Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.9K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo

1.2K 43 1
By aefanfiction

Angge's POV:

Nanlamig na lang ako sa nabasa ko. Erik really knows where am I.

Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nabasa ko sa text.

Hindi ko naman meant na lokohin siya o suwayin sa pagsama ko kay Marionn ngayon, pakiramdam ko pa rin na I just did.

Nang makita ni Marionn na hindi ako sumunod sa kanya patungo sa sasakyan ay bumalik siya sa kinaroroonan ko.

"Oh ano namang meron sa simangot na yan? May problema ba?" biglang sabi ni Marionn sa akin at namewang sa harap ko.

Pinilit kong ngumiti kahit na hindi ko alam kung may dapat pa ba akong ikangiti sa mga oras na 'to.

"Ah wala, hmmmn Marionn siguro mauna ka nang umuwi?"

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Anong sabi mo Ge?" nagtatakang tanong niya.

"Uhm, mauna ka na. Kaya ko namang mag isa." nag aalangang sabi ko.

Nakakainis, paano ko ba lulusutan 'to?

"Ha? Bakit naman? Diba napag usapan na natin 'to kanina na ihahatid kita?"

"Alam ko pero okay lang talaga ako promise. Mauna ka na."

"No, hindi kita iiwan dito."

I sighed, bakit ba ang kulit niya? I really have no choice.

Kailangan ko nang sabihin sa kanya.

"Uhm susunduin kasi ako ni---Erik. Kaya okay lang talaga ako."

Kapansin pansing nagtaka at medyo nag alinlangan siya sa sinabi ko pero pinilit niya lang na hindi ipahalata.

"Susunduin ka niya? Bakit? Alam niya ba na nandito ka ngayon?" tanong nito.

I sighed before answering, "Oo. Kaya sige na pwede ka nang umalis. Parating na rin naman si Erik, hihintayin ko na lang siya dito." sabi ko at ngumiti pa para iassure siya na ayos lang talaga kung iiwan niya ako dito ngayon.

Pero nanatili lang siya sa tabi ko.

"No, hindi kita iiwan dito. Bakit naman kailangang umalis ako? Kasi hindi niya ako dapat makita? Galit ba siya sayo kasi nakipagkita ka sa akin?"

Hindi niya nga alam na nagkita tayo, at malalaman niya kapag hindi ka pa umalis ngayon.

Oh my God, nagguilty na ako.

"No, don't misunderstand it. Hindi galit si Erik. Hinahanap niya kasi ako kanina pa kaya nung nalaman niya na nandito ako, sinabi niya na susunduin niya daw ako." pagpapaliwanag ko naman kahit na wala sana akong balak pang sabihin ito.

Ayoko naman na makonsensya siya dahil una sa lahat ay hindi niya naman kasalanan.

It is me who said yes and what I did was also reasonable.

Wala kang ginawang masama, Angge. Kaibigan lang ang tingin mo kay Marionn.

"Susunduin ka niya? Bakit? Hindi mo naman siya boyfriend diba?"

I was stopped for a while.

Yung sinabi niya, tumama sa puso at isip ko.

On the other hand, oo nga naman Angge, bakit ka ba kinakabahan kay Erik, afterall, hindi mo naman siya---

"Angeline!"

boyfriend.

Lalo akong kinabahan nang marinig ko ang sobrang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

Erik.

Malalaki ang mga hakbang niyang Lumapit siya sa akin at kaagad na hinablot ang braso ko.

"Tara na!" sabi ni Erik habang masamang nakatingin kay Marionn na bahagyang nagulat sa pagdating ni Erik.

Pinaghalo ang pagod at inis sa itsura ni Erik nang titigan ko siya. He looks very drained yet enraged.

Erik was about to take me away nang biglang hawakan ni Marionn ang kaliwang kamay ko dahilan para matigilan kami.

Nang makita ni Erik ang ginawa ni Marionn ay awtomatikong lalong sumeryoso ang reaksyon niya.

"Bitiwan mo siya!"

Pero nanatiling hindi kumikilos si Marionn. Parang hindi siya naapektuhan sa sinabi ni Erik.

"Teka naman pre, date ko yan eh. Bakit naman bigla bigla mo siyang iuuwi?"

"At bakit hindi? Huwag kang mangialam dito." sagot naman ni Erik sa kanya.

"Hindi ka naman niya tatay para pagbawalan siya. Sino ka ba?" maangas na sabi ni Marionn.

"Marionn--" I called him

And knowing this man who's holding my arm, alam kong hindi siya papayag na inaangasan siya ng huli.

At dahil doon ay mas lalong tumindi ang kaba ko.

Ito rin kasing si Marionn eh!

"Pogs, tara na." pag awat ko naman. Halos mabitawan ko na ang bag ko dahil sa sobrang kaba habang nakahawak ako sa braso niya at pilit na hinihila siya palayo.

"Date? Date ang tawag mo dito? Para sabihin ko sayo, hindi naman dapat ikaw ang kasama nito kaya paano mo matatawag na date kung ipinilit mo lang naman?" sarkastikong sagot ni Erik

Imbes na mainis, Marionn just laughed at what Erik have said.

"Ayos lang, atleast masaya siya na kasama ako. Yun lang naman ang mahalaga sa akin. Yung nakikita kong nakangiti siya. E sayo ba, tingin mo ba masaya siya? E wala na ngang ginawa yan sayo kundi umiyak diba?"

Anong---

"T*ngina, anong sabi mo?!" sabi nito at akmang kukwelyuhan si Marionn pero kaagad ko siyang hinarangan.

Erik cursed for the very first time sa harap nang ibang tao.

All this time, people always see Erik as a prim and nice guy pero hindi alam nang marami na ganito din siya.

Sa totoo lang, tanging kay Marionn lang naman ganito si Erik at sa ibang lalaking pumipilit na lumapit sa akin. Noon, ni hindi ko siya nakitang magalit at umakto nang ganito.

Ang bilis na ng tibok ng puso ko, hindi ko na alam kung ano ang nangyayari.

"Tama na nga! Marionn sige na, aalis na kami. Pasensya ka na." sabi ko at sa pagkakataong ito ay ako naman ang humila kay Erik paatras but he stood still while still angrily staring at Marionn.

Ano, talagang mag aaway silang dalawa? At dito pa talaga?!

Nakakahiya, paulit ulit akong lumilingon sa paligid dahil napapansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao na dumadaan.

"Pero baka saktan ka niya. Hindi kita papabayaang maiwan sa kanya kung ganito ang sitwasyon."

"Sasaktan?! Gaano mo ako kakilala at gaano mo kaalam kung ano kaming dalawa para sabihin mo na baka saktan ko siya ha?!" sabat naman ni Erik.

"Hindi ikaw ang kausap ko pre." sagot naman ulit ni Marionn

Napansin kong talagang nag init na ang ulo ni Erik lalo na sinabing iyon ni Marionn pero alam ko naman na hindi magagawa yun ni Erik sa akin kahit gaano pa siya kagalit, Erik never laid his hands on me.

"Hindi Marionn, hindi niya ako sasaktan. Mauuna na kami ha, mag ingat ka din."

Pagkasabi ko noon ay talagang hinila na ako ni Erik patungo sa sasakyan para umalis.

Kung hindi ako sasama sa kanya ay lalaki pa ang gulo at hindi kami matatapos sa eksenang yon.

Nang makapasok na kami sa kotse ay mabilis na pinaandar ni Erik ang sasakyan at para bang hangin lang na nilampasan si Marionn na nakatayo sa gilid at nakatingin sa amin palayo.

Napabuntong hininga na lang ako nang magsimula na naman siya sa pagsasalita.

"Tar*ntadong yun! Ang lakas ng loob niyang ilabas ka!" nanggagaliiting sabi niya.

Napansin kong pahigpit nang pahigpit ang paghawak niya sa manibela.

Ayaw ko siyang patulan ngayon pero hindi ko alam kung bakit galit na galit siya.

"Ang init masyado nang ulo mo, alam mo yun? Kumalma ka nga. Wala namang ginagawang masama sayo yung tao oh!" sagot ko naman.

Pero hindi niya pinansin ang pagsaway ko sa kanya. Mabilis niya akong tiningnan.

"At iyan, iyang suot mo, ilang beses ko na bang sinabi na huwag na huwag kang magsusuot nang ganyan kapag lalabas ka na wala ako ha? Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin?" parang naiirita niyang sabi.

Tiningnan ko naman ang sarili ko. Ano nanamang mali dito?

Nakasuot ako ng sleeveless na floral na dress na abot hanggang tuhod ko. Naiinis na ako, pati ba naman ito?

"Hindi ko alam na siya ang makakasama ko, okay? Ano nanaman bang problema ha? Hindi ka na nahiya sa inasal mo, Erik!"

"So ako pa ang dapat mahiya? At bakit ka humihingi ng pasensya? Siya pa nga ang mali dito!" he said while looking straightly to the road.

I've been trying to calm myself all this time dahil alam kong may mali din naman ako pero hindi ko na talaga kaya.

"Pwede ba, walang mali dito okay? Walang mali! Humingi ako nang pasensya kanina kasi sobra yung ginawa mo! Bigla ka na lang sumulpot sa kung saan, hindi mo man lang ba naisip na irespeto yung tao?" may halong inis kong sabi.

Hindi pa nga tapos ang pinagtatalunan namin noong nakaraan, nandito nanaman kami.

"Anong mali don? Mali ba na kunin kita sa kanya?"

"Hindi yun ang punto ko dito, irespeto mo naman siya."

"At respeto talaga? Then he should've respected what is mine too. I was just around, hinahanap kita sa kung saang sulok ka man ng mundo nagpunta. Umaasa ako na bakasakali makita kita."

"Bakit mo ba kasi ako hinahanap? Akala ko ba may trabaho ka ngayon e bakit nandito ka?"

Nakasuot pa nga siya ng black polo at kanina ay nakita ko na nasa likod ng sasakyan niya ang coat and tie niya. Halatang dapat ay may event siya ngayon.

"I cancelled that just to find you,  okay?! Ipinacancel ko kasi hindi kita mahagilap! I was looking for you for hours at tingin mo ba makakapagperform ako nang maayos thinking na hindi ko alam kung nasaan ka man lang? Hindi ako mapakali kanina pa tapos malalaman ko kasama mo pala yung tarantado na yon!"

Hinanap niya talaga ako?

"Teka nga ano bang ikinagagalit mo ha? Dinner lang yon Erik! Bumawi lang ako dun sa tao dahil lagi ko siyang hindi nasisipot dahil wala akong ibang ginawa kundi ang sundin ang mga sinasabi mo!"

What he always do is to make me stay away from people na ayaw niya para sa akin but he never did the same thing when it comes to me. Ang ironic lang talaga.

"At nagsisisi ka na hindi mo siya sinisipot noon dahil sa akin? Alalang alala ako dito dahil hindi ko alam kung nasaan ka tapos ngayon sasabihin mo sa akin na unreasonable ako?"

"Bakit tingin mo ako hindi ganyan ang nararamdaman ko nung ilang araw kitang hindi matawagan ha? Erik ganyan din ako. Kaya wala kang karapatan na pakialaman at pagsabihan ako kasi hindi rin naman kita pinakialaman sa pakikipagkaibigan mo kay Keia!"

"Ayan nanaman ba ha? Hindi pa rin talaga tayo tapos. Can you please quit being so paranoid nang wala namang dahilan?!"

"Paano tayo matatapos kung hindi mo pa nga naipapaliwanag yung una, sinundan mo nanaman ng panibago!?Walang dahilan Erik? Sa tingin mo ba bulag at tanga ako para hindi ko mapansin na kulang na nga lang glue para dumikit siya sayo?!"

"Then tigilan mo yang mga hinala mo!"

"Bakit? Kasi yung mga hinala ko baka maging totoo na? Ganon ba?" I scoffed.

"Here we are again! Ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo? Hindi ko rin alam na kasama siya doon at hindi ko sinabi sayo dahil hindi mo naman kailangan malaman at ayan, dahil ganyan ka, kung ano anong iniisip mo! At wala akong karapatan? Bw*s%t naman Angeline! Kailan pa ako nawalan ng karapatan na pagsabihan ka?! Sabihin mo!"

Pero mas nasaktan ako noong itinago mo sa akin ang lahat na para bang isa siyang sikreto na hindi ko pwedeng malaman.

"KASI HINDI KITA BOYFRIEND ERIK! KAHIT KAILAN WALANG TAYO DIBA?!"

Kasabay ng mga salitang yun ang malakas na paghinto ng sasakyan.

My heart literally stopped for a couple of second.

Mabuti na lamang ay nakaseatbelt ako kung hindi ay malamang tumalsik talaga ako sa dashboard ng kotse.

Nilingon ko si Erik para tingnan kung ayos lang ba siya only to see him staring blankly infront.

Hindi tulad kanina na puno ng inis at galit, nakita ko kung paanong naging malungkot ngayon bigla ang mga mata niya.

Those words, alam kong mali ako sa mga sinabi ko.

Gusto kong bawiin yun pero hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sa akin na magsalita ako.

Parang nadudurog ang puso ko nang makita kong napayuko siya dahil sa sinabi ko.

I can feel the pain in his heart dahil kahit ako ngayon, iyon ang nararamdaman ko.

"Tama,hindi mo nga ako boyfriend. *fakes laugh* Yan naman lagi eh. Sa relasyon natin na 'to, wala tayong sigurado umpisa pa lang. Sino nga naman ba ako sa buhay mo diba?" he said it in a soft but strong voice and after those words, nilingon niya ako, "Pero ipapaalala ko lang sayo, kahit anong mangyari, akin ka lang."

Nilingon niya ako. He looked at me with his eyes. Yung mga mata niyang punong puno ng iba't ibang emosyon.

Para akong nakuryente nang bigla niya na lamang akong hinawakan sa pisngi. Hindi niya pinuputol ang tinginan naming dalawa.

Muli siyang nagsalita.

"Now, do as I say. Hinding hindi ka na makikipagkita sa kanya dahil oras na maulit pa yan, hindi ko na alam kung paano kong hindi mapapatay yang lalaking yan. Huwag mo akong subukan, Angeline. Pag sinabi kong akin ka, akin ka. You'll never want to see how am I when I'm mad. Baka gusto mong hindi ito na tayo umuwi pa kahit kailan dito."

Pagkasabi niya iyon ay biglang lumapit ang mukha niya sa mukha ko at doon niya ako hinalikan.

I was stunned. Ni hindi ako nakapalag dahil sa sobra kong pagkagulat. Ni hindi ako nakagalaw.

Matagal pero mariin ang halik niya. Matapos maghiwalay ng mga labi namin ay tulala pa rin ako.

Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan na para bang walang nangyari at wala lang ang mga sinabi ko.

Hindi ko rin alam kung bakit pero bukod sa pagkabigla dahil sa ginawa niya ay tumatak sa isip ko ang mga salita niya.

His low yet very powerful words hit me. Lalong lalo na ang huling mga salitang kanyang binitawan..

Doon ko lang naalala.

We are flying to the US tomorrow.

-----------------------
🗾: New York

"Sorry Ge nagtext kasi yung pinsan ko, kababalik lang nila dito galing California kaya ayun, pinagsstay na ako sa kanila. Sorry talaga, babawi na lang ako sa inyo next time."

Napasimangot na lang ako sa sinabi ni Ate Cynthia.

"Sayang naman Ate Cynch sabi mo sasamahan mo akong bumili ng Gucci." malungkot na sabi ko.

"Eeeh next time na lang babawi ako sayo, promise talaga yan. Ngayon na lang kasi ako nakabalik dito tapos biglaan pa kaya ayun gusto nila akon makita. Sory talaga Ge."

Napabuntong hininga na lang ako.

E ano pa nga ba, pamilya niya yun eh, isa pa ay minsan nga lang naman siya dito sa New York.

Oo, nasa New York kami ngayon. Isa 'tong show na 'to sa mga nakaline uo na projects namin ni Erik noong nakaraan.

Hindi ko na nga lang din napansin na dumating na pala ang araw na 'to nang hindi ko man lang namamalayan.

Kahapon ay tapos na ang show namin ni Erik, magkasama kaming dalawa sa show and so far, so good. Kahit na hindi pa rin kami magkaayos ay naitawid naman namin ang show namin nang matiwasay.

Ganoon kami ni Erik, hindi namin binibigyan ang audience namin ng dahilan para maramdaman ang personal naming nga problema kapag nagpeperform kami nang magkasama.

At dahil nga bukas ay uuwi na muli kami sa Pilipinas ay nakalaan talaga ang araw na 'to para gumala kami at mamili ng mga pasalubong sa pamilya namin.

Apat lang kami, si Ate Cynthia, si Jen, si Erik at ako. Alam din ni Jen at Ate Cynthia na may tampuhan kami ni Erik kaya nga ineexpect ko na na hindi nila kami iiwanan.

Pero ano pa nga ba, di bale ayos lang naman.

Maya maya naman ay saktong lumabas na si Jen ng CR. nakabihis na rin ito.

"Hmmn sige okay lang Ate Cynthia, oh Jen narinig mo yun tayo na lang dalawa ang magsshopping." sabi ko naman at kinuha na ang bag ko para sana tingnan yung cash na naipapalit ko kanina.

"Ay ate hindi ka ba informed?" nagtatakang tanong naman ni Jen

"Ha? Saan?"

Imbes na sumagot siya ay si Ate Cynthia ang mulin nagsalita.

"Isasama ko si Jen pumunta sa pinsan ko, Ge. Kasama ko siya doon hanggang bukas."

Napatigil naman ako sa pagbibilang ng pera.

Teka, ano daw?

Parang mahihimatay naman ako sa sinabi nila. Hindi OA, totoo talaga.

"Totoo ba?! Ate naman." pagrereklamo ko.

Pero bakit? Nananadya ba sila?

"E wala lang gusto ko. Wala rin akong kasama pumunta ng airport bukas kung hindi ko siya isasama." sabi naman ni Ate Cynthia.

Jusko naman oh, problema nanaman.

Tiningnan ko naman si Jen na abala na sa pag aayos ng maleta.

"Huwag na Jen, please. Dito ka na lang sa akin."

"Eeeh Ate gusto kong sumama kay Ate Cynthia. Maghahanap kami ng pogi eh." sagot nito sa akin.

Nakakaloka talaga, iiwan talaga nila ako ngayon?

"Nakakainis naman! E sino nang kasama ko kung aalis ka?"

Sabay namang lumingon silang dalawa sa lalaking kanina pa nakaupo sa couch at nakikinig lang sa amin.

Seryoso ba sila?!

I sighed in frustration, kung minamalas ka nga naman oh.

Wala na, maiiwan na ako.

Maiiwan na nga ulit ako na kasama siya. Kami lang dalawa.

Ni Erik.

"E kung ganon edi sasama na lang din ako!" naiinis na sabi ko na at tumayo para kunin ang mga gamit ko.

Dahil sa ginawa ko ay kaagad na napatayo ng couch si Erik.

"Isa, tigilan mo ha!" madiin namang sabi ni Erik sa akin.

"Bakit ba, sasama ako!" pagdepensa ko naman.

"Sige subukan mo lang talaga. H'wag mo akong pikunin Ge." sabi niya lang at sumandal muli sa couch.

Narinig ko naman na tumawa si Jen at Ate Cynthia.

MAY NAKAKATAWA BA DON?

"Kayo talaga para kayong mga bata. Ayusin niyo yan habang nandito pa kayo. Sayang ang araw kung magtatampuhan lang kayo." sabi pa ni Ate Cynthia at kinuha na ang maleta niya

"Oo nga naman Ate, ayaw niyo ba nun? Binibigyan na nga namin kayo ng time para makapagsolo eh. Alam niyo na, baka makagawa pa ng baby na made in New York. Malamig pa naman dito." sabi pa ni Jen

Napailing na lang ako. Gusto kong umiyak sa inis ngayon.

E ano pa nga bang magagawa ko e desidido na sila?

Kasi naman bakit kasi biglaan?

Bakit kailangan pang maiwan ako kasama niya?!

"So paano, kita kita na lang tayo bukas sa airport?" sabi pa ni Ate Cynthia at bumaling na kay Erik, "Paano una na kami, enjoy kayong dalawa."

Pagkasabi nila nun ay lumabas na sila ng kwarto.

Wala na, wala na talaga.

Anong gagawin ko dito?

Napatingin naman ako kay Erik na ramdam kong kanina pa nakatitig sa akin. Kumunot ang noo ko.

Anong problema niya?

Tsaka bakit ba siya nandito e kwarto namin ito ni Jen ha?

Noong una nga ay ayaw niyang pumayag na si Jen ang makakasama ko dito sa kwarto. Kulang na lang ay sumigaw siya doon sa front desk at kaladkarin ako papasok ng kwarto na dapat kaming dalawa ang magkasama pero nagmatigas ako.

Masama pa rin ang loob ko, ayaw ko pa na kasama siya nang matagal sa loob ng iisang kwarto.

Nakakainis talaga, sayang ang New York, sayang ang bakasyon!

"So ano tutunganga na lang tayo dito?"

Bigla namang napalis ang iniisip ko nang biglang magsalita si Erik na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.

Mukhang bored na bored siya.

Nakataas ang mga braso niya sa ulunang bahagi ng couch. Kulang na lang dumausdos siya ng higa doon.

'Pero aminin mo Angge, pogi pa rin.' sabi ng malanding isip ko.

Ugh ano ba! Tumigil ka nga kalalandi, magkaaway pa kayo diba?

Imbes na magsalita ay inirapan ko lang siya

"Bahala ka, umalis ka kung gusto mo." sagot ko naman at humiga na lang sa kama at kinuha ang cellphone ko.

Matutulog na lang ako buong araw baka mas mabuti pa.

O di kaya magtiTinder, baka makabingwit pa ng jowa.

Joke lang.

Tumawa naman siya at umiling. Maya maya pa ay tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin.

"Alam mo kahit ayaw mo akong kasama, wala kang choice. Tayong lang ang nandito, may magagawa ka pa ba?" sabi naman niya sa akin.

"Problema ba yon edi matutulog na lang ako!" sagot ko at tinalikuran siya.

Yun nga eh, wala na akong choice. Baka mamaya mawalan na rin ako ng choice at biglang rumupok nanaman ako sa kanya.

"Matutulog ka na lang diyan? Oh sige bahala ka. Ikaw rin, maraming magagandang chix sa labas. Foreigner, magagaling sa English, matatangkad. Parang gusto ko ngang gumala eh." sabi niya.

Babae, ayan nanaman.

Doon ay kusang uminit ang ulo ko.

Hindi ko alam pero para bang kahit biro lang naman yun ay parang sineryoso ko.

"E yun naman pala may plano ka, edi lumayas ka nang mag isa! Bilisan mo na, matutulog na ako!" sabi ko sa kanya.

Narinig ko naman na napabuntong hininga siya sa sinabi ko.

"Binibiro lan---"

"Dapat kasi sumama na lang ako, ayaw ko nga maiwan dito kasama mo eh."

Matapos kong bitawan ang mga salitang yun ay bigla na lamang tumahimik ang paligid namin.

Parang kinabahan naman ako. Hindi na umimik si Erik matapos noong sinabi ko.

Dahan dahan akong lumingon sa kanya only to see him blankly staring at me.

Para namang bakas sa mukha niya na nasaktan siya sa sinabi ko.

Kitang kita ko kung paanong bumagsak ang mga balikat niya at unti unting tumayo mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama.

"Ayaw mo na talaga akong kasama?" mahinang sabi niya

"Pogs." pagtawag ko naman sa kanya.

Pero parang hindi niya ako narinig.

Tumalikod na siya at kinuha ang telepono niyang naiwan na nakapatong sa kaninang inuupuan niya.

Sinundan ko lang siya ng tingin.

"Nasa kwarto lang ako. Puntahan mo na lang ako kung gusto mo nang gumala. Magpahinga ka na."

Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya ng pintuan.

At naiwan akong mag isa nanaman.

END OF CHAPTER 20

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
74.1K 3.4K 35
"Everyone has a weak spot, and he found mine. Good night."
338K 3.2K 55
Nabuo po itong story na ito,dahil sa BORED ako! AHHAAHA! Sana po tangkilikin nyo po ang aking kwento hanggang sa ito ay matapos! Salamat sa mga nagba...
230K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...