahon para ayusin yung problema naming dalawa.

Kung uuwi rin kami nang magkaaway pa rin kami, parang lungkot lang din ang magiging alaala nitong out-of-the-country show namin ngayon.

Ayaw ko rin namang umuwi nang may sama kami ng loob sa isa't isa. Sa totoo lang ay miss na miss ko na siya.

"Miss na miss na kita mahal ko." sabi ko habang nakatitig sa cellphone ko na siya ang larawan sa lockscreen ko.

Angge naman kasi, ano bang kagagahan yun? Sinusuyo ka na nga ng tao eh!

I sighed, mukhang kailangan ngayon hindi na ako mag inarte.

Kung aarte pa ako, uuwi kaming nganga parehong dalawa.

Muli akong bumangon sa kama at inayos ang sarili ko. Nakailang buntong hininga pa ako bago tiningnan ang sarili ko sa salamin.

"Go Angge, maganda ka, gamitin mo lang yung ganda mo bibigay din yan agad siya. Kaya mo yan girl." sabi ko sa sarili ko at lumabas na ng kwarto.

MAREJECT NA KUNG MAREREJECT, BASTA ITATRY KO.
-----------------------
*inhale, exhale*

Mga isang minuto na yata akong nakatitig sa pinto ng hotel room ni Erik.

Nilulukob na ako ng kaba.

Tinitigan ko na lang ulit ang pintuan na nakasarado. Konti na lang yata ay maiinlove na 'to sa akin sa kakatitig ko.

Malakas naman akong napabuntong hininga.

Kailangan ko ba talagang gawin 'to? Like, ako talaga ang mag aaya ngayon sa kanya?

"Nakakainis naman oh!" mahinang bulong ko muli sa sarili ko.

Inaamin ko naman, kasalanan ko rin talaga. Masyadong masakit ang sinabi ko kanina gayong gumagawa na nga siya ng paraan para suyuin ako.

Nakakainis lang kasi siya, bakit kailangan niyang magbiro pa nang ganoon e alam niyang mainit pa ang ulo ko sa tuwing naaalala ko si Keia?

Ayan, naalala ko nanaman.

And speaking of the bruha, balita ko nga ay lumabas daw siya kasama ang isang hindi kilalang lalaki noong isang araw sa bar. Nung gabing mag away kami ni Erik sa office dahil sa kanya ay may nakakita sa kanya sa isang bar na mayroon kasama.

Hindi ko naman alam ang totoong nangyari at wala naman akong pakialam. Bahala siya sa buhay niya.
 
Pero eto na nga balik tayo sa original na problema ko. Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

E kasi naman, paano kung galit pa pala siya? Paano kung ayaw niya pa pala akong kausap diba?

Luluhod ako sa harap niya para magmakaawa?

"No way! Ang ganda ko kaya." pagsagot ko sa tanong ko sa isip ko.

Hay nako bahala na nga, atleast tinry ko.

Kung ayaw nya edi wag, uuwi na ako ng Pilipinas ngayon na, ganorn.

O di kaya magboboyhunting na lang din ako dito mag isa. Mas maganda nga yun, walang abala.

Kakatok na sana ako pero ewan ko ba, parang bigla akong nagkainstinct na hindi ako dapat na kumatok.

Napatingin ako sa door knob. Weird.

Kaya naman, imbes na katukin ko ang pintuan ay dahan dahan kong pinihit ang door knob nito.

*click*

Walang hiya.

"Hindi nakalock?!" sabi ko na lang sa sarili ko.

Hindi ko mapigilang hindi mainis.

Kasi naman, all these time ay hindi pala nakalock e samantalang kanina pa ako hindi mapakali dito na iniisip kung kakatok ba ako o hindi?

Pero gayunpaman ay hindi ko mapigilang hindi kabahan. Bakit hindi siya naglock ng pintuan?

Anong nangyari?!

Dahil sa kaba ko ay wala nang pagdadalawang isip na pinasok ko ang kwarto.

"Pogs?" pagtawag ko sa kanya at mabilis na nilibot ang mata ko sa kabuuan ng kwarto.

Paano kung nanakawan pala siya?

O di kaya naman may kasamang ibang babae?

O baka nagsuicide na?

Jusko huwag naman, paano na ko?

Ang daming bagay ang agad na pumasok sa isip ko st sobrang bilis akong nilukob ng kaba.

Dali dali kong pinasok ang main room

Only to find him na natutulog, na padapang nakahiga sa kama.

Parang gumaan naman ang pakiramdam ko nang makita ko siya.

Akala ko naman kung ano nang nangyari sa kanya.

Thank God.

Dahan dahan ko namang nilapitan si Erik. Natutulog lang pala siya. Mabuti naman.

Sandali kong tiningnan ang kabuuan niya at doon ay kumunot ang noo ko. Wala siyang suot na t-shirt. Ang mga suot niya kanina ay nakapatong sa katabing couch ng kama.

Nakakaloka talaga 'tong lalaking to kahit kailan. Ang ginaw ginaw dito e tapos nakahubad pa siya?

Sabagay, hindi nga kasi siya sanay na matulog na may suot na t-shirt.

Kinuha ko ang comforter na nalaglag na sa paanan ng kama niya at ikinumot yun sa kanya.

Baka naman kasi pulmunya na ang abutin niya mahirap na, konsensya ko pa siya pag nagkataon.

Baka mawalan pa ako ng mapapangasawa.

Okay ang harot.

Dahan dahan din akong umupo sa gilid ng kama. Nakaharap siya sa direksyon ko.

Hindi ko maiwasang hindi siya tingnan. Hindi maipagkakailang namiss kong titigan siya nang malapitan. It's been a week mula noong nagtalo kami sa office.

Mula noon ay hindi na kami nakapag usap nang maayos. Noong huli kaming nag usap ay nag away pa kami dahil kay Marionn.

Hindi ako sanay na ganoon kami, hindi kami nag aaway na pinapatagal pa ang sitwasyon.

Hindi ko rin naman sinasadyang sabihin sa kanya na wala siyang karapatan sa akin because God knows how much I am committed to this man.

Bahagi na siya ng bawat desisyon ko sa buhay.

Ang gusto ko lang naman ay magkaintindihan kami. Ang gusto ko lang ay maramdaman muli namin ang isa't isa.

Napabuntong hininga na lang ako sa naisip ko. Gusto ko sana siyang kausapin pero mukhang antok na antok siya.

Dahan dahan ko na lang na hinaplos ang buhok niya. Bakit ba sobrang gwapo ng lalaking 'to? Gusto ko tuloy siyang ipagdamot sa lahat.

Maya maya ay napagdesisyunan ko na na babalik na lang muna ako sa kwarto ko para rin makapagpahinga.

Mukhang hindi para sa amin itong bakasyon na 'to, siguro mag uusap na lang kami mamaya.

I was about to stand and leave the bed pero...

"Omg Pogs!"

Halos mawala ang puso ko sa dibdib ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at iniangat ang ulo niya para umunan sa may mga hita ko.

"Dito ka lang." pagkasabi niya non ay tumagilid pa siya at iniyakap ang mga braso niya sa bewang ko.

Ako naman ay hindi pa rin nakakamove on sa pagkagulat ko. Nakahawak pa rin ang kamay ko sa dibdib ko dahil sa sobrang pagkagulat.

"Jusko Erik, aatakihin ako sa gulat sayo oh!" reklamo ko naman.

Mahina naman siyang tumawa.

"Nandito ka na, akala ko matitiis mo ako eh." sabi naman niya at sumubsob pa sa tiyan ko.

Kasi nga diba nakahiga siya sa lap ko?

I rolled my eyes dahil sa sinabi niya.

So anong gusto niyang gawin ko? Hayaan siya dito? Para namang kaya ko yun.

"Tara, labas tayo?" sabi ko na lang sa kanya.

Oo na diretsahan na, nakakainis, sayang naman yung dramang prinactice ko kanina!

"Gusto mo na akong kasama ngayon? Akala ko ba kanina ayaw mo? Nagagalit ka pa nga sa akin." sabi niya habang nakapikit pa rin at nakayakap sa bewang ko.

Ang arte ha, sige pag nagbago pa ang isip ko bigla.

"Hindi ako galit, kung galit ako sinapak na kita kaagad kanina pa."

"Oh tingnan mo, ngayon nagagalit ka nanaman. Ano ba talaga?" maarteng sabi niya.

Okay Angge, kalma, nagsosorry ka.

Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

Labag man sa pride ko 'to pero sige na.

"Sorry sa kanina. Ikaw naman kasi ang kulit mo. Kung gusto mong makipagkita sa ibang babae, gawin mo na lang, huwag mo nang ishare sa akin." naiiritang sabi ko pa rin.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya dahil sa sinabi ko.

"Ikaw ang nagsosorry pero parang ang dating dito ako pa rin ang may kasalanan." naiiling na sabi niya.

"Ikaw pa rin naman talaga eh! Nakakabwiset ka kasi. Tapos akala ko pa patay ka na!" sabi ko naman.

"Patay agad?! Grabe ha, di ka naman galit niyan?"

"Duh, e hindi ka kaya naglock ng kwarto. Jusko, kung alam mo lang kung paanong parang sasabog ang dibdib ko sa kaba dahil sa iyo kanina. Walangya ka talaga!" hinampas ko siya sa dibdib.

Totoo naman na kinabahan ako, kung anu ano nang tumakbo sa isip ko.

Ni hindi pa nga nagiging kami nang may label eh, iiwanan niya na kaagad ako? Aba hindi pwede yun.

"E siyempre sinadya ko talaga yun. Alam ko naman kasi na susunod ka dito at pupuntahan ako. Kaya hindi ko na nilock. Kasama yun sa mga plano ko." sabi niya at maya maya ay medyo naghikab pa.

"E paano kung hindi pala ha? Paano kung may masamang nangyari sayo? Sige nga!" hindi ko mapigilang hindi pa rin mag alala kahit na tapos na.

Kasi naman, hindi dapat niya ginawa talaga.

Inabot niya ang pisngi ko at hinawakan 'to dahil nakayuko naman ako.

"Sorry na Ge, okay naman ako oh. Safe at buo. Huwag ka nang mag alala." sabi pa niya.

Napasimangot na lang ako.

"Sa susunod huwag mo nang gagawin yun ha? Nakakainis ka!" pinipigilan ko lang na umiyak.

Ang sensitive ko talaga ngayon lalo na pagdating kay Erik, ewan ko ba.

Tumawa naman siya at inabot ang kamay ko na nakapatong sa bandang dibdib niya at hinalikan ito.

Isa yan sa mga paborito kong paraan niya ng paglalambing sa akin.

"Nag iinarte lang ako kanina, inaantay ko lang talaga na puntahan mo ako. Effective." nakangising sabi niya.

I rolled my eyes, kahit kailan talaga panira siya ng momentum.

Oo na, ako na ang uto uto.

Anong magagawa ko, marupok talaga ako eh.

"Ewan ko sayo. Oh eh ano na, nangyari na yung gusto mong mangyari, ano tutunganga pa rin ba tayo dito ha?" sabi ko habang nakayukong nakatingin sa kanya.

Akala mo tuloy ay para siyang 4 years old na bata na kinakausap ng nanay niya.

Sabagay minsan nga ganon talaga siya.

Pinaglaruan niya naman ang dulo ng buhok ko habang nakangiti pa rin siyang nakatitig sa akin.

Palagi niyang sinasabi na gusto niya na mahaba ang buhok ko dahil palagi niyang ginagawa yan.

"Hmmn pwede rin naman, ayaw mo bang mag-stay na lang tayo dito? Alam mo na." itinaas baba niya pa ang kilay niya.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako slow para hindi maintindihan ang ibig sabihin niya.

"Tse! Tigilan mo ako Erik ha! Ang lamig lamig na ganyan pa rin nasa isip mo." sabi ko at tumayo na dahilan para mawala ang ulo niya sa binti ko at mapahiga siya muli sa kama.

"Bakit ba kasi gustong gusto mong gumala e ilang beses na naman tayong nakarating dito!" reklamo pa niya.

Totoo naman ang sinabi niya. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko nang nalibot itong New York.

Diba nga ay kagagaling lang namin dito noong nakaraang nagconcert ako at sumabit naman siya?

"E bakit din ba? Tsaka nandito tayo para magbakasyon at magtrabaho diba, anong ineexpect mong gusto kong gawin?" sabi ko naman sa kanya at nakacross arms ako na tinitigan lang siya.

Muli niyang inabot yung kamay ko at hinila ako pahiga sa kama.

Kaya ngayon, magkatabi na kami dito na nakahiga.

Hindi pa man ako nakakapalag ay yumakap na siya sa akin kaagad, idinantay ang mga hita niya at nagsalita.

"Ako wala akong ibang plano kundi matulog lang talaga katabi ka."

Sos.

"Matutulog? Pambihira naman, matutulog ka lang pala dumayo ka pa dito sa New York?!"

Kung matutulog lang din naman aba umuwi na lang tayo ng Pilipinas kaagad.

Pero hindi niya naman pinansin ang sinabi ko dahil bigla na lang siyang nagdrama.

"Ilang araw na akong walang tulog. Nung dumating tayo dito at kagabi halos paputol putol ang tulog ko. Kinabahan nga ako kasi akala ko hindi ako makakanta nang maayos. Buti na lang hindi naapektuhan ang boses ko." parang nagpapaawang sabi niya.

Bahagya ko namang sinilip ang reaksyon ng mukha niya. Nakapikit lang siya habang sinasabi yun.

Hindi ko alam kung nagkukwento lang ba siya o sadya talagang nagpapabebe siya sa akin.

Para ngang puyat na puyat siya st pansin ko yun noong nakaraang mga araw pa.

"E bakit naman kasi hindi ka natutulog nang maayos ha?" tanong ko naman.

"Hindi ako makatulog nang maayos, wala ka kasi sa tabi ko, Love."

I was stunned for a moment.

Unti unting bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya o ginagawa niya nanamang biro ito pero isa lang ang masasabi ko.

Unti unti nanamang lumalambot ang damdamin ko.

Love.

Muli niya akong tinawag sa tawagan naming dalawa.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

Angge, rumurupok ka nanaman.

I cleared my throat bago muling nagsalita.

Syempre kailangang magpanggap na hindi kinikilig diba?

"Sus ang daming alam. O siya, matulog ka na lang muna. Nakakaawa ka naman. Ikaw pala ang may kailangan ng tulog eh, hindi ako." sabi ko na lang

"No, okay lang ako. Tara na gumala na tayo." sabi naman niya at bumangon pero nakapikit pa rin.

Tingnan mo 'tong taong 'to oh. Pikit na pikit pa ang mga mata pero ang lakas ng loob na mag ayang gumala.

Umiling na lang ako at muling hinila siya para humiga sa tabi ko.

Parang ngayon ay mas gusto ko na nga lang din dito para makapagpahinga siya.

"Hindi na nga. Baka mabadtrip lang ako sayo. Matulog ka na lang muna."

Dumilat naman siya pero halatang nahihirapan na siya dahil sa pinipilit niya lang talaga.

Ang pogi naman nito kahit na antok na antok na.

"Eh pero gusto mong gumala diba? Ayos lang talaga ako Love. *yawn* Hindi rin naman ako papayag na gumala ka nang mag isa. Hindi pwede." sabi pa niya.

"At bakit naman hindi ha? Batas ka?" sagot ko naman at unti unting hinaplos ang ulo niya.

Alam na alam ko kung paano siya lilituhin at alam ko kung paano siyang kumakalma.

"*yawn* Ayoko nga. Baka mamaya makakita ka diyan ng iba. Maraming lalaki sa labas. Kaya *yawn* tara na Love, gala na tayo. Kaya ko pa naman." sabi niya kahit na unti unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata niya.

Asus, yan ba ang itsura ng kaya pa?

"Hindi ako gagala mag isa. Gagala tayo paggising mo mamaya. Gagala tayong dalawa. Okay ba yun?" sabi ko naman at patuloy pa rin sa paghaplos sa buhok niya.

Para talaga siyang bata.

Konti na lang pipikit na yan.

"Pero---"

"Sssshhhh, tulog na Love. I love you." sabi ko at hinalikan siya sa noo.

I saw him smiled at me dahil sa ginawa ko and before he could finally close his eyes ay nagawa niya pang sumagot.

"I love you too."
---------------------
"LOVE, DITO PA DALI, SIGURADO MAY MAGUGUSTUHAN KA RIN DITO."

Napailing na lang ako habang nakatitig kay Erik at maya maya ay sinundan na lang din siya.

Ang energetic na naman masyado. Halatang nakabawi na siya ng tulog niya.

Kanina, halos dalawang oras din siyang natulog at wala akong ibang ginawa kundi titigan lang siya.

Sobrang kalmado niya kanina, para bang kanina lang ulit siya naging komportable at parang pagod na pagod siya.

Siguro nga ay talagang wala siyang naging maayos na tulog noong mga nakaraang araw at ngayon lang siya nakatulog nang maayos noong nasa tabi niya na ako.

Pumasok kami sa isang bilihan ng bag. At dahil syempre siya ang nagyaya, lahat ng binibili ko ay siya ang nagbabayad. Sa totoo lang ay nagulat nga ako dahil nga may pagkakuripot talaga si Erik.

Noon nga ay sa tuwing namimili kami at nagpapabili ako nang kung anu ano siya ay iniiwan niya akong mag isa sa loob ng store pero ang ending ay bibilhin niya rin naman kaagad.

Pero ngayon nagbago na siya, ako na nga lang ang nahihiya dahil halos lahat ng magustuhan ko ay binibili niya. Sabagay, sa dami ba naman na ng naipon niya.

"Haaay sayang talaga wala si Ate Cynthia at Jen dito, panigurado magugustuhan din nila 'tong mga 'to." sabi ko naman habang tumitingin ng isang medyo mamahaling bag.

Okay sige, mahal naman talaga.

Sayang kasi talaga, oo aaminin ko na na gusto ko rin na kami lang dalawa ang magkasama ngayon. Pero kasi, nakakahinayang pa rin. sana man lang ay nakapagbonding kami diba?

Tsaka para mas malaki ang gastos ni Erik.

Inakbayan naman ako ni Erik bigla habang namimili ako ng magandang bag.

Hmmn wala bang tig wampipti lang dito?

Gaga, gawin daw bang Divisoria ang New York?

"Hay nako, huwag mo na silang isipin. Sinuhulan ko na naman sila kaya ayos na yun."

Medyo natigilan naman ako sa pag usisa ng mga bags dahil sa sinabi niya.

"Ha? Anong sabi mo?"

"Tingin mo ba talaga Love totoo yung sinabi ni Ate Cynthia na pupunta siya sa kamag anak niya? Hahahaha, syempre hindi. Kasama yun sa plano ko. Wala talaga siyang pupuntahang kamag anak. Naggala lang sila nang solo at lumipat ng ibang hotel ngayon." sabi naman niya.

Wow. As in wow talaga!

The nerve of this man!?

Ihahampas ko sana sa kanya ang isang sling bag na hawak ko kaso naalala ko, mahal pala masyado 'to.

"Siraulo ka talaga! Anong ginawa mo ha? Bakit mo sila pinaalis?"

He shrugged na para bang hindi pa apektado sa ginawa niya "E ikaw kasi eh, ayaw mo akong pansinin. Ayan tuloy gumawa ako ng paraan para mawalan ka ng dahilan para iwasan ako. Syempre hindi tayo makakapagsolo kapag kasama natin sila. Huwag kang mag alala, binigyan ko sila ng pangshopping kaya sure ako na masaya din sila." taas baba pa ang kilay na sabi niya.

Ah ganon.

"Awww talaga ba?" kunyari sa malambing na sabi ko naman

"Oo, talagang talaga. Ang talino ko ba, Love?" he confidently answered.

Tinitigan ko siya at....

"ARAAAAAY!!! LOVE!!!" sabi niya habang nakahawak sa dibdib niya na siniko ko nang malakas kaya naman napahiwalay siya sa akin.

"Ewan ko sayo, ang dami mong alam Erik. Diyan ka na nga!"

Pagkasabi ko noon ay nauna na akong naglakad

"Hoy hintayin mo ako, bayaran na natin yan!" he shouted.

Habol niya naman sa akin kaagad.

Habang nagkakalad ako papunta sa counter ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Sinadya ko talaga yung gawin kasi hindi ko na mapigilan ang kilig ko.

Kasi namaaan, bakit ba ang rupok rupok ko!?
-------------------------

MGA ILANG ORAS pa kaming naglakad sa kabuuan ng New York.

Bili dito, bili doon nang kung anu ano. Minsan lang naman kasi kami gumastos ni Erik.

Minsan lang din namin nagagawang gumala na wala kaming tinataguang mga tao. Kaya nga gustong gusto namin ang nasa abroad.

Parang kahit sandali ay nakalimutan ko na may problema pa pala kaming hindi naaayos nang tuluyan at napag uusapan.

Alam ko na sa pagkatapos ng araw na ito na posibleng bumalik nanaman kami sa katotohanan na meron kaming hindi pagkakaintindihan.

Pero mas pinili kong huwag na munang isipin at maging masaya na lang.

Ang importante naman ngayon ay kaming dalawa, na kami pa rin ang magkasama.

And speaking of kasama, sandali akong napatitig sa sarili ko ngayon dito sa salamin sa fitting room.

Kasalukuyan kaming nasa isang store na bilihan ng mga damit ngayon ni Erik.

Mga ilang minuto na rin ako dito sa loob at nag iisip pa rin ako kung lalabas ba ako.

I am currently wearing a dark red body-hugging dress na above the knee.

Nag aalangan kasi ako. Gusto ko yung damit pero yung kasama ko??? Hindi ko sure kung magugustuhan niya.

"Love? Ano na, lumubog ka na ba diyan ha?" pagkatok naman ni Erik sa pintuan ng fitting room.

I rolled my eyes. Buti na nga lang ay hindi niya naman ako nakikita.

Kahit kailan talaga, wala siyang pasensya sa pag aantay sa akin sa mga ganitong lakad.

"Atat masyado?! Sandali lang pwede?!" sigaw ko naman pabalik sa kanya.

Sa tuwing nagsshopping kami ni Erik ay madalas na naiinis ako dahil palagi siyang nagmamadali.

Siguro ay nature na nilang mga lalaki yun, yung hindi marunong mag antay... chour. Yung mainipin sa tuwing nagsshopping.

At dahil nga alam ko na nakakunot na nanaman ang noo ng kanina pa DAW na naghihintay sa akin ay lumabas na ako.

"Napakatagal mo naman sa loo---"

As soon as I opened the door and he saw me, he stopped talking.

Parang tumigil ang mundo niya habang nakatitig siya sa akin.

5 seconds, 10 seconds, halos natameme siya nang lumabas ako galing sa fitting room.

Luh anyare?

"Pogs?! Hello?!" sabi ko at kumaway sa harapan ng mukha niya para makuha ang atensyon niya.

Doon ay tila ba nahimasmasan na siya nang marinig ang boses ko.

He blinked na para bang kakagising niya lang. Nakakatawa siya.

Natutulala pa rin siya sa akin?

Talaga ba?

"Ano? Ayos ba Love?" tanong ko

"Uhm you look..."

"Look what?" I asked

I saw how he swallowed a lump before speaking.

"Gorgeous. Ang ganda mo talaga."

Okay.

Aahhhhh.

Parang gusto kong magwala at sumigaw dahil sa reaksyon niya. Kahit hindi ito ang unang beses ay bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko sa tuwing napapatulala ko siya.

"Talaga?" masaya kong sabi at hinawakan siya sa kamay.

Ngayon lang naman.

"Talaga. Sobrang ganda." sabi niya at unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin pero ako ang kusang lumayo.

Alam ko na yang mga ganyang galawan niya. Nakakahiya baka may makakita sa amin.

"Kumalma ka nga. Baka may makakita." sabi ko naman

Nakita ko naman kung paanong medyo kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko.

"Tsk. Yun na yun eh." bulong naman niya.

Hindi ko na lang siya pinansin. Nakafocus ako sa goal ko.

"So, bibilhin ko na ba?" sabi ko naman at nakangiti pa sa kanya.

May kasamang pagpapacute yun para effective.

Please please please, pumayag ka!

Kaagad naman siyang ngumiti at tumango. "Oo sige, bibilhin na natin yan."

"Omg yes!" halos tumalon ako sa saya nang FINALLY um-oo na rin siya!

Kaagad ko naman siyang niyakap dahil sa sobrang saya ko.

OA na kung OA pero jusko sobrang saya ko dahil sa wakas, nakabili na rin ako ng damit na talagang pasok sa taste ko.

E kasi naman, pangwalong damit na isinukat ko na yun dito! Lahat na lang ay inayawan niya.

'No, kita ang boobs mo.'

'Masyadong maiksi, palit!'

'Ang baba ng neckline.'

'Bakit sleeveless yan?'

'Gusto mo bang hindi ka makalabas ng kwarto?'

Sa wakas ay may in-approve na rin siya, grabe ang saya!

Niyakap naman ako ni Erik pabalik but as soon as he hugged me ay nawala na rin ang kasiyahan ko.

Wala na, ekis nanaman.

"No. Palit." sabi naman niya at mahinang pinitik ang likuran ko.

Napasimangot na lang ako.

Sabi ko nga bawal din ang backless. :(
--------------------------
NATAPOS ang isang buong araw na pagod ang mga paa namin ni Erik kakalakad sa kung saan saan dito sa New York.

Sobrang light lang ng araw. Puros tawanan, picture sa kung saan saan, shopping, kain at kung anu ano pa.

Halos karamihan nga ng ipinagshopping namin ni Erik ay para sa akin.

He even said, "basta makita lang kitang masaya ay masaya na rin ako."

At kapag sinabi niya yun, alam kong totoo. Palaging sinasabi sa akin ni Erik na gagawin niya ang lahat para ibigay sa akin ang mga gusto at hilig ko. Palagi niya nga akong binibiro na tumigil na lang daw ako sa pagtatrabaho, pakasalan ko na lang daw siya.

Korni, pero sobrang masarap sa puso kahit na hindi naman materyal na bagay ang nakakapagpasaya sa akin.

We really enjoyed our time kahit na kami lang dalawa.

Okay, siguro nga salamat din kay Jen at Ate Cynthia?

Nang pabalik na kami sa hotel room ay may nakasakay kaming magjowa sa elevator.

Pinindot naman kaagad ni Erik ang floor kung nasaan ang mga kwarto namin at ganoon din ang dalawang magjowa. 24th floor pala sila.

Obviously ay foreigners sila.

Ay mali, kami pala ang foreigner dito ngayon dahil kami ang nasa bansa nila. Tama ba?

Ah ewan basta.

Bale apat lang kaming nasa loob.

Okay naman ang lahat noong sumakay sila, pero as soon as the elevator doors closed...

"Shocks." mahinang sambit ko at talaga namang napaatras ako dahil sa biglang ginawa ng magjowang nasa harap namin ni Erik ngayon.

They are literally making out! At talagang sa harap pa namin!

Hindi naman ako mapakali at hindi ko alam kung titingnan ko ba silang dalawa o tatakpan ko ang mga mata ko o iiwas na lang ako.

Ano ba naman yan oh. Gusto kong sumigaw na 'respeto naman sa amin na hindi okay oh!'

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Erik na nasa tabi ko.

Nang lingunin ko siya ay nakita kong nakatingin siya sa akin.

Ano ba, ano bang tinitingin tingin niya diyan?

Nakaramdam naman ako ng pagkailang kaya umiwas ako ng tingin. E kasi naman, yung titig din niya sa akin parang gusto ring gumaya. 🙄

6th floor.

Omg ano ba, 17th floor pa kami!

At grabe ang wild ng dalawang magjowang 'to dahil talagang isinandal pa nung lalaki yung bebe niya sa dingding ng elevator.

Woah grabe ha.

Dahil doon ay napakapit na lang ako sa braso ni Erik sa sobrang pagkahiya ko.

Di ko nga rin alam eh, parang ako pa ang nahihiya sa kanila.

"Huwag mo na lang pansinin, maiinggit ka lang." bulong naman sa akin ni Erik.

Siraulong 'to!

Inirapan ko naman siya kaya natawa siya sa reaksyon ko at ginulo ang buhok ko.

12

13

Ano na, wala bang ibang sasakay diyan? Yoohoo, ang awkward dito mga sis oh!

15

16

SA WAKAS

17

Dali dali akong tumakbo palabas ng elevator nang bumukas ito.

Grabe yun ah. Parang iyon ang pinakamatagal na 3 minutes ng buhay ko.

Normal lang ba yun sa kanila dito? Sana ol. Charot.

Kaagad namang sumunod si Erik sa akin bitbit ang mga pinamili namin. Rinig na rinig ko ang pagtawa niya.

Isa pa 'to, nakakainis din siya!

"Ano bang meron bakit tawang tawa ka?" hindi ko na mapigilang hindi lingunin siya habang naglalakad.

Halos hindi naman siya makapagsalita sa sobrang kasiyahan. Wow ha.

"E kasi hahahahahaha yung reakyon mo. Panalo ka Love hahahahahaha. Para kang mamamatay sa loob kanina hahahahaha!"

Inihampas ko naman sa kanya yung hawak kong paper bags.

Talagang nagawa niya pang mandaot sa ganoong sitwasyon ha?

"Epal ka? Ang awkward kaya. Anong gusto mo, panoorin ko sila?" sagot ko naman.

Saktong nasa tapat na kami ng kwarto namin niya noon. Nauna kasi ang kwarto niya bago ang sa amin ni Jen.

Tutuloy pa sana siya sa paglalakad pero ako naman ang tumigil.

"Oh saan ka pupunta?" tanong ko naman.

Dahil doon ay biglang nagliwanag ang ngiti niya.

Hah, asa.

"Love, totoo?" tanong naman niya sa akin.

"Anong totoo ka diyan? Bilisan mo na, buksan mo na nangangalay na ako oh!" pagrereklamo ko naman.

Halos mataranta naman siya sa paghahanap ng key card ng hotel room niya at nang mabuksan niya ito ay pinauna niya akong pinapasok.

Tumuloy naman ako sa loob na bahagi ng hotel room at inilapag ko sa sofa ang mga pinamili naming mga gamit na karamihan ay gamit ko lang rin naman.

Siya naman ay kaagad na nilock ang pintuan.

"Haaaay nakakapagod!" sabi ko naman at naghikab pa.

Napagod ako sa paggagala grabe.

Ibinaba niya rin naman kaagad ang mga paper bags na hawak niya at maya maya ay yumakap sa akin sa likuran ko.

Ayan na nga.

"Sobra nakakapagod." sabi din niya.

Doon ay napangiti ako at kaagad ko siyang hinarap.

"Pagod ka na?" tanong ko sa kanya at ipinulupot pa ang mga braso ko sa leeg niya.

Naramdaman ko ang pagkaexcite niya dahil sa ginawa ko. He slowly encircled his arms to my waist.

"Hmmmn oo, sobra." sabi niya habang nakatitig sa akin.

Dahan dahan akong tumango dahil sa sinabi niya.

"Ohhh edi maganda, tama yan, matulog na tayong dalawa." pagkasabi ko noon ay kumalas ako sa pagkakayakap niya at mabilis na naglakad patungo sa pintuan. "Good night Pogs!"

Nataranta naman siya sa ginawa ko.

"Angeline!" sigaw naman niya at kaagad na sinundan ako sa pintuan.

"Oh bakit, sabi mo pagod ka na? Matulog ka na, matutulog na rin ako. Maaga pa ang flight natin bukas." sabi ko naman.

"At saan ka matutulog?"

"Natural sa kwarto ko, saan mo gusto, sa hallway?" pilosopo kong sabi, "Sige na good night na! Sweet dreams!"

Lumabas na ako ng pinto at isasarado ko na sana ito pero hinawakan niya ang kamay ko dahilan para hindi ako makaalis.

Siraulong to, balak yata akong ipitin sa pintuan oh!

"Tatakasan mo nanaman ako?!"

"Baliw? Nandyan lang ako sa kabilang kwarto, paanong tatakasan?!" maang maangan ko.

"Isa Angeline ha, napipikon na ako! Ilang araw na akong walang matinong tulog dahil sayo, hindi ka man lang ba naaawa sa akin ha?" madramang sabi niya.

Sos, akala mo naman madadaan niya ako paganyan niya.

Para kaming mga tanga dito. Nasa labas na ako ng kwarto pero nakasilip pa rin dahil ang kamay ko ay hawak hawak habang nasa loob naman siya.

"Bakit kasalanan ko? Eeeh bitiw na Pogs, matutulog na ako oh."

"Ayoko, dalawa! Dito ka matutulog!"

"Matutulog ba talaga tayo kapag dito ako?" sarkastiko kong sagot.

I saw him smirked the moment I uttered those words.

Oh kita mo na? Pinipilit niya na dito ako sa kwarto niya matulog pero ang totoo naman kapag nandito ako walang tulugan na magaganap.

"Huwag matigas ang ulo mo, dito ka nga sabi matutulog."

"Hindi mo ako mauutusan!"

"Makulit ka talaga?"

"Oo, ikaw makulit ka rin ha?" balik na tanong ko naman.

Parang nabubugnot na siya dahil sa kaartehan ko. E kasi naman, ayaw kong matulog sa kwarto niya.

Bigla naman siyang bumuntong hininga

"Oh siya, sige na. Doon ka na matulog."

Totoo ba? Sumuko na siya?

"Talaga?" tanong ko naman. E pero---

Hays naman oh. Ang daling sumuko.

Tumango naman siya. "Doon ka na matulog. Para mas komportable ka." sagot naman niya.

"Weh? Hindi ka galit? Sure ka?" tanong ko naman.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako binibitawan.

Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

"Uhuhm. Siguro bukas na lang tayo mag usap. Pagod ka na eh. Alam mo naman na ikaw lang lagi ang iniisip ko. Pero iisang kondisyon." he said

Yan tayo eh.

Sayang naman, nagpapapilit lang naman kasi talaga ako sa kanya.

E kaso sumuko agad siya eh.

"Ano naman yun?"

Bigla naman siyang pumikit at ngumuso. "Good night kiss muna."  sabi niya

Natawa na lang ako sa biglang ginawa niya.

Ay sos naman.

Nanggigil ako, ang cute niya.

"Okay, yun lang pala eh. Good night, Love." sabi ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya para ibigay ang good night kiss na hinihingi niya.

I leaned forward to give him a light kiss pero iba ang ginawa niya.

As soon as our lips touched, ay kaagad niya akong muling hinila papasok sa kwarto.

Without a split second ay kaagad niyang naisarado at nailock ang pintuan while still kissing me in a very hard way.

Napamura na lang ako sa isip ko.

Good, it's a trap.

Nahuli niya nanaman ako.

"Pogs, l-let go." sabi ko naman sa kanya habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin.

Konti na lang ay hindi ko na rin kasi mapipigilan.

I'm slowly losing my control.

My sanity.

Sandali niya akong tinitigan at inabot ang mga kamay ko para ilagay sa likuran ng leeg niya.

"Never. I will never let you go. Akin ka lang."

Pagkasabing pagkasabi niya non ay muli niyang inabot ang aking mga labi.

Hindi ko na kinaya, I responded to his wild tactics.

Bakit nga ba ako nagpauto kasi sa kanya?

Pero deep within my heart, I also know that I want it too.

Gahd, I missed him.

My body missed his.

"I missed you." bulong niya sa tenga ko at bahagyang kinagat ito.

"Ugh Pogs." hindi ko mapigilang hindi tawagin ang pangalan niya.

Sobrang init kahit na malamig naman ang paligid.

His lips travelled down habang unti unti niyang inaalis ang mga kasuotan ko.

I can feel his hand roaming around me. Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paghalik sa leeg ko kaya nagtaka naman ako.

"Bakit?"

"Nasaan yung kwintas?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Anong kwint---"

Ah

I smiled at him bago ko iginiya ang kamay niya para kunin yung kwintas sa bulsa ng pantalon na suot ko.

Ngumiti naman siya nang makuha niya ito at muling sinuot sa akin.

"Bakit mo tinanggal? Huwag mo tatanggalin 'to."

"Tinanggal ko lang naman kanina sandali. I was supposed to wear it back." sabi ko naman.

"Huwag mong huhubarin 'to. Gusto kong palagi na nakikitang suot mo 'to. Gusto kong malaman nilang lahat na akin ka lang." sabi niya at muli akong hinalikan.

Mabilis niyang natanggal ang jacket at shirt na suot ko.

Hindi ko na lang namalayan, we are now lying on the bed.

I expertly removed his shirt and there, I saw how perfect this man infront of me is.

Lalo akong nawala sa sarili ko.

Siya lang talaga ang tanging may kakayahan na magparamdam sa akin nang ganito.

Parang may sariling isip ang mga kamay ko na hinawakan ko ang katawan niya. He's too perfect.

Habang ginagawa ko yun ay nakatitig lang siya sa akin na dahilan naman para medyo magtaka ako kaya bahagya akong bumangon at ako na ang kusang humalik sa kanya.

I felt his sudden excitement when I started biting his lips. Gustong gusto niyang ginagawa ko yun.

"Angeline." he called my name.

Bakit ba iba ang pakiramdam sa tuwing siya ang bumabanggit sa pangalan ko?

I trailed down my hands pababa nang pababa sa tiyan niya.

Kasunod noon ay hinalikan ko rin siya pababa.

His whole body matches my lips.

Rinig na rinig ko ang pagdaing niya dahil sa ginagawa ko.

His eyes were tightly closed. Sobrang gwapo niya.

Unti unti na akong nabubuhayan. Hindi ko rin alam pero sobrang namiss ko talaga siya.

When I was about to touch 'it' bigla niyang hinawakan ang kamay ko at umiling siya nang nakakaloko.

"Ano?!" naiiritang sabi ko naman

Binibitin niya ako!

"Not so fast, Love." sabi niya.

What? Kanina pa ako hindi mapakali dito bakit pinapatagal niya pa! Hinalikan niya ang likod ng kamay ko bago siya muling nagsalita.

"Love, about what happened last ti---"

Pero bago pa man niya matapos ang sinasabi niya, I shut him up.

"Sssshhh." umiling ako at doon, muli ko na siyang hinalikan.

Ngayon ay ayaw ko na munang makarinig nang kahit na anong dahilan.

I don't care about what happened, hindi ko iniisip ngayon ang mga dahilan.

Wala akong pakialam. Ang gusto ko ngayon ay siya lang.

I heard him groaned nang ako naman ang humalik sa leeg niya.

"I missed you, Love. So much." parang nanghihinang sabi niya.

Sandali ko siyang tinitigan. His eyes were partly closed na ibig sabihin ay naeenjoy niya ang ginagawa ko.

"Akala ko ba good night kiss lang?" sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

He sexily laughed and before answering, narinig ko na lang ang pagtanggal niya ng belt na suot niya.

Alam ko na ang kasunod nun.

"Kapag sinabi kong good night kiss, ito ang ibig kong sabihin." sabi niya at unti unti nang umibabaw sa akin at muli akong hinalikan.

Everything went so fast. Sobrang bilis talaga.

All I can hear inside are our moans and kisses.

In just a few minutes, I found myself letting him have me again and again.

(A/N: hindi ko talaga kayang gawing detailed to shuta kayo na bahala sorry guys labyu)

"I love you Angeline." yan ang huling mga salitang binitawan ni Erik bago siya tuluyang bumagsak sa katawan ko.

Habol ang hininga namin pareho.

I can still feel him inside me.

"I love you too." sagot ko naman.

I saw him smiled bago muli siyang umangat para halikan ako sa noo.

"You are the best thing that God had given me."

"Ikaw lang Pogs, pangako yan."

Ngumiti naman siya sa akin at pinunasan ang pawis sa noo ko.

"Isa pa?" maya maya ay malokong sabi niya?

Natawa na lang ako.

Makakahindi pa ba ako?

Akala ko kanina good night kiss lang talaga pero di bale na.

This is indeed a good night kiss.

A very good and hot one.
--------------------------
NAGISING ako dahil sa lamig na naramdaman na ng katawan ko.

I reached for the comforter para takpan muli ang katawan ko.

I suddenly felt the weather na mayroon ang lugar na kinaroroonan ko ngayon.

Malamig, pero mainit pa rin naman. Pero basta malamig talaga.

Okay ang gulo ko dun, Mocha Uson ikaw ba yan? 🤣

New York's weather has been kicking me out but this man lying next beside is enough to warm me right.

Napangiti naman ako nang makita ko ang mukha ng gwapong lalaking nakayakap nang mahigpit sa akin ngayon.

He was holding me na para bang mawawala ako sa kanya. Nakayakap siya sa bewang ko at ganoon rin ako sa kanya kanina noong magising ako at nakaunan ako sa dibdib niya.

Yung mga ganitong umaga sa buhay ko na magigising ako na nasa tabi niya ang hinding hindi ko pagsasawaan kahit kailan.

Bahagya akong umangat sa pagkakahiga para malaya kong matitigan ang buong mukha niya.

Pinaglaruan ko ang buhok niya kagaya ng palagi kong ginagawa para kumalma siya. Hindi ko mapigilang hindi titigan ang mukha niya at haplusin ito.

Ang himbing nanaman ng tulog niya kaya siguro kahit na anong kulit ko sa kanya ay hindi siya nagigising.

Para ngang ngayon lang muli siya nakatulog nang maayos na kagaya ng kahapon nang hapon na nandito rin ako sa tabi niya. Nakaramdam ako ng awa at kilig kahapon noong sinabi niya na hindi siya makatulog dahil sa wala ako dahil alam kong totoo yun.

This man looks like an angel when asleep but a a beast in bed at night.

You know what I mean.

Kagabi ay wala siyang ginawa kundi ang paulit ulit na sabihin ang mga salitang I love you sa akin habang paulit ulit niya ring ipinaparamdam ito.

Last night, we once again shared our love for each other.

Wala namang duda, talagang mahal na mahal ko ang lalaking ito.

I smiled while remembering what happened last night. Parang palaging first time kahit hindi naman.

I reached for his forehead and kissed him.

"I love you, I love you so much."

Marami man kaming problema na dinadaanan, alam ko na kahit anong mangyari, he will always and forever be the last man that I would ever give myself to.

Mahal na mahal ko siya, mahal ko siya kahit minsan ay masakit na.

Ilang sandali pa ay napagpasyahan ko nang bumangon para na rin ayusin ang mga gamit namin na halos nasipa namin kagabi kung saan saan.

Napapailing na lang ako habang dinadampot isa isa ang mga paper bags na nagkalat na sa sahig.

Kagabi naman ay maayos ko itong naisalansan noong pagkadating namin. Sadyang nagulo lang dahil sa kalandian ni Erik.

Nakakaloka, sobra naman yata kami.

Medyo masakit pa ang mga binti at buong katawan ko dahil sa 'ginawa' namin pero pinilit kong bumangon dahil ilang oras na lang ay flight na namin pabalik ng Maynila.

Nang mapadaan ako sa full-length mirror ay tiningnan ko ang repleksyon niya sa salamin kung saan tulog na tulog pa rin siya at napangiti din ako nang makita ko ang kwintas na suot ko ngayon.

Wala naman talagang dapat na kahit anong sumimbolo ng pagmamahalan namin sa isa't isa. But this necklace, this is a proof that he is always a part of me.

Napagdesisyunan ko rin na mamaya paggising niya ay mag uusap na kami. Ayokong bumalik kami sa dati naming mga buhay nang hindi nagkakaayos.

Ala una pa naman ng hapon ang flight namin at alas nwebe pa lang ng umaga. Siguro nga ay makakapaglunch pa kami kahit sandali dito mamaya.

Natapos na akong magligpit sa buong kwarto at maligo ay tulog pa rin si Erik.

Kanina ay medyo nagising lang siya nang maramdaman niyang wala ako sa tabi niya at kaagad niya akong tinawag na para bang nawawalang bata. Pinapabalik niya pa nga ako sa higaan. Pero nang sinabi ko na hindi naman ako aalis ay tumigil din naman siya at natulog na lang ulit.

Akala niya lagi tatakasan ko siya.

Umupo ako sa gilid ng higaan. Tulog pa rin siya. Sabagay halos di sya maubusan ng energy kagabi at kanina. Akala o nga ay hindi niya na ako patutulugin.

Masyadong energetic sa pagbabasketball mga sis.

Babalik na sana muna ako sa kwarto namin ni Jen para mag ayos din ng mga gamit ko doon pero bago ako lumabas ay nakita kong umilaw ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table.

Kumunot ang noo dahil hindi ko alam sa sarili ko pero bigla akong nakaramdam ng sobrang kaba.

Kanina ko pa naman napapansing may mga nagnonotify dito habang naglilinis ako pero hindi ko yun pinansin. Ngayon lang talaga ako tila nakaramdam ng malalim na kagustuhan para buksan ito.

I reached for my phone and open the new message that Yenggay sent me.

From: Yeng
Ge, ayos ka lang ba?

Yun lang ang mensahe niya sa akin kaya naman nagtaka ako.

May nangyari ba?

(A/N: Trigger warning hahaha, hindi totoo 'tong scene na 'to, IMAGINATION lang. So yung mga fans na keyboard warriors diyan, alam niyo na.)

Hindi ko alam pero bigla na lang may kung anong pumasok sa isip ko. I opened one of the messages that one of my instagram followers sent me.

1st Message:

Angge ang sakit! Walang kwenta si Erik, bakit ka niya sinasaktan nang ganito?

Hindi ako usually nagbubukas ng mga ganito pero hindi ko rin talaga maintindihan ngayon kung bakit.

Dahil doon ay napagpasyahan ko na magbukas pa ulit ng kasunod na mensahe na natanggap ko.

Muling bumilis ang tibok ng puso ko habang inaantay ko na magbukas ito.

Bakit parang may hindi nanaman magandang mangyayari dito?

Bakit parang may mali.

And, I soon as I opened the message, nakumpirma ko ang kutob ko.

Parang pinupunit ang puso ko at unti unti na lang na tumulo ang mga luha.

Sh*t

Bakit ganito?

Message:

Angeline, isa ako sa fan mo. Alam kong wala kaming karapatan na manghimasok sa buhay niyo pero gusto kong makita mo pa rin 'to. Meron na palang iba si Erik, Angge? May nakakita sa kanila noong nakaraan ng babaeng yan na masayang nagpaparty. Nakakalungkot naman akala ko kayo pa rin sa huli. Pls pakiconfirm naman kung totoo 'to.

At kasama ng mensaheng yun ang larawang na nagpatigil nang biglaan sa mundo ko.

It was a picture of Erik, standing in an island counter of a bar. But the girl who was leaning infront of him na nakahawak sa pisngi niya at para bang akmang hahalikan na siya doon sa larawan ay sigurado ako na hindi ako.

Pero walang iba kundi si Keia.

Continue Reading

You'll Also Like

535K 11.9K 47
Paano ba maiinlove ang isang babaeng ubod ng sungit at ipinaglihi sa sama ng loob at galit sa isang tagilid ang pagkalalaki? Would it be possible? Cr...
38.7K 1.2K 36
Could ex lovers become ex-tra ordinary friends?
21.6K 1.2K 85
Bawal paasa dito.....
95.1K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...