Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives

1.3K 36 1
By aefanfiction

Angge's POV:

"WHOO GO YENGGAY! SIGE PA YENGGAY, HUWAG KANG PAPAAGAW WHOOOOO!!!" malakas na sigaw ko na may kasama pang pagtalon talon habang nagccheer.

At ayun nga, nanalo si Yenggay! Nanalo ang team namin!

"WAAAAH ANGGE! PANALO TAYO!!!" patakbong lapit sa akin ni Yenggay matapos ng laro. Niyakap niya ako at parang mga bata kaming nagpaikot ikot habang nakayapak sa buhanginan.

Sino ba namang hindi magiging proud e agawang buko lang naman yung nilaro ni Yenggay. Aba mahirap yun ah.

"Okay next game guys, volleyball! Sinong mga participants per team?"

"Ako! Kasali ako diyan!" sigaw ko pa at lumapit na sa may tapat ng net kasama ang mga ka-team kong maglalaro din.

Ngayon ay ang team building ng management namin na dito ginanap sa Balesin.

"Whoooo! Go bestfriend kong sexy at maganda! Galingan mo Anggege ko!" sigaw naman ni Yenggay.

Ngumiti naman ako at nagthumbs up pa sa kanya at nagthumbs up din siya pabalik na may kasama pang kindat.

Siyempre kami na nga lang ang magsusuportahan, bibiguin pa ba namin ang isa't isa?

And speaking of suportahan, nasaan naman kaya ang isang bida bida---sa puso ko? Hmmmn.

I tried to search for him, kanina pa siya nawawala, ni hindi man lang nagsabi sa akin. Hindi man lang ba niya ako iggoodluck gayong maglalaro na ako?!

Kailangan ko ng good luck kiss galing sa aking lucky charm.

Char lang.

Pero ano na, nasaan na siya?

"OH TEAM B SINONG MGA PAMBATO NIYO?!" sigaw naman ni Ate Cynthia bilang pagtawag sa kabilang team.

Pero hindi ko naman yun pinansin nang nakita kong parating na nga si Erik mula sa di kalayuan.

I was about to shout but to my surprise, meron siyang kasama.

"Me! I'll join Ate Cynthia!" sigaw ng babaeng kasama ni Erik at mabilis na nahawi ang dadaanan niya.

Yun bang sa mga teleserye ganorn.

"LUH DZAII, ANONG GINAGAWA NIYAN DITO?!" sabi ni Kaze na nasa likod ko na halatang nagtataka.

Nilingon ko siya kasi hindi rin ako makapaniwala.

Kahit naman kasi ako, bakit nandito siya?!

Bakit nandito rin si Keia?

------------------------

"OMG GE! ANG SEXY MONG BAKLA KA NG TAON!"

I laughed.

Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matutuwa sa tinuran ni Kaze pagkalabas ko ng kwarto.

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay naabutan ko na silang tatlo na naghihintay doon sa labas ng kwarto namin ni Erik.

I tried to look down to see my entire body.

Talaga ba?

"Grabe Angge! Ang kinis mo naman. Sana all." nagkatinginan naman kaming tatlo nila kaze at Yenggay sa sinabi ni Ate Kyla.

WOAH, SANA ALL DAW?!

"Ang taray Ate Kyla ha, millenial." pabirong sagot ko naman.

Parang nahiya naman siya dahil sa pagtawa namin.

"Grabe kayo sakin ah pero kasi naman iba ka, kung meron lang Ms. Cornerstone na contest, aba ikaw ang pambato ng team natin for sure." sabi pa ni Ate Kyla.

Enebe, nahihiya tuloy ako. Pero bakit nga ba walang ganoong contest? Sasali ako.

Kasi naman, nagbihis na kami para sana magswimming.

We all decided to wear our swimsuits kasi oo nga naman, nasa dagat kami so bakit hindi?

I am wearing a black swimsuit na tinakpan ko lang muna ng manipis na cover up na parang wala din naman naitulong para takpan ang buong pagkatao ko.

Hindi naman ako nahihiya, in fact, it's really fine. Sadyang naiilang lang ako sa mga papuri nila sa akin.

Undeniably, makinis naman talaga ako kaya bumagay sa akin ang kulay nung swimsuit ko.

Alagang safeguard yan ni Mama Bob since elementary 'no.

Tsaka isa pa, pinaghandaan ko kaya 'tong outing na 'to 'no. Tumakas pa ako kay Erik noong isang araw para lang bumili ng bagong swim suit.

Kasi nga ang magaling na si Santos ang bilin sa akin.

"Walang magsusuot ng two piece, hindi ka chicken joy."

Pero dzuh? Ako pa ba ang binawalan niya? Hindi pwede.

We walked out the villa at kaagad kong hinanap muli si Erik.

Ito talaga, konti na lang lulunurin ko na 'tong lalaking 'to.

Kumunot na lang ang noo ko nang makita ko na magkausap nanaman sila ni Kei, hindi naman sa nagpapakapraning ako pero bakit ba parang abalang abala siya na asikasuhin ang bisita na si Ate Cynthia naman ang nag imbita?

Ano ba siya, room service?

----FLASHBACK----

Bakit nandito rin si Keia?

Huminga ako nang malalim. Okay Ge, relax ka lang. Wala lang 'to.

Tumingin ako nang diretso kay Erik and surprisingly ay nakatingin na rin siya sa akin ngayon.

Hmmmn ako talaga ang sinusubukan ng lalaking 'to ah?

"HOY ERIK SANTOS!" I shouted

Doon ay nakuha ko ang atensyon nang halos lahat nang kasama namin.

Parang lahat naman sila ay nagulat sa ginawa ko lalo na si Erik. Pero mas nagulat ang katabi niyang si Keia.

"Gala ka nang gala diyan. Nangangalakal ka ba?"

"Gala talaga? Ito naman, nawala lang ako saglit sa paningin niya di na kaagad mapakali." sagot niya nang makabawi.

Agad naman akong tinulak ni KZ na animo'y kilig na kilig.

"Aguy dito pa talaga kayo nagharutan ah."

Kaagad naman kaming tinukso ng mga nasa paligid namin pero hindi ako nagpatinag.

"Wala man lang bang good luck para sa singing partner mo ha?!" sigaw ko.

Narinig ko ang kusang paglakas ng panunukso ng mga tao na nasa paligid namin.

Nagbibiro lang naman ako, gusto ko lang siyang inisin. Pero deep inside meant ko rin naman yun.

Pero hindi ko naman ineexpect ang magiging tugon niya lalo na siguro ng mga tao sa paligid namin.

I saw Erik smiled at lumapit papalapit sa kung saan ako nakatayo.

"Ang arte akala mo naman lalaban sa Olympics." inikutan ko lang siya ng mata, "Good luck, Sexy!"

And with that, hinalikan niya ako sa noo.

Sa harapan ng maraming tao.

Sorry aken.

----END OF FLASHBACK----

Naiinis pa ako dahil bukod sa nag-uusap nanaman sila na kung tutuusin ay mula kanina pa matapos ang volleyball na laro namin ay nakaswim suit din si Kei.

Naiinis ako at gusto kong tusukin ang mata ni Erik sa pagsulyap sulyap niya sa katawan nito.

Tiningnan ko naman si Keia.

Syempre judger din ako.

Hindi ko naman maiwasang hindi ipagkumpara ang katawan naming dalawa.

Well, sige, payat siya nang di hamak. Pero mas sexy ako, si Erik pa mismo ang nagsasabi niyan.

Hindi naman kasi ako payat, noon pa siguro payat talaga ako pero ngayon masasabi ko na mas maganda ang katawan ko.

Kung sa biro pa nga ni Kaze ay "hiyang" daw ako sa alaga ni Erik Santos.

Tsaka isa pa, hindi maganda ang swim suit niya. Mukha siyang matanda.

Okay Angge tama na. Ganda ka ba? Kaya ka kinakarma eh.

"Tss, nakakairita." mahinang bulong ko naman pero syempre narinig kaagad nila akong tatlo.

"Nakakairita ba? Sus h'wag kang mag alala Anggege ko, kili kili mo pa lang di hamak na mas makinis na kesa sa braso at binti niyan." bulong ni Yenggay at itinaas pa ang braso ko.

At ang mga loko, talagang tiningnan pa ni Kaze at Ate Kyla.

"True! Kumbaga sa manok Angge, adobo siya, ikaw ang tinola. Mas masustansiya." ani Ate Kyla at tinuro pa ang dibdib ko.

Pero diba mas masarap daw ang adobo kaysa sa tinola? O depende sa tumitikim ng putahe?

E kay Erik kaya, ano ang mas masarap?

"Aaay oo naman 'no tsaka te, dibdiban ang labanan dito. Tingnan mo naman yang iyo, literal na may maipagmamalaki ka, eh siya, jusko dzai, kulang sa vulcanize, flat na flat." gatong pa ni Kaze

Natawa naman ako, wala naman akong sinasabi pero parang mga baliw sila. Sabagay, malaki nga ang future ko.

May mga kaibigan talaga tayo minsan na daig pa tayo kung manlait.

"Yung totoo mga bakla? Parang mas nagseselos pa kayo kaysa sa akin." sabi ko naman.

"Sus kunyari pa." sabi ni Yenggay at tinusok ang tagiliran ko.

"Tsaka wala naman kaming sinabi na nagseselos ka ah?" pang aasar pa ni KZ

"Oo nga, huwag mong sabihin na... nagseselos ka?" ani Ate Kyla.

Sandali silang nagtinginang tatlo bago sabay sabay na lumingon sa akin.

"UUUY NAGSESELOS!"

Kahit na singkit ako ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi at ginawa nila.

"Hoy ano ba baka may makarinig sa inyo!" saway ko naman at kunyari ay nakatingin sa dagat.

Tumawa naman silang tatlo.

"Okay lang yan Gege, mas masarap ka pa rin naman. Tanong mo pa kay Erik eh." Yeng assured me, as if naman nakatulong.

"Ay sure ako dyan, kaya wag kang magselos ano ka ba." natatawang sabi ni Ate Kyla.

Napailing na lang ako.

Duuuh, hinding hindi ako magseselos 'no? Swerte niya!

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, bahala siya.

Ngayon, ieenjoy ko lang ang outing na 'to dahil ngayon lang ulit kami nagkasama sama ng mga kaibigan ko.

"Alam niyo ang dami niyong ano, tara na nga!" aya ko na lang sa kanilang tatlo.

Kaagad naman akong nagyaya na magswimming na.

Kaya tinanggal ko na ang cover up ko at ipinatanong sa upuan.

We were about to go to the sea nang biglang tumakbo palapit sa amin si Jen.

"WOW NAMAN ANG SESEXY NG MGA MADAM!" malakas na sabi ni Jen at tinitigan kami isa isa.

Nang dumako siya ng tingin sa akin ay parang gulat na gulat siya.

Hindi naman ito ang unang beses na nakita nila akong nakaswimsuit pero bakit ba parang amaze na amaze sila sa akin?

"OMG BAKLANG 'TO! ATE ANGGE, BAKIT ANG HOT MO?!" sigaw pa muli niya.

"Oh diba, sabi ko naman sayo eh, hiyang ka talaga." pagsiko pa sa akin ni Kaze with her "I told you" look.

And speaking of hiyang, dahil sa pagsigaw ni Jen ay napalingon si Erik sa direksyon namin.

Nagkasalubong kami ng paningin at kitang kita ko kung paano siyang natulala pagkakita niya sa akin.

Oh ano ka ngayon?!

Mahigit sampung segundo din siyang hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya at hindi pa sana siya matatauhan kung hindi lang din sana ako humakbang na para sana sumunod na kela Yenggay na papunta na sa dalampasigan.

He immediately rushed into me at hinarang ang dadaanan ko.

Sobrang bilis na kahit ako ay nagulat sa ginawa niyang pagtakbo papunta sa akin.

"At saan ka pupunta Miss?"

"Uhm, doon? May tubig eh." pilosopong turo ko sa dagat.

He frowned, alam kong nahahalata niya na pinipilosopo ko siya.

"Ano yang suot mo ha?!"

I looked at him innocently in a very fake way.

Bwiset 'to, kanina halos hindi ako maalala tapos ngayon lalapit-lapit dito?

"Uhm, swimsuit?"

"Alam ko wag mo akong pilosopohin."

"Oh alam mo naman pala eh bakit nagtatanong ka pa?"

I rolled my eyes.

Minsan talaga hindi ko mapigilang hindi siya malditahan.

"Bakit ka nakaganyan?" it looks like he's already losing his patience. Wow agad agad?!

E bakit nga ba ako nakaganito? Duh, tanga ba siya?

"Erik, syempre nasa Balesin tayo so malamang magsswimsuit ako kasi diba magsswimming? Magsisimba ba tayo ha?" pilosopo ko muling sagot.

He tsk-ed at para bang naubusan na talaga siya sa akin ng pasensya.

He just held me on my wrist at akmang hihilahin niya.

"Alam mo Ge, ang tigas talaga nito." sabi niya sabay pitik nang mahina sa noo ko.

"Aray! Inaano ka ba?"

Walangyang 'to, si Mama Bob nga hindi ako pinipitik sa noo kasi daw baka mabobo ako!

"Tara na."

"Saan?!"

"Sa kwarto."

WHAT THE F----

Hanggang dito ba naman kwarto pa rin ang nasa isip niya?!

"Anong kwarto, Erik?! Bastos ka talaga!" I almost shouted. Kasi naman, makulit din siya.

"Magbibihis ka. Sino bang nagsabi sayo na pwede kang magsuot ng ganyan ha?"

Ayan nanaman tayo sa pagiging old-fashioned slash possessive slash KJ side niya.

Teka nga, sino ba siya para pagbawalan ako ha? The last time I checked hindi ko siy--- okay sige na, kahit hindi, may karapatan pa rin siya and I was the one who gave him that permission to take part of my everyday decisions.

Basically, wala dapat siyang karapatan pero sad to say sa estado ng nararamdaman namin para sa isa't isa, meron.

"Bakit kailan ka ba pumayag ha?" balik na tanong ko naman.

Palagi na lang bawal.

I know, being in an open relationship (kung relasyon mang natatawag ang pagiging friends with extra feelings and benefits naming dalawa) with him means being Erik Santos' possession and being under his possession means what is his, is his at hindi niya gustong may ibang nakikihati sa kung ano ang kanya.

At para kay Erik, ang pagtingin sa kung ano ang kanya ay isang malaking kasalanan na.

"Alam mo naman pala, bakit nagpipilit ka pa? Bilisan mo na." he smirked

"At paano kung ayoko ha?!"

Sus pero kung si Kei ang nakaganito enjoy na enjoy siyang titigan. Kupal din eh. Pasalamat siya matino ang utak ko ngayon.

"Okay sige mamili ka lang sa dalawa. Magbibihis ka sa kwarto ngayon o hindi tayo lalabas ng kwarto hanggang sa makauwi tayo ha? You know what I mean, Love." he seductively looked at me na parang kakainin ako nang buhay.

Seductive talaga Ge? So ano, oo nanaman kaagad tayo niyan, ganon? Ang rupok din talaga?

O siya tara na ngayon sa kwarto. Char.

"Ano ba! Ang sexy ko nga daw eh, ang ganda ko dito. Alam mo ba yun!? Ikaw lang hindi nakakaappreciate!"

Nakakainis, paano naman ako makakapagpost ng bagong pictures sa IG kung umiiral nanaman ang pagkapraning niya? Kaya talaga minsan ayaw ko siyang kasama sa mga bakasyon eh.

"Alam kong sexy ka, pwede ba?" he rolled his eyes at hinawakan ako sa bewang. Para naman akong nakuryente "Pero kelangan mo pa ba talagang ipakita sa lahat? Paano kung may makatipo nanaman sayong kung sinu-sino dito ha? You know that I don't share."

Alam kong style niya lang yun para mauto ako pero inikutan ko lang siya ng mata.

"Hay nako Erik wag ako. Pag iba e 'no titig na titig ka tapos pag ako pagbabawalan mo?! Mga lalaki talaga eh." hindi ko na napigilang sabi.

I don't share mo mukha mo.

Ako rin, I don't share!

"Anong pinagsasabi mo? Sino nanamang tinititigan ko?!"

"Sus kunyari pa. Sige lang Pogs, tusukin ko yang mata mo eh." sabi ko at akmang aalis na pero hinila niya ako pabalik.

"Isa, magbihis ka!"

"Erik! Lahat sila nakaswimsuit oh! Anong gusto mong suotin ko?" kulang na lang ay maglupasay ako ngayon dito.

"Magpajama ka kung kailangan, magmedyas ka rin basta ayokong nakaganyan ka."

"Ano?! Pwede b---"

"Huwag mo akong pikunin ngayon Angeline, sinasabi ko sayo, dalawa lang ang pagpipilian mo." matigas na sabi pa niya.

He was about to drag me but thankfully, someone also dragged me from my other side.

"Hoy hoy hoy! Aba, teka lang Santos ha?! Tumigil ka sa arte mo, ang KJ mo!" matapang na sabi ni Yenggay habang nakahawak sa kabilang braso ko.

"Ayan, isa ka rin. Gusto mo bang isumbong kita sa asawa mo ha?" sabi naman ni Erik kay Yenggay.

"Isumbong mo! Para sabihin ko sayo, si Yan pa mismo ang pumili ng two piece na 'to. Ikaw napapraning ka diyan!" sabi ni Yenggay at inaya na ako pero muli akong hinawakan ni Erik

"Napapraning? E totoo naman, ako lang ang nakakakita niyan!" sabi pa ni Erik.

"Tse, ang arte mo. Ang ganda ganda ng outfit eh pagbibihisin mo, d'yan ka na nga! Tara na Ge!" hila sa akin ni Yenggay ay wala nang nagawa si Erik kundi ang mainis na lang.

Hay nako, natapos na rin sa wakas ang napakahabang hanash.

I instinctively looked back pero hindi kay Erik kundi kay Kei and tama nga ako, I saw her looking at us.

Well, nevermind.

------------------------

"Oh dali na Love, nangangalay na ako oh!"

"Chill lang. Eto na, aaaah!" he said as he looked away from his phone para tanggapin ang isinusubo kong pagkain sa kanya.

Minsan talaga para siyang bata.

Kung kailan naman umedad, tsaka naging pabebe at talagang dito pa niya naisipang magpasubo ng pagkain habang kumakain kami ng buong team.

Lunch time na ngayon at magkakasama kami nila Kaze, Ate Ky at Yenggay sa table kasama si Erik syempre.

"Oh isa pa." sabi ko naman at sumandok muli ng pagkain sa plato naming dalawa.

Oo, plato naming dalawa. Talagang nakihati lang siya sa akin.

Para akong may kasamang anak na 3 years old dahil sa kanya.

Kaagad niyang kinain ito. "Ayan, sabi ko kasi sayo magbihis ka kanina. Oh ano ngayon kinakabag ka." puna naman niya.

I rolled my eyes at sinubuan na lang muli siya ng pagkain nang pansinin nanaman niya ang paghawak ko sa tiyan ko.

Medyo nilamig nga kasi talaga ako matapos naming maligo.

Kanina rin ay nagsuka ako pero ngayon naman ay maayos na ang pakiramdam ko. Siguro ay dahil sa hilo lang dahil sa jetlag.

"Masarap ba?" sabi ko naman bago sumubo ng pagkain matapos ko siyang subuan.

Hindi pa kasi ako nakakain nang maayos dahil sa pag iinarte niya.

"Hmmmn, sarap." sabi niya habang may nakakalokong ngiti na nakatitig sa akin at pinisil ang hita ko dahil nakapatong ang isang kamay niya dito.

Alam ko na iba ang ibig niyang sabihin kaya natawa ako. Hambog talaga.

"Oy ang harot niyong dalawa mahiya naman kayo sa amin. Nakakawalang gana." sabi bigla ni Yenggay na nasa kabilang gilid ko.

"Weh, naiinggit nanaman." pang aasar pa ni Erik.

Natawa na lang ako. Wala kasi si Yan.

Sa tuwing may mga event kami na magkakasama, palaging nagrereklamo si Yeng sa amin.

Nauumay daw siya sa mga kilos naming dalawa.

Inikutan lang siya ng mata ni Yenggay at bumaling na sa akin.

"Hoy ikaw babae, bumalik ka na sa kwarto ha. Dalhin mo na mamaya yung mga gamit mo doon." sabi naman sa akin ni Yenggay.

Kumunot naman ang noo ni Pogs habang ngumunguya ng pagkain. Ibinaba niya ang cellphone niya kaya nakita ko kung ano ang kanina niya pang ginagawa.

Nag eedit siya ng stolen pictures ko sa phone niya? Pambihira.

Tiningnan ko siya habang nakatingin kay Yenggay. Oh hindi papatalo.

"Saan siya babalik? E doon naman ang kwarto niya." sagot ni Pogs sa kanya.

Pagtukoy niya sa kwarto na tinutuluyan naming dalawa.

"Anong doon? Kami kaya ang roommates!" pag-apela pa ni Yenggay.

Roommates kasi kami talaga ni Yenggay. Palagi naman. Tuwing may out of the country, event at kung anu-ano pa.

Pero kanina kasi nahuling dumating sila Yenggay kaya iniwan ko muna ang mga gamit ko sa kwarto na dapat si Erik at isa sa mga kasamahan pa namin ang kasama pero ang loko, nakagawa ng paraan.

Nagrequest siya sa manager namin na kung pwede daw ay kaming dalawa na lang ang magkasama sa kwarto.

Kaya ang ending, walang kasama si Yenggay.

"Eeeh, wala akong kasama!"

"Sus ang tanda mo na eh kaya mo na sarili mo." bored na sagot ni Erik.

"Mas matanda ka kaya sakin." mataray na sagot ni Yeng at bumaling sa akin. "Ge, doon ka na lang matulog sa kwarto. Pleaseeee."

Sandaling kunyari ay nag-isip din ako.

Tiningnan ko si Erik na para bang alam niya na pareho kami ng nasa isip kaya ngumiti siya at maya-maya ay umiling.

"Sorry Yenggay." nakasimangot din na sabi ko.

"Bakit?" madramang sagot ni Yeng

Bumuntong hininga ako bago sumagot para kunyari ay totoong nakokonsensya.

"Doon na ako kay Erik, ngayon lang naman eh." sabi ko.

Syempre di naman papayag si Erik na bumalik pa ako sa kwarto namin ni Yenggay.

Baka magwala pa 'to at mag away pa kami, hindi pa kami mag enjoy buong bakasyon.

Isa pa ay nagpromise ako kay Erik na sasamahan ko siya sa kwarto dahil nga palagi niyang sinasabi na si Yenggay na lang daw palagi ang kasama ko sa tuwing may mga out of town.

Tsaka gusto ko rin na kami ang magkasama.

Natawa nga ako, e syempre natural. Hindi naman alam ng iba ang tungkol sa amin tsaka isa pa ay duh, ano na lang ang iisipin ng ibang tao kung magkasama kami diba?

Kinurot naman ni Yenggay ang tagiliran ko.

"Aray!"

"Ikaw maharot ka! Mabuntis ka nga niyan sa ginagawa niyo!" mahinang sabi pa ni Yenggay

"Edi okay." kibit balikat na sabi ni Erik at tumutok muli sa cellphone niya at iniakbay ang isang braso sa akin.

Nakita kong nag-upload na siya ng pictures namin sa Instagram.

"OKAY?! Okay lang isasagot mo?" inis na sabi ni Yenggay.

"Hindi naman ikaw ang magpapabinyag kaya huwag mo na kaming problemahin, Yenggay." ani Erik.

"Aaaaaghh nakakainis kayong dalawa alam niyo yun?!" sabi ni Yenggay "Ah basta di ko kayo papatulugin mamaya kakatukin ko kayo nang kakatukin."

"Okay lang, wala rin naman kaming balak matulog eh, diba Love?" kumindat pa sa akin si Erik.

Parang timang.

Lalong sumama ang tingin ni Yenggay kay Erik at hindi niya na napigilang hindi hampasin ito.

Partida ha, nasa gitna nila akong dalawa. Parang mga bata mygahd.

"Ikaw maharot ka kasi! Lagi na lang akong nawawalan ng kasama sa kwarto dahil sayo!" sabi ni Yenggay, "Angge, bumalik ka kasi sa kwarto! Akala ko ba ako ang bestfriend mo?"

"At sino ka para utusan siya?"

"At bakit din?!" tinitigan nang masama ni Yenggay si Erik at ganon din ang ginawa ni Erik.

*glass break*

"OMG! SORRY PO!"

Nawala naman bigla kami sa eksena nang lahat kami ay napalingon sa kabilang lamesa nang makarinig kami ng nabasag.

Kasabay noon ang pagsigaw ni Jen na nasa harapan ni Kei. I looked at the floor. Natapunan ni Jen ng juice si Keia.

"SH*T! LOOK WHAT YOU HAVE DONE?!" malakas na sigaw ni Kei na siyang gumulat din sa aming lahat.

"S-Sorry po Miss K-Kei." nanginginig na sabi ni Jen.

"SORRY?! BITCH, DO YOU KNOW HOW MUCH THIS COSTS?! YOU'RE SO CARELESS!" sigaw pa muli nito.

"Kei, lemme handle this." pag awat ni Ate Cynthia sa galit na si Kei.

"NO! FIRE HER! I WANT HER TO BE OUT OF HERE! GET OUT OF MY SIGHT! I HATE YOU!" sigaw nito at tumakbo palayo.

Kaagad naman siyang sinundan ni Ate Cynthia.

I sighed. Nakakagulat yun ah.

So, she's b*tching out sa mismong outing na---mahirap nang magsalita pero I don't think na tama ang mga sinabi at ginawa niya kahit pa galit siya.

Tama naman ako di'ba?

Kitang kita ko kung paano pa ring nanginig si Jen sa nangyari. Kaagad naman siyang nilapitan ng iba pa naming mga kasamahan.

When Jen saw me looking at her, she immediately ran towards me at yumakap. "Ateee." tanging sabi lang niya.

I caressed her back to comfort her. Ramdam ko pa rin ang gulat niya. Ni minsan ay walang gumawa ng ganoon sa kahit na sino dito sa amin.

"Sssshhh Jen. Okay na yun, kumalma ka lang." I said.

"Tsh bakit ba kasi siya sumama dito e hindi naman siya kasama sa management natin? Pasiksik din eh tapos siya pa ang matapang." mahinang sabi ni Kaze habang kumakain pa rin pero sapat na para marinig naming lahat na nasa table.

Nagkatinginan na lang kami ni Erik.

------------------------

"ANGELINE."

I suddenly stopped from walking by the shore habang inaantay si Erik.

Plano kasi naming mag star gazing ngayong gabi dahil sabi niya ay hindi daw kami gaanong nakapag usap ngayong araw, tutal naman ay nasa kani kanilang kwarto na silang lahat.

Nakakatawa nga dahil buong araw kaming magkasama pero yun pa rin ang nasa isip niya.

Um-oo na lang ako dahil wala naman akong choice at isa pa ay parang namiss ko rin siya.

Ugh, ang clingy ko.

Pero by just hearing that voice alam kong di siya yon dahil sa bukod sa babae ang tumawag sa akin ay kakaalis lang niya para kumuha sana ng blanket at ilang makakain namin.

"Oh Kei."

Gising pa rin pala siya.

Lumapit siya sa akin. Medyo madilim dito dahil iilang mga ilaw lang ang nakasabit na mga christmas lights lang din. "Oh anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba inaantok?"

Oo nga pala, hindi siya gaanong nakakapagsalita nang Tagalog dahil sa ibang bansa siya halos lumaki, oh nevermind. Siguro naman ay naintindihan niya ako.

She shrugged "Not yet. I was actually trying to get sleepy that's why I am here."

"Oh, I see." sagot ko na lang.

Ako pa hinamon sa English jusko naman.

"Why are you here by the way? Still not feeling sleepy too? Like, you're alone here." Lumingon siya sa paligid.

Napalunok ako.

Paano ko ba sasabibin sa kanya na inaantay ko lang bumalik si Erik at dapat wala na siya bago pa ito makabalik?

Baka makithirdwheel pa siya sa amin eh.

I was about to say something nang bigla siyang nagsabita

"Anyway, I heard that you and Jen were very close to each other. I'm sure she already talked to you. I'm really sorry for what I have done to her earlier. I was just startled and... a bit not feeling well."

Tiningnan ko naman siya. Bakit sa akin siya nagsosorry, hindi niya ba kayang sabihin yun mismo sa harap ni Jen?

"Naiintindihan ko naman pero sana Kei kinausap mo siya nang maayos. Medyo nagulat kasi si Jen. Sa totoo lang kasi, hindi ugali ng mga tao dito sa amin ang ganoon."

Ayoko siyang maoffend pero yun naman kasi ang totoo.

"I know, that's why I really want to apologize. Siguro I'm just out of my mind that moment. I got too carried away by my emotions." she said.

"Then I guess dapat kang magsorry nang personal sa kanya." sabi ko na lang. "May problema ba?"

She shrugged "Nothing, it's just that may mga nakikita lang ako na masakit sa mata."

Napalingon ako. Dahil bukod sa nagTagalog siya ay nagulat ako sa sinabi niya. What is she saying?

Kami ba ang tinutukoy niya?

Hindi naman sa pagiging judgmental pero naalala ko yung sinabi sa akin kanina ni Kaze na nakatitig daw si Kei sa aming dalawa ni Erik kanina.

Pero nevermind, baka naman wala lang.

I heard her sigh before speaking again.

"Anyway, I really wanted to approach you earlier kaso I felt like the four of you were really that close to each other, you look so happy together. Kaya nga, kanina I felt so ashamed. I feel like everyone's judging me. I feel like I don't belong here." pagtukoy niya kela Yenggay.

Teka, belong nga ba siya? Char.

"Ah ganoon ba, you should've approached us. Ganoon talaga e, masyado kaming close kaya kapag ganito ineenjoy namin kasi palagi kaming busy. Kaibigan ko na sila mula noong magsimula ako sa showbiz." pagpapaliwanag ko naman kahit na alam kong alam niya naman siguro yun dahil sa totoo lang ay kasabayan ko rin naman siya.

Isa pa ay pakiramdam ko ay nararamdaman niyang ayaw siyang kasama ni Kaze kaya niya sinasabi yun sa akin.

"And ofcourse, Erik. You two are also close to each other, right?"

I nodded, "Oo naman, close kami."

Mas close pa sa tooth paste.

Okay, waley.

"E Angeline, ikaw lang naman ang kilala ko dito. Good thing, Erik is also here. I have my reason to enjoy and be happy." may ngiting sambit niya.

Wow, ano daw?

To enjoy and be happy?

Ano yun? Jollibee?

Napansin niya siguro na nagtaka ako kaya nagpatuloy siya,

"What I mean is, si Erik, alam mo naman diba na close kami? I mean, before you, I was already his friend. I'm sure wala namang problema sayo kung close kami diba?"

"Oo naman, bakit naman magkakaproblema?"

I was trying to get a very fruitful answer.

May tiwala ako kay Erik.

"Good, nevermind what I've said. I guess wala tayong magiging problema." matamis na ngumiti siya sa akin bago tumingin sa dagat.

Okay, ang weird niya.

(A/N: Here's a picture of Angge, si Pogs nagpicture nyan charot)

Continue Reading

You'll Also Like

130K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
199K 8.3K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
9.8K 93 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
276K 10.2K 63
May mga bagay na nagbabago dahil sa unang halik. Kahit sinadya man 'to, o aksidente lamang, babaguhin nito ang takbo ng 'yong buhay. Kung nagha...