Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear

1.6K 41 6
By aefanfiction

"LOVE!?"

Napatingin naman ako sa hagdanan when I heard Erik's voice.

Hinahanap niya nanaman ako

"ANGELINE?!" ulit pa niyang pagtawag sa akin pero this time ay sa pangalan ko. Ano bang problema nito?

"Nagluluto ako!" I yelled back at nang siguro ay marinig niya ang boses ko ay kaagad siyang nagmadaling bumaba mula sa kwarto ko sa itaas.

Gulo gulo pa ang buhok niya nang lingunin ko siya.

Nakasando lang siya at boxer shorts pero siyempre, ang gwapo pa rin. .

Halatang kakagising niya lang.

Medyo nagitla ako nang bigla siyang yumakap sa akin habang abala ako sa paghahalo ng kaldereta.

"Akala ko umalis ka na." he dramatically said.

Mattouch na sana ako sa biglaang pagyakap niya sa akin kasi syempre diba, ang sarap sa pakiramdam nang yayakapin ka ng taong mahal mo sa umaga kaso may narealize lang ako.

I laughed, kapapanood niya yan ng Kadenang Ginto.

"Baliw! Kadramahan mo, bakit ako aalis e bahay ko 'to?"

May maieksena lang talaga siya minsan.

"Hmmn anong niluluto ng mahal ko? Mukhang masarap nanaman yan ah." sabi naman niya maya maya.

"Yung babaeng nag-I love you sayo kagabi sa event mo. Masarap daw siya kaya ginawa kong kaldereta." seryosong tono na sabi ko pero syempre biro lang.

KASI NAMAN ANG DAMING NAGA-I LOVE YOU SA KANYA!

Tawang tawa naman ang loko sa sinabi ko.

Ginulo niya ang buhok ko. Ano ba, magulo na nga ginulo pa lalo!

"Praning ka talaga. Mas masarap ka pa rin dun Love." sagot niya naman at muling sinipsip ang gilid ng leeg ko.

MYGAHD

Ayan nanaman yung lamok.

"LOVE!" malanding sigaw ko at hinila ang buhok niya para lumayo siya sa akin.

E keshe nemen.

"Hmmmn... ang sarap Love." tanging sagot niya at sumiksik ulit sa leeg ko.

Niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi tuloy ako makakilos nang maayos.

"Ano ba ang harot mo Love, nagluluto ako oh!" sagot ko naman.

Nanghihina yung tuhod ko dahil sa ginagawa niya eh.

"Oh edi magluto ka lang diyan." sabi niya at hinawakan ang isang kamay ko na nakahawak sa sandok habang ang isang kamay naman niya ay nakapulupot sa bewang ko.

"Eeeeehhh hindi ako makapagconcentrate. Nawawala ako sa sarili ko!"

Narinig ko naman ang sexy na pagtawa niya sa sinabi ko.

"I want you, Love." sabi niya habang hinahalikan ang gilid ng tenga ko.

WHUT?! ANG AGA AGA!

"P-pogs, mamaya na please! Kumain muna tayo."

"Gusto ko ngayon. Namiss kita Love."

"Mamaya na nga Love! Miss ka diyan, walang kasawaan sa akin?"

Kagabi pa siya nakaduty, kaya nga tanghali na kami nagising tapos miss pa rin?

Hinawakan niya naman ang mukha ko para iharap sa kanya habang nakaharap pa rin ako sa stove.

"Never akong magsasawa sayo mahal ko." sabi niya at hinalikan ako sa labi.

Di ko rin alam pero parang namiss ko rin siya. I kissed him back.

Hinawakan ko na rin ang pisngi niya.

I bit his lower lip while kissing him. Makaganti man lang, ang hilig niya akong kagatin eh.

Pero imbes na mainis ay parang mas natuwa pa siya sa ginawa ko.

Humarap na ako sa kanya at muli ko siyang hinalikan.

These lips are mine.

Nakasandal ako sa may island counter. His hands are now roaming around.

Naramdaman ko na unti unti niya nang itinataas ang damit ko.

Konti na lang bibigay na talaga ako.

We are sharing a very sweet moment.

"Hindi ko na kaya. Tara sa taas." bulong ni Erik sa tenga ko.

He was about to carry me nang mapatingin ako sa stove.

OMG

"Sh*t, yung niluluto ko!" sigaw ko at itinulak siya palayo sa akin para puntahan yung kalan.

Oh gosh!

Dahil sa kaharutan namin muntikan pa kaming masunog!

"Halaaaa omg, sorry kaldereta!" tiningnan ko yung niluluto ko. Kaunti na lang mawawalan na ng sarsa!

Rinig ko ang malakas na tawa ni Erik sa likuran ko.

Tiningnan ko siya nang masama.

Tuwang tuwa pa ang loko oh. Hindi ko kaya pakainin 'to?

"Ikaw kasi ang harot harot mo talaga kahit kailan."

"Oh ako lang? Ikaw rin eh. Kinagat mo pa nga ako." sabi niya at yumakap na muli sa akin.

Tingnan mo 'to.

"Tse, tingnan mo tuloy muntik na masunog yung kaldereta! Muntik pa tayong walang makain!" mataray na sabi ko.

"Okay lang, ikaw na lang ang kakainin ko."

BWISET!

"Ikaw napaka ano mo! Lumayo ka nga sa akin, pag magkadikit tayo lagi na lang may disgrasyang nangyayari!" sagot ko naman

"Normal lang yun kapag inlove." pilosopo pang sagot niya.

Talagang ijajustify niya pa ang kaharutan niya.

"Tse! Umupo ka na dun, kakain na tayo!"

Ibang kain ang nasa isip niya. Palagi na lang.

"Hmmn nabitin ako Love, itutuloy natin pagkatapos kumain. Wala ka nang takas mamaya." sabi niya at pinisil pa ang bewang ko.

Parang hindi man lang siya apektado sa pagtataray ko.

"Tse ewan ko sayo. Iwanan kita diyan eh!" sabi ko pa.

"You can't leave me, Sexy. You know that."seryosong sabi naman niya at hinalikan ako sa balikat bago umupo sa dining table.

I know.

Sabado ngayon at wala kaming trabaho pareho. We decided to just stay at my place kagaya ng nakasanayan namin kaysa lumabas pa para gumala.

Mas gusto namin ang ganito. Naeenjoy ko yung gigising ako sa umaga tapos ipagluluto ko siya ng mga paborito niya. Mahilig kasi akong magluto.

Sa tuwing nandito sa bahay si Erik ay hindi pwedeng hindi ako ang magluluto ng ulam dahil yun ang gusto niya. Halos lahat na nga yata ng paborito niyang ulam ay inaral ko na.

Feel na feel ko tuwing ganito na misis niya ako. Oh bakit ba?

Kanina ay madaling araw na siya dumating dito galing sa isang event niya kaya ayan, tinanghali kami ng gising. Alas onse na ng umaga.

Si Mama Bob naman ay sinamahan ni Ate Irene at Kuya Boy para sa regular check up niya kaya kaming dalawa lang talaga ang nandito sa bahay.

Nang matapos akong magluto ay kaagad ko nang inihanda ang hapagkainan. Siya naman ay nakaupo lang doon at abala sa telepono niya.

Hindi ko na lamang siya pinansin pero nang matapos na akong mag ayos ay hindi pa rin siya tapos sa kakapindot sa telepono niya kaya naman nagtanong ako.

"Ano ba yan Love, bakit parang busy na busy ka naman yata." usisa ko habang naglalagay ng pagkain sa pinggan niya.

Para namang natigilan siya nang nagtanong ako kaya medyo kinabahan na ako. He stopped using his phone at iniabot ito sa akin.

Kilala niya ako at kilala namin ang isa't isa.

Alam namin na kapag mga ganitong sitwasyon, ang tanging paraan para magpaliwanag ay ibigay ang cellphone para matapos na.

We are used to checking each other's phones at wala namang masama doon because we both agreed.

Ganoon namin minemaintain ang samahan naming dalawa.

Pagkatingin ko sa phone niya ay nakabukas dito ang isang email. Galing sa isa sa mga producer ng isang back-to-back concert niya sa abroad.

"Tuloy ka na sa concert mo?" I said.

He smiled at me bago hinawakan ang isang kamay ko. "Yes Love."

Hindi ko alam kung bakit imbes na maging masaya para sa kanya ay para bang nalungkot ako nang bahagya.

Aalis nanaman siya, maiiwanan nanaman ako mag isa.

Paano kung sa susunod na pag alis niya ay hindi na siya sa akin bumalik?

"So iiwan mo ako?"

I heard him sigh.

"Love, syempre hindi kita iiwan, aalis lang ako saglit pero babalik naman ako kaagad."

He'll be gone for three weeks. Sobrang mamimiss ko siya.

"Hindi naman saglit lang ang three weeks." parang maiiyak ko nang sabi. Ugh Angge, bakit umaarte ka nang ganito? Hindi na naman 'to bago sa inyo. "Sasama na lang din ako, Love."

Tumawa siya nang mahina at tumayo para yumakap sa akin patalikod.

"Hindi pwede Love. May promotion ka ng album mo di'ba? Tsaka magiging sobrang busy ako doon, hindi lang kita maaasikaso." he said.

"Hindi mo naman ako kailangang asikasuhin eh. Ikaw pa nga ang aasikasuhin ko. Gusto ko lang kasama ako."

"Ge naman, huwag ganto."

"Kung ayaw mo akong sumama edi h'wag ka na lang umalis."

Immature din ako oo, pero ayaw ko talaga siyang umalis ngayon. Gusto ko lang siyang makita araw araw.

Ramdam ko naman kay Erik ang kaba sa inaasal ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko eh, kung bakit ko sinabi ang mga katagang yun.

"Pero Love, concert yun. Isa pa, babalik naman ako kaagad. Hintayin mo na lang ako dito."

Hindi na ako umimik. Parang gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. Bahala siya, ayoko na siyang kausapin.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at umupo na.

"Kumain na lang tayo. Lumalamig na yung pagkain." I coldly said.

Sayang yung kaldereta.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ayaw ko siyang paalisin.

Ewan ko.
---------------------------------
*rings*

"ATE Irene, pakitingnan naman po kung sinong tumatawag."

Nasa isang singing event ako ngayon sa Bulacan at kasalukuyan pa akong inaayusan ng stylist at make up artist ko nang biglang tumunog ang telepono ko na nakapatong sa may lamesa.

Iniisip ko na malamang ay si Erik nanaman ito dahil paulit-ulit na lamang siyang tumatawag sa akin mula pa kanina na umalis siya ng bahay dahil sa hindi ko na siya pinansin matapos na nag usap kami kahapon tungkol sa pag alis niya.

Ewan ko rin talaga, nalulungkot ako na naiinis sa tuwing naiisip ko na tatlong linggo siyang mawawalay sa piling ko.

----FLASHBACK----

*opens the door*

"Love..." boses yun ni Erik. Galing siya sa labas ng kwarto.

I tried my very best to keep my eyes shut habang nakatalikod sa parte ng kama kung saan siya umupo.

Hindi ako sumagot.

"Love aalis na po ako." sabi pa ulit nito pero nanatili akong nagpapanggap na tulog.

Nagpapanggap lang pero ang ay totoo magmula nang magsimula siyang kumilos kaninang alas tres nang madaling araw para sa maagang calltime niya sa isang event ngayon ay gising na rin ako at pinapakiramdaman ko lang ang bawat pagkilos niya sa kwarto magmula nang bumangon, naligo, nag ayos, bumaba na malamang ay nagluto ng almusal at ngayon.

Nagguilty na nga ako sa totoo lang dahil lahat nang yun ay ginawa niya nang mag isa lalo pa na maaga ang alis niya dahil kadalasan o hindi lang madalas kundi talagang ako naman ang nag aasikaso sa kanya tuwing umaalis siya nang maaga para sa taping or shows.

Pero ngayon, eto ako at nag iinarte pa.

"Love, hindi mo ba talaga ako papansinin? Miss na kaagad kita. Paalis na ako oh. Hindi mo man lang ba ako kikibuin?" sabi pa ulit niya sa akin.

Para nanaman akong maiiyak, aalis na daw siya. Kahit na ang tinutukoy niya lang naman ay ang trabaho niya ngayon.

Hay naku Angge napakadrama mo.

Maya maya lang ay narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Alam kong gising ka eh, ako pa ba lolokohin mo e kilalang kilala ko na ultimo paghinga mo? Hay sige, basta pag naisipan mo nang gumising kunyari kumain ka na sa baba ha? Nagluto na ako ng almusal. Kumain ka bago umalis ha? Tatanungin ko mamaya si Ate Irene. Kailangan ko na kasing umalis Love eh, Sa Batangas pa ang event ko ngayon. Mag iingat ka rin mamaya sa taping mo ha? Papakasalan pa kita. I love you." mahabang sabi nito as if na sure talaga siya na naririnig ko siya.

Sabagay tama naman siya, siya pa ba ang lolokohin ko?

Akala ko naman ay aalis na siya pero naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako sa noo at hinaplos pa ang buhok ko bago ko naramdaman na ilang sandali ay tumayo na siya sa kama at narinig ko na ang pagsarado ng pintuan.

Nang maramdaman ko na na talagang nakalabas na siya ay tsaka lang ako dumilat.

Oo nga, umalis na. Ako naman ang napabuntong hininga.

Haaay Erik, bakit ba nakakakonsensya ka?

----END OF FLASHBACK----

"Ay Ma'am, nanay yata ni Sir Pogs." sabi nito sa akin kaya naman kaagad kong kinuha ang telepono para sagutin ang tawag.

Medyo kinabahan naman ako.

Bakit naman tatawag si Nanay Litz nang walang dahilan?

Para malaman ko ay sinagot ko na ang tawag. I tried to ease the slight anxiousness in my voice to cheerfully greet her.

"Hello po Nay!" masayang bati ko.

Yes, Nanay ni Erik ang kausap ko.

At oo,  nanay din ang tawag ko sa kanya.

"Hello Angie? Naku, ikaw nga iyan! Masiglang masigla naman talaga! Nasaan naman ang maganda kong anak ngayon ha?"

I smiled, she really calls me 'anak', sila ng tatay ni Erik. Ang sarap lang sa pakiramdam.

At dahil tinanong niya ay sinabi ko naman kung nasaan ako at bahagyang nagkakwentuhan kami dahil din hindi siya sanay na hindi ako madalas na nagagawi sa bahay nila.

"Basta ha, sa Linggo kahit nasaan ka pa galing na event kailangan umuwi ka kaagad dahil hindi pwedeng wala ka dito sa bahay." bigla namang sabi niya matapos ang mahaba naming pag uusap.

Eh?

Ano daw?

"Ha? Bakit po Nay, ano po bang meron?" I asked, di ko talaga maalala.

"ANO? NAKALIMUTAN MO NA BA?" sabi naman niya.

Nakalimutan? Bakit ano ban---

OMG, OO NGA PALA!

Shocks

"AH HINDI! HINDI PO NAY, NAALALA KO NA PO. OPO, PUPUNTA AKO PROMISE."

Paano ko nga ba nakalimutan yun?
---------------------------

"OH ito pa, tikman mo rin 'tong kare kare na niluto ko, sigurado magugustuhan mo rin 'to!"

Nakatitig lamang ako habang ipinagsasandok ako ng ina ni Erik ng kare kare.

Halos na lahat na yata ng inihain niya sa lamesa ay ipinatikim niya na sa akin.

"Nay, ako na po, kaya ko naman po yan!" sabi ko at akmang kukunin na sana ang sandok sa kamay niya

Pero nagpatuloy lang siya sa paglalagay sa plato ko ng ulam.

Hindi naman ako nahihiya, pero kasi, busog na talaga ako.

"Paborito yan ni Tenten, at alam ko na mas gusto niya na ang luto mo kaysa sa luto ko."

"Ay syempre hindi po Nay, mas gusto pa rin po ni Pogs ang luto niyo." sagot ko naman.

Natawa na lang ako, oo nga paborito nga ito ng anak niya. Kaya nga inaral ko nang mabuti kung paano lulutuin.

"Nay naman, hinay hinay ka naman sa pagpapakain kay Angge."

Napalingon naman ako sa nasa tabi ko, syempre sino pa ba.

"At bakit naman ha? E sa gusto ko siyang alagaan eh, kaya kailangan lagi siyang busog diba Angie?" masayang sabi ni Nanay Litz

Oo nga naman, bakit ba nangingialam siya?

Bida kapamilya talaga.

"Yan tayo eh, kaya tingnan niyo ang bilis sumikip ng mga damit niya. Kaya tumataba kapag nandito oh. Tingnan mo naman Nay yung braso niya." sabi nito at itinaas yung kamay ko and then he laughed.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nagawa niya pa talaga akong asarin e sa pagkakaalala ko hindi kami okay ngayon?

I heard them laugh nang makita ang reaksyon ko sa sinabi ni Erik at nang mapansin niya ito ay pacute niya lang akong nginitian at pasimpleng hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

Tatanggalin ko sana ang pagkakahawak niya sa akin pero hindi na ako nakapalag.

Ugggh pasalamat talaga 'to at nandito ang buong pamilya niya kundi kanina ko pa siya tinadyakan.

At pasalamat lang siya dahil mahalaga ang araw na ito para sa pamilya niya.

Kung hindi lang talaga.

And speaking of mahalaga...

"So Angie, kamusta naman? Ang tagal nating hindi nagkita anak ah!"

Napalingon naman ako, ang tatay ni  Erik.

"Uhm eto okay naman po, maganda pa rin." pabirong sabi ko na nagpangiti naman sa kanya.

Kasama namin ngayon sa dinner ang buong pamilya ni Erik. Ang mga magulang niya, ang tatlo niyang kapatid kasama ang asawa ni Ron at ang dalawa niyang pamangkin.

Kauuwi lang kasi ng tatay niya mula sa ibang bansa na nagtatrabaho bilang isang OFW.

Kung tutuusin ay kaya na naman ni Erik at ng mga ibang kapatid nito na tustusan ang mga magulang at bunsong kapatid nila pero mas gusto ng tatay niya na magtrabaho.

At kahit na bihira lang din kami magkita ng tatay nito ay di naman maitatanggi na malapit din talaga kami sa isa't isa.

Kagaya ni Nanay Litz, anak na rin ang turing niya sa akin.

"Ayan ang gusto ko sayo eh, talagang pareho kayo ni Tenten, napakagaling sumagot."

"Ay hindi naman po masyado, mas magaling pa rin po mangatwiran ang anak niyo, minsan nga po nauubos na ang pasensya ko eh, gusto ko nang saktan. Pwede ho ba yun?" sagot ko naman.

Syempre naman, kaya nga palagi kaming nag aaway ng anak niyo eh.

"Aba sige lang, ikaw na ang bahala sa kanya. Bugbugin mo kung gusto mo, bugbugin mo ng pagmamahal." sagot ng tatay niya sa akin.

Doon ay muli silang nagtawanan kaya nakitawa na rin ako. Pero deep inside, seryoso talaga ako sa tanong ko.

"*coughs* MOMMY, WATER!" napalingon kaming lahat nang marinig namin si Rhussia.

Nataranta ako nang makita kong nabubulunan siya at dahil ako ang nasa tabi nito kaya kaagad kong binigyan ng tubig at hinaplos sa likod ang bata.

Napasobra yata sa pagkain, maya maya ay naging maayos na rin naman siya.

"Okay ka na?" I worriedly asked.

"Yeah thanks tita." nagulat na lang ako nang yakapin ako nito bigla. "I love you!"

Napangiti naman ako.

"Nakuuu ito talagang baby girl namin, I love you too baby Rhussia. Kiss nga si tita." 

Kaagad naman ako nitong hinalikan sa pisngi at nag I love you ulit.

Hindi ko rin alam kung bakit sobrang malapit ang loob ko sa batang ito, marahil ay dahil nakita ko kung paano siyang lumaki.

Napakalambing na bata talaga ni Rhussia.

Hindi ko naman kaagad namalayan na nakatitig na pala silang lahat sa amin maging si Erik.

Okay medyo awkward yun. Nakangiti silang lahat kaya ngumiti na lang din ako.

"Uuuuy si Kuya titig na titig." pang aasar ni Ron kay Erik na nakatulala pa rin sa amin ni Rhussia.

"Nag umpisa ka nanaman! Tumigil ka nga diyan!" sabi naman ni Erik nang makabawi siya sa pagkatulala.

"Sus kunyari pa, pustahan nagfafamily planning ka nanaman sa isip mo. Aba gumawa na kasi para hindi na nanghihiram ng pamangkin, anong masasabi mo Ate Angge?"

"Ay naku Ron, anak agad? Mahirap magpalaki ng anak." sabi ko naman.

Tanging sabi ko at bahagyang umiling, kung ano ano talaga ang pumapasok sa isip niya. Hindi ko na lang siya pinansin sa pang aasar niya pa sa Kuya niya at nagpatuloy na lang kami sa pagkain.

"Nalulungkot ako parang gusto ko na ng bagong apo, Erik, Angge." halos sabay kaming tila nabulunan ni Erik sa biglang sinabi ng tatay niya.

Ganoon ba yun?

Kaagad naman akong uminom ng tubig.

"Sorry po, nakakagulat naman yan Tay. Ibang klase kayong malungkot ah." sabi ko

"At bakit naman iha?"

"Pag malungkot po kasi ako pera ang gusto ko eh. Kayo po apo." pabiro kong sabi.

"Aba kailan niyo ba kasi kami bibigyan ng apo ha? Kung ako nga ang tatanungin gusto ko na kayong magpakasal. Hindi na kayo bumabata ano pa bang kulang? Kung mahal niyo ang isa't isa bakit kailangan pahirapan pa? Gusto ko naman na madagdagan na ang magandang lahi ng mga Santos na may lahi ding Quinto."

Ako po, ako pa po ang kulang.

Isa pa ay nahiya din ako, ni hindi nga po kami magjowa ng anak niyo.

Okay parang magjowa na nga naman mas grabe pa nga pero basta, hindi pa rin talaga.

Tapos apo kaagad?

Magsasalita na sana ako pero naunahan naman ako ni Erik

"H'wag kang mag alala Tay, konting hintay na lang may bago na kayong apo. Mamaya nga yun ulit ang tatrabahuhin namin eh, mag-oOT kami."

Sa naging sagot niya ay pinalo ko siya sa braso.

Ni hindi man lang siya nahiya sa pamilya niya?
-------------------------------
SA BUONG GABI ay hindi ako nakaramdam ng kahit na anong ilang at kaba, masarap sa pakiramdam na makita at makasama sa isang buong pamilya na ang turing sa iyo ay bahagi na rin nila.

Naniniwala ako na anuman ang mangyari sa amin ni Pogs sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong mananatiling mahalaga sa akin, maging kami man sa huli o hindi.

At dahil nga sobrang saya ng naging pag sasama sama namin ng pamilya ni Erik ay halos nalimutan ko na rin na hindi nga pala kami okay.

Wow Angge nakalimutan mo na kaagad na nagtatampo ka dahil aaalis siya?

Ayan naalala ko nanaman.

*music*

Nang matapos kaming maghapunan at matapos akong tumulong kanila Nanay Litz sa pagliligpit ng lamesa ay napagpasyahan kong pumunta sa sala para sana magpahinga saglit nang bigla akong nakarinig na may tumutugtog ng piano.

Napaisip ako, isa lang naman ang marunong tumugtog ng piano sa pamilya nila maliban kay Erik, si Aya ang bunso nilang kapatid.

Huminto ako sa pintuan ng silid kung saan siya tumutugtog. Pinanood ko lang siya habang tumitipa sa piano.

Sa totoo lang ay sa lahat ng kapatid ni Erik, si Aya ang hindi ko masasabing sobrang malapit ang loob sa akin.

Hindi kasi katulad ng Ate ni Erik na si Ate Dhang at ni Ron na sobrang kasundo ko dahil pare pareho kaming magulo, si Aya ay lumaking tahimik at sige na nga, disente talaga.

Pinakinggan ko lang siya habang tumutugtog siya at sinasabayan din ng pagkanta. Sa pagkakaalam ko ay Kiss The Rain ang kantang iyon.

Napangiti naman ako, hindi maipagkakaila na bata pa lamang ay may hilig na sa musika si Aya.

Nang matapos itong tumutog at kumanta ay pumalakpak ako dahilan para lumingon siya sa akin.

Halatang medyo nagulat siya sa ginawa ko. Sorry naman.

"Ate..."

Lumapit naman ako sa kanya at tumabi sa kinauupuan niya.

"Ang galing mo na ah, tama pala yung suggestion ko sa Kuya mo na ibili ka ng sariling piano. Good job Aya!"

"Yeah, this really helped a lot. I am actually enjoying it. Thanks Ate." sabi nito at bahagyang ngumiti

Kagaya ng kuya niya, she's really into music. Kung sabagay, lahat naman silang magkakapatid.

Sandali kaming natahimik, hindi naman kasi kami talaga sobrang close. Kung si Ate Dhang siguro ngayon ang kausap ko, malamang walang tigil yun sa kakasalita.

"Uhm sooo, balak mo ring maging singer sa TV?" I asked.

"Hmmn not really, actually, I much prefer joining musical theaters. Kasi for me, people who belong there are really talented." she said

"Oh wow maganda yan. Dapat ngayon pa lang magpractice ka na para syempre someday, mapapanood ka na naming magperform."

"Yeah, that's why I am really planning to enroll for a theater workshop this coming vacation. Excited na nga po ako eh."

"Hmmmn edi mabuti atleast mattrain ka na nang maaga. Dapat kung yan talaga ang gusto mo, pagsikapan mo para maging gaya ka ng kuya mo."

"I know and besides I won't do it alone naman. Because Ate Keia promised to help and teach everything that she knows about theater." masiglang sabi niya.

Keia

"Uhm a-ahhh wow ganon ba?" parang natigilan ko namang sagot.

"Yes! Infact sabi niya she would help me to be like her and I really admire her ever since I first saw her on TV. She's so great. I want to have an ate like her so muchhhh! Yeah, I want her to be my ate." sabi nito at lumingon siya sa akin.

Hindi ko alam pero para bang may bahagyang kurot sa puso ko.

Naalala ko nanaman ang nangyari noong show ni Erik sa Pampanga noong nakaraan.

Kahit ako ay nagulat nang makita ko si Kei na nandoon. Maging ako ay hindi nakapagsalita nang makita ko siya pero pinigilan kong magpakita ng kahit anumang nakakadudang reaksyon.

----FLASHBACK----
"Hi Miss Keia!"

Keia. Anong ginagawa niya dito?

"Hello guys, it's nice to see you again." sabi nito at bumati sa mga fans ni Erik.

Woah, nice to see you again daw. Parang nasa classroom lang.

Bumaling naman siya sa aming dalawa ni Erik. Hindi naman ako makapagsalita. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin, like, hello?

Parang awtomatiko naman siyang napangiti lalo nang tumingin siya kay Erik pero nawala kaagad ito nang makita niya ako sa tabi nito.

Aba? Attitude?

Unti unti siyang lumapit sa amin. Nakaramdam ako nang kaunting pagkatense dahil sa presence niya.

May mga naglalarong tanong sa isip ko.

Bakit siya nandito gayong may event si Erik sa hotel na 'to ngayon?

Alam niya ba?

At kung alam niya, bakit naman siya nagpunta dito?

Ano ang dahilan niya?

Nagkataon lang ba o sadyang pumunta talaga siya?

Pero napalis ang lahat ng mga tanong sa isip ko nang nagsalita na siya. She's infront of us.

Hindi ko rin alam pero bigla kong inabot ang kamay ni Erik at hinawakan 'to nang mahigpit.

Ewan ko ba, para akong nakakita ng ahas na manunuklaw anytime kaya kaagad kong hinawakan ang kamay ng taong mahal ko.

Biro lang.

"Hi Erik, you did so well. You are such a great performer." sabi nito at inilahad ang palad na para bang nakikipagkamay pa. "And oh, hi Angeline."

Nakita ko na pasimple siyang tumingin sa kamay namin ni Erik na magkahawak.

Inaantay niya siguro na bitawan ako ni Erik para makipagkamay sa kanya.

AT GINAWA NGA NG LOKO.

Ugh! Nakakainis talaga!

Parang gusto kong maiyak kahit na sobrang babaw lang ng ginawa niya.

Binitawan niya ang kamay ko at nakipagkamay kay Keia.

NAKAKAIRITA, NAG EXPECT AKO ALAM MO YUN?!

Ayaw ko na, kaysa mag inarte ako dito ay mauuna na lang akong bumalik sa sasakyan.

Akmang aalis na sana ako matapos nilang magkamay nang bigla naman akong hilahin ni Erik pabalik at inilagay ang kamay ko sa bewang niya habang siya naman ay inakbayan ako.

Luh.

"Saan ka pupunta?" mahinang sabi sa akin ni Erik.

Halata sa mukha ng mga taong nakapaligid sa amin ang pagkabigla lalong lalo na sa mukha ni Keia.

Ano baaaaa?!?

Pilit kong itinatago ang kilig ko kahit na ang totoo ay kanina ko pa gustong tumili sa sobrang saya ng puso ko sa ginawa ni Erik.

Gustong gusto kong sumigaw ng 'Oh ano ka gurl?' sa harap ni Keia.

Charot ang sama.

"Thank you. I didn't know that you were here." sagot naman ni Erik nang muli siyang tumingin kay Keia.

Ako naman ay hindi nagsasalita.

Syempre, hindi natin ugaling sumabat kapag hindi kinakausap.

May manners tayo.

"Uhm yeah, actually, wala naman sa plan na manonood ako pero it so happen na I was already here to visit some of my relatives so I dropped by to support you." sabi naman ni Keia at pasimpleng tumingin sa akin.

Oh, so hindi pa siya prepared nang lagay na yan ha?

Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa.

Nakared siya na long dress at nakablack na heels with matching sling bag na red. Putok na putok ang make blush on at eye shadow.

Saglit na tumaas ang kilay ko. Hindi nga prepared ang ate mo.

"Ah ganon ba? Thank you. Well, you look nice tonight." pagpuri naman ni Erik sa kanya.

Hindi ko napigilang hindi lingunin si Erik dahil sa sinabi niya.

Nice?!

Sabagay, kung ikukumpara nga naman kaming dalawa ay mas mukha siyang disente tingnan kaysa sa akin. Formal event kasi ito kaya siguro ay naka ayos talaga siya.

Kaya nga hindi ako naniniwala na wala sa plano niya ang pumunta. At halatang wala sa plano niya ang makita ako dito ngayon. Oh well, sorry na lang siya.

Nahiya naman ako na nakamaong na white shorts pa na akala mo bibili lang ng facial mask sa Watsons.

Well, sabagay nakamake up at may pa-kulot pa rin naman ako. Talo talo na.

"Really? Thank you, it's nice to hear that from a very handsome man like you."

Wow okay.

Saya ka ghourl?

"Uhm pauwi na kami ng Manila. Are you going to stay here o baka gusto mo nang sumabay?" biglang sabi naman ni Erik.

Doon ay medyo natigilan ako.

Ano daw? Inalok niya si Keia na sumabay sa amin?!

Ugh hindi--- ay oo nga pala hindi ko van yun. Sorry naman maattitude lang.

Pero paano ko siya masosolo sige nga?!

"Uhm no. I'll stay here pa eh. Maybe I'll still be here for two days before going back to Manila." sagot naman nito.

Parang nabunutan naman ng tinik ang puso.

Haaay salamat naman Lord.

"Oh I see. Then, mauna na kami? Pagod na rin kasi si Angge eh."

Kumunot ang noo ni Keia sa sinabi ni Erik

"Pagod?" she said

Mukhang iba ang iniisip niya oh well.

"Oo. Galing pa siya kanina sa trabaho. Isinama ko lang talaga siya dito." sabi ni Erik at nilingon ako.

Naramdaman ko naman na parang na-stiff si Keia sa sinabi ni Erik.

Aaminin ko ang awkward ng itsura namin ngayon. Pansin rin na naawkward-an si Keia habang nakikipag usap pero wala naman akong pakialam.

Siya ang mag adjust.

"Uh yeah, halata nga." tumingin ulit kay Erik "So yeah, see you when I get back? Maybe we can hang out?"

Halata naman kasi na hindi ako ang kinakausap niya. Si Erik lang.

Tsh hang out.

Gusto mo leeg mo ang i-hang ko?

Pero tumango naman si Erik.

"Yes, we'll see you soon."

I looked at Erik pero parang wala lang naman sa kanya. He seems so casual habang nakikipag usap kay Keia.

So, baka nga napaparanoid lang ako?

"Uh, I'll go na. Bye Erik." malambing na sabi nito bago tumingin sa akin, "Bye Angeline."

----END OF FLASHBACK----

Hindi ko naman mapigilang hindi titigan si Aya.

Gusto niya nga si Keia, malamang mas gusto higit pa sa pagkagusto niya sa akin.

Wala naman akong dapat na ikalungkot o ano dahil malamang naman ay talaga humahanga ito kay Keia dahil pangarap nitong maging kagaya niya.

Isa pa ay bata pa siya, siguro ay hindi niya rin naiintindihan kung ano kami ni Erik sa isa't isa.

Pero bakit parang may mali?

Hindi ko mapigilang hindi mangamba.

Sana lang, sana talaga hindi ako tama.
--------------------------------
PASADO alas nwebe na ng gabi, nang matapos kaming mag-usap ni Aya at nang umakyat na ito sa kwarto para tapusin ang mga assignments nito ay napagpasyahan ko na lang na tumambay muna sa bakuran nila.

Inaantay ko rin kasi na bumaba si Erik para makapagpaalam na ako na uuwi na ako.

Siguro ay mag g-Grab na lang ako dahil wala naman akong dalang sariling kotse dahil sinundo niya lang ako kanina.

Syempre, hindi pa rin kami okay, pumunta lang naman ako dahil sa pamilya niya.

Umupo lang ako sa isa sa mga upuan dito sa garden nila at tumingala sa kalangitan.

Hindi maulap ngayon kaya maraming mga bituin. Ang gaganda ng mga bituin sa kalangitan.

Naalala ko pa nung high school ako, itinuturo sa amin yung iba't ibang anyo daw ng mga bituin. May big dipper at kung anu ano pa. Pero sa totoo lang, wala naman akong matandaan kahit na isa. Basta ang alam ko lang, kumikislap ang mga bituin sa langit kapag wala na ang liwanag ng araw.

Parang tayo lang na kahit gaano kadilim ang buhay, patuloy pa ring nangniningning at nakikisabay sa iba.

Tahimik ang buong paligid nang maramdaman ko na may dahan dahang yumayakap sa akin mula sa likod.

At dahil hindi naman 'to horror, malamang naman ay hindi engkanto ang yumakap sa akin.

Wala namang ibang gumagawa sa akin nang ganito. Amoy pa lang niya ay kilala ko na, walang duda.

Ang bango. Kung hindi lang talaga kami magkaaway nito eh, nako.

I remained silent. Iniisip ko kung magpapaalam na ba ako na uuwi na ako pero bigla naman siyang naunang magsalita.

"Love? Paalis na ko sa isang araw. Hindi mo pa rin ba ako papansinin?"

Oo nga pala, flight niya na sa isang araw and yet heto at nag iinarte pa rin ako.

Hanggang ngayon mabigat pa rin ang puso ko, hindi ko alam kung bakit.

Hindi naman ako kumibo lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Inilapat niya pa ang baba niya sa isang balikat ko habang medyo nakapilig ang mukha sa pisngi ko.

"Mamimiss kita nang sobra Love. Ayaw kong umalis nang hindi tayo nagkakaayos. Lalo akong malulungkot niyan doon."

Nagsisimula nang tumulo ang mga luha ko sa hindi ko malamang dahilan.

Tila nagtaka naman siya kung bakit ako hindi umiimik.

"Bakit di ka nagsasalita? Galit ka ba talaga?" sabi niya at umupo sa tabi ko para tingnan ako. Doon ay hindi na ako nakaiwas sa tingin niya at nakita niyang umiiyak na nga ako.

Nakakainis naman eh!

I heard him sigh. It's as if like nasaktan siya na nakitang umiiyak nanaman ako.

I know how much Erik hates seeing me cry.

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.

Naaalala ko pa yung unang beses na nakita niya akong umiyak. Siya rin ang nagbigay ng panyo sa akin.

Hanggang ngayon, siya pa rin ang nagpapatigil sa pagluha ko.

"Alam mo namang ayan ang pinakaayaw ko sa lahat diba? Ayaw na ayaw kong umiiyak ka." sabi niya sakin.

"Ge, kung pwede lang talaga, isasama kita pero kasi alam ko naman na hindi pwede dahil may trabaho ka rin. Paano ako aalis kung nagkakaganyan ka? Parang mas gusto ko na hindi na lang tumuloy kung nagkakaganyan ka na hindi pa man ako nakakaalis."

Medyo napatigil ako sa sinabi niya.

Hindi siya tutuloy nang dahil lang sa drama ko?

Pero...

Medyo nakonsensya naman ako. Bakit ba kasi hindi ko siya maintindihan?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at yumakap na ako sa kanya. I buried my face on his chest na para bang ngayon pa lang ay namimiss ko na kaagad siya.

"Sorry Love, sobrang selfish ko. Alam ko naman na mahalaga to sayo eh, sorry talaga. Mamimiss lang talaga kita." sabi ko habang walang tigil pa rin sa pag iyak.

Bakit ba ako nagkakaganito?

Naramdaman ko ang unti unti niyang paghaplos sa buhok ko.

"Shhhh no, you don't have to apologize love, naiintindihan ko naman na nalulungkot ka. Kasi kahit ako nalulungkot ako at nag dadalawang isip kung dapat ba akong tumuloy o hindi. Ayokong maiwanan kita."

I am really blessed to have a very understanding man in life. Sobrang swerte ko.

"No Love, dapat tumuloy ka. Nag overthink lang ako pero Pogs gawin mo 'to. Huwag mo na akong isipin." I said "Pero Love, baka naman pagbalik mo magbago na ang isip mo, baka pagbalik mo, iba na ang gusto mong balikan, hindi na ako."

Hindi ko na napigilang sabihin. My doubts are really eating me up.

Umiling siya at hinawakan ako sa pisngi. "Love, hinding hindi mangyayari yun dahil sayo at saiyo lang ako uuwi. Babalik ako agad promise yan."

"Talaga?"

He nodded and kissed me. Ngayon pa lang mamimiss ko na talaga siya.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Narealize ko na dapat naiintindihan ko siya dahil pareho kami ng trabaho at ang mga pangarap niya ay pangarap ko rin.

Pero hindi ko lang talaga maiwasan na matakot lalo pa't hindi ko alam kung hanggang saan ba namin kayang ilaban ang relasyon naming dalawa.

Sana nga Erik, sana pagbalik mo ako pa rin at ako lang ang uuwian mo.

"Oo kaya h'wag ka na umiyak kasi lahat nang ginagawa ko, para 'to sa future natin diba?"

Future talaga?

Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa sa sinabi niya.

Tumango na lang ako bilang pag sang ayon.

Hindi pa man ako nakakapag isip ng isasagot sa kanya ay bigla naman siyang humawak sa tiyan ko.

"Para kay baby."

Ano daw?!

Doon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi siya hampasin.

"Anong baby ka d'yan? Sapakin kaya kita?!" natatawang sabi ko at yumakap muli sa kanya. "Dapat kasi wag ka nang umalis e hay, mamimiss kita Love, bumalik ka kaagad ha? 'Pag di ka bumalik at nambabae ka don ibebenta ko lahat ng kotse at mga relo mo."

He then looked at me with disbelief pero natatawa pa rin.

"Love naman? Wala namang ganyanan."

"Seryoso ako Erik Santos kaya wag mo akong subukan."

Talagang gagawin ko yun kapag niloko niya ako, baka pati mga lupain niya ibenta ko na.

Tumawa naman ulit siya.

"Haaay bakit ba napakastrict mo? Hmmn okay sige sige para walang gulo, uuwi ako sayo nang buong buo. Alam ko naman na ako lang ang gusto mo. I love you Sexy, wag mong kakalimutan yan ha?"

I smiled, "I love you too, Pogs. mahal na mahal na mahal kita." sabi ko at this time ako naman ang humalik sa kanya.

Syempre pambawi sa two weeks na mawawala siya, yung halik na kapag may nakita siyang ibang babae, palaging magpapaalala sa kanya na may Angeline siya sa buhay niya.

We are really enjoying the moment pero pinutol ko rin dahil nakakahiya naman kung makita kami dito ng mga kasama nila sa bahay.

"What the--- bakit?" medyo naiinis niyang sabi nang humiwalay ako sa kanya.

Galit na galit ah.

"Anong bakit? Naakakahiya, nasa garden tayo, baka may makakita sa atin. Mamaya makita pa tayo ng mga magulang at kapatid mo."

"Oh e ano naman? Edi manood sila."

Muntik naman akong mapamura nang wala sa oras sa sinabi niya. Wala talaga siyang preno minsan. "ANO ERIK?!"

Pero hindi niya lang ako pinansin

"Ugh bitin nanaman! Nung isang araw din hindi na natuloy dahil sa kaldereta!" I even heard him murmured.

He held my hand at hinila ako

"Tara."

"Huh teka teka? Saan?" medyo natatawa kong sabi.

Alam ko naman kasi kung anong ibig sabihin niya.

"Doon. Sa favorite place." sabi niya at ngumuso para ituro ang bintana ng kwarto niya sa taas.

"Narinig mo naman diba sabi ko kanina sa nanay mo uuwi ako, hindi, tara na ihatid mo na ako."

"Sos naman tingin mo na naniniwala sila Nanay na makakauwi ka ngayon? At tingin mo rin ba papayag pa ako ngayon na takasan mo ako ha?" hinawakan niya ako sa pisngi "No Love, akin ka lang, dito ka hanggang bukas. babawi tayo."

I laughed, siraulo talaga "Babawi saan ha?"

"Hmmmn babawi, alam mo na, babawi ng tulog. Tara na nang makadami... makadami ng panaginip." sabi niya at kinindatan ako bago niya ako hinalikan nang mabilis sa labi at patakbong hinila papasok sa loob.

Tama, kailangan nga naming bumawi--- sa tulog.

Continue Reading

You'll Also Like

38.7K 1.2K 36
Could ex lovers become ex-tra ordinary friends?
74.1K 3.6K 61
"Maaari bang itama ng isang pagkakamali ang dati pang isang mali? Magiging tama ba ang mali kung ang dahilan mo ay pagmamahal?" They broke up two yea...
16.3K 417 14
Any kinds of one shot story that you will witnessπŸ’™πŸ’™ kieflyπŸ’™
509K 21.2K 57
Meet Porsche Kaligayahan. She's the most angelic, innocent and pure woman you'll ever meet. She's almost perfect. Beautiful, smart, talented, kind...