Twisted Fate

By fuckoffxxcc

13.7K 358 26

Dev's heart sank as she watched the girl she liked, her eyes filled with a sense of finality. She knew that... More

Introduction of Characters
1
2
3
Cast 2
4
6
7
CHAPTER 7.5
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
Cast or Characters 3
23
24
25
26
27
28
29
30
31

5

387 13 0
By fuckoffxxcc

Dev's POV

Maaga akong nakarating sa school kaya na isipan ko munang tumambay sa rooftop. Habang naglalakad ako papunta dun ay may nakita akong babae na may dala-dalang mga box.

"HEY!" tumatakbong tawag ko sa kanya, napahinto naman ito at lumingon sa akin.

"Uhmm.. Hey?" nagtatakang bati nito

"Tulungan na kita" sabi ko pero bago pa siya makatanggi ay kinuha ko na ang box sa kanya.

"Thank you?" alinlangan paring sabi nito kaya natawa ako.

"Your welcome nalang, saan mo ba dadalhin ito?" tanong ko

"Sa Student Council Office" sagot nito kaya napatango nalang ako, habang naglalakad kami ay di ko maiwasang hindi mailang kasi kanina pa ito patingin-tingin sa akin.

"Baka matunaw ako niyan" biro ko sakanya kaya napataas naman ang kilay nito na para bang nagtatanong.

"Wag kasi patingin-tingin sa akin baka mamaya madapa ka pa niyan kapag pinagpatuloy mo pa" sabi ko naman namula naman ito at umiwas, nahiya ata.

"Paanong di ako mapapatingin sayo eh biglang ka nalang tumulong" paliwanag nito pero bago ako makasagot ay nakarating na kami office. Siya na ang nagbukas ng pinto at ng makapasok kami ay tinanong ko ito kung ang mga ito ilalagay.

"Diyan lang katabi ng mga upuan" sabi nito kaya ng mailagay ko ito ay nagpaalam na ako.

"WAIT!" tawag nito kaya napalingon ako

" Thank you ulit ha, I'm Romme Grinnes" sabi nito habang nakalahad ang kamay nito, ngumiti naman ako sakanya at lumapit.

"Dev, Rogue Devon Smith" sabi ko at kinuha ang kamay niya para makipag handshakes, ngumiti ito sa akin ngumiti naman ako pabalik, ngayon ko lang napansin maganda pala si Rom, grey eyes, pouty lips, pointy nose at mahahabang pilik mata.

" Beautiful" bigla bigkas ko nakita ko namang namumula ang pisngi nito at yumuko.

" Cute" tanging sabi ko at pinisil ang pisngi nito bago naglakad paalis. Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa relo ko, kapag pumunta pa ako ngayon sa rooftop ay sigurado akong malalate ako sa unang klase namin kaya na isipan ko nalang na sa classroom nalang ako tatambay. Patuloy lang ako sa pagtahak ng daan nung may tumawag sa akin.

"DEV!" tumingin naman ako kung sino yun.

"D-Dev-hu-bu-buti--" di niya matapos ang sasabihin niya dahil hinihingal ito kaya naman natawa ako.

" Breathe Dale, hingang malalim" sabi ko huminga naman ito ng napakalalim bago magsalita.

" Hayyss--- sabi ko buti nalang naabutan kita, tara sabay na tayong pumasok sa room" paliwanag nito tumango naman ako sakanya bago guluhin ang buhok nito at nagpatuloy sa paglalakad. Mas matangkad kasi ako sa kanya ng konti lang 5'11 kasi ako habang siya naman ay 5'10.

"Yahh!! Ano ba!? Wag yung buhok ko" naiinis na sabi nito bago ayusin ang buhok nito.

"Nagpapagwapo kalang sa crush mo eh" natatawang sabi ko sakanya

"Ewan ko sayo, nga pala bat ka lumabas kanina sa SCO?" tanong nito

"May nakita kasi ako kaninang babae na may mga dalang mga boxes kaya tinulungan ko na" paliwanag ko

"Ikaw talaga kahit kailan... naku" natatawang sabi nito di namin napansin na nakarating na pala kami sa room namin.

"Sino ba yang tinulungan mo?" tanong nito ng maka-upo kami sa likurang parte ng room.

"Si Ro-" di ko na natapos ang sasabihin ko nang may magsalita sa likod namin.

"Tinulungan?" nagtatakang sabi ng tao sa likod namin kaya napalingon kami at nakita namin si Dian at Dzane.

"Goodmorning kambal, sayo rin bro" masayang bati ni Dale sa kambal niya at kay Dzane.

"Goodmorning Di, goodmorning Ty" sabi ko naman at niyakap silang dalawa, clingy kasi ako pagdating sa mga kaibigan ko.

"Morning Dev at ikaw namang unggoy ka wag mo akong ma goodmorning-goodmorning dahil may kasalanan ka pa sa akin" sabi ni Dian tsaka sinamaan ng tingin ang kapatid, napailing nalang kami ni Dzane dahil mag-uumpisa na naman ang away nilang dalawa.

"Anong kasalanan? Eh sa pagkaka-alala ko ikaw tong may kasalanan sa akin dahil binuhusan mo ko ng tubig kaninang tulog pa ako!" sumbat naman ng isa, binatukan naman siya ni Dian.

"Wag na wag mo akong sigawan dahil mas matanda parin ako sayo at kanina ko pa pinapaliwanag sayo na si Kuya Disrael ang may gawa nun" sabi ni Dian bigla naman nahiya si Dale at pumunta sa likod namin ni Dzane.

"Ahehe, sorry na sis akala ko kasi ikaw yun paano ba naman ikaw ang una kong nakita pagbukas ko ng mata ko" paliwanag ni Dale habang nagtatago parin sa likod namin.

"Maraming namamatay sa maling akala DALE MORRIS." madiing sabi ni Dian habang papalapit sa amin, alam na dis kaya naman nabigay daan na kami ni Dzane kay Dian para mahuli na niya si Dale pero etong si Dale ayaw pa awat at tumakbo pa siya papunta sa harap ng room. Takot yan kay Dian eh pero sa totoo lang pati narin ako at si Dzane takot kay Dian kapag naiinis at galit ito, sadista kasi.

"DALE MORRIS!! LALAPIT KA SA AKIN O SASABIHIN KO KAY DAD NA NAGDRAG RACE KAYONG TATLO!!" galit na sabi ni Dian bigla naman kaming kinabahang tatlo, 'PUCHA! NADAMAY PA KAMI'

"U-uhm Dale lapit kana kay Dian oh" utal na sabi ni Dzane wala namang nagawa si Dale dahil paniguradong malalagot talaga kaming tatlo kapag nalaman ng parents namin na nag drag race kami, nang makalapit siya kay Dian ay piningot ang tenga niya.

"Ahh-ahh!! Aray!!" daing ni Dale

"Diba sinabihan na kita na sabay tayong papasok ngayon kasi nasa pagawaan pa yung sasakyan ko na ikaw rin ang may kasalanan." inis na pahayag ni Dian na patuloy ang pag pingot.

"Arouch!! Sorry na po! Sorry na, di na po mauulit tsaka akala ko kasi yung isang kotse yung gagamitin mo kaya di na kita naisabay." niiyak na paliwanag naman ni Dale, binitawan naman siya ni Dian at di pinansin.

"Oyy!! Kambal! Sorry na please" nagmamakawang sabi ni Dale pero di parin siya pinansin ni Dian.

"Lilibre kita mamaya ng carbonara at pizza, pleasee bati na tayo~" sabi naman ni Dale kaya bigla siyang nilingon ni Dian.

"Lilibre mo ako?" tanong ni Dian, tumango naman si Dale.

"Okay bati na tayo pero dapat libre mo ako ha" nakangiting sabi ni Dian, napailing naman kami ni Dzane dahil kapag talaga sa pagkain ay di makakatanggi si Dian.

"Syempre naman ikaw pa, lakas mo sa akin eh" proud na sabi ni Dale bigla naman napangisi si Dian sa sinabi nito.

"Malakas pala ha, ililibre mo ako ng pagkain ng isang buwan wala ng bawian ha." sabi naman ni Dian at umupo na sa upuan nito which is sa harap lang namin.

"AN-" di na natapos ang sasabihin ni Dale ng dumating na ang Prof namin kaya umupo na ito sa tabi ng kambal niya pero kita parin sa dalawa na para bang nagrereklamo ang isa sa sinabi ng isa.

"Goodmorning class, please take your seat cause we will start are lesson." sabi ng Prof namin umupo naman kami ni Dzane sa upuan namin na malapit sa bintana.

FAST FORWARD~

Nang matapos ang klase ay agad kong niligpit ang mga gamit ko bago kami lumabas para kumain, habang naglalakad ay di naman mawawala ang mga taong nakatingin sa amin. Di naman kasi maiiwasan yun lalo pa't kasama mo ang mga sikat na mga tao si campus. Si Dale kasi ang tinaguriang genius sa paaralan namin dahil siya palagi ang kinocompete pagdating sa academic competition at di pa niya binibigo ang paaralan namin dahil parati naman siyang na nanalo kaya naman kilala na siya sa buong campus, si Dian naman kasi ang captain ng volleyball team ng school namin na palagi ring champion, matalino din si Dian at member din siya ng media club sa katunayan ay vice president siya ng club habang si Dzane naman ang captain ng basketball team, marami nagkakagusto dito dahil gwapo na nga gentleman pa ito, marami din siyang naging girlfriend pero di naman playboy ang tingin sa kanya ng mga estudyante dahil ang totoo pa'y siya ang iniiwan ng mga babae, ewan ko ba kung ba't siya parating iniiwan ng babae basta sabi niya lang sa amin ay di lang talaga sila karapat dapat para sa isa't isa kaya pinabayaan na namin. Di nalang namin pinansin ang mga ito at dumeritso sa cafeteria.

"Okay so ano na ang order niyo at ako ng ang bibili" tanong sa amin ni Dale nang maka-upo kami.

" Chicken strips with rice sa akin tsaka lemonade, diet kasi ako ngayon" sabi naman ni Dian at hinawakan ang tyan niya.

"Anong diet? Eh snacks palang natin to tapos magra-rice kana, diet ba ang tawag dun tsaka ba't ka pa magdi-diet eh payatot ka nga" pang-aasar sa kanya ni Dale kaya napatawa na naman kami ni Dzane.

"Alam mo ikaw talagang ung-"

"Ops tama na yan mag-uumpisa na naman kayong dalawa eh, ikaw naman Dale bumili ka nalang kung gusto mo pang mabuhay." awat ni Dzane sa kanila

"Luh! bro naman di ko naman kaya na ako lang mag-isa, dalawa lang po ang kamay ko tsaka order palang ni Dian puno na ang dala ko" reklamo ni Dale kaya sinamaan siya ng tingin ni Dian.

"O sige samahan na kita" sabi ni Dzane at hinila si Dale paalis.

"WAIT! ANG ORDER PA NI DEV!" rinig kong sigaw nito.

"Alam ko na" rinig kong tugon naman ni Dzane sakanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Nakuu! Ang Dale na yun, papatayin ko talaga yun pagdating mamaya sa bahay" nanggigigil na sabi ni Dian kaya napatawa naman ako.

"Hayaan mo na nga si Dale, pag yan nagkagirlfriend wala ng aasar sayo at sigurado naman akong mamimiss mo ang pang aasar niya" sabi ko naman sa kanya pero napa roll eyes lang ito.

"As if naman magkagirlfriend yun, eh wala ngang nagkakagusto diyan at tignan mo nga naman ang katawan niya kung maka asar siya sa akin kanina ng payatot ganun din naman siya" inis na pahayag ni Dian napa iling nalang ako.

"Magkakagirlfriend yan hintayin mo nalang" sabi ko sakanya

"Eh ikaw?" tanong nito at ngumisi sa akin.

"Huh? Anong ako?" nagtatakang tanong ko kaya naman napatawa ito.

"Alam mo ikaw napaka manhid mo" tanging sabi nito kaya lalo akong nagtaka.

"Manhid? Ako? Hindi kaya" tanggi ko

"Ewan ko sayo, nga pala kamusta na sina Ate?" tanong nito sa akin

"Ayun miss na kayo, ba't kasi di kayo sumama sa akin noong sabado" sabi ko naman.

"Sorry naman may pinuntahan kasi kami ni Dale noong nakaraan at si Dzane naman may inasikaso sa companya nila." paliwanag nito kaya naman napatango nalang ako, naiintindihan ko naman sina Dian eh lalo pa't graduating na kami si highschool kaya magiging busy na talaga kami.

"Oh eto na po ang inyong pagkain mga kamahalan" birong sabi ni Dale at nilapag ang pagkain namin kasama ni Dzane.

Third Person's POV

Kakain na sana sina Dev nang biglang bumukas ang pinto ng cafeteria, bigla namang tumahimik at napatingin lahat ng tao sa loob ng cafeteria kung sino yun maliban kina Dev na nagpatuloy lang sa pagkain.

~click-click-click-click~

Rinig na rinig ang bawat hakbang ng taong yun habang nakatingin sa kanya ang lahat. Patuloy ang paghakbang ng tao hanggang sa mapansin ni Dale at Dian na papunta ito sa direksyon nila kaya napatingin na sila kung sino ito. Maaaninag talaga nila Dale at Dian ang taong yun dahil nakaharap silang naka-upo sa pinto ng Cafeteria habang sina Dev at Dzane naman ay nakatalikod. Tumigil nalang bigla ang paglalakad ng taong yun at lumaki naman ang mata nila Dian ng makita nilang tumigil ito sa likod nina Dzane at Dev.

"Oh ba't parang nakakakita kayo ng multo?"nagtatakang tanong ni Dzane pero ngumuso lang si Dale at na gets ito ni Dzane kaya naman napatingin ito sa likod nila, nagulat nalang ito ng may makitang tao sa likod nila, napansin na ni Dev ang pagtalikod ni Dzane at pagtahimik nito kaya naman na curious na siya kung ano ba ang nangyayari.

"Ba't ba kayo nakatulala diya para namang nakakita kayo ng mu-" di na natapos ni Dev ang sasabihin niya ng makita niya ang tao sa likod nito.

"Oo Dev, magandang multo" tanging sabi ni Dale habang nakatingin parin sa tao kaya naman siniko siya ni Dian.

"Hi Dev!" sabi ng tao at ngumiti ka Dev

"Romme?" takang sabi ni Dev dahil nakita niya lang naman si Rom nakangiting nakatayo sa likod nito.

"Ako nga, sino ba sa tingin mo?" nagbibirong saad ni Rom sakanya.

"Ba't ka nandito?" tanong ni Dev sa kanya, natawa naman si Rom sa sinabi nito na lalong pinagtaka ni Dev.

"Para kumain, ano ba ginagawa sa cafeteria" natatawang sabi naman ni Rom, bigla naman nahiya si Dev.

"A-ano a-ang ibig ko sabihin ba't ka nakatayo sa likod namin?" nahihiyang tanong ni Dev.

"Gusto kasi kitang maka-usap" sabi ni Rom, nagtaka naman si Dev.

"Huh? Ba't naman? Kailangan mo ba ng tulong ko?" sunod-sunod na tanong ni Dev pero bago makasagot si Rom ay tumikhim si Dale.

"Ehmm" tikhim ni Dale kaya napatingin sa kanya sina Dev at Rom, nagets naman ni Dev ang pagtikhim ni Dale.

"Ahh, Rom mga kaibigan at kaklase ko pala sina-" di na natapos ang sasabihin ni Dev ng sumabat si Rom.

"Dale Morris ang tinatawag na Mister Genius at Dianna Morris o mas kilalang Charming Captain ng volleyball team kayo rin dalawa ang anak ng may-ari ng school habang si Dzane Tyrone Willford naman ay ang tinatawag nilang Bipolar Prince, ikaw rin ang captain ng basketball team right?" saad ni Rom napatango naman ang tatlo at napangiti pero si Dev naman ay nagtataka kung paano niya nakilala ang nga kaibigan nito.

"Ookkaayyy~ at ito naman si Ro-" di na natapos ulit ang sasabihin ni Dev ng magsalita naman si Dian kaya inis na itong tumahimik.

"Romme Grinnes ang Student Council President ng school" sabi ni Dian habang nakangiti, nabigla naman si Dev sa sinabi ng kaibigan.

"Ehh!! Ikaw? President ng paaralang ito!?" nagtatakang sabi ni Dev, napatawa tuloy ang kaibigan niya sa sinabi nito.

"Ano ka ba Dev, 2 years ka na dito pero ngayon mo lang nalaman na siya ang president ng paaralang itong" natatawang saad ni Dale, suminmangot naman si Dev sa sinabi ng kaibigan.

"Eh malay ko ba kung sino ang mga namamahala dito" inis na sabi ni Dev.

"Hahaha, okay lang yan Dev" sabi ni Rom at pinisil ang pisngi nito.

"Ano ba ang naipunta mo dito?" tanong ni Dev.

"Gusto kasi kita sanang i-invite mamaya ng lunch kung okay lang, gusto kasi kitang pasalamatan sa tulong mo kanina" paliwanag ni Rom.

"Huh? Ano ka ba okay lang yun tsaka kagustuhan ko namang tumulong pero kung mapilit ka sumabay ka nalang sa amin mamaya maglunch" nakangiting sagot ni Dev.

"Sure!" masayang saad ni Rom

"Susunduin nalang kita mamaya sa office mo" sabi ni Dev

"Sabi mo yan ha, bye na muna may kailangan pa kasi akong gawin sa office" saad ni Rom bago ito umalis at halikan si Dev sa pisngi.

--------------
Romme Grines in the media above⬆️

Continue Reading

You'll Also Like

673K 35.7K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
3.5M 282K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
1.3M 116K 42
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
404K 45.8K 28
"𝒚𝒐𝒖 𝒄𝒐𝒖𝒍𝒅 𝒃𝒓𝒆𝒂𝒌 𝒎𝒚 𝒉𝒆𝒂𝒓𝒕 𝒊𝒏 𝒕𝒘𝒐 𝒃𝒖𝒕 𝒘𝒉𝒆𝒏 𝒊𝒕 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒔, 𝒊𝒕 𝒃𝒆𝒂𝒕𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖" ...