I'm Courting Mr. Cold

De fizz_chae07

400K 5.5K 1.2K

Ito'y isang kwento tungkol sa isang engot na babae na naghahabol sa isang cold guy na si Jin Ren. Halos lahat... Mais

Prologue
CHAPTER I - Love at First Sight
CHAPTER II - Stay Away From Me
CHAPTER III - My Favor or His Condition?
CHAPTER IV - Yes or No?
CHAPTER V - Meeting His Family
CHAPTER VI - Fizz Lopez
CHAPTER VII - Getting To Know Him
CHAPTER VIII - Reminiscing His Past
CHAPTER IX - Meeting the Cassanova
CHAPTER X - Meeting the Cassanova (Part II)
CHAPTER XI - Cookies, My First Move
CHAPTER XII - Dream Come True
CHAPTER XIII - He's Acting Weird
CHAPTER XIV - Date
CHAPTER XV - Real Date
CHAPTER XVI - Walang Sikreto Ang Di Nabubuko
CHAPTER XVII - Devil Beside Me
CHAPTER XVIII - Missing
CHAPTER XIX - Scandal
CHAPTER XX - He Hates Me
CHAPTER XXI - Now, He Hates Me More
CHAPTER XXII - Jealous
CHAPTER XXIII - Reasons Behind My Action
CHAPTER XXIV - The Culprit
CHAPTER XXV - Mixed Emotions
CHAPTER XXVI - Confession
CHAPTER XXVII - The Spies
CHAPTER XXVIII - Dinner
CHAPTER XXIX - We're Locked?
CHAPTER XXX - Library
CHAPTER XXXI - My Mission Impossible
CHAPTER XXXII - Lunch Box and Chopsticks
CHAPTER XXXIII - She's in Danger!
CHAPTER XXXIV - My Hero
Discussion
CHAPTER XXXV - Grocery Store
CHAPTER XXXVI - Trip ko Siya
CHAPTER XXXVII - Bipolar
CHAPTER XXXVIII - Trip Niya Ako
CHAPTER XXXIX - What A Wonderful Day
CHAPTER XL - Two Days Before His Birthday
CHAPTER XLI - Weird
CHAPTER XLII - Unexpected Visitor
CHAPTER XLIV - Pick-up Lines
CHAPTER XLV - Siguro
CHAPTER XLVI - New Mission
CHAPTER XLVII -Trip to Terra Cota
Chapter XLVIII - Destiny
CHAPTER XLIX - Salamat
CHAPTER L - I'm Stupid
CHAPTER LI - Reconciliation
CHAPTER LII - Final Review
CHAPTER LIII - Sinasagot na kita!
Chapter LIV - I'll Be There For You (Part I)
Chapter LV - I'll Be There For You (Part II)
CHAPTER LVI - 1st Lunch Date as a Couple
CHAPTER LVII - Date Under The Moon
Chapter LVIII (Part 1)
CHAPTER LVIII (Part 2)
Chapter LVIX - School Festival Day 1
Chapter LVXX
CHapter LVXXI
Chapter LVXXII

CHAPTER XLIII - Birthday Present

4.7K 59 19
De fizz_chae07

CHAPTER XLIII

it's her hair and her eyes today

that just simply take me away

and the feeling that i'm falling further in love

makes me shiver but in a good way

nagising ako sa tunog ng cellphone ko. kinuha ko ito para sagutin ang tawag.

“YO DUUUUUUUDE!!! HAPPY BIRTHDAAAAAAAYYY!!!” sigaw ni Alexis sa kabilang linya.

Shit! Ang aga-aga eh nambubulabog na ang lalakeng to!><

Nilayo ko ng kaunti ang cellphone ko sa tenga ko kasi naman ang lakas niya kung makasigaw!

“Oy, inaantok ka pa?  bangon na diyan at baka malate ka pa!“ dagdag pa niya.

“Tch, parang ikaw hindi ka laging late?!”sarkastiko kong sabi sa kanya tapos narinig kong tumawa lang siya sa kabilang linya.

“Oo na, mr. genius! Basta, wag mo na lang kalimutang ilibre kami mamaya nina Raven!”paalala niya sa akin.

“Oo na. sige, ibababa ko na.” pagpapaalam ko tapos inend ko na yung tawag.

Pagka-end ko nung call, eh agad namang bumungad sa screen ng phone ko ang 132 messages. Ang dami naman! -_-

Binasa ko na yung mga messages at puro naman mga greetings na HAPPY BIRTHDAY ang mga laman neto. Pati rin yung mga dati kong kaibigan sa dati kong school eh binati rin nila ako ng happy birthday. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa, halos pare-pareho lang ang mga mensahe nila. Puro happy birthday, HBD, yung iba naman may God bless pa at take care. Natapos ko nang basahin ang lahat ng mga mensahe ngunit ang ipinagtataka ko lang, bakit wala akong natanggap na mensahe galing kay engot? ><

Hindi ba niya alam na ngayon ang kaarawan ko? imposible rin yun, kasi dati nga kahit hindi pa kami ganoong ka-close eh binati niya ako nung birthday ko.

Baka naman natutulog pa siya kaya di pa nakabati? Hindi rin siguro. Last time nga akala ko hindi siya nagtext ng good morning sa akin kasi akala ko tulog pa siya pero yun pala eh nakalimutan niya lang talaga.

Siguro nga nakalimutan niya ang birthday ko. pero imposible rin namang makalimutan niya ang kaarawan ko.

Haiiist! Bahala na nga siya! Kung gusto niyang mag-greet edi mag-greet siya! Kung ayaw niya, edi wag! Mas mabuti nga yun!><

Takte! Nawiwirduhan na talaga ako sa sarili ko! aga-aga siya na agad iniisip ko?! seryoso ba to!? ERRGH!!><

Pumasok na ako sa loob ng CR para maligo na muna. Matapos kong maligo eh chineck ko ulit yung phone ko kung may text ba.

Haiist! Nakakaasar! Bat di siya nagtetext? Ni hindi man lang niya ako binati. ><

Ilalapag ko na sana ang cellphone ko sa table nang magvibrate ito. Agad ko itong kinuha para tignan kung sino ang nagtext. Hindi ko napigilan ang mapangiti nang makita ko ang pangalang lumitaw sa screen ng phone ko.

Sa wakas at nagtext ka na rin!

Binasa ko na ang text ni Yuri at…

“Psssh! Ano ba naman yan! Napakakuripot naman niyang magtext. Happy Birthday lang talaga ang sinabi niya?”di ko napigilang sabihin sa sarili ko.

Hay, hayaan na nga lang! at least nagtext siya! ><

Inilapag ko na ulit ang phone ko sa mesa. Nagbihis na ako saka bumababa na ng kwarto. Pagkababa ko galing sa kwarto eh-------

“HAPPY BIRTHDAY REN!!!” bati sa akin nina Ms. Jane, Maxinne, Granny, at ng mga kasambahay namin na kasalukuyang nakatayo sa may hagdan.

Napangiti na lamang ako sa ginawa nila. Agad namang lumapit si Ms. Jane sa akin at saka hinalikan ako sa pisngi.

“Naku, anak! Anong gusto mo gawin natin sa ngayong birthday mo?”excited na tanong niya sa akin habang inaalalay ako papuntang dining room.

“Gusto mo bang pumunta tayo ng beach? Resort? Tapos imbitahin mo mga kaibigan mo pati na rin sina Yuri at Heina.”dagdag pa niya.

“May pasok po ako ngayon.”sagot ko sa kanya sabay upo sa upuan ko nang sa gayon ay makapag-agahan na ako.

“Hmmnnn, edi magpaparty na lang tayo.”makulit na sabi niya.

“Ayoko. Ayokong magpaparty, di na ko bata.” Diretso kong sagot sa kanya. Ayoko na talagang magpaparty pa sa kaarawan ko kasi naman magmumukha lang itong    conference meeting. Kahit hindi si daddy ang mag-oorganize ng birthday party ko eh alam ko namang pag si Ms. Jane ang mag-oorganize eh tiyak na marami ring pupunta na mga kaibigan niya.

“Naku! Eh ano bang gusto mo?”tanong niya sa akin nang nakapameywang pa.

“Wala!”sagot ko naman habang nagsisimula ng kumain.

“Di pwede! Ganito na lang, magdidinner na lang tayo mamaya sa labas tapos imbitahin mo yung mga kaibigan mo pati na rin sina Yuri at Heina.”usal ulit ni Ms. Jane na parang wala na akong magagawa kundi pumayag sa plano niya.

“Hayy, namimiss ko na talaga yung mga batang yun.” Tukoy niya kina Heina at Yuri.

Di ko na lang siya pinansin pa at kumain na lamang ako. Matapos kong kumain eh nagpaalam na ako sa kanila at nagmaneho na papuntang school.

Ilang saglit pa eh nakarating na rin ako sa school namin. bumaba na ako sa kotse at agad namang bumungad sa akin ang isang malaking streamer na nakasabit sa gate na may nakasulat na “HAPPY BIRTHDAY PRINCE REN”, tapos sa gilid neto eh may “from: Pretty Girls. Marahil ay sa kanila galing iyon. Pretty girls??? Sino naman daw yun sila? -__-

Naglakad na ako papasok ng school at panay naman ang pagbati sa akin ng mga taong makasalubong ko.

Wag niyong sabihin eh alam lahat ng mga estdyante rito na birthday ko ngayon??? Tsss! Asar!><

Pagdating ko sa school eh sabay-sabay rin akong binati ng mga kaklase ko.

“Oy, Ren! Heto oh, mga regalo mo galling sa mga schoolmates natin!”sabi sa akin ni Jake habang nakatrro pa doon sa mga nakatambak na mga regalo.

Tumango lang ako sa kanya tapos naglakad na ako papunta sa upuan ko. ipapakuha ko na lamang yun mamaya ang mga regalong yun sa driver namin.

 Nadaanan ko ang upuan ni engot at ngiting-ngiti naman siya nang makita ako. Ako naman eh tinignan lang siya tsaka umupo na sa upan ko.

Nagsimula na ang klase namin. at nang magbreak na, tulad nung kahapon eh dagsaan rin ang mga estudyante na karamihan ay babae sa pagbibigay sa akin ng regalo.

-------

Mga 5:45 na rin nang dinismiss kami ng teacher namin. Panay na ang text nina Raven at Alexis sa akin dahil kanina pa raw nila ako hinihintay. I wonder kng pumasok ba yung dalwang yun sa klase. Ang aga naman ata nilang nadismiss. -____-

Inayos ko na ang gamit ko tsaka nagsimula nang maglakad paalis ng room. napansin kong wala na sa room si Yuri. Ang aga naman yata niyang umalis? Pssh!

Pagdating ko sa may gate eh andun na nga nakaantay ang dalawa habang nakasandal pa sila sa kotse ni Raven. Yun kasi ang gagamitin naming pang gimik.

“Oh, andito na pala si birthday boy eh.”bungad ni Alexis.

“Tara na.”yaya ko sa kanila.

Sumakay na kami sa kotse ni Raven tsaka nagsimlang bumiyahe.

“San nga pala tayo?” tanong ni Raven. Siya kasi ang nagmamaneho.

“Dun tayo sa club ng Tito ko .”sagot naman ni Alexis.

Pumunta na nga kami dun sa club na sinasabi ni Alexis at nakarating kami dun mga bandang alas sais na. Maganda naman yung club at galante tignan. May KTV rin pala dito. Nagreserve na kami ng isang KTV room at saka dun nag-inuman. Sumayaw-sayaw rin kami nina Alexis habang si Raven ay kumakanta. Di kasi ako marunong kmanta kaya sumasayaw na lamang ako o di kaya’y humihiyaw lang ako tuwing kumakanta sina Alexis at Raven. Pagkatapos ng kantahan at sayawan eh balik na naman kami sa inman at kwentuhan. Ang totoo niyan eh konti lang talaga ang ininom ko mga 4 shots lang siguro. Ayoko kasing malasing eh.

Mga alas otso na rin ng gabi nang matapos kami sa inuman. Hinatid na muna ako ni Raven sa bahay tsaka naman snod na hinatid si Alexis na halos din pagewang-gewang na sa paglalakad sa sobrang kalasingan.

Nagpaalam na ako kay Raven dahil di naman makasap ng maayos si Alexis tsaka pumasok sa loob ng bahay. Umakyat n asana ako sa kwarto ko nang…

“Bakit ngayon ka lang? dib a sabi ko sayo magdidinner tayo ng mga kaibigan mo? San na sina Yuri?” bungad sa akin ni Ms. Jane. Takte! Nakalimutan kop ala yung tungkol sa dinner. ><

“Awe, sorry po nakalimutan ko kasi eh.”pagpapaumanhin ko sabay kamot pa sa batok ko. umiling-iling lang siya tsaka muling nagsalita.

“Oh sige na nga. din a ako magtatampo.”balik-sabi niya.

“Siya nga pala, kelangan ni Maxinne yung Trigo book mo.”dagdag pa niya.

Ano? Kelangan ni Maxinne ang trigo book ko? eh ano namang gagawin niya dun eh nasa elementary palang siya tapos trigo agad? Niloloko ba ko ni mama? ><

“Bakit naman niya kailangan yun? Tsaka isa pa, wala dito yung libro ko. nasa locker ko. alam niyo namang dun ko lang yun iniiwan eh.”sagot ko.

“Eeh, basta kelangan niya. wag ka nang maraming tanong at kunin mo nay un dun sa locker mo.” Matigas na sabi niya.

“Ano? Eh gabi nap o. maghanap na lang siya ng ibang trigo book dun sa library natin.” Tukoy ko sa library naming dito sa bahay.

“Hay naku! Yun nga kasi ang kailangan niya eh. Sige na. alis ka na’t kunin mo nay un.”sabi niya sabay taboy sa akin.

Aisdst! Ang klit talaga netong nanay ko oh. Ano na naman bang plano niya? ><

Sumunod na lamang ako sa ipinag-utos niya nang sa gayon ay makabawoi rin ako dahil dun sa di natuloy na dinner.

Buti na lamang at di ako lasing kaya naman ako na lang ang nagmaneho papntang school. pagdating ko sa school eh dumiretso agad ako sa locker ko. bago ko pa nabksan ang locker ko eh may napansin akong sticky note na nakadikit sa locker ko na may nakasulat na “HBD ^_^ Go to the backfield. ----à”.

Sino naman kaya ang naglagay nito rito? At anong meron sa back field? Eh tiyak na madilim naman yun dun eh.

Hindi ko na lang muna kinuha yung Trigo book ko tsaka sinnod yung nakasulat dun sa sticky note. Baka isa na naman to sa mga pakulo ni mama eh.

Pumunta na ako sa may backfield.

O.O Medyo nagulat ako sa nakita ko. Mga malalaki as in sobrang laking mga titik na HBD na gawa sa mga umiilaw na kandila ang nakasulat sa field. Naglakad-lakad papunta sa mga letrang iyon at talagang namangha ako sa mga nakita ko. Kung kanina’y iniisip ko eh madilim dito sa backfield, yun pala eh nagkakakamali ako sa sobrang liwanag dito dala ng mga nakailaw na kandila

“Sinong matinong tao ang may gawa nito?” di ko napigilang itanong sa sarili ko.

Inikot ko ang paningin ko sa buong backfield at ayun... nakita ko ang sagot sa aking katanungan.

Nakita ko si Yuri na kasalukuyang nakatayo dun sa ibabaw ng isang puno na napapaligiran ng mga ball lights, pati na rin ng mga nakasabit na mga larawan ko na animoy mga parol na nakasabit sa puno.

Nilapitan ko ang babaeng may pakana ng lahat ng ito’t sa aking pagkamangha’y nagsimula siyang kumanta.

(A/N: guys, kayo na lamang ang bahalang maglagay ng tono jan sa kantang iyan. pasensya na sa lyrics kung pangit. frustrated composer ako eh! HAHAHA)

The first time I saw you

I don’t know how it feels like.

There’s something in my head tellin’ me to look into your eyes.

One look at you and I became lunatic.

One smile from you and my hearts thumps with the beat.

Because it’s you babe, it’s you…

Hindi ko napigilang itago ang aking mga ngiti dahil sa ginagawa niya ngayon. Di ko inakalang mag-eeffort siya ng ganito para lang sa akin.

Kahit eengot-engot pala tong isang to eh may taglay rin pala siyang boses anghel. At ngtayon ko lang nalaman iyon. Kay sarap siyang pakinggang umawit. Kahit di ko alam kung ano man yung kantang kinakanta niya eh damang-dama ko pa rin ito. Damang-dama ko pati ang bawat liriko ng kanta. Nagpatuloy lang siya sa pagkanta at talagang di ko matanggal-tanggal man lang ang paningin ko sa kanya. Talagang focus na focus ang atensyon ko sa kanya.

“You’re the only one that makes me feel this way

I may be insane in the eyes of others

I don’t care, because it’s you…

My first love.” Pagtatapos niya sa kanta.

“Happy birthday Jin Ren ko.” bati sa akin ni Yurti sabay binigyan ako ng isang napakatamis na ngiti. Nginitian ko siya pabalik pagkatapos ay tumalikod siya at dun ko lang napansin na may isang malaking bagay na nakabalot sa isang tela ang nasa may likuran ni Yuri. Hinila niya pababa yung tela at andun… yung tunay na surpresa niya sa akin.

Isang malaking puzzle picture naming dalawa nina Yuri na naka-frame pa’t tantsya ko’y sing laki ng kalahati ng blackboard. Tapos may nakasulat sa gitna na “Happy Birthday Jin Ren ko”. sa gilid naman nung puzzle picture eh may nakasulat ding 사랑합니다 na di ko naman magets. Yung  picture nga pala namin is yung free picture namin dun sa ride na sinakyan namin sa enchanted kingdom na nakanganga pa ang mga bibig namin. Sa dinami-rami ba naman ng mga larawan ba’t yun pa ang ginamit niya? -_____-

“Nagustuhan mo ba? Yan lang kasi ang picture na meron tayong dalawa eh.” Sabi niya sa akin.

Nginitian ko lang siya tapos bumalik na lit yung atensyon ko dun sa pzzle picture.

“Halika! Kain na mna tayo.” Sabi pa niya sabay hila sa akin papunta dun sa picnic mat.

Halata talagang pinaghandaan niya ito. Ang dami niyang pagkaing hinanda at puro pa mga paborito ko. syempre pa, may cake din siyang hinanda na ayon pa sa kanya eh siya raw mismo ang nag-bake nun. Siya rin daw poala ang nagluto ng lahat ng mga pagkaing iyon.

Bago kami nagsimulang kumain eh kinantahan muna ako ni Yuri ng happy birthday song. Ang kulit talaga niya, sabi ko sa kanya iihipan ko na yung kandila tapos siya pigil siya ng pigil dahil di pa raw ako nag-wish. Sabi ko wala naman akong maihihiling eh kaso ang kulit talaga niya kaya ayun nag-wish na lamang ako para matigil na’t makapagsimula na kaming kumain.

“Masarap ba?” tanong niya sa akin nung nagsimula na kaming kumain.

“Pwede nang pagtiyagaan.”pagbibiro ko pa sa kanya.

“Pssh!”sagot niya tapos inirapan niya ako.

HAHA, ang sarap talaga niyang pagtripan. Pikon kasi eh.

Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain alam ko anman kasing any moment bibigay rin yan siya’t kakausapin ako. HAHA

Ilang saglit pa eh… “Seryoso? Di siya masarap?” tanong ulit ni engot. HAHA. mukhang problemado talaga siya nab aka di ko nagustuhan yung pagkain.

“Oo nga. ang kulit!” sagot ko naman. nag-pout lang siya tapos nilapag niya yung pinggan niya sa picnic mat.

“Mag-order na ;lang tayo ng pagkain.”malumanay na sabi niya tapos kinuha niya yung phone niya at akmang tatawag n asana para magpadeliver.

Errr, mukhang sineryoso niya yata yung sinabi ko sa kanya.

“I’m just messing with you. it’s delicious.” Pag-aamin ko pa sabay hablot nng phone niya.

“Di nga? niloloko mo lang ako eh.” Pagmamatigas niya. ayaw talagang maniwala.

Lumapit ako sa kanya tsaka umupo sa tabi niya.

“Tignan mo oh, ang dami ko na ngang kinain eh dahil masarap.”pagsusumamo ko sa kanya. Tumingin siya sa akin tsaka sa platong hawak-hawak ko. tapos medyo naliwanagan siya ng kaunti tsaka nginitian ako ng mapang-aso. Anong balak niya?

“Totoo?”paninigurado niya.

Para naman akong sunud-sunuran na tinanguan lang siya.

“Ubusin mo to oh.”pagpapanukoy niya dun sa beef stake. Err, ubusin talaga? Eh ang dami nun. -_-

Binigyan ko siya ng are-you-kidding-me-look. Siya naman eh umiling-iling lang. haisst! Sige na nga. pagbigyan! ><

Kinain ko na yung beef stake tsaka inubos ito. Siya naman eh nakatingin lang sa akin habnag nakangiti ng nakakaloko.

“Eto rin oh, ubusin mo.”utos niya.

Tapos kinha ko na yung container ng estopado tapos inubos rin ito. Hindi lang yung beef stake at estopado ang inbos kong kainin. Kundi yung iba pang pagkain na niluto niya.

Takte! Bakit ba ako nagpapaloko sa engot na to? Di ko talaga maintindihan sartili ko.><

“Arrrgh! Ayoko na! suko na ko!”sabi ko pa na halos puputok na ang tiyan ko sa sobrang dami nang kinain ko.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!”siya na halos mamatay na sa kakatawa. Ano anman daw ang nakakatawa? Na nagging sunud-sunuran ako sa kanya? ERRRRRRRRRGH ><

“Pfffft… a-ayos ka—pffft—lang?”sabi pa niya habang nagpipigil ng tawa.

Nag-roll eyes lang ako sa kanya tsaka humiga dun sa picnic mat. Tawa pa rin siya ng tawa. Baliw talaga. Kaya naman hinayaan ko na lang siyang tumawa.

Ilang saglit pa eh tumigil na rin siya sa kakatawa tapos humiga siya sa tabi ko’t pareho kaming dalawa natahimik.

Damn! Nakakabaliw ang ganitong klaseng katahimikan.

ARRRGH!!! Pano ko ba babasagin ang ganitong katahimikan?? ><

“He---“natigilan naman ako sa pagsasalita nang biglang pumutok na mga fireworks.

Agad akong napatingin sa kalangitan at ayun… nakita ko ang mga makukulay na fireworks na bumuo ng mga salitang “HAPPY BIRTHDAY AGAIN” na may kasama pang heart shape. Napangiti ako sa mga nakita ko’t papasalamatan ko na sana siya nang bigla naman niya akong sinabihan ng…

“Salamat!”sabi pa niya.

Huh??? At bakit naman siya nagpapasalamat sa akin? Ako dapat ang magsabi nun eh.

“Salamat at sumipot ka.”nakangiting sabi niya habang nakatingin sa mga makukulay na fireworks na patuloy lang sa pagputok.

 Napangiti na lamang ako sa sinabi niya saka sinabihan siya ng,”Engot ka talaga!”

“Anong sabi mo?”kunwaring-galit na sabi niya.

“Sabi ko ang engot mo!”sabi ko ulit.

“Hindi ako engot no!”pagtatangol niya sa sarili niya sabay hampas sa balikat ko. HAHA, ang sarap niyang pagtripan.

Tapos nung kulitan namin eh nabalutan na naman kaming muli ng nakakabinging katahimikan at lahat ng mga atensyon namin eh nabalin na lamang dun sa mga fireworks na patuloy pa rin sa pagputok.

Ang ganda talaga! Ngayon ko lang na-appreciate ang kagandahan ng fireworks.

Natigilan ako saglit sa panonood nito tsaka ibinalin ang tingin ko kay engot. Hindi ko napigilang mapangiti rin nang makita kong ngiting-ngiti siya habang pinapanood nag mga fireworks.

I guess it’s my time to thanks her.

“Sa loob ng labinpitong taon na pinagdidiriwang ko ang kaarawan ko, ngayon lang ito naiba at naging masaya.”sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Agad naman siyang napatingin sa akin at nagkasalubong ang aming mga tingin. Ilang saglit din kaming nagtititigan bago ko ipinagpapatuloy ang pasasalamat ko sa kanya.

“at yun ay nang dahil sayo. Salamat Yuri!”pagtatapos ko tsaka siya nginitian. Nginitian din niya ako pabalik tapos sabay-sabay kaming nag-iwas ng tingin. Tsakla muling tumingin dun sa mga makukulay na fireworks na ilang saglit pa’y napalitan na ng mga nagninigning na mga bituin..

-----

fizz_chae07

Continue lendo

Você também vai gostar

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.2M 53.3K 68
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1M 81.6K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...