Love and Lost (On Going - Und...

By laymedown_07

1.9K 1K 337

Kiandra Kyle Lunox, is a 19 years old girl college student. She is a type of girl na hindi marunong magseryos... More

Letter/Liham
"PRO-LOGUE"
● CHARACTERS ●
Author note;
CHAPTER I: First Day
CHAPTER II; Lars Jandrik Montallana
CHAPTER III; Officially meet
CHAPTER IV; Duet
CHAPTER V; Accidentally Kiss
CHAPTER VI; Untold feeling
CHAPTER VII; Bracelet
CHAPTER VIII; Unexpected Duet
CHAPTER IX; Necklace
CHAPTER X; Hoodlum
CHAPTER XI; Old friend
CHAPTER XII; Strange Feeling
CHAPTER XIII; Debut
CHAPTER XIV; Aminan feelings
CHAPTER XV; Courting
CHAPTER XVI; Past
CHAPTER XVII; Start of Something New
Appreciation Note.
CHAPTER XVIII; Complacent
CHAPTER XIV; Something's Wrong
CHAPTER XXI; Black Gang
CHAPTER XXII; Please help me move on (Ralph)
CHAPTER XXIII; Oplan Move On 101 (Ralph)
CHAPTER XXIV; Complicated
CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)
CHAPTER XXVI; Officially
CHAPTER XXVII; Letting Go
CHAPTER XXVIII; Barista
CHAPTER XXIX; Misunderstanding
CHAPTER XXX; LQ
CHAPTER XXXI; Jealousy
CHAPTER XXXII; Paranoid
CHAPTER XXXIII; I Hate It
CHAPTER XXXIV; I Missed You
CHAPTER XXXV; Supposed to be a Date
CHAPTER XXXVI; Unknown Number
CHAPTER XXXVII; Time
CHAPTER XXXVIII; Beach

CHAPTER XX; Love of a Friend (Daniel)

36 30 1
By laymedown_07

-KIANDRA-

"Kia"! Kasalukuyan na akong naghahain sa lamesa ng mga pagkaing niluto ko, nang tawagin ako ni Dan. Hindi kasi kaya ni Yaya, dahil masama ang pakiramdam niya.

"Oh bakit"?

"I badly need your help". Sakto naman na akong tapos maghain, kaya tinignan ko na siya. "Magpanggap ka bilang Girlfriend ko".

"A-Ano"? Nagkamali lang yata ako ng rinig? "Nababaliw ka na ba"?

"Bakit? Wala pa namang kayo ni Lars ha"? Hindi makapaniwalang natawa ako dahil sa mga sinasabi ng mokong na 'to ngayon. "Alam na ng parents ko kung nasa'n ako. Pupunta sila ngayon dito. At"... Tumingin ito ng deretso sa mga mata ko. "Gagawin ko ang lahat para lang hindi nila ako maipakasal sa babaeng hindi ko naman Mahal".

Natutop ako sa kinatatayuan ko ng ilang segundo bago napangiti. Kung dumating man ako sa ganitong punto ng buhay ko, sana katulad ni Dan, may lakas rin ako ng loob para maipaglaban ang nararamdaman ko.

"Ngayon lang 'to ha". Nakita ko kung paano ang pagpinta ng isang ngiti sa kaniyang mga labi bago ako nito masayang niyakap. Natawa na lang kaming dalawa sa kalokohan namin.

"Hoy! Ano 'yan ha"? Epal naman ng kung sino. "Anong ginagawa mo Dan"? Pinaglayo kami ni Aaron. "Bakit may yakapan? Anong meron"?

"OA mo. Parang yakap lang eh". Kamot naman ni Dan sa likod ng ulo niya.

Napailing na lang ako at pumwesto na sa hapag. "Mamaya na kayo mag-away. Kain muna".

"Mag-uusap tayo mamaya, Daniel". Napakamot na lang ang Dan sa likurang bahagi ng ulo niya, bago rin pumwesto sa hapag.

Si Aaron naman, tinawag na si Yaya upang kumain. "Uminom na po kayo ng gamot pagkatapos niyo kumain ha". Bilin naman ni Aaron kay Yaya. Tumango naman ito bilang tugon. Tahimik kaming kumain pagkatapos.

Magkatabi kami ni Dan na nakaupo sa duyan dito sa Garden. "Anong plano mo"? Tanong ko.

"Eto pa lang muna ang naiisip kong paraan". Napabuntong hininga kami parehas.

"Hindi mo pwedeng lagi na lang takbuhan ang problema, Dan".

"I know".

"Paano nila nalamang nandito ka"?

"They have ways".

"Banko 'yarn"? Natawa kami parehas.

"May naghahanap sa'yo Dan". Singit ng kung sino.

Napatingin ako dito pati kay Dan. Nakita ko ang pagkatensyon niya, kaya hinawakan ko ang kamao nitong nakakuyom sa ibabaw ng kaniyang mga hita.

"Kaya mo 'yan.". Nginitian ko ito kaya gano'n rin ang ginawa niya. "Let's go"? Tumayo ako habang hawak pa rin ang kamay niya. Tumango ito at tumayo na rin.

Sabay kaming nagtungo papuntang sala habang magkahawak ng kamay.

"Daniel". Tawag sa kaniya ng sa tingin ko ay Tatay niya.

"Let's go home. Your fiance is waiting for you there". Malambing na sambit sa kaniya ng Nanay niya. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Dan sa kamay ko, kaya napatingin ako sa kaniya.

"No. I don't want to". Matigas na sagot nito.

"Daniel. 'Wag matigas ang ulo mo". Sambit naman ng Nanay niya.

"Sabi ko po, ayoko. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko naman mahal".

"At susundin mo 'yang katigasan ng ulo mo"? Singit naman ng Tatay niya.

"May mahal na 'kong iba".

Pakiramdam ko, nagpawis bigla ang mga kili-kili ko dahil sa sinabi ni Dan. Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko.

Napasubo yata ako rito. Damn!

"And who the hell is she"? Tanong naman ng Nanay niya.

Aba, huwag niyo akong mathe hell, the hell jan. Hindi ako impyerno, ano.

"The woman next to me". Yumuko naman ako bilang pagbati sa kanila.

"H-Hello po". Bati ko, pero hindi naman nila iyon pinansin.

Taray... Mga peymus.

Ilang segundo kami binalot ng katahimikan bago nagsalita ang Tatay niya.

"Do you think we're stupid enough to believe that"? Napatanga naman kami sa Tatay niya. "Umamin ka sa amin na hindi babae ang gusto mo, tapos ngayon may Girlfriend kang ipapakilala sa amin? Gano'n ba katanga ang tingin mo sa amin"?

Masama akong napatingin kay Dan na nakatingin rin pala sa akin. Napakamot naman ito sa likurang bahagi ng ulo niya.

Anong purpose ng pagpapanggap na 'to kung nagladlad na pala siya?

"You will marry her whether you like it or not para maging tunay kang lalaki! It's a sin to be a faggot"! Lumapit ito kay Dan at kinuwelyuhan niya ito. "Kahihiyan ka sa angkan"!Naramdam kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Dan sa kamay ko.

"Sir". Lumapit sa amin si Aaron at hinawakan niya ang braso ng Tatay ni Dan. Nakatingin lang ako kay Dan.

Imbis na awa ang maramdaman ko sa kaniya, naiinis ako. Naiinis ako dahil hinahayaan niya lang na tapakan ng mga 'to ang pagkatao niya. Malalim akong napabuntong hininga.

At, another scam na naman po ang pagbabago ko, bow.

Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at hinawakan ang balikat ng Tatay niya, sabay tulak dito, dahilan para mapabitaw siya sa pagkakakwelyo niya kay Dan.

Kung nung una nahihiya ako sa mga magulang niya, ngayon ay wala na akong pakielam kung maging bastos man ako o ano.

"Wala hong masama sa pagiging bakla. Kung may masama man dito, iyon ang pagiging matapobre niyo. I don't care kung maging bastos man ako sa paningin niyo. As if I also give a damn. Pero mahal at tanggap ko si Dan maging kung ano o sino man siya. Hindi ba rapat bilang magulang niya, kayo ang unang tatanggap sa kaniya, hindi yung kayo pa ang unang manghuhusga sa pagkatao niya. For me, it's better to be a faggot, than be like you na straight nga, hindi naman makatao".

"Kia". Pagtawag sa akin ni Aaron, pero hindi ko siya pinansin.

"Dan is important for me. Kaya kahit kayo ang magulang niya, hindi ako papayag na tapakan niyo lang ang pagkatao niya dahil lang sa kasarian niya. Kung wala na kayong sasabihin, makakaalis na kayo.".

"Wala kang karapatan para paalisin kami rito". Pagsingit naman ng Nanay niya.

"Why not? Besides, this is my house. Dan is already at the right age, so him and I have the rights".

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. No one dares to speak nor to move.

"Let's go honey". Biglang Yaya naman ng Tatay ni Dan sa Asawa niya.

Napabuntong hininga naman ang Nanay ni Dan bago sumunod sa Asawa niya palabas ng bahay.

Napairap na lang ako at iniwan silang tatlo ni Yaya, Aaron at Dan sa salas. Nagtungo ako sa kusina kung nasaan ang kaha ng sigarilyo at lighter ko. Pagkatapos kong kunin 'yon, dumeretso naman ako sa Garden para sumagap ng sariwang hangin.

Tumaas yata ang presyon ko.

Umupo ako sa duyan pagkarating ko sa Garden at nagsindi ng isang stick ng sigarilyo ko. Humithit ako rito bago ipinikit ang mga mata ko at dinama ang sariwang hangin na tumama sa mukha ko.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko, pero hindi ko ito pinansin. It's either Aaron o si Dan lang ang isang 'to.

"Kia". Tawag nito sa akin. "Thank you for defending me". Nanatili akong nakapikit.

"You don't need to thank me. Para saan pa at naging magkaibigan tayo. Besides, alam mong ayoko ng mga judgerist na tao". Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Can I hug you"? Dinilat ko ang mga mata ko at tinignan siya. Nakangiting tumango ako. Niyakap ako nito at gano'n din ang ginawa ko. "Thank you for coming into my life. We are so lucky to have you". Tinap ko ang likod nito pagkasabi niya no'n.

Kinabukasan, maaga akong nagising at naghanda ng umagahan namin. Masama pa rin kasi ang pakiramdam ni Yaya.

Nandito pa rin si Dan at sabay silang papasok ngayon ni Aaron. Magkakabatch kasi silang tatlo ni Ralph at Aaron. Yes, nag-aaral pa rin sila.

"Good morning"! Masiglang bati ng kakarating lang na Kuya Charles.

"Good morning". Bati naming lahat sa kaniya pabalik. Dahil hindi naman na nag-aaral ang isang 'to, siya muna ang magbabantay kay Yaya habang kaming tatlo ay may pasok.

"Thank you sa pagpunta, pre".

"No worries. Wala ring makain sa bahay eh".

"Kaya pala". Singit naman ni Dan. Natawa na lang kami sa kaniya.

"Susunduin ka ba o ihahatid ka na lang namin"? Tanong sa akin ni Aaron.

"I don't know. Hindi pa siya nag t-text eh".

Sakto namang pagkatapos naming kumain ay ang pagbusina ng dalawang sasakyan sa labas. "Baka si Ralph at Lars na 'yon. Tignan mo nga". Utos ng nagsasapatos na Aaron kay Dan. Lumabas naman ito at tinignan kung sino.

"Sila na nga. Bilisan mo na. Kupad talaga eh". Asar naman ni Dan kay Aaron.

"Eh kung batuhin kita ng sapatos jan"? Tumawa lang ang Dan at dumeretso na ng labas. Sumunod naman ako rito.

Nakita ko si Drik na nakasandal sa kotse niya habang nakatingin sa akin. I smiled at him, at gano'n din ang ginawa niya sa akin.

"Good morning, Milady". Bati nito sa akin pagkarating ko sa harapan niya, sabay bukas niya ng pinto ng kotse sa bandang passenger seat.

"Good morning, handsome". Natatawang bati ko sa kaniya bago tuluyang sumakay sa loob.

"Ang aga naman yatang dumating ni Dan sa inyo"? Sambit niya bago buhayin ang makina.

"Dito siya tumutuloy bago pa nung araw na may barilan thingy".

"Hmm? Saan siya natutulog"?

"Sa kwarto ko".

"I see". Sandali itong napahinto bago tuluyang pinatakbo ang kotse.

"Galit ka ba"?

Aba syempre Kia. Sinong hindi?

"Sorry. Hindi ko nasabi sa'yo. Biglaan rin kasi eh. Atsaka iniisip ko na baka busy ka rin. I'm sorry". Napayuko ako dahil sa hiya.

Wala pa kaming label, pero bakit feeling ko, parang nagtaksil na 'ko?

"It's okay. May tiwala ako sa'yo". Napatingin ako sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay ko, habang sa raan pa rin ang paningin. "Besides, kaibigan rin naman natin siya".

"Thank you". Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko. Kinuwento ko sa kaniya ang buong nangyari simula nung araw na tumuloy sa amin si Dan, hanggang nung kahapon.

"Naks. Ang tapang talaga ng mahal ko". Ang corni, pero pakiramdam ko, nag-init ang buong pisngi ko.

"Nang-uto ka pa". Natawa na lang kami parehas.

"Tapos na ba kayong maglandian"? Tanong ng kung sino. Nanlalaki ang mga mata kong napalingon sa likuran.

"T-Tangina. Alexa"?

"Shocks! Kanina pa 'ko rito, pero hindi mo 'ko napansin"? Inirapan ako nito. "Landian kasi kayo ng landian. Hmmp"!

"Bakit hindi ka yata kay Aaron sumabay"?

"Duh. Tingin mo ba kasya pa ako roon? Ano, sa gulong ako"? Parehas naman kaming natawa ni Drik.

"Magkikita rin kayo mamaya ni Aaron". Asar ko pa lalo rito.

"Bwisit ka"! Paghihimutok ni Alexa na lalo pa naming ikinatawa.

Lunch break...

Pagtunog pa lang ng bell, nag-ayos na kami agad ng mga gamit namin.

"Kia"! Tawag ng kung sino sa akin. Napatingin naman ako sa may pintuan.

"Dan"? Napatingin ako kay Drik. Ngumiti naman ito sa akin at tumango.

"Sige na. Ako na mag-aayos nito." Tumango naman ako bilang sagot 'tsaka nagtungo sa may pintuan ng room.

"Wala kayong klase"? Bungad kong tanong dito. Umiling naman ito habang nakangiti. "Hmm. Anong meron? Good mood ka na"?

"Nag cancel na sila sa engagement. And guess what"?

"What"?

"Itutuloy pa rin nila ang pag bigay ng share sa company namin".

"Really? Mabuti naman. Malaya ka nang lumandi". Natatawa-tawang sambit ko. "Ano naman ang nagpabago sa isip ng Tatay mo"?

"Sino kamo".

"Ha"?

"It's because of you, Kia". Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin. "Thank you, Kia. For everything". Nakangiti ko siyang niyakap pabalik.

"Duh. Hindi bagay sa'yo magdrama". Natawa kami parehas bago kumalas sa pagkakayakap sa isa't-isa. Nagpaalam ito na aalis na pagkatapos.

"Let's go"? Yaya naman sa akin ni Drik na nasa tabi ko na pala. Tumango ako at hinawakan nito ang kamay ko.

"Ako? Hindi niyo aayain"? Epal naman ni Alexa.

"Malaki ka na. Kaya mo na 'yan". Mapang-asar naman na sagot sa kaniya ni Drik.

"Napakahayup mo, Lars! Pagkatapos ng lahat"? Natawa na lang ako sa kanila.

Imbis na sa Cafeteria ang punta namin, sa may gate kami ng school dumeretso. Mas masarap kasi ang pagkain sa isang silugan malapit lang dito.

Nauuna akong maglakad sa dalawa, dahil hindi pa rin sila tapos mag-asaran. Napapailing na lang ako.

Palabas pa lang sana kami ng gate, nang may kotseng asul ang huminto sa harapan ko at nagbaba ng windshield nito.

Natutop ako sa kinatatayuan ko nang makita kong may hawak itong baril at nakatutok sa akin.

"KIA!" Tawag ng kung sino sa akin, kasabay ng pagputok ng baril.

-TO BE CONTINUED-

Continue Reading

You'll Also Like

16.7M 722K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
30.3K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
996K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
37.7K 1.5K 64
SYNOPSIS: Hiyal is a type of girl who makes her own life simple and normal. Para sa kanya, nasa kamay lang din nating mga tao kung paano tatanggalin...