10 Steps To Be A Lady

By Khira1112

11.7M 232K 32.6K

First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish... More

10 STEPS TO BE A LADY
CHAPTER 1 : BET
CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT
CHAPTER 3 : THE STEPS
CHAPTER 4 : THE BLACKMAILER
CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR
CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS
CHAPTER 7 : THE BEHOLDER
CHAPTER 8 : PIQUE
CHAPTER 9 : CEASEFIRE
CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE
CHAPTER 11 : THE GENTLEMAN
CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE
CHAPTER 13 : STARTING POINT
CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION
CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION
CHAPTER 16 : RETURNING BUDDIES
CHAPTER 17 : KILL
CHAPTER 18 : NOT SO GOOD
CHAPTER 19 : NIGHT AND DAY DIFFERENCE
CHAPTER 20 : TONS OF REMINDERS
CHAPTER 21 : NOTES AND LISTS
CHAPTER 22 : WITH HIM
CHAPTER 23 : PILLOW VS PUNCHING BAG
CHAPTER 24 : ENEMIES TO PERFECTION
CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE
CHAPTER 26 : MATURITY
CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE
CHAPTER 28 : WHEN NO ONE IS AROUND
CHAPTER 29 : ASSURE YOU
CHAPTER 30 : TWO IN ONE
CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE
CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES
CHAPTER 33 : GETTING SERIOUS
CHAPTER 34 : MISMATCH
CHAPTER 35 : THE KISSING MONSTER
CHAPTER 36 : NAUGHTY SIDES
CHAPTER 37 : SECOND TEST
CHAPTER 38 : LAST QUESTION
CHAPTER 39 : RESULT
CHAPTER 40 : LEVEL UP
CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE
CHAPTER 42 : STYLE
CHAPTER 43 : WEIRD
CHAPTER 44 : DATE
CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS
CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET
CHAPTER 47 : EXTRA LESSON
CHAPTER 48: KEEP YOU AWAY
CHAPTER 49 : COLD TREATMENT
CHAPTER 50 : NOODLES
CHAPTER 51 : FAIR FIGHT AND ELEVEN GIFTS
CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE
CHAPTER 53 : JUST TELL
CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE
CHAPTER 55 : STEP FOUR
CHAPTER 56 : REST DAY
CHAPTER 57 : DO THIS
CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY
CHAPTER 59 : FIFTEEN
CHAPTER 61 : LET ME KNOW YOU
CHAPTER 62 : FORGOT
CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS
CHAPTER 64 : MOON
CHAPTER 65 : INITIATE
CHAPTER 66 : DONE NOTHING
CHAPTER 67 : KISS MARK
CHAPTER 68 : BITTER
CHAPTER 69 : WAIT
CHAPTER 70 : HEADLIGHTS
CHAPTER 71 : MORE THAN MOST
CHAPTER 72 : RINGTONE
CHAPTER 73 : BARBIE
CHAPTER 74 : HELL IN MY HANDS
CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE
CHAPTER 76 : STEP 6
CHAPTER 77 : LET IT OUT
CHAPTER 78 : INVITATION
CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER
CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING
CHAPTER 81 : BREAK
CHAPTER 82 : STEP 7 AND 8
CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU
CHAPTER 84 : CHAT
CHAPTER 85 : FINISHED
CHAPTER 86 : PART-TIME JOB
CHAPTER 87 : WORKMATES
CHAPTER 88 : HOW I WISH
CHAPTER 89 : TREASURE AND PRECIOUS
CHAPTER 90 : GIRL OR LADY
LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY

88.2K 2.4K 410
By Khira1112

CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY

Read before you vote. Don't mind my errors.

REN POV

"Busangot." Tinutusok ni Rhea ang pisngi ko pero hindi ko siya nililingon. I was pissed and a little bit frustrated. Kasalanan niya 'to but I can't just point a finger on her. Mag-aaway na naman kami. Panigurado.

Well, what's new about that? Lagi naman kaming nag-aaway. Lahat ng klase ng away nagawa na ata namin.

Parehas kaming nakaupo sa stool. Kakatapos lang naming mag-work out. Hindi ko siya nagawang pansinin buong session dahil lutang ang utak ko sa mga nangyayari.

I don't know what's running on her mind right now. I wanna know her thoughts. Madalas ko siyang nababasa pero hindi ko alam kung reliable ba ang paraan na 'yon dahil parati rin naman siyang in denial. Whenever I caught her off guard, I couldn't help but assume and expect for the better things. But every damn time I was going to make her admit what she always denies, she'll end up having second thoughts and I had no other choice but to make another plan.

But now, I have this feeling that her plans were better than mine. If ever she plotted one. . .

Pakiramdam ko ay may binabalak siyang gawin na hindi ko akam. I hate this. I wanna know what she's thinking. Kung pwede lang akong pumasok sa utak niya, ginawa ko na.

I can't help but let out a deep sigh. I wanna enter her mind but I want to enter her heart first. Kilalang kilala ko na siya . . .noon at inaamin kong nakakatakot ang mga pagbabagong nagaganap sa kanya. She might end up into someone who is a total stranger to me. Yung pagtapos ng lahat ng 'to, imbes na mapabuti ang sitwasyon ay maging bungungot pa pagdating sa akin.

She would look good. She would talk smart. She would learn how to move and think like a fine lady and there's a hundred and one possibility that any guy would definitely swoon at her feet. And I hate it. I hate that fucking idea.

Huminga muli ako ng malalim. Nagsisimula ng mag-backfire ang planong matagal kong pinag-isipan. I didn't expect that this is going to happen.

Diniin niya ang daliri niya sa pisngi ko at napadaing ako. "Aray. . ."

"Sungit mo." Humalukipkip siya at nagpout. Dinantay niya ang kanyang ulo sa braso ko at nanigas ako ng wala sa oras.

D-damn.

Bumaling ako sa kabilang gilid at mariing pumikit. Napalunok ng tatlong beses at tahimik na nagmura ng paulit-ulit. This amazon has an innocent devil inside her. She's so damn evil! Hindi niya ba alam na ang mga simpleng galaw niya ay pwede kong ikamatay? Kailan ba siya magiging aware na ginagawa niya na akong baliw? Baliw na baliw sa kanya.

Yeah, dapat nagtatampo ako , di ba? Pero tangina, alam kong hindi magtatagal 'tong tampo ko pag ginaganyan niya ako? That makes me more and more frustrated.

Rhea, hawak mo na ba ang baga ko at parang ang hirap hirap na huminga? Ang sama mo.

Napa-facepalm ako ng wala sa oras nang maalala yung mga sinabi niya kanina. Yung pagtawag niya sa pangalan ko. Yung pag ngiti niya habang nagseselos ako. Yung pagtawa niya habang nagpapaulan ako ng mura. She even had a chance to list down and count all my curses at ipamukha sa akin na nakalimutan ko ang mga tips na tinuro ko sa kanya. Of all people, ako pa talaga ang nakalimot! Fuck. Ang saya , di ba?

But what makes me frozen was her last words. She ordered me to think positively. Para saan? Tang. I . Na. Eto na naman ako. Umaasa na naman.

Ito yung pakiramdam na nakakakuha ako ng sobrang taas na confidence sa tuwing nararamdaman kong mahuhulog na talaga siya. Pero sa napakaraming pagkakataon, lumalagapak iyon sa lupa pag nagseselos na ako sa lalaking napapalapit sa kanya.

Rhea, hindi ka ba aware na napakalaki mong paasa?

Agad kong winisik ang katanungan na 'yon. I can't blame her. She has all the right to be in denial. After all, ako pa rin naman ang pinaka may kasalanan. Sa akin nagsimula ang lahat ng 'to at ako ang naglagay sa kanya sa sitwasyong komplikado kaya wala akong karapatang pagbuntunan siya ng sisi.

Isa lang naman ang gusto ko. I swear, pag naging akin siya, tapos na lahat ng pakulo na 'to.

"Ren. . ." Pagtawag niya sa pangalan ko.

Natigil na naman ako sa paghinga at napalunok ng maraming beses. See what she can do to me? Isang banggit lang ng pangalan ko, parang humihinto na sa pag-ikot ang mundo. I've heard it all my life from other people's lips but when it comes from Rhea Louisse, I fucking swear that it was a hundred times better to hear. She was fond of calling me by my surname. Delgado. Na gusto ko rin naman dahil siya lang ang tumatawag sa akin na gano'n.

She's pretty unique and that makes her more special than the other girls. She's no ordinary. She's rare and I wanna treasure her. Yung pwede ko siyang gawing akin at ipagmalaki sa iba. Kung pwede ko nga lang siyang gawing kwintas nang masabit ko na lang siya sa leeg ko para hindi siya makawala sa akin, ginawa ko na.

"Ren, galit ka?" Naramdaman ko ang daliri niyang naglalaro sa braso ko. Iyon naman ang tinusok-tusok niya. Fucking shit. Kung included ang mga mura sa isipan ko, malamang ay kanina pa puno ng pera ang curse jar ko. "Akin na lang 'tong muscle mo." Sabi niya sabay buntong hininga.

Fucking, muscle. Buti ka pa gusto niyang angkinin. Dapat ba naging taong muscle na lang ako?

Pinilig ko ang aking ulo. Kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Sabi ko na nga ba't hindi magtatagal ay sa mental na ako pupulutin.

"Stop it, Rhea." Pinilit kong maging malamig. Naramdaman kong natigilan siya at tumigil rin siya sa pagsundot sa muscle ko. Agad kong pinagsisihan ang sinabi ko. Wala sa loob na napasabunot ako sa buhok ko. Nakakafrustrate na talaga!

"Galit ka nga." Simple niyang sabi. Walang emosyon. Great, Delgado. You just pissed your girl! Pahirapang suyuan na naman 'yan! Drat. Girls are such a pain in the neck! "Hindi ko alam kung ba't ka nagagalit." Dugtong pa niya.

Hindi ko siya masagot dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong itugon. Gusto kong sabihing frustrated ako pero kung dudugtungan niya 'yon ng tanong kung bakit, hindi ko talaga matukoy. Basta, kinakain ako ng frustration ko at wala akong ideya kung paano makaahon rito.

"Anong plano mo?" Tanong pa niya. Hindi ko napigilang lingunin siya. Nakayuko siya at pinaglalaruan ang mga daliri niya.

Di ba dapat ako ang magtanong niyan sa kanya? Hinilot ko ang gitna ng aking ilong.

"Ikaw , anong plano mo?"

Lumingon siya sa akin. Our faces were inches apart. One of the few things I find hard to resist. Kapag ganito siya kalapit, gusto ko na lang siyang titigan ng matagal. Pero pag napupunta ang mata ko sa labi niya, lagi akong nadidistract. Yung distraction na hindi ko gustong matigil. And before I could restrain myself, nahalikan ko na pala siya. Para siyang magnet at ako yung metal na walang kahirap-hirap niyang nadadala.

Umiwas siya ng tingin. "I asked first."

"Then, you should answer first."

Tumingin siya ulit sa akin. But this time, irritation is visible to her eyes. "Nakakainis ka."

"I know." Dahil maski rin ako ay naiinis sa sarili ko.

"Ang sarap mong sapakin."

"If you want to punch me, I won't stop you." Nagkibit ako ng balikat. Kinuha ko ang bottled water sa tabi at uminom ro'n.

"If I do anything I want to do to you, hindi mo ako pipigilan?" Pananantya niya. Tumango ako nang hindi bumabaling sa kanya.

Alam na alam mo, Rhea, na kahit kaya kong salagin ang mga suntok at hampas mo, hindi ko ginagawa dahil galing 'yon sayo. I would welcome all your punches even it literally hurts. I won't even bother to shield myself from your sadism. Iniisip ko na lang na bawat suntok, hampas, batok, kurot at sipa mo sa akin ay ebidensya na mahal mo ako. Hindi ka mabubuhay ng walang human punching bag. Ikaw ang amasona ko at nagpapaalipin na ako sayo. Ano pa bang gusto mo?

"Wala kang gagawin na kahit ano? Walang effort?" Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o talagang nahimigan kong frustrated na rin siya.

If ever she felt the same intensity of frustration I've been feeling, I would take it again as a sign. Umaasa na talaga ako na ako na ang pipiliin niya.

Hindi naman ako natatakot na mahalin siya ng paulit-ulit kahit laging bumaba ng sagad sa lupa ang confidence ko kapag binabaling niya sa iba ang kanyang atensyon.

What was more frightening is when you realize that you've reached your limit and you've had enough of these bullshits. Lahat ng paulit-ulit na umaasa ay nakakaramdam rin ng pagod. And I'm not a freaking machine. Alam ko sa sarili ko na may extent ang lahat ng 'to. Na kahit gaano kataas ang atraksyong nararamdaman ko sa kanya ay mapapagod at mapapagod ako.

Kaya sana, bago mangyari 'yon, piliin niya na ako. Dahil sa totoo lang, kahit hindi ko pinapahalata, kahit mukhang patay na patay ako sa kanya, masakit pa ring umasa sa wala.

"Gusto mo bang mag-effort pa akong salagin ka?" Balewala kong tanong.

Every guys last bullet. I'm completely aware that we, guys, have bigger pride than our whole being. I dislike it for a fact but it's our nature. Pag nakasanayan, mahirap na baguhin.

And most of the time, I would have to keep my mouth shut and pretend that I didn't really care even though I was dying in concern. I talk less with a blank face thinking I could keep my cool image yet deep inside me, I have so many things running in my head, I wanna shout, I want to explain my side, I wanna claim her lips. . .

"So, you won't do anything?"

"It depends." Hindi ko alam kung para saan pa ang usapang ito. Ni hindi ko na nga matandaan kung paano 'to nagsimula dahil lutang ako. Nilalaro-laro ko ang bote sa aking kamay.

"If I. . .love you, you won't do anything?"

I froze. Nabitiwan ko ang bote at marahas na napabaling sa kanya. Nakaawang ang bibig ko at bahagyang nanlaki ang mata. Did I. . .hear her right? Is she referring to me? Is it true?

Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya.

Argh, heaven. . . She looks so adorable. I would want to stare at her all day but she took my soul away as I've heard those words came out from her lips. That was a clear question but the impact it brought me was as strong as a huge tornado sending me to cloud nine. I. . .like to hear it again.

Hinawakan ko ang magkabila niyang braso. Nanginginig ang mga daliri ko. Mainit ang balat niya kumpara sa nanlalamig kong mga kamay. Bahagya ko siyang niyugyog. Pumikit naman siya at huminga ng malalim.

At naisip ko na sana ay sapakin niya ako. Kung ilusyon lang 'to na gawa ng sarili kong isipan para umasa pang lalo, sana ay magising at matauhan agad ako. Damn!

"A-ano bang ginagawa pag magcoconfess o kaya mamba. . .mambabasted?" Napanganga akong lalo. Hindi ko inaasahang iyon ang maririnig ko sa kanya. "A-anong gagawin ko pag. . .pag ano. . ." Pulang-pula na ang mukha niya. Hindi niya nasundan ang kanyang sasabihin. Napa-facepalm siya bigla.

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Ngiting nauwi sa tawa. Tinakpan ko ang mata ko at tinukod ko ang aking siko sa aking hita sabay kagat sa aking labi.

Damn, Rhea. I swear, pag umamin ka ngayon, I won't be able to stop myself anymore. . .

Naramdaman ko ang malakas niyang hampas sa likod ko. Napaigtad ako at napatingin sa kanya. Pulang-pula na talaga siya.

"Mukha ka ng red na pintura." Sabay turo ko sa mukha niya. Tinuro niya rin ako.

"Hoy! Ikaw rin naman!" Sabay hampas niya sa braso ko. "Kung makapagsalita ka dyan parang hindi ka namumula. Lychee." Umiwas siya ng tingin at umayos ng upo.

Hindi ko talaga mapigilang mapangiti. Wala akong pakialam kung mapunit na ang labi ko kakangisi. I just feel happy. Wala pa siyang sinasabing confirmation, but damn, pakiramdam ko talaga ay ako na.

Ako na talaga ang mahal niya!

Lumingon ulit ako sa kanya. Para siyang tangang nakatitingala at nakatitig sa kisame. Pero nang maramdaman niyang nakatitig ako sa kanya, sandaling gumalaw ang kanyang mata para tignan ako ngunit agad ring binalik sa kisame. Natawa ako at mas pumula ang mukha niya.

"Stop laughing or I'll murder you."

Huminto ako sa pagtawa pagtapos ay ngumisi ng napakalaki. I don't mind being killed by you, Rhea Marval. You should take it down in a note.

Parang kanina lang sweet siya, ah? What happened? Napailing ako. My adorable amazon is so moody.

"Stop staring or I'll take your eyeballs." Banta ulit niya.

"Why don't you take my heart instead?" Sagot ko nang nakangisi at napaubo naman siya.

Then , I realized that she has nothing to take because she already have it since the very beginning. My heart was stolen and instead of taking it back, I willingly surrender. It belongs to her. It's hers.

"Y-you , monster. . ." She hissed.

"Your monster." I corrected. Umusog ako palapit sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko. Inaasahan kong uusog siya palayo pero hinapit ko na ang baywang niya. "Can we hug?"

Napanganga siya. Nanlalaki ang kanyang mata habang nakatingala sa akin. "W-what the hell?"

"Please?" I begged.

"Footspa." Napahilamos siya sa kanyang pulang-pulang mukha. "Pedicure ka! Kailan ka pa natutong humingi ng permiso?"

Ngumisi ulit ako. "So, gusto mo?"

"Footspa." she hissed again. I looked at her, amused. Talagang sinusunod niya ang tips ko, huh? Samantalang ako, wala ng pakialam kung matalo niya pa ako sa curse jar. Panalo na siya. Matagal na siyang panalo.

"Mahirap bang aminin na gusto mo rin ang yakap ko?" Humigpit ang yakap ko sa baywang niya. Pinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat habang pinagmamasdan ang pisngi niyang nagbabago.

"Encyclopedia." She whispered.

"Encyclopedia?"

"Term para sa kakapalan ng mukha mo!" Umingos siya at natawa naman ako.

"Nakaka-offend. Should I add another fifty pesos sa curse jar mo?"

"Shut up." Sagot niya. Nakabaling siya sa kabilang side, hindi tumitingin sa akin.

"Rhea, can we kiss?" Hinalikan ko ang balikat niya. She's wearing a thick sando kaya exposed ang leeg, balikat at braso niya. Kanina pa ako natetempt. I wanna end this torture.

Bumaling siya sa akin at sinakal niya ako. Napaubo ako dahil hindi ko inaasahang mag-a-ala-amasona agad siya. Pero kagaya ng nakagawian kong gawin, natawa lang ako habang pinagmamasdan siyang naiinis at nawawalan ng kontrol sa sarili.

The reason why I like pushing her temper to the edge ay dahil gusto kong nakikita ko ang emosyon sa mukha niya. At yung emosyon na 'yon ay para sa akin. Kahit ano pa 'yan, galit man o pagkainis o pagkairita, I'm buying it and it gives me so much satisfaction. Why? Dahil hangga't may reaksyon siya, may pakialam siya sa existence ko. Iyon ang palagi kong inirarason sa sarili ko.

"Rh-rhea. . ." I cupped her face and she stopped choking me. "Please. . ."

Hinampas niya ang mukha ko. As usual. I won't expect Rhea to say 'yes' but I have my own ways. I'm not a Delgado for nothing. At lahat ng Delgado, mataba ang utak.

"Manyak ka talagang bakulaw ka!" Sinabunutan niya naman ako. I pulled her hair ,too, pero marahan lang. Enough to get her face closer to mine. Nanlaki muli ang mata niya. "Lumalaban ka na ngayon? Are you gay?"

"Now, that's really offending. Want a proof that I'm not?" I lick my lips.

Hinampas niya ang pisngi ko. "Yuuuck, Delgado! Kamanyakan mo naman!"

Natawa ako. "Ayaw na kitang maging babae. Natuto kang maging maarte. Kiss na kasi."

Pinanlisikan niya ako ng mata at akmang sasakalin na naman niya ako pero agad kong hinawakan ang palapulsuhan niya. "Gotcha. Kiss na, please."

"Packing tape." Humimha siya ng malalim.

"Do you want to be kissed?" Ngumisi ako. Mabilis siyang umiling pero kitang-kita ko ang paglunok niya.

Of course, you do, Rhea. You're just being in denial as always.

"Ayaw mo talaga?" Linapit ko ang aking mukha sa mukha niya. Hindi siya gumalaw. Para siyang natukha ng ahas at naparalisa habang nanlalaki ang mga mata.

"Ayaw?" Pag-uulit ko.

"A-ayaw."

"Talaga?" Then, why are you stammering, my amazon? Gusto mo, eh. You're just shy. I grinned at my own thoughts.

Lumunok siya ulit at dahan-dahang umiling. "A-ayaw ko."

Huminga ako ng malalim at pinakawalan ko ang kanyang mga kamay. "Sorry." Mahina kong sambit.

Nakita ko ang panghihinayang , guilt at hiya sa mukha niya. Pilit kong tinago ang aking ngisi at nagkunwaring seryoso. Hinuhuli ko ang kanyang tingin. Wala pang tatlong segundo at nagtama ulit ang paningin namin.

Ngumisi ako. "Sorry. Hindi kita narinig." I cupped her cheeks and kiss her as she gasped. My body shook in laughter. I told you. I have my ways.

Sorry not sorry, Rhea. "I love you too." I whispered. Though, I didn't hear her saying she loves me. Malakas na talaga ang kutob ko na pinili niya na ako.

Dahil kung hindi ako, ba't nandito pa rin siya? She can push me away or punch me to stop kissing her. Pero hindi niya ginawa. Instead, she innocently put a pressure on our kiss at sandali akong napahinto.

"Naughty, Delgado." She whispered, her eyes were close. "I wanna kill you."

"By your kisses? I'll surrender-aww." Inuntog niya ang noo niya sa aking noo.

"Perv. You're too confident. Sinabi ko na bang mahal kita? Ba't nag-I love you too ka?"

Hindi ako sumagot agad. Niyakap ko muna siya ng mahigpit. "You just did."

"T-that was a question, idiot." Kinurot niya ako sa tagiliran. Napaigtad ako sabay tawa.

"Then, make it a statement, Rhea. I know you'll choose me." siniksik ko ang aking mukha sa leeg niya.

"Yeah, right. Uhm, pokemon?"

Kumunot ang noo ko. Tinitigan siya. "Huh?"

Yumuko siya at bumaling siya kabilang side. Huminga siya ng malalim bago dinugtungan ang kanyang sinabi. "I choose you. . ."

Natulala ako. I can't describe how fast my heartbeat was. Fuck? Pokemom? What the fuck? Did she just. . .

Imbis na yakapin siya ay tila nawalan ako ng lakas. Nanlata ako bigla. So, this was the feeling, huh. . .

Damn. . .

Napatakip ako ng mukha. Para akong maiiyak na ewan. Tangina. Anong kabaklaan at kabaduyan 'to?

"That. . .was. . .so. . .corny. . ." Sumilip ako sa pagitan ng mga daliri ko. I saw Rhea, biting her lip while her eyes closed ,trying to endure the embarrassment.

"You once said that love is corny. Endure it, monster. I'm really gonna kill you." Sabay takip rin sa kanyang mukha.

Pagtapos ng ilang sandaling nahimasmasan kami ay natagpuan na lang namin ang aming mga sarili na tawa ng tawa hanggang sa maiyak kaming dalawa habang nakahawak sa aming tiyan.

The best feeling ever. My best moment with her, laughing at nonsense with no fucking reason. I'm just simply. . .happy. Finally. The long wait is finally over.

I don't like drama. Alam kong gano'n rin si Rhea. But I guess , hindi mawawala 'yon pag gusto mo ng seryosong usapan. Kung may dapat kaming i-endure ay yung kakornihan naming dalawa na kusang lumalabas pag kailangan.

Damn. I won't being named as the most corniest guy in the world as long as I have her.

Nakatulog siya sa amin pero hinatid ko pa rin siya sa kanila kahit tulog na siya. Walang nagbanggit ng tungkol sa napag-usapan namin kahit nung bago pa siya nakatulog ay nag-aasaran pa kaming dalawa. Hindi ko na rin naman gustong ungkatin pa. Sapat na para sa akin na marinig sa kanya na ako ang pinili niya. That's more than enough.

Isang bagay lang naman kasi ang hinintay ko sa kanya. Assurance. Confirmation.

Hay, iba pa rin talaga pag naririnig mo kaysa yung nanghuhula ka lang sa galaw niya. All I need is assurance that if ever she's ready to fall in love and risk her heart, she would willingly jump on me with no doubts in her mind. Because I would catch no other girl but her.

Siya lang talaga.

Pumunit ako ng sticky note at nagsulat ro'n bago dinikit sa noo niya. I bet, hindi niya gugustuhing mapag-usapan ang nangyari sa gabing 'to.

Tumayo ako at kinumutan siya. Napatingin ako sa dinding ng kwarto niya na punung-puno ng papel na may kinalaman sa ten steps. Nando'n rin yung kontrata.

Ang simula ng lahat. Lumapit ako ro'n at kinuha ang kontrata. Bumalik sa isipan ko ang mga rason kung ba't pinilit ko siyang tanggapin 'to. Kung bakit pinilit ko siyang magpakababae. Napangiti ako at nagbuntong hininga.

Pinunit ko iyon at nilukot bago tinapon sa basurahan. I don't need it anymore. Rhea won't need it any longer. That piece of paper is now useless. It already served its purpose. We're not going to continue the steps.

Tomorrow, when she's done talking to Coby, I will tell her.

>>next update

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 105K 35
***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful bec...
1.7K 42 7
Take one, you broke my heart. Take two, I'll save myself from falling apart. *** Isang ordinaryong babae lang naman si Claxire Montaverde. Ang tangin...
1.3M 18.9K 56
High school friendship.
6.9M 27.7K 16
She was a princess turned nobody. They were the men that every girl wanted to be their prince. They did not plan it but their paths crossed, and so a...