Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You

1.5K 37 0
By aefanfiction

I woke up feeling something heavy on my chest. Naalimpungatan yata ako.

I tried to open my eyes while also trying get up pero sadyang mabigat pa rin ang mga talukap nito at ganoon din ang katawan ko kaya naman inilapat ko na lang ulit ang ulo ko sa unan.

Pero kahit hindi ko man idilat ang mga mata ko, alam na alam ko na agad kung sino ang nasa tabi ko. Amoy pa lang ng kwarto, alam ko na rin kung nasaan ako.

Napangiti ako sa naisip ko.

For the second time, I tried to open up my eyes at nang magawa ko na ay tiningnan kung bakit ako hindi makabangon.

And without a surprise, I saw a handsome face lying on my chest. Lalo akong napangiti dahil sa nabungaran ko.

Ito yung literal na good sa morning.

Tinitigan ko naman ang mukha niya. How can I not love this guy? Bukod sa mabait at magaling sa lahat ng bagay ay sobrang amo pa ng mukha? Sa lahi pa lang nito, hindi na ako lugi.

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko na haplusin ang mukha niya.

Haaay bakit ba ang gwapo ng nilalang na 'to?

Naramdaman ko na lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang kaunting bitaw niya lang ay mawawala ako sa kanya.

Siguro ay naramdaman niya na gising na ako pero inaantok pa siya. Masyado namang energetic kagabi, oh edi ayan.

Sa totoo lang, una pa lang ay crush ko na talaga siya pero syempre hindi ko naman inamin dahil lalo lang niya akong aasarin. Ang lakas pa namang mamburaot nito.

Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa gwapong nilalang na 'to?

Yung kilay niya, matangos yung ilong, yung matatamis niyang mga labi, yung mga mata niya na parating parang nangungusap sa tuwing tinititigan niya ako.

Marami nang nabiktima at naakit 'to pero isa lang ang sigurado ako, sa akin pa rin babalik at babalik 'to.

Kung titingnan mo si Erik, siya yung tipo ng lalaki na parang malambot. Marami ngang nagsasabi kahit noon pa man na baka hindi siya straight. Pero kung kikilalanin mo siyang mabuti, malalaman mo na si Erik yung lalaking mataas ang respeto sa mga babae.

Sa ilang taon na na magkakilala kaming dalawa, parati niyang ipinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa buhay niya. Hindi nakikita ng ibang tao yun pero ako, ramdam na ramdam ko.

Tsaka duh, katabi ko nga siya ngayon dito sa kama, paano mo sasabihing bakla siya e halos hindi niya nga ako tinigilan kagabi hanggang hindi ko mismo sinasabing pagod na ako?

Sa totoo lang din ay minsan natatakot ako sa sitwasyon naming dalawa. Yung ganitong relasyon, hindi ako sigurado kung ano ba ang kahihitnatnan.

Pero alam ko na kahit na anong mangyari ay hindi ako pababayaan ni Erik. Alam kong handa siya sa buhay na kung anuman ang naghihintay sa aming dalawa. Ilang beses niya nang sinabi na gusto niya akong makasama habambuhay.

Ako lang siguro ang hindi pa... sa ngayon.

"Ang lalim ng iniisip ah, baka malunod ka naman niyan." I was quite stunned nang bigla siyang dumilat at nagsalita.

Jusko parang sasabog ang dibdib ko sa gulat!

"Pogs naman! Nagulat ako oh!" medyo pataray na sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako at umangat sa pagkakahiga niya para abutin ang mukha ko at hinalikan ako sa labi.

"Good morning, Love. Ang ganda naman ng morning ko." sabi niya habang nakatitig sa akin.

Bakit ganoon, bakit kahit na palagi niya namang ginagawa yun sa akin ay kinikilig pa rin ako?

"Good morning din pogi. Ang gwapo naman ng Love ko." sabi ko naman at hinalikan ko din siya para naman makabawi nang kaunti sa pagkagulat ko.

Nakita ko naman kung paano siyang napangiti dahil sa ginawa ko.

"Ang sarap naman nun. Haaay sana araw-araw ganito. Wag ka na kaya kita pauwiin?" sabi naman at itinaas baba pa ang kilay niya na parang napakaganda ng ideyang naisip niya.

I laughed. "Wow ah, abusado?"

"Syempre. Ako kaya ang baby mo kaya dapat i-spoil mo ako. Isa pa nga." sabi niya sabay ngumuso ulit sa harapan ko.

Wala naman akong ginawa kundi tawananan lang siya at tinakpan ang mukha niya pero kaagad niyang inalis ang kamay ko at hinalikan ulit ako.

"Pogs, isa!" maarte kong saway sa kanya. Alam ko na kung saan nanaman kasi mauuwi 'tong lambing na 'to.

"Hmmmn, ang bango ng mahal ko. Isa pa nga ulit." he pulled me even tighter.

I laughed

"Tumigil ka nga, ang dami mong kalokohan sa buhay. Mamaya iba nanaman yan." makahulugan kong sabi.

"Bakit ba? Syempre sa susunod hindi na ako ang baby mo kaya nilulubos-lubos ko na."

I frowned as he said those words pero agad naman siyang nagsalita.

"Syempre sa susunod may baby na dito." sabi niya sabay hawak sa tiyan ko.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Pogs!"

He laughed as he saw my reaction.

"Biro lang. Pero syempre, we'll get there. Sa tamang panahon. Baka hindi mo alam, magaling akong magbasketball. Malay mo, naka-three points na pala kagabi. Gusto mo ulit ng sample?" sabi niya sabay kindat pa sa akin.

Binatukan ko siya sa sinabi niya. Puros kalokohan talaga. Pero maya-maya naman ay naging seryoso na siya at this time ako naman ang yumakap sa kanya.

"Pero Ge, seryoso ako. Pangarap ko talaga na punuin ang kwarto na 'to ng mga batang masayang naglalaro at tumatawa. Pangarap kong makakita ng mga batang nagtatakbuhan sa loob ng bahay. Yun bang may tatawag sa akin ng Daddy? Pangarap ko talaga yun kasama ka." nakangiti niyang sabi.

I stared at his face while he is talking. I really love it when he talks about his plans for the two of us.

Alam ko naman yun. I know how much he wanted to have his own little one. Kaya nga lang, hindi pa rin maaari kung sa akin.

Minsan nasasaktan ako sa pag-iisip na ako pa yata ang dahilan kung bakit hindi makumple-kumpleto ang mga pangarap niya. Erik already has a stable life at kung tutuusin, he can find someone else na magmamahal sa kanya aside from me. Yung maibibigay na kaagad yung pamilyang nais niya.

Pero palagi naman niyang sinasabi sa akin na handa siyang maghintay. Sana hanggang dulo.

"Haaaay, ang sarap ng ganito 'no? Yung magigising ako na nasa tabi kita? Sana pwedeng laging ganito." sabi niya habang nakatitig sa akin.

"Hindi pwede, hindi papayag si Mama Bob." sabi ko naman sa kanya

"Sure ka? E ibinibigay ka na nga ni Mama Bob sa akin e. Sakit ka lang daw sa ulo." sabi niya sa akin kaya natawa naman ako pero parang bigla akong nagising sa katotohanan dahil sa sinabi niya.

Mama Bob.

Mama Bob.

Hindi ako ginising ngayon ni Mama---

"Omaygad!" Halos mapabalikwas din si Erik dahil sa pagsigaw nang mapabangon ako sa kama.

"Oh bakit, Love?"

"Anong oras na?!" tanong ko sa kanya habang natatarantang inaabot yung alarm clock niya na nasa bed side table.

"9:03." kampanteng sagot niya sa akin.

"Love, may trabaho ako ngayon! May taping kami ng 10AM!" sabi ko sa kanya at walang anu ano ay tumayo ako nang higaan bitbit ang mga damit kong nakakalat sa sahig.

Narinig ko namang tumatawa siya habang natataranta akong pulutin ang mga damit ko.

"Bakit ka ba tawa nang tawa diyan ha?! Bumangon ka na! Anong oras na oh!"

Bigla naman siyang sumipol. "*whistles* Naks, ang sexy! Parang gusto ko pa tuloy umisa bago umalis."

Medyo nahiya naman ako sa ginawa niya kahit na hindi naman ito ang unang beses.

"E kung tadyakan kaya kita? Kilos na, Love! Maliligo na ako." sigaw ko.

"Hmmmn, sama ako, Love?" kunyari ay nagmamakaawang sagot pa niya at akmang lalapit sa akin.

Pero imbes na mag-inarte ay ibinato ko na lang sa kanya yung polo niya tsaka patakbong pumasok sa CR.

Narinig ko pa muli ang malakas na pagtawa niya bago ko isinarado ang pintuan.

"Sige na nga, mamaya na lang."

--------------------

MABILIS naman kaming nakarating sa studio. Matapos kong maligo kanina ay nakita kong nakapaghanda na rin agad ng almusal si Erik at nagpaalam din agad siya na maliligo muna.

Habang kumakain pa nga ako kanina ay dumating si Ate Dhang, isa sa mga kapatid niya pero parang hindi naman siya nagulat. Mukha pa nga siyang masaya nang makita ako.

----FLASHBACK----

"Ten, nandito na ako. Te--- oh good morning Angge!"

Biglang pumasok si Ate Dhang sa dining area kaya napatigil naman ako sa pagkain.

Noong una ay hindi ko alam kung paano ako magrereact pero ngumiti na lang ako.

"Kain tayo, Ate Dhang." sabi ko at muling sumubo ng sinangag.

Nagmamadali na kasi talaga ako dahil anong oras na.

"Ah hindi na, kumain na ako sa labas. Nasaan ang jowa mo?" tanong naman niya at inilibot ang paningin sa kusina

Uminom muna ako ng kape bago sumagot. Halos mabulunan na nga ako sa sobrang bilis ng pagsubo ko.

"Nasa taas Ate, naliligo. Ihahatid niya po kasi ako sa taping ko." sagot ko naman.

Tumango ito at ilang sandali lang ay malokong ngumiti sa akin.

"Bakit?" medyo nagtatakang tanong ko.

Doon ay tumawa naman siya at umiling.

"Mukhang puyat yata kayo kaya ngayon nagmamadali kayong dalawa. Busy ba kagabi?" makahulugang tanong niya.

Kaloka

"Luh, a-anong sinasabi mo diyan te? Galing kasi kaming party ni Ate Vice kahapon diba? Ayun, pagod." sabi ko at kunyari ay nagfocus na sa pagkain dahil nahihiya akong tingnan siya.

Sanay naman sila na dito ako natutulog at ganoon rin na sa bahay ko natutulog si Erik.

She shrugged, "Ah talaga ba? O sige na kumain ka na at mukhang naubos ang lahat ng lakas mo."

"Ate Dhang!"

Hindi ko na mapigilang hindi magreklamo.

Nahihiya ako!

Tumawa lang siya at bago tumalikod paalis ay may sinabi pa.

"Bago kayo umalis pakikuha yung polo ni Tenten dun sa lapag sa sala ha? Baka mapagkamalang basahan, bigay mo pa naman yun. Sa susunod huwag magmadali, sa kwarto na tanggalin."

----END OF FLASHBACK----

Sakto na pagkatapos kong kumain ay tapos na rin siyang maligo at mag-ayos. Ayun nga lang ay hindi na siya nakapag almusal dahil sa pagmamadali.

Nang makarating kami sa dressing room 20 minutes bago magsimula ang taping ay nakatingin pa ang lahat ng mga tao sa amin.

Bukod sa dahil hindi naman ako nalelate, ay mukhang nagulat sila dahil kasama ko si Erik. Madalas kasi kapag hinahatid niya ako ay hanggang sa parking lot lang siya dahil iniiwasan naming mapag-usapan pa ng mga tao.

Pero this time, siya pa ang nagbitbit ng mga gamit ko.

Pagkadating na pagkadating ko sa dressing room ay agad naman akong inayusan ni Nanay Bianca.

Hindi naman na nila ako inusisa pa lalo na si Nanay Bianca dahil alam na nila kung bakit ako late at kung saan ako galing.

Habang inaayusan naman ako ay nakita kong nasa gilid ko lang si Erik. Nakatayo siya sa gilid ko habang nakatingin sa akin.

Nakita niya naman na nakatingin ako sa kanya sa salamin. Pasimple niya akong kinindatan.

Aba parang ang saya pa niya.

"Ang ganda naman ng mahal ko." sabi niya nang mahina habang nakatingin sa akin.

"Ganda ka diyan! Ikaw kasi, kasalanan mo 'to!" mahinang sermon ko naman sa kanya

"Oh bakit ako?" natatawang pagmamaang-maangan niya.

"Pinagod mo kaya ako! Kung pinauwi mo ako kagabi edi sana nagising ako nang maaga!"

Tumawa siya nang medyo malakas. Napansin ko rin na napangisi si Nanay Bianca sa sinabi ko pero hindi ko na lang pinansin, sanay na yan sa amin ni Erik.

Hanggang sa matapos kami sa pag-aayos ay tumatawa pa rin si Pogs. Hinayaan ko na lang siya at mabilis nang naghanda.

Thankfully, natapos naman kami agad at umabot pa sa air time. Sinamahan naman ako ni Pogs papunta sa studio, sabi niya ay papanoorin niya daw ako. Deep inside ay napangiti ako.

Ito pa lang yata ang second time na papanoorin niya ako dahil madalas ay hindi ko siya naisasama dito dahil maraming mga tao, minsan pa nga ay nagtatampo siya, pero this time ay hindi siya nagpapigil. Sayang nga naman daw kasi ang pagpunta niya.

Pagkaupo niya pa lang sa gilid, all eyes were on him. Siguro maraming nagulat dahil nandito siya pero hindi niya lang pinansin ang mga tao.

Hanggang sa matapos ang shooting namin ay nandoon lang si Erik. Hindi ko alam pero mas ganado ako kapag nandyan sya. Feeling ko may dahilan ako para mas magtrabaho nang maayos.

Nang matapos na ang taping ay naglunch naman kaming dalawa dahil kanina pa siya nagugutom at pagkatapos naman namin na maggala ay hinatid niya ako pauwi noong halos mag aalas sais na dahil may event pa siya na kailangang puntahan.

Umuwi naman ako dahil naisip ko na baka nag-aalala na sa akin si Mama Bob.

"Mama Bob?! Ma, nandito na ako!" pagpasok ko pa lang ng bahay ay hinanap ko na agad si Mama Bob pero nagtaka ako dahil wala siya sa sala.

Hmmmn nasaan naman kaya yung nanay ko?

Hinanap ko siya sa buong bahay at yun nga, nakita ko siya na nagluluto sa kusina. Oo nga pala, alas sais na ng hapon.

"Mama Bob!" masayang sigaw ko at patakbong yumakap sa kanya. "Ma! Nandito na ako!"

Pero imbes na matuwa ay ipinalo niya sa akin ang sandok na kakakuha niya pa lang sa lagayan.

"Bakit umuwi ka pa? Akala ko wala ka nang balak umuwi eh." sabi naman niya sa akin at ipinagpatuloy ang pagluluto.

Napasimangot naman ako. Niyakap ko ulit siya mula sa likod.

"Ma naman, nagtatampo ka ba? Sorry na." paglalambing ko

Hinarap niya ako. "Anong nagtatampong sinasabi mo diyan? Bakit naman ako magtatampo?"

"Eeeeh Ma naman eh."

Kunyari pa 'to, malamang namimiss lang niya talaga ako.

"Akala ko doon ka na titira kay Erik, ipapadala ko na sana yung mga gamit mo. Bakit ba ihinatid ka pa niya pauwi dito?" sabi ni Mama Bob

Doon ay napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Ma, grabe ka!" sagot ko naman

Sabi ko sa inyo e, ibinebenta niya na ako kay Erik. Hindi, biro lang.

Hindi niya naman ako pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa niya.

"Oh nasaan na si Erik? Umalis na ba? Hindi mo man lang muna pinakain." patatanong naman niya habang nagsasandok ng niluto niya.

Ewan ko ba, minsan talaga pakiramdam ko mas mahal niya si Erik kaysa sa akin.

"Opo, may trabaho pa siya mamaya e." sabi ko at umupo na sa dining table para kumain.

"Oh buti naman humiwalay ka pa sa kanya. Akala ko nga doon ka balak mo nang dumikit na lang habangbuhay sa kanya." sabi pa niya habang pinagsasandukan ako ng makakain.

"Ma naman, bakit mo ba ako ipinamimigay kay Erik ha? Nasasaktan din kaya ako." kunyari ay madramang sabi ko naman pero hindi niya ako ulit pinansin at patuloy lang na nagsandok ng ulam.

"Gusto mo rin naman." mapanuyang sagot niya

Enebe. Hindi na lang ako sumagot dahil natatawa na ako. Sinarili ko na lang ang kilig at kalokohan ko dahil siguradong mababara lang ako ni Mama Bob.

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang tumabi na siya sa akin at biglang muling nagsalita

"Alam mo Angie, kung gusto mo nang doon tumira magpakasal na kayo ihahatid pa kita."

"Hay nako Ma kahit magpakasal ako, promise isasama pa rin kita. Hindi ako papayag na wala ka syempre." sabi ko naman.

Naalala ko nanaman, gustong gusto na rin niya na magpakasal na ako. Palagi niyang hinihiling sa akin na gusto niya nang makita ang apo niya sa akin.

Sa tuwing magbbirthday ako, palagi niyang sinasabi sa akin na iisa na lang ang hiling niya para sa akin, iyon ay ang makapag-asawa na ako. Alam din yon ni Erik at palagi niyang sinasabi na pareho sila ni Mama Bob ng gusto gayunpaman ay sinasabi niya na handa siyang maghintay dahil paano naman daw ba mangyayari yun kung yung magiging ina ng mga magiging anak niya ay nagreready pa lang?

Madalas nga ay pinagtutulungan pa nila akong dalawa ni Erik. Mahal mahal ni Mama Bob si Erik na para bang anak niya na rin ito. Iyon ang isa sa mga bagay na sobra kong ipinagpapasalamat.

Pero kahit na ganyan yan, si Mama Bob ang masasabi kong buhay ko ngayon. I owe her everything in my life. Utang ko nga sa kanya ang buhay ko kung tutuusin. If it's not because of her, baka hindi ko narating kung nasaan ako ngayon. Baka nga wala na ako sa mundong 'to.

Umpisa pa lang ng buhay ko, si Mama Bob na ang nagligtas sa akin. Kung hindi niya ako kinuha noon, malamang hindi ako si Angeline na kilala ng marami ngayon.

I can still remember how she raised me alone. Buong buhay ko, kaming dalawa lang ang magkasama.

Kahit na mag isa siya, sinikap niyang mapalaki ako nang maayos, nang may takot sa Diyos at may pangarap sa buhay.

Itinuring niya akong parang tunay na anak, ni minsan hindi ko naramdaman sa kanya na iba ako.

Bata pa lang ako, pinangarap ko na noon pa lang na ibigay sa kanya ang lahat ng bagay na hindi niya naranasan.

Kaya naman ngayong kaya ko nang gawin yun, hindi ako mapapagod at magsasawang bigyan siya ng magandang buhay.

Continue Reading

You'll Also Like

54.8K 1.8K 39
Can he change the woman with a jet black heart?
26.4K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong πŸ₯΄
10.8K 93 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
131K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...