Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 38

1.3M 33.6K 11.4K
By jonaxx

Kabanata 38

Lunch

"Hey guys!" Natatawang sambit ni Stan nang tumunog ang sasakyan sa harap.

Kinuha ko ang hinuban kong damit at hindi na ininda ang lamig at ang pagkakabasa nito. Mabilis kong sinuot ang aking jacket at niyakap ang sarili. Hindi ako makangiti pabalik sa malaking ngising sinasalubong ng pinsan ko sa akin. Padabog na bumukas ang mga pintuan sa front seat at sa likod at nakita kong lumabas si Warren at Joey. Natatawa rin si Joey at base sa kanyang pulang pulang mukha ay alam kong lasing na siya.

"Sorry natagalan kami." Rinig ko pa ang katigasan ng accent ni Stan.

Gusto ko siyang pagalitan pero wala na ako sa mood para magsalita. Nararamdaman kong nanunuod si Noah sa akin habang nagsusuot siya ng damit. Pinagmamasdan niya akong mabuti na para bang nanghihingi siya ng maaari kong aksyon.

"Hila na lang namin ang pick up, bro. I'm to drunk to check it right now." Ani Stan habang binubuksan ni Warren ang makina ng sasakyan.

Pumasok na ako sa loob ng pick up at pumikit ng mariin. Wala na akong pakealam kung mainit sa loob. Binuksan ko na lang ang bintana at naghintay na matapos itong lahat.

"Ayos ka lang, Meg?" Tanong ni Joey at dinungaw ako sa loob.

Hindi ako makatingin sa kanya. Halu halong emosyon ang nararamdaman ko para sa buong banda. May pagtatampo dahil naaalala ko na naman ang nangyari sa bar, may awa, at sakit.

"I'm fine." Sabi ko nang di siya tinitingnan.

Sinarado ni Warren ang makina at diretso ang tingin niya sa akin. Kahit na hindi na makapag focus ng maayos ang kanyang mata ay alam kong may iniisip siya.

You guys are all too late. Tulad ni Noah. Binigay ko ang lahat para sa banda ninyo at ayaw ko mang balikan ang sakit na idinulot ninyo sa pagtataboy sa akin ay nakamarka na ito sa puso ko. Hindi ko alam kung ilang buwan pa bago maghilom ang sugat na ginawa niyo but one things for sure, it will leave a scar. We will never be the same again...

"Ayos ka lang, Noah?" Tanong ni Stan ng natatawang inaakbayan si Noah.

"Umuwi na lang tayo." Sabi ni Noah.

"Alright. Warren, paki hook 'yong dala natin." Sabay turo ni Stan sa sasakyan nila.

Dumiretso si Stan sa sasakyang dala at pinaandar ito para mapatalikod sa pick up. Si Warren ang tumulong sa ginagawa ni Stan dahil si Joey ay nakahilig lang sa harap at natatawa kahit wala namang katatawanan.

"Wala nang mga bisita kina Stan?" Tanong ni Noah kay Joey.

"Wala na. Ang tagal niyo kasi. Ang saya pa naman! Tawang tawa ako sa mga kwentuhan, e." Ani Joey.

Tumango lang si Noah at tumulong na rin kay Warren. Pumikit ako ng mariin at nag isip na sana ay umuwi na lang ako kanina. Ilang sandali ang lumipas ay narinig kong maayos na at pwede na kaming tumulak.

"Oh, Noah? Gusto mo palit muna tayo?" Tanong ni Warren nang bumaling siya kay Noah.

Umiling lang si Noah at dumiretso sa sasakyan. Tumingin ako sa labas pagkatapos niyang isarado ang pinto.

"Tara na!" Ani Stan galing sa driver's seat ng kanyang sasakyan at pumasok na kaagad si Joey. Nanatili pa si Warren sa labas at tiningnan kaming dalawa.

"Warren!" Tawag ni Stan tsaka pa lang siya gumalaw at pumasok sa loob.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas. I'm gonna have to endure another moment with Noah. Ayaw ko na. Ayaw ko na talaga. Nag aalab ang galit ko at nasasaktan ang puso ko tuwing naaalala ko ang sagutan namin kanina.

Mabagal pa nang unang tumakbo ang sasakyan nina Stan. Nang nasa concrete road na ay naging maayos at matulin na rin ang takbo nito.

Ang ingay na maririnig lang sa loob ng pick up ay ang mga tikhim namin ni Noah. Sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko kung paano niya ako tinitingnan. Paano niya nagagawa iyan? Paano niya ako nagagawang tingnan ngayon kung noon ay halos mandiri siya sa akin ng husto? Paano niya ako nagawang ipagtabuyan noon kung ganito siya kung makatitig sa akin ngayon? I am so bothered! How can he keep his damn feelings like that?

And then I wondered what my father told him. Alam ko na noon pa na medyo malupit si daddy sa mga nagbabanda. He’s in the industry at kabisado niya ang mga nagbabanda kaya istrikto siya lalo na’t alam niyang may nagugustuhan akong tulad ni Noah.

“You can wear my t shirt it you want.” Bulabog ni Noah sa katahimikan naming dalawa.

Umiling lang ako. Ayaw kong magsalita.

“May damit ka ba sa bahay nina Stan-”

“Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa akin?” Sabi ko nang di siya tinitingnan. “Stop this shit, Noah. I know you’re only doing this because you are lonely. Coreen’s not with you anymore.”

“Stop talking about Coreen, Meg.” Naririnig ko ang iritasyon sa kanyang boses.

“How come you want me to stop mentioning her name now when just months ago you were always talking about her-”

“That’s because you’re always around, Megan. And I don’t want you to fucking feel that you’re the only one for me. No way. Lalo na tuwing naaalala ko ang mga sinabi ng daddy mo? Tsss.”

Gusto ko siyang sigawan! Si daddy ang kanyang kalaban! Kay daddy siya dapat magalit! Hindi sa akin! Pero hindi! Ako ang kanyang sinaktan! Saakin niya binuntong ang lahat ng sakit! Now, I am asking for a break. Because I’m not a god, I get tired too.

“I know I won’t be the only one for you. Kahit nong high school pa lang tayo. That’s why I want to push the hands of time, to make it fast, to see if you’re still into me when we’re ready. Because I know you know me, Meg... I want to be the only one. I want to be the first and the last.”

You have always been my only one, Noah. But I can’t tell you that now. Pride na lang ang natitira sa akin at iyon ang kailangan ko para maging maayos ako. Mabilis kong tinulak ang pintuan ng sasakyan pagkadating namin sa bahay.

Mabagal namang lumabas si Noah sa sasakyan samantalang lumabas ng natatawa si Joey at Stan. Nilingon ko ang tatlong lumabas at nagpasalamat na lang. Tumango lang sila kaya bumaling na ako sa bahay.

“You two have gone crazy. Kung hindi ko kayo kaibigan kanina ko pa naiisip na high kayong dalawa.” Nalunod ang boses ni Warren sa mga yapak ko.

Mabilis kasi akong dumiretso sa bahay nina Everlyse. I’m not sure where I will sleep tonight. Siguro doon sa guestroom na madalas kong tinutulugan.

“Oh, Meg?” Tawag ni Warren.

“What happened, Noah? Bakit ganon ang pinsan ko?” Tanong ni Stan papasok ako sa loob ng bahay.

Hindi ko na narinig ang dinugtong nila. Sumalubong sa akin ang mapupungay na mata ni Everlyse sa sala. Nadatnan ko siyang tulog sa sofa at naalimpungatan nang narinig ang yapak ko.

“Oh my God!” Aniya pagkatapos ay tumayo at sinalubong ako.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong bahay na medyo magulo pa. Iniisip ko kung sinu sino ang mga nagpunta. Siguro ay nagpunta rin dito sina Wella at ang iba pa naming kaklase noong high school.

Mag aalas tres na ng madaling araw at pagod na pagod na ako. Masakit na ang mga mata ko dahil sa pag iyak at pagtatrabaho kanina.

“Are you okay? Anong nangyari sa inyo ni Noah? Nag inuman pa kasi sila at hinintay pa nilang umalis ‘yong mga bisita bago kayo nasundo!” Ani Everlyse, sinasamahan akong umakyat sa hagdan nila.

“Ayos lang ako. Nabasa lang ang damit ko. I’m tired... sa kakatrabaho.”

Naramdaman ko ang mapanuring titig niya ngunit binalewala ko iyon. I don’t want to answer anymore damn questions. Mabigat na iyong mga sagutan namin ni Noah at ang tanging gusto kong mangyari ay matapos ang araw na ito.

“Bakit iyan nabasa?” Tanong ni Everlyse habang binubuksan ang guest room para sa akin.

Pagkapasok namin sa loob ay hinubad ko kaagad ang jacket sa kanyang harapan at iyong sleeveless top. Gumapang agad ako sa kama. I want to shower and all but I am so tired for all of that.

Kinagat ni Everlyse ang kanyang labi at tiningnan ako habang nakahilata doon sa kama nila. Pumikit na ako.

“May tuwalya sa closet. Dadalhan kita ng damit para makapagpalit.” Aniya.

“Wag na. Just lock the door, please. Uuwi ako ng maaga. Mga alas singko.” Sabi ko.

“Huh? Bakit?” Tanong niya habang inaayos ang kumot sa akin.

“Sa bahay na ako magbibihis at lahat. I want to be home.” Sagot ko.

“Oh... Okay...” Dahan dahan niyang sinabi. “Sasabihin ko sa driver.”

“Wag na.” Mabilis kong sinabi natatakot na baka malaman ni Noah. “Magtataxi ako.”

“Hmmm... Okay.”

Iniwan ako doon ni Everlyse. Halos hindi rin ako nakatulog sa nalalabing mahigit na dalawang oras sa pag alis ko. Wala akong inisip kundi iyong mga sagutan namin ni Noah. Gusto kong malaman kay daddy kung anu ano ang mga sinabi niya. Gusto kong umuwi at magpahinga.

Kaya nang nag alas singko at tahimik na ang sala nina Everlyse ay dumiretso na ako sa labas. Nagpatawag ako ng taxi at umuwi na. Hindi ko alam kung naroon pa ba sina Noah o umuwi na rin. Basta ay umuwi na lang ako ng mag isa para makapag isip isip.

Inubos ko ang buong Linggo sa pagtulog at pagpapahinga. Ni hindi ko nabuksan ang cellphone ko dahil low bat ito at hindi ko pa nai cha charge. Gabi na nang naicharge ko ito. Pagkababa ko sa aming sala ay napansin ko ang pagiging tahimik nito.

“Manang, nasan si mommy at daddy?” Tanong ko.

“Hindi ba tumawag sa cellphone mo, Megan? Nasa kompanya pa sila, dalawang araw na.” Sabi ni manang habang nilalapag sa hapag ang kutsara, tinidor, baso, at plato ko. “Alam mo na, abala sila para don sa concert ng Going South at marami pang problema.”

Tumango ako at nag isip kung kailan kaya kami makakapag usap ni daddy?

Pagkaligo ko sa gabing iyon ay halos maubos ko ang oras ko sa pagtitig sa magandang pangalan ni Noah na nakaukit sa aking upper abdomen. He kissed my tats. Kinagat ko ang labi ko at naiinis ako sa sarili ko kung bakit nanginginig parin ako para sa kanya. Ngayong linggo ay patatabunan ko na ito.

Kinaumagahan, kahit na maaga akong gumising para sa trabaho ay hindi ko na naabutan sina mommy at daddy. Talagang abala at hands on sila pag dating sa Going South. Habang nag iisip tungkol sa kanilang ginagawa ay naiisip ko naman kung anong gagawin ng mga taga Zeus sa pagkakawala ni Liam? Mabubuwag kaya sila? Maghahanap ng bagong vocalist? Papayagan kaya sila ni mommy? Pag ba si Stan ang ipapalit nila ay papayagan sila ni mommy? Papayag kaya si Stan?

Pinukpok ko ang ulo ko nang nag alas onse na ng tanghali at hindi ko pa natatapos ang lay out ng isang proyekto dahil sa mga iniisip.

“Uy, Ma’am Megan... Ayos ka lang? Break muna tayo?” Pansin ito kahit ng officemates ko.

“Tatapusin ko lang ‘to.” Frustrated kong sinabi at tumitig ulit sa monitor.

Habang seryoso akong tumitingin doon ay may biglang kumalabit sa akin sa likod. Kumalabog ng husto ang puso ko at mabilis kong nilingon kung sino iyon. Isang pamilyar na babae ang ngumiti sa akin habang pinapakita ang isang styro ng pagkain.

Kumunot ang noo ko sa pagkakalito. “Po?”

“May nagpadala nito.” Sambit nong babaeng napagtanto kong sekretarya ng big boss.

Nilapag niya iyon sa gilid ng computer monitor ko. Namilog ang mata ko habang tinitingnan iyong styro at may note pang nakalagay sa itaas. Halos gusto kong lumipad at mabaliw. May naaalala akong eksenang ganito. Those... precious lunch time and those sweet little notes. Hindi ko namalayang nangingiti na ako kaya mabilis kong iniba ang ekspresyon ko galing doon sa nakasimangot na mukha bago ako bumaling sa sekretarya.

“Kanino galing?” Tinanong ko pa.

“Basahin mo na lang ang note.” Sabay kibit balikat niya.

Nilingon ko ang mga katabi kong cubicle na halos wala ng tao dahil nag lunch break na ang mga ito. Lumunok ako at naghintay na iwan ng sekretarya bago ko dinampot ang maliit na note.

‘Sorry last Saturday. I don’t want to be harsh.

-Ysmael Aboitiz’

Natigilan ako. Kay Mr. Aboitiz galing ang lunch na ito? Huminga ako ng malalim at halos mapukpok ko ulit ang ulo ko.

Continue Reading

You'll Also Like

99.7K 1K 27
Mackenzie G. Lopez fall in love to mr.Genius Nicolo Irie F. Xiang the number one student in Conan High University Paano kapag may ginawa si Mackenzie...
49.4M 1M 90
It seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and th...
214K 3.6K 20
SEEN ON TV5'S WATTPAD PRESENTS (03/16-20/2015)! Published under LIB/PASTRYBUG! (Be sure to grab your own copy! Two special chapter are in there!) Now...
29.8M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...