Secrets Beyond the Stars

aefanfiction द्वारा

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of 𝙁𝙄𝘾𝙏𝙄𝙊𝙉. I repeat, 𝙁�... अधिक

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG

1.4K 40 1
aefanfiction द्वारा

"YENGGAY, PAKIKABIT NAMAN NITONG KWINTAS KO OH."

Pagtawag ko ng pansin kay Yenggay na abala din sa pag aayos ng sarili niya.

Wala kasing salamin itong dressing room kaya hindi ko maikabit nang maayos yung kwintas ko.

"Ah sige, teka lang tatapusin ko lang 'to." sabi niya at maya maya tumayo na rin.

Bago niya naman ikinabit ang kwintas ko ay tiningnan niya ito.

"Alam mo Gege ang ganda talaga nitong kwintas mo na 'to, mahal 'to no?"

I shrugged at ngumiti.

"Bigay ni Pogs." sabi ko naman.

Ito yung kwintas na ibinigay niya sa akin nung nag-yacht kami. Yung may royal story kuno.

"Ay weh? Si Santos? Sabagay, walang mahal mahal sa taong nagmamahal." sabi niya habang isinusuot sa akin.  "Ayan, ang ganda. Pero mas maganda yang mga pula pula sa leeg mo. Ang wild."

Kumunot ang noo ko

"Ha?"

"Anong ha? Grabe naman yan Ge, talagang minarkahan ka ha. Anong ginawa niyo kagabi ha?" sabi ni Yenggay

Agad kong kinuha ang maliit na salamin ko na nakapatong sa lamesa at doon ko lang nakita ang tinutukoy niya.

Ang dami kong kagat sa leeg!!!

ERIK!!!

Napamura na lang ako sa isip ko, nakakahiya! Parang gusto kong lamunin ako ng lupa ngayon na mismo.

Madiin akong napapikit, bakit naman kasi nagsleeveless pa ako ngayon?! Paano na 'to?!

Nataranta naman akong tinawag si Ate Irene at nagpahanap ng ibang damit sa mga dala ko.

May taping kasi kami ni Yenggay para sa isang morning show.

"Ikaw ha, ano yan? Nakikita ko na lagi kang may ganyan. Masyado naman yata kayong wild ni Erik." pang aasar pa niya.

Nakakainis talaga, hindi ko naman napansin na meron akong---ugh ano bang tawag dito? Basta!

Sasakalin ko talaga si Erik mamaya, bakit kasi ang hilig niya akong gawan ng ganito?

(A/N: alam niyo naman siguro kung anong tawag dun sasabihin ko pa ba? Lol h'wag na, bawal sa bata.)

Tumingin naman ako sa paligid bago sumagot.

"Wala, kagat lang 'to ng lamok."

Sabi ko at pumasok sandali sa CR para magpalit ng damit.

Kahit nga kay Ate Irene ay hiyang hiya ako. Syempre, halatang halata na na may ginagawa kaming kalokohan lagi kapag nasa bahay si Pogs.

Akala ko ay satisfied na si Yenggay sa sagot ko pero kaagad siyang lumapit nang lumabas na ako ng CR.

"Sus ang laki naman ng lamok na yan Gege. Ang pula oh." sabi niya sabay hawak pa talaga sa mga nasa leeg ko.

Mahina kong pinalo ang kamay niya kaya natawa siya.

Bakit ba gustong gusto rin niya na inaasar ako?!

"H'wag mo na hawakan." sabi ko at kumuha ng foundation at concealer para takpan ang bakas ng kalandian ni Erik Santos kagabi na nasa leeg ko.

Nakakaloka, buti na lang ay kami lang ang nandito sa loob ng dressing room.

Pinaningkitan niya lang ako ng mata

"Sure ka ba na lamok talaga?"

"Oo nga, ang kulit? Mas magaling ka pa sa akin."

"Hmmn mukhang alam ko kung anong pangalan ng lamok na kumagat sayo."

Dahil sa sinabi niya ay hindi ko na napigilang hindi matawa. Talagang nagpipilit siya.

"Tumigil ka na nga. Kung anu anong sinasabi mo, tara na."

Pero hindi siya natinag.

"Erik. Erik ang pangalan ng lamok na pumapak sa leeg mo!" sabi pa niya.

Inirapan ko lang siya

"Ano ba kasi tara na nga!"

Mapang asar na tinitigan niya lang ako bago tumayo na sa kinauupuan niya.

"Hoy ikaw, sinasabi ko talaga sayo ha! Hindi pa kayo kasal ang dalas mo nang magpapapak. Pag ikaw iniwanan niyan bigla, iiyak iyak ka!"

Napailing na lang ako. Palaging ganyan ang sinasabi sa akin ni Yenggay. Wala yatang araw na hindi kami nagkikita na hindi niya ako sinesermunan.

Naiintindihan ko naman siya. Minsan lang talaga ay daig niya pa si Mama Bob kung magsermon.

"Tumigil ka na Yenggay baka may makarinig sayo." pagsaway ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin at kinurot sa tagiliran.

"Aray, bakit? Ang haba ng kuko mo Yenggay!"

"Angge seryoso ako. Alam ko naman na mahal niyo ang isa't isa pero mahirap yan. Siguraduhin niyo lang na kaya niyo yang panindigan."

Tiningnan ko lang siya saglit bago ako nagsalita.

"May tiwala ako kay Pogs."

Erik is my everything at malaking parte na siya ng buhay ko.

Naniniwala ako na hindi niya ako papabayaan kahit na anong mangyari. Sana nga.

"Ako rin naman. Pero, ikaw ba, sigurado ka diyan? Handa ka ba na ikaw ang magsasakripisyo?" makahulugang sabi niya

Doon ay medyo natigilan ako.

Hindi ko mapigilang isipin ang kontrata at ang trabaho ko. Pero, hindi naman siguro.

Magsasalita na sana ako nang biglang..

"Hoy!" may umakbay sa aming dalawa ni Yenggay.

At dahil magugulatin si Yenggay ay awtomatikong hinampas niya ito.

"Bwiset! Nagulat ako!" sabi niya at bumaling... kay Erik.

Oo si Erik nga.

Kumunot ang noo ko.

"Hoy, anong ginagawa mo dito?" sabi ko naman at hindi pinansin ang pagwawala ni Yenggay.

"Hi Love." sabi naman niya habang umiilag sa mga hampas ni Yenggay.

Maya maya rin ay tumigil na si Yeng nang marealize niya na si Erik ang dumating.

"Hi Love ka diyan, tinatanong kita kung anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?" nakacross arms kong tanong.

At dito pa talaga kami nag usap sa hallway ah.

"Oo nga, bakit ba nandito ka? Hindi ka naman kasali ah!" sabi naman ni Yenggay.

Ang alam ko kasi ay may ibang trabaho siya mamaya. May show siya sa Pampanga.

Ang ineexpect ko ay tulog pa siya ngayon at nagpapahinga sa bahay para mamaya. Iniwan ko kasi siya kanina na natutulog pa pero ang loko sumunod rin dito.

Tumingin ako sa orasan ko.

Alas otso pa lang ng umaga dahil maaga ang calltime namin. Alas tres ng hapon siya aalis dito.

So bakit nga nandito siya?

Bago siya sumagot ay tumingin siya sa paligid kung may ibang tao at nang makita niyang wala ay niyakap niya ako.

"Hmmn wala lang, gusto ko lang mapanood ka ngayon sa guesting mo. Masama ba yun?" sabi niya at hinalikan pa ang noo ko.

Dahil sa ginawa niya ay naalala ko nanaman ang nangyari kanina.

Hmmn mamaya 'to sa akin.

"Weh ang arte, akala mo naman may forever." sabi ni Yenggay at nauna nang maglakad at kumanta pa ng kanta namin ni Erik na Forever.

Ayan nanaman po bitter nanaman ang thirdwheel namin.

Natawa na lang kami pareho ni Pogs at naglakad na rin.

"Bakit ka nga nandito? Hindi ba dapat nagpapahinga ka? May show ka pa mamaya."

"Hmmn okay lang. Gusto talaga kitang isurprise ngayon eh. Tsaka babantayan ko yung mga isasagot mo. Baka kasi mamaya kung anu ano nanamang sabihin mo sa TV, mahirap na." sabi nito

Napailing na lang ako.

May trauma na yata siya sa mga interviews ko.

"E baka lalo naman tayong pag usapan."

"Opo huwag kang mag alala. Sa gilid lang ako. Hindi ako magpapakita sa fans mo." sabi niya at inayos pa ang sumbrerong suot niya.

Ay wow talagang prepared.

Nang makarating na kami sa studio ay nagsalita muli siya bago humiwalay sa akin.

"Nga pala Love, kaya rin ako nandito kasi sinusundo talaga kita."

"Huh?"

"Isasama kita mamaya sa show ko sa Pampanga." nakangiting sabi niya.

Ah kaya naman pala.

"Bakit? Wala ba si Mark?" sabi ko pagtukoy sa personal assistant niya.

Madalas kasi talaga ay sumasama ako kapag walang nag aasikaso sa kanya. Supportive singing partner alam niyo na.

"Kasama si Mark pero wala lang, gusto lang kitang isama. Lucky charm." sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

Eshesh kinilig naman ako.

Okay tama na. Trabaho muna tayo
-------------------------------

Nang matapos ang taping ay kaagad kaming nagpaalam kay Yenggay na aalis na kami.

Maya maya lang ay dumating na rin si Mark at Kuya Noy na P.A. at driver niya kaya sumakay na kami sa van niya.

Tanging kaming dalawa lang ang nakaupo sa likod ng van at si Mark naman ay nasa tabi ng driver.

Palaging gusto ni Erik na isinasama ako sa mga event niya kahit na madalas ay nasa backstage lang din naman ako.

Sa tuwing wala akong trabaho ay isinasama niya ako. Minsan rin ay isinasama ko siya sa mga shows ko. Minsan din naman ay magkasama kami sa mga shows kaya walang problema. Nasanay na nga kami, para kami palaging may field trip.

"So single ka pala, Miss?" biglang yakap at sabi niya sa akin.

Natawa naman ako. Talagang kanina ay binantayan niya ang mga sinasabi ko sa interview.

"Opo, single po ako. Bakit, mag aapply ka na jowa ko?" sabi ko naman sa kanya.

Siyempre single naman talaga ako at friend ko siya.

Friends naman talaga kami diba?

Oh sige bahala kayo kung ayaw niyong maniwala.🤣

Mahina siyang natawa at bumuntong hininga.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ako sa pisngi bago nagsalita.

"May single ba na maraming kagat sa leeg? Oo siguro, ikaw." sabi niya

Bigla kong naalala. Oo nga pala!

Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Ikaw, may kasalanan ka sakin!"

"Aray! Bakit, ano nanamang ginawa ko? Hindi ko kilala si Francine!"

Francine?!

FRANCINE?!

"Francine?! Sinong Francine?!" sabi ko at kumalas sa pagkakayakap niya.

Bwiset to, may babae pa yata!

"Aba ewan ko din, baka mamaya kasi naghihinala ka nanaman praning ka pa naman. Kaya inuunahan na kita na wala akong kilalang Francine. Wala akong ibang babae, mamatay man."

Napatitig na lang ako sa kanya. He is really unbelievable.

Nang mapansin niya siguro na natulala ako sa mga sinabi niya ay hinalikan niya ako sa labi.

"Pogs!" sabi ko at nilingon ang driver at P.A. niya sa harap.

Sanay na naman sila sa amin pero nakakahiya pa rin.

"Natutulala ka na eh. Wala akong kilalang Francine, Love. Wala rin akong kilalang Diane, promise." sabi niya.

Oh ngayon Diane naman!

"Wala naman akong sinasabi ah. May babae ka talaga 'no?" mataray kong sabi.

"Oh ayan! Ayan na, sabi ko na nga ba dito nanaman tayo mapupunta. Wala nga." patawa tawang sabi niya.

"E sino si Francine at si Diane?!"

"Hindi ko nga rin kilala! Baka ikaw kilala mo." pilosopong sagot niya at humawak pa sa batok niya.

"Umayos ka ng sagot mo Rhoderick Ramos Santos, tatamaan ka talaga sa akin!" sabi ko pa.

Naiinis talaga ako sa tuwing nagbabanggit siya ng pangalan ng ibang babae. Gusto kong manakit!

Doon ay nakita kong lumingon na ang P.A. ni Erik. Hindi na siguro natiis ang kalokohan naming dalawa.

"Wala talaga promise Angeline Santos ay este Angeline Quinto." sagot niya at itinaas pa ang kanang kamay niya na parang nag-ppromise.

"Kahit mamatay ka ngayon mismo?!" I swore.

Tumawa naman siya.

"Oo, mamatay man. Paano ako magkakaroon ng iba e lagi tayong magkasama?"

"Aba malay ko sayo. Baka nakakagawa ka pa ng paraan. Malay ko ba kung nakikipagtext ka pala sa iba. Kayo pa bang mga lalaki." sabi ko at sumandal na ulit sa upuan.

Niyakap niya naman ulit ako at tumawa.

Oh diba, para talaga kaming shunga minsan.

"Hindi ako kagaya nila. Magloloko pa ba ako e sayo pa nga lang hirap na ako na suyuin ka?" sabi naman niya

Hindi daw kagaya nila, yan naman ang sinasabi nila palagi pero ang ending lahat sila nananakit. Okay hugot.

"So nagsasawa ka na? Pagod ka nang antayin ako? Eh di humanap ka na ng iba." I bitterly said.

Akala mo naman talaga kakayanin ko kapag nawala siya at humanap ng iba.

"Hindi syempre. Kahit gaano pa katagal yan, aantayin at aantayin kita hangga't pwede na." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Hindi ko na napigilang hindi ngumiti. Sobrang tagal na pero nasa tabi ko pa rin siya. Sana nga Erik, makapaghintay ka pa.

"Pero may kasalanan ka talaga sa akin." sabi ko naman at yumakap sa kanya.

Nakakainis, ang clingy ko.

"Ano nga yun? Basta wala akong kilalang Francine promise." seryosong sabi niya.

Natawa ako, "Baliw. Ikaw naman kasi, bakit ang dami kong ano---"

"Ah chiki---" kaagad kong tinakpan ang bibig niya.

Nakakaloka 'to, talaga bang sasabihin niya?

"Ssshh huwag mo nang sabihin!"

"Oh bakit, totoo naman yun ang tawag diyan ah."

I hissed. Pilosopo talaga.

"Oo alam ko. Bakit nga? Alam mo bang nakita to ni Yenggay kanina?"

He just shrugged. "Oh ano naman?"

WHUT?!

"Nakakahiya kaya Pogs! Baka kung anong isipin nila!"

Bakit kasi hindi ko 'to napansin noong naliligo ako kaninang umaga?

"Edi maganda." sabi niya at bumuntong hininga. "Haaays akala ko naman kung ano nang kasalanan ko. Hindi yan kasalanan, tanda ko yan ng pagmamahal sayo." sabi pa niya at hinigpitan ang yakap sa akin.

Wow so hindi siya bothered?!

Pambihira naman!

"Bakit ganoon kayong mga lalaki 'no? Wala pang sinasabi, defensive na kaagad?" sabi ko na lang.

Totoo naman kasi, alam mo yung tipo na wala ka pang sinasabi dumidepensa na kaagad?

Ganyan si Erik.

"Kayo ngang mga babae eh wala namang ginagawa, may hinala na kayo kaagad."

Inirapan ko lang siya.

"Kasi madalas yung hinala namin totoo. Nahahalata tuloy lalo na may ginagawa kayong kalokohan." sagot ko naman.

Diba girls?

"Wala nga kasi. Sayo lang ako gumagawa ng kalokohan." sabi niya at sumubsob sa leeg.

Kinabahan naman ako nang maramdaman ko na sinipsip niya yung gilid ng leeg ko.

"Pogs!" mahinang saway ko sa kanya.

Pinipigilan kong hindi sumigaw dahil sa ginagawa niya. Ang likot din ng kamay niya, kung saan saan napupunta.

E kasi naman, dito talaga?! Habang nasa byahe?!

"H'wag kang maingay. Nakakahiya kay Noy. Sandali lang 'to." sabi niya at hinalikan ako sa labi bago bumalik sa pagkagat sa leeg ko.

Hindi na lang ako umimik. Ayaw ko rin naman siyang pigilan. Mygahd, bakit ang landi ni Erik Santos?
------------------------------

"LOVE, love? Tara na gising na."

"Hmmmmmn ano ba?!"

"Tara na, nandito na tayo."

Dumilat naman ako at tumingin sa paligid. Medyo madilim na.

"Ano ba yan, mauna ka na sa loob inaantok pa ako. Pagod ako."

Kanina ko lang din halos naramdaman ang antok at pagod ko kanina dahil sa maagang taping ko.

Gusto ko lang matulog dito ngayon.

Okay, kung matutulog lang ako dito, bakit pa ako sumama?

"Napagod ka? Ni wala ka ngang ginawa eh." makahulugang sagot niya

Hinampas ko siya bago bumangon, tiningnan yung nasa leeg ko at ibinaba ang kwelyo ng damit ko.

Lalong dumami, bampira ba siya?

Buong byahe ay wala siyang ginawa kundi sumiksik lang sa akin.

"Bakit gustong gusto mong kinakagat ang leeg ko? Aswang ka ba?" sabi ko naman sa kanya.

He shrugged, "Ang sexy kaya. Tsaka para alam nila na akin ka lang."

Mabuti na lang talaga ay nakaturtle neck na ako.

Nakakahiya talaga.

Nang makababa na kami ay dumiretso na kami sa dressing room. As usual, wala rin naman akong ginawa. Ako na lang ang nag asikaso ng susuotin niya at naghanda ng pagkain niya.

The night went well. Nagstay lang ako sa loob ng dressing room habang nagpeperform siya. Siya kasi ang last performer.

Pinapanood ko na lang siya habang magkavideo call kami ng P.A. niya kagaya ng palagi naming ginagawa.

Nang matapos ang show ay nagliligpit na ako ng mga gamit namin dahil alam kong maya maya lang ay uuwi na rin kami.

Pero nagulat na lang ako nang pumasok si Erik sa dressing room.

"Oh bakit nandito ka na diba sabi mo immeet mo pa yung fans mo?" sabi ko naman.

"Tara Love." sabi niya at hinila ako palabas ng dressing room.

Medyo nataranta naman ako pero hindi na ako nakapalag. Saan kami pupunta?

Pumasok kami sa mismong venue ng event. Doon, nakita ko ang ibang fans ni Erik na malamang ay naghihintay para makapagpapicture sa kanya.

Obviously, they were all shocked nang makita ako.

Halatang halata sa mukha nila na hindi nila ineexpect na nandito rin ako. Halata rin kasi na hindi naman ako nandito para magperform dahil nakamaong shorts lang ako at turle neck. Malayong malayo sa palagi kong suot tuwing nagpeperform.

"Hi guys, sorry medyo natagalan." sabi pa ni Erik sa kanila.

Ngumiti naman silang lahat pero halata pa ring naguguluhan.

Ang iba pa nga ay nakatingin sa kamay namin ni Erik na magkahawak.

Nakakaloka, para akong non-showbiz girlfriend ngayon, alam nyo ba yon?

Pero hindi niya ako girlfriend.

"Hi Miss Angeline." bati nila sa akin.

Hindi ko alam kung paano ako magrereact.

"Ahhh, hello guys. Kamusta kayo?" bati ko sa kanila.

Hindi ko alam pero parang nahihiya din ako.

"Gumaganda ka lalo Miss Angge." sabi pa ng isa sa mga fan ni Erik na tingin ko ay matagal na dahil namumukhaan ko na siya.

"Gumaganda? Well, ganon talaga ang buhay." sabi ko at kunyari ay inipit ang buhok ko sa gilid ng tenga ko.

Nagtawanan naman sila. Maging si Erik ay nakita kong ngumiti.

Hay nakakaloka ah, nakakapressure tong ginagawa namin.

Ano bang trip ni Erik at kung bakit sinama pa ako dito? Nawindang yata sila na makita ako.

"Pop, ikaw ha, akala ba namin wala na." sabi nung isang fan kaya nagtawanan sila.

"Sabi nino?" tipid na sagot ni Erik at nagpatuloy sa pagpirma ng mga CD.

Hindi na lang ako umimik. Nanatili lang akong nakaupo sa tabi ni Erik. Hawak hawak niya ang isang kamay ko habang ang isang kamay niya ay abala sa pagpirma ng mga CD na inaabot sa kanya ng fans niya.

Naiilang pa nga ako dahil kada may nagpapapicture ay nagpapapicture din sila sa akin. Buti na lang hindi pa ako nagtatanggal ng make up mula kanina.

Pero kahit papaano ay masaya ako. Hindi ko rin alam kung bakit pero masaya ako na nakikita ako ng mga taong sumusuporta sa kanya.

"Love, salamat ha." mahinang bulong ni Erik habang abala pa rin sa pagpirma ng autograph.

"Para naman saan?" sagot ko rin sa hindi obvious na paraan.

Para kaming ewan dito.

"Dito, salamat kasi mabait ka din sa kanila."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pati mga simpleng bagay ay ipinagpapasalamat niya. Ganoon rin ako sa kanya.

Nang patapos na ang lahat ay palabas na kami ni Erik nang venue.

"Ay oo nga pala Pop, nagkita na ba kayo? Ininvite mo ba siya para panoorin ka?" sabi ng isang fan ni Erik.

Halata naman na dahil doon ay nagbulungan muli ang iba. Ang tanging narinig ko lang ay. 'Akala ko nga siya ang kasama, si Angeline pala.'

Uh okay, sinong tinutukoy nila?

Kumunot ang noo ni Erik sa sinabi nito.

"Huh? Sino?"

"Hi Erik!"

Sabay sabay kaming napalingon sa babaeng nagsalita.

"Hello Miss Keia!"

Keia. Anong ginagawa niya dito?

END

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

12.1K 699 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
Everglow whiskeydreams द्वारा

फैनफिक्शन

177K 13.7K 36
What if life gives Richard the chance to do things over? "If you love someone, you should let them know. Oh this light that you left me, will everg...
Connection Ara द्वारा

फैनफिक्शन

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
200K 8.3K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...