OPPOSITE: We Are Enemy

By estreeilya

6.8K 496 15

Up and Down. Right and Left. Love and Hate. Kill and Spare. Totally opposite, is there a chance to make it to... More

B L A C K N O T E
CHARACTERS
P R O L O G U E
Opposite 1: Simula
Opposite 2: What the Hell.
Opposite 3: Meet.
Opposite 4: Lipat.
Opposite 5: School.
Opposite 6: Pagkain.
Opposite 7: Duty.
Opposite 8: Asar.
Opposite 9: Ulol.
Opposite 10: Story.
Opposite 11: Attack?
Opposite 12: Silip.
Opposite 13: Cleaning.
Opposite 14: President.
Opposite 15: Between them.
Opposite 16: Words.
Opposite 17: Schedule.
Opposite 18: Sports.
Opposite 19: Time.
Opposite 20: Practice.
Opposite 21: Lunch.
Opposite 22: Cookies.
Opposite 23: Xienno.
Opposite 25: Can you?
Opposite 26: Watch.
Opposite 27: Ngisi.
Opposite 28: Basketball.
Opposite 29: She's sick.
Opposite 30: I'm Fine.
Opposite 31: Hidden Room?
Opposite 32: My friend.
Opposite 33: Firing.
Opposite 34: Laro.
Opposite 35: Here we go!
Opposite 36: I'll wait.
Opposite 37: Awarding.
Opposite 38: Cool!
Opposite 39: Movie Marathon.
Opposite 40: What?
Opposite 41: Luha.
Opposite 42: Finding.
Opposite 43: Italya.
Opposite 44: I'm here.
Opposite 45: Plan.
Opposite 46: Dan.
Opposite 47: I'm back.
Opposite 48: Battle.
Opposite 49: Duet.
Opposite 50: Pffft.
Opposite 51: Invitations.
Opposite 52: BlackViXX.
Opposite 53: Aux.
Opposite 54: Paghaharap.
Opposite 55: Killer.
Opposite 56: Truth.
EPILOGUE

Opposite 24: Booth.

73 8 0
By estreeilya

Xienna's POV

"Ano?!" malakas na sigaw ko kung sa sino mang nag-tangkang tumawag at sumira sa tulog ko.

"Aray naman sa ears!" hasik nito.

"Ano bang problema mong babae ka?! At nanggigising ka ng ala sais ng umaga?!" Lunes ngayon, at oo. Ngayon ang sport fest namin. Alas dyes ang pasok ng lahat.

Ngayon gaganapin ang Archery, Basketball, Baseball, Firing, Gymnastic and ang iba bukas na. Then, sa Wednesday ang awarding. At dahil nga dapat ay natutulog lang ako at nagpapahinga ay naistorbo ako ng isang babaita.

"Samahan mo ako dito sa school?"

"Bakit na naman?"

"Laro tayong volleyball? nag- papractice kasi ako. Hehehe?"

"Asa'n team-mates mo?!"

"Wala pa yung iba eh, need namin ng kapalit para maayos na makapag-practice."

"Tinatamad ako."

"Dali na, Xiennaaaaaaaaaaaaaaaa!"

"Chess ang sport ko."

"Ano naman?" putangina ang slow.

"May practice din ako."

"Sus, 'di ka naman umaattend sa mga ganyan."

"Oh,eh. Alam mo naman pala eh. Kung hindi ako na-attend sa mga practice ay lalong hinding hindi ako tutulong sa ibang practice!"

"Daliii naaaa! Ngayon lang naman eh!"

"Ulol."

"Xienna, ako 'to. Kaibigan mo."

"Tinatanong?"

"Dali na kasi."

"Bahala ka. I'm hanging up."

"Gagawan kita ng dagger! Ako na bahala at ibigay mo nalang ang disensyo!"

"Ito naman, dapat kanina mo pa sinabi! Papunta na 'ko."

"Tss. Kailangan pang suhulan para pumayag,"

"I can hear you."

"Yes, you do!"

"Hindi na ako pupunta."

"Joke lang, wala kang narinig diba? hintayin kita. bye-bye!"

Tumayo na ako sa higaan at nagsimula nang mag-ayos. Magaling sa paggawa ng armas si Ghionna at alam nitong mahilig ako sa mga patalim, lalo na sa dagger.

Pwede niya akong gawan ng isang high-tech dagger.

Sa totoo lamang, marunong naman ako nito kaso sadyang may lahing katamaran ako. At hindi naman ako nagtitiwala sa iba kung sakaling magpagawa ako. So ayun na na nga.

Nasa gym na ako at sa pwesto ng volleyball players. Natatanaw ko naman ang kadaldalan nito. Napa-iling na lamang ako. She said na nag-papractice sila, pero nakatunganga at nag-dadaldalan lang naman. They should have atleast do the stretching and some things para mahasa at masanay ang mga katawan nila.

"Xiennnnnnaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

"Bibig mo, Ghionna."

Inakbayan ako nito, porket mas matangkad s'ya ng kaunti sa akin. "Alam kong tamad ka, pero dahil lang sa dagger mong lavidabi. Hindi ba mas nakakatamad ang tumulong sa amin--- Aray!"

Binatukan siya ng isa sa kasama niya at sinamaan siya ng tingin nito. " Minsan 'di ko alam kung matalino ka ba talaga o bobo."

"Aray ko! Ano na namang ginawa ko?" They seems close to each other. Sa bagay kaklase naman namin 'yan, sadyang 'di ko lang alam ang pangalan.

"Buti nga pumunta 'yang kaibigan mo para tumulong sa atin tapos gigisingin mo ang thought na pwedeng mag-pauwi sa kaniya."

"Oo nga 'no?--Xienna, joke lang 'yong mga sinabi ko hehehe." Napatampal na lamang ako sa noo ko.

"What club are you in?" napalingon naman ako sa isa pang babae na ka-team ni Ghionna. May hawak itong bola at pinapatalbog nito 'yon.

"Chess." Hindi ko gusto ang ugali nito at sigurado naman akong ganito din s'ya. But, I don't fucking care.

"You sure that you can help us filling some members?" Sa tono ng pananalita nito ay parang nagyayabang at bahagya pang naka-ngisi.

Ngumisi din ako dito, "Ikaw ba? Are you sure na magaling ka para sumali sa ganitong laro?"

"What did you just say?!" Nabitawan nito ang bola at tumingin ng masama sa akin.

"Are you deaf?"

"How dare you to insult me?! I am the Captain!"

"Opps? Did I insult you? Sa pagkakatanda ko, nagtatanong lang ako" Malapit na akong matawa sa ekspresyon nito na animo isang torong namumula na at handang umatake. Pikon.

"You just did! Questioning me about my skills that in fact I am the fucking captain!" naramdaman ko naman ang pag-hawak sa akin ni Ghionna na bahagya ko lamang tinanggal. At ang mga tingin na pinupukaw sa amin ng mga ka-team n'ya.

Lalong lumawak ang ngisi ko, "My bad about that. Hindi ko kasi alam na captain ka." At pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito mula ulo mukhang paa-- este hanggang paa.

"How dare you!" Nakita ko naman ang paghakbang nito patungo sa akin at ang pagtaas ng kamay upang sumampal sa akin na dagli ko hinawakan ng mahigpit.

Kitang-kita sa mukha nito ang gulat at sakit, " If you are a Captain, then act like one. Know to control your team na dumating sa tamang oras para hindi kayo naghahanap ng kapalit. At isa pa. Being a captain ay dapat mong panatilihing maayos ang grupo mo, imbes na nag-sstreching kayo upang mas mahasa ang katawan ay tumutunganga at nag-dadaldalan lamang kayo."

"What is happening here?"

"Sorry Captain! nahuli po ako."

"Captain, kompleto na ang team."

Narinig ko naman sila, "Buti naman at kumpleto na kayo, dahil hindi ako tutulong sa may ganitong uri ng pinuno." marahas ko itong binitawan at tumalikod na.

"Xienna? Wala ka namang pupuntahan diba? Tara sa classroom, pag-usapan daw ang gagawing Booth." Nangunot naman ang noo ko at lumingon. Si Diego at may kasama pa itong lalaki na sigurado akong kaklase din namin.

Hindi na ako nag-salita at nag-lakad na patungo sa silid. Naramdaman ko naman ang pag-sunod nila.

"Xienna, right?" May humila naman sa akin paupo sa isang upuan.

Sa pag-oobserba ko ay nasa pito kami at naka-bilog ang mga upuan. Puro lalaki ang kasama ko dito at 'di ko alam kung matitino ba sila upang mapag-usapan ng maayos ang gagawin naming booth.

"Buti naman ay may pumasok ng maaga sa atin ngayon, hindi ko kasi nasabihan ang lahat na mag-memeeting tayo sa gagawin nating booth."

'Share mo lang?'

Sumandal ako sa upuan ko at tumingin sa kanila.

"Ehem! So, may suggestion ba kayo sa booth na maaari nating gawin? According to the SSG President ay magiging kompetisyon ito sa bawat grade level. Since ang grade 12 ay may 12 sections sa kabuuan. At dahil din pangalawa tayo, ang A-C section ay naka-hiwalay at ito-ito lamang ang maglalaban." lintaya naman ni Jerome, ang vice president 'ata ng room.

"Kailangan natin ng nakaka-halinang booth at sa unang tingin ay nakakakuha ng interest." Cleo.

"Pa'nong halina ba? 'yong may ekspresyon na 'Wow! Emeyzengggggg!' ?" Diego, loko-loko ang tarantado.

"Kung 'Answer and strip off'? Magtatanong tayo, tapos kung tama may isang tao na kabaliktaran ng kasarian ay mag-tatanggal ng dami-- Fuck!" Froy.

"Gago! Kamanyakan mo na naman!" Zead.

"Bakit?! Nakaka-halina diba? maraming kabataan ngayon na gan'yan---" Froy.

"Bad influence ka." George.

"Oy! 'kala mo naman hindi s'ya ganun--- Bwisit!" Froy.

"Tarantado." hasik ni George matapos n'yang hampasin ito.

"Pa'no kung horror booth?" Singit ni Diego.

"Luma na 'yan."

"Hoy, Xienna. Old but gold. Ang ganda kaya ng horrors." Angil naman nito sa akin.

"Horror, horror. Hindi naman totoo mga multo, gumagawa lang kayo ng kinakatakot n'yo."

"May tao sa likod mo! nakaputi!"

"Talaga? Baka nasa likod mo? Ayan oh, naka-sabit sa balikat mo."

"Putangina?!" Tumayo ito at naka-pikit na naglilikot na tila kiti-kiti. nagtawanan naman ang lahat ng nandirito sa silid maliban sa akin na ngumisi lamang.

"Duwag."

Nang matauhan ito ay agad itong bumalik sa kina-uupuan n'ya at umubo ng bahagya.

"Sus, edi ikaw mag-bigay ng idea para sa booth natin!"

"Oo nga, since ikaw lang ang babae dito." Cleo.

"Any suggestion, Xienna?" Jerome.

"Strong or Weak."

"What do you mean?" Froy, nakita ko namang natuon sa akin ang mga attention nila.

"Exactly."

"Huh?" All.

"About sa sinabi kong title, na-curious kayo at nakuha ang mga attention n'yo. 'Strong or Weak'. Madaming pwedeng kahulugan, pero ano nga ba ang pinatutungkulan? Sa booth na ito ay hahayaan natin ang mga tao na sumubok kung ano bang nasa likod ng pangalang ating ibinigay. Ang magiging hamon ay once na makapasok sila ay kailangan nilang makalabas. Pero may mga hadlang, syempre. Mga iba't-ibang uri ng armas ang ilalabas. Totoong mga patalim. Bibigyan natin sila ng mga armas na ayon sa mapipili nila, at iyon ang mag-sisilbing panangga nila. Ang ma-aasign sa pagpapalabas ng armas ay dapat sanay upang maiwasan natin ang mga injuies at sugat."


Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 112K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.
71.5K 2.8K 51
Maraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa naka...
1.5K 136 14
Meet Samantha Nicole A. Ignacio a simple girl living in a Simple life. But it will change if she meets Andres Bonifacio. kilalanin natin ang Supremo...
6.2M 323K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...