GRADUATION DAY|COMPLETED

By LittleCreepHeart

5.4K 433 36

Kapag bago ka, malaking katuwaan na ang magkaron ng kaibigan. Nung una maayos. Nung una masaya. Isang plano... More

TEASER
KABANATA 1
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
EPILOGUE
TO MY READERS

KABANATA 2

304 31 0
By LittleCreepHeart

KABANATA 2







"UMALIS kayo rito!", mas lalong humigpit ang yakap ni Ianna sa kaniyang sangol na kapatid na si Woni habang akap akop naman sila ng kanilang ina. Pinagbabato ang kanilang maliit na tirahan na gawa lamang sa pinagsama samang yero at mga pira pirasong plywood.

"Ma, umalis na tayo..." iyak niya. Maging ang kaniyang kapatid ay umiiyak na rin.

"LUMABAS KAYO DIYAN MGA SALOT!"

Nakarinig pa sila ng malalakas na pag kalampag sa kanilang pintuan na gawa sa yero. Mga kapitbahay nila iyon na gusto silang paalisin sa lugar. Kaunti nalang ay magigiba na ang kanilang munting bahay.

Kakamatay lang ng kanilang ama. Noong ipinanganak si Woni ay siya namang pag atake ng sakit ng kanilang ama. Namatay ito sa sakit nitong highblood at ibat ibang komplikasyon dala ng marami itong bisyo.

British ang ama nila, ngunit walang kapera-pera. Akala kasi nang nanay niya noon, porke foreigner, mayaman na. Nagtatrabaho noon ang ina sa isang bar at isa itong GRO. Doon nga nito nakilala ang tatay niya na akala ng nanay ay mayaman. Yun pala ay isa itong construction worker na nag hihirap din dito sa pilipinas. Sugarol at lasingero ang ama, nambubugbog pa sa tuwing walang makain at alang maipambili ng bisyo nito. Kaya heto walang nangyari sa buhay nila.

Kaya naman tatatlo nalamang silang pamilya at ayos na iyon. Kahit papano nabawasan ang gastos nila sa bisyo ng ama.

"MGA HAYOP KAYO! LUMABAS KAYO RIYAN!"

Halos masasakit na na salita ang mga naririnig niya sa mga kapitbahay. Sigawan at puro kalampagan sa kanilang pinto at sa pader nilang mga yero. May iba pa ngang sinusubukan ng kalasin ang mga ito dahil mabilis lang namang masira.

"Ianna, tara na! Kunin mo ang mga gamit mo. Dun tayo sa likod dumaan." Natataranta siyang inipon lahat ng gamit nila. Kakaunti lang naman iyon kaya wala silang masyadong hahakutin. Tanging mga kailangan lamang nila.

"PAPATAYIN KO KAYONG MGA SALOT KAYO!"

"MGA HAYOP!"

"ANAK KAYO NG DEMONYO! MGA PUTA!"

"HAYAAN NIYONG MAKAPASOK KAMI DIYAN NANG MAPATAY KO NA KAYO!"

Tuloy tuloy parin ang sigawan. Panay rin ang iyak ng kapatid niya kasabay ng kaniyang pag iyak rin. Natatakot siya sa maaring gawin ng kanilang mga kapitbahay.

Ang likuran ng bahay nila ay tambakan ng basura sa buong lungsod. Pinapaalis na nga sila doon ng mga otoridad ngunit nagmamatigas lamang sila. Kaya naman walang nang ahas na doon sa likod mag iingay ay dahil mahirap dumaan doon dahil bukod sa madumi ay napakabaho pa.

Nang mahakot na nila ang kanilang mga gamit ay agad nilang binuksan ang pintuan sa likod. Pagkabukas na pagkabukas nila ng pinto ay gayon nalamang ang panlalaki ng kanilang mga mata.

"Saan kayo pupunta?" Ngisi ng taong nasa arapan nila.



"IANNA? Ayos kalang anak?" Nabalik siya sa kasalukuyan ng kausapin siya ng kaniyang ina. Nakatulala na pala siya. Naalala nanaman niya ang nangyari sakanila sa dati nilang tirahan. Hindi na siguro iyon mawawala sa kaniyang isip, nakatatak na ang pangyayaring iyon.

"O-opo ma." Sagot niya sa kaniyang ina, na naglilinis ng kaniyang mga kalat. Kakatapos lamang kasi nilang gawin ang pag vi-video.

"Oh mag ayos kana. Pumunta ka sa bayan at i-upload mo na itong video." Utos ng kaniyang ina. Bakit ba kailangan niyang gawin ang bagay na iyon? Bakit ba siya pinanganak na mahirap lang? Bakit?

"Mama? S-saan na naman ba galing iyong k-kinain ko kanina?" Tanong niya na halos maluha luha at masuka suka. Sa totoo lang hindi siya nasasarapan sa mga karneng pinapakain sakanya ng kanyang ina. Pinilit lamang niya.

Hindi sumagot ang kaniyang ina. Tiningnan lamang siya nito. Napaluha nalang siya saka nagpunta na sa banyo. Maliligo siya at magsisipilyo ng sobra.

Ang laging soot niya sa pag vivideo ay ang isang sexy sando na kulay pula na halos kita na ang kabuuan ng kaniyang hinaharap. Binili ng nanay niya iyon sa halagang limang piso sa isang ukay-ukay store. Inaayusan rin siya ng kaniyang ina gamit ang mga mumurahin o low quality na mga make up. Para ms magmukha siyang maganda sa video.

Tiningnan niya ang sarili sa isang maliit at bilog na salamin na naroon sa banyo.

"Kaya mo pa ba Ianna?" Tanong niya sa kaniyang lumuluhang repleksyon.





***



"C'MON man! Maraming chiks dun!" Paga-aya ni Zon sa kaibigan niyang si Marco. Nakatambay lamang sila sa harap ng isang 7-11 store sa kanilang lugar. Gusto kasi niyang  isama na pumunta sa birthday party ng kaniyang girlfriend na si Elai.

Next week na ang pasukan nila at kailangan naman nilang maging masaya bago mag-aral ulit. Kailangan na kasi nilang mag focus ngayong taon dahil mga graduating na sila.

"GAGO ayoko! Birthday ng girlfriend mo tapos sa bahay nila Lynna gaganapin? Huwag na, man! Nakakahiya!" Napairap siya sa sagot ng kaibigan.

Mas matangkad sakaniya si Marco, mas malaki ang katawan at mas may itsura. Nagmana yata ito sa ama na isang black american. Siya naman ay hindi katangkaran, at pilipinong-pilipino ang mukha.

"Hindi ka pa din nakaka move on sa ex mo?" Natatawang pangaasar niya sa kaibigan. Ex kasi nito ang kaibigan ng kaniyang girlfriend. Si Lynna. Napatawa naman ito sa narinig. Nagsimula siyang mag lakad at sumunod naman ang kaibigan.

"Nakamove on na 'ko man! Saka natikman ko na yon, hindi masarap, ang payat e, puro buto, walang laman!" Sagot pa nito at ngumiti ng nakakaloko.

"Kaya nga sumama ka na gago! Marami kang chiks na pag pipilian doon!" Pag aaya niya pa. Sa makalawa na ang party. "May mapayat, mataba, sexy at iba pa! Ano, san kapa?"

"Ayoko nga! May gagaw—Aray!"

Napahinto siya ng natisod bigla ang kaibigan. Muntik na siyang masubsob sa daan buti nalang at malakas ang  pag balanse nito sa sarili. Tiningnan niya ang nakatalisod. Isang babaeng nakaupo sa daan at may hawak na cellphone. Nakatingin ito sa kanila at halatang nabigla din.

"Sorry n-natisod kita." Anito. Tumayo ang babae at humingi ng tawad kay Marco. "Hindi ko sinasadya"

Napangiti siya ng makita ang kabuuan ng itsura ng babae. Naka tshirt ito ng maluwang at naka shorts ng maiksi kaya kitang kita ang makinis at mapuputi nitong binti. Halatang halata rin ang kaniyang mga dibdib. Halatang malaki ito. Maganda rin ang babae.

"Naku, ayos lang miss." Siya na ang nagsabi. "Zon nga pala." Pagpapakilala niya at inabot pa ang kamay ng dalaga. "At eto kaibigan ko si Marco."

"Naku pasensya na talaga ha?"

"Ayos nga lang mi—"

"Gago ikaw ba yung natisod? Ako diba?" Saad ni Marco.

"Sorry talaga."

"Okay lang, next time huwag ka nalang tumambay diyan." Si Marco. "Ako pala si Marco, ikaw ano pangalan mo?"

"H-ha? I-Ianna. Ianna ang pangalan ko."




***




SOOT ang school uniform ay tinitigan ni Shatile ang kaniyang sarili sa salamin. Ayos naman ang katawan niya. Hindi mapayat at hindi rin mataba, sakto lang. Okay na sana e, yung mukha na lamang niya ang kaniyang problema. Kung pwede lang tanggalin at palitan ginawa na niya.

Napasimangot siya ng hawakan niya ang kaniyang mukha. Ang gaspang at talaga namang nakakadiri ang mga tigidig niya sa mukha.

"SHATILE! ANONG ORAS NA MALELATE KANA!"

Sigaw ng ina. Napabuntong hininga siya. First day of school na nila at graduating student narin siya sa higschool. Papasok ba siya? O magkukulong nalang. Napakarami na kasi niyang tigyawat sa mukha at nahihiya na siyang magpakita sa kahit na sino.

"SHATILE!" Katok pa ng kaniyng ina sa kwarto.

"O-opo ma, saglit lang!" napabuntong hininga siya. Kailangan rin niyang mag aral. Nakatira sila sa squatters pero isa ang pamilya niya sa medyo nakakaangat sa buhay. Sa buong squatters ay sila ang may maayos na tirahan kahit papano.

Ayaw niyang masira ang unang araw niya sa school dahil lamang sa nga tigyawat na dala. Kaya naman kinuha niya ang kaniyang foundation liquid at pinahiran ang kaniyang mukha. Napangiti siya dahil kahit papano, naglaho ang ibang pimples niya sa mukha.

"Okay na to." Saad niya bago lumabas sa kwarto.

"Ma! Alis na ako!" Paalam niya.

"Okay anak. Ingat ka ha? Kapag may nambully sayo tungkol diyan sa mga nasa mukha mo, sabihin mo lang sakin ha."

"Naku si nanay talaga, sige na aalis po ako."

Paalam niya. Pagkalabas niya ng bahay nila ay para bang naipon lahat ng chismosa sa may gilid ng mga daan. Nangunguna na doon si Aling Puring. Napailing nalamang siya. Bibilisan na sana niya ang paglalakad palayo dahil baka mapansin na naman siya nito pero mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.

"Nahanap na yung bangkay ni Karding!" Rinig niyang saad ng isa sa mga chismosa.

"Oh? Saan raw?"

"Ewan. Basta nahanap na! At alam niyo ba, nung nahanap ang bangkay, wala yung mga laman loob niya!"

"Naku nakakatakot naman yan! May aswang kaya dito sa lugar natin?"

"Nakakatakot talaga! Si Susan nga ay halos mahimatay nang makita ang bangkay!"

Napailing siya. Mukhang hindi kapani paniwala ang pinag ku-kwentuhan ng mga ito. Kahit kailan talaga oh, mga chismosa! Pero habang naglalakad siya, napaisip nga siya dahil ilang araw na rin talagang nawawala ang asawa ni Aling Susan na si Manong Karding. Umiiyak pa nga si Aling Susan habang pinag hahanap ang asawa.

"Hindi kaya, totoo ang pinag uusapan ng mga chismosa?"



-FOLLOW ME FOR MORE-

Continue Reading

You'll Also Like

14.9M 756K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
1.1M 6K 8
Twi different story in 1 book Book 1: THE NEW BOSS BOOK2: MY STRANGER GIRL
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
146K 1.6K 7
Title : Teach me Primo (RomCom-Hotseries) Hindi lubos akalain ni Michelle Hoffman na sa mismong araw ng kanyang kasal ay aatras si Carlo ang lalakeng...