Taming the Heat (La Grandeza...

By JosevfTheGreat

2.1M 54.2K 31.2K

To transform her family's life from rags to riches, Cari is determined to focus on her studies and set the id... More

Announcement
Taming the Heat
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
La Grandeza Series #3
Special Chapter
Special Chapter [Christmas Special]

Panimula

189K 3K 1.6K
By JosevfTheGreat




Hiyawan at tunog ng mga drums ang pumaloob sa aking tainga habang nakaupo ako sa bleachers ng school namin. Intramurals namin ngayon at nanonood kami nina Cassandra at Raflesia ng game nina Lucas ng basketball.

Tiningnan ko si Cassie na tutok ang mga mata kay Lucas na naglalaro, habang kami ni Raflesia ay walang ganang nanonood dahil I was never a fan of sports. Hindi ko nga alam kung ilang beses na ako tinuruan ni Kuya maglaro ng kung ano-anong sports pero hindi ko talaga kaya.

All I can say that sports are not for me. Kung arts ang pag-uusapan ay maaring interesado pa ako. Mahilig akong mag-drawing at mag-paint ng kung ano lang ang maisipan ko pero bukod do'n ay hindi naman na ako masyado special.

"Cari, tara na. Ayaw ko na rito... kakabagot, sis..." ani Raflesia kaya mahina akong natawa.

"Iiwanan natin si Cassie rito? Atsaka kailangan natin suportahan sila Lucas baka mamaya magtampo pa 'yon sa atin tapos hindi tayo ilibre kapag nanalo sila," sabi ko atsaka ngumisi.

"Alam mo ikaw Cari, may point ka... sige na stay na tayo rito... sayang naman 'yung libre ni Lucas sa atin kapag nagkataon..." aniya kaya mahina akong natawa at binalingan na namin ang game.

Sa huli ay nanalo nga ang team nila Lucas at halos marindi ako sa sobrang lakas ng tili ng mga babae sa tabi namin. They could die for too much screaming. My God these girls can't calm their tits.

"Ang ingay naman ng mga fan girls ni Lucas at ni Dino. Mabuti na lang tayo ang mga maswe-swerteng mga kaibigan nila..." ani Raflesia na parang ikinagagalak niya talaga na kaibigan namin sina Dino.

Sina Dino at Lucas ang kambal na magkaiba ang pangalan. Bata pa lang silang dalawa ay mahilig na sila sa basketball. Maging sa soccer ay isa rin sa mga hilig nila. Sa sobrang gwapo nitong dalawang 'to ay hindi naman impossible na kabaliwan sila ng ibang mga babae kahit mas higher grade sila sa amin.

First year high school pa lang kami pero may mga nagkakagusto na sa kanilang mga Grade 10. Inaabangan sila lagi sa room tapos magpapa-picture kaya kami naman 'yung tamang taga tingin lang o kung minsan ay ginagawa pa kaming taga-picture.

Hinihingal at pawis na pawis na tumatakbo sina Lucas at Dino sa direksyon namin habang nakangisi.

"Panalo kami!" ani Lucas.

Pumalakpak lang kaming tatlo dahil hindi na naging bago sa amin 'yung palagi silang nananalo. Panigurado ay makakakuha ito ng scholarship sa malalaking university kapag nag-college na sila dahil sa galing nila mag-basketball.

"Wala namang bago," sabi ko kaya ngumisi siya sa akin.

"Tuwing napapatingin ako sa direksyon niyo rito ay walang gana ang mukha mo. Mukhang tinatamad ka panoorin kami ah?" ani Dino habang nakapamaywang.

Parehas silang gwapo pero ang pinagkaiba lang nila ay mahaba ang buhok ni Lucas. Abot hanggang sa likod ni Lucas kaya nakatali ito at nakasuot pa siya ng headband. Si Dino naman ay katamtaman lang ang haba ng kaniyang buhok pero natatali na rin 'yon.

Mabuti nga ay pinapayagan sila ng school sa ganiyang buhok. Nagpaalam naman nang maayos sina Tita sa principal na huwag ipagupit ang buhok nila. Hindi ako sigurado kung bakit pumayag.

"Ang arte mo, Dino. Hindi bagay sa'yo!" sabi ko at umirap.

Tumawa naman siya at inilapit ang mukha sa akin kaya bahagya akong napaatras.

Napalunok ako nang masilayan ko ang kaniyang ash gray na mga mata. Tumulong pa ang kaniyang makapal na kilay at mahahabang pilik-mata sa ganda ng kaniyang mga mata.

Nanliit ang kaniyang mga mata at napatingin sa aking labi pero mabuti na lang ay hinila siya ni Lucas. "Pinagti-trip-an mo nanaman si Cari. Baka mamaya sapakin ka niyan," sabi ni Lucas at humalakhak.

Atsaka lang ako nakahinga nang maluwag nang nakalayo na si Dino sa aking mukha. Ngumisi si Dino sa akin habang taimtim ang titig. He likes me pero his parents warned me to reject him kung gusto ko pa siyang maging kaibigan.

I kind of like him but we are still young para sa tinatawag nilang pag-ibig. Masyado pa akong bata para mag-focus sa gano'ng bagay.

"May practice game kami ng soccer mamaya. Baka gusto niyong sumama manood?" tanong ni Dino habang nakaupo kami sa waiting shed ng school na malapit lang din sa canteen.

"Sama ka?" kaagad na alok sa akin ni Dino kaya mahina akong tumawa.

"Oo, sige lang," sabi ko kaya ngumisi siya.

Kahit ilang beses na akong sinasabihan ni Dino ng mga salitang nagpapahiwatig na gusto niya ako ay hindi ko pinapansin. Naisip ko lang kasi na hindi pa rin ako handa na magkaroon ng boyfriend dahil nga masyado pa akong bata. Siguro kapag 4th year high school na ako ay baka pumasok na 'yon sa isip ko, but now... hindi ko lang alam.

Uwian nang sabay-sabay kaming naglalakad nina Dino papunta sa soccer field. Nadatnan namin ang iba't ibang grade levels na naka-soccer attire. Hinawi ko ang aking buhok at nilagay ang iba sa likod ng aking tainga.

"Doon tayo sa bench. Dala ko pa naman 'tong baon ko. Puwede nating kainin habang nanonuood," sabi ni Cassie.

Tumango lang ako atsaka na kami umupo sa bench. Napatingin kami sa kabilang bench nang biglang nagbulungan 'yung pinsan nina Lucas atsaka 'yung mga kaibigan niya.

They're already 2nd year at gina-ganster nila kami pero hindi ko naman sila pinapatulan. I am too soft for it. Hindi ko nararanasang makipag-away or makipagsabuntuan man lang.

Tinatawag ako nina Cassie na 'hindi makabasag pinggan' sa sobrang soft kong babae pero hindi ako mahinhin. Hindi lang talaga ako magaslaw at hindi rin ako maarte dahil hindi naman ako galing sa mayamang angkan. But if someone is trying to dominate my rights as person ay hindi ako pumapayag. I can fight through words or kung pwede ay sampalan, partida walang experience.

"Bakit kayo andito? Mga fan girls lang naman kayo ng mga pinsan ko na nagpapanggap na mga kaibigan para lang magkaroon ng privilege na malapitan sila," ani Henesi habang nakataas ang kilay sa amin.

Naka-hair clip pa siya ng sofia the first tapos ang lakas niya kaming harapin, ano ba siya elementary na inagawan ng candy? I admit na we are still young and we have still immature things na ginagawa pero seeing her like this, trying na maging bitch sa amin while wearing a sofia the first hair clip looks like a clown for me.

"Bakit hindi ka muna mamili ng magandang hair clip bago mo kami bungangaan?" ani Raflesia kaya tumawa si Cassie habang ako ay seryoso lang na nakatingin kay Henesi.

"Hoy, Henesi! Ano na namang sinasabi mo sa mga kaibigan ko?" Napalingon kami sa likuran ni Henesi nang nakita namin si Lucas na papalapit.

Namataan ko si Dino na tumatakbo na at nagsisimula nang mag-stretching pero bumalik ang mga mata ko kay Lucas.

"Sila nga itong bully, Lucas! Sinabi nila na ang cheap ko raw dahil sofia the first ang hair clip ko," aniya at umaktong parang mas bata pa sa amin.

Lucas is tall for our age at makikita na agad ang hulma ng katawan niya dahil sa pagiging sporty niyang tao. Gano'n din si Dino kaya sa tingin ko, kapag nagbinata pa sila ay mas mahuhubog ang kanilang magandang katawan.

Kumunot ang noo ni Lucas at tiningnan ang hair clip ni Henesi at mahinang natawa.

"Ayusin mo muna kasi design ng hair clip mo dahil mukha kang bata sa ganiyan, huwag mong pagsasalitaan ng kung anu-ano ang mga kaibigan ko ah? Lalo na si Cari," sabi niya at baka ang awtoridad sa kaniyang boses.

"So, puwede naming sabihan ng kung ano-ano sina Raf at Cassie dahil si Cari lang naman pala ang bawal?" sabi ng isang kasama ni Henesi.

"I care about them all dahil kaibigan ko sila, mahalaga sila sa akin. Cari is just too busy to give a fuck sa mga katulad niyo kaya you may go and fuck yourselves," sabi ni Lucas at shooed them away by making gestures.

Masama ang tingin sa akin ni Henesi bago tuluyang umalis. Ano na naman kaya ang ginawa ko sa kanya? Ang tahimik ko nga lang dahil tama si Lucas. I am too busy to give a fuck about them.

"Pahawak muna nitong phones namin ni Dino," aniya at binigay sa akin 'yung phone nila kaya kaagad din akong tumango.

Tumakbo na siya kaagad papunta sa field at nakisabay na siya sa ginagawa ng iba. Habang nanunood kami ay bigla kong namataan ang isang lalaking kasing tangkad din nina Lucas at ang kanyang mukha ay parang nagmula sa mga Greek gods sa sobrang gwapo niya.

He has a fierce and cold expression while his hair is disheveled. His lips are so damn kissable dahil sa kapulahan nito at ang kaniyang matangos na ilong na animo'y inukit ng isang magaling na sculptor. Lalo na ang kaniyang mga mata na malalim, hindi kakapalan ang kaniyang kilay pero sapat na ang kapal nito para madagdagan ang kagandahan ng kaniyang mga mata at isama pa ang kaniyang mahabang pilik mata.

Mas napatingin ako sa kanyang panga na hulmadong-hulmado. Shit... bakit iba 'yung naramdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya. Who is this guy?

"Kilala niyo 'yon? 'Yung may number 8 na jersey?" sabi ko kaya napatingin din sina Cassie ro'n.

"Hindi eh. Parang bago lang dito... ang gwapo," bulong ni Raf.

I couldn't agree more. Sobrang gwapo nga naman talaga ng lalaking ito. He looks mature kaya baka mamaya ay higher grade na s'ya and I am just still 1st year. Kami ang lower batch sa high school.

Nakatitig lang ako sa kaniya nang nagsimula na ang game, hindi ko mai-alis ang mga mata ko sa lalaking 'to. Bakit bigla na akong naging handa na magka-boyfriend?

Nagkaroon na ako ng mga crushes noon pero ang babaw masyado ng dahilan. Bukod sa pogi ay mabait sila sa akin pero hanggang doon lang 'yon. Normal lang naman sigurong magkaroon ng crush o humanga sa isang tao...

Pero this time, may kakaiba akong nararamdaman. Ito na ba 'yung sinasabi ni Kuya sa akin na makakaramdam ako ng kung anong pakiramdam kapag nakita ko na 'yung gusto kong lalaki?

Like 'yung gusto kong maramdaman 'yung puppy love na tinatawag nila... pero natatakot din ako at the same time.

Natapos ang practice game na nakatitig lang ako ro'n sa lalaking 'yon, he is still wearing his cold expression while drinking sa kaniyang tumbler. Hindi siya kalayuan sa amin at kitang-kita ko ang paggalaw ng kaniyang adam's apple habang umiinom siya.

"Mukhang may gusto ka ro'n sa bago naming ka-team ah?" Napatingin agad ako kay Lucas habang nakangisi.

Nakita niya akong nakatitig do'n sa lalaking gwapo. Tumawa agad ako at umiling.

"Ano ka ba? Napatingin lang!" pagde-deny ko pero ang totoo ay crush ko na nga siya agad.

Hinihingal siya habang sinasara ang kaniyang tumbler at parang nanginig ang aking kalamnan nang nagtagpo ang mga mata namin. He has this cold gaze na parang umuusok ang yelo sa sobrang lamig pero 'yung tindig niya ay hindi malamig... parang kapag nilapitan ko siya ay I will be burnt by his heat.

He has this cold gaze, but at the same time, he has an uncontrollable heat coming from his presence.

Umiwas siya ng tingin at niligpit ang kanyang tumbler sa bag.

"Hey!" Kumalabog ang dibdib ko nang bigla siyang tinawag ni Lucas atsaka nilapitan.

Wala akong lakas para tingnan ang direksyon kung saan siya nakatayo. Nakakunot naman ang noo ni Dino habang nakahalukipkip sa harapan ko.

He's probably thinking that I like that guy pero totoo naman. Bakit hanggang kaibigan lang ang turing ko kay Dino? At sa isang iglap ay naging handa na ako ma-experience 'yung puppy love dahil sa lalaking 'yon?

Nilingon ko si Lucas na kausap 'yung lalaking 'yon and he's still wearing his cold expression habang nakikipag-usap kay Lucas.

Rinig na rinig namin ang usapan nila.

"Bago ka? Ako nga pala si Lucas at 'yon 'yung kambal ko si Dino. Ikaw anong pangalan mo, brad?" ani Lucas at sobrang komportable niya pang kinakausap 'yon.

Tumango-tango siya at tiningnan si Dino at muling binaling ang mga mata kay Lucas.

"I am Ross, bago lang ako rito at ngayon lang din ako pinasok sa soccer team..."

Ang laki ng boses niya and ang husky! Ibang-iba 'yung tindig niya kung ikukumpara ko kay Dino na mala-Adonis din ang itsura. Tuwid siya kung tumayo. He also has a broad chest and shoulder na para bang nagyayabang.

Ross pala ang pangalan niya? Ang gwapo pati pangalan! Bakit ba nagwawala na ang dibdib ko habang pinapanood sila ni Lucas na nag-uusap?

"Anong grade ka na?" tanong ni Lucas.

"I am 2nd year, kayo?" komportableng sagot ni Ross but hindi pa rin siya ngumingiti!

"Oh, mas matanda ka pala sa amin... 1st year pa lang kami pero welcome sa team! Ang galing mo, brad. Mukhang mas magiging malakas ang team dahil sa'yo!" ani Lucas at tinapik si Ross sa braso.

Habang kausap niya si Lucas ay biglang napadpad ang mga mata niya sa akin at katulad kanina ay gano'n pa rin ang naramdaman ko. His gaze didn't change. Malamig pa rin ito.

He looks tough pero bakit pakiramdam ko if I go deeper within him, I can see darkness at pakiramdam ko ay sobrang lungkot ng kaniyang mundo... pasiyahin ko kaya siya?

Napalunok ako nang hinila niya si Ross papunta sa amin.

"Mga kaibigan ko nga pala, si Raflesia, si Cari at si Cassie...and this is Ross naman," sabi ni Lucas at ngumisi sa akin.

Pinandilatan ko siya at tinignan si Ross na nakatingin sa akin. Mapupungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin pero nahihimigan ko pa rin ang kung anong lamig sa kanyang titig. Pero kasabay no'n ang kung anong init na ibinibigay ng kanyang presensiya.

"Hi!" bati ni Raflesia.

"Hello. Nice to meet you, Ross..." ngumiti si Cassie at tumango lang sa kanya si Ross.

"Uh... I am Carmilla Rina but you can call me Cari for short..." napalunok agad ako nang hindi siya nagre-react sa sinabi ko.

"She's way too innocent right? That's Cari, ang aming Aphrodite," singit ni Lucas kaya napatingin sa kaniya si Ross.

"But you can call me kung anong gusto mong tawag sa akin..." sabi ko at awkward na tumawa.

Nakita ko ang pag-angat ng kaniyang labi. "Can I call you baby then?"

Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya at hindi ako makapagsalita. Parang nakalimutan ata ng dila ko kung paano gumalaw at sumang-ayon sa aking bibig.

"Oh damn, smooth!" ani Lucas at humalakhak.

"Just kidding, I will be heading Lucas... nice meeting you..." aniya at hinarap si Lucas.

Nakipag-apir siya kay Dino at kay Lucas. Tinaasan niya lang kami ng kilay pero muli kong nakita ang kanyang pagngisi sa akin bago tuluyang naglakad papalayo.

Did he just attack me?!

I am now interested kung anong mayroon sa'yo, Ross...

Continue Reading

You'll Also Like

687K 30.2K 32
Wanderlust. Summer love. And a whiff of chocolate. ----- Special Summer Story for Candy Stories. New Adult | Romance
147K 5.6K 35
|| Published under PSICOM || Ciem suffers from a chronic and irrational fear of sleep. She stays awake as long as possible and avoids going to bed. T...
8.8K 1K 96
" I hope magkita kami ulit" Erika Pagbabasa lang ng mga online blogs ang tanging libangan ng highschool student na si Erika. M...
7.7M 227K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...