To Meet In The Middle (Meet S...

By imwonderfullylost

164K 6.3K 5.6K

I am Clementine. This is my story. And this may or may not be about love. More

Introduction
1. Not So Bad At All
2. Of Fireworks And Changes
3. Battle of the Couch Potatoes
4. Three Shots And An Orange Juice
5. Rants And A Worrier
6. Improvements and Changes
7. At All Times. Yeah, At All Times
8. The Boy Who Cried Mommy
9. Birthdays, Booze, and Bracelet
10. Support System
11. The Best Team
12. Luciano, The Legit Korean
13. Everything I Wanted And More
14. The One With An Unexpected Guest
15. He Came Through
16. We Couldn't Have It All
17. Such A Heavenly Way To Die
18. I'm Never Signing Up
19. What I Can't Remember
20. The Right Choice
21. A Hard Life
23. You're Killing Me (2)
24. Something Great
25. But I Didn't
26. Hide And Seek
27. The One With The Smudged Wedding Date
28. Adore You
29. To Be With You
30. Of Thank You Lists and Traditions
31. The List of Our Things
32. Suck It And See
33. Fight Or Flight
34. Confession On Valentines Day
35. Tag, You're It
36. What's Worth Keeping
37. The Lucky One
38. My Day One
39. I'm Not Going Anywhere
40. All Romantic Movies Suck
41. Tale of The Soldier and His Shelter
42. It's Not A One-way Thing
43. Taking A Step Back
44. The One With The Pause
45. In Another's Point Of View
46. His Side Of The Story
47. Everything's Easier
48. Of Dreams And Fears
49. To Meet In The Middle
Epilogue
Author's Note
SC 1. I Told You That It's Normal
SC 2. 10 PM Or Bye
SC 3. The Biggest Dorks On Earth
SC 4. Who's Blaming Who
SC 5. Not Much of a Babie
SC 6. My Girl
SC 6. The One where Jason is the Suspect
SC 7. Clem and Phil
A Year with Luke and Clem #1YearTMITMwp
SC 8. Who Took Luke to Prom?
SC 9. The Unfortunate Biking Incident
SC 10. Welcome Home
SC 11. The Ultimate Test to Luke's Patience
SC 12. L and C
SC 13.
SC 14. Babie and Ma
SC 15. The One with Ollie
SC 16. The One with the Anniversary

22. You're Killing Me

2K 99 154
By imwonderfullylost

Luke and Clementine.

Ilang buwan na ba kaming magkaibigan nitong lalaking ito? Nine months? Going ten? Ang tagal na pala diba. Pero sa loob ng panahong iyon ay wala pa akong naaalalang pinagtalunan namin ng sobra. I mean we always argue (a lot!) pero hindi umaabot sa point na pareho kaming nabadtrip, na pareho kaming nagalit kasi halos lahat ng di namin pagkakaintindihan ay parating nauuwi lang sa tawanan. The worst fight that we had was when we were arguing about HIMYM on our living room. And that felt like years ago already! KASI NGA BIRUAN LANG ANG LAHAT NG IYON.

So who could have thought that one fateful day, weeks after our crying session on my couch, ay mauuwi kami dito ni Luciano? I wasn't expecting it... And I know that he also didn't see it coming. But what can I say? Mahirap pala pag halos marami kayong pagkakatulad ng kaibigan mo, at first it was cute kasi magkatulad kayong mag-isip but it can also be very vital lalo na pag dumating na kayo sa crucial part ng pagkakaibigan niyo which is very... very challenging, ang magpataasan ng pride!

Ako alam ko na sa sarili ko na sing taas ng Mt. Everest ang pride ko (I'm definitely not proud of it) but I can't do anything about it. It comes with me and it will always be. Kaya nga pinaka-nagtataka ako na ang isang Luke Mariano... Ang taong parati kong pinagmamalaki dahil sa selflessness na tinataglay niya ay may tinatago palang pride sa katawan niya.

Maaga akong papasok ngayon sa paaralan because I have to meet up with a classmate. Nanghiram kasi siya ng notes sakin last week at ilang beses ko na itong kinukulit na isauli na sa akin, mahirap pa naman itong hagilapin dahil irreg student ito at halos isang beses sa isang linggo lang kami nagkikita. Mabuti na nga lang at nakapag-reply na ito sakin kahapon at sinabi niyang makipagkita ako sakaniya sa main gate ng school para mabigay na niya sakin yung notes ko. Honestly, I was kind of pissed.

It was the first time na nagmagandang-loob akong magpahiram ng notes, tas yun pa ang makukuha kong sukli? Wala parin kasi akong mga kaibigan sa kasalukuyan kong block at ganun din siya kaya naisip kong tulungan ito since irreg student nga ito, malamang ay mahirap sakaniyang magbalanse ng oras. But hah. Jokes on you, Clementine Rivera kasi ikaw lang din yung kawawa. Mabuti nalang talaga at maibabalik na sakin yung notebook kong iyon ngayon.

Malayo-layo ang lalakarin ko ngayon mula apartment dahil nga sa main gate kami magkikita nung babaeng yun. I even forgot her name yung last name niya lang ang alam ko, magkasunod kami sa attendance kaya alam kong siya si Ramos. Ni hindi nga naka-save yung number niya sa phone ko eh! Hindi ko parin talaga alam kung bakit ako biglang sinaniban ng mabuting espiritu nung araw na yun.

"Rivera!"

Agad akong napalingon sa waiting shed at nakita si Ramos na nakatayo dun. As usual ay hindi na naman niya suot ang proper uniform at dala-dala niya lang ang maliit na backpack habang winawagayway sa ere ang Green Apple notebook ko. I rolled my eyes as I crossed the street. Agad ko itong nilapitan at tipid na nginisihan. "Long time no see." Walang gana kong bati. Hindi na ako naghintay pa at agad na binawi ang notebook sakaniya.

Mukhang pinaglihi naman ito sa kamanhiran kasi hindi man lang nakaramdam sa na naiinis na ako kaya mas lalo lang akong nainis dahil dito.

"Alis na ako. May minor subject pa ako. Thanks!" She smiled widely before entering the main gate na parang wala siyang nagawang kasalanan sa akin.

I groaned.

Wala na din naman akong magawa. It was my fault, ako din naman yung nagpahiram ng notes sadyang di lang talaga marunong tumanaw ng utang na loob si Ramos.

I fished my phone from my pocket to check the time. Good, isang oras pa bago ang first class ko kaya napagpasyahan kong dito nalang pumasok sa main gate. Andito na naman ako diba?

Gaya nga ng parati kong sinasabi ay hindi ako dito parating dumadaan kasi malayo nga ito sa building na ginagamit namin. I took the televator, pumasok na naman sa isipan ko yung gabing nalasing ako. Luke sent me a picture the day after na pareho kaming dumaan dito pauwi. I'm still clueless sa kung paano kami napunta sa school at kung bakit ganun na ang itsura ko sa litrato. I also don't wanna ask, every time kasi na ino-open up ko yung topic ay tanging ngisi lang ang sagot ni Luke sakin sabay sabi ng "wala". WALA, MY ASS. HEH!

Habang nagmu-muni-muni ako sa walkway patungong uni hospital ay bigla kong naalala si Luke. Isang linggo na rin itong dito nagd-duty. Wala na akong gaanong balita sakaniya dahil nga ay masiyado na itong abala... both on his thesis and his internship. Ni hindi ko nga alam kung andito ba siya ngayon o mamaya pa yung shift niya. But nevermind about him, marami din akong pinagkakaabalahan kagaya nalang ng final presentation namin for a major subject this sem.

Yes, that's right! Kakasimula palang ng sem ay may pa-final presentation eme na yung isang prof namin. And you know what's worst? I was assigned to be a leader of a group kasi nga Sir Tony spoke highly of me. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako aabutin ng kilig sa pagpu-puri ng Sir Tony, mukhang habang patagal nang patagal ay mas lalo akong nahihirapan dahil dito. Pero wala na akong magawa, andito na eh. Aarte pa ba ako?

Napag-desisyunan kong dumaan muna sa isang convenience store malapit sa hospital. As usual, ay mga medical professionals and interns ang laman neto kesa sa mga university students pero hindi naman ito exclusive sakanila kaya't pwede parin kami dun.

Anong oras na ba?

Mag-aalas dose na rin pala. And the last thing that I ate was Lilith's banana pancakes earlier this morning. Himala nga at nagkasabay pa kaming kumain ng breakfast ng isang yun bago ito naunang pumasok. I wasn't really hungry but I think ay kailangan ding magkalaman ng tiyan ko lalong-lalo na't three hours ang lecture sa major subject na papasukan ko ngayong araw.

I decided to order chicken nuggets and a slurpee. Hindi talaga ako fan ng ready-made foods na nabibili sa convenient stores kasi feeling ko ay kumakain lang ako ng plastic pero may mga times naman na masarap yung lasa ng mga pagkaing yun... Lalo na kung gutom na gutom na ako, wala nang plastic plastic dun. LAHAT AY PAGKAIN NA.

I settled on the farthest table, kung saan malapit sa basurahan para wala nang tumabi sa akin. Ayoko kasi yung may nakikipag-share sa upuan ko kasi ang awkward ko talaga sa mga taong hindi ko kilala. To pass time, I also chose to browse my phone. Wala naman masiyadong balita... Or that's what I thought.

Kasi biglang nahagip ng isang post sa confession page ng school namin ang atensyon ko. Remember that page? Yung kahit na napaka-pointless nang pinagpo-post dun ay di ko parin magawang ma-unfollow dahil naaliw ako dun for unknown reasons. Well today is definitely another story because I'm not amused at all.

Written in all caps was this confession:

HI. HINDI AKO STUDENT NG SCHOOL NA ITO BUT I JUST WANNA CONFESS SOMETHING. DUMAAN AKO SA UNI HOSPITAL NIYO DAHIL DITO NAGT-TRABAHO ANG MOM KO AS A NURSE NANG MAY NAKITA AKONG SOBRANG POGING INTERN NA NAKATAMBAY SA CONVENIENCE STORE MALAPIT SA HOSPITAL. MAG-ISA LANG SIYANG KUMAKAIN DUN SO I ASKED IF I COULD JOIN HIM. SOBRANG GWAPO NIYA! AND ANG CUTE PA PAG NGUMINGITI SIYA KASI MAS LALONG NANLILIIT YUNG MGA MATA NIYA. HINDI KO MABASA YUNG NAMEPLATE NIYA KASI NATATAKPAN NUNG STRAP NG BAG NIYA BUT I KNEW NA MT STUDENT SIYA DAHIL SA ID LANYARD NITO. SOBRANG BAIT NIYA AT ANG SAYA PANG KAUSAP, HE DEFINITELY KNOWS HOW TO KEEP A CONVERSATION GOING. ANG POLITE PA NIYA NUNG NAG-PAPAALAM SIYANG KAILANGAN NA NIYANG BUMALIK SA LOOB NG LAB. I TOLD HIM IF HE'S UP TO HANGING OUT AND HE SMILED AND NODDED, SO I ASSUMED THAT IT'S A YES. KUNG MAY NAKAKAKILALA SAKANIYA, CAN YOU PLEASE TAG HIM? I'M FAYE ALMENDRAS.

Halos umikot na sa likod ng ulo ko yung mga mata ko sa kakairap. AND ANG CUTE PA PAG NGUMINGITI SIYA KASI MAS LALONG NANLILIIT YUNG MGA MATA NIYA. Ano yun? That was my freaking line!!!

Halatang-halata sa post niya kung sino ang tinutukoy nito and I think na hindi lang ako ang nakakahalata nun because people were tagging Luke on the comment section. At marami ring nag-popost ng pictures nung Faye Almendras dun, some were complimenting her looks like she's some kind of goddess habang yung ibang mga die-hard admirers ni Luke ay halos pagbantaan na yung babae at sinabing pag-aari lang nila si Luke. As if he's some kind of object.

And you know what's worse? Talagang nag-comment pa yung Faye sa comment section while tagging Luciano: Hi Luke Mariano. Remember me? So kailan na yung hang out natin?

"Parang tanga ka talaga Luciano." I murmured as I continued to scroll the comment section.

Kung marami yung inis ay marami din ang pine-pair si Luke with that Faye as if they're celebrities. Maraming pino-point out na bagay daw sila kasi parehong maaamo yung mga mukha. SO MUKHA NA PALA ANG BASEHAN NG COMPATIBILITY NGAYON HA?

Mabuti nalang ay wala pa akong nakikitang kahit anong response galing kay Luke dahil baka mas lalo lang akong mainis. Hanggang kailan ba talaga siya mami-misinterpret ng mga tao? He's just a nice person in general. AND I JUST WANNA SAY THAT BEING NICE ISN'T SOME KIND OF FLIRTING! Bakit ba laging ganun ang impression kay Luke? Was it because of his face? Let's face it, kasi kung normal-looking person lang naman yun I doubt na magkakaroon ng same reaction as these. Why do people have to be so superficial?

Sa inis ko ay hindi ko man lang namamalayang dina-dial ko na pala ang number ni Luke. Himala na after three rings ay agad niya itong sinagot. "Ano itong nakikita ko sa confession page na may magandang babaeng pinaghahanap ka just because you promised to hang out with her. How many times to I have to tell you-"

"WHAT THE FUCK!" Agad akong nagulat sa pagsigaw niya mula sa kabilang linya. I had to held my phone away from my ears para hindi mabingi ng tuluyan.

"Sinisigawan mo ba ako ngayon?" Pilit kong tinarayan ang boses kahit na natakot ako dito. Again: AN ANGRY LUKE IS A MONSTER LUKE.

"Galing akong graveyard shift! Patulugin mo nga ako! Damn it..." His raspy voice groaned from the other line.

Shit.

So that's why wala paring response sa facebook page from Luke. Kasi tulog pa ito galing sa 11PM to 7AM shift niya. I didn't know!

"Ah... Okay. Sorry-"

Before I could even apologize ay binabaan niya ako! Binabaan niya ako for the first time and I don't know how to react! Dapat ba akong magalit o dapat ba akong matakot. Sa inis ko ay pabagsak kong nilapag ang phone sa ibabaw ng mesa bago nagsimulang kumain.

"Magsama sila ng Faye Almendras na yun..." I murmured.

***

Dala-dala ko ang hinanakit at galit ko kay Luke hanggang sa gitna ng klase ko. Kasalukuyan akong nakatunganga habang nag-lelecture yung prof namin, mabuti nalang ay nadistract ako sa ingay ng paglalaro ng katabi ko sa retractable pen niya.

I looked at Raven that was focused on the powerpoint presentation. As always ay hindi ko parin ito nakakausap though for the first time ay magkatabi na kami (and still we're both on the last row). Unlike last sem ay hindi na niya ako pinapakialaman sa pagsisikap ko sa pag-aaral though there were still times na napapansin ko parin ang masasama niyang mga tingin kapag magkapareho kami ng mga scores sa quizzes.

As if naman ay kokopyahan ko siya. I'll never stoop down that level.

"Can you please stop it?" Bulong ko habang tinitingnan ang kamay niyang hawak-hawak ang pen niyang gumagawa ng ingay. "I can't concentrate."

He just looked at me with the smug face of his. The corners of his lips turned up as he played with his pen, this time ay binilisan niya pa talaga ang pagpipindot dahilan para mas lalong maging nakakairita yung ingay.

Napailing nalang ako bago siya inirapan. I'm too intimidated to even say a word to him kaya bumabawi ako sakaniya through actions. At least aware siya na iritang-irita ako sakaniya right now. Tas dumagdag pa itong phone ko na kanina pa vuma-vibrate sa bulsa ko. I took it out and was shocked to see na bahang-baha ito ng text messages from Luke.

From: Luciano Epal
Shit. Did you call earlier? (1:25 PM)

I just woke up (1:26 PM)

Clementine
Clem (1:30 PM)

I just saw my fb notifs then I had a memory of your call. Tinawagan mo ako tungkol dun kanina diba? (1:35 PM)

Nasigawan ba kita? I'm sorry (2:00 PM)

I was really tired
And it was a shitty shift
Sobrang toxic Clem (2:15 PM)

Nasa class ka ba ngayon? (2:20 PM)

Galit ka dahil may nag-confess na naman sa walang kwentang page na yun?
Come on
It's not like it was the first time (2:27 PM)

Ano bang ikinakagalit mo? (2:35 PM)

Hindi ko alam mung saan ako mas maiinis. Sa patuloy na pangb-bwiset ni Raven sa akin dahil sa ginagawa niyang ingay o sa huling text ni Luke.

Anong bang ikinakagalit mo?

Ano bang ikinakagalit mo?

ANO BANG IKINAKAGALIT MO?

So now it's my fault!

It's my fault that he is this some kind of oblivious person that is always so unaware of the things that are happening around him. Ilang beses ko bang dapat sabihin sakaniyang hindi niya kailangang maging mabait all the time kasi may ibang tao na hindi nakakakuha kaagad at nami-misinterpret lagi ang mga actions niya. Hindi ba siya aware na malandi ang pagkakakilanlan niya sa ibang students just because he was too nice?

Bakit parang kasalanan ko pa ngayong nag-aalala lang naman ako sakaniya?

"May away kayo?"

Agad ko namang tiningnan itong katabi kong nakatuon na sa phone screen ko. Agad kong tinaob ang phone ko sa desk saka siya hinarap. "Mind your own business."

He just clicked his tongue before licking his lower lip. "Let me guess... It was because of the stupid confession from that very gorgeous girl. I wasn't expecting you to be the jealous type, Clementine."

I cannot believe it!

Did Faye Almendras' confession went viral? Bakit? Dahil ba sa sobrang ganda niya? Hindi ako makapaniwalang umabot ang balitang iyon kay Raven... Kay Raven Corpuz na isa sa pinaka-walang pake sa buong mundo!

"But I might say, she's really pretty. I can't blame you kung nagseselos ka." Dagdag niya pa.

"Ano bang pinagsasabi mo ha?" Kahit na gigil na gigil na ako dito sa kinauupuan ko ay pinilit kong hinaan ang boses ko. Ayokong makuha ang atensyon ng iba.

Mas lalo lang napangisi si Raven sa galit na galit kong mukha. "Easy tiger..." He laughed.

Hindi nalang ako nagsalita pa at sinubsob ang mukha sa ibabaw ng desk ko. Inis na inis na nga ako sa pagiging clueless ng kaibigan ko tas dumagdag pa itong pang-aasar ni Raven. This is definitely a bad day!

***

I went home late because of a class reporting. Mabuti nalang at individual work yun kaya hindi ako masyadong nahirapan. Pagod na pagod na ako habang naglalakad sa block namin nang makatanggap ako ng text galing kay Lils na hindi na siya makakapag-dinner sa amin kaya hindi ko na kailangang magluto ng maramihan. Dahil dun ay dumaan nalang muna ako sa convenience store malapit sa amin.

Kakain na naman ako ng pagkaing lasang plastic.

"Hay." I sighed as I scanned the whole shelf of ready-made food.

Hindi pa ako nakakapag-desisyon ng makakain nang bigla na namang tumunog ang phone ko. I thought it was a text message but it was a tone indicating another facebook notification. Out of curiousity ay kinuha ko ang phone sa back pocket ng pants ko at binuksan iyon.

AND GUESS WHAT? IT'S ANOTHER FUCKING POST ON THE CONFESSION PAGE!

Bakit ba kasi hindi ko talaga magawang ma-unfollow ito? Naaalala ko lang din si Luke na hindi na rin nagparamdam after he sent the last text asking kung anong ikinakagalit ko! Mas lalo lang akong nainis kesa sa natakot sakaniya. Eh ano naman ngayon kung galit siya?

This time it was posted by an admin.

Isa itong litrato na dalawang taong nakatalikod, a guy and a girl. Nakauniporme ng duty uniform yung lalaki habang naka-simpleng shirt lang yung babae. Kuha iyon sa malayo kaya hindi ako sigurado kung sino ang mga iyon. It came with this caption: HI. THIS IS ADMIN AJ. SO ISA DIN AKONG INTERN SA UNI HOSP NATIN (NOT GONNA TELL KUNG ANONG COURSE THOUGH) I WAS SUPPOSED TO HAVE DINNER DURING MY PM SHIFT (3PM-11PM) NANG MAKITA KO YANG DALAWANG YAN SA CONVENIENCE STORE. I TOOK THE PICTURE WITH THAT DISTANCE PARA HINDI MAHALATA BUT I SWEAR IT WAS LUKE MARIANO AND FAYE ALMENDRAS. KINIKILIG AKO KASI ANG BAGAY TALAGA NILA! WHO COULD HAVE THOUGHT NA NAGKAUSAP PALA SILA PRIVATELY PARA SA HANG OUT NA SINASABI NI LUKE? KINIKILIG PARIN AKO HANGGANG NGAYON.

I rolled my eyes for the nth time after reading.

"Ang stupid." Bulong ko habang tinatago ang phone sa bulsa ko.

Mali ba yung iniisip ko this time? Kasi sa dami ng mga nag-confess kay Luke sa page na iyon ay yung Faye Almendras lang yung unang babaeng pinaunlakan niya. Did I read it wrong all along? Was Luke interested in her?

I mean what's not to like? I think that she's really pretty. I'm not proud of this one but I stalked her once. ONCE. And she looked like a model dahil sa tindig at pangangatawan niya, I think that she's also the same age as Luke kasi parang nakakita na ako ng grad pic sa photos niya. She must have graduated this year like Jason.

Woah. I wasn't expecting it to be like this. Akala ko ay magiging big deal para sa aming magkakaibigan pag nagkaroon na ng interes si Luke ulit to date but it feels like it was just another day. Wala man lang sabi-sabi. But okay... Buhay parin naman niya yun, kaibigan lang naman nila kami. Kaibigan niya lang ako.

"I'm happy for him." Bulong ko habang pumipila sa counter at dala-dala ang pagkaing bibilhin. Hindi ko alam pero napapatulala nalang ako sa mga nalalaman ko. Nakakainis!

***

"Clem!"

I groaned as I rolled to the side. Binalot ko din ng kumot ang sarili habang patuloy lang sa pagkatok si Lilith sa pintuan ko. "CLEMENTINE RIVERA!"

Sa inis ko ay sinipa ko ang kumot ko at agad na naupo sa kama. "LILS WALA AKONG PASOK NGAYON!" I cried as I curled on the bed.

Sabay naman nun ay ang pagbukas ng pinto ko at ang paglitaw ni Lils sa gilid ng kama ko. "Clem." She shook my shoulders as she took a seat at the end of the bed. "Ano itong nakikita ko sa punyetang facebook confession page ng school? Anong issue ang pinagkakalat ng mga jejemon na yun ha?!"

Parang mabibingi ako sa tinis ng boses ni Lils! Inaantok pa ako na hindi ko pa nga magawang maidilat ang mga mata ng maayos. Sa inis ko ay inunan ko nalang ang kandungan niya.

"Clem." Mahina niyang hinampas ang balikat ko. "Ilang linggo lang akong naging busy ay may girlfriend na si Luke?! At san niya naman nahanap yun? Sa comment section ng cheap na page na iyon? That's so not Luke!"

I groaned as I took a seat on my bed. Hinarap ko ang mala-diyosa kong roommate habang ako ay para pang halimaw dahil nga kakagising ko lang. I scoffed as I checked kung may muta ba ako sa mga mata, she only gave me a weird look.

"To spare the girl. Hindi siya mukhang jejemon. Wag kang ano..." Inirapan niya lang naman ako at muling hinampas ang legs ko. "Gaga! May sinabi ba si Luke sayo? Kasi sinasabayan nung babae ang mga rumors sa page pero wala man lang kahit ano kay Luke, alam mo naman yung isang yun... Hinahayaan niya lang yung mga ganung issue."

No. It's not like hinahayaan niya lang. Sadyang wala lang talaga siyang time sa mga nonsense na bagay like that page. But the problem was we didn't have any idea if the posts there about him were still rumors or katotohanan na.

"Bakit ba ako ang tinatanong mo? Why don't you ask him?"

Tinaasan naman ako ng kilay ni Lils na parang ang bobo nung huling sinabi ko. "Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Malamang dahil ikaw si Clementine! You're the closest person to him right now."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dun. Should I be glad? Should I be flattered? At anong closest closest eh hindi na nga yun nagt-text sa akin! As if naman ay ako ang unang magt-text nun after niya akong mababaan! I'm still scarred lalo na dun sa pagmumura niya sa akin. It's no excuse na naistorbo ko siya sa pagtulog niya!

Para matahimik nalang si Lils ay kinuha ko ang phone sa side table para i-check ang messaging app kung may kahit anong galing kay Luke pero wala... Nada!

Habang kinakalikot ko yung phone ko ay inagaw ito ni Lils mula sa akin. Abala siya sa pagpipindot dun habang nakatitig lang ako sakaniya.

"Gaga! Kaya naman pala wala kang kahit anong balita tungkol kay Luke kasi binlock mo sa lahat! Magkagalit ba kayo ngayon ha?"

I blinked several times in front of her before it all sink in.

"Ah." Ang tanging nasabi ko nang maalalang binlock ko nga pala si Luke sa lahat after nung text huling text niyang nabasa ko dahil sa galit ko nun. How dare he question my concern to him? Ako na nga itong nag-aalala sakaniya!

Napailing nalang si Lils habang sinasauli ang phone ko. A teasing smirk was on her face. "Mag-usap nga kayong dalawa. Parang mga bata." She laughed as she left my room.

What the hell is she talking about?

Napailing nalang ako habang tintingnan ang paisa-isang mga mensahe at missed calls from Luke. Shit! Ilang araw na ba simula nung binlock ko siya? Four days? Kailangan ko pang maghintay ng ilang minuto bago tuluyang huminto sa kaka-vibrate itong phone ko. Shit.

And here I thought na ang taas-taas din ng pride niya? Tanga lang, Clem?

Hindi ko na maisa-isa lahat ng mga mensahe niya sa dami ng mga natanggap ko kaya't pahapyaw nalang yung nababasa ko.

From: Luciano Epal
You blocked me on all your social media accs. Why?
Galit ka parin ba?

Come on, Clem
Ano bang nagawa ko? Dahil parin ba dun sa pagsigaw ko sayo? I told you... I was really tired that day!

Hindi kita mahanap sa building 9, I tried looking for you during my breaks. Nakauwi ka na ba?

Nakausap ko yung isa mong kaklase, Raven Corpuz. Galit na galit ka daw sakin. Bakit?
Dahil ba sa nasigawan kita?
Clem ang babaw naman

TANGINA KA TALAGA RAVEN, KUNG ANU-ANO PANG SINASABI MO!

So there's this pic circulating on the internet. Yes, that was me and Faye. But it was taken out of context, sinabihan ko lang siya na she took the wrong idea. I wasn't planning to hang out with her at all but she won't listen.

Clem. Listen, she's spreading rumors that we're actually dating. I don't know what to do, I need your help

Clem

CLEEEEEEEEM

Damn it! I'm still blocked on all of your accs

Don't tell me ay hanggang dito blocked ako?

Clem

I guess I'm also blocked here

Fine

Sorry.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala lang sa kawalan after reading some of his text messages. I completely had the wrong idea dahil lang sa katangahan ko! Why did I forget na binlock ko nga pala siya? Anong klaseng espiritu ng kaartehan ang sumanib sa akin nung araw na iyon? Wow... May mga pagkakataon parin talagang nasosorpresa ako ng sarili kong kababawan.

Galit din kaya siya sa akin?

The last thing that he sent me was a text yesterday at 4:00 PM. Wala na akong natanggap nung gabing yun hanggang ngayong araw. All I know is that I have to talk to him. But I'm not sure of his schedule, baka mag-mukhang tanga lang ako sa harapan ng uni hosp tas wala naman siya dun.

Wala na akong choice. I have to ask Ivonne kahit na nahihiya ako. Siya lang kasi yung senior na kakilala ko aside from Luke na may number ako. I asked her kung anong sched ni Luke for today and thankfully ay nakapag-reply ito agad. She told me na graveyard shift ulit si Luke so it means ay ay nasa bahay parin ito ngayon. I told her my thanks at wala nang pinalampas na oras... Mabagal akong kumilos normally pag naghahanda at tingin ko ay ito ang pinakamabilis kong pagkilos sa buong buhay ko. I quickly took a shower and get dressed. Ni wala na nga akong balak na kumain ng breakfast dahil ang tagal ni Lils makapagluto dahil naglalambingan pa sila ni Ely sa kusina.

Yes, madalas na dito natutulog ang boyfriend ni Lils.

"Akala ko ba wala kang pasok?" Tanong sakin ng roommate ko habang nagsisintas ako sa labasan ng apartment namin.

"May pupuntahan lang." Tipid kong sagot bago binuksan ang pintuan. "Bye Lils! Bye Ely!"

"Hindi ka na kakain?"

"Ingat ka!"

I quickly hailed a taxi to Luke's place. Tahimik lang akong nagdarasal sa backseat na sana ay andun nga lang siya sa unit niya. I have a lot of explaining to do, I admit that I'm at fault this time. Kung anu-ano kasing kaartehan ang pumapasok sa isipan. Anong tingin ko ba sa buhay ko? Isang malaking tv drama? Soap opera? Hah. Pathetic.

Alam kong malayo yung condo ni Luke sa apartment namin but it only felt like seconds nang makarating ako dun.

Shit.

Mas dumoble yung nararamdaman kong kaba habang nagbabayad ako. Bakit ang bilis lang ng biyahe? Ni wala pa akong lines na pine-prepare para sabihin sakaniya. Muling pumasok sa isipan ko yung alaala ng debate competition ni Luke nung nasa high school pa ako, what if hindi din niya ako pagsalitain? Oh god!

"No." I shook my head as I entered the elevator and pressed 21. "You're Clem Rivera. Hinding-hindi ka nagpapatalo agad." Bulong ko sa sarili habang tinititigan ang monitor kung san pinapakita ang numero ng floors. Nagdasal ulit ako na sana ay bumagal ang pag-akyat nito.

Who am I kidding?!

Kung takot si Luke sa akin ay malamang mas takot ako sakaniya! Hindi ko alam kung sinong matatalo sa pagkakataong ito.

19.

20.

21.

Tumunog na yung bell, indicating that I already arrived at the right floor. Ang bilis na ng pintig ng dibdib ko habang naglalakad ako patungo sa pinakadulong unit ng corridor na ito.

You don't have the right to get mad right now Clem. Ikaw ang may kasalanan. Kung hindi mo siya binlock at nireplyan nalang ang texts niya ay malamang wala ka sa sitwasyon mo ngayon.

Ano bang katangahan ang pumasok sa isipan ko para paniwalaan yung mga kahibangan sa page na iyon?

I stood in front of his door. Hindi ko alam kung anong gagawin. Pinakiramdam ko muna ang loob nun but I can't even hear a sound. Tulog na naman ba siya ngayon? What if magalit na naman ito sa pang-iistorbo ko? Edi magpapatong-patong na naman ang atraso ko sakaniya.

Pinihit ko muna ang knob ng pintuan bago sana pindutin ang door bell. Muli akong nakaramdam ng inis nang mapansing hindi na naman siya nakapag-lock ng front door. Does he have a death wish? He seemed to be inviting thieves and killers purposely in his home!

"Clem?"

Agad akong napalingon sa gilid. And there he was, wearing only a sando and joggers while his hair was a mess. He squinted his eyes as if checking kung ako nga ba talaga ang nakikita niya habang naglalakad ito papalapit sa akin. "Anong ginagawa mo d-"

"How many times do I have to tell you to always lock your door? Hindi ito ang unang beses na naabutan kong bukas ang pinto mo. Ano ba talagang gusto mong mangyari ha? Do you wanna die? Talaga bang gusto mong mapasukan ka ng masamang loob dito? Bakit ba kasi ang lenient mo ha? What if one day mapahamak ka dahil lang sa hindi ka nagla-lock ng pinto?"

He looked shocked at my words. Well, ako din naman pero nakakainis kasi. Ilang beses na namin siyang napagalitan dahil dito.

"Shit..." He murmured as he held my arm and pulled me into his unit. Agad ko namang hinampas ang kamay niyang nakahawak sakin para mabitawan ako. "Kailan ka ba magtatanda ha? Pag napahamak ka na?" Pagpapatuloy ko.

He looked so pissed right now. Magkasalubong na ang mga kilay niya habang ang intense ng tingin niya sa akin. It was a good thing that I was fueled by rage kasi baka kanina pa ako tumakbo dahil sa galit niyang ekspresyon.

"You came all the way here after blocking me for days just to nag me about my door?" He scoffed. "You're unbelievable."

His voice was unrecognizable. Parang hindi ko kilala ang nagsasalita because of his monotone voice. Damn it. Dapat hindi ako yung nagagalit ngayon, I should be apologizing.

"Kasi naman ang tigas-tigas ng ulo mo." I remained firm. Papanindigan ko nalang ito kahit na naiiyak na ako sa galit niyang ekspresyon. "How many times do I have to tell you-"

"Nagtatapon lang ako ng basura Clem! Saglit lang akong umalis ng unit. What's the big deal about it?" He groaned as if hirap na hirap siyang ipaintindi sa akin ang mga bagay-bagay. Did he actually just raised his voice on me? Ano?

I stood there frozen.

Oh ano ka ngayon Rivera?

"And it's not like I wasn't careful. Hindi ako tanga Clem! I already learned my lesson matapos niyo akong masabihan..." This time ay mas mahinahon na ang boses niya pero hindi parin nagbabago ang mukha nito. He still looked pissed as hell.

Now what?

I bit my lip because I was really nervous. Wala nga akong magawa ngayon. Masiyado akong sanay sa Luke na mahaba ang pasensya, sa Luke na masiyadong mabait, sa Luke na parating nakangiti... Kaya hindi ko alam ang gagawin ngayong galit na galit siya sa akin.

I really must have reached his limit, huh?

"Anong ginagawa mo dito?" His cold tone was scaring the shit out of me that I couldn't even meet his eyes. "Akala ko ba galit ka sa akin? Binlock mo nga ako diba?" Sunud-sunod niyang tanong.

I'm Clementine Rivera. At hinding-hindi ako nagpapatalo.

"Kasi naman ikaw nakakainis ka! Ako na nga 'tong nag-aalala sayo tas nakuha mo pa akong sigawan! You could have told me na natutulog ka pa, hindi naman ako mahirap paintindihin eh. Tas maya-maya magte-text ka lang sa akin ng kung anong ikinakagalit mo? Anong ikanakagalit ko ha?! Ikaw yung nakakagalit!" I literally screamed at his face which made his eyes grew a bit larger but didn't even change the intensity of his gaze. "Alam kong mababaw pero binlock kita kasi nakakainis at nakakatampo ka! Tas malalaman ko nalang galing sa iba na nakipagkita ka na pala dun sa babaeng may gusto sayo... Ano kaya yun? Walang sabi-sabi sa amin? Ano pang silbi na magkaibigan tayo kung malalaman ko nalang sa iba na may iba ka na palang ganap sa buhay? And to tell you, hindi ganun kaganda yung Faye Almendras mo! Jejemon parin siya para mapadpad dun sa confession page na yun!"

He looked shocked at what I said. Matagal niya akong tinitigan tas bigla-bigla nalang sumilay sa mga labi niya yung nakakaasar niyang ngisi. He let out a humorless laugh.

"All of that was for a stupid thing?! Clem naman!"

Mas lalo akong nanggalaiti sa sinabi niya. "What are you trying to say? Huh?! Na ang stupid ko lang para magalit ng ganito. I am your friend! Malamang ay mag-aalala ako para sayo. Alam mo ba kung anong sinasabi ng iba tungkol sayo behind your back? You're a fucking flirt! Na lahat ng babae ay pinapatulan mo when the truth is you're just being your usual self! Bakit ba napakabait mong tao ha? How long will you be able to put up with all of these bullshit?"

"You think that I didn't know?" Tumawa na naman ito but it just made the situation worse because of the sarcasm that it holds. "I'm not an idiot. I'm completely aware of it Clem! But I didn't do anything because I don't give a shit at all. I have so much in mind that those petty rumors don't bother me at all. So you don't have to worry about it."

"I don't have to worry? So kasalanan ko na naman na nag-aalala ako sayo? Sorry ha!" I gave him a deathglare.

This time he really lost it, he sighed as he ran his fingers through his undone hair. He let out a cuss before looking at me. "I'm sorry. I didn't mean it that way Clem..." Banayad na niya akong tiningnan pero mas lalo lang akong napasimangot dahil dun. "All I wanna say is that I don't give a damn about them, the hell do I care."

I rolled my eyes at him. "Hah." I laughed. "Wala daw pake pero nakipagkita ulit dun sa babaeng yun. It was the first time huh, was she really that pretty that you agreed to hang out with her?" I didn't mean to but my words came out very bitter.

Mas lalong nainis siya dahil sa pinagsasabi ko. "What the hell are you talking about? I was just being polite. I wasn't expecting her to actually believe that I mean it."

I groaned as I stomped my feet. "That was exactly my point! You cannot say na wala kang pake sakanila kung patuloy mo lang silang pinagbibigyan just because you wanna be polite. The world doesn't work that way. You have to be firm with what you do these days because we're all being surrounded by fucking shallow idiots! Kung ayaw mong may patuloy na umaasa sayo, you have to say it in their faces or else mas lalong lalala lang ang mga bagay. Look where we are right now! Everyone thinks that you're in a relationship with Faye Almendras kasi hinahayaan mo lang siyang gawin ang kahit anong gusto niyang gawin. You already met her for the second time, you might as well told her that you're not interested."

He closed his eyes. Mukhang naguguluhan na rin siya sa mga nangyayari sa paligid. I knew it, I really have to come here to talk some sense into him. "Ano bang napagusapan niyo nung nahuli kayo ng admin ng page na yun?"

"I told her that I didn't mean to lead her on." He sighed. "She said that it's okay but nothing has changed. She just added fuel to the fire by spreading more lies about us."

I rolled my eyes at that. That bitch. Binabawi ko na ang pag-compliment sa mukha niya. She may be all pretty but she doesn't have a brain.

"So what are you gonna do now? And don't tell me na hahayaan mo na naman kasi ako na mismo ang sasakal sayo Luciano." Pagbabanta ko.

He looked at me as if I held the answer to his problems kaya dahil sa inis ko ay tinaasan ko na naman siya ng kilay. "Oh ano? Ako na naman mag-iisip para sayo? Matalino kang tao diba? Mag-isip ka." Mas lalong sumama yung tingin na na parang mumurahin na naman niya ako pero nagpipigil lang ito ng sarili niya.

This is Luciano Mariano Jr.. this is the real him.

"Mumurahin mo na naman ako? Sisigawan?"

He let out a small laugh while shaking his head in disbelief. "Hanggang ngayon ay galit ka parin ba sakin dahil dun?"

"Wag na wag mo akong pagtatawan. I was fucking scared that time." I murmured.

He just stared at me for a long time before sighing. "Kumain ka na?" Tanong niya.

Agad na napakunot ang noo ko. "Ano?"

"Kumain ka na?" Pag-uulit niya.

I opened my mouth, completely clueless at his sudden change of topic making him laugh a bit. "Kanina ko pa naririnig yung pagkulo ng tiyan mo." He chuckled as he left me for the kitchen.

Wala na din naman akong nagawa kundi ang sundan siya ng tingin. Nakakahiya! Kanina pa ako sigaw nang sigaw dito na hindi ko man lang namamalayang kumukulo na pala ang tiyan ko. Malamang ay pagtatawanan na naman ako nitong lalaking 'to. Iisipin na naman niyang inuna ko pa talaga ang pagpunta dito kesa sa pagkain.

I sat on his dining table as I watched him moved in his kitchen. May iniinit ito sa microwave niya habang nagsasandok ng kanin sa rice cooker nito. "I-unblock mo na ako. Galawang isip-bata lang yun. I wasn't expecting it from you. It was kind of disappointing." He murmured though I sense the teasing on his tone.

I glared at his back. "Tapos na! Sino kaya dito ang isip-bata na naninigaw agad pag ginigising..."

"How many times do I have to tell you that I was fucking tired that day?"

I rolled my eyes. "Potato. Potato. Same shit."

Maya-maya pa ay may nilapag na siyang pinggan na naglalaman ng fried chicken at kanin sa harapan ko. Naglapag din siya ng kubyertos at tubig. "Eat." Utos niya sakin. Tinitigan ko lang siya using my blank face, he just hissed as he shook his head. "You're gonna be the death of me." He murmured as he walked away. "Kumain ka na. Ihahatid na kita pagkatapos."

Tuluyan na itong pumasok sa kwarto niya. Hindi niya sinara ang pinto kaya natatanaw ko parin siya hanggang dito. I saw him removing his sando as he rummaged through his closet. Napaiwas nalang ako ng tingin at nagsimula nang kumain.

You're gonna be the death of me yang mukha niya. You're killing me as well, parang tanga ka Luciano!

Tahimik lang ang biyahe namin pauwi ng apartment. Hindi ko alam kung okay na ba kami o ano pero wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Hindi din naman ako mauunang magsalita dahil inis na inis parin ako sakaniya. I still can't move on that he made me look like I was in the wrong just because I was worried of him.

Nang nakarating kami sa apartment ay hindi ko na siya hinintay at nauna nang bumaba ng kotse niya para pumasok sa gate ng complex. I only knew na nakasunod siya sakin dahil sa ingay ng pagbagsak ng sinasara niyang pintuan sa driver's seat. I sighed.

Pagbukas ko palang ng pintuan, unang bumungad sa akin ay sina Lilith at Ely na tila nag-aabang sa amin sa dining table namin. The couple looked our way, Lils face remained firm but Ely was trying to hold a laughter.

"Nakauwi ka na pala." Lilith's high-pitched voice greeted me. I rolled my eyes at her, are they role-playing as my parents? It's not funny at all.

Sinamaan ko lang siya ng tingin dahilan para sa malakas na pagtawa ni Ely. "Oh Luciano. What brings you here?" Pagpapatuloy ni Lilith.

Luke just hissed behind me as I walked past all of them.

"Matutulog na ako." I announced as I marched inside my bedroom.

Bago ko pa man tuluyang maisara ang pinto ay narinig ko pa yung pag-uusap nila sa labas. "Ang agang sumugod sa bahay niyan." Luke laughed.

"Hah. I may or may not have triggered her to do so." She laughed at her friend. "Gumana naman diba? I know that she can talk some sense into you since pahirapan ka pa namang mapagsabihan. Ang tigas-tigas ng ulo."

Natawa lang naman si Ely. "Ano nang gagawin mo?"

"Ipa-shut down mo na lang kaya yung page na yun. Naba-bother na ako sa kajejehan nun." Maarteng tugon ni Lils.

I just shook my head and shut the door. Mabilis akong nakapagbihis ng pajama at muling humiga sa kama ko. Muntik ko nang makalimutang sobrang aga nga pala ako ginising ni Lilian Theresa. Inaantok na naman ako.

I woke up after my nap with a text message coming from Luke. Wow naman. It was the first day after I unblocked him and he's already texting me as if nothing happened.

"Ano na naman ngayon..." I murmured as I opened his text.

From: Luciano Epal
I already did something.

Anong ibig-sabihin na naman nito?

I don't know what has gotten into me but first thing I did based on my instincts is to open the facebook page. And my intuition was right because the first thing that greeted me was a post from another not-so anonymous sender.

I'D LIKE TO CLEAR MY NAME. I AM NOT DATING MS. FAYE ALMENDRAS. AND I DON'T HAVE PLANS ON DATING HER OR ANYONE AT ALL. I'M SORRY IF YOU ALL TOOK MY ACTIONS THE WRONG WAY BUT LEADING YOU ALL ON WAS NEVER MY INTENTION. I'D LIKE TO ASK IF YOU ALL COULD STOP TALKING ABOUT ME HERE AND RESPECT MY PRIVACY.

HAVE A GOOD DAY EVERYONE.

Hindi ko alam kung bakit pero napahalakhak ako sa ginawa ni Luke. Hanggang dito ay pinilit niya paring maging pormal at mabait as if sa isang legit page ng group niya sinesend ang mensahe niya.

"Hay..." I chuckled.

I opened my messaging app to reply to him: Parang tanga ka talaga. Ingat sa shift mo mamayang gabi.

Tawang-tawa parin ako habang nagbabasa ng mga comments kung saan inaatake na ng mga tao si Faye sa comment section. Yung iba ay talagang tinag pa siya dun. I even saw Lilith's comment saying ANG JEJE NIYONG LAHAT HAHAHAHAHA. Of course wala namang aatake sakaniya because she's Lilith and everyone adores that bitchy attitude of hers.

Siguro naman ay hindi rin bawal na mag-comment ako diba? Everyone seems to be commenting here. And so I did.

Clementine V. Rivera: Faye Almendras 😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊

xx
I read all your comments last chapter and I'm really happy that you all felt Luke's struggles. Hindi nga madali lalo na pag nakaramdam ka na ng burnout but like what Clem said, you're doing well. Things will get better eventually. I love you all.

Hope that you're all safe. This too shall pass. 💙

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 166K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2M 81K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
49.1K 781 142
Epistolary Katharina Laurel doesn't like being merely known to be as the famous football player's sister. Growing up, she was always in her brother's...
9.7K 399 59
Alyana Celine Cruz loves writing. In fact, she had stumbled upon Wattpad when she was eleven, and had started writing stories there. She met a lot of...