SUBSTITUTE LOVER (R-18)

By maricardizonwrites

4.5M 123K 5.8K

[highest rank #1 in ROMANCE] May mga ginawang pagkakamali si Andrea noon na naging dahilan kaya naging estran... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54 [END]
Substitute Lover Physical Book Advance Selling Details

Part 7

82.4K 2.2K 31
By maricardizonwrites

PAGSAPIT ng gabi pakiramdam ni Andrea malapit na siya magkaroon ng panic attack. Unti-unti kasi nag si-sink in sa kaniya na magkatabi sila matutulog ni Denver at siguradong mag e-expect ito na may mangyayari sa kanila. Bagay na hindi puwede. Hindi iyon kasama sa pinag-usapan nila ni Veronica.

Bandang alas siyete ng gabi bumalik ang executive assistant ng binata. Tatlo silang kumain ng dinner na hinain ni manang Gina. Pagkatapos kumain umalis ng dining room ang dalawa at nagkulong sa opisina ni Denver somewhere sa napakalaki nitong Penthouse. Alam ni Andrea na wala sa personalidad ni Veronica ang mag offer ng tulong sa kasambahay pero ginawa pa rin niya. Tumulong siya mag ligpit sa dining room at sa kusina kahit halatang nataranta si manang Gina sa ginawa niya.

"Please manang, let me do this. Wala naman ako gagawin at naiinip ako," sabi niya sa pinaka-Veronica na tono na kaya niya.

Napatitig sa kaniya si manang Gina na para bang ang weird niya. Kinabahan tuloy siya na baka nahalata nitong hindi siya ang kakambal niya. Pero sandali lang ay bumuntong hininga ito at halatang napipilitang hinayaan na lang siya tumulong. Nginitian niya ito kaso tumalikod na si manang kaya hindi nito nakita. Feeling siguro nito nang-iinis lang siya kaya ayaw pa niya umalis.

Ang hindi alam ng matanda, kailangan niya ng distraction kasi palaging napupunta ang isip niya sa oras na matutulog na sila ni Denver. Lalo siyang na-tense nang malaman mula kay manang Gina na hindi pala ito sa mismong penthouse nakatira kung hindi sa isang malaking unit one floor below. Kasama nito roon ang ilang tagalinis, errand boys at personal driver ng binata.

Ayon sa matandang babae ayaw daw ng amo nito ang may kasama sa bahay kahit noon pa pero kailangan mabilis na may darating kapag kailangan nito. Si Denver daw ang may-ari ng buong building na iyon kaya madali para ritong bigyan ng matitirhan sa ibabang floor ang mga tauhan.

Tumango-tango lang si Andrea at tahimik na nakinig. Mayamaya napansin niyang mataman na namang nakatingin sa kaniya si manang Gina na para bang pinag-iisipan kung magpapatuloy sa pagsasalita o hindi.

"Bakit po?" alanganing tanong niya.

Tumikhim ang matandang babe. "Wala naman." Ibinalik na nito ang atensiyon sa lababo at tinaboy na siya paalis ng kusina. Napilitan na tuloy si Andrea na tumalima. Bumalik na lang siya uli sa master's bedroom.

Nagdesisyon siyang tawagan uli si Veronica kasi marami pa ring hindi malinaw sa kaniya. Pero nakapatay na ang cellphone nito at hindi na niya ma-contact. Iniwan na siya sa ere nang magaling niyang kapatid.

Bakit ba kasi ako nagpadala sa pakikiusap ni Veronica? Bakit ako pumayag na gawin ito para sa kaniya? Ano bang mapapala niya sa pagpapanggap na iyon?

Ibibigay niya sa 'yo ang impormasyong ilang taon mo na gusto malaman. Bigla nawala ang pagkataranta ni Andrea. Bumalik sa focus ang isip niya at nawala ang alinlangan. Dahil naalala niya ang dahilan kaya siya naroon ngayon at nagpapanggap na si Veronica, lumakas ang loob niya. Kaya niya gawin ang lahat para sa impormasyon na iyon

Nang kumalma ang puso niya ay naligo siya at nagpalit ng damit. Napangiwi siya kasi walang t-shirt at shorts sa maleta niya na normal niyang pantulog. Puro maninipis na nighties lang ang pagpipilian niya na sobrang baba ng neckline at hanggang kalahati lang ng mga hita ang haba.

Hindi bale... hindi naman ako makikita ni Denver na suot ko ang mga ito. Napanatag siya sa isiping iyon at isinuot ang itim na nighties na may manipis at makinis na tela. Satin nga ba ang tawag doon? Hindi niya alam pero napasinghap siya nang dumulas iyon sa kanyang balat. Nanayo ang mga balahibo niya sa sensasyon. Wala sa loob na umangat ang kamay niya at hinaplos ang bandang tiyan niya. The feel of satin against her skin aroused her. Napasinghap tuloy siya at nanlaki ang mga mata, hindi makapaniwalang posible siya makaramdam ng ganoon dahil lang nagsuot siya ng night dress.

Wearing these will make you feel sexy, iyon ang sinabi ni Veronica nang magreklamo siya sa mga inilalagay nito sa maleta. "Sexy? More like I feel horny," bulong niya sa sarili.

Napaigtad si Andrea nang biglang may kumatok sa pinto ng master's bedroom at marinig niya ang boses ni Ben. Mabilis na isinuot niya ang nahablot na bathrobe na nasa cabinet ng banyo bago lumapit sa pinto ng master's bedroom. Huminga muna siya ng malalim at saka iyon binuksan. Katulad ng hinala niya nasa labas din si Denver.

"Tapos na ang meeting namin. Mr. Vallejo wants to rest now."

Sumikdo ang puso ni Andrea at napaatras nang umangat ang isang kamay ni Denver at sandaling kumapa sa hangin bago makahawak sa hamba ng pinto. Pagkatapos humakbang na papasok ng master's bedroom ang binata. Akmang susunod na rin sana ang executive assistant nito pero biglang nagsalita si Denver.

"You can go home now, Ben."

Natigilan ang assistant nito, halatang nagulat. Napasulyap ito kay Andrea bago ibinalik ang tingin sa amo. "But I need to assist you before you sleep."

"You don't have to. Kaya ko na ang sarili ko."

"Pero –"

"Ben. Just go."

Halatang hindi pa rin kumbinsido ang lalaki pero bumuntong hininga at sinabing, "Fine. I'll see you tomorrow sir." Tinapunan siya ni Ben ng alanganing tingin na para bang wala itong tiwalang iwan kasama niya ang amo nito. Nang bumuntong hininga si Denver saka lang tuluyang nagpaalam ang executive assistant nito at kusa pang isinara ang pinto. Silang dalawa na lang talaga sa master's bedroom.

"Veronica."

Napakurap siya at napatitig sa binata. "Yes?"

Bigla itong pumihit paharap sa direksyon niya na para bang kaya siya nito tinawag ay para alamin kung saan siya nakatayo base sa kung saan galing ang boses niya.

Hindi niya napigilan humakbang palapit dito at muling nagsalita, "Bakit?"

Bahagyang umangat ang mga kilay ni Denver. "You are acting strange."

Sumikdo ang puso ni Andrea. "Strange? Ako? Hindi ah!" mabilis na sagot niya.

"You are. Mula pa nang dumating ka sa bahay ko kaninang umaga. Iba ang tono ng boses mo kaysa sa pagkakatanda ko."

Lalo siyang kinabahan. Hindi siya puwedeng mabisto na wala pa siyang isang araw doon. "Walang nabago sa akin. You probably just didn't pay much attention to me before. Hindi mo kilala ang totoong ako," palusot niya.

Natigilan si Denver at mukhang kinonsidera talaga ang sinabi niya. Kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Besides, you don't act like yourself too. Well, you did act like the arrogant, cruel and heartless Denver Vallejo that everyone knows when you asked me who I was this morning. Pero pagkatapos 'non hindi ka na kasing sama na gaya ng pagkakakilala ko sa 'yo."

Hindi kumibo ang binata kaya napatitig lang siya sa mukha nito. Actually nabasa lang niya lahat ng description na iyon sa internet kanina. Close ang parents nila sa parents ni Denver pero never siya naging close sa binata. Sa kanilang dalawa ni Veronica, si Andrea ang matatawag na plain wallflower. Ang kakambal niya ang palagi sinasama ng parents niya sa mga party kasi ito ang maganda, madaldal at charming.

Seven years din ang tanda nito sa kanilang magkapatid kaya imposible talagang magtagpo ang mga landas nila maliban na lang kung may kinalaman sa kompanya. Throughout the years si Veronica lang ang nagkaroon ng maraming contact sa binata.

Kaya ang pagkakakilala lang ni Andrea kay Denver ay base sa usap-usapan ng mga tao sa paligid niya noon. Narinig niya na mula pa noong kabataan nito popular na sa high society circle ang lalaki dahil sa mataas nitong IQ, achievements sa school at pagiging habulin ng mga babae. Pero nang magpakalayo-layo siya mula sa pamilya niya nawalan na siya ng balita at kanina lang niya nabasa sa articles kung ano ito bilang isang businessman.

From a playful and popular teenager Denver Vallejo became a ruthless and calculating man. Sa pagpasok nito sa V.Tech lalong lumago ang kompanya. He incorporated innovative strategies and logistics that made V.Tech one of the biggest IT Company in Asia. Naging arogante daw ito, naging mahigpit at sobrang perfectionist kasi ineexpect nitong dapat makasabay ang lahat sa pagiging perpekto nito. Pero imbes na ma-turn off ang mga tao lalo lang tumindi ang karisma nito dahil sa attitude nitong iyon. Businessmen like him began to both fear and loathe him. Women all wet their panties when they see him. Basically, Denver Vallejo was at the prime of his life. The world was at the palm of his hands.

"Kapag may napagdaanan kang trahedya at bigla na lang nagulo ang lahat sa dating maayos mong buhay, magbabago ka talaga," komento ng binata makalipas ang mahabang sandali.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 50.4K 36
Lex became a heartless woman-hater playboy since the day his soon-to-bride left him without any reason. That woman inflicted a big part of his heart...
My lover By Markshin

General Fiction

6.8M 47.6K 53
Mariella "Ella" Ruiz is the perfect example of an unreachable dream. She has a nice pair of eyes, kissable lips, beautiful body, over flowing sex app...
1.3M 33.6K 40
She is a mystery I can't help but solve. -Blaze Shaun Falcon
1.3M 44.5K 55
A love quote once said "The best thing to hold onto in life is to each other" but what will happen pag ang minamahal mo ay hindi mo naman pagmamay-ar...