ZAFIRA: The Princess of Wizar...

Da ariathatsme

882K 21.7K 866

STARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vam... Altro

OLD BOOK COVER
DISCLAIMER
PROLOGUE
Chapter 1: Enrollment Paper
Chapter 2: Wizard Academy
Chapter 3: Prince Flint Stone
Chapter 4: The Lost Princess
Chapter 5: Intruder
Chapter 6: Dark Sorcery
Chapter 7: The Princess' Birthday Revelation
Capter 8: Missing Princess
Chapter 9: Spy
Chapter 10: The Princess Returns Part 1
Chapter 10: The Princess Return Part 2
Chapter 11: Abducted
Chapter 12: Master Haurvat
Chapter 13: Finding the Princess
Chapter 14: Coronation
Chapter 15: Impostor
Chapter 16: Love Story
Chapter 17: Sleeping Dragon
Chapter 18: Goddesses
Chapter 19: Elements
Chapter 20: Confession
Chapter 21.1: First Kiss
Chapter 21.2: Bad Welcome
Chapter 22: In his arms
Chapter 23: Chosen One
Chapter 24: Party or Tragedy
Chapter 25: Distraught
Chapter 26: Guest
Chapter 27: Gone
Chapter 28: Gate of Intelligence
Chapter 29: Sila na?! Kami na! Kayo na!
Chapter 30: Egret
Chpater 31: The Voice
Chapter 32: Seiryuu
Chapter 33: Regrets
Chapter 34: Fire (Suzaku)
Chapter 36: Trap
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Fight
Not an Update
Chapter 39: The End
Chapter 40: Last Chapter
EPILOGUE
Author's Note sana basahin niyo
PLUG!PLUG!PLUG!
About the book 2
Special Chaptersssss
Book 2
Special Chapter #1

Chapter 35: Leaving

8.9K 254 12
Da ariathatsme

Dalawang araw na ang nakakalipas nung nagalit sa akin si Aiden. Isang araw na ang nakakalipas ng matapos ko ang pagsasanay ko sa pagkontrol ng kapangyarihan ko.

"Kamusta na Sapphire?" Tanong ko sa alaga kong dragon.

Andito kami ngayon sa may garden kasama ng ibang dragon. Hinhimas-himas ko pa ang balahibo ni Sapphire. Ang ganda niya talaga kumpara sa ibang dragon at kakaiba din siya.

"Ayos lang naman ako Prinsesa"

Teka, ang boses na iyon. Parang.. Parang un din ung naririnig ko sa mga nakaraang ensayo ko.

"Sapphire ikaw ba ung.. ung dragon na laging nagg-guide sa akin sa mga nakaraang pag-eensayo?" Nag-aalangang tanong ko

"Oo ako nga iyon Zaf"

"Alam kong may koneksiyon tayo pero paano ka nakakapasok sa isip ko gayong walang nakakakonekta na dragon sa isipan ng isang wizard kapag nasa loob ito ng ilusyon ng iba pang mga dragon lalo na ng mga makapangyarihàng dragon."

"Hindi ko masasagot ang mga tanong mong yan Zafira. Masyado pang maaga. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman mo kung ANO at kung SINO talaga ako."

ANO? at SINO? Ibig sabihin may dalawa ang pagkatao niya? Ang gulo. Siguro hindi ko pa ganung kakilala si Sapphire. Anong klaseng nilalang ka ba talaga Sapphire?

Magtatanong pa sana ako kay Sapphire kaya lang biglang dumating si Miriam. Naaalala niyo pa siya? Siya ung tagasilbi namin. Ung nakita ko paggising ko nung dinala ako ni Master Haurvat sa Dragon Paradise.

"Mahal na Prinsesa pinapatawag po kayo ng mahal na hari. Pag-uusapan niyo na daw po ang pag-alis niyo."

"Sige Miriam. Nasaan ba siya?"

"Nasa kwarto pa po niya. Pero tumuloy daw po kayo sa may Sikretong Silid dun daw po kayo mag-uusap."

"Sige mauna ka na." utos ko kay Miriam at walang ano-ano'y umalis na siya.

"Sapphire mauna na muna ako ha? Alam mo naman na aalis na tayo mamayang gabi." Paalam ko kay Sapphire.

~*~

Naisipan ko munang pumunta sa kwarto ni Ama bago sa Sikretong Silid. Kakatok na sana ako sa pinto kaya lang may narinig akong nag-uusap.

"Hindi mangyayari ang propesiya ama. Hindi niya papakasalan si Marcus." Sabi ng isang lalaki sa mahina ngunit galit na tinig.

Nakarinig ako ng yabag palabas ng pinto kaya agad akong nagteleport sa sikretong silid. Nagulat ako ng Makita ko sila Belle, Jennicah, Flint at.... Aiden.

"Saan ka galing Zaf? Bakit parang hinihingal ka pa?" nagtatakang tanong ni Belle.

"*Panting* D-diyan l-lang sa may garden nagmadali na kasi akong pumunta dito nung nalaman ko na pinapatawag ako ni ama." Sabi ko na medyo hinihingal. Ang totoo naman ay kinakabahan ako.

Anong ibig sabihin nung nagsalita na propesiya? At ikakasal kay Marcus?

Di ko na natapos ang pag-iisip ko ng biglang dumating si Ama kasama si Lolo. Agad naman silang nagyukuran.

Umupo naman si Master Haurvat sa dulo at tumabi sa kanya si Ama. Bali ganto ung sitting Arrangement naming

Belle    Jennicah    Aiden

LOLO

Ama

    Flint    Ako

Yeah.. Ayaw talaga ako makatabi ni Aiden.. 😭😭

"Kaya namin kayo pinapunta dito ay para samahang tumakas si Zafira papuntang mundo ng mga tao mamayang gabi." Panimula ng aking ama.

Tumango lamang kami dahil alam na naming iyon.

"Kami ng mga magulang niyo ang lalaban sa mga Nights bukas ng gabi. Ayaw namin kayong madamay dahil mga bata pa kayo. Pero ipangako niyo sa akin na aalagaan niyo si Zafira." Malungkot na sabi ni Ama.

Hindi ito pwede. Hindi pwedeng tumakas ako, kami. Kailangan naming tulungan ang mga magulang naming.

"Ama, hindi po ako papayag. Kailangan nating magtulungan para mailigtas ang buong Kaharian." Pagkontra ko sa ideya ng aking ama

"Anak, kailangan niyong tumakas ngayong gabi para sa kaligtasan mo. Wag kang mag-alala kaya namin ang laban na 'to."

"Pero ama.. Malakas po ang mga Nights kaya mas maganda kung marami tayo. Makakapagtulungan tayo."

"Anak, sana maintindihan mo na ayaw kitang mawala kagaya ng mama mo. At tsaka ikaw ang mamamahala sa Kaharian kapag nawala ako."

"Ama, hindi po kayo mawawala. Lalabanan po natin sila."

Napahagulgol na ako. Ilang buwan pa lang kami nagkakasama ni Ama tapos sasabak na kami sa labanan. Di ko ata kaya na mawala siya.

Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Tinignan ko kung sino si.. Flint. Parang may part ng puso ko na nadisappoint.

"Tama na nga ang arte Zaf! Sundin mo na lang ang mahal na hari alam niya kung ano ang mas nakakabuti!" Sigaw ni Aiden sabay balibag ng pinto.

Arte? Wow! Iniisip niya lang na umaarte ako. Tinignan ko sila Jennicah at Belle pero nakakunot ang noo nila.

Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila.

"Mabuti pa Flint dalhin mo na muna si Zafira sa kanyang silid." Utos ng aking ama.

Siguro naguguluhan din siya sa mga nangyayari. Medyo tumahan na naman ako sa pag-iyak ko.

"Ako na lang po Mahal na Hari." Sabay na sabi ni Jennicah at Belle. If I know, makikitsimis lang yang mga yan.

"Sige, mabuti pa nga." At pumayag pa ang ama ko.

~*~

Sa kwarto

"Zaf?" Panimula ni Jennicah

"Oo na. Alam ko naman na gusto niyong magkwento ako." Pampuputol ko sa kanya

"Good. Kwento na dali!" nagmamadaling irit ni Belle.

"Okay ganito kasi iyon..."

Ikinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari simula sa ilusyon ko at hindi ko napigilang hindi mapaiyak.

"Tahan na Zaf. Alam kong malalaman din ni Aiden ang totoo."Pampalubag loob na sabi sa akin ni Belle.

"Nako! Yang Aiden nay an! Magkababata pa man din kami. Humanda siya sa akin! Pagbintangan daw ba si Flint ko!!"Galit na galit na sigaw ni Jennicah.

Nagkatinginan naman kami ni Belle. Tapos kay Jennicah. Tumahan na din ako

"Ahh..Ahh.. I mean... L-lagot sa a-akin si A-aiden.. T-tama!" Nauutal pa niyang sabi.

"Jennicah?"

"B-bakit Z-zaf?"

"May hindi ka ba sinasabi sa amin? May pagbabbantang saad ko sa kanya

"Ahh..w-wala n-naman" kinakabahang sagot niya.

"Sigurado ka?" Pang-uuyam ko pa dito.

"Oo na! Oo na! Nagtapat na sa akin si Flint!"

"Kyah!!" Sabay na sigaw namin ni Belle.

Alam kong may problema din ako sa love life pero masaya pa rin ako kay Jennicah kasi matagal na niyang mahal si Flint at sa wakas eh minahal din siya.

"Ehh. Pero hindi yan ang problema ngayon ehh ung kay Zaf." Malungkot na sabi ni Jennicah kaya inakbayan ko siya at sinabing.

"Okay lang ako Jennicah. Don't worry, di ako matitiis ni Aiden." Nakangiti kong sabi

"Bakit parang mas tumapang ka ngayon Zaf?" tanong ni Jennicah

"I don't know." Kibit balikat kong sabi.

"Okay tama na ang drama. Magempake na tayo!" Sigaw ni Belle

"Ahhh.. Belle... Hindi ako sasama."

"Ha?! Anong hindi ka sasama?! Pinagsasabi mo?!" Galit na sigaw ni Belle

"Ehh, Belle di nga ako papayag na pumunta tayo sa mundo ng mga tao tapos ano? Iiwan na lang natin sila dito para sila ang makipaglaban sa mga Nights?"

"Pero Zaf diba utos ng Hari na pumunta kami kasama KA sa mundo ng mga tao para sa mas ikabubuti po." Belle

Diniinan niya pa talaga ung ka.

"Pero—"

"Hep! Hep! Ang utos ng Hari hindi mababali!" Putol ni Belle sa pagtutol ko.

Tignan mo 'to nagjoke pa. Pero ito ang mas matindi.

"Ang utos ng Hari ay hindi nga mababali pero lahat ng bagay ay may elastic limit. Kaya may pag-asang mabali ang utos ng Hari!" Sabat naman ni Jennicah.

Sabi ko sa inyo ehh.

*PAK* (Sinapak po ni Belle si Jennicah ;)

"Aray! Ano ba Isabella Ambroise!?" Sigaw ni Jennicah

"Mas matindi pa ung sa'yo ehh." Belle

Napapailing na lang ako sa kanilang dalawa. Kahit kelan talaga. Itong dalawa na ito.

*KNOCK*KNOCK*

"Anak?"

Napatahimik naman ung dalawang nagbabangayan.

Tumayo ako at pumunta sa may pinto at binuksan ito.

"Bakit po ama?"

"Maaari ba tayong mag-usap?" Sabi ni Ama sabay tingin kila Belle at Jennicah.

Agad namang tumayo ung dalawa at lumabas ng kwarto. Pero bago pa man sila lumabas may sinabi pa sa akin si Belle.

"Good Luck Zaf ;)" May kindat talaga un.

Napailing na lang ako at umupo na sa kama ko. Pumasok naman si Ama at sinara ung pinto.

"Anak? Galit ka ba sa akin?"

"Hindi naman po ama. Kaya lang gusto ko lang po manatili dito para samahan kayo sa pakikipaglaban."

"Pero anak kailangan mong umalis mamayang gabi. Hindi maaaring makuha ka ng mga Nights."

"Bakit po ba ikinakatakot niyong makuha ako ng mga Nights ama? In the first place, ako naman talaga ang gusto nilang makuha. Kaya pwedeng sumuko na lang po ako para naman matigil na ang kaguluhang 'to. Para walang digmaan ang magaganap." Paliwanag ko sa aking ama. Totoo naman kasi ako ang may kasalanan ng digmaan na 'to. Ako ang gusting makuha ng mga Nights

"Hindi!!" Biglang tumaas ang tono ng boses ng aking ama.

"Hindi maaaring mangyari iyon! Ngayon sundin mo ako at magempake ka na ng damit mo."

Napayuko na lang ako sabay sabing "Masusunod po ama."

Wala na akong magagawa minsan lang ako pagtaasan ng boses ng aking ama. Pero hindi ko hahayaang magdusa ang nasasakupan naming para lang makaligtas ako.

"*sigh*Pasensiya na anak kung napagtaasan kita ng boses. Hindi mo pa dapat malaman ang lahat ngayon. Hindi pa ito ang tamang panahon." Nagsusumamong sabi ng aking ama.

Bakit ba lahat na lang sila sinasabi na hindi pa ito ang tamang panahon? Pati si Sapphire ganun din ang sinabi. For Pete's Sake 18 years old na ako. Napapamura tuloy ako ng wala sa oras. Lord, patawarin niyo po sana ako.

"Ayos lang po ama."

"Teka anak, may napansin lang ako."

"A-ano po yun ama?" Sana naman wag ung kay Aiden. Lord, alam ko minsan pasaway ako pero sana pagbigyan niyo muna ako ngayon.

"Pansin ko lang hindi kayo masyadong nagpapansinan ngayon ni Prinsipe Aiden eh samantalang dati lagi kayong magkasama."

Hanubayan! Ano nang sasabihin ko?

"Ahhmm.. Ahh..(habang nagkukutkot ng daliri)A-ano po k-kasi. Ahhmm.. B-busy lang po siya. O-opo! Tama! Busy lang siya." Pilit na ngiti ko sa aking ama.

" Ahh ganun pala. Sige na magayos ka na ng gamit mo. Aalis na kayo mamaya."

"Sige po." At lumabas na siya

Haixxst! Ano bang gagawin ko? Bahala na nga. Basta babalik ako dito bukas kahit ako lang. Hindi ko sila hahayang makipaglaban kahit buhay ko pa ang kapalit makikipaglaban ako. O kaya sumuko na lang ako maaari pa. Tama, susuko na lang ako total hindi na rin naman ako papakinggan ni Aiden. Dahil hinusgahan niya na ako. Mabuuti pa nga iyon na lang ang gagawin ko.

* * * * *

Okay!! Malapit ng matapos ang story na 'to and yet di pa rin ako nkakapagdedicate. Pag nagcomshop ako magdededicate ako kahit matagal ng napublish na Chaptet OK?

Continua a leggere

Ti piacerà anche

The Healer 2 Da loe

Fantascienza

14.3K 560 35
Maraming nagbago sa buhay ni Heaven Carlos. Madaming mga katanungan ang gumugulo sa kaniya kahit ang kaniyang sarili ay pinagdududahan niya. Hindi ni...
645K 21.9K 50
2nd Book of Magical Elite Academy Trilogy! Read at your own risk! Highest Rank Achieved: #1 in Elite #5 in Magical #41 in Teen-fiction #116 in Fanta...
302K 10.6K 39
Panibagong kwento na naman ang haharapin ni Anica Celestine. Heto ang kwentong kung saan masaya na sana ang buhay niya ngunit nagkaroon na naman ng...
239K 12.2K 54
Zombies eat brains, you are safe. -L.Y. Survivors VS Infected Highest rank #2 in Adventure Category.