Pleasure Of Destruction | R-18

By regnaress

983K 23.2K 4.5K

18+ Arciaga Brothers Series #1: Caspian Vladimir Arciaga - McKenna Ivana Ruellos found herself falling down t... More

Pleasure of Destruction
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Extra

Kabanata 48

9.5K 206 26
By regnaress

Kabanata 48, Ivana

"Fierce." Marahan kong binaba ang gilid ng aking labi mula sa pagkakangiti upang gampanan ang sinabing emosyon ng photographer. "Gorgeous..."

Hinawi ko ang aking buhok at bahagyang tumingin sa kanan. Hinawakan ko ang string ng aking suot na black laced bikini upang mas madepina ang tela.

Inayos ko ang pagkakaupo ko sa upuan at mas pinag-igihan ang seryosong mga mata sa camera. Nilagay ko ang aking kamay sa harap at pagitan ng aking dalawang hita habang ang isa'y pinanatili ko sa aking buhok.

Sabay-sabay ang pag-ilaw ng flash ng camera habang gumagawa ako ng iba't ibang klase ng pose. Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng ilang palakpak. Muli akong nasilaw sa mga flash ngunit agad ding nagpatuloy.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at muling tinuon ang mata sa camera. Nilagay ko ang aking buhok sa isa kong balikat. Ang magkabila kong kamay ay pinirmi ko sa aking gilid bago ko pinagkrus ang dalawa kong hita.

"Beautiful!" Puri nilang muli.

Nakarinig ako ng mga mahihinang kumento mula sa loob. Hindi ko sila

"That's a wrap." Ani sir Kyle at nag-thumbs up sa akin.

Nginitian ko lamang siya. May nag-abot sa akin ng robang puti at agad ko naman iyong sinuot. Dinampot ko ang aking cellphone at binasa ang message ni Carlos doon.

Nasa baba na raw siya. Napatingin ako sa paligid. Mga busy ito. Agad na rin akong pumunta sa dressing room upang makapagbihis.

Sinuot ko ang puti kong slim fit crop top at bow tie cargo pants. Nang matapos ay agad din akong lumabas.

Tinali ko ang aking buhok at nginitian ang mga nakasalubong.

"That was gorgeous, Ivana." Puri sa akin ng kaninang babaeng nag-assist sa akin.

Nginitian ko siya at nagpasalamat. Nang mapansing wala nang kausap ang direktor ay agad din akong lumapit.

Kinausap ko siya kung may susunod ba na photoshoot at sinabi niyang sasabihan niya lang daw ako kaagad. Pinaulanan niya rin ako ng puri bago ako hinayaang umalis.

Tumaba naman ang aking puso dahil doon. Habang naglalakad ay nakaukit ang ngiti sa aking labi. Nang makalabas ako sa studio ay agad ko ring namataan si Carlos. Nakasuot ito ng aviators at nakasandal sa kanyang sasakyan.

Nang mamataan ay agad niya akong nginitian.

"Sweet." Aniya nang makalapit ako. "Good mood?"

Pabiro akong umiling. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago umikot sa driver's seat.

"Kinausap ako ni Kyle." Bungad niya ng makapwesto sa aking tabi.

Kinabit ko ang seatbelts bago siya binalingan. "Yes?" Tanong ko.

Tumulala siya sa akin sandali bago napailing. "Uh... sabi niya pupunta raw kayo sa Isola di Paradiso?"

Agad akong napasinghap. Pinaling ko ang aking ulo. Hindi ko alam ang tinutukoy niya. "Walang nasabi sa amin."

Ngumuso ito. "Baka surprise?"

Napailing ako. Ito ba ang sinasabi niyang may ibang pupuntahan?

"So," segunda niya. "I'm going with you."

Saglit akong natigilan. Bahagyang nagulat sa kanyang sinabi. "Huh?"

Binuhay niya ang makina ng sasakyan at tumulak na kami paalis. Nagkibit balikat ito.

"Sasama ako." Ulit niya.

"Paano ang trabaho mo?"

Umiling siya. "Bakasyon na rin?"

Bahagya akong nakaramdam ng konsensya. Goodness! He would even do this!

"I'm okay, Carlos, hindi mo naman kailangan na sumama para bantayan ako..." I trailed off.

Nabakasan kong bahagya siyang na-offend sa aking sinabi kaya naman mabilis kong kinagat ang aking dila.

"Gusto ko rin magbakasyon." Aniya. "Ayaw mo akong kasama?"

Napalunok ako. "Hindi naman sa ganoon, iniisip ko lang iyong trabaho mo."

"Don't worry about it." Aniya bago inabot ang aking kamay.

Nagulat ako ngunit hindi ko binawi. Kalaunan ay inalis niya rin iyon upang ilagay sa manibela.

Hindi na lamang ako nagpumilit. Tahimik tuloy kami sa biyahe. Nag-iisip ako ng mga dapat sabihin ngunit walang pumapasok sa aking isip.

Sa huli'y hinayaan ko na lamang na tunog ng mga nakakasalubong at nakakasabay na kotse ang aming pinakinggan.

Nakamata ako sa labas.

From what happened, ito ang natutunan ko. Kung hindi mo desisyon, huwag kang mangengealam. Nagkamali akong kwinestiyon ko ang sinabi ni Carlos ay dapat akong humingi ng paumanhin.

Hindi ko dapat pinapangunahan ng aking ideya dahil madalas, ang aking naiisip ay palpak.

Gaya na lamang ng nangyari dati...

Halos mapatalon ako ng muli kong maramdaman ang kamay ni Carlos sa akin.

"We're here." Aniya. Tumigil kami sa tapat ng isang sikat na restaurant.

Pinatay niya ang makina at binunot ang susi. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto upang ikutan ako.

Napasinghap ako at agad na ring lumabas upang hindi na rin niya pagbuksan. Nang makitang kasasarado ko lamang ng pinto'y agad itong ngumuso.

Lumapit siya sa aking gawi bago pinirmi ang kamay sa aking balakang. "Let's go."

Bahagyang may sumaging imahe ng lalaki sa aking isip kaya naman mabilis kong pinilig ang aking ulo. Nagsimula kaming maglakad. Pinagbuksan kami ng pinto at nginitian ako ng babaeng gigiya sa amin sa lamesa.

"Table for two po." Aniya at binigay ang magkaharapang lamesa.

"So," panguna ni Carlos ng ilapag ang menu sa aming harapan. "What's yours?"

Tumikhim ako bago tinapunan ng tingin ang pagpipilian. "Caesar salad." Ngiti ko.

I'm on a diet, lalo pa baka madagdagan ang photoshoot ko about summer magazines. Gusto kong i-maintain ang aking figure.

"Nothing else?" Tanong niya. Umiling lamang ako at hinintay siyang makapili.

Carlos is probably the ideal guy for most girls. Gwapo, mayaman, maginoo. Wala ka na halos hihilingin pa. Nasa kanya na ang lahat.

Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko siya magustuhan.

Maybe because I don't have my heart anymore? Someone took it already, that's why I can't give anything back.

"Are you okay?" Tanong niya ng mapansin akong balisa.

Napakurap ako at tumango. "I'm fine. I'm just tired."

Nagbago ang kanyang reaksyon. Tila ba'y nakaramdam ng awa. "Gusto mo kausapin ko si Kyle? Huwag ka munang mag—"

Suminghap ako at umiling. "No! It's okay! Gusto ko lang matulog kasi maaga akong nagising kanina." Palusot ko.

Tumango-tango naman siya. "Basta kung pagod ka at kailangan mo ng pahinga sabihin mo lang."

Nginitian ko siya. Nagkwentuhan kami tungkol sa photoshoot na nangyari. Kinantiyawan niya pa ako dahil kaya raw nagkaroon ng traffic sa EDSA ay dahil nilabas na ang billboard ko roong naka-swimsuit.

Tinawanan ko lamang siya. Nang mailapag ang pagkain ay muli kaming nag-usap. Minsan ay trabaho, napagkwentuhan din namin ang na-cancel na photoshoot sa Palawan.

Ang sabi niya'y baka may mas maganda pang oportunidad. Um-oo naman ako. Hindi ko naman pwedeng pilitin kaya hindi ako pwedeng magreklamo.

Hindi ko na halos namalayan ang oras. Nang matapos kaming kumain ay nanatili kami sandali bago tuluyang umalis.

"Oo nga pala." Panguna ko noong pinagbuksan niya ako ng pinto. "Ponnie invited us to go to Grand Cup Bistro, do you want to join us?"

Ngumiti siya at tumango. "Sure."

Umangat din ang dulo ng aking labi bago pumwesto sa loob.

Tinignan niya muna ako saglit bago umikot upang makasakay sa driver's seat.

Tinuloy namin ang aming pag-uusap hanggang sa makarating kami sa tapat ng aking condo.

"—that was fun." Huling tawa ko sa topic na pinag-uusapan namin kanina.

"So, see you tomorrow?" Ngiti ko sa kanya. Tumawa siya at um-oo.

Kinalas ko na ang seatbelt ko upang tuluyang makaalis. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kanyang kotse ng bigla niya akong tawagin.

"Ivana." Umangat ang aking paningin sa kanya.

Bago ko pa man marinig ang kung ano mang sasabihin niya'y mabilis ko nang naramdaman ang kanyang pagpatak ng halik sa aking labi.

Nanlaki ang aking mata ngunit hindi ko nagawang makapagsalita! Suminghap lamang ako.

"See you." Saad niya ng umatras.

Napalunok ako at hindi na nakapagsalita. Binuksan ko ang pinto at hilaw ang ngiting kumaway sa kanya.

Fuck. What just happened?

Nang isarado ko ang pinto'y binaba niya pa ang bintana upang magpaalam. Pagkatapos ay tuluyan na siyang tumulak.

Shit. That was the first time he kissed me.

And...

It felt bland.

Mabilis akong tumalikod. This keeps on getting worst. Gusto kong sabihing walang tiyansa pero— ayaw ko siyang saktan!

Lutang kong pinindot ang aking palapag ng makasakay ako ng elevator. Mula sa repleksyon ko'y kita ko ang kawalan ng emosyon sa aking mga mata.

Pakiramdam ko'y kahit may nakukwento ako o nakakausap parang may hinahanap pa rin ako.

Hindi ko alam kung bakit parang kahit nakakayanan kong ngumiti'y hindi pa rin ako buo.

Do I need a shrink?

Pagod akong bumuntong hininga hanggang sa bumukas ang pinto roon.

Dumiretso na lamang ako sa aking kwarto upang tuluyan nang makapagpahinga.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 2.3K 48
Cielo's life revolved around Deuce Crisologo, her first love and long-time boyfriend, but she got tired of his constant manipulations, baseless accus...
Summer's Fist By kaxxx

General Fiction

1.1K 110 44
Resere Series #1 Vaniana is a typical woman we should put on our list. But she was hiding something from her past. Siguro malaking tulong na rin ang...
2.5K 74 56
Minerva Giselle Delos Carlos, the living evidence of her parents' love. The little young girl that likes this certain boy. The young woman who change...
Sin of Heaven By Jazz

General Fiction

97K 3.1K 64
The Lionheart Brothers #2 Heaven Claudius Lionheart is the eighth son of the Lionheart household and is known as the "Doctor" of the family. Seraphin...