Estrella Cruzada ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮

By Exrineance

165K 7.6K 6.9K

•Highest Ranks• #13 Historical Fiction #1 Rizal #1 Ibarra #1 StarCrossed #4 History #1 NoliM... More

꧁ ρгơƖơɠơ | ʂɬąг ƈгơʂʂєɖ
꧁ ąгƈ ı | ıʄ ʂɧє ɬųгŋʂ ıŋɬơ ą Ɩıє
꧁ ı | ųŋơ
꧁ ıı | ɖơʂ
꧁ ııı | ɬгєʂ
꧁ ıѵ | ƈųąɬгơ
꧁ ѵ | ƈıŋƈơ
꧁ ѵı | ʂєıʂ
꧁ ѵıı | ʂıєɬє
꧁ ѵııı | ơƈɧơ
꧁ ıҳ | ŋųєʋє
꧁ ҳı | ơŋƈє
꧁ ҳıı | ɖơƈє
꧁ ҳııı | ɬгєƈє
꧁ ҳıѵ | ƈąɬơгƈє
꧁ ҳѵ | զųıŋƈє
꧁ ҳѵı | ɖıєƈıʂєıʂ
꧁ ҳѵıı | ɖıєƈıʂıєɬє
꧁ ҳѵııı | ɖıєƈıơƈɧơ
꧁ ҳıҳ | ɖıєƈıŋųєʋє
꧁ ҳҳ | ʋıєŋɬє
꧁ ҳҳı | ʋıєŋɬıųŋơ
꧁ ҳҳıı | ʋıєŋɬıɖơʂ
꧁ ҳҳııı | ʋıєŋɬıɬгєʂ
꧁ ҳҳıѵ | ʋıєŋɬıƈųąɬгơ
꧁ ҳҳѵ | ʋıєŋɬıƈıŋƈơ
꧁ ҳҳѵı | ʋıєŋɬıʂєıʂ
꧁ ҳҳѵıı | ʋıєŋɬıʂıєɬє
꧁ ҳҳѵııı | ʋıєŋɬıơƈɧơ
꧁ ҳҳıҳ | ʋıєŋɬıŋųєʋє
꧁ ҳҳҳ | ɬгєıŋɬą
꧁ ҳҳҳı | ɬгєıŋɬą ყ ųŋơ
꧁ αяƈ ıı | нσω нє вєƈσмєѕ тнє тяυтн
꧁ ҳҳҳıı | тяєιηтα у ᴅσѕ
꧁ ɢʟᴏꜱᴀɾɪᴏ | ɢʟᴏꜱꜱᴀɾʏ

꧁ ҳ | ɖıєʑ

2.4K 255 180
By Exrineance

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

"Imbecil!" isang malakas na sigaw ang aking narinig na agad kong ikinamulat ng mata. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. (Jackass!)

Nakamamatay ang kanyang nanlilisik na mata. Nagtagpo saglit ang aming paningin. Malamlam ito kahit nababatid kong galit ang kanyang kalooban. Ngunit pagbalik ng tingin ni Juan Vicente sa mga Guardia Civil ay agad itong naglaho.

Naiintindihan ko naman kung bakit takot ang mga bata sa kanya subalit mas naliwanagan ako ngayon. Kung hindi ko lamang siya nakabiruan ngayong araw ay matatakot din ako sa kanyang mabangis na tingin.

Habang siya'y mabilis na palapit sa amin ay binunot niya ang sable mula sa bayna nito at ipinukol sa mga Guardia Civil.

Kinuha niya ako mula sa mga ito't itinago sa kanyang likuran habang nakatutok pa rin ang sable sa kanila.

"Te atreves a tocarla?! Ella no es solo una mujer con la que puedes jugar. Quieres morir por mi mano?" may bahid ng pagtatangkang singhal ni Juan Vicente sa mga ito. Saka niya inilapit ang dulo ng sable sa noo ng Guardia Civil na humawak sa pulso ko. (You dare touch her?! She's not just a woman you can play with. Do you want to die by my hands?)

Agad na napaatras ang mga ito at yumuko sa heneral. Sila ay mas nakatatanda kay Juan Vicente, ngunit ang takot at respeto nila sa kanya ang mas nananaig.

"Ipagpatawad po ninyo ang aming kalapastanganan, Heneral Juan Vicente. Hindi namin nabatid na ang binibining ito ang inyong sinisinta," paumanhin ng Guardia Civil na may peklat sa leeg.

Ibinaba naman ni Juan Vicente ang kanyang sable bago nilapitan at sinikmuraan ang kasama ng nagsalitang Guardia Civil. Napaluhod at napadaing ang lalaki sa sakit na siya namang inaluhan ng kasama niyang may peklat.

"Tayo. Isa lamang ang ibinigay ko'y lumamya ka na? Kahihiyan kang matuturing sa Gorrion de Oro. Hayaan mo't ipaaalam ko ito kay Heneral Amadeo," pangsisindak na may halong pang-aasar na sabi ni Juan Vicente.

Ang dalawa - pagkarinig sa pangalang binanggit ni Juan Vicente - ay kapwa napatindig bigla at matitikas na humarap sa amin. Kanina'y namimilipit pa sa sakit ang Guardia Civil dahil sa pagkakasuntok sa kanya. Subalit naglaho ang lahat ng ito nang muli siyang tumindig.

Matamang pinukulan ng tingin ni Juan Vicente ang dalawa. Bago niya ibinalik sa bayna ang sable at pumagitna sa kanila.

"Señorita Maria," buo at napupuno ng kapangyarihang bigkas ni Juan Vicente, "Itatak ninyo sa inyong isipan ang pangalang yaon. Siya ay aming pamilya. Uli-uli, kapag nasilayan ko na siya ay binabastos ng kahit sino, hindi na nila maaabutan ang paglubog ng araw."

Ang nakakahilakbot na pagbabanta ni Juan Vicente ay sadyang tumagos hanggang sa buto ng mga nakarinig. Hindi ko aakalaing may ganito siyang mukha maliban sa mga ipinapakita niya sa akin.

Napatitig ako sa kanya, sa mukha niyang walang bahid ng pagbibiro at sa kanyang mga matang matatalim na nakatingin sa dalawang Guardia Civil.

Even though the two had dragged me roughly, Juan Vicente had no justification for threatening them because, in the end, they had done nothing wrong. I am aware that Juan Vicente is capable of killing and will do so.

However, my perception of him won't change even if he commits that atrocity. Since I'm sure he said it for me, he's still a decent man.

Walang tunay na mabuti at totoong masama. Lahat ng tao ay mayroon kabutihan at kasamaan sa kanilang pagkatao.

Saka ko lamang narinig ang impit na iyak ng isang bata na nagmumula pala kay Crispin. Gusto ko siyang lapitan kanina ngunit parang wala ako sa sarili't napatulala na lang sa kawalan.

It was terrible when those hands touched my skin. It seemed as if I had returned to the present.

Para bang ang mga nakaraang nangyari ay isang magandang panaginip lamang. Ang nangyari ngayon ang nagpagising sa akin upang bumalik sa bangungot na dala ng halimaw na 'yon. Na kahit pangalan niya'y isinusuka ko na.

Naramdaman ko ang marahang paghawak ni Juan Vicente sa aking balikat. Ngunit hindi tulad kanina, ang dulot nito'y kaluwalhatian.

Bigla na lamang nawalan ng lakas ang aking mga paa't binti kaya napaupo ako sa lupa.

"Señorita..." nag-aalalang tawag sa akin ni Juan Vicente nang mapahawak ako sa kanyang braso upang hindi tuluyang matumba.

"J-Juan, ba..." nauutal-utal kong salita dahil sa hindi mapigilang paghabol ng hininga.

Despite not studying psychology, I am a doctor, and I am aware that the events of that night have traumatized me.

Having come to this location and at this time through lies alone isn't enough? Why does this happen to me?

"... Ariya," alanganing tawag sa akin ni Juan Vicente nang siya'y lumuhod at yakapin ako gamit ang kaliwa niyang bisig.

"Estoy aqui," malamyos niyang katiyakan sa akin. Napansin ko ang paghigpit sa hawak niyang bayna. (I am here.)

Hindi ako nakatugon sapagkat unti-unting pumatak ang mga luhang pilit kong pinipigilang tumulo.

Kasabay nito ang malakas kong pagtangis na hindi kalauna'y nakaagaw sa atensyon ng iba. Ngunit sa mga oras na ito ay wala akong paki-alam.

Nais kong ilabas lahat ng sakit at pighating naipon sa aking dibdib. Ibig kong maging mahina at manangan sa iba na aking 'di magawa mula ng mapadpad ako rito.

Wala akong ibang nagawa kung hindi umiyak at tumangan sa bisig ng heneral na tahimik lamang at mabagal na tinatapik-tapik ang aking likuran.

"Crispin, kumusta ka?" rinig kong tanong ni Juan Vicente.

"A-Ayos na po, señorito," rinig ko namang tugon ng batang babae. Sunod kong naramdaman ang tango ni Juan Vicente mula sa aking balikat.

"Bueno, ika'y bumalik na sa aking ina at mas mabuti nang huwag mong ipag-bigay-alam sa kanila ang naganap dito. Iparating mo lamang na ako'y dumating at ibig isama ang binibini sa bayan," bilin ni Juan Vicente na agad namang sinunod ni Crispin.

"Mag-iingat po kayo, señorito at señorita," paalam sa amin ni Crispin na hindi ko naman nakikita dahil nakatalikod ako sa kanya.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ba kaming magkayakap. Walang reklamo siyang dinamayan ako at hinintay ang aking pagkalma.

Ang luha ay unti-unting natuyo at ang kanyang yakap ay nagdukot sa akin ng kaginhawaan. Inilihim ko ang aking naisip.

Kanina lang ay nagbabanta siyang kikitil ng buhay, subalit narito si Juan Vicente ngayon na maginoong dumadamay sa aking pighati.

"Ipagpatawad mo ang aking kalabisan, Señorita Maria," rinig kong bulong niya nang tumigil na ako sa aking paghikbi.

Nung una'y hindi ko pa naintindihan ang ibig niyang iparating. Akala ko ay humihingi siya ng tawad dahil sa nangyari kanina. Bagkus namalayan ko na lamang na hawak-hawak na niya ako sa baywang. Hindi ko na magawang tumugon nang buhatin niya ako.

"Juan Vicente!" pagsaway ko sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. Nababatid ko na hindi siya kagaya ng iba na nahihiya lapitan ang kababaihan. Pero kalabisan na yata ito.

Marahil ay hindi ako itinuturing na babae ni Juan Vicente.

Iginala ko ang aking paningin dahil sa pangangambang baka may makakita sa amin at hindi nga ako nagkamali. May mga nabibilang sa kamay na taong nakatingin sa amin. Nang magtama ang aming mga mata'y agad silang ngumiti at nagsi-alisan.

"Put me down-! I mean, ibaba mo ako't may mga nakatingin sa atin!" nahihiyang saway ko sa kanya at hinampas siya sa braso.

Seryoso lang ang mukha ni Juan Vicente at diretsong nakatingin sa daan. Hindi niya alintana ang mga sinasabi ko.

"No me importa," maikling tugon niya sa akin. Ano'ng wala siyang paki-alam? Paano ang reputasyon niya? Ano na lang ang masasabi ni Doña Soledad kapag nakita kaming ganito? (I don't care.)

"Pero importante ito sa akin," iginiit ko pa pero wala ring silbi dahil patuloy niya pa rin akong binubuhat.

Nakasanayan ko na ang hindi kapani-paniwalang katotohanan na nakakaintindi ako ng Espanyol kahit hindi ko ito pinag-aralan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko pero hindi na ako nakatanggap ng tugon.

Sa pagliko namin sa isang maliit na kawang ng mga naglalakihang bato ay bumungad sa amin ang mahalimuyak na simoy ng hangin. Tumigil si Juan Vicente upang bigyan ako ng oras para titigan nang mabuti ang tanawin.

Naghahalo na ang kulay ng bughaw at ng kahel sa kalangitan. Habang ang kaninang tirik na tirik na haring araw ay unti-unti nang lumulubog. May kalakasan ang ihip ng hangin at dinadala nito ang mabangong halimuyak ng mga nagsasayawang sampaguita sa malawak na parang.

Nadidinig ko ang mabibilis na lukso ng puso dahil sa ganda ng tanawing ito.

"Kumusta ka na?" rinig kong tanong ni Juan Vicente. Mahina ang kanyang pananalita, ngunit parang may mali.

Natigilan ako nang mapansing nakahiling ang aking ulo sa balikat ni Juan Vicente. At ang tibok na naririnig ko'y hindi pala nagmumula sa akin.

"Pasensya na-" sinubukan kong alisin ang aking ulo sa kanyang balikat. Ngunit pinigilan ito ng kamay niyang nakasalo sa aking braso.

"Hahayaan kitang gamitin ang aking balikat ngayong araw. Yoon ay kung nanaisin mo," pahintulot ng heneral sa akin bago magpatuloy sa paglalakad.

Sa bawat hakbang ng heneral ay sinasalubong nito ang malakas na hanging dala-dala ang halimuyak ng mga sampaguita.

Napakaganda ng nasisilayan ko ngayon. Para bang hindi nangyari ang naganap kanina. Binubura nito ang mga masasamang ala-ala na muling nanumbalik sa aking isipan.

Huminto kami sa isang hindi kalalimang libis. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa damuhan bago tumabi sa akin.

Libis : Slope

Tumingala ang heneral sa langit ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig. Sa una'y hindi ako nagtitiwala sa kanya at sa kanyang pamilya. Ngunit si Juan Vicente ang palaging nasa tabi ko. Lagi siyang natulong tuwing kailangan ko ng karamay. Sa tingin ko ay mapagkakatiwalaan siya.

Yes, I have chosen to accept their word for it. I do not, however, think that I am in the past.

Inilihis ko ang tingin kay Juan Vicente at tumingala rin sa langit.

"Sorry," paumanhin ko.

"Para saan?" agad niyang tugon. Umihip ang malakas na hangin at may mga nagsisiliparang mga talulot ng bulaklak sa paligid.

"Dahil nabasa ko ang uniporme mo," nahihiyang sagot ko habang inaayos ang aking bangs na ginugulo ng malakas na hangin.

I heard nothing in return. I looked up to saw that the person I was speaking with was staring at me.

"Hindi ko iyon alintana. Handa kitang damayan kung kailangan. Sapagkat nais kong iparating sa 'yo na hindi ka nag-iisa," paniniguro ng heneral at napansin ko ang konting-konting pagtaas ng dulo ng kanyang labi.

Na hindi ako nag-iisa...

Agad kong iniwas ang aking tingin kay Juan Vicente at tumungo. Nagbabadya na namang tumulo ang aking luha dahil sa sinabi niya. Pero hindi ako iiyak. Sapat na 'yong kanina, ayoko nang magmukha pang mahina sa harap niya.

Sandali akong natigilan nang humarang sa paningin ko ang kamay ni Juan Vicente. Ang hinlalaki niya ay tila ba iniuunat ang gusot kong noo.

"Hindi kita hahayaang mapahamak hangga't nasa pamilya ka namin," paninigurado sa akin ni Juan Vicente nang tumingala ako sa kanya.

Gusto ko siyang yakapin, pero aking pinigilan ang sarili.

Dahil lang ipinagtanggol ako kanina ni Juan Vicente, nagsapantaha na 'yong dalawang Guardia Civil na may relasyon kami.

Hindi ko nais magkamali ang iba sa kung ano ang mayroon sa amin ni Juan Vicente.

Natigil lang ang pag-iisip ko nang tumunog ang aking tiyan na ikinatawa ng heneral. Ni hindi ko nga namalayang wala na sa aking mukha ang kanyang kamay.

"T-Tumawa ka ba?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Ito yata ang unang beses na tumawa siya sa harap ko.

Nagkibit-balikat lamang siya bago tumayo't nagpagpag.

"Heneral Juan Vicente, masyado ka yatang naglilibang at nakakalimutan mong isa akong binibini. Hindi ba't nagiging liberal ka na?" kunwari'y reklamo ko sa kanya. Hindi kaya ito'y isang pahiwatig na nagpapanggap nga lang sila?

Dahil ang alam ko talaga ay sadyang maginoo at dumidistansya ang mga kalalakihan noon sa mga kababaihan. Ngunit ano'ng nangyari rito kay Juan Vicente? Bakit tila magkapabanay kami sa kilos at gawi?

"Tama ang iyong tinuran. Ngunit wala akong nakikitang binibini sa aking harapan," panunukso niya na ikinasama ko ng tingin.

Napatigalgal na lamang ako sa kanya. Hindi ba't kakatawag niya lang sa akin ng señorita?

Bahagyang yumuko si Juan Vicente at naglahad ng kamay. Tinanggap ko ang kamay niya at tumayo.

"Gracias, Heneral Juan Vicente," pasasalamat ko at nginitian siya.

Nagpapasalamat ako hindi lang dahil sa paglahad niya ng kamay upang tulungan akong makatayo. Kundi pati na rin sa pagligtas niya sa akin kanina mula sa mga Guardia Civil. At sa parati niyang pagdamay tuwing pinanghihinaan ako ng loob.

Tumango lang ang heneral at tila naramdaman kong pinisil niya ang aking kamay.

Unang bumitaw si Juan Vicente at naglakad.

Nanatili akong nakatayo at nakatitig sa likuran niya habang siya'y naglalakad palayo. Maya-maya'y tumigil siya at nilingon ako.

"Hindi ka ba babalik kasama ko?" nagtatakang tanong ni Juan Vicente. Ngumiti ako at tumakbo palapit sa kanya.

I came to a stop behind Juan Vicente and then resumed my stride. I'm concerned about what people will think of the general and myself together. In this past, people were still highly conservative. And if what they claim about it is true, then this is year 1881.

Tahimik lang akong sumusunod sa kanya. Tanging huni ng hangin, mga pumapagaspas na bulaklak at dahon lamang ang maririnig sa aming paligid.

Ilang sandali lang ay lumingon si Juan Vicente sa akin. Napatigil ako nang kumunot ang kanyang noo nang makita kung sino ang nasa likuran niya.

Tinaasan ko siya ng dalawang kilay upang magtanong kung ano'ng problema. Ngunit hinawakan niya ako sa kanang pulso at itinabi sa kanya bago muling naglakad.

Nanlaki ang mata ko nang hindi niya binitiwan ang aking pulso kahit na nakalabas na kami sa parang ng mga sampaguita.

"Maaari mo nang bitiwan ang aking kamay, heneral," paalala ko sa kanya.

"Hindi maaari. Ako'y mapapanatag lamang kung ikaw, Señorita Maria, ay nasa aking tabi," seryosong pagmamatigas naman ni Juan Vicente at hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko nang may makasalubong kaming mga Guardia Civil.

"Buenas tardes, Heneral Juan Vicente," pagbati nila sa kasama ko bago sandaling tinitigan ang magkahawak naming kamay.

Tinanguan lang sila ni Juan Vicente nang hindi tumitigil sa paglalakad. Nang makarating kami sa likurang pintuan ng simbahan ay saka niya lang binitiwan ang kamay ko.

Sumunod ako sa kanya nang una siyang pumasok. Nakita ko ang mga batang kasama namin kanina na kahalubilo ang ilang madre at mukha na silang maayos.

Nagtungo kami sa altar kung saan hanggang ngayon ay masiglang nagkukuwentuhan ang doña at ang prayle. Sila'y kapwa nakaupo na sa unahang halera ng luhuran sa simbahan.

"Buenas tardes, Padre Adelifo," pagbati ni Juan Vicente nang tuluyan namin silang marating.

Bumaling sa amin sina Doña Soledad at Padre Adelifo saka kami nginitian.

"Ang batang heneral at ang kanyang matalik na kaibigan," masiglang pagbati naman ng prayle sa amin saka inilahad ang kanyang kamay.

Kinuha ito ni Juan Vicente at nagmano. Ganoon din ang ginawa ko pagkatapos. Nagmano din siya sa kanyang ina samantalang hinawakan ng doña ang kamay ko't pinisil nang marahan.

"Kung pahihintulutan po ninyo, mama. Ibig kong ilibot ang binibini sa bayan habang kayo'y abala pa sa inyong diskusyon," paghingi ng permiso ni Juan Vicente sa kanyang ina.

Narinig ko lang ang masiglang pagtawa ng prayle sapagkat natatakpan siya ni Juan Vicente. Nanunukso na naman marahil ang prayle sa aming dalawa.

"Pinahihintulutan ko ang iyong pakiusap, Vicente. Ingatan mo lamang ang binibini at huwag kayong papaabot ng dilim," pagpapaalala ni Doña Soledad na sinigurado naman ni Juan Vicente.

Iginiya ako ng heneral na sumunod sa kanya matapos nito. Nagmamadali tuloy akong nagpaalam sa dalawa at sinundan ang heneral.

"Hindi ako makapaniwala nang marinig ko ang usap-usapan. Ngunit sa nasisilayan ngayon ng aking mga mata'y tunay ngang may nakapagpatunaw na sa malamig na puso ng batang heneral," rinig ko pa ang masiglang papuri ng prayle sa amin.

Juan Vicente is touchy with me, but I don't think that gestures represent anything more than his care for my well-being. I don't know why they always assume that there is something going on between us. I do actually show affection to other people. Juan Vicente's actions are, therefore, very understandable to me.

"Heneral, magandang hapon sa iyo,"

"Heneral, ibig kong imbitahan ka sa..."

"Kumusta ka, Heneral Juan Vicente?"

"Heneral, sana'y pagtuunan mo na ako ng pa..."

Maraming bumabati at kumakausap sa amin - ang ibig kong sabihin ay maraming gustong mapansin ni Juan Vicente.

Kalimitang mga dalagitang nakasuot ng mararangyang baro't saya ang bumabati. Samantalang nananatiling nakamasid lamang sa isang tabi ang mga kababaihang indio na kuntento nang makita sa malayo ang heneral.

Ngunit bigo silang mapukaw ang atensyon nito dahil nagpatuloy lang si Juan Vicente sa paglalakad. Mabilis naman akong sumunod sa kanyang likuran dahil sa mga binibigay nilang tingin sa akin.

"Bakit ka nga pala tinatawag ng iba na batang heneral? Hindi kaya kilala mo si Gregorio del Pilar?" nagtatakang tanong ko kay Juan Vicente nang makalayo kami sa kanyang mga tagahanga.

Binagalan niya ang paglalakad. Nang magkasabay na kami, saka niya ako nilingon.

"Ang Gregorio bang ito ay iyong kamag-anak? Kung gayo'y dapat maaga mong sinabi upang mapadali ang paghahanap sa iyong pamilya," pangaral ni Juan Vicente sa akin.

Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko at agad na umiling. Hindi ko lubos maisip na magiging kamag-anak ko ang isang prominenteng tao mula sa panahon ng Espanyol.

"Hindi mo kilala si Gregorio del Pilar? Hindi ba siya tanyag dito?" tanong ko pa.

Gregorio del Pilar wasn't even famous this year, was he?

Although I can't recall the precise day, I do remember the year of his birth. He was born in 1875. It's true that he's six today, whether or not that means I'm actually in the year 1881.

"Ikaw, Juan Vicente? Ilang taon ka na?" naitanong ko bigla nang aking maisip ang edad ni Gregorio del Pilar.

"Labing-siyam. Labing-limang buwan naman na akong naglilingkod sa Las Islas Filipinas," pagpapaliwanag niya.

Nineteen years old?

Tinitigan ko si Juan Vicente mula ulo hanggang paa. Matangkad siya kumpara sa mga kilala kong nineteen years old na kabataan. Mas bata pa pala siya sa una kong akala.

"Kung gayon ay tatlong taon lamang ang tanda ko sa iyo. Marapat lamang na tratuhin mo ako bilang iyong nakakatandang kapatid," pabiro kong sabi sa kanya.

Inismiran lamang ako ni Juan Vicente na ikinatawa ko naman.

"Wait- A! Sandali lang! Labing-limang buwan? Ibig sabihin one year and three months na mula nang maging heneral ka?" paglilinaw ko sa kanya.

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Juan Vicente na para bang may naalala siyang hindi kanais-nais. Tumango na lang siya at hindi na nagsalita. Akin na ring minabuting hindi na ungkatin pa ang kanyang nakaraan dahil hindi ko ugaling mamilit.

Marami kaming nakakasabay at nakakasalubong. May mga mukhang mestiza at ilustradong naglalakad ngunit karamihan sa kanila'y mga indio. Katulad ng nangyari kanina ay marami ring bumabati kay Juan Vicente.

Lumiko kami sa isang kanto at maya-maya lang ay lumiko uli kami sa isa pang kalye na mas maliit pa kaysa sa nauna naming nilikuan.

"Ito ang Calle de Creacíon. Matatagpuan dito ang pamilihan ng mga obra na gawa ng mga pintor ng ating bayan. Dito rin mahahanap ang iba't ibang kobranza ng mga aklat at mga dokyumentaryo ng mga bantog na manlalakbay," pagkukuwento ni Juan Vicente habang nililibot ko ang aking paningin.

Kobranza : Collection

Isa itong mahabang kalye na may sukat na halos kalahating kilometro. Maraming tao ang dumadagsa rito. Kung sa kasalukuyan ay puro semento at bakal ang pundasyon ng mga nagtataasang gusali, rito ay puro gawa sa kahoy at bato ang mga tindahan at kabahayang makikita. Ang pinakamataas na sa mga ito ay may dalawang palapag. Kalimitan dito ay nasa ibaba ang tindahan habang nasa itaas ang kanilang tirahan.

Para akong nagpunta sa Vigan ng makabagong henerasyon. Ngunit hindi no'n mapapantayan ang kagandahang nasisilayan ko ngayon.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad ngunit dahil sa puno ng mamimili ang kalye ay napapalayo ako kay Juan Vicente.

"Teka... Sandali lang po..." sinubukan kong makipagsiksikan ngunit nadadala pa rin ako ng mga tao. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may mahigpit na humawak sa aking kamay.

"Mas mainam na hawakan ko ang iyong kamay nang sa gayo'y hindi ka mawala sa aking tabi, señorita," seryosong suhestiyon ni Juan Vicente sa akin at hinapit ako palapit sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag nang malamang naandiyan siya. Iginala ko ang aking paningin hanggang sa mapatigil ako sa isang partikular na puwesto.

May mga nakalahad na painting sa labas ng isang natatanging tindahan. Habang may isang magkasintahan sa loob na nakapustura sa isa't isa. Sila ay masugid na iginuguhit ng isang pintor.

"Kung narito ka lamang, Yuan..." ang naibulong ko sa kawalan.

"May naibigan ka bang bilhin?" rinig kong tanong ni Juan Vicente habang nakatingin sa tindahang aking pinagmamasdan.

Agad akong umiling at mabilis siyang hinila upang magpatuloy na sa paglalakad. Ilang beses niya pa akong inalok bumili sa mga tindahang nahihintuan ko ngunit akin itong tinanggihan.

Ilang minuto na rin kaming naglalakad sa looban ng kalyeng ito hanggang sa huminto kami't pumasok sa loob ng isang malaking aklatan.

"Unmei..." ang pagbasa ko sa pangalan ng aklatan. Ang kartel nito na gawa sa kahoy ay prenteng nakapako sa itaas ng pintuan ng aklatan.

Pagpasok namin ay may malaking lamesa ng tanggapan habang may harang na capiz ang likuran ng lamesa na nagsisilbing pader nito. May daanan ito sa magkabilang dulo.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, heneral?" bungad sa amin ng taong taga-bantay ng tindahan.

"Ibig kong makausap ang may-ari. Nalalaman niya ang aking pagdating dito ngayong araw," pahayag ni Juan Vicente na tinanguan naman ng taga-bantay.

Ilang sandali lang ay bumalik na rin ito at sinabihan kaming sumunod sa kanya.

Sa likod ng capiz ay tumambad sa akin ang naglalakihang istante na napupuno ng mga aklat at periodico.

"Dito ka muna't libangin ang iyong sarili sa mga aklat na iyong matatagpuan. Pumili ka lang ng iyong magugustuhan at ako ang magbabayad ng pilak para sa iyong nanaisin," bilin ni Juan Vicente bago daglit na sumulyap sa aking mga mata. Matapos nito'y sinundan na niya ang naghihintay na taga-bantay.

Nakangiti kong nilibot ang aking paningin sa kabuuan ng tindahan. Noon pa man ay mahilig na akong magbasa lalo na ng mga nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga librong nakikita ko ay hindi tulad sa aking nakasanayan.

Books just have a brown cover that is secured with a thick thread - they don't have any colored covers. These can't be true, someone has to tell me. I fear that I am beginning to think that all of things are real, little by little.

Because these texts are so old, I couldn't help but feel in my perplexity that I could find La Solidaridad here. Yet to my surprise, I discovered something different when I searched for it.

Isang pamilyar na pabalat ang napansin kong nakasukbit sa pinakailalim na bahagi ng istante. Hindi tulad ng iba ay kakaiba ang pabalat nito. Sa sobra nitong pagkapamilyar ay hindi ako maaaring magkamali.

Sa paglapit ng aking kamay sa kuwadernong ito ay lalong bumibilis ang pintig ng puso ko.

Tulad ng tagpo noong kinuha ko ang libro, magaspang pa rin ito dahil nababalutan ng alikabok ang pabalat nito. Makapal at mukhang sa isang kumpas lang ay maghihiwalay na ang mga bawat pahina. Katulad na katulad ito ng aklat na nakita ko noon sa kuwarto ng royal ancestor namin.

It appears like my hand is acting on its own will. I used my palm to clear the dust, just like I used to do. There seemed to be an engraving on the cover. It was still completely blank of any writing, so just like at first, I was unable to make out what was being written. I am still unable to identify the title or anything else that appears on the book's cover.

Muli kong inalis sa pagkakabuhol ang tali ng libro at binuklat ito. Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang nakasulat.

Volveré al final de nuestro comienzo...

Tulad ng una ko itong nabasa. Nakasulat din dito ang pangungusap na ito. Nasa kalagitnaan ako ng pagkalito't pagtataka nang bigla na lamang nasunog ang mga letra ng pangungusap na iyon.

Matapos lamuhin ang mga letra, waring 'di pa nakuntento sapagkat sunod na sinilaban ng apoy ang buong pahina.

Kahit wala akong naramdamang init, naitsa ko ang aklat na para bang napaso nito.

"Dios mio... Anong kababalaghan ito?" ang aking nabulalas. Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan.

Natuod ang aking mga paa sa kinatatayuan. Nanlalaking mata na tinitigan ko ang libro na nasa lapag. Sa bawat pagpatak ng segundo, lalong lumalakas ang dagundong ng aking dibdib.

Inakala kong magliliyab ang aklat hanggang sa maging abo na lamang ito. Ngunit walang nangyari. Na para bang nasa isipan ko lang ang lahat ng naganap kanina.

Nanginginig ang mga kamay kong dinampot muli ang libro upang makasiguro na hindi ako nababaliw.

Nang buklatin ko ito'y wala na ang pahina kung nasaan nakasaad ang unang pangungusap na aking nabasa. Ang sinundan nitong pahina, unti-unting lumitaw doon ang isang salamangka.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa nabasa. Hindi nito nasagot kung bakit naandito ako o kung paano ako nakakaintindi ng Espanyol. Bagkus nagdulot pa ito ng mas maraming katanungan.

I'm not sure how to respond or what to make of my current circumstance. But I'm positive that this is the journal I discovered in that particular room. Perhaps this book will help me sort this out. Maybe this bool will tell me why I came here, if there is a reason at all.

Even with the humid air, my hands feel rigid. I heard their footsteps approaching me at that point, as well as their voices.

Querida mi amada verdad,

     Tinalikdan na naman ng iniibig niyang lipunan ang aking minamahal na kapatid. Siya'y umuwi sa hacienda dala-dala ang suliranin at ang kanyang kawalang-kasiyahan sa Heneral Mayor. Hindi ako nagtanong o sumubok man lang alamin ang kadahilanan, bagkus hinila ko siya palayo sa magulo at marahas na mundo ng kanilang pistol at espada.

     Como eramos los unicos dos de nuestra familia que nos conociamos muy bien, lleve a mi hermano a un lugar donde estaba seguro de que lo disfrutaria, el Parque de la Gente. Vimos una breve actuacion de Tinolabong. Con cada gesto de la mano y el ritmo de sus alegrias, ore para que el viento tambien sopla todos nuestros problemas.

     Mahabaging Diyos, idinadambana ko ang Iyong kaluwalhatian sa kaibuturan ng aking sugatang kaluluwa. Dinadalangin ko ang kapayapaan ng aming kalooban. Nawa'y makamtan ni ☶☰☲☴ ang kaginhawaan sa napili niyang pagsilbihan. At kung mamarapatin, ihihihingi ko rin ng basbas mula sa Inyo ang dalisay naming pag-ibig ni ☴☰☷.

Sinceramente suya, ☲☴☰☱ ☶☵☴☰ ☷☳☰☱☶ ☰☲☴☷☳.

∙∙·▫▫ ≍ ⋟⋟۵ ⋟⋟۵⋞⋞ ▫≼≽▫ ⋟⋟۵⋞⋞ ۵⋞⋞ ≍ ▫▫·∙∙

Updates will be on every second and fourth Saturday of the month.

TALASALITAAN

LIBIS • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'slope'. Lupa na umbok o pababa ang hugis.
KOBRANZA • Salitang Espanyol na ang ibig sa ibihin sa Ingles ay 'collection'. Isang organisadong pangkat ng mga bagay na nakuha at pinananatili para sa pag-aaral, eksibisyon o personal na kasiyahan.

Ang kuwentong ito ay hindi pulido at maaaring makakita ng wrong spelling of words, wrong grammar in a sentence at typographical errors. Maaari akong itama sa bawat pagkakamaling makikita ninyo. Salamat sa pag-unawa.

Paalala na ang iba ay maaaring taliwas sa katotohanan. Sinasadya iyon ng manunulat dahil sa napakatinding rason.

彡Exrineance

𝘈𝘙𝘊 𝘐╹𝘜𝘯𝘭𝘰𝘤𝘬╻𝘐𝘧 𝘴𝘩𝘦 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘴 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘢 𝘭𝘪𝘦

Continue Reading

You'll Also Like

794K 34.8K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
278K 12.8K 35
With one bullet, the greatest assassin of the 21st century meets her end. As she tries to accept her end, she then open her eyes in a very familiar b...
8.4K 247 51
(ON-GOING) Arianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day...
32M 816K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...