Daylio: How Are You? (LGBTQ+)...

By nexusplume

9.5K 1.6K 495

Del Valle High Series # 1 [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE Sa gitna ng walang patid n... More

Daylio: How Are You?
P L A Y L I S T
D A Y L I O
CHAPTER 1 : Bittersweet Life Recipe
CHAPTER 2 : Inhale, Exhale
CHAPTER 3 : Isaw
CHAPTER 4 : Awit
CHAPTER 5 : Girlfriends
CHAPTER 6 : Not So Past
CHAPTER 7 : A Small World After All
CHAPTER 8 : When Two Worlds Collide
CHAPTER 9 : Bangkang Papel
CHAPTER 10 : Hunyango
CHAPTER 11 : Burgers and Buns
CHAPTER 12 : The Moon and the Night Sky
CHAPTER 13 : Status Update
CHAPTER 14 : The Circus Charlatan
CHAPTER 15 : Panunuyo ng Panyo
CHAPTER 16 : Long Shot
CHAPTER 17 : On Fries, Floats, and Regrets
CHAPTER 18 : Kapag Wala ang Pusa
CHAPTER 19 : Sugar, Spies, and Everything Nice
CHAPTER 20 : Support or Substitute?
CHAPTER 21 : Lost and Found
CHAPTER 22 : Where Do Broken Hearts Go?
CHAPTER 23 : Comflirt
CHAPTER 24 : Kapulungan ng Damdamin
CHAPTER 25 : Friend Request
CHAPTER 26 : Abala
CHAPTER 27 : Luna
CHAPTER 28 : Bridges
CHAPTER 29 : Stolen
CHAPTER 30 : The New Demi
CHAPTER 31 : Ti-Wala
CHAPTER 33 : Pinunit na Larawan
CHAPTER 34 : Sa 'Yo
CHAPTER 35 : How Are You?
EPILOGUE
DEDICATION
MESSAGE & ACKNOWLEDGEMENT
SPECIAL CHAPTER 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
TO BE PUBLISHED!!!
‼️ PREORDER ‼️
‼️ BOOK UPDATE ‼️

CHAPTER 32 : Balita sa Radyong Sira

91 26 0
By nexusplume

ALLEN

“Nasaan ka nga pala kaninang hapon?” tanong sa ‘kin ni Hans habang nakaupo siya sa aking kama at nagsusulat ng notes. “Hindi na kita nakita simula tanghali. Noong uwian na lang.”

Hindi ako kaagad nakasagot. Nataranta pa nga ako sa paglalagay ng patatas sa niluluto kong adobo.

Nang hindi pa rin ako umiimik ay bigla na siyang nangulit.

“Hoy. Hoy. Hoy. Hoy. Hoy. Hoy,” paulit-ulit siya sa pagtawag sa ‘kin sa isang pabebeng tono.

“Hoy rin,” balik ko sa kaniya. Doon ko lang din siya nilingon.

“Ganiyan ka na. ‘Di mo na ako pinapansin,” pagnguso niya sabay yakap sa unan. Tinalikuran niya ako na tila nagtatampo.

Susmiyo. Nagpapasuyo na naman ang bata.

I sighed while bearing a playful grin. Tinakpan ko muna ang aking niluluto at pinahinaan nang bahagya ang apoy bago ako dahan-dahang lumapit sa nag-aalborotong si Hans.

“Psst,” tawag ko sa kaniya. Hindi siya lumingon. Naupo ako sa kaniyang likuran. “Ayaw mo ha.”

Walang ano-ano ay dinali ko siya ng sunod-sunod na pangingiliti mula sa tagiliran papunta sa leeg.

“Ah! Ang daya mo. Tama na!” paghuhumiyaw niya sa pagitan ng pagtawa.

“Ikaw ha. Tampo-tampo ka pa ha,” asar ko habang patuloy pa rin siyang kinikiliti. Dinaganan ko siya upang hindi siya makatakas. Nakailang pagulong-gulong kami sa kama hanggang sa magulo na ang kobre nito.

“Tama na!” tawa pa rin niya. “Oo na. Hindi na ako galit. Hindi na ako galit!”

“Kahit pa!” paghalakhak ko, walang patid pa rin sa paglalaro ang mga daliri. Kung saan-saang parte ng katawan niyang may kiliti ito nagdadadampi. Sa tiyan, sa batok, sa leeg, tagiliran, talampakan—saan-saan.

“Tama na po,” habol-hininga niyang pagtawa. Tumigil na ako at lumapasay sa kaniyang tabi, yakap-yakap siya sa aking bisig. Nakailang hagikhik pa siya, tuloy-tuloy ang mabilis na paghinga.

“May pinaasikaso lang sa ‘king importante kaya nawala ako,” bawi ko ng sagot para sa kaniyang katanungan kanina. Ayaw kong malaman niyang pumunta akong FRIHS. Baka kasi kung ano pang isipin niya.

“Pero h’wag kang mag-alala. Hindi na naman ako mawawala sa ‘yo,” habol ko sabay yakap sa kaniya nang mahigpit.

Tumagilid siya paharap sa ‘kin, punum-puno ng paglalaro ang kaniyang mga tingin.

‘Yan na naman ang bungisngis na ‘yan.

“Bolero!” kurot niya sa ilong ko sabay sampal nang pabiro sa aking pisngi.

“Marupok!” banat ko sa kaniya sabay sundot sa malambot niyang pisngi.

Bigla niyang kinagat ang daliri ko bago ko pa man ito mailayo sa kaniya. Hinila ko ito papalapit sa ‘kin dahilan upang magkatapat ang aming mga mukha.

We stared deeply into each other’s eyes. Mas lumapit siya sa ‘kin habang pisil-pisil ang magkabila kong pisngi. Pinanggigilan niya ako nang husto.

I was about to force myself forward nang bigla siyang umimik.

“Yung niluluto mo.”

∞∞∞∞∞

“Kumusta lakad mo kahapon?” lapit sa ‘kin ni Anna nang maupo siya sa katabing silyon. Abala ako sa ginagawang powerpoint para sa presentasiyon sa Lunes. Ito na ang iniwang gawain sa ‘min ng aming guro bago siya umalis para may asikasuhing personal dilemma.

“Ayos naman. Madaling kausap si Cyan higit pa sa inaasahan ko,” tugon ko sa kaniya bago isinara ang laptop. Saka lang din ako humarap sa kaniya. “’Yun nga lang, may mga tao pa rin talagang gaya ni Green. Kasing-berde ng kaniyang pangalan ang utak niyang puno ng malisya.”

“May eksena na naman siya?” ani Anna, tila hindi pa makapaniwala.

“Lagi naman siyang umeeksena. Palibhasa kulang sa aruga,” yamot kong sagot sa kaniya. “Salamat nga pala sa notes at saka sa pagcover-up sa ‘kin sa requirements. Tinulungan na ako ni Hans sa lahat kagabi.”

“Wala ‘yon. Maliit na bagay,” bigla siyang humalakhak. I really love her bubbly personality.

“Allen!” tawag sa ‘kin ni Kris. Patakbo siyang lumapit sa ‘king kinauupuan. Ang laki ng ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha ngayon, tila kinikiliti sa kilig.

“Guess what?” excited niyang pagkakatanong.

“Patay na si Demi?” sarkastiko kong tugon sa kaniya. “Charot lang. Baka pala marinig.”

“Ang gaga nito e,” aniya.

“Eh ano ngang meron?”

“Heto na nga,” muli niyang buwelo. “Kinikilig ako!”

“Bakit nga?” interesante kong tanong. Maging si Anna ay mukhang nag-aabang sa isisiwalat nitong babaeng ‘to.

“Eh kasi, yung jowa ko. Nakipag-video call na ‘kin. Takte, hiyang-hiya ako pero kinikilig ako,” pagpalirit niya sa ‘kin na tila isang kiti-kiting nakawala sa tubig.

“Bruha ka! Congrats,” bati sa kaniya ni Anna.

“Thank you, sis,” pagpitik ni Kris sa kaniyang buhok.

“Hula ko,” napahalumbaba ako sa aking sasabihin. “Monthsary gift niya ‘yan sa ‘yo ‘no?”

“Hayop, oo nga pala ‘no! Monthsary nga pala namin kahapon.” Tinawanan niya lang ang sarili sa kaniyang kaprangkahan.

Nakisabay naman ako sa kaniyang kasiyahan. “Girl, happy 100th monthsary!”

“Hotdog ka! One hundred ka diyan? Second pa lang. One. Two. Second,” makulit niyang hataw sa aking harapan.

Loka-loka pa rin talaga ‘to kahit kailan.

Pinagtatawanan pa rin namin ni Anna si Kris nang maudlot ito dahil sa aligagang lapit sa ‘kin ni Zee.

“Allen, I think kailangan mong lumabas,” she approached in panic. Parang mayroong masamang nangyayari, sunog o kung ano.

“Anong meron?” takang tanong ni Anna.

“Si Demi.”

May sunog nga. Umaapoy na dila.

Pangalan pa lang ng babaeng ‘yon, isang disaster na. Wala sa oras akong napatayo sa aking kinauupuan at nagmadaling lumabas ng silid. Sumunod din naman sa aking likuran sina Anna at Kris.

“Speaking of the devil, guys,” anunsiyo ni Demi sa mga taong nakapalibot sa kaniya. “’Yang, malanding bisexual pokpok na ‘yan ay isang two-timer.”

Iba’t-ibang bulungan ang aking naririnig mula sa mga taong nakapaligid. Mga nangingilid na titig ang aking natanggap sa mga naroroon.

May mukha ng pandidiri mula sa mukha ni Anthony. Mukha ng pagkadismaya sa mukha nina Gerald at Danzel. Isang iyamot na mukha mula kay Andrei ang aking naani. Halo-halo. Labo-labo.

Anong klaseng pakana na naman ‘to?

Sa kabilang banda ng kumpulan ay nakita kong nakatutok sa ‘kin ang mga mata ni Hans. Lumunok ako ng sariling laway. Bumilis nang bahagya ang tibok ng aking puso.

“Ano na naman ba ang trip mo sa buhay, Demi?” silbato ko sa kaniya.

“Ikaw ang trip ko sa buhay, Allen,” balik niya sa ‘kin.

Napakamot ako sa aking ulo dahil sa inis. “Gawa pa rin ba ito ng hindi ko pagsagot sa ‘yo dati? Demi, ang tagal na no’n. Ilang beses ko bang kailangang isiksik sa ‘yo na hindi talaga kita nagustuhan?”

Isang alon ng reaksiyon na naman ang aking natamo mula sa mga nakapalibot doon.

“Tama. Dahil wala akong lollipop na puwede mong himurin,” tira niya sa ‘kin pabalik. Tumiklop ang aking dila sa kaniyang sinabi.

“Manyak ka, Allen. Kung sino-sino nang lalaki ang pinatulan mo. May nangyari sa inyo sa pagitan ni ganito, ni ganiyan. Ang dumi-dumi mo. Ni hindi ko na mabilang kung ilang footlong na ang nakagalugad diyan sa bunganga mo,” duro pa niya sa ‘kin.

May mga tumawa. May mga nagtakip ng bibig. May mga bulong-bulungang maririnig.

Demi is nothing but a walking scandal. Sa lahat ng pagpapahiya’t pagsisiwalat ng kasinungaling nagawa niya, ito na ang pinakamatindi.

“Wala kang maimik ‘no?” pagtataas pa niya ng kilay. “And I heard pinapalayas na raw pala kayo sa pamamahay niyo by your own lola. Napaka-unfortunate naman pala ng pamilya mo.”

“H’wag na h’wag mong idadamay ang pamilya ko rito,” ngitngit ko. Nagsisimula nang umapaw ang kumukulo kong dugo.

“Back off, Demi! Wala kang alam,” sigaw ni Kris mula sa ‘king likuran.

“Kaya nga. Inggit ka lang!” suporta pa ni Anna.

“Oh, please. Alam ko lahat,” pagmamayabang pa niya sa harapan ng lahat.

“Allen tend to have a relationship with Ma’am Marie para makabuwenos. Who knows, baka may ginagawa na pala siyang iba. He also used Matt tapos ipinaglandakan pa niyang mag-jowa sila kahit hindi naman. I’m telling you guys, baliw si Allen,” tuloy-tuloy lang siya sa pagsisiwalat ng mga bagay na walang katotohanan at kabuluhan.

I can’t think straight. Tila nakadikit lang ang paa ko sa sahig. Hindi ako makalaban. Tila ipinagpagayo sa hangin ang aking utak. Nanlamig ang buo kong katawan. Nanghina ang aking tuhod.

Nakatayo lang ako do’n dahil sa labis na kahihiyan.

I looked at Hans. Wala siyang imik. Tila hindi rin siya makapaniwala sa mga pinagsasasabi ni Demi.

I was about to fall down on my knees nang may narinig na naman akong sumigaw.

“Manahimik ka na nga lang!”

It was Denielle. She was standing behind Hans.

Natigil sa pagtibok ang aking puso.

“Isa kang malaking kasinungalingan, Demi! Wala ka nang ibang ginawa kundi ang pagdiskitahan ang buhay ng iba,” bulyaw sa kaniya ni Ielle. Iba’t ibang bulong na naman ang narinig.

“Oh wow. Akala ko ba kampi ka sa ‘kin?” pagmamataas na namang muli ng babaeng abot-kisame na ang tubo ng sungay. “Are you doing this to protect him from the sights of his jowa, ha?”

Kumuyom ang aking palad. Gusto ko na siyang sakalin.

“Alam mo, puwedeng-puwede kang makasuhan sa pinaggagagawa mo,” imik ni Colette mula sa madla. “That’s slander!”

“Slander ka diyan? Gawa-gawa ka ng salita,” pang-uulol pa ni Demi. “Thanks to my friend, Green Macandaran. Nalaman niya raw sa kaklase niyang si Cyan ang everything.”

Nag-igting pa ang aking panga sa mga narinig.

“Hans,” biglang lingon niya rito. Pinanood ko lang ang mga susunod na mangyayari.

Bakit hindi ako lumalaban? Bakit wala akong ginagawa?

“Alam mo ba kung sa’n galing ‘yang boyfriend mo kahapon?” ismid niya. Nakita ko ang marahang pag-iling ni Hans.

“Oh ‘di ba? Kahit sa ‘yo hindi siya makapagsabi ng totoo. Galing lang naman siyang Fritz-Reyes Integrated High School para bisitahin ang isinasabay niya sa ‘yo. Kilala mo naman na siguro kung sino ‘yon ‘di ba?” She shifted her gaze upon me as she pulled off that devilish smile.

“Si Darryl Francisco,” bitaw niya sa pangalan.

Kita ko kung pa’no ako sinilbatuhan ni Hans ng isang matalim na tingin.

“Not only that ha,” hirit pa ni Demi. “May nangyari na rin sa kanila while you two are on. I heard pinatungan na raw nung Darryl ‘yang jowa mo.”

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Halos lahat ng naroroon ay gulat sa kung ano-anong ibinubulgar ni Demi. Nakanganga lang din sina Anna at Kris. Awang ang labi ni Ielle.

Nakita ko kung pa’no namugto ang mga mata ni Hans nang dahil lang sa simpleng pangingialam ni Demi sa buhay ko.

Wala pa rin akong kibo. I felt anvils fall down over my head. Ang bigat sa pakiramdam.

Nagpaulit-ulit sa ‘king tainga ang pangalan ni Cyan.

I shouldn’t have told anyone too much.

Walang sikretong ligtas sa bunganga ng iba.

Naguluhan na ako sa sarili ko.

Everything replayed inside my head.

Kung pa’no ako kinawawa noon, hanggang sa kung paano ako kinakawawa ngayon.

Hinawi ni Hans ang dagat ng taong nakabilog pa rin kay Demi. He slowly made his way towards me.

Kita ko mula sa kaniyang mga mata ang hindi maipaliwanag na emosyon. Nakatitig lang kami sa isa’t isa. Walang salitang lumabas mula sa ‘king bibig upang maipaliwanag ang sarili.

“Nagkita kayo ni Darryl kahapon... at may nangyari na sa inyo. Pinaglalaruan mo lang pala ako.” Basag na basag ang kaniyang boses habang sinasabi niya ‘yon sa ‘kin. Sabay na tumulo ang aming mga luha.

Wala akong naisagot. Wala akong laban.

Tulad pa rin ng dati, mas matimbang ang kasinungalingan—lalo pa kung galing sa taong kinagigiliwan.

I was about to reach his arm, pero iniiwas niya kaagad ito.

Doon na rin ako nagsimulang mapaisip.

Did Hans really loved me? Bakit pakiramdam ko mas paniniwalaan pa niya si Demi kaysa sa ‘kin? Napilitan lang ba siya sa relasyong meron kami?

Lahat ay tanong.

Bigong makakuha ng sagot.

I wasn’t able to hug him. Nagsimula siyang tumakbo papalayo sa ‘kin.

“Hans!” Bumulwak ang aking kahihiyan, galit, at kalungkutan sa pamamagitan ng mga luhang kumawala mula sa aking kaloob-looban.

Pilit kong tinawag ang kaniyang ngalan ngunit maski paglingon ay hindi ko na nahagkan.

“Mahal kita, Hans!” hagalpak na ako sa pag-iyak habang isinisigaw ang mga katagang ‘yon.

Alam ko namang hindi ‘yon tanong pero bakit ang sakit kapag walang sagot?

Pinunit-punit ang aking puso sa mga sandaling ‘yon. Hinayaan ko ang sariling malamon ng mga halimaw na salita ni Demi.

Patuloy lang ako sa pag-iyak habang isa-isa nang nagsialis ang mga taong naroroon. I was on the floor, drowning myself in these cries.

Pagyakap nina Anna at Kris ang una kong naramdaman sa kabila ng namamanhid kong katawan.

“Ayaw kong mawala si Hans sa ‘kin. Ayaw ko. Ayaw ko. Ayaw ko!” patuloy lang ako sa paghagulgol. “Siya na lang ang natitirang tama at totoo sa buhay ko. Nabuhay na lang ako sa kuwento at tsismis ng iba pero si Hans na lang ang tanging nobelang hindi hango sa kathang-isip. Hans! Hans!”

Patuloy lang ako sa pagtawag sa kaniyang pangalan. Nakita ko pa kung pa’no sinundan nina Ielle at Zee ang pinuntahan niya ngunit ako, nandito pa rin.

While everyone else is listening to the news on the radio, I’m just here... waiting for my song to play.

Continue Reading

You'll Also Like

10.6K 701 37
"Don't forget me, please. I will always love you and support you. Remember me. I love you." *** Gabbie, a 3rd year Tourism student from UP Diliman ha...
4K 235 28
Pagsali na nga lang sa Theater Club ng kanilang paaralan ang tanging paraan ni Chester para matapatan si Donny, maaagawan pa siya ng nito spotlight a...
997 74 14
Bryce Azariah Sanchez and Ethan Miguel Villegas have been inseparable friends since childhood and have become each other's confidants. Bryce's burnin...
4.3K 203 88
Nursing is Science, Nursing is Art. Maybe that's love too. ----- Napakasakit para kay Reign ang iwanan ng kaniyang nobyo sa araw mismo ng kaniyang ka...