VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor...

By Chelsea_13

2.3M 36.4K 9.3K

Losing her memories in an accident, Savannah Fonacier woke up unable to trust the people around her and with... More

✨VINCENT✨
✨Umpisa✨
✨1.1 : Lost Soul✨
✨1.2 : Welcome Home✨
✨1.3: Fuck me✨
✨1.4 : Sinful Twin✨
✨1.5 : Good boy ✨
✨1.6 : Mga Paasa✨
✨1.7 : Uhaw✨
✨1.8 : Tukso✨
✨1.9 : Jedidiah Adriano ✨
✨1.11 : Gone✨
✨1.12 : Manipulative Bastard✨
✨1.13 : My Reed✨
✨1.14 : Sorry✨
✨1.15 : Yours✨
✨1.16 : Carnal Pleasures✨
✨1.17 : The Taste of Sin✨
✨1.18 : Morning After✨
✨1.19 : Stay✨
✨1.20 : Future With You ✨
✨1.21 : Volim te✨
✨1.22 : Girls✨
✨1.23 : Questions✨
✨1.24 : Temptations✨
✨1.25 : Del Fuego✨
✨1.26 : Fernandez✨
✨1.27 : Point of No Return✨
✨1.28 : Free Fall✨
✨1.29 : Peccatum serpentis✨
✨1.30 : Mystery Girl✨
✨1.31 : It Runs In The Blood✨
✨1.32 : Honesty✨
✨1.33 : Kulot (Part One)✨
✨1.33 : Ash (Part Two)✨
✨1.34 : Hate Me✨
✨1.35 : Truth and Lies✨
✨1.36 : Possibilities✨
✨1.37 : Pagbalik✨
✨1.38 : Selos✨
✨1.39 : My Words✨
✨1.40 : Mine✨
✨1.41 : Never Have I Ever✨
✨1.42 :Fairness✨
✨1.43 : Touch Me✨
✨1.44 : Soft Kisses✨
✨1.45 : Lumiere✨
✨1.46 : Secret Couple✨
✨1.47 : Burning Love✨
✨1.48 : Only Exception✨
✨1.49 : Flowers✨
✨1.50 : First Dates✨
✨1.51 : Runaways✨
✨1.52 : Lies✨
✨1.53 : My Place (Part One)✨
✨1.53 : My Place (Part Two)✨
✨1.54 : Dreams and Nightmares (Part One)✨
✨1.54: Dreams and Nightmares (Part Two)✨
✨1.55 : My Fault✨
✨1.56 : Don't Leave✨
✨1.57 : Revelations✨
✨1.58 : Wild Ride✨
✨1.59 : Sweetest Downfall✨
✨Book 1 Epilogue : Amor Vincit Omnia✨
BOOK TWO : VINCENT (Book 2 of 2) : Amor aeternus

✨1.10 :Intense✨

34.8K 717 142
By Chelsea_13

1.10: Intense


Mas mabilis pa sa alas-kwatro tumama ang kamao niya sa mukha ni Jedidiah. Kahit na siguro gaano pa ako kabilis, imposibleng mapigilan ko 'yong unang suntok na binitawan ni Reed. Nakakatakot ang galit niya... His face was really contorted with anger. Ibang Reed ang nakikita ko nang mga oras na iyon.

"What the fuck do you think you're doing? Why are talking to my sister?!"

Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Una kong naisip ay kung may nagawa ba si Jed o ako kay kuya na dahilan ng biglaan niyang pagwawala. But I can't think of anything. As far as I know, wala naman akong ginawang ayaw niya at kay Jed naman, kasasabi pa lang sa akin ni Jed na matalik silang magkaibigan ng kuya ko so bakit ganito ang inasal ng isa?

Gusto ko sana tulungang tumayo si Jed pero nag-lag talaga ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nakatanga lang ako sa kanila at pabalik balik ang tingin. Sinusubukan na ni Jed na tumayo habang hinihimas niya ang panga niyang nasuntok ni Reed. Pumutok na ang gilid ng labi niya kaya naman nagsimula na akong mag-panic... lalo na no'ng pakiramdam ko ay hindi pa sa kanya tapos ang kapatid ko.

"What the hell Reed? Bakit mo siya sinuntok?"

Thank god! I snapped out of that trance. Pinuntahan ko agad si Jed at tinulungan siyang tumayo. 'Yong napansin kong galos kanina ay nagsisimula nang dumugo.

Hindi ako pinansin ng kapatid ko at pumunta siya agad sa amin at hinigit ang mga braso ko.

"And you! I told you not to wander too far! What are you doing here?! And why are you with him?"

Hindi ko alam kung bakit ako napaurong sa sinabi niya pero parang reflex na sa akin 'yon nang sigawan niya ako. Tagos sa buto ang pagalit na sigaw niya. Pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa braso ko at bumalik sa tabi ni Jed. Ano bang problema niya?!

"Come on, pare. Anong ikinagagalit mo? Dadalhin ko lang naman siya sa bahay."

Ngumisi pa si Jed sa tabi ko at hinawakan ang nanginginig na kamay ko.

"Wala akong ginagawang masama sa kapatid mo. Safe siya sa akin." Dagdag pa ni Jed.

Reed's anger didn't fade tho. His hands were still balled into a fist and I didn't know kung saan ako mas matatakot: kung sa mga nakakuyom niyang kamao o sa mga galit na galit niyang mga matang nagpapabalik-balik ng tingin sa magkahawak naming kamay ni Jed.

"Reed, pwede bang kumalma ka muna?" Pakiusap ko. Gulong gulo na kasi ako sa ikinilos niya. Bigla bigla na lang siyang susugod ng walang pasabi.

Hindi niya ako pinapansin at tiningnan lang nang masama. Kaya naman nang hindi ko na makayanan ang mga init ng titig niya sa akin ay bigla ko na lang binitawan ang kamay ni Jed na para akong kinuryente.

"Ano, kakalma ka na?"

Nabawasan ang pagkunot ng noo niya pero ang kapalit naman no'n ay sa akin na naka-pokus ang buo at galit niyang atensyon. The hell?! Ano na naman ang ginawa ko?

"Umalis lang ako, kung sino-sino nang lalaking kausap mo."

I swear, kahit na isang dipa lang ang layo niya sa akin ay parang binubulong niya ang bawat sinasabi niya sa tainga ko. Nagsisitaasan ang mga balahibo ko, hindi dahil sa lamig ng hangin kung hindi dahil sa mga sinabi niya... mas lalo akong kinabahan dahil sa ipinararamdam niya sa akin ngayon...

Tensyon.

Kaba.

Takot.

"Reed, hindi lang siya kung sino-sinong lalaki. Sabi niya sa akin, kababata niya raw tayo. He's a friend! At wala kang karapatan para suntukin siya! Ano bang problema mo?"

Nagulat na lang ako nang biglang hawakan ni Jedidiah ang kamay ko at hinigit ako para mas mapalapit sa kanya. Dang, Jed. Wrong move. Hindi ko alam kung bakit pero may pakiramdam akong mas lalong mag-iinit ang ulo ni kuya.

"Jed, bitawan mo ako." Bulong ko sa katabi ko. Pero hindi niya ako pinansin at nagbabato din ng mga matatalim na tingin doon sa isa.

"Jedidiah..."

My god. Ano ba namang itong mga lalaking 'to! Naghahanap ba talaga silang dalawa ng away?!

Mukhang hindi ko na kailangang maghintay nang matagal para lang makita ang reaksyon ng kuya ko sa ginawang 'yon ni Jed dahil sa dalawang mabibilis na pag-apak ay mayabang niyang inilagay ang sarili niya sa gitna naming dalawa ni Jed at itinulak ang kaibigan ko papalayo sa akin.

"You're holding the hand of what's mine. Do you really want to die?"

Sa gitna ng tensyong nangyayari ay parang may gyerang namuo sa loob ko kung ano nga ba ang dapat na maramdaman sa sinabi niya. Minsan kasi, may mga sinasabi at ginagawa si Reed na nakakainis pero hindi mo magawa dahil tinutunaw niya lagi ang lahat sa'yo. At shit! Ang unfair no'n!

"Lagi mo na lang 'yan sinasabi, pare. Bakit hindi mo matuloy? Tutal pag nakulong ka, ayos lang naman 'di ba? Sanay ka naman na."

Hindi pa nga nagsi-sink in sa akin ang sinabi ni Jed nang bigla na lang siyang kwelyuhan ng kuya ko. Napasugod tuloy ako bigla sa gitna nilang dalawa at hinigit ang braso ng kapatid ko. Shit! "Tama na, ano ba. Lika na, uwi na tayo." I need to get him away from Jed! Ugh! Focus, Savannah! Dalian mo at ilayo 'yang kapatid mo kay Jed at baka ano pang magawa niyan! At isa pa itong si Jed! Hindi pa rin nawawala ang mayabang na ngisi sa mukha niya! Ano bang plano niya? I-provoke si Reed?!

"Sa'yo siya? Kailan pa? Ang huling pagkakatanda ko ay sa akin siya."

Napahinto ako sa paghihila kay Reed at napatingin kay Jed. Hindi siya sa akin makatingin. Tinatawanan niya kaming dalawa ni kuya. Anong pinagsasabi niya?

"What?!" Nang hindi nila akong pinansing dalawa ay umiling na lang ako. Bahala sila. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Ang alam ko lang ay kailangan ko nang mapilit itong si Reed na bumalik na sa kotse at umuwi na. Baka kung hindi ko pa maagapan ito ay baka magsuntukan na lang sila bigla bigla.

I didn't have any idea kung bakit sila nagkakaganito but the intense feeling na nararamdaman ko sa kanilang dalawa, na para bang sobrang laki ng galit nila sa isa't isa ay sapat na para matakot ako sa mga pwede nilang gawin kung hindi ako papagitna.

"Reed, halika na nga. Jed, salamat sa alok mo. But I think we need to go home, sige sa susunod na lang. Sorry ulit."

Narinig kong huminga nang malalim si Reed at matigas na nagsalita. "What did you say?" Akala ko ako ang kausap niya kaya naman halos tumalon ang puso ko sa nerbyos nang mapatingin ako sa kanya. "S-sabi ko uwi na tayo," tahimik kong bulong. Pero, hindi niya ako pinansin at tumagos ang tingin niya kay Jed.

"Narinig mo ang sinabi ko, pare. Kung natatandaan pa ni Savannah ang lahat, siya mismo ang magsasabi sa'yo na kasalanan mo ang lahat kung bakit kami naghiwalay. Hindi naging sa'yo ang kapatid mo kahit kalian, pare. 'Wag mong angkinin ang hindi mo pag-aari."

Hindi ko alam kung gaano kabilis ginawa ni Reed ang lahat pero marahan niya akong itinulak muna sa gilid bago niya sugurin si Jed at suntukin ito nang paulit-ulit. Napahiga ang kaibigan ko sa batuhan habang si Reed naman ay nagpatuloy lang sa pagsuntok dito at sa pagmumura sa kanya. Nakakasagot naman ng suntok si Jedidiah pero mas lamang talaga sa kanya ang kapatid ko kahit ano pang bato niya ng suntok.

Nang mag-snap out na ako sa gulat ko ay agad akong sumugod sa kanila at hinila nang marahas ang mga kamao ni Reed na parang tinatanggal na ang itsura ni Jed sa lakas ng mga suntok niya. "Reed! The hell! Tama na! Tama na!"

At that moment, I was truly afraid of my brother. Alam ko, kung hindi ko siya pinigilan sa pagsuntok niya ay baka hindi na maabutan si Jed ng umaga.

I didn't like this darker side of him.

"Jed, okay ka lang ba? My god." Halos maiyak ako nang maabot si Jed. Sobrang duguan ang mukha niya at 'yong isang mata niya ay nakasarado na. My god, Reed. Ano 'tong nagawa mo?

"Stay away from him, Savannah."

Ngayon ko lang napansin na nahagip din pala siya ng kamao ni Jed dahil may tama rin siya sa may gilid ng bibig niya. Siguro nakuha niya ito kanina habang nagsusuntukan sila. Pero wala akong pakialam at galit pa rin akong tumingin sa kanya. Nangingilid na ang mga luha ko sa mata. "What? Ano bang pinagsasabi mo? Alam mo, sa'yo dapat ako lumayo! Nakikita mo ba ang ginawa mo?!"

Pinilit ni Jed umupo at kausapin si Reed. Ngayon, inis na inis na ako sa kambal ko. Paano na lang pag sobrang napuruhan itong si Jed? Ano ang balak niyang gawin pag nangyari 'yon?! Ano ba kasi talagang problema niya at bigla bigla na lang siyang nanakit ng ganito?

"Ilabas mo si Destiny sa away natin, Jacob."

Dahil pinilit lang ni Jed na magsalita ay nagkanda-ubo na siya habang hawak ko. Dumagdag tuloy ang pagkainis ko kay Reed dahil dito. Wala akong paki kung pati siya ay hingal na hingal at nagrereklamo sa sakit ng kamao niya. Kita mo nga ang ginawa niya kay Jed! Hindi na makapagsalita nang maayos 'yong tao!

"Reed, kita mo ang ginawa mo?"

Kumunot ang noo niya habang pinupunusan niya 'yong dumadaloy na dugo doon sa nahagip sa may labi niya. "Fuck, do you think I care? That fucktard deserves it!"

Galit niyang sigaw sa akin. Lumapit siya sa amin ni Jed, kaya akala ko ay aamba na naman siya para suntukin itong isa kaya naman ay tinulungan ko nang tumayo si Jed para makalayo na sa baliw na kapatid ko. "Reed! Ano ba tama na! Ano bang ginawa sa'yo ni Jed ha?!"

Kahit na hindi naman pala 'yon ang pakay niya at lumapit lang siya para higitin ang braso ko ay hindi pa rin ako bumitaw sa pagkakakapit ko kay Jedidiah at ipinagtulakan siya papalayo.

"Come now. We're going home."

"No. Kailangan nating dalhin si Jed sa bahay niya para magamot itong mga sugat niya. Hindi ako aalis dito nang hindi ko naayos ang gulong ginawa mo." Tumingin ako kay Jed, may luha nang dumadaloy sa pisngi ko sa sobrang kahihiyan. "Jed, sorry talaga. Sorry–"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla bigla na lang niyang tinulak si Jedidiah kaya napaupo ito at hinigit na naman ang braso ko na parang gusto niya akong kaladkarin para lang masunod ang gusto niya. "Bitawan mo ako! Reed! Kuya! Sinabi ng–"

"Shut up and stop crying. You're coming with me. Uuwi na tayo."

He half carried and half dragged me away from Jed. Syempre naman nagpumiglas ako dahil hindi naman pwedeng iwanan na lang namin dito si Jed. At hindi pa siya nagpapaliwanag sa akin nang maayos kung bakit niya ito ginawa.

"Jedidiah! So-sorry!" Nilingon ko si Jed. Alam ko na kahit ngumisi siya sa akin at kumaway, alam kong nasaktan siya sa ginagawa niya. Halatang halata naman 'yon sa bugbog sarado niyang mukha.

***


Nanatili akong tahimik nang marating namin kung saan naka-park kanina ang kotse pero siya, bigla bigla na lang niyang pinagsisipa ang mga gulong ng kotse niya at nagpaulan ng mura sa ere. Tsk. Baliw. Nakakainis!

"Fuck! Fuck! I swear I'll kill that mother fu–"

Tinakpan ko ang tainga ko at tumalikod sa kanya. Ayoko pang pumasok sa loob at baka mas lalo lang akong mainis at magalit sa mga pinaggagawa niya. Gusto ko sanang magpalipas ng galit bago ako tumabi sa kanya sa kotse.

Umupo muna ako sa isang malaking bato habang siya ay nagtalukipkip ng kamay at tumayo nang tahimik sa may pinto ng Dodge Challenger niya.

Noong una ay iniwasan ko pang tumingin sa kanya dahil naiinis pa rin ako sa ginawa niya kay Jed. Because, the hell naman 'di ba? Siguro nga nando'n na tayo sa fact na baka may nasabi si Jed sa kanya o talagang magkagalit na sila dati pa, pero wala naman sa rason na suntukin mo na lang 'yong tao basta-basta at manguna sa pakikipag-away. Pwede naman siyang huminahon muna para hindi mangyari 'yon 'di ba?

Ewan ko kung ilang minuto ba nagtagal ang pagpapalamig ng ulo ko pero nung humupa na ay tiningnan ko siya. Nandoon pa rin siya sa exact spot na tinayuan niya kanina. Hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo niya pati ang busangot sa mukha niya. At kahit na hindi siya sa akin nakatingin, alam kong galit na galit pa rin siya dahil hanggang dito ay kita ko ang malalim na mga paghinga niya.

"Hey."

Nagpasya na akong maunang mag-sorry sa kung ano man ang kasalanang nagawa ko na ikinagalit niya. Baka naman kasi may nagawa ako kaya niya kami sinugod noong unang beses. Mas mabuti nang mag-sorry at maging mas better person sa mga oras na ito.

"Sorry." Pinunasan ko ang mga mata ko na natuyuan na ng luha kanina. Mukha na siguro akong gusgusing bata ngayon.

He didn't wait for a heartbeat and looked at me. Kung nakakapatay lang ang mga tiitig niya ay baka pinaglalamayan na ako ngayon. "Why?"

Hindi ko matagalan ang titig iya kaya umiwas ako ng tingin. "Hindi ko rin alam. Sa lahat? Ewan ko. Kung ano man ang dahilan mo kaya ka nagalit na lang bigla, sorry na."

Nang hindi siya sumagot ay tumayo ako at naglakad papunta sa harapan niya. He's a foot taller than me kaya naman wala pa siyang sinasabi sa akin pabalik ay nai-intimidate na ako. "Hindi ko naman alam na malaki ang galit mo do'n kay Jed. At mali din naman ang ginawa mo sa tao! Bakit mo kasi siya sinuntok!"

Hindi na naman siya sumagot sa akin at tinanggal lang 'yong bulaklak na inilagay ni Jed sa may tainga ko at bumalik sa pagkakatalukipkip. Hindi ko napansin na hanggang ngayon pala ay nando'n pa rin 'yon. "Reed, ano ba, talk to me. Kanina mura ka nang mura diyan tapos ngayon, hindi mo ako kinikibo!"

Huminga ako nang malalim. I needed to know why he's acting like that. Para siyang nagiging unreasonable sa mga ginagawa niya.

"Tell me, hindi lang 'yon ang ikinakagalit mo." Ginaya ko siya at nagpatalukipkip din ng kamay sa tapat niya.

His brown eyes were clouded with something dark and his mouth set into a thin line. Napaatras ako.

He looked dangerous.

"Get in the car."

When I didn't do what he asked me to do, he sighed in frustration and held my arms. Muntik na akong mapasigaw dahil napakahigpit ng hawak niya sa braso ko. Pero bago ko paman gawin 'yon ay hininto ko na ang sarili ko.

Ayoko nang galitin pa siya lalo.

"Tell me the truth, Savannah. Don't you like me?"

Masyadong mabilis ang mga pangyayari, nagulat na lang ako nang marahas niya akong isinandal sa may pinto ng kotse niya at ikinulong ang dalawang kamay ko sa gilid. "Kuya, ano ba, marinig ka ng mga tao dito. At bitawan mo ako."

Alam kong gumagawa lang ako ng dahilan pero nagsisimula na naman kasi siya. Kailangan kong pigilan bago pa lumalala.

"Fuck."

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari sa katinuan ko nang dahan dahan niyang ipadausdos ang labi niya sa may panga ko pababa sa may leeg ko.

"Kuya."

Pati ang paghinga ko nang malalim ay nanginginig na rin. Miski ang mga tuhod ko ay gusto na ring bumigay. Ganito na lang ba palagi? Sa tuwing tinutukso at ginagawa niya sa akin ang mga ganitong bagay, palagi na lang akong bibigay?

"You didn't like this?"

Lumibel ang labi niya sa nakaawang kong labi at hinipan niya ito. Pinagmamasdan niya ang reaksyon ko kaya naman nang napalunok ako sa kaba ay ngumisi siya.

"M-magtigil k-ka. Ilang beses ko nang sinasabi sa'yo na illegal nga itong gusto mo..."

Pasalamat ako sa diyos dahil kahit nahihilo na ako sa sobrang lapit ng labi niya sa akin ay nagawa ko pa itong maibulong sa kanya.

Akala ko pa naman ay makikinig na siya sa akin at titigil na sa kahibangan niya. But he just freaking smirked at me! Nakakainis siya! Hindi niya ako sineseryoso! Demonyo talaga!

Hindi ba niya alam? We're out in the open at kahit sinong mapadaan ay makikita nila kung anong ginagawa niya sa akin!

"It's only illegal if we get caught, baby."

Umiling ako at mas lalong nilakasan ang pagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa akin. "Reed. Stop. Ayoko na. Mag-usap tayo nang matino. Hindi 'yong ganito."

Hindi niya pinansin ang mga pakiusap ko at nagpatuloy ang labi niyang lakbayin ang mga sensitibong parte ng leeg ko. "What if I do this?" Naramdaman ko na lang na unti-unti niya na palang kinakagat at hinahablot pababa ang pinaka dulo ng tainga ko...

Oh my god. He really needed to stop.

Buong kalamnan ko ay nanginginig na sa ginagawa niya.

"Lu-lumayo ka na sa akin... please..." Sinubukan ko ulit na magpumiglas sa pagkakahawak niya sa akin. Pakiramdam ko ay na-distract siya dahil sa mga pinaggagawa niya kaya nung huling hila ko sa kamay ko ay nakuha ko na ring tanggalin ang sarili ko sa kanya.

Damn, Reed. Bakit ka ba nagkakaganito?

"Sinabi kong awat na e! This is too much kuya!" Itinulak ko siya papalayo sa akin kaya naman laking gulat ang narehistro sa perpekto niyang mukha.

Tiningnan niya muna ako nang masama bago sipain ang gulong ng kotse niya at tumalikod sa akin.

"Ano ba kasing problema mo ha?!"

"Nothing!" Sigaw niya pabalik.

Naglakad ako sa harapan niya pero umiwas siya ng tingin at ginulo gulo ang buhok niya na parang naglalabas lang siya ng galit. "Anong wala?! E halos balibagin mo na 'yong taong 'yon kanina!"

"He deserves it!"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Kinausap niya lang ako, Reed! My God!"

Seryoso siyang humarap sa akin. "He shouldn't have talked to you then."

"Bakit? Bawal na ba akong kausapin ganoon?"

"You didn't know him, Savannah!"

"Ikaw din naman! Kahapon lang kita nakilala!"

Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling pero bigla ko na lang naisigaw. I saw different emotions pass through my brother's face—anger, hate, disbelief... and finally, hurt. Hindi ko alam na maaapektuhan siya sa mga sinasabi ko sa kanya.

"That's why I am reaching out to you! But you keep on pushing me away! But him? He just smiled at you and you followed him like a fucking puppy!"

"E masyado ka kasing intense! Ino-overwhelm mo ako sa lahat ng ginagawa at sinasabi mo! At paanong hindi ko siya susundan? Alam niya ang mga nangyari sa akin dati! He knows me! He can help me to know my past! Makakatulong siya sa akin, Reed!"

"Sa tingin mo ba hindi ko kayang gawin 'yon?"

Hindi agad ako nakapagsalita at nagtititigan lang kaming dalawa.

At that point, I didn't know what else to say. Everything that's happening seemed like a blur. Ang dami kong hindi maintindihan... Ang dami kong tanong. Para bang itinapon lang talaga ako dito na walang memorya ng kahit ano, para lang mamroblema. Napaka-kumplikado na.

"And I did those things... I said those things because I care! I just want you to remember me! But you're so stubborn! You don't want to believe me!"

"Hindi naman sa hindi ako naniniwala! Kailangan ko lang ng oras para ma-digest lahat ng sinasabi mo sa akin! All I want is for you to slow down!"

"That's not what I saw out there, Savannah. I told you to stay away from him... that he's dangerous. But did you believe me?" Tumawa siya sa akin na parang nang-aasar. "Of course not. Pinagtanggol mo pa nga."

"Kasi sinuntok mo siya! Paano namang–"

"You know what? That's your fucking problem. You chose to believe everything he's telling you. You believed the words of a fucking stranger... a mother fucking liar but when it comes to me? Your brother? You always refuse to believe!"

Pareho na kaming sumisigaw ngayon. Nakita ko na siyang galit kahapon sa party nang magalit siya sa mga lalaking nakatingin sa akin, kanina kay Jed sa hindi ko alam na dahilan... Pero ngayon lang talaga sa akin nag-sink in kung gaano siya nakakatakot pag nagalit.

Nakakakaba kahit na alam kong paraan lang ito para mailabas namin ang galit namin sa nangyari kanina. Pakiramdam ko, kapag hindi namin ito naayos ngayon ay baka matatagalan pa bago kami magkaayos. Iba kasi ang galit na nararamdaman kong inilalabas ni Reed sa bawat pagsigaw niya sa akin.

"What now? So sa akin mo na ibinabaling ang lahat? Gano'n?"

"It's not what I meant!"

"Well bakit? He's just being friendly. And what did you do to him? You punched him! You're being unreasonable!"

"I'm being unreasonable because of you!"

Huminga ako nang napakalalim. Hindi ko napansin na sa gitna ng pagsisigawan namin ay halos magkatapatan na kami ngayon. Wala nang isang pulgada ang layo ng mga labi namin at kitang kita ko ang nanlilisik niyang mga mata. It's like we're sharing the same labored breathing. At hindi ito maganda... Dahil nagsisimula na naman akong kabahan.

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko pero kinailangan ko itong balewalain. Not now. I needed to focus. I needed to tell him that what he did back there, with Jed was wrong.

Jed was only trying to help me remember some things. At kailangan niya ring matanggap na hindi lang siya o ang mga pinsan kong mga lalaki ang makakausap ko sa hinaharap. Hindi lang siya ang pwedeng makatulong sa akin para maibalik ang memory ko. He needed to stop being too damn selfish and being too possessive sa akin na kapatid niya.

"I didn't ask for it! And stop acting like a jerk! Wala kang rason para saktan siya!"

"I have so many reasons to kill that bastard! Listen to me, Savannah. That man is dangerous. You shouldn't trust him."

"Then tell me! Bakit ba galit na galit ka sa kanya?!"

Hindi siya sumagot sa akin. Pinanood ko siyang magpalakad lakad at huminga nang napakaalalim na para bang pinipilit niyang pakalmahin ang sarili niya. He keeps on playing wih his lips and brushing his hair and it's bugging the crap out of me! Everything he's doing is putting me on the edge! Nakakainis!

"Nagseselos ka ba?"

Hindi ko alam kung saan ko nahugot 'yon pero 'yon ang unang pumasok sa isip ko nang tanungin ko ang sarili ko ng mga posibleng ginawa namin para ikagalit niya.

I came up with nothing dahil wala naman talaga akong maalala. Pero bigla ko na lang naisip na ito din ang rason niya kung bakit siya sa akin nagalit nung party. Dahil sa pagseselos sa mga lalaking tumitingin sa akin.

I knew I was being ridiculous, pero malay ko ba kung nakita niya ang paglagay ni Jed sa akin ng bulaklak kanina? Hindi ba't mainit din ang mga mata niya sa magkahawak naming kamay? And it all made sense. Naalala kong sinabi ni Jed kanina na si Reed ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay na dalawa. Kahit na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado kung totoo nga ang sinasabi niya... kung totoo ngang may relasyon ba kami dati o wala, posibleng dahilan din ito ng pagseselos ni Reed. Lalo pa't ilang beses niyang sinasabi sa akin na may namamagitan sa aming magkapatid.

"'Yon ba ang dahilan, Reed?"

Biglang napatingin tuloy ako sa bulaklak na tinanggal ni Reed kanina sa may tainga ko. Wasak na wasak na 'yon dahil inapak-apakan niya na ito.

"What if I say yes?" Mahina niyang sabi. Pero sapat na ang lapit ko sa kanya para malinaw na marinig 'yon.

"Bakit ka nagseselos e kapatid lang kita?"

Alam ko masakit ang sinabi ko. Pero bakit naman siya masasaktan kung totoo ito, 'di ba?

"Because you're not seeing me the way I see you!"

"And what's that?"

"Everything, Savannah. My everything."

Natameme ako. Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya. Pang-ilang beses niya na ba itong nagagawa sa gabing ito?

Damn.

Kailangan ko na itong ayusin. Everything was getting out of hand.

"Can I ask you a favor? Pwede bang layuan mo muna ako? Time out muna... Hindi ko na kasi kaya ang mga ginagawa at sinasabi mo. Everything... feels too much. This is too much, Reed. You're being too much. Nasasakal na ako sa presensya mo. You put so many things on my plate and I think I can't handle it.

Nao-overwhelm ako. Ang dami mo sa aking sinasabi at nasasakal na ako. You're too much. Please... just let me find myself first. I will try to find my memories back and I will get back to you. Just be my brother first before... anything else. Okay? And I get it if you'll be overprotective of me sometimes... kasi 'yon naman talaga yata ang role ng mga kuya pero... sana hanggang do'n na lang 'yon... Kasi kita mo na ang nangyari ngayon? Nakasakit ka na... Kaya pwede ba? I can't handle too much... and you're too much..."

***


We pulled out of the driveway. We spent two hours in the car totally not speaking. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman habang nasa biyahe. I just felt empty and tired after our fight. At masyadong maraming nangyari ngayong araw para ma-digest ko pa.

Hindi ko rin alam kung kakausapin ko ba siya o bababa na lang ng kotse na wala talagang pansinan.

Nakakalungkot lang talaga. Kasi we started the day happy and now we're like this. Ewan, gulong gulo na ako.

"Reed? Savannah?"

I was not sure kung dapat ko bang ikatuwa ang pagkatok ni Mama dahil nabasag niya 'yong sobrang katahimikan sa loob ng kotse o mainis dahil hindi ako nabigyan ng pagkakataon para itanong kung okay lang kaming magkapatid.

"Mga anak, can I talk to you for a minute?"

Medyo mahina ang boses ni Mommy, kaya ibababa ko na sana ang bintana ko nang maunahan ako ni Reed. Siguro ay kakauwi lang ni Mommy galing sa opisina kasi naka-work dress pa siya at alas nuwebe lang din naman ng gabi. "Hi Ma."

Ngumiti sa amin si Mommy. "Pinasyal mo kapatid mo, hijo?"

"Yes, Mom. We went to Montego."

Unang beses lang nagsalita ni Reed sa halos dalawang oras naming pagsasama at buong akala ko ay lumipas na ang galit niya... Hindi pa pala.

"Nag-enjoy ka ba, dear? Nakita mo sina Nana at Papi mo?"

Hindi ko alam kung nahalata ba ni Mama ang tono ng pagsasalita ni Reed pero kung napansin niya ito ay hindi siya nagpahalata.

"Opo, Mommy."

Tinapik ni Mommy ang kamay ko. "Thank you, Reed, sa pag-alaga mo sa kapatid mo."

From my peripheral vision, I saw my brother shrug. Great. Magpapanggap kaming walang nangyaring problema. "That's not a big deal. You know I'll do everything for her."

Tumango si Mommy sa sinabi ni Reed. Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi nakabukas ang ilaw sa loob ng kotse kaya hindi napansin ni Mommy 'yong namumula kong mukha at 'yong sugat sa gilid ng labi ni Reed o hindi niya lang talaga pinansin dahil sanay na siya. But nonetheless, nang bumaba na ako ng kotse at kumapit siya sa akin ay wala naman na siyang sinabi pa. Narinig ko rin ang malakas na pagbagsak ng pintuan sa may side ni Reed kaya inassume ko na nasa likod lang namin siya at nakasunod.

"Don't wait for me. I am not joining you for dinner."

Pinanood ko siyang mauna sa amin ni Mommy nang hindi man lang lumilingon sa amin.

I guessed that was for the best. Ito naman ang ginusto ko 'di ba? Ito 'yong sinabi ko sa kanya kanina... na layuan niya muna ako habang di pa ako sigurado sa buong pagkatao ko.

Pero bakit gano'n? Bakit pakiramdam ko, mali ang ginawa ko?

***


"Heeeeeey girl!"

Kinusot kusot ko ang mata ko at tumingin sa orasan. Pasado ala-una na. Bakit parang nasa labasan pa siya? 'Wag mong sabihin nagpa-party pa sila sa ganitong dis-oras ng madaling araw?

"Chelsea? Paano mo nalaman ang number ko?"

I sighed. It's been a tough day for me. Simula nang pumasok si Reed sa bahay ay hindi ko na siya ulit nakita. Kagaya nga ng sabi niya ay hindi siya sumabay sa dinner namin ni Mommy. Gusto ko sanang mag-sorry dahil nakokonsensya ako sa mga sinabi ko... Baka masyado ko siyang na-offend. Ang tagal ko siyang hinintay sa may sala at kusina kanina. Kaso wala talaga. Hindi talaga siya bumaba.

Pinuntahan ko pa nga siya sa kwarto niya pero hanggang pinto lang ako. Hindi ko man lang nagawang kumatok. Sa tuwing sinusubukan ko kasi ay naaalala ko ang mga sinabi ko sa kanya kanina at 'yong mga tingin na ibinigay niya sa akin matapos no'n. Kaya nawawalan ako ng lakas ng loob at bumabalik na lang ulit sa kwarto ko.

Ang sa totoo nga niyan, ngayon lang ako nakatulog dahil napuyat ako kakaisip sa mga nangyari sa amin ngayong araw.

Kailangan kong bumalik sa Montego at humingi ng tawad kay Jedidiah... at para na rin itanong kung bakit galit na galit sa kanya ang kapatid ko.

"Savvy! Halu? Like, nandyan ka pa ba? Of course, I know that number! That's my freaking phone! Hahaha!"

Dahil sa napakalakas na tawa ni Chels, nahugot ako pabalik sa realidad. "Like you should be here! 'Yong kuya mo kasi pinagbawalan kaming isama dito sa party! So KJ!"

"Chelsea, nasaan ka? Lasing ka ba?" Gising na gising na ang diwa ko ngayon. Ang ingay-ingay kasi nung nasa background nila Chelsea... Nasaan ba siya?

"Yo Couz!"

Nagulat ako kasi narinig ko ang boses ni Grey at kagaya ni Chels ay mukhang lasing na rin siya. So kung nandito si Grey, malamang kasama din sila Cole at ang iba pa. "Grey? Nasaan kayo? Lasing na yata 'yang si Chels, iuwi mo na 'yan!"

"The party just getting started! Pumun–"

"Hello? Grey? Chels?"

Biglang naputol ang linya. Pagtingin ko, ako pala ang na-lowbatt. Hindi ko kasi ito cellphone at iniwan lang sa akin ito ni Chelsea kaya hindi ko alam kung nasaan ang charger.

I was still staring at the blank space, when someone knocked at my door. Syempre nagtaka ako dahil hindi ko naman alam kung sino pa ang kakatok ngayong madaling araw.

"Sandali lang, nandyan na."

Akala ko si Mommy ang kumakatok para kamustahin ako or what o di kaya si manang. Pero pagbukas ko naman ng pinto ay wala namang taong nando'n. I thought na guni-guni ko lang ang mga katok dahil siguro sa sobrang pagod kaya muntik ko nang hindi makita 'yong isang litrato na nasa lapag.

Agad ko 'yon pinulot kasi namukhaan ko agad ang laman ng picture.

Picture ko 'yon. Nakapikit ako at nakalabas ang mga kamay sa bintana ni Reed. Naalala ko ito. Ito 'yong mga panahong pinipicturan niya ako kanina.

And then just like that, alam ko na agad kung sino ang nag-iwan nito sa pinto ko. Wala naman akong ibang kasama kanina at kumukuha ng mga litrato ko, kung hindi siya lang.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa pero tiningnan ko ang nasa likod. Naalala ko kasi ang una naming picture ni Reed na may nakalagay din sa likod.

Hindi nga ako nagkamali. May nakasulat nga doon. Pero hindi ako sigurado kung magugustuhan ko ba ito o hindi.

Don't worry, baby. If you want me out of your life for now, I'll give you that. If that is the only way I can make you happy, I'll do it.

Damn, Reed. Sinasadya mo ba talagang konsensyahin ako?

Continue Reading

You'll Also Like

416K 12.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
253K 13.3K 97
Pare-parehas silang tanga sa pag ibig. [ FINISHED] [ WILL EDIT IT SOON] Title: Stupidly In Love By; roosseeey Date Started: May 7 2020 Date Finished:...
46.2K 1.8K 51
Perfect Two Sequel After what happened to Tyrone, Calliy's life became miserable and full of surprises.