✔ 02 | Flames Of Madness [Soo...

By NoxVociferans

104K 8.2K 545

"The crazy thing about a fire is that it devours everything..." Detective Nico Yukishito and Detective Briann... More

NOX
PROLOGUS
CAPITULUM 01
CAPITULUM 02
CAPITULUM 03
CAPITULUM 04
CAPITULUM 05
CAPITULUM 06
CAPITULUM 07
CAPITULUM 08
CAPITULUM 09
CAPITULUM 10
CAPITULUM 11
CAPITULUM 12
CAPITULUM 13
CAPITULUM 14
CAPITULUM 15
CAPITULUM 16
CAPITULUM 17
CAPITULUM 18
CAPITULUM 19
CAPITULUM 20
CAPITULUM 21
CAPITULUM 22
CAPITULUM 23
CAPITULUM 24
CAPITULUM 25
CAPITULUM 26
CAPITULUM 27
CAPITULUM 28
CAPITULUM 29
CAPITULUM 30
CAPITULUM 31
CAPITULUM 32
CAPITULUM 33
CAPITULUM 35
CAPITULUM 36
CAPITULUM 37
CAPITULUM 38
CAPITULUM 39
CAPITULUM 40
CAPITULUM 41
CAPITULUM 42
CAPITULUM 43
CAPITULUM 44
CAPITULUM 45
CAPITULUM 46
CAPITULUM 47
CAPITULUM 48
CAPITULUM 49
CAPITULUM 50
CAPITULUM 51
CAPITULUM 52
CAPITULUM 53
CAPITULUM 54
CAPITULUM 55
CAPITULUM 56
CAPITULUM 57
CAPITULUM 58
CAPITULUM 59
CAPITULUM 60
CAPITULUM 61
CAPITULUM 62
CAPITULUM 63
CAPITULUM 64
CAPITULUM 65
CAPITULUM 66
CAPITULUM 67
EPILOGUS
About the novel

CAPITULUM 34

1.2K 111 9
By NoxVociferans

Main Office
Eastwood Fire Department
6:45 p.m.
---

Masayang naku-kwentuhan ang ilang mga bumbero habang nanonood ng telebisyon sa lobby ng kanilang headquarters. Thankfully, nothing serious happened in Eastwood today. Mukhang wala ang notorious na "Robinhood Arsonist" na kinatatakutan ng mga tao, kaya't sinusulit na nila ang sandaling pahinga.

"Media lang naman ang nagpapagulo ng sitwasyon. Dahil sa kanila, nagpa-panic ang mga tao! Tsk." Mahinang reklamo ni Jack sabay inom sa kanyang tumbler.

Napangiwi na lang ang kasamahan nitong si Terrence. Alam kasi niyang hindi tubig ang laman 'non. Sa ilang buwan nilang magkatrabaho, napag-alaman niyang pasimpleng pinupuslit ni Jack ang kanyang beer at inilalagay ito sa tumbler para hindi siya mapaghalataan ng boss nila.

'Maparaan talaga ang isang 'to, basta sa alak.'

Terrence Hidalgo sighed and stared at the screen again. Ilang sandali pa, tumawa nang malakas ang isa pa nilang katrabaho at itinuro ang pinapanood ito sa cellphone.

"Tingnan mo 'tol, o! Sikat ka na. Hahaha! Viral ngayon sa Facebook yung pagsigaw sa'yo nung babaeng detective na yun."

Napabuntong-hininga na lang si Terrence at pabirong tinulak papalayo si Ken. "Oo, tapos naki-share ka pang gago ka! Baka mamaya makarating pa kay boss 'to. Sabihin pa niyang nasangkot pa ako sa scandal."

"Eh, ano naman? Yung malditang 'yon naman ang may kasalanan eh! Sinigaw-sigawan ka ba naman dahil lang excited siyang iligtas ang boyfriend niya. Nagmukha tuloy tayong kawawa!"

Sandaling natigil sa pag-inom ng kanyang beer si Jack, "I-report mo kaya yan sa agency nila? Para naman masuspende siya nung si Mister Y. Balita ko istrikto daw yun sa mga empleyado niya."

Napapailing na lang si Terrence. Minsan talaga, takaw-gulo ang mga kasama niya.

"Baliw talaga kayo. Hayaan na natin.. nag-aalala lang naman siya para doon sa kasama niya eh. Saka kasama siya ni Rizee sa kasong hinahawakan nila ngayon."

Umismid naman si Ken. "Bahala ka na nga.. masyado kang pa-goodboy eh." At bumalik na ito sa pagii-scroll sa kanyang social media account. Ilang sandali pa, biglang nag-vibrate ang cellphone ni Terrence. Agad niya itong kinuha mula sa kanyang bulsa at nakitang may message pala sa kanya ang kapatid.

'Ano naman kaya ang kailangan ni Dan?'

Terrence rubbed his eyes. 'Mukhang kailangan ko na ring magpasalamin,' at akmang babasahin na sana ang message ni Dan nang biglang may sumulpot na janitor sa kanilang gilid.

Napalingon silang tatlo nang aksidenteng nahulog ng janitor ang dala-dala niyang walis.

"Sorry ho, mga ser."

Paghingi nito ng tawad. May itinutulak pa itong malaking drum na ginagamit sa koleksyon ng mga basura. Terrence smiled reassuringly at the old man, "Kailangan mo ng tulong, manong? Mukhang mabigat 'yang bitbit niyo eh."

But the janitor just shook his head. "Hindi na ho. Salamat na lang po, ser." At ipinagpatuloy na nito ang pagpunta sa kaliwang pasilyo dala ang kanyang mga panlinis. Terrence watched the janitor disappear. 'Bakit parang ngayon ko lang siya nakita dito?'

But the firefighter just shrugged, dismissing the thought.

*

When they reached the door at the end of the hallway, mabilis na kinuha ng janitor ang nakatagong lock-picking kit sa bulsa ng kanyang maluwag na pantalon. Nang masigurado niyang nasa blindspot siya ng mga CCTV cameras, agad niyang sinimulan ang pagkalikot ng lock ng pinto.

Click!

Soon, the door to the records room of the Eastwood Fire Department opened. Agad na itinulak ng janitor ang dala-dala niyang cart at isinara ang pinto nang tuluyan na siyang makapasok sa loob.

Mabilis niyang kinapa ang lightswitch. The moment the lights flickered on, Detective Briannova Carlos took off her cap and let her long pink hair fall on her shoulders. Napabuntong-hininga siya. "Gosh! Akala ko talaga makakahalata silang hindi araw ng basura ngayon."

Kasabay nito, biglang bumukas ang malaking drum at lumabas mula roon si Atty. Lelouch San Andres. Pinagpag niya ang damit at ngumisi sa dalaga, "I guess those magazine editors weren't kidding when they called you the 'Mistress of Disguise'."

"You have no idea."

She had to be careful. Maging ang kanyang cellphone, kanina pa nakapatay. She wouldn't want someone interrupting her, would she?

"It's awkard talking to you when you look like an old man, sweetheart." Pinipigilang matawa ni Lelouch.

Umirap na lang ang dalaga.

Nova walked towards a nearby file cabinet and started scanning through its contents. Ginaya siya ng binata at sinimulan na ring maghanap sa records na nakasilid sa iba pang mga drawer. Kasalukuyang sinisilip ni Nova ang taon ng mga files nang biglang nagsalita ang abogado.

"As much as I want to spend time with you, but shouldn't your emotionless partner be helping us?"

Kamuntikan nang mabitawan ni Nova ang hawak niyang folder. Huminga siya nang malalim at kalmadong sumagot, "Detective Yukishito is busy with the ambush. Kasama niya sina Inspector Ortega at ang Eastwood police para hulihin ang Robinhood Arsonist."

Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin ni Nova ang pagkunot ng noo ni Lelouch. "Bakit hindi ka sumama sa kanila? It's your case---"

"It's Nico's case. Kaya na niya 'yon."

At hindi na muling umimik pa si Nova. Naramdaman rin siguro ni Lelouch na ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol doon, kaya hindi na siya nagtanong. Nova's sharp eyes focused on the task at hand. Kung tutuusin, bale-wala na itong ginagawa niya. Kung mahuhuli nga nina Detective Nico ang Robinhood Arsonist ngayong gabi, ibig sabihin lang nito ay hindi na kailangan pang ungkatin ni Nova ang kanyang nakaraan. It will be a "case closed" and they could all go home and get a good night's sleep.

But something is still nagging at the back of her head. Iba ang sinasabi ng kanyang instincts.

'Pero ano naman ang koneksyon ng nangyaring sunog 14 years ago kay Robinhood Arsonist?'

Finally, Nova saw what she was looking for.

Agad niyang ipinatong sa isang desk ang folder at tinitigan ang mga larawang kuha noong naganap ang sunog. Napangiwi pa ang dalaga nang makita ang sunog na katawan ng dati nilang kapitbahay na arsonist. Ngayon lang niya napag-alamang Arnold Cabrera pala ang pangalan nito.

She silently cursed under her breath when she noticed something...

"Dying position."

"What do you mean?" Lumapit si Lelouch at nakitingin na rin sa litrato. Nanginginig na itinuro ni Nova ang bangkay. Naaalala niya ang sinabi ni Nico tungkol dito.

"Ang unang indikasyon kung aksidente ba o hindi ang isang sunog ay ang 'dying position' ng nasunog na bangkay ng biktima. Kung sinadya niya ang sunog para magpakamatay siya, dapat nakaupo lang siya sa isang tabi o nakahiga nang nakalapat ang likod sa sahig. If he really started the fire to commit suicide and burn himself alive, dapat hindi ganito ang position niya nang mamatay siya!"

The burned corpse was crawling out towards the locked window.

Para bang sinusubukan niyang tumakas sa nasusunog na apartment.

Ang ibig sabihin lang nito ay hindi niya ginustong mamatay---at posibleng hindi siya ang may gawa ng apoy na 'yon.

Someone else burned the apartment.

'Mukhang may valid reason si Nico para magalit sa Eastwood police.. hindi nila napansin ang detalyeng 'to!' then again, fourteen years ago, there were no competent detectives to assist the police. Ngayon lang naglipana ang mga detective agencies tulad ng SHADOW at DEATH. Huminga nang malalim si Nova.

This case is crazier than it seems.

Lalo na noong binasa ni Atty. Lelouch ang history ni Arnold Cabrera at itinuro sa kanya ang isang mahalagang impormasyon..

"It looks like Mr. Cabrera adopted a kid, Nova. Nakalagay dito na may inampon siyang bata sa Genesis orphanage, ilang buwan lang bago masunog ang apartment niya. Ang pangalan ng batang inampon niya ay 'Macky'."

---

Continue Reading

You'll Also Like

43.8K 4.5K 69
"Kailangan natin siyang pigilan bago pa ubusin ng virus ang populasyon ng Eastwood!" This time around, Detective Nico Yukishito and Detective Brianno...
18K 2K 25
Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.