Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?

1.3K 39 0
By aefanfiction

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!"

Napabalikwas ako nang marinig kong may sumigaw sa tabi ko.

"YENGGAY?! BAKIT? ANONG NANGYARI?" tarantang tanong ko sa kanya.

Halos tumalon siya mula sa kinauupuan niya habang hawak hawak ang cellphone niya na tinitingnan niya.

"GE! OMG ANG SAYA SAYA KO!"

"HA?! BAKIT BA ANO BANG MERON?!" tanong ko ulit.

"GE! NANGANAK NA SI MIKI! OH MY GAHD!!!" masaya at malakas muli na sabi niya sabay ipinakita sa akin ang picture sa cellphone niya.

Miki?

Sinong Miki?

Ah

Walang gana akong napabalik muli sa posisyon ko sa pagkakaupo noong kaninang natutulog ako.

Si Miki---yung alaga niyang pusa.

"Nakakaloka ka naman Yenggay! Halos mahulog ako dito sa gulat oh. Akala ko naman kung ano na ang nangyari sayo." sabi ko

"Eeeeh sorry naman Ge! Ang saya saya kaya! Finally may baby na ulit si Miki. Marami na ulit kaming maaalagaang kuting!" sabi naman niya at maya maya ay narinig ko siyang bumuntong hininga "Haaay kami kaya kailan magkakaroon ng mga ganito?"

I looked at her "Ang alin Yenggay? Ng mga kuting? Hindi mo naman sinabi sa akin agad Yenggay. Mag mga kuting doon yung kapitbahay namin edi sana hiningian kita." biro ko pero sa seryosong tono.

Natawa naman siya.

"Kainis 'to, kalokohan, ewan ko sayo Ge!" she then sighed "Haaay pero seryoso, kailan kaya kami magkakababy? Excited na ako Ge. Kapag nagkababy ako, kukunin kitang Ninang kagaya nung sinabi mo noon sa akin."

She looks so hopeful. Alam ko naman na noon pa, yun lang ang tanging gusto at hinihiling ni Yenggay. Kaya nga, iyon din ang palaging wish ko para sa kanya.

"H'wag kang mag alala Yenggay. Alam naman natin na ibibigay yan ng Diyos sa tamang panahon." I hopefully replied na nagpangiti sa kanya.

"Haaay alam mo Ge, kapag ako naging mommy na, ibibigay ko ang lahat. Kasi matagal namin siyang hinintay e. Gagawin ko ang lahat para maging isang mabuting ina." she then sighed. "Oh baka naman mauna ka pa sa akin ha?"

Tumawa na lang ako sa huling sinabi niya.

Bigla din naman akong napaisip sa mga tinuran niya. Years from now alam ko na darating din yung ganitong punto sa buhay ko. Na magkakaroon din ako ng sariling anak, ng pamilya.

Dahil din sa sinabi niya naalala ko kung paano ako inalagaan at pinalaki ni Mama Bob nang siya lang mag isa. Kung paano siya tumayong ama at ina para sa akin.

Naisip ko lang din,  paano nga kaya kapag ako na ang naging nanay?

Magagawa ko rin kaya ang lahat ng sakripisyong ginawa ni Mama Bob para sa akin noon?

"Oy oy ano yan ha? Sinong magiging mommy na?"

Naputol naman ang pag aanalyze ko nang dumating bigla ang isa din sa mga maiingay sa buhay ko.

"Sinong magiging mommy na? Ikaw ba?"

"Baliw ka ba?" naiiling na tanong ko.

"Oo, baliw sayo. Ayieee."

I frowned, ang harot talaga ng lalaking 'to.

"Ano nga, sino ngang magiging mommy na?" pangungulit pa niya.

Bumuntong hininga ako at muling sumandal sa upuan.

"Wala, yung pusa lang yun nila Yenggay." sagot ko na lang.

"Ah, akala ko ikaw na eh." sabi niya sabay yakap sa akin mula sa likod habang nakaupo ako. "Hello my Love, you look so beautiful today. I missed you." sabay bulong niya sa akin.

Napailing na lang ako sa kalokohan niya. Kakakita lang namin kanina.

Bigla namang sumingit si Yenggay "Kuuuuh, naku naku naku naku! Ayan nanaman kayo ang sakit niyo nanaman sa mata! Porket nagtanan kayo ha?"

"Tanan agad? May nagtanan bang bumalik? Issue 'to." sabi ko naman.

Paulit ulit niyang sinasabi yan. Hindi niya rin matanggap ba hindi man lang daw sinabi ni Erik sa kanya na magmaMaldives kami.

"Sus, kung pwede nga lang yata hindi na kayo babalik eh." pang aasar pa ni Yenggay habang abala lang sa pagpindot ng cellphone niya.

Eto namang pabebe na to na nakayakap sa akin ay kinuha ang kamay ko at pinaglaruan ang kuko ko.

Totoo nga, ang sakit nga namin sa mata tingnan.

"Alam mo kung pwede nga lang, sa ilalim na ako ng tubig titira eh. Ang ganda kaya dun. Wala pang chismosa." pabirong sabi ko.

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Hay nako masyado niyo kasing ginalingan. Grabe, nagkalat nanaman sa social media ang pictures niyo na magkasama, pati articles nagkalat na. Ang dami nanamang kinilig. Wow Shawn Mendez, Camila Cabello, kayo ba yan?!" sabi niya sabay senyas ng walang kamatayang 'finger heart' sa amin. "Aaaay teka lang Ge!"

"Bakit?"

"Wait, naaapakan ko yata ang buhok mo wait. Ang haba e 'no abot hanggang Maldives! Aaaah my heart!" kilig na kilig na sabi pa ni Yeng habang nakatingin sa aming dalawa.

Nakakatawa talaga si Yenggay. Noong nalaman niya na nasa Maldives kami ay sobrang saya niya. Pati mga pictures namin ay inilalagay niya sa IG story niya.

Supportive bestie nga daw sabi nila.

"Pati ikaw yata kinilig e. Fan ka rin namin?" sabi naman ni Pogs.

"Oo naman! Since Star Power yata 'to ramdam ko na talaga ang awra niyong dalawa. Hindi niyo ba alam na ako ang presidente ng fansclub niyo? 1k ang membership fee." pabirong sabi niya

Napailing ako. Ewan ko ba lalo lang sumasakit ang ulo ko sa kanila.

Ibinalik ko na lang ang ulo ko sa pagkakaub-ob. Kanina pa kasing umaga masama ang pakiramdam ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Siguro dahil din sa pagod? Hindi ko sure.

Naramdaman ko naman na biglang lumipat si Pogs sa harapan ko. Iniangat niya ang ulo ko para titigan siya.

"Tinext ako ni Nanay Bianca na umalis daw siya saglit para bumili ng gamot mo kaya wala kang kasama ngayon dito. Masama pa rin ang pakiramdam mo?" nag aalalang tanong niya.

Tumango lang ako bilang sagot. Inaantok kasi talaga ako. Sobrang antukin ako these past few days. Siguro dahil na rin kulang naman talaga ako palagi sa tulog.

Mukha ngang nagmadali pa siya na pumunta dito. Meron kasi kaming ASAP ngayon at mukhang kakatapos niya pa lang sa production number niya. Kami naman ni Yenggay ay kanina pa tapos at hinihintay na lang namin ang closing.

"Anong masakit sayo? Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo ba dalhin kita sa ospital?" pag uusisa niya pa, para siyang doktor.

Umiling naman ako nang bahagya. "No need, pagod lang siguro talaga ako." I reassured him.

"Pagod? Bakit ka naman napagod? Wala naman tayong ginawa kagabi ah." makahulugang sabi niya pero imbes na makaramdam ng awkwardness ay natawa na lang ako. Siraulo. "Kumain ka na?"

"Hindi pa, wala akong gana kumain Pogs." sabi ko pa.

"Hmmmn hindi pwede yan. Dapat kumain ka, lalo kang mahihilo niyan." pagpapagalit niya

Hindi ko na lang siya inimik. Sadyang sobrang pagod ako para makipagtalo pa. May dala naman akong pagkain pero hindi ko man lang nagalaw dahil wala akong gana.

Sa totoo nga lang parang gusto ko lang siyang yakapin ngayong oras na to nang walang dahilan, ewan ko din ba kung bakit. E kaso hindi naman pwede.

Naramdaman ko na lang na umalis si Erik sa tabi ko nang umub-ob muli ako ako kaya doon naman napataas ang tingin ko.

Anong nangyari? Nabadtrip ba siya sa akin?

Hala, hindi ko naman sinasadya.

Susunod na sana ako sa kanya pero ilang sandali lang ay bumalik naman na ulit siya dala ang mga tupperwares.

"Ano yan?" takang tanong ko.

"Pagkain. Kakain ka." sabi niya naman tumayo ulit sa harapan ng upuan ko at isa isang binuksan ang mga tupperwares na may lamang kanin at ulam.

Hindi ko alam pero parang bigla akong napangiti sa ginawa niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na at niyakap ko siya.

Naramdaman ko namang nabigla siya sa ginawa ko maging si Yenggay.

Pinagtinginan naman kami ng mga kasama namin sa loob at halatang lahat sila ay nahihiwagaan.

Madalas naman kasi nila kaming makita na malapit sa isa't isa pero bihira lang akong maging sobrang sweet kapag may ibang tao. Pero hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang ko para bigla na lang siyang yakapin ngayon.

Hindi ko man makita ay ramdam kong nakangiti na siya. He hugged me back na para bang kami lang ang magkasama dito and then he whispered "Bakit?"

I just shrugged while still hugging him. Nakasandal ako sa dibdib niya. "Wala lang, gusto lang kitang yakapin."

Narinig kong mahina siyang natawa at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Ewan ko din ba, I also find it weird. Hindi naman kasi ako ganito sa tuwing may ibang tao pero parang ngayon parang wala akong pakialam. Halos magkasama naman kami mula kanina pero parang kahit na saglit lang siyang nawala sa paningin ko ay miss na miss ko na agad siya. And I know he loves it too, yung ganito ako sa kanya kahit sa harap ng iba. Kung pwede lang talaga sana.

"I love you." bulong ko

"I love you too." sabi nya at naramdaman ko na mabilis niyang dinampian ng halik ang ulo ko. That gesture tho. "Sige na, kumain ka na Sexy love ko." sabi niya

"Ayoko, busog pa ako."

"Paano kang mabubusog e wala ka pa namang kinakain mula kanina?" sabi nito "Kain na, manghihina ka niyan. Tingnan mo oh namumutla ka na." sabi niya habang hawak ang pisngi ko.

"Ayaw ko talaga Pogs, wala akong gana."

Bigla naman siyang nagpout habang nakatingin sa akin habang nakayakap pa rin "Sige ka magtatampo ako"

Dahil sa sinabi niya ay natawa ako. "Ano ka, teenager na nagagalit kapag hindi kumain ang jowa?" sabi ko sabay iling bilang sensyales na ayaw ko talagang kumain.

Narinig ko namang bumuntong hininga siya. Akala ako ay sumuko na siya sa pagpilit sa akin pero wala, nakalimutan kong si Erik Santos nga pala siya.

Sandaling umalis siya sa pagkakayakap sa akin at kinuha ang pagkain na nakapatong sa may lamesa. Muli siyang sumandok ng pagkain at itinatapat ang kutsara sa bibig ko.

"Kain na." nakapout na sabi niya "pleaseee?" pahabol pa nito

Dahil sa ginawa niya ay hindi ko napigilang hindi tumawa at mapangiti.

Nagpapacute na siya, aarte pa ba ako?

Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 93 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
16.3K 417 14
Any kinds of one shot story that you will witnessπŸ’™πŸ’™ kieflyπŸ’™
38.7K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
12.3K 705 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...