Chapter 3

16 3 1
                                    

Chapter 3

Wala sa sarili akong nag-stretch nang maramdamang nanakit na ang likod ko sa kaka-type sa aking laptop. I am in an underrated coffee shop here in one of the streets in Dapitan, Asturias, with my thesis mates. Unlike the usual, tatlo lang ang max na members ng thesis sa aming program at hindi ko malaman bakit ganon. Sobrang nakakaaning dahil ang gawain ay para sa lima pero tatlo lang kaming pwedeng gumawa.

"Grabe naman maka-moan 'tong si Belle! Pornstar ka ba?" Hinatawan ko ng middle finger si Dean para itago na medyo nahiya ako. I didn't even notice that I moaned while stretching! Sobrang sakit na kasi talaga ng likod ko at nang nag-inat ako ay talagang nasarapan ako.

"Alam mo ikaw, ayusin mo na lang 'yang action plans! Ang bobo ng una mong ginawa. Kaya siguro sobrang sakit ng likod ko kasi pabigat ka sa thesis na 'to!" Napasinghap si Chreisler na ka-thesis namin ni Dean dahil sa sinabi ko tapos ay tumawa at pabirong hinagod ang likod ni Dean.

"Pabigat ka pala, eh. Ayos lang 'yan, boy. Buhat na buhat ka naman nitong si Belle, eh." 

"Isa ka rin, bwisit ka! Company profile na lang gagawin mo 'di ka man lang mag-rephrase at mag-cite ng sources nang maayos! 'Pag tayo na-zero sa submission na 'to dahil sa plagiarism, kokonyatan kita!" Pikon kong paalala sa kaniya. Ang hirap kapag parehong athlete ang ka-thesis mo! Laging 'di makapunta kapag inaaya kong gumawa kami ng thesis tapos late din lagi magpasa sa'kin ng mga progress nila sa parts nila!

"Init naman ng ulo mo, madam. Chill ka lang, kaya natin 'to. Tiwala ka lang sa'min nitong si Chreis. Kapag sila Sir Frank at Sir Ethan ang nag-panel sa'tin, easy thesis defended tayo." Makahulugang ngumiti ang dalawang mokong dahil sa huling sinabi ni Dean. Gwapo kasi pareho ang dalawa at halatang favorite sila ng dalawang prof na binanggit dahil... basta 'yon.

"Sige. Para mabawasan init ng ulo ko sa inyong dalawa picture-an ko kayo. Dean akbay ka kay Chreisler. Tapos ikaw Chreisler, lagay mo dalawang kamay mo sa mukha mo. Dali!" Agad kong pinulot ang cellphone ko na nakapatong sa tabi ng laptop ko at agad na na-unlock 'yon dahil sa face recognition.

"'Yan ka na naman sa kadugyutan mo!" Agarang reklamo ni Dean.

"Gagawin mo 'yung gusto ko o gagawin mo 'tong SWOT analysis at TOWS matrix?" Pananakot ko sa kaniya. 'Yung dalawang pinaka-critical na part kasi ng thesis namin ang ginagawa ko ngayon at 'yun ay ang SWOT analysis at TOWS matrix. Dito kasi i-ba-base 'yung action plans at IMC namin.

"Eto na nga kasi. Pasalamat ka talaga ikaw hard carry ng thesis na 'to, eh!" 

"Kung hindi, ano gagawin mo?"

"Wala... susunod pa rin sa'yo." 

Binuksan ko ang instagram ko at agad na binuksan ang camera para i-add sa'king story. Kinuhaan ko ng picture si Dean at Chreisler na naka-pose tulad ng utos ko sa kanila. 

I ship! @blakesanchez @chreisss

In-add ko agad sa story ko habang nakangisi. Mas ship ko pa rin si Blake at Keith pero ano magagawa ko, si Chreisler ang kasama namin ngayon at gwapo rin naman siya. Si Dean chinito at tisoy tapos siya naman ay may bilugang mata at moreno.

I scrolled through my IG feed when I felt the itch to smoke.

"Dean, tara yosi," aya ko kay Dean at agad namang siyang tumango at tumayo. Nauna akong lumakad papunta sa veranda ng cafe na 'to.

Bukod sa malamig at aesthetically pleasing at cafe na 'to, ang veranda talaga nito ang isa sa mga dahilan kung bakit dito ko lagi gustong mag-aral or gumawa ng kahit anong school works. Nasa second floor din kasi ito kaya pwedeng pwede mag-yosi sa veranda.

You & HimWhere stories live. Discover now