You & Him

By Alice_Antoinette

223 19 4

Fujoshi Series More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Prologue

85 4 2
By Alice_Antoinette

Prologue

Sitting at the corner back of my classroom during our break time, I wore my earphones and pressed the play button of the current BL series I am watching. As I watched, I cannot help but smile and be giddy at the kilig scenes.

"Hoy, babae! Nanonood ka na naman ng espadahan?" 'Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Yana, best friend ko at isa sa mga kakaunting tanggap ang aking interest.

"Oh, gulat na gulat ka na naman! Sabi ko sa'yo 'wag ka dito sa classroom nanonood ng ganiyan. Nung minsang nahuli ka ng mga lalakeng blockmates natin, halos malukot mukha nila sa judgment sa'yo!" Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pinapanood kong BL. Bagong series ito ng favorite ko na Thai BL actor, si Blake.

"Fluff lang naman 'to! 'Wag ka ngang OA," pabalang kong sagot kaya naman hinila niya ang earphones sa tenga ko.

"Fluff? Fluff pinagsasabe mo! Alam ko 'yang series na 'yan, nabasa ko na novel niyan. Fluff sa simula pero pag sila na, ay naku! Schlop schlop everywhere na 'yan!" 

I immediately turned to her with a wide, knowing smile. 

"Weh?! Seryoso?! Buti naman dahil nakukulangan na rin ako sa aksyon dito, ha! Mga anong episode sa tingin mo magsisimulang maging maaksyon 'to?" Sunud-sunod kong sabi na punung-puno ng excitement.

Fluff is really good, smut is better, but fluff and smut together is the BEST!

"Tignan mo 'to. Kaya ka walang jowa, eh! Puro ka yaoi, puro ka BL. Natatakot sa'yo 'yung mga lalake sa paligid mo. Lagi mo silang shini-ship sa isa't isa!" Inirapan ko ulit siya at sinuot ang earphones ko para ipagpatuloy ang aking panunuod.

"Alam mo, kung magkakaroon lang din ako ng jowa na 'di gusto 'tong hobby ko, 'di na lang ako magjojowa. Nauna kong mahalin 'to kaysa siya. 'Wag siyang epal," iritado kong sambit pero agad ding nangiti dahil sa fluff scene ni Blake at ni Ram, ang kaniyang leading man. Pangalawang series na nila ito bilang bida dahil talaga namang ang lakas ng kanilang chemistry!

"Shet, sobrang power top talaga ni Blake, 'no?" Napatingin ako kay Yana na nakikinuod na pala sa'kin. Akala ko umalis na siya kasi tumahimik siya, 'yun pala ay nakikinuod ang gaga!

"Oh, eh 'di nakinood ka ring gaga ka! Dami-dami mo pang sinabi sa'kin kanina. Pero true, sobrang power top ni Blake. I can't imagine a world na magiging bot siya!" Tumawa ako nang makahulugan kaya naman napatingin sa'kin ang mga blockmate ko na kumakain ng mga binili nilang snacks sa Dapitan. 

"Dito ka na naman nanonood ng ganiyan!" Sigaw ni Dean, kaklase kong ubod ng gwapo kaya shini-ship ko sa mga lalakeng nakikita kong kasama niya lalo na roon sa best friend niyang si Keith na napaka-cute!

"Ano bang pake mo? I-drawing ko kayo ni Keith nang naglalampungan, eh!" Sigaw ko sa kaniya na mapangasar. Agad na nalukot ang mukha niya at 'di na lang ako pinansin. Ayan! Manahimik ka kung 'di mo naman ako hahayaang picture-an kayo ni Keith nang medyo... sensual. 

I-p-play ko na sana ulit 'yung series nang biglang nag-popup 'yung notification ko galing IG.

@blakecharoensuk started a live video

Agad-agad ko 'yong pinindot.

"Pota, sis! IG live ulit siya! Napapadalas siya, ha! Kahapon nakadalawa siyang live! Well, 'di naman ako nagrereklamo. Sobrang gwapo niya lalo 'pag candid siya!" May pahampas-hampas pa 'ko kay Yana habang hinihintay na mag-load 'yung IG live ni Blake.

"Oo na! Makahampas naman 'to! Naiintindihan mo naman ba siya, ha? Raikantopini lang yata alam mo, eh!" Napahalakhak ako sa sinabi ni Yana. 

"Tanga! Alam ko naman yung sawasdee kha at khob khun kha! 'Tsaka nag-e-English naman siya sa lives niya kasi alam niyang marami siyang international fans!" 

"Oo na, oo na! Ang bagal-bagal ng data mo! Tapon mo na cellphone mo!" 

"Bakit cellphone ko pinagiinitan mo, pasabugin mo Gwobe!" Hinayaan ko na si Yana nang mag-load na ang IG live ni Blake. Tinodo ko pa talaga ang volume kahit rinig na rinig ko naman na siya dahil naka-earphones ako. 

Nasa loob siya ng kwarto niya ngayon at masiglang nag-hello. I concluded na kwarto niya ang background niya kasi tuwing nag-I-IG live siya sa gabi at mukhang patulog na ay nandyan siya sa kwarto na 'yan. Kapag nag-po-post din siya ng photos niya ay ang ilan doon nandyan siya sa kwarto na 'yan, lalo kapag nakapambahay lang siya.

"Hoy! Pahiram ako ng earphones!" Agad na inagaw ni Yana ang isa kong earphone.

"Tignan mo, makikinuod ka ulit, dami-dami mo pa ulit sinabi!"

Sabi ni Blake ay free day niya ngayon kaya nag-IG live siya. Agad naman akong nag-send ng message.

You really should just rest. I know your schedule is very tiring. 

"Luh! Napakapapansin mo! Umeebas ka pa!" Pangaasar sa'kin ni Yana at hinampas pa 'ko.

"Ano ba! Nakikinood ka na lang nangingielam ka pa! Lagi kaya siyang sumasagot sa mga sine-send ko!" Pagmamayabang ko sa kaniya. Totoo naman kasi, madalas ay sinasagot ni Blake ang mga sine-send kong messages sa live niya.

"Asa ka pang sasagot sa'yo 'yan! Ayan, oh natabunan agad sinend mo dahil bumubuhos din ng messages other fans niya! Ilusyunadang tanga!" 

At para bang tamang-tama ang timing sa sinabi ni Yana, nagsalita si Blake.


"@tinkerbelle, my schedule is very tiring but you are the source of my energy. My fans," he said, wearing that wholesome, gummy smile that makes my knees become goo every time I see it.


Agad kaming nagtitili ni Yana.

"Ano?! Ano sinasabi mong ilusyunadang tanga ako? Ano dali?! Ulitin mo sinabi mo!" Pinagsisigaw ko kay Yana habang kinikilig. 'Yung tanga ay kilig na kilig din.

"Sorry na nga, ha! Pota ka, sis! Haba ng hair mo! Napakaswerte! Dami-daming messages pero nabasa nga 'yang sinend mo, ha!" Aniya na may kasama pang sabunot sa buhok ko.

"Eh, never ako naka-miss ng live nitong si Blake! Siguro ay familiar na ako sa kaniya. Grabe rin ang support ko sa other socmeds niya! Lahat may like at comment ako!" Pagmamayabang ko.

"Oo na, 'wag ka nang maingay at 'di ko maintindihan pinagsasabi niya!" Sabi ni Yana kaya naman huminahon kami at nanood na ulit.

Nagtipa akong muli ng message.

What are your plans for today?

I sent it and as usual, agad na natabunan ang message ko. Well, 'di rin naman ako sobrang swerte para mapansin ni Blake twice sa isang IG live niya.


"@tinkerbelle I'm just going to stay home. Rearrange my room and maybe play some League of Legends later. How about you?" 


At dahil don ay agad na naman kaming naghiyawan ni Yana. Mas lumakas na ang hampas at sabunot niya sa'kin.

"Pota, sis. Aray, ha! Lumalakas!" 

"'Wag ka na umarte 'dyan! Pansin na pansin ka naman na nitong si Blake, pota ka! 'Te ano sumagot ka! Tinanong ka how about you raw!"

"Luh, sasagutin ko pa ba? Wala naman siyang pake for sure! Formality lang 'yon."

"Sumagot ka pa rin, pota ka! Pabebe pa!"

Magbabangayan pa sana kami ni Yana nang biglang sumigaw ang isang kaklase ko.

"Hoy, Yana at Belle, mamaya na 'yang kabaklaan at sigawan na 'yan! Ingay-ingay niyo! Nandyan na si Ma'am! Magsibalik kayo sa mga upuan niyo, GG na naman tayo nito 'pag nadatnan tayong magulo at puro pagkain sa desk!"

"Oo na! Ito na babalik na!" sagot ko sa kaniya. Nauna nang lumayo sa'kin si Yana at inabot sa'kin ang isa kong earphone. Pa-FA na kasi siya sa prof namin na 'to kaya sobrang nagpapa-good shot siya kay Ma'am.

Nakanguso akong umupo sa proper seat ko at nagtipa ng message para sa IG live ni Blake. Sasagutin ko ang tanong niya sa'kin kahit na wala naman siyang pake for sure. Iba na nga 'yung topic niya ngayon, eh.

I am in my university right now and I have a class until 5:30pm. I have to leave now since my prof is here already. Fighting!

After I sent the message, I didn't close the app right away. I saw how Blake was reading messages through his body language. 

Nang biglang pumasok si Ma'am ay agad kong ni-lock ang phone at itinabi sa bulsa. Mahirap na, sobrang strict pa naman nito pagdating sa gadgets at attendance. Kabibili ko lang ng phone ko, confiscate agad? Auto pass tayo d'yan! 

I felt my phone vibrate as Ma'am was going on with her lecture about real estate taxation. Imbis na tignan 'yon ay sinolve ko na lang ang problem na binigay ni Ma'am. Since I shifted courses, akala ko ay 'di ko na magagamit ang manual calculator ko pero heto ako at todo dutdot sa calcu na kung tawagin nila ay pampalengke.

'Di ko namalayan ang oras sa kaka-solve hanggang sa nagsalita si Ma'am.

"Finish the exercises I just gave you. We'll check and discuss that next meeting." Tumayo siya at agad kaming sumunod. "Prayer leader?" She asked.

Yumuko lang ako, alam kong magtuturuan na naman 'tong mga 'to.

"Ortega po, Ma'am!" Narinig kong sabi ni Dean kaya ako napatingin sa kaniya. Nakita ko ang mapaglarong ngiti sa mukha niya nang tumingin siya sa'kin. 

"Hala, ba't ako?" Wala sa isip kong sagot.

"Oh, tignan mo Ma'am! 'Pag prayer na, nagiging paniki 'yang si Ortega!" Pagbibiro ni Dean na siyang kinatawa ng blockmates ko, pati si Ma'am! Luh, 'pag gwapo nag-joke, tatawa-tawa siya. 'Pag panget, napipikon!

"Miss Ortega, dali na. Nang ma-dismiss na kayo."

Agad akong naglakad papunta sa gitna at nang madaanan ko sa aisle si Dean ay minura ko siya nang walang tunog. Tumawa siya nang bahagya pero agad ding pinigil dahil mukhang naiinip na si Ma'am.

"Are you ready to pray, classmates?" Halos sapakin ko mukha ko nang lumabas 'yon sa bibig ko. Elem ka, gorl?!

"Yeeeees, we are ready to pray," sagot ng ilan na natatawa-tawa pa. Bwisit talaga! May araw talaga sa'kin 'tong si Dean! Mag-d-drawing ako ng yaoi manga na sila ni Keith ang bida! Kahit na saan mo tignan ay top siya pero gagawin ko siyang bottom sa drawing ko!

"Let us close our eyes, bow our heads, and let us feel the presence of our Lord..." 

Nang matapos ang prayer ay naglakad paalis si Ma'am. Cue ko 'yon para hatawin ng middle finger si Dean.

May mga sinasabi siya pero 'di ko na pinansin. Pagkaupo ko sa upuan ko ay 'tsaka ko lang naisip na tignan ang cellphone ko. 

Nang makita ko ang notification ko sa lockscreen ay agad na nanlake ang mga singkit kong mata at napatayo.

"Putangina! Yana! Yana! Putangina!" Sigaw ko kay Yana na puno ng gulat at excitement. Agad siyang lumapit sa'kin.

"Pasmado talaga 'yang bunganga mo! Buti wala pa si Sir Francis at 'di ka narinig! Sinasabi ko sa'yo, 'di ka ga-graduate sa oras dahil d'yan sa bunganga mong pasmado! Ano ba kasi 'yon?" Tignan mo 'to ang dami-dami na namang sinabi!

"Tanga tignan mo 'to ewan ko kung 'di ka mapamura! Dali putangina!" 

Nang nasa tabi ko na siya ay agad kong pinakita sa kaniya ang lockscreen ko.

"@blakecharoensuk followed you on instagram," dahan-dahan niyang basa. Ilang segundo siyang nakatingin lang sa phone ko at nang matauhan ay tumingin sa'kin, nakanganga at ako naman ay ngiting-ngiti.

"Shuta ka, girl! Punyeta ka! Ikaw pa ba 'yan?! 'Wag mo kong kalimutan, ha!"

At sabay kaming nagsisigaw at naghampasan ni Yana hanggang sa pumasok na ang next prof namin.

Tumahimik ako sa upuan ko pero 'di matanggal sa mukha ko 'yung ngiti at kilig. Tangina, si Blake Charoensuk na may 5M followers sa IG at favorite ko na BL actor, finollow ako! Paano ako makaka-move on don, ha? Isa pa, wala siya gaanong fina-follow! Nasa 300 something lang ang following niya at isa ako roon! Shet! Shet talaga!







Continue Reading

You'll Also Like

79.4M 3.6M 125
As Claire aims to leave her oppressive stepfamily behind, she befriends Zion. Will he be her ticket to freedom or a distraction in achieving her drea...
Wattpad App - Unlock exclusive features