When the Falls, Fell Into My...

By Pormecaso26

1.8K 383 23

Former Title : Happy Never After Completed | Rivervalde Series 1 Arturo Fernandez is a gentleman R2F fighter... More

PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28

CHAPTER 1

198 45 1
By Pormecaso26

Ala syete ng umaga ay nagising ako dahil sa lakas ng volume ng tv sa sala. Narinig ko na isang babae ang natagpuang patay sa ilog ng Hayana. Hindi pa sinasabi, kung paano siya namatay.

Nakita kong nasa interview si papa sa tv, kausap ng isang reporter. "Ano po ang masasabi niyo sa krimen na ito, Governor? May pag-asa po ba na, mabawasan ang ganitong klasemg krimen o maihinto manlang sa islang ito?" tanong ng reporter.

"Dumating sa akin ang balitang ito kaninang ala sais ng umaga. Agad din akong pumunta rito upang makipag-operate sa mga imbestigador. Hayaan niyo at, simula ngayon ay maghihigpit na ang ating mga kapulisan, para hindi kumalat pa ang ganitong klasemg krimen. At sa namatayan, nakikiramay ako," paliwanag ni papa.

Nasabi sa balita na dayuhan ang babaeng iyon sa Rivervalde. Kasi wala itong record sa munisipyo. Nilipat ko ang channel ng tv at nahinto ako sa isang palabas, dahil pamilyar sa akin ang bar na nasa background.

Mukhang may raid na naganap. Ngayon lang umaga, ang sabi illegal firearms daw ang mga nakumpiska.

Nang makauwi si papa ay masama ang timpla ng kan'yang mood kaya naman tinimplahan ko siya ng juice ay ibinigay sa kan'ya, "Here, pa. Mukhang mainit ang ulo mo," sabi ko at tinapunan niya ako ng tingin. Ngumiti siya nang bahagya saka niya ininom ang juice na tinimpla ko.

"What happened, pa?" tanong ko at umiling naman siya.

"Stress lang sa trabaho. Alam mo naman ang buhay politika, ang daming aligasyon, maraming sumbong, kaya minsan ay masakit na rin sa ulo. Hindi mauubusan," paliwanag niya at bahagya kong hinilot ang kan'yang mga balikat.

"Thanks, anak. Kumain kana ba? Where's your mom?" tanong niya at umiling naman ako.

"Hindi pa ako nakain, pa. And about mama, hindi ko alam eh," sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.

"I know may sama ka ng loob sa amin ng mama mo, lalo pa at kami ang pumili ng lalaking ipakakasal sa'yo, but don't worry. Gabriel is a good man. He's smart and kayang kaya niya akong tulungan dito sa hacienda. Mapagkakatiwalaan siya, sa katunayan ay siya ang nagpapatakbo ng rancho," paliwanag niya at bumuntong hininga naman ako.

"Alam kong matalino siya at kayang mag-handle ng negosyo. Pero hindi ko talaga siya gusto o mahal, papa. Sana maisip niyo rin po na, anak po ako. Nasasaktan po ako sa mga desisyon niyo na taliwas po sa mga gusto ko," paliwanag ko at narinig ko ang buntong hininga niya.

Binitawan niya ang kamay ko at nagsalita, "Maintindihan mo rin ang lahat. Huwag mo sanang bigyan ng kahihiyan ng pamilyang ito."

Naiwan ako sa sala nang tumayo siya at umakyat sa kwarto niya. Gobernador siya, may pangalan siyang iniingatan. Ganoon ba talaga kahalaga ang pangalan, kesa sa anak nila?

Lumapit sa akin si Aling Clara, umupo siya sa tabi ko at sinuklay ang buhok ko. "Dalaga kana talaga, Klare. Alam mo na kung ano ba talaga ang gusto mo. Nakakalungkot lang na lumaki kang dinidiktahan sa lahat," paliwanag niya. Nalungkot naman ako sa sinabi niya, totoo. Lumaki akong walang sariling desisyon.

Tumayo ako at nagpaalam kay Aling Clara, "Pakisabi nalang po kay papa na aalis na po muna ako. Babalik din po ako baga gumabi," paliwanag ko.

"Huwag mo na uulitin yung nangyari noon ha? Baka madamay nanaman ang driver at ang mga kaibigan mo," paliwanag niya. Naalala ko noong pinaghintay ko sila noong dinner, muntik nang matanggal si Mang Bon, at ang mga kaibigan ko? Pinalayo nila ako sa kanila. Sinasabi nilang bad influence raw sila akin, wala na nga akong karapatan sa buhay ko, tinanggalan pa ako ng kaibigan. Simula noon, wala na akong contact sa kanila.

Nagpahatid ako sa resto bar na napuntahan ko kagabi. Kung titingnan parang simpleng restaurant lang, pero sa underground mayroon silang bar kaya pwedeng mag-party kahit tanghaling tapat kasi madilim naman sa loob.

Doon ako pumasok, nakita ko na marami na rin ang tao rito. May mga nag-iinuman, sayawan, at kantahan. Nakita ko na may performer sa maliit na stage, naka-bra lang at shorts. Cow girl outfit.  Kumakanta siya at sumasayaw habang ang mga manonood ay aliw na aliw.

Habang nanonood ay inalok ako ng waiter ng isang glass ng beer. I don't usually drink beer, bit this time. I think I need this. Ininom ko 'yon habang nanonood sa performer.

Doon ko napansin ang isang lalaking nasa sulok, nanonood din sa performer. Nang mapansin niya sigurong may nakatingin sa kan'ya ay tumingin siya sa direksyon ko.

He's the same guy last night, kung hindi ako nagkakamali. May band aid pa siya sa kan'yang ilong, natamo niya siguro kagabi no'ng nakipagbugbugan siya.

Umiwas ako ng tingin at humarap sa counter. Magaling ang bar tender nila, infairness. Umorder ako ng isang tequila na agad naman nitong binigay. Matapos kong uminom ay narinig ko ang boses ng isang lalaki sa tabi ko.

"You look decent, you don't belong here," sarkastikong sabi niya at tinapunan ko siya ng tingin. Hindi ko siya pinansin, dedma lang. Nakita ko kung gaano siya ka-brutal kagabi. "So, what's your name little spoiled brat girl?" tanong niyang muli sa akin.

"What did you just say? I'm a spoiled brat?" inis kong tanong at natawa naman siya.

"As I remember, anak ka ni Gobernador Emmanuel," bulong niya sa akin. Paano niya nalaman? I mean, tatay ko lang naman ang famous.

"Hindi porket anak ng gobernador, ay spoiled brat na. So stop being judgemental, Mr. basagulero," ngiting sabi ko.

"I'm not basagulero. Business ko 'yon," nakangising sabi niya. What the heck? Business niya ang muscles and strength niya? Anong klaseng trabaho 'yon?

"Akala ko ba ay na-raid ito? Mabuti naman at patuloy parin ang serbisyo?" tanong ko.

"I don't know. Narito lang naman ako kapag may laban ako," nakangiting sabi niya.

"Oh, Arturo! Ready kana ba? Dito raw gaganapin laban mo ah? Hindi na pwede sa labas eh, baka may manghuli," paliwanag ng lalaking tumawag sa kan'ya.

So, Arturo ang pangalan niya. Sounds matured. I mean, bagay sa kan'ya because he's manly.

Hindi na niya ako nilingon pa at sumama na sa lalaking iyon, I don't care naman. Nagpatuloy lang ako sa pag-inom hanggang sa i-arrange na nila ang mga upuan sa gilid. Nagbigay sila ng malaking space sa gitna.

"Miss, pwede kang gumilid? Baka mahagip ka dito eh," sabi sa akin ng bar tender kaya naman naupo ako sa gilid, sa sulok.

Mayamaya lang ay lumabas mula sa restroom si Arturo, kasunod noon ay ang lalaking maskilado, mas matangkad sa kan'ya at mayroong hanggang balikat na haba ang buhok.  Mukha siyang wrestler sa wwe.

"Okay, ladies and gentlemen. Ngayon ay makakapanood tayo ng maagang live sa loob mismo ng bar. Hindi na tayo muna pwede sa laba, dahil may huli. Kaya magpalakpakan dahil nagawan ng paraan!" natutuwang sabi ng mc. Ang lahat ng nasa loob ay nagpalakpakan.

"Please welcome, Elias!" pakilala ng mc sa lalaking may malaking katawan. Pumunta siya sa gitna at tinaas ang dalawang kamay. Maraming nagpakpakan at isinagaw ang pangalan niya.

"ELIAS! ELIAS! ELIAS!"

"GALINGAN MO ELIAS! SA'YO AKO PUPUSTA!"

Dinig kong cheer nila para kay Elias. Hindi naman sa pagiging judgemental pero mukha siyang adik.

"And his opponent, Arturo!" sabi ng mc at mas lalong lumakas ang hiwayan, lalo na ng mga babaeng performers nila rito. Ultimate crush siguro nila si Arturo.

Pumantay si Arturo kay Elias, ngunit hanggang balikat lang siya ni Elias. Kahit na ganoon, malaki rin ang pangangatawan niya, ang kinis at ang puti ng balat niya. Kahit siguro pawisan siya ay mabango siya.

"Okay, ready na?" tanong ng mc kay Arturo at tumango naman si Arturo.

"Ready?" tanong ni mc kay Elias. Tumango lang si Elias, at tumingin nang may pagmamayabang kay Arturo.

Nakatalikod si Arturo ng magsimula ang laban. Mabilis na sumugod si Elias kay Arturo ngunit nasalo ni Arturo ang braso ni Elias, humarap ito kay Elias at marahas na binali ang braso ni Elias.

Lumundag sa ere si Arturo, umikot siya sa ere at pinulupot ang kan'yang mga binti sa bewang ni Elias. Nagulat ako sa ginawa niya. Umikot siya sa ere, nagawa ng mga binti niyang iikot si Elias, grabe ang lakas niya!

Napasubsob si Elias sa sahig at ininda ang masakit niyang braso at katawan. Mabilis din siyang tumayo, habang nagyayabang si Arturo sa crowd ay tinulak siya ni Elias.

Sa laking tao ni Elias, tumalsik si Arturo sa counter. Napasubsob siya doon, mabuti at nakailag agad siya nang akmang susuntukin siya.

Mabilis napunta si Arturo sa likuran ni Elias, agad na sinuntok ni Arturo ang tagiliran ni Elias, sa unang pagkakataon, nasiko ni Elias ang mukh ni Arturo.

Dumugo ang labi at ilong niya pero hindi siya napatigil noon, hinawakan niya ang buhok ni Elias at inuntog ang mukha nito sa counter. Hinawakan naman ni Elias ang katawan ni Arturo at inihagis sa sahig, ngunit nag-tumbling lang siya at maayos na nakatayo sa gitna.

Tumakbo siya palapit kay Elias at sumampa siya sa katawan ni Elias hanggang marating nito ang leeg ni Elias. Pinulupot niya ang binti niya sa leeg ni Elias sa likod, saka siya umikot sa ere.

Nawalan ng malay si Elias sa ginawa niya. Nagsigawan ang mga tao nang bumagsak sa sahig ang katawan ni Elias.

Maayos ang landing ni Arturo at lumapit sa kan'ya ang mga kaibigan niya, "WOAH! PANALO NANAMAN TAYO!" sigaw ng mga kaibigan niya.

Mas marami ang natuwa kesa nadismaya. Siguro, ay undefeated si Arturo. "Our winner for today is! ARTURO! WALANG KUPAS!" masayang sabi ng mc.

Inalalayan ng mga bouncer si Elias papuntang restroom. Hindi ko alam, pero palaging nagtatama ang paningin namin ni Arturo, he winked at me at grinned. The hell?

Mayamaya lang ay lumapit sa kan'ya yung babaeng performer kanina. Nag-abot ng towel at bottled water.

Girlfriend niya, I guess?

Lumabas na ako ng bar dahil wala na akong gagawin doon, nag-enjoy din naman ako sa panonood, grabe ang galing pala talaga niya sa martial arts.

Tumingin ako sa relo ko at quarter to three palang naman, kaya naman naglakad ako papunta sa Angano Falls. Medyo malayo kung sa highway ako dadaan, kaya naman nag-short cut ako sa kakahuyan.

Kaunti lang taong nagpupunta rito, kaya naman nang marating ko ang Angano Falls, ako lang ang narito.

Tamang tama, gusto ko rin maligo rito kaya naman hinubad ko na ang plain planel at shorts ko. May spaghetti naman at cycling akong suot kaya nag-langoy na ako. Iniwan ko sa batuhan ang  plain planet at shorts ko.

Masarap sa pakiramdam ang tubig, hindi sobrang lamig. Lumangoy ako hanggang sa marating ko ang likod ng talon. Naupo ako sa batuhan sa likod ng falls.

Ang sarap pakinggan ng talon, payapa rito at tanging talon lang ang gumagawa ng ingay. Nang marinig ko na parang may bumagsak sa tubig, bumalik ako sa tubig para sumilip.

Wala akong nakita, hanggang sa may magsalita mula sa likuran ko. "So, that's your clothes over there?" tanong niya at halos mapalundag ako sa gulat.

Lumayo ako sa kan'ya at saka siya nilingon. It was him, Arturo again. What the heck he's doing here? Is he following me?

"What are you doing here?" tanong ko.

"Bakit? Pagmamay-ari mo ba ang falls na ito? As far as I know, open ito para sa lahat," nakangisi niyang sabi.

Ang payapa kong pag-suswimming ay naalintana dahil sa lalaking ito. Lumangoy nalang ako palapit sa mga damit ko para magbihis. May panira ng moment eh.

"Where are you going? I just got here, so let's have some fun," nakangising sabi niya. Umiling ako at umahon na.

Bahagya akong nagpatuyo para hindi halata na nag-langoy ako kapag umuwi ako.

Hindi naman siya mapilit kaya mabilis akong nakaalis sa Angano Falls, iniwan ko siyang mag-isa, baka mamaya ay kung ano pa ang gawin niya sa akin. Lalaki siya at malakas siya.

Umuwi na ako at hindi pa naman madilim kaya hindi ako pinagalitan, 'yon nga lang parang masama ang timpla ng mukha ni mama.

"Where have you been?" tanong niya sa akin.

"D'yan lang po, mama. Hindi naman po ako lumayo," paliwanag ko at nagtaas siya ng isa niyang kilay. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang damit ko.

"You're wet."

"Okay fine, I went to Angano Falls to unwind. Happy?"

Dumeretso na ako sa kwarto dahil ayokong talakan nanaman.

Continue Reading

You'll Also Like

468 187 50
This story is an example of our daily life. Our struggles, hardships, happiness and friendship. We all have different ambitions/dreams that we want t...
3.2K 201 33
I once had a happy family As time goes by my father pressure me My mother died I made a mistake My boyfriend left me I let someone i knew entered my...
1.9K 261 36
Highest Rankings: #3 sunghoon #3 iusinger #9 cat A cat accidentally entangled two mortal's fates. They are not supposed to meet in this life, but it...
13.4K 899 48
Olivia Faye Eleazar will find herself in a world of deceit and lies. As she goes deeper, she slowly loses her identity and the truth about her life...