Love and Lost (On Going - Und...

By laymedown_07

1.9K 1K 337

Kiandra Kyle Lunox, is a 19 years old girl college student. She is a type of girl na hindi marunong magseryos... More

Letter/Liham
"PRO-LOGUE"
● CHARACTERS ●
Author note;
CHAPTER I: First Day
CHAPTER II; Lars Jandrik Montallana
CHAPTER III; Officially meet
CHAPTER IV; Duet
CHAPTER V; Accidentally Kiss
CHAPTER VI; Untold feeling
CHAPTER VII; Bracelet
CHAPTER VIII; Unexpected Duet
CHAPTER IX; Necklace
CHAPTER X; Hoodlum
CHAPTER XI; Old friend
CHAPTER XII; Strange Feeling
CHAPTER XIII; Debut
CHAPTER XIV; Aminan feelings
CHAPTER XVI; Past
CHAPTER XVII; Start of Something New
Appreciation Note.
CHAPTER XVIII; Complacent
CHAPTER XIV; Something's Wrong
CHAPTER XX; Love of a Friend (Daniel)
CHAPTER XXI; Black Gang
CHAPTER XXII; Please help me move on (Ralph)
CHAPTER XXIII; Oplan Move On 101 (Ralph)
CHAPTER XXIV; Complicated
CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)
CHAPTER XXVI; Officially
CHAPTER XXVII; Letting Go
CHAPTER XXVIII; Barista
CHAPTER XXIX; Misunderstanding
CHAPTER XXX; LQ
CHAPTER XXXI; Jealousy
CHAPTER XXXII; Paranoid
CHAPTER XXXIII; I Hate It
CHAPTER XXXIV; I Missed You
CHAPTER XXXV; Supposed to be a Date
CHAPTER XXXVI; Unknown Number
CHAPTER XXXVII; Time
CHAPTER XXXVIII; Beach

CHAPTER XV; Courting

33 34 2
By laymedown_07

-ALEXA-

"Sweety? Wake up".

Nagising ako dahil sa mahinang pagyugyog ng kung sino sa akin. Antok kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Mom.

"Bumaba ka na. Kakain na tayo". At tumayo na siya.

Antok akong umupo at kinuha ang phone ko sa may side table to check the time. 7:16 am pa lang.

"But Mom. It's early in the morning. Sunday lang naman eh. Pwede po bang mamaya na ako"? Inaantok na sambit ko bago siya tuluyang makalabas ng kwarto ko.

"Ikaw ang bahala. Pero huwag kang magsisisi mamaya kapag nalaman mong umalis na rito ang manliligaw mo". At isinarado na niya ng tuluyan ang pinto.

Ah manliligaw...

Manlili-

My eyes widened after hearing and realized what she said. Dali-dali akong kumuha muna ng susuotin atsaka dumeretso ng cr para mag-asikaso.

May usapan nga pala kami. Bakit ba kasi ang aga-aga ng manliligaw ko?

Napangiti ako nang maalala ang nangyari. I bit my lower lip. Hindi ko akalain ang lahat ng nangyayari sa akin. Sobrang saya ko.

"Napakaharot mo Alexa"!

Pagkababa ko imbis na si Aaron ang nakita ko, si Ralph ang bumungad sa akin.

"Dissapointed Dear"? Nakangising sambit niya. I frowned.

"Mom akala ko ba manliligaw? Mukha ko bang manliligaw ang isang 'to"? Pagmamaktol ko.

"Hoy hoy hoy! Huwag ka ngang echosera jan. Kahit naman ikaw na lang ang matirang tao sa mundo, hindi kita papatulan, ano. Hindi ako magkakamaling manligaw sa iyo. Duh! Mga may hotdog lang bet ko FYI". Naka crossed arm pa niyang pagtataray. Narinig ko lang na tumawa si Mom.

Inismidan ko na lang ito. "Hindi nga kayo pumunta ni Kia sa debut ko". Nakangusong sambit ko.

"Nagkaroon ng emergency si Kia".

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya? "Emergency? What kind? Okay na ba siya"?

"Wow. Alalang-alala girl? Akala mo talaga totoo".

"Excuse me, totoo ang concern ko sa bestfriend ko".

"Ah talaga ba"?

Sinamaan ko siya ng tingin. "So, ano ngang Emergency"?

"It's none of your business".

"Psh".

Kahit kailan, ang sungit ng baklang ito.

"Teka nga. Bakit ba ikaw ang narito at hindi si Aaron"?

"Kasi pupunta tayo ng Unknown Bar ngayon".

"Ganito kaaga?! Are you serious"?!

"Yes. Kaya pwede ba magpalit ka ng dress mo. Chupi! Hindi yung naka shorts at sando ka lang. Aakitin mo pa si Aaron".

"Hmp"! Inirapan ko siya.

Umakyat na lang ulit ako ng kwarto para magpalit ng dress. Simpleng white dress ang una kong nakuha. Konting foundation at Lip tint lang. Okay na 'to.

Pagbaba ko, nakita ko sila Mom at Ralph. Nasa sala sila habang kumakain ng pancake at nanonood ng TV, at masayang nagchichikahan.

Close na ulit sila?

"Lets go"? Pagyaya ko kay Ralph. Napatulala naman siya sa akin pagkakita. Pinagtaasan ko siya ng isang kilay.

Problema ng isang 'to?

"Sarado mo bibig mo. Baka pasukan 'yan ng langaw". Pang-aasar ko.

"Hambog nito. Hindi lang ako sanay na mukha kang tao". I ignore what he said.

Nagpaalam muna siya kay Mom. Pumunta kami sa office room ni Dad para makapagpaalam rin. Pati na rin kay Yaya na tutuloy na kami.

"Hindi na ba muna kayo kakain rito? Nakahanda pa naman na ang pagkain". Pagpigil sa amin ni Mom nang nasa pinto na kami.

Umiling si Ralph. "Hindi na po Tita. Sa labas na lang po kami kakain ni Alexa. Thank you po. Mauna na po kami". At nagbeso-beso na silang dalawa.

Habang papalabas na kami sa pinto, may binulong naman itong kasama ko. Kaso bulong nga at siya ang mas nauuna sa aking maglakad, kaya hindi ko ganoong naintindihan.

("Hindi ka naman pala chaka. Hindi na ako magtataka kung bakit nahulog sa iyo si Aaron.")

"Ha? Ano Ralph? What did you just said"?

Oo narinig ko. Pero hindi ko naintindihan ang kung ano man ang sinabi niya.

"Wala. Sabi ko, maganda ka sana kaso bungol ka lang.". Tapos sumakay na siya agad sa kotse niya. Napahinto ako sa paglalakad at literal na napatanga ako.

Ako bungol? Excuse me. Hindi kaya!

"Tss".

Sumunod na lang ako sa kaniya at pumasok sa kotse niya.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob, atsaka ko siya tinalakan.

"Hoy! Anong bungol ha? Hindi kaya! Kasalanan ko bang mahina yung pag BULONG mo kaya hindi ko narinig? Duh"! Hingal na hingal pa ako habang sinasabi ko 'yan.

Padabog ko namang isinuot ang seat belt ko.

"Yeah. Whatever". Tumingin ulit ako sa kaniya.

"Angelina? Ikaw ba 'yan? Nasaan si Yaya?" Natatawa-tawa kong sabi.

"Oo. At ikaw si Yaya". Sinamaan niya ako ng tingin at sinimulan na niyang patakbuhin ang kotse.

"Okay. Tatahimik na po."

Ang sungit nito ngayon ha? Psh. Samantalang nung nasa bar kami at bagong dating ko lang ulit, ang bait-bait sa akin. Bipolar.

Pagkarating namin sa bar, nag park lang si Ralph sa gilid at bumaba na rin sa kotse.

Hindi man lang ako pinagbuksan. "Tss."

Ano pa bang aasahan ko sa bakla? As if naman na maging gentlemen siya sa isang babae. Pwede pa kung may hotdog ako.
Natawa ako sa isipin kong iyon.


Nakabusangot akong bumaba ng kotse.

Sobrang dilim pagkapasok ko sa loob ng bar. Walang katao-tao. I roamed my eyes around.

Nasaan na siya?

"Ralph?" Pero hindi ko na siya makita kahit saan. Naglibot muna ako sandali, pero wala pa rin akong makita na kahit sino.

Pinagtitripan ba ako rito?

I was about to leave the bar, nang biglang bumukas ang spotlight habang nakatutok ito sa stage.

Pagkatingin ko sa stage, nakita ko siya. Naka-upo sa isang silya at may nakasukbit sa balikat nito na gitara.

He looked at me and smiled. Napangiti na lang rin ako.

~Bakit pa kailangang magbihis?
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa t'wing tayo'y magkasama~

Ang ganda ng boses. Ang lamig...

~Bakit pa kailangan ang rosas?
Kung marami namang nag-aalay sa'yo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara~

Ganito ba manligaw ang isang Aaron Lunox Fernandez? Pwedeng kiligin ng bongga?

~Mapapagod lang sa kakatingin
Kung marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Ng lahat ng aking nadarama
Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara~
Idadaan na lang sa gitara

Dahan-dahan siyang bumaba ng stage at naglakad patungo sa dereksyon ko, habang tinutugtog pa rin niya ang gitara niya, at patuloy sa pagkanta.

~Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara~

Okay. Breath in. Breath out.

Ooh...

~Idadaan na lang
Sa gitara~

Feeling ko, ang init sobra ng magkabilang pisngi ko. Bakit ka ba ganiyan Aaron? Yung puso ko parang sasabog na sa sobrang pagkakilig ko.

Sakto namang natapos ang kanta nang makarating siya sa harapan ko.

Nagulat ako ng tumawa siya ng mahina, sabay pisil sa magkabilang pisngi ko. "Aray! Mashaket"!

He chuckled. "Ang cute mong kiligin Lexi"! Napangiti na lang ako. Hinawakan ng magkabilang kamay niya ang magkabilang kamay ko at tinignan ako ng deretso sa mga mata ko.

"Starting from now on...

I'm going to court you whether you like it or not." And he kissed my forehead after...

-3RD PERSON POV-

"I'm going to court you whether you like it or not."

Nakita niya si Aaron na hinalikan ang noo ng dalaga. Hindi niya alam, pero nakaramdam siya ng sakit. Kaya napagpasyahan na lang niyang umalis mula sa lugar na iyon.

Hindi niya alam kung saan siya patutungo. Basta ang alam niya lang, gusto niyang makaalis doon.

Bago pa man siya tuluyang makarating sa kotse niya, may humarang nang kung sino sa kaniya. He stopped.

"Nagugustuhan mo na siya hindi ba? Or should I say dati pa"?

Nakayuko lang siya. Hindi niya kasi sigurado sa sarili niya kung nagugustuhan na ba niya talaga ang dalaga.

"I know na may kakaiba ka nang nararamdaman towards her since then. Bakit hindi mo sabihin"?

Nakayuko lang ang binata. Kahit na hindi niya kilala ang nagsasalita ay sumagot siya rito.

"Sabihin? Para ano pa? Para magulo sila? Parehas nilang gusto ang isa't-isa rati pa, kaya bakit pa ako e-epal? Atsaka gusto? Paano mo naman nasabing gusto ko siya ha"? Nakapikit nitong sambit.

Ang daming tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon. Hindi na niya alam kung anong nangyayari sa sarili niya. Sa damdamin niya...

"Dahil alam ko. Nararamdaman ko. Hanggang ngayon ba naman i-denial ka pa rin? No wonder kung magiging matandang binata ka". Napahalakhak ito.

Napaisip siya kung bakit kung magsalita ang kausap niya ay parang kilalang-kilala siya nito. Medyo parang iniipit kasi nito ang boses niya... Kaya, napataas na rin ang tingin niya.

Nanlaki ng literal ang mga mata niya ng makita niya kung sino ito.

"Lars..."

"Baklang ito"....

-TO BE CONTINUED-

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 85.8K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
1.7M 72.4K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
37.8K 1.5K 64
SYNOPSIS: Hiyal is a type of girl who makes her own life simple and normal. Para sa kanya, nasa kamay lang din nating mga tao kung paano tatanggalin...