Dance Of Fate [Serano Duology...

By dEmprexx

24.6K 490 32

Serano #2 [Completed] They said we were bless to have a chill relationship. Our family were supportive, we ha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue

Chapter 22

726 16 0
By dEmprexx

Chapter 22

Emergency

Maagang enrollment ang naganap sa university kaya alas tres palang ay nakabihis na ako. Hinihintay ko nalang si Calvin, sabi niya malapit na raw siya. Maaga kami dapat makapila para hindi kami maubusan ng slot, ubusan din kasi lalo na sa mga magagaling na prof.

Lumabas na ako sa kwarto, wala pa akong magawa kaya kinuha ko na ang rice cooker tiyaka nagsaing ng kanin para pagkagising nila ay iinitin nalang nila ito. Habang hinihintay kong maluto ang kanin, tiningnan ko muna ang kwarto ni Anjo para tingnan silang dalawa ni Karlo baka kasi hindi pa sila natutulog. Minsan ay inuumaga nila sa kakalaro sa isang mobile game.

Nang maluto ay inalis ko na sa pagkakasaksak ang rice cooker tiyaka naglagay ng note na initin nalang. Magpiprito pa sana ako ng almusal nang mag vibrate ang cellphone ko.

Calvin:

I'm outside.

Hindi ko alam pero napangiti nalang ako bigla. Kinuha ko na ang envelope kung saan nakalagay ang grades ko na nakaprint. Chineck ko muna ang laman ng back pack ko kung kumpleto na ang mga gamit ko. Mabuti nalang at matataas ang mga nakuha kong grades noong first year kami dahil hindi ako nawalan ng scholarship. Nag-apply pa ako sa ibang scholarship para hindi na magkaroon ng problema sina mama sa allowance ko.

Inayos ko ang jacket ko dahil malamig kapag madaling araw. Nag-message narin sa akin si Misha na papunta narin sila sa university.

Sinarado kong mabuti ang pintuan tiyaka tumuloy sa kotse ni Calvin. Oo nga pala, hindi ko pa siya napapakilala kina mama dahil hindi pa naman tapos ang bakasyon.

"Good morning" bati niya sa akin pagkapasok ko palang. Ngumiti ako sakaniya tiyaka ko rin siya binati. "Did you eat breakfast?" Tanong niya sa akin. Ngumuso ako dahil hindi pa ako nakakain ng breakfast.

"Nag kape naman ako" ngiting sagot ko sakaniya pero kumunot ang noo niya.

"So you didn't eat breakfast. Let's have a drive thru" wika niya bago nagsimulang magdrive.

"Ako na magbabayad sa order ko" wika ko sakaniya habang nagmamaneho siya, aangal na sana siya kaso nagsalita ulit ako "May tatlong choices; Una, ako magbabayad sa order ko. Pangalawa, ako magbabayad sa order ko at order mo. O pangatlo, hindi tayo kakain" napaawang ang labi niya sa sinabi ko kaya napangisi ako.

Ayaw ko na lagi niya akong nililibre. Alam ko naman na nakasanayan na nating mga Pilipino na ang laging gumagastos kapag lumalabas ang magkasintahan ay ang lalaki pero para sa akin mali na laging lalaki ang gumagastos, kailangan pantay lang ang gumagastos. Minsan, kung sino pa ang sumisigaw ng gender equality isa rin sa mga sumisigaw na lalaki ang dapat magbayad.

"You always know how to get me" umiiling na wika niya. Natawa ako, pati naman siya alam niya kung paano ako hulihin.

Dumaan kami sa isang fast food chain tiyaka nag order ng breakfast meal. Pumayag siya na kanya-kanyang bayad kami ngayon. Habang kumakain kami papunta sa school ay tumunog ang cellphone niya. Pinindot niya naman ang screen sa kotse para sagutin ang tawag.

"Dude, nasaan na kayo? Ang dami ng nakapila. We're not high school anymore" rinig kong wika ni Jeff sa kabilang linya.

"Malapit na kami" sagot ni Calvin. Narinig ko ang pagsinghap ni Jeff sa kabilang linya.

"Baka maunahan pa kayo ng iba, bilisan niyo na habang hindi pa nadadagdagan ang mga nasa pila" tumango si Calvin na para bang nakikita siya ni Jeff tiyaka pinatay ang tawag.

Hindi na binilhan ni Calvin sina Jeff ng breakfast meal, sabi niya sure siya na nag drive thru narin ang dalawa dahil mangungulit si Misha.

Nagpark na si Calvin tiyaka kami bumaba. Tinawagan ko naman si Misha para itanong kung saang banda sila. Makarami naman si Jeff akala mo isang daan na ang mga nakapilang estudyante. Nasa mga singkwenta palang siguro.

Kaagad namin silang nakita sa pila dahil malaki ang nakapabilog na grupo sa kanila. Tiningnan ko si Calvin pero nakakunot ang noo niya na para bang walang alam sa nangyayari.

"Nandito mga pinsan mo?" Takang tanong ko sakaniya. Sinuri niya munang mabuti ang mga pinsan niya na nakikipagtawanan na kina Jeff.

"I didn't know that they'll enroll today" kibit-balikat na sabi ni Calvin "Kung alam ko lang sana hindi na tayo nag enroll ngayon" dagdag pa niya. Bahagya ko siyang hinampas sa braso.

"Oy nandito na pala ang love birds" asar ni Harper kay Calvin.

"Hello! Good morning" bati ko sakanila. Kaagad naman bumati sa akin si Terrence.

"Why are you here? Bakit nakikipila ka rito Leonardo e freshman ka naman at hindi ka mauubusan ng slot?" Takang tanong ni Calvin kay Leonardo. Kapag kasi freshman ka rito, mag enroll kalang tas bibigyan ka na ng schedule ng Registrar.

"Sinamahan ko lang sila. Besides, bad trip si kuya" kibit-balikat na sagot ni Leonardo.

"Broken hearted si Leondale e" natatawang dagdag pa ni Terrence "Bagay silang magsama ni Charles" dagdag pa nito.

"Susunod na niyan si Terrence" natatawang wika ni Harper dahilan kaya binatukan siya ni Terrence. Bahagya akong natawa.

"Asshole. Women beg for my attention" mayabang na sagot ni Terrence sakaniya.

"Wow! Tingnan lang natin yang beg for attention mo when you are the one who beg for attention and love for the women you will fall for" singit ni Misha. Kaagad na umapir si Harper kay Misha. Natawa si Lenardo sakaniya.

"I like your line!" Wika ni Leonardo kay Misha. Unang kita ko palang sakanila alam ko na may pagka-bad boy at pilyo si Leonardo kaya lagi siyang sinasaway ng mama niya.

"What about the girl they link to you?" Tanong ni Calvin kay Leonardo dahilan ng pagsimangot ni Leonardo sakaniya.

"Why? Are you interested with her?" Masungit na tanong ni Leonardo, tingnan mo ito kapag siya nagpipikon ang galing pero kapag siya ang inaasar agad pikon."Krizette, he likes her oh" parang batang sumbong agad niya sa akin. Napailing nalang ako at naisipan kong sabayan si Calvin sa pang-aasar kay Leonardo, laging si Leonardo kasi ang nang-aasar.

"Why? Will you give her to him?" Sumimangot agad si Leonardo sa tanong ko "No right? Kasi gusto mo narin siya" asar ko pa sakaniya. Hindi ko alam ang istorya pero inaasar ko lang naman siya.

"Oohhh. Ako nalang pala ang single dito e" singit ni Harper "Maybe I should get myself a nurse" natatawang dagdag ni Harper.

"I'm single too" taas kamay na wika ni Terrence "Maybe I should get myself a senior high?" Natatawang tanong pa nito. Napailing nalang ako.

"I'm taken. Maybe Misha want to get my surname?" Biglang banat ni Jeff kaya dali siyang hinampas ni Misha dahil sa pamumula niya. Tawang-tawa si Jeff sa reaction ni Misha.

Hindi natapos ang asaran kaya naman hindi naging boring ang pagpila namin. Hindi ko inakala na may mga gantong mayayaman pala na hindi matapobre. Hindi kagaya ng iba na medyo umangat-angat lang sa buhay akala mo ay binili ka na.

Habang nagkukuwentuhan kami ay nalaman ko naman ang kurso nila. Si Terrence ay Engineer. Leonardo ay arkitekto. Si Harper naman ay nasa Law school. Nalaman ko rin sakanila na under sa music si Leondale. Si Charles naman ay Accountancy.

Alas syete kaming natapos nagpa-enroll. Pagkatapos ay nagkayayaan nanaman sila na kumain sa labas. Nirequest pa sana nila na mag unli wings ang kaso lang ay breakfast kaya hindi masyadong heavy, lalo na't medyo busog na ako kanina sa kinain namin ni Calvin.

"Siguro yung ate niyo prinsesa no?" Tanong ko kay Calvin habang nauuna sila sa aming maglakad.

"She's the eldest grandchild, so she's spoiled and the fact that she is the only girl back then until Setiel came but she also left us" kuwento niya. I feel sorry for Setiel.

"Hmm. May boyfriend na ba siya?" I ask. Kasi kung ganito ang mga nakapaligid sakaniya, baka sumakit ang ulo niya't wala na siyang oras makipag boyfriend. Marahang tumango si Calvin.

"But he already receive a death threat if he will hurt our ate" natatawang wika niya. Napailing ako habang nakangiti, sabagay kahit na may pagkapilyo sila ramdam ko naman ang pagmamahal nila sa isa't-isa. Lalo na siguro sa nag-iisang babae sakanila, ngayong iniwan ma sila ni Setiel.

Nang makapili na sila ng resto ay agad na silang nag-order. Si Harper ang naglibre dahil wala naman daw siyang pinagagastusan na babae, kaya maraming in-order ang mga lalaki para sulit ang panlilibri ni Harper.

"By the way, I heard from dad and mom that Tito want to arrange married kuya Charles?" Tanong ni Leonardo kay Calvin. Seryosong tumingin si Calvin kay Leonardo.

"Yeah. That's what dad's want" sagot ni Calvin sakanila kaya kumunot ang noo nila.

"Did Charles agree?" Tanong ni Jeff. Nagkibit-balikat si Calvin sa tanong ni Jeff.

"He won't. For sure" singit ni Harper "Kapag nagmahal ang Serano tagos hanggang buto at nakaukit na sa puso" dagdag pa niya. Bahagyang napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

"But does he had a choice?" Tanong ni Terrence "Paano kung pilitin siya ni tito?" Dagdag na tanong pa niya.

"Besides, mukhang ayaw na talaga ni Natashia" dagdag pa ni Leonardo.

Bahagya akong napangiti sa utak ko. Kahit pala mukhang masusungit at maskulado ang mga lalaking ito, nag-alala parin sila sa isa't-isa.

"Kayang baligtarin ni Charles ang mundo para lang makuha niya ulit si Natashia. Don't underestimate the broken Serano" natatawang wika ni Harper.

Wow. Don't underestimate the broken Serano. What a line.

"Mabuti pa nga itong sina Krizette at Calvin, chill lang ang relationship" singit ni Misha kaya napabaling sila sa amin. Bahagyang namula ang mukha ko dahil don.

"Ay we? Bakit? Dapat hindi siya tanggap ng pamilya mo" natatawang wika ni Leonardo. Napailing nalang ako sa kapilyuhan niya. Tiningnan naman siya ng masama ni Calvin.

"But they love me" mayabang na sagot ni Calvin sakaniya. "Why don't you just marry that girl?" Balik na asar ni Calvin dahilan ng pagsimangot ni Leonardo.

"Masyadong apektado kay 'annoying girl'" natatawang asar pa ni Terrence, may pa-quote pa siya sa annoying girl.

"Shut up. She's childish. Don't mind her" pikon na wika ni Leonardo.

Mabuti nalang at dumating na ang pagkain namin kaya nawala sakaniya ang atensiyong nang lahat hanggang sa nakapag change topic na.

Pinagseserve parin ako ni Calvin ng pagkain kaya naman napuno ulit ng tuksuhan ang table namin dahil sa mga lalaki. Binawalan sila ni Calvin dahil masyado silang maingay.

"Bakit? Umaga pa naman, wala pa maman masyadong tao" natatawang wika ni Leonardo. Ang hilig talaga niyang mang-asar.

"I definitely laugh at you when you introduce that annoying girl to us as your girlfriend" agad nag-iba ang timpla ng mukha ni Leonardo dahil sa sinabi ni Calvin, ayan mang-aasar pa kasi wala na nga sakaniya ang asar kanina.

"That would never happen" seryosong wika ni Leonardo tiyaka nagpatuloy sa pagkain.

"Sorry for my cousin, being loud and annoying" bulong sa akin ni Calvin. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Don't be sorry. Nakaka-entertain nga sila e" balik na bulong ko sakanila. Bigla naman umubo si Misha sa tabi ko kaya naagaw niya ang atensiyon ng lahat.

"Pwede naman hindi magbulungan ah? Share niyo naman samin iyan" wika niya pagkatapos uminom kunwari ng tubig dahil kunwari ay nabulunan siya. Napailing nalang ako na may ngiti sa labi sa sinabi ni Misha.

Natapos kaming mag breakfast tiyaka nagpaalam. Hahatid naman ako ni Calvin pauwi kaya nagkanya-kanya na sila sa kotse. May mga lakad pa kasi sila kaya hindi na nakapagyayang mamasyal.

"Do you want to have date today?" Nagulat ako sa tanong ni Calvin. Hindi pa niya in-start ang sasakyan.

"Ikaw bahala" sagot ko sakaniya. Inaantok ako pero kung kasama ko siya, mawawala naman ang antok ko. Ganyan ang epekto niya sa akin.

"Hmm. Let's go to Intramuros" namilog ang mata ko dahil hindi pa ako nakakapunta roon, bigla tuloy talagang nawala ang antok ko. In-start na niya ang sasakyan tiyaka takang tumingin sa akin dahil sa reaksiyon ko "Why? Is there a problem?" Tanong niya sa akin. Agad akong umiling.

"Wala. Hindi pa kasi ako nakakapasyal sa mga sikat na pasyalan dito kaya excited ako" hindi ko matago ang pagiging excited ko. He chuckled because of my reaction.

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala alo habang nasa biyahe, tiningnan ko naman siya pero saktong pagsagot niya ng tawag, inayos niya ang earphone sa tenga niya.

"Kuya?" Bati ni Calvin. Mukhang si Charles ang tumawag. Kaagad kumunot ang noo ni Calvin, hindi ko alam kung bakit dahil hindi ko naman naririnig. "What? Okay. Okay. Wait. Okay. Don't worry, she's with me. Yes okay" bahagya niyang hinampas ang manibela dahil sa frustration.

"May problema ba?" Tanong ko kahit na halatang meron nga. Pumikit siya ng mariin tiyaka hinigpitan ang hawak sa manibela.

"May problema sa kumpanya" wika niya habang seryosong nakatingin sa daan na para bang may ginawang masama ang daan kung makatingin siya dito.

"Ayos lang. Ihatid mo nalang ako" wika ko meron pa naman next time pars sa date. Mas kailangan siya sa kumpanya ngayon, lalo na sa reaksiyon niya kanina.

"Are you sure?" Wika niya na para bang tinitimbang niya ang reaksiyon ko. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"Oo naman. Tiyaka inaantok din ako. Maaga tayo kanina, remember" sagot ko sakaniya. Suminghap siya habang mariin ang pagkakapikit niya tiyaka tumingin sa akin.

"Babawi ako sa susunod" tumango ako sa sinabi niya. Naintindihan ko naman "Sorry for ruining your excitement" may bahid na lungkot ang boses niya. Ngumiti ako sakaniya, hindi naman ako nalungkot dahil alam ko naman ang rason niya.

"Ano ka ba? Ayos lang! Basta ang promise mo sa akin ay maayos ang problema sa kumpanya" tumango siya sa sinabi ko.

"Sorry for this emergency" wika pa niya. Umiling ako tiyaka hinawakan ang braso niya.

"No need to say sorry" sagot ko sakaniya.

What emergency this maybe is, I hope it will not create a major problem.

Continue Reading

You'll Also Like

17.3K 531 25
Season Series #2 Maddison Salvador, a future ceo of the Mux Company is a happy go lucky and bubbly woman. She really loves to have fun and to go with...
101K 1.7K 33
Suarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when de...
72.5K 3.6K 47
"Seoul gave me a lot to hold on to. From creating good memories to bad heartbreak. From life lessons to applying it. Seoul taught me that love is unc...
739K 14.2K 54
Emilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. N...