Hello Angeline, congratulations on your successful show last night. Maybe I can see you later for dinner? I won't take another 'no' for an answer just like the last time. I'll pick you up after your shoot.
-Marionn
Agad ko namang isinara ang card na hawak ko matapos kong mabasa ang mensahe na kasama ng bulaklak na dumating dito sa dressing room.
Kakatapos lang ng show namin sa isa kong programa at ito agad ang iniabot sa akin ni Ate Irene pagkapasok ko pa lang.
I sighed.
Hanggang ngayon talaga makulit pa rin si Marionn. Hindi pa rin siya napapagod sa akin.
Umupo naman ako sa upuan ko habang patuloy pa ring nag-iisip nang biglang lumapit si Nanay Bianca sa akin.
"Uy nak ang haba ng hair, nagpadala nanaman pala si business man ah. Anong sabi sa card nak?"
"Ayun, cinongratulate ako. Nagyayaya magdinner mamaya."
"For real?! Ang taray. Oh e anong gagawin mo? Bobooking ka?"
BOOKING?!
"Nay naman."
"Oh bakit? Dinner lang naman wala namang masama. Yan naman kasing oh so hot na suitor mo eh 'no, hanggang ngayon hindi ka pa rin tinitiglan kahit ilang beses mo nang nireject."
Yun nga eh, hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil si Marionn kahit na ilang beses ko nang sinabi sa kanya na hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ko para sa kanya.
Si Marionn ay manliligaw ko. Actually it's been three years since he asked me if he can.
Nagkakilala kami dahil din sa mga kaibigan namin ni Erik. Noong una ay sinubukan kong buksan ang puso ko sa kanya pero sadyang hindi talaga. Doon ay sinabi ko sa kanya noon na friendship lang ang kaya kong ibigay sa kanya at bukod pa doon ay marami pa akong prayoridad sa buhay.
Hindi ko naman masabi sa kanya na dahil yun bukod sa may kontrata ako na hindi ako pwedeng magpakilala ng kahit na anong relasyon sa publiko ay si Erik din talaga ang mahal ko.
Mabait din naman si Marionn. Kung tutuusin ay maswerte din sana ako sa kanya pero siguro ganoon talaga, hindi mo matuturuan ang puso mo kung sino ang pipiliin at mamahalin niya. Pero kahit na ganoon, Marionn never gave up on chasing me hanggang ngayon.
Minsan nga ay nakukulitan na ako pero hindi ko naman siya mapigilan katulad na lang ngayon na nagpadala nanaman siya ng bulaklak sa akin.
Hindi ko na lang sinagot ang tanong ni Nanay Bianca. Nanatili lang akong tahimik habang nag iisip nang mabuti sa kung ano ang dapat kong gawin. Maya maya ay narinig ko na lamang na tumutunog ang telepono ko na nasa harapan kong lamesa
*Calling Marionn Ruiz*
Ano nanaman ngayon ang kailangan niya?
Akmang kukunin ko na sana ang telepono ko upang sagutin ang tawag nang biglang may kumuha na nito sa lamesa
"Pogs!" tanging nasabi ko na lang dahil sa sobrang gulat. Bitbit niya pa ang ice cream na ipinapabili ko sa kanya.
Sandali niyang tinitigan ang screen ng cellphone ko habang nakakunot ang noo bago ipinatay ang tawag. Ibinaba niya ang telepono ko muli sa lamesa at doon niya napansin ang bulaklak na nakapatong din doon.
"Kanino yan galing?" tanong niya sa akin.
Bumuntong hininga naman ako. "Kay Marionn."
Oo, kilala ni Erik si Marionn at matagal niya nang alam na nanliligaw ito sa akin.
"Hindi ka ba talaga titigilan niyan?" may halong inis sa boses na sabi nito sa akin. Napansin kong nakuha niya ang atensyon ng ibang nasa loob ng studio kaya mahina lang akong sumagot.
"Hinaan mo nga ang boses mo, nakakahiya." pasimple kong tugon.
"Nakakahiya? Bakit, anong gusto mong maging reaksyon ko ha? May nakakatuwa ba?" parang walang pakialam na sagot nito
"Pogs, ang OA mo." I hissed
Pero hindi siya nagpatinag sa akin. Kaagad niyang kinuha ang card na nakapatong sa bulaklak.
"I won't take another 'no' for an answer just like the last time. I'll pick you up after your shoot." Sabi ni Erik nang basahin niya mismo sa harap ko ang nakasulat "Dinner pala ha. Sige, subukan mo lang umalis mamaya."
This time ay ako naman ang napakunot ang noo. It's his possessive side striking once again.
"Anong sabi mo?"
"Walang makikipagdinner. Walang makikipagkita sa hayop na yun. Tapos ang usapan." sabi nito at inilapag ang sulat sa lamesa na nasa harap ko.
"Bakit ba hindi ka nakikinig muna ha? Hayaan mo kasi muna akong magpaliwanag, Pogs."
"Hindi ko kailangan ng explanation, Angeline. Hindi ka makikipagkita sa kanya, yun ang sabi ko. Naiintindihan mo ba?"
Knowing him, alam ko na kapag sinabi niya, sinabi niya. Wala na akong magagawa dun pero para kasing nakokonsensya na rin ako sa ginagawa kong pangghost kay Marionn palagi kaya gusto ko man lang sanang bumawi.
"Pero Pogs, friendly dinner lang naman yun. Isasama ko si Ate Irene.--" pero hindi pa man ako tapos sa pagsasalita ay nagsalita na rin siya.
"Friendly dinner? Bakit sa tingin mo friend lang ang tingin nun sayo? Anong akala niya, kung sinong babae ka lang na basta niyang binibitbit sa kung saan saan?" iritableng sabi niya
Medyo nainis naman ako sa sinabi niya bastang binibitbit sa kung saan saan. Alam niyang marami akong iniwasan hindi lang dahil sa career ko kundi dahil na rin sa kanya.
"Edi hayaan mo ako. Huwag mo akong pakialaman sa kung anong gagawin ko. Sasama ako sa kanya kung gugustuhin ko, Erik."
"Huh try me, Angeline."
"Talaga!"
Pero parang mas lalo siyang nainis sa pabalang na pagsagot ko. Para naman akong kinabahan bigla nang agad niyang bitbitin ang mga gamit ko at hilahin ako paalis.
Nagulat din sila Nanay Bianca at hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos sa kanila dahil sa ginawa ni Erik.
Ni hindi man lang din ako nakapalag dahil sa pagkagulat. Biglang namalayan ko na lang na nasa kotse niya na kami.
Ang buong akala ko ay uuwi na kami dahil badtrip siya pero nagtaka naman ako nang makita ko na iba ang daang tinatahak namin.
Teka, hindi kami pauwi. Ni hindi rin kami papunta sa bahay nila.
"Pogs, saan ba tayo pupunta?!" Medyo natatarantang tanong ko pero nanatili siyang nakasimangot at walang imik na lalong nagpakaba sa akin.
Nilakasan ko na ang loob ko para sana pataray na sigawan siya pero nang bigla niya akong tingnan ay parang nanghina naman ako sa mga titig niya kaya mas pinili ko na lang na sumandal sa kinauupuan ko at hindi na magtanong pa.
Nakakainis naman, bakit ba kasi ngayon pa kami nag-away? Ni hindi ko na nakain yung ice cream na pinabinili ko sa kanya.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa bintana. Hay bahala na nga.
----------------------
"KUNIN mo na lang yung kotse dito. Nasabihan ko na rin naman si Mark na sumunod na agad sayo para masamahan mo siya doon sa mga ipinapaasikaso ko."
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Erik.
Agad naman akong napatingin sa paligid ko. Nasa loob pa rin ako ng kotse.
"Pogs?" pagtawag ko nang hindi ko siya makita sa driver's seat. Nasaan siya?
"Gising na siya, okay sige, salamat." pagkasabi niya noon ay napalingon ako sa kanya na nasa tabi lang pala ng bintana.
Nakita kong ipinatay niya na ang tawag nang makita niyang gising na ako.
Kagaya kanina ay halos wala pa ring emosyon ang mga mata niya nang lapitan niya ako habang nasa loob pa rin ako ng kotse. Nakasilip lang ako sa kanya mula sa bintana.
"Sino yung kausap mo?" tanong ko naman, bakit ba malay niyo naman this time sumagot na.
"Si Ron." maiksing sagot niya lang at pinagbinuksan na ako ng pintuan ng kotse "Tara na" sabi nito at inilahad pa ang kamay niya sa akin
Ang sungit naman nito!
Meron ba siya? Mas moody pa siya kesa sa akin 'teh.
"Saan ba kasi tayo pupunta? Ang unli na ng pagtatanong ko oh, sana marunong ka ring sumagot e noh?" sabi ko naman pero hindi nanaman siya sumagot bagkus ay pumunta siya sa trunk ng kotse.
"Pogs ano ba?! Napipikon na ako ha---" naputol ang sasabihin ko nang sinundan ko siya nang buksan niya ang likuran ng kotse at nagulat ako sa aking mga nakita
Puro mga maleta.
Pero mas nagulat ako nang marealize ko kung nasaan kami ngayon.
NAIA.
Magtatanan na ba kami?