VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor...

By Chelsea_13

2.3M 36.4K 9.3K

Losing her memories in an accident, Savannah Fonacier woke up unable to trust the people around her and with... More

✨VINCENT✨
✨Umpisa✨
✨1.1 : Lost Soul✨
✨1.2 : Welcome Home✨
✨1.3: Fuck me✨
✨1.4 : Sinful Twin✨
✨1.5 : Good boy ✨
✨1.6 : Mga Paasa✨
✨1.7 : Uhaw✨
✨1.8 : Tukso✨
✨1.9 : Jedidiah Adriano ✨
✨1.10 :Intense✨
✨1.12 : Manipulative Bastard✨
✨1.13 : My Reed✨
✨1.14 : Sorry✨
✨1.15 : Yours✨
✨1.16 : Carnal Pleasures✨
✨1.17 : The Taste of Sin✨
✨1.18 : Morning After✨
✨1.19 : Stay✨
✨1.20 : Future With You ✨
✨1.21 : Volim te✨
✨1.22 : Girls✨
✨1.23 : Questions✨
✨1.24 : Temptations✨
✨1.25 : Del Fuego✨
✨1.26 : Fernandez✨
✨1.27 : Point of No Return✨
✨1.28 : Free Fall✨
✨1.29 : Peccatum serpentis✨
✨1.30 : Mystery Girl✨
✨1.31 : It Runs In The Blood✨
✨1.32 : Honesty✨
✨1.33 : Kulot (Part One)✨
✨1.33 : Ash (Part Two)✨
✨1.34 : Hate Me✨
✨1.35 : Truth and Lies✨
✨1.36 : Possibilities✨
✨1.37 : Pagbalik✨
✨1.38 : Selos✨
✨1.39 : My Words✨
✨1.40 : Mine✨
✨1.41 : Never Have I Ever✨
✨1.42 :Fairness✨
✨1.43 : Touch Me✨
✨1.44 : Soft Kisses✨
✨1.45 : Lumiere✨
✨1.46 : Secret Couple✨
✨1.47 : Burning Love✨
✨1.48 : Only Exception✨
✨1.49 : Flowers✨
✨1.50 : First Dates✨
✨1.51 : Runaways✨
✨1.52 : Lies✨
✨1.53 : My Place (Part One)✨
✨1.53 : My Place (Part Two)✨
✨1.54 : Dreams and Nightmares (Part One)✨
✨1.54: Dreams and Nightmares (Part Two)✨
✨1.55 : My Fault✨
✨1.56 : Don't Leave✨
✨1.57 : Revelations✨
✨1.58 : Wild Ride✨
✨1.59 : Sweetest Downfall✨
✨Book 1 Epilogue : Amor Vincit Omnia✨
BOOK TWO : VINCENT (Book 2 of 2) : Amor aeternus

✨1.11 : Gone✨

30.5K 599 98
By Chelsea_13

1.11: Gone.


"OMG! This. You definitely need to wear this!"

Tiningnan ko 'yong itinaas na damit ni Chels. Isang yellow na body fitting ruffled dress. Okay naman 'yong sa harap pero pag tiningnan mo sa likod, masyado itong daring. Parang wala nang telang natira sa likod para takluban pa 'yong likuran ko.

"What do you think? Sexy right? Like, sure akong you'll be the talk of town when you wear this!"

Yeah, sexy nga 'yong damit. At wala din akong dudang nakaka-flatter din siya ng kurba ng katawan ko... pero ano na lang ang sasabihin dito sa akin ni Reed pag nakita niya ako? Ano na lang ang iisipin niya?

"Savvy?"

"Ha?"

Shit! Ano ba, Savannah! Isang linggo nang hindi nagpaparamdam 'yong tao bakit 'yong opinion niya pa rin ang iniisip mo! Magtigil ka nga! At magdamit ka ng kahit anong gusto mo! Hindi dapat binabase ng mga babae ang susuotin nila sa mga gusto at opinion ng mga lalaki! Kaya magtigil ka!

"Like, nakatulala ka na naman!"

Napakagat ako ng labi ko para pigilan ang panginginig nito. Naiiyak na naman tuloy ako! Hindi ko naman kasi akalain na bigla-bigla na lang siyang mawawala kinaumagahan! Hindi ko akalain na matapos nung away namin sa Montego ay bigla na lang siyang sasama kay Daddy sa Davao para asikasuhin ang plantasyon namin doon!

Ginusto mo naman 'yan, Savannah. 'Wag kang mag-inarte.

Oo nga pero...

"Don't tell me, this involves your brother again?"

Napasabunot ako sa buhok ko. I needed to focus and get my mind off my brother. Hindi na healthy ang pag-iisip ko sa kanya. "Sorry, ano ulit yun?"

Chels sighed. Clearly, nabo-bother na rin siya sa mga ikinikilos ko.

"Ugh. What's with your face? Come on tell me, what's your problem."

"Nothing."

"That's not nothing!"

Napahilamos ako ng mukha. Ugh.

"May alam ka ba kung saan nagpunta ang kuya ko?"

Dahil wala nga akong balita tungkol sa kung ano na ang nangyari sa kanya at tanging si Mommy lang ang nagsabi sa akin na walang kasiguraduhan kung hanggang kailan sila doon ni Daddy sa pinuntahan nila, I've taken this annoying habit na kulitin ang mga pinsan ko kung may iniwan ba sa aking message or kahit ano si Reed.

"Akala ko ba alam mo na? Like duh, business meeting, of course. Like duh! You're the one who told me about that!"

"Sa tingin mo totoo 'yon? Wala na lahat ng gamit niya sa kwarto. At kahapon, tinatawagan siya ni Kuya Marco pero hindi niya sinasagot ang phone niya."

I started to bite my nails. Hindi ko talaga alam kung bakit ako balisa. Pakiramdam ko ay hindi na siya babalik. And that's weird because ako ang nagsabing lumayo siya sa akin at bigyan ng space to breathe pero... I didn't want him gone forever. Gusto ko lang ay bigyan niya ako ng time at maging pasensyoso siya sa akin... Mahirap ba talagang maintindihan 'yon?

"Yiz! 'Di ba 'yon ang sabi ni Tita? Chill out, Savvy. Kasama niya ang dad mo, 'di ba? Saan nga ulit sila nagpunta?"

"Sa Davao daw."

Tanging 'yong picture at 'yong note lang sa likod kasi ang meron ako at nag-aalala na ako na baka sobra niyang seryosohin ang mga sinabi ko nang gabing 'yon at hindi na talaga siya sa akin magpakita.

"O doon naman pala. Gosh, it's like so malapit kaya. Bakit hindi mo kasi tawagan?"

"I don't have a phone."

"What about the phone that I let you borrow?"

"That's yours, Chels. Nakakahiya."

"Hmph! Like sobrang plenty kaya ng mga extra ko sa bahay! You know, if you want your own phone, I'm willing to make sama-sama sa'yo sa mall. I needed my weekly dose of shopping name e, so it's no biggie!"

I just shrugged and looked away. Pinilit kong ibahin ang usapan para mawala na sa isip ko ang kapatid ko. "Oo nga pala, ano 'yong sinasabi mo sa akin before? Yung tungkol sa damit?"

"I said, ito na lang ang isuot mo. First day mo hindi ba?" My cousin rolled her eyes at me and pinched my cheeks.

"Aray!"

Nag-pout siya sa akin at pilit na ibinibigay yung yellow dress. "Ikaw kasi e! What's up with the sudden change of topic? And why are you so concerned ba kay Kuya Reed mo? Like duh! Don't you remember? He's a trainee in your dad's company. Required siyang pumunta kung saan ginusto ng daddy mo for business stuff and the like."

I shook my head. "Hindi kasi 'yon..."

I stared at her again. She's eyeing me suspiciously. Mukhang nakakahalata na rin yata siyang may problema. "What? Tell me."

Nakapamaywang na si Chelsea sa harapan ko at titig na titig siya sa akin. Over the past week, siya na ang pinaka-naging ka-close ko sa kanilang lahat. 'Yong iba kasi may mga trabaho na kaya hindi nila ako nasasamahan. Itong si Chels, sa kanya na kasi 'yong shop na minamanage niya kaya naman kahit anong oras ay libre siya.

"And Savannah, tell me all. Don't dare lie to me!" Even though I really wanted to, I couldn't lie to her. Malalaman niya kapag magsisinungaling ako.

Kaya napabuntonghininga na lang ako. "Nag-away kami nung pauwi na kami galling sa Montego."

"Huh? Why? Bakit hindi mo agad sinabi?"

Tumingin ako sa relo. It's already 8:13. Eleven pa naman ang klase ko kaya hinigit ko ang kamay ni Chels at umupo kami sa kama. "E kasi naman, sinuntok niya 'yong kakakilala ko lang doon. Tinanong ko naman kung bakit, ang sabi niya lang dangerous daw 'yong lalaking 'yon. E hindi naman! Ang bait-bait sa akin ni Jed! Tsk! Kung sana mas ipinaliwanag niya sa akin 'di ba? Baka maintindihan ko pa. At masyado na kasing–"

"Wait, sino ulit 'yong boy?"

"Jed. Jedidiah Adriano? 'Yon ang pagpapakilala niya sa akin e."

Chelsea slapped her forehead and bit her lower lip. "That bastard!" Bulong niya. I think, hindi niya napansing narinig ko 'yon. Pero mas lalo pa tuloy akong na-curious. Hindi lang yata si Reed ang may issue kay Jed. Pati din yata si Chels.

"O bakit? Do you know him? Ayaw mo din kay Jed?" When she looked at me with worry and pity on her face, that's when I knew that something is wrong. May alam itong si Chelsea.

"Did Reed tell you anything at all?"

Umiling ako.

"Then I can't tell you anything, Savvy. Maybe Reed has a reason for not telling you about Jed. But he's right... Jed is... dangerous. Oh my gee! 'Di ba kasama niyo si Ash? Like, does he know? Did you tell him?"

"Hindi. Naghiwalay na kami pagkarating namin sa Montego. Bakit? Anong kinalaman ni Ash?"

"Ha? Wala naman naitanong ko lang." Hindi sa akin makatingin nang diretso si Chelsea kaya alam kong may hindi pa siya sinasabi sa akin. Hindi ko na lang din pinilit kasi baka mas lalo pa niyang itago. Lalo na tuloy akong naguguluhan sa mga nangyayari.

I knew there's a tension between Reed and Jed pero bakit parang pati si Ash nadadamay dito?

"Anyway, I'm sure your brother will contact you soon. Baka busy lang 'yon sa work. You know naman, those boys! When they are doing something, they totally forget about us! And smile na, Savvy! Your brother can't stay mad at you for too long! He loves you!"

Nanlaki ang mga mata ko. Halos malaglag ang puso ko sa huling sinabi niya. Buti na lang bago niya ako bigyan ng mini heart attack ay kumambyo siya. "You're h sis! Syempre naman, hindi ka niya matitiis!"

Pagkatapos no'n ay nagbalik ang pag-uusap namin tungkol sa susuotin ko. Hinayaan ko lang siyang mag-suggest ng ilang mga minuto dahil mukhang pag fashion na ang pinag-uusapan ay walang makakapigil sa kanya. No'ng medyo namimili na naman siya sa closet ko ay ipinakita ko na sa kanya ang required white uniform ng UST.

"Chels, look. Sabi ni Mommy, required daw kaming ito ang suotin."

For the third time, she rolled her eyes at me. Mukhang pati 'yong susuotin ko ay ayaw din niya. "Yuck! Boring! All white? I really don't know why you pursued Med, Savvy."

"I don't know either."

Tinulungan niya akong magbihis at asikasuhin ang mga kinakailangan ko for my first day. Technically, kalagitnaan na 'to ng sem at kung hindi ako nakapag-review nang linggong ito, baka papasok ako ngayon na walang kaalam alam.

Mabuti na lang at na-gets ko naman ka agad 'yong mga nakasulat sa dati kong notes. I didn't know how I did it pero parang sa dami ng nawalang memory sa akin ay 'yong mga lessons ko pa talaga in my pre-med and early med years ang hindi ko makalimutan.

Dito na lang siguro muna ako mag fo-focus sa studies ko. I think education is very much important ngayong wala akong kaalam alam sa mga ibang bagay. At least ang edukasyon, makakabuo sa akin ng magandang hinaharap.

"Knock, knock?"

Inaayos na lang ni Chelsea ang buhok ko nang biglang kumatok at magpakita si Grey sa pinto.

Nag-offer kasi siya na ihahatid-sundo niya muna ako sa UST habang hindi ko pa natutunang mag-drive at kabisado ang pasikot sikot dito sa Manila. Si Chelsea dapat kaso hindi sa kanya nagtitiwala si Grey. Haras haras din daw kasi itong mag-drive.

"You ready?"

Pinanood ko ang reflection ni Grey sa may salamin ko. Umupo siya sa may kama at pinakailaman ang bag na ni-ready namin ni Chels .

"Wait, five minutes tops."

"Come on, Chels. Make it faster."

Natawa na lang ako nang dumila silang sabay na parang mga bata.

"You heard from Reed?"

Hindi ko ipinakita ang pagkabigla ko sa tanong ni Chels. Nakita ko sa salamin na pati din si Grey nagtaka sa biglaang tanong. Ginulo niya ang kanyang kulot na buhok at ngumisi sa reflection ko sa salamin.

"You're looking for Reed?"

The question was directed to me. But Chelsea's the one who answered him. "Like, kakasabi ko lang 'di ba?"

"Sabi sa akin ni Ash, three weeks daw sila doon sa Davao."

"Ohhh. Kasama pala si Ash?"

"Yup. Ano, tapos na? And what's up with you and napkin? 'Yong mga babae ko, tampons ang gamit."

Halos lunurin ako ng kahihiyan nang itaas niya ang pinack na napkin ni Chels doon sa bag ko for emergency purposes. Tinawanan lang ako ni Grey at winagayway pa 'yong napkin na nahanap niya doon sa bag. Kainis! Para siyang bata! Ang pilyo niya!

Kung ako halos magmukhang kamatis na sa sobrang pula, parang wala lang kay Chels ang ginawa ng pinsan namin. Ni hindi niya pinansin at dinampian pa ako ng isa pang layer ng lip gloss bago siya ngumiti sa akin. "'Yan! You're really pretty, Sav. You're ready na!" then to Grey she added, "Listen, you moron! No detours ah! Baka saan-saan mo na naman idala si Savvy. Like the last time!"

Tumayo si Grey sa kama at lumapit sa amin ni Chelsea. Ngumisi siya sa amin at umakbay sa aming dalawa. He looked so damn cute! Para siyang baby brother! "Don't worry. I'll be good. Diretsong USTe!"

***


"Kung magta-taxi na lang kaya ako? Baka nakakaabala na ako sa'yo Grey?" Sabi ko sa kanya habang pababa kami ng hagdanan. Hawak hawak niya ang bag ko at dalawang librong makakapal na hindi nagkasya sa shoulder bag.

"Chill, Savannah. You're not a nuisance. May bibisitahin din kasi ako doon."

Siniko naman ako ni Chelsea sa gilid. Hindi siya sa akin nakatingin at may ka-text sa iPhone 10 niya. "Hey, Sav. Sama ka sa akin later ah? Since wala naman dito ang brother mo, it's time for you to join the party! Club Red is the hottest in town!"

Dahil hindi ako sure, kung gusto ko ba o hindi, um-oo na lang ako. Bahala na mamaya.


***


"So this is UST?"

"Yeah, Black gold black white. Viva Sto. Tomas! Go USTe! Go! Go Go Go USTe!"

Tawa ako nang tawa habang pinapanood ko siyang iwagayway ang kamay niyang parang nagche-cheer siya. "Grey! Stop na! Hahaha!" He smirked again and put his arms around me. Dumami pa tuloy ang mga nakatingin sa amin. Especially girls. Huh. Hindi ko tuloy alam kung dahil ito sa mga kapilyuhan ng pinsan ko o talagang mapang-agaw talaga ng atensyon ang itsura niya.

Nasa tapat kami ng isang napakalaking building na tinatawag nilang Main Building dito sa UST. Gusto ko sanang magpa-picture at makisabay sa mga turista na nagpapa-picture doon sa labas pero nagbago ang isip ko at hinila ko si Grey sa isang malaking replica ng tiger doon sa harapan at doon na lang nagpa-picture. Nasabihan tuloy akong cheap at jeje ni Grey.

Tsk. I didn't care. At hindi ko rin naman alam ang ibig-sabihin ng jeje kaya pinalo ko na lang ang braso niya nang paulit-ulit nang tawagin niya ako no'n. Ang cute naman kasi talaga nung tiger! At ang kapal niyang tawagin akong cheap! Pati din naman siya nagpa-picture doon!

"Dude, wait till I post it on Insta!"

"Anong Insta?"

Umiling siya sa akin at tinawanan lang ako. Kainis! "Noob."

Tinour niya lang ako nang saglit sa paligid hanggang ma-realize namin na fifteen minutes na lang at mag-start na ang first subject ko.

By that time, ang dami ko ng picture sa buong UST at kabisado ko na rin ang kalahati ng mga cheers nila para sa basketball games all thanks to Grey. Kaya naman no'ng nag-panic ako nang makita naming quarter to eleven na ay tinakbo namin 'yong Med building. Mabuti na lang at doll shoes ang sinuot ko at hindi 'yong binibigay ni Chels na may takong kung hindi, hindi ako makakasabay sa bilis ng takbo ni Grey.

"You have your sched?"

Sabi niya sa akin habang tumatawa kaming dalawa. Para kasing bata! Nakipag-race pa sa akin!

"Yup. Sino nga pala dadalawin mo?"

Naalala ko 'yong sinabi niya sa akin kanina na may dadalawin daw siya kaya tinanong ko. Hindi siya agad sumagot sa akin at kinuha niya ang isang panyo sa bulsa. Kukuhanin ko na sana nung iniaabot niya 'yon sa akin pero nagbago yata siya ng isip at siya na lang ang nagpunas sa pawisan kong noo. "Babae mo Grey?"

Hindi siya ulit sumagot sa akin at ngumiti lang siya sa akin at umiling. Kumikintab na naman 'yong hikaw niya sa tainga.

"Tsk. Playboy!" Tinawanan ko na naman siya at pinalo ang braso. Ang gaan kasama nitong si Grey.

Madami pa siya binilin sa akin. Sabi niya, 'wag daw akong kumausap ng mga taong hindi ko matandaan. Sinabi din niya na baka marami sa aking lumapit at utuin ako lalo na wala akong maalalang mga pangalan na nakabangga ko dito sa UST. And that I should always be aware that I am a Fonacier at marami talaga sa aking magta-take advantage.

"I'm gonna pick you up at 5 sharp okay? You have Chelsea's phone?"

"Oo, nandito sa bulsa ko." Kinuha ko 'yong phone at ipinakita sa kanya. "Pero 'wag mo na kaya akong sunduin mamaya? I think kaya ko naman na. Mag-taxi na lang kaya ako?" Sinubukan ko pa ring tumanggi. Nakakahiya kasi, baka nakakaabala na ako sa kanya.

"You don't even know your way home, Savannah. Your credit card with you?"

Inilagay ko 'yong phone sa bag ko at tumango ako sa tanong niya. "Tiningnan ko naman na ang mga dinaanan natin kanina. Hindi na siguro ako maliligaw."

"Tsk. Sorry dude, I can't. Patay ako sa kuya mo pag nagkataon. He specifically told me to–"

Nang mag-sink in sa kanya ang nasabi niya, bigla na lang nanlaki ang mga mata niya at nagkatitigan kami. "Wait, kinontact ka ng kuya ko? Anong sabi? Kailan? Bakit hindi mo agad sinabi?"

Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang kulot na buhok at mukhang natataranta na. "Oops."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong may naramdamang kakaiba... Inis.

"Grey."

Oo, inis. Hindi man lang niya ako kinausap nang personal. Idinaan pa sa note. Tapos ngayon, malalaman ko na may contact pala sila ni Grey tapos sa akin, hindi man lang magawang tumawag.

Nakataas na ang kilay ko, expecting for an answer. Nakakapit na nga rin ang isang kamay ko sa braso niya para pigilan siya if ever na takbuhan niya ako at bitinin sa sagot pero inalis niya ito agad at nagmamadaling kausapin ako. "Sorry, Sav. I've got to go." Biglaan niya akong hinalikan sa pisngi at niyakap. "5 pm sharp! Main Building! Bye!"

"Grey wait! Di mo pa–"

'Di pa ako tapos sa sasabihin ko ay kumakaway na siya sa may entrance. Crap. Naisahan na naman niya ako.

"Later, babe!" Sigaw niya sa akin na nakangisi. Sumaludo pa siya sa akin. Tsk! Tuso talaga.

Bumuntonghininga ako. Mamaya, kung kinakailangan kong kulitin nang kulitin si Grey ay gagawin ko para lang malaman ko kung ano na ang balita sa kapatid ko.

Dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta, tumingin ako sa paligid para maghanap ng pwedeng mapagtatanungan. Laking gulat ko lang talaga at madaming nagkukumpulang mga estudyante na nakatingin sa akin at doon sa tumatakbong papalayong si Grey.

Anong meron?

Nang nakita nila akong nakatingin sa kanila ay agad silang umiwas ng tingin. Woah. That's weird. May something ba sa mukha ko at grabe sila makatingin?

***


Neuroscience I-Rm 113


"Nasaan na ba 'yon? Bakit kasi hindi ka na nagpahatid kay Grey hanggang kwarto!"

I cried in frustration. Kanina pa ako paiko-ikot pero hindi ko pa rin makita ang room ko. Maraming nakatingin pa rin sa akin pero kahit isa, wala man lang lumalapit para tanungin kung anong problema ko o sabihin nila ang problema sa akin at kung bakit ganyan sila makatingin. Ganito ba talaga dito? Mamatahin ang mga taong mukhang bagong salta sa lugar nila?

And great! Pagtingin ko pa sa relo ko, nakita kong limang minuto na lang at mala-late na ako. Ano ba, Savannah? Bakit wala kang sense of direction?!

Nang hindi ko na talaga matiis, kahit na nanginginig na ako sa kaba sa loob-loob ay nilakasan ko na ang loob ko para magtanong.

God. I hate first day jitters.

Hindi ko alam kung bakit feel ko, naramdaman ko na 'to dati. 'Yong feeling ng unang araw ng klase at wala kang kakilala sa school mo. 'Yong feeling na umiikot ang lahat sa tiyan mo at pawis na pawis ka.

"Miss, pwedeng magtanong?" Isang babaeng pinakamalapit sa akin 'yong nilapitan ko at tinanong. Nakaupo siya at 'yong mga kaibigan niya sa may bench at nahinto ang pag-uusap nila nang sumingit ako.

"A-ano 'yon?" Hindi ko gets kung bakit siya parang kinakabahan. Pati 'yong mga kaibigan niya na kasama niya sa may bench ay mukha ding hindi mapakali. "Saan 'to?"

Ipinakita ko sa kanya 'yong schedule ko. 'Yong una, parang ayaw niya pa pero nang pinilit ko ay kinuha din naman niya.

"Sorry hindi ko alam."

"Rm 113? Sure po ba–"

Hindi pa ako nakakatapos ng salita ay may maingay na tumunog mula sa bag ko. Sure akong sa akin 'yon kasi pati bag ko sumasabay sa pag-vibrate.

"Excuse me," I told the girls. I didn't know if it's just me but I was sure they looked relieved when I excused my self. Weird.

Nakalimutan kong inilagay ko pala sa bag 'yong phone matapos kong ipakita kay Grey. Kaya naman nagkalkal pa ako ng bag sa gitna ng corridor. Mukhang hindi pala na-silent ni Chels ang phone niya bago niya ipinahiram sa akin kanina. There's one message on the screen at unknown number ito. Nang i-check ko kung ano ang nakalagay ito ang bumungad sa akin.

Turn right. That's your first room. Don't talk to anybody. And bring your own handkerchief next time.

Tiningan ko 'yong mga babaeng kausap ko kanina tapos balik sa text. Sa akin kaya 'to? Or para kay Chels ang message? Sa kanya 'yong number at 'yong phone. Kaya malaki ang chance na sa kanya nga pero kasi... feel ko ako 'yong kinakausap. At unknown number pa. Kung para kay Chels nga ang message ay dapat may contact siya dito hindi ba? And about the handkerchief... bumalik ang isip ko doon sa pagpupunas sa akin ni Grey ng pawis sa noo... Hindi kaya...?

"Savannah? Ikaw ba 'yan?"

I looked at the side. May nakatayong napakatangkad na babae at napakaganda din. Tinitingnan niya ako na parang gulat na gulat siyang nakita ako.

"Savannah Fonacier?"

"Hi...?"

Pinalakpak niya ang kanyang mga kamay. Bumalik ang tingin ko doon sa mga kausap kong mga babae sa bench. Pati din sila ay laking gulat na kinausap ako no'ng magandang babae. Pero nang makita nila akong nakatingin sa kanila ay sumimangot sila at umiwas ng tingin.

"Excuse me? Girls? Pwede bang umalis muna kayo? Uupo lang ako." Ang buong akala ko ay yayakapin niya ako pero ang ginawa niya lang ay mataray na pinaalis ang mga babaeng nakausap ko sa may bench at umupo doon sa pwesto nila na parang prinsesa. Pansin ko rin na umalis 'yong mga tao sa katabing bench nang marinig siyang pagtarayan 'yong iba.

O–kay.

Parang walang nangyari at bumalik 'yong malaking ngiti niya sa mukha at kausapin ulit ako. "Oh my god! So totoo nga 'yong balita?! Nagka-amnesia ka raw? Sit! Sit! Ikwento mo muna sa akin!" Tiningnan ko 'yong mga pinaalis niyang mga babae na masama na ang tingin sa aming dalawa.

Agad kong itinago ang phone ko. Mamaya ko na iisipin 'yong tungkol sa text. I just needed to think of a way para makatakas sa weird na babae na kumakausap sa akin. Kung kaya niyang tarayan ang mga tao kanina, feeling ko ay kayang kaya niya din akong ganunin. At 'yong ngiting binibigay niya sa akin? Mukhang di totoo.

"Ah... eh... Mala-late na kasi ako sa class ko. Um..."

"Ano ba next class mo?"

"Neuroscience I Lec."

"Kay Prof. Amante?"

Tiningnan ko 'yong papel na naglalaman ng schedule ko at chineck kung si Prof. Amante nga ang instructor ko. Damn, nakakahiya naman. I felt like a noob for not knowing simple things like this!

"Prof, Mariella Amante? Oo yata."

Ngumisi siya sa akin.

Oh my. Grabe. Kahit na pakiramdam ko ay hindi maganda ang ugali niya, sobrang nagagandahan pa rin ako sa kanya. Kung nanliliit ako sa ganda ni Chelsea ay mas nanliliit ako sa ganda niya. At ang ganda naman ng mga mata nitong babaeng 'to! Brown na brown!

Mas matangkad siya sa akin at morena din siya katulad ko pero talagang mas nakakatawag pansin ang itsura niya. Tapos wala pa siyang baby fats at hindi din mataba 'yong braso niya 'di katulad ko na parang pwede nang gawing ham sa laki ng braso.

Ang unfair ng life. Unconsciously nahawakan ko 'yong mga taba ko sa tiyan. I think, kailangan ko nang mag-exercise.

"Ay naku! Okay lang ma-late sa class no'n. She doesn't care. Sige na upo ka na! At oh my god! Tumaba ka ah! Wow!"

Hindi pa nga ako nakakasagot sa kanya ay bigla na lang niya akong hinila kaya walang sere-seremonyas na napaupo ako sa bench. Ouch. Ang sakit no'n. Medyo harsh siya ah.

"You know what? I'm just glad that you are now okay, Savannah."

I stopped myself from rolling my eyes heavenwards. Don't let your bitch side show, Savannah.

Ugh! Pero kasi naman! Okay ba 'yong hanggang ngayon, masakit ang balakang ko sa paghila niya sa akin?

"S-salamat."

"Hmm... I guess kailangan kong ipakikilala ang sarili ko. Given with your condition, I'm assuming pati ang mother mo hindi mo nakilalala, yes?" Tumango ako. May bahid ng pagkamataray ang boses niya. Iniisip ko tuloy kung dapat ko siyang pagkatiwalaan lalo pa't sa ginawa niyang pagpapalayas doon sa mga babaeng kausap ko. "Anyway, I am Alicia Silva. I am your... friend."

Alicia? Sa'n ko nga ba 'yon narinig?

"Oh, well nice to meet you, Alicia."

Inilahad ko ang kamay ko para sana mag-shake hands, pero tinapik niya ito at inalis sa harap niya.

Umm... medyo rude?

"God. How cool. Kita mo nga naman, you just lost your memory and now you're a different person." Tumawa siya sa akin. What's with this girl's problem? "So ano ba ang nangyari? Make chika naman!"

Kahit na 'di pa ako sure kung kailangan niya pa bang marinig ang kwento ko at medyo na-offend na rin ako sa pagiging medyo rude niya sa akin kanina ay napilit pa rin niya ako. I'll give it to the girl. She has the power persuasion.

Pero nung nasa part na ako ng party ay humikab siya at mukhang nabo-bore na. "Anyway, I bet we have different sched since na-late ka sa mga lessons. Yeah, so good luck. I wish you'll survive kahit na ngayong sem lang." She cut me in my mid-sentence. Hindi ko alam kung mas lalo pa akong mao-ooffend o mare-relieve dahil hindi ko na kailangang ikwento pa sa kanya ang lahat.

Then before I could speak, my phone rang again. Hindi ko na sana iche-check kung sino ang nag-text o tumawag pero tinaasan ako ng kilay ni Alicia at ngumuso doon sa bag ko. "Well, sagutin mo na 'yan."

"Ah, text lang yata 'yan."

She shrugged at nagsimula nang ayusin ang mga gamit niya. "Whatever. Kailangan ko na rin yatang mag-proceed na. We have practicals e. Nice meeting you again," Sinabayan ko siya ng tayo. Nginitian niya na naman ako and once I again, pakiramdam ko ay fake na naman 'yon.

"Toodles!"

Pagkaalis niya ay umupo ulit ako at kinuha ko agad ang phone ko sa bag. Tiningnan ko ito. Tama nga ako at text siya at galing na naman 'to doon sa kaninang unknown number.

Don't talk to anybody. Especially, Alicia. She's not a friend.

Mas lalo tuloy akong nagulahan sa text. Sino ba ang nagpapadala nito!? Kahit na gusto kong mag-stay sa kinauupuan ko para isipin ang mga nagpadala ng text ay nakita ko 'yong oras sa screen. And it reads 11:30.

Crap! Late na late na talaga ako!

Biglaan akong napatayo, mabuti na lang at hindi pa nakakalayo si Alicia kaya hinabol ko siya. I didn't care about the text's warning about her. Ni hindi ako sure kung ako nga ba ang pinapadalhan nun o na wrong send lang. Itatanong ko pa 'yan kay Chels mamaya.

"Teka!"

Lumingon siya sa akin. Annoyance was etched on her face. Okay. Totally bizarre. Kanina all smile siya sa akin. Anong nangyari?

"Yes?"

Dahil parang naiirita siya sa tono ng boses niya ay nahiya tuloy ako bigla sa itatanong ko. "Um, magtatanong sana ako? Saan 'yong Room 113?"

She sighed and rolled her eyes. "Ah, turn right. 'Yon na 'yong first room na makikita mo."

Continue Reading

You'll Also Like

3K 187 89
Claveria National University Series collaboration an epistolary | complete 30 days still moving on unread emails 30 days still him Antenna & Zedrack
226K 6.8K 32
[COMPLETED / UNEDITED] 1st Installment of The Infidus Duology --- • The Wattys 2020 Winner under New Adult category • Under RomancePH's Romantic Blis...
97.6K 3.1K 29
☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Jessie's body is in comma while her soul is searching for a reason for her to have her life back. Kailangan niyang gawin iyon ba...
4.9K 46 10
Balay Paraiso Former title : Baby, I loved you first Genre: Romance/General Fiction Warning R-18| Mature Content | SPG "Ang mga lalaki dapat ang gum...