The Waiting Game

By CA_Flockhart

24.1K 1.1K 1K

(BOOK 2 OF "YOU ARE A PART OF ME") "'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay... More

"The Second Time Around"
THE WAITING GAME
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
48.
Bonus Chapter
THE LAST CHAPTER

47.

377 18 11
By CA_Flockhart

            NAKANGITING pumasok si Blaire sa loob ng boutique kung saan bibili siya ng damit dahil malapit na ang kaarawan ng inaanak niyang anak ni Reneth. Hindi pa siya makababalik ng Pilipinas pero ipapadala na lang niya kay Exequiel sa Pilipinas.

            She's still too busy with her business. Nagkaroon kasi ng problema recently kaya hindi talaga siya makabalik-balik sa Pilipinas. Also, it would be better if sa Paris na lang muna siya until she and Exequiel haven't told the news to everyone around them that they're married.

            Habang namimili siya ng damit ay nag-ring ang cellphone niya. She answered the call and smiled nang masayang sigaw ni Lara ang bumungad sa kanya.

            "Moooommy!" bati nito sa kanya.

            "Sweetie," nakangiting sabi ni Blaire.

            Lara was also there in their wedding. Dapat talaga kasama nito ang isa pang pamilya nito pero dahil abala ang mga tunay na magulang ni Lara sa mga trabaho ay si Lara na lang ang naisama ng mga magulang ni Blaire papuntang Paris for the wedding.

            "Mommy, I'm with Daddy na," masayang balita ni Lara sa kanya.

            "Is he taking you to school?" tanong ni Blaire habang kinukuha ang isang cute na damit mula sa rack. "Don't speak too loudly baka maistorbo daddy mo sa pagmamaneho," paalala niya sa anak.

            "Yes, Mommy. Mommy, I'll fly to Paris po and we'll celebrate my birthday!" masayang sabi ni Lara.

            "I know, Honey," nakangiting sagot ni Blaire at iniabot niya ang hawak-hawak na damit sa sales lady na nakasunod sa kanya.

            "Wife, I'll be visiting Carlo to ask about your wedding gift for Xavier and Allie," biglang dinig ni Blaire na sabi ni Exequiel. Naka-loud speaker pala siya. "I'll fly with Lara to Paris para isang puntahan na lang."

            "Sure," nakangiting sagot ni Blaire.

            "Mommy ba-bye!" rinig ni Blaire na paalam sa kanya ni Lara mula sa kabilang linya. Nakarating na siguro ang mag-ama sa eskuwelahan ni Lara.

            "Don't be so hard-headed, Sweetie," rinig ni Blaire na pahabol na bilin ni Exequiel sa anak nito sa kabilang linya at narinig na lang ni Blaire ang hagikgik ng anak nilang makulit bago ang malakas na sara ng pintuan ng kotse.

            "Dumaan din ako sa restaurant mo kahapon," balita ni Exequiel kay Blaire. "But si Reneth lang ang naabutan ko, and as usual, niratratan na naman niya 'kong pauwiin ka na, especially that it is her child's birthday," natatawang kuwento ni Exequiel.

            "Do you think that I should go back, Husband?" tanong ni Blaire kay Exequiel.

            Napangiti si Exequiel sa tanong ng asawa niya. Sa totoo lang, gusto na niyang bumalik ito sa Pilipinas kaya lang ayaw naman niyang pilitin ito lalo na't may negosyo itong inaasikaso sa Paris. Isa pa, it doesn't matter where Blaire is anyway dahil mahahanap at mahahanap niya ito at sisiguraduhin niyang he'll always be there.

            Pangako niya iyon noong nagkaroon sila ng relasyon noon, no'ng bumalik siya sa buhay ng asawa niya, at no'ng nagpalitan sila ng vows sa kanilang kasalan.

            He knows how much Blaire values promises. Hindi ba nga't isang pangakong hindi niya natupad ang naging dahilan kung bakit natapos sila ni Blaire noon? He learned his lesson and he doesn't have any plans on making the same mistake ever again.

            "Mon Amour?" dinig ni Exequiel na tawag sa kanya ni Blaire.

            "Wife, that's not up to me," sagot ni Exequiel. "Why don't you take care of your business first, then when everything's okay, I'll pick you up?" dagdag ni Exequiel.

            "Is that okay with you?" tanong ni Blaire sa kanya. "I know you've been having a hard time flying back and forth."

            Napangiti nang mas malapad si Exequiel. His woman is not selfish. His woman takes him into consideration. Gone was the woman who was burdened by the pain of the past.

            "It's okay, Wife. I love you," sagot ni Exequiel.

            Napangiti si Blaire habang iniaabot niya ang dalawa pang damit na nakita niya para sa anak ni Reneth sa sales lady.

            "Besides, I love traveling," biglang dagdag ni Exequiel na ikinatawa ni Blaire. "I might as well spend my money because I won't be able to bring them to my grave anyway," natatawang dagdag ni Exequiel.

            "Wala kang iiwan sa'kin? Grabe ka," pabirong sagot ni Blaire na ikinatawa ni Exequiel.

            Ito na naman sila. Nagbibiruan na naman sila tungkol sa mana-mana at maiiwang yaman katulad noon, and as usual, Blaire with end up getting pissed dahil tuluy-tuloy ang pagsasalita ni Exequiel tungkol sa mga iiwan nito kay Blaire kung sakali.

            Medyo paranoid kasi si Blaire na kapag nagtuluy-tuloy ang pagbibiruan nila nang ganoon ay baka magkatotoo na. Mas mahirap pa man din ngayon dahil walang kahoy na makita si Blaire na malapit sa kanya para katukin ng tatlong beses.

            "I'm guessing that you're looking for wood right now?" nakangiting tanong ni Exequiel at naiimagine na niya ang asawa niyang kumukunot ang noo.

            "Yes," nakangusong sagot ni Blaire habang lumilingon-lingon sa paligid.

            "Mapamahiin ka talaga," natatawang sagot ni Exequiel.

            "Hindi naman, Mon Coeur," natatawang sagot ni Blaire. "Nasanay lang. Kasi naman 'no, kapag may biro-birong ganoon when I was young, laging sinasabi sa'min to knock on wood three times para hindi magkatotoo."

            "I love you," natatawang sagot na lang ni Exequiel sa asawa.

            "Nakaka-ilang 'I love you' ka na sa'kin ah," may malapad na ngiting sabi ni Blaire kay Exequiel at narinig niyang tumawa ang asawa. "Sige na. Ngayon ko lang naalalang nagdra-drive ka pala. Please focus on driving, Mon Amour. I'll talk to you later," paalam ni Blaire.

            "'I love you' ko?" tanong ni Exequiel.

            "I love you, Husband," natatawang sagot ni Blaire at binaba na niya ang tawag.


            NGUMITI si Exequiel kay Florence nang salubungin siya nito sa pintuan ng restaurant. Ilang taon na pero hindi nabawasan ang mga tauhan ni Blaire. Gano'n na gano'n pa rin ang mga mukhang nakikita niya sa restaurant nito, nadagdagan lang.

            "Good afternoon, Sir Exequiel," nakangiting bati ni Florence sa kanya.

            "Good afternoon," nakangiting sagot ni Exequiel. "How's everything going, Florence?"

            "Okay naman po, Sir. Chef Blaire's restaurant is still booming," nakangiting sagot ni Florence. "I heard po that you were here too yesterday?" tanong ni Florence at tumango si Exequiel. "May pinapaasikaso po kasi sa'kin si Chef Carlo kahapon kaya hindi ko ho kayo nasalubong," paliwanag ni Florence.

            "I understand, Florence," nakangiting sagot ni Exequiel. "Is my usual table occupied?"

            "No, Sir," nakangiting sagot ni Florence. "Alam po kasi namin na darating kayo, so we made sure that your table's vacant."

            "Good," nakangiting sagot ni Exequiel at lumabas sila ng hardin ng restaurant ni Blaire. "I'll take it from here," sabi ni Exequiel kay Florence. "Go back to your post. Asikasuhin mo na mga customers ninyo. It's not like I'm a guest here anyway," nakangiting dagdag ni Exequiel.

            Natawa si Florence at nagpaalam na kay Exequiel at iniwan na ang binata.

            Umupo si Exequiel sa palagi niyang inuupuang lamesa sa restaurant ni Florence. He took his phone out to send Blaire a text that he's already in her restaurant. Ganito naman ang routine nila ni Blaire palagi, ina-update nila ang isa't isa.

            Pagkatapos niyang mag-send ng mensahe kay Blaire ay tinawagan naman niya si Misty para ayusin ang flight nilang dalawa ni Lara sa susunod ng linggo. Commercial flight ang kanilang sasakyan dahil ayaw naman niyang nasasanay si Lara sa paprivate-private plane.

            Lumabas si Carlo sa kusina at pinuntahan niya ang usual table ni Exequiel, sa may hardin ng restaurant. Ang alam niya'y karating lang nito mula Madrid at dumiretso ito sa restaurant ni Blaire pagkatapos atang ihatid ang anak sa eskuwelahan para sa isang school activity na hindi naman daw masyadong magtatagal.

            Dumiretso si Carlo sa usual na lamesang inookupa ni Exequiel sa may hardin ng restaurant ni Blaire at nakita niyang may kasalukuyang kausap ang binata sa cellphone habang nilalaro-laro ang kutsilyong nasa ibabaw ng lamesa.

            "Exequiel," tawag niya rito.

            Tumingin ito sa kanya at nginitian siya. Ngumiti rin si Carlo bago umupo sa upuang nasa tapat ni Exequiel. Kailan kaya babalik si Blaire? Ilang taon na ring hindi bumabalik si Blaire sa Pilipinas. Ni hindi nga nila alam kung sumasaglit ba ito sa Pilipinas eh.

            "She's asking if you sent her wedding gift well," nakangiting tanong ni Exequiel sa kanya nang matapos nito ang tawag at itinigil ang paglalaro ng kutsilyo sa kamay nito.

            Tumaas ang kilay ni Carlo at sinabing, "Maayos naman sabi ni Xavier. That's three months ago. Ba't ngayon lang kayo nagtanong? Anyway, pakisabi raw kay Blaire 'thank you' and that she didn't have to do that."

            Ngumiti si Exequiel at sinabing, "It's the least she could do for Allie, sabi nga niya."

            At may napansin si Carlo kay Exequiel. Kakaiba ang saya nito kumpara noong huli silang nagkita ni Exequiel. Hindi niya matukoy kung bakit pero alam niyang parang napakasaya nito at para bang naririto na ang lahat ng maihihiling nito.

            Kanina pa rin kasi ngiting-ngiti si Exequiel at sobrang sigla. This is not the Exequiel that they're used to. Kakaiba pa rin at nakakatakot pa rin ang tindig nito pero nahaluan ngayon ng hindi matutumbasang sigla.

            "Parang ang saya mo naman ata," komento ni Carlo. "Naka-score ka 'no?" tanong niya.

            Nagtaas ang kilay ni Exequiel sa kanya at tinanong siya ng, "Naka-score?"

            "Mararatratan ka na naman ni Blaire at ng anak mo sa pambababae mo," natatawang sabi ni Carlo.

            Hindi man sigurado sila Carlo kung nambababae ba si Exequiel pero iyon na lang ang iniisip nila. Akala talaga nila'y magkakatuluyan sila Exequiel at Blaire pero sa dami ng taong hindi naman nagkaroon ng opisyal na relasyon ang dalawa, sumuko na sila sa kaaasang si Exequiel ang happy ending ni Blaire.

            "You think I'd do that?" natatawang tanong sa kanya ni Exequiel.

            Why not? Wala namang relasyon sila Exequiel at Blaire. At saka imposible namang hindi nakakaraos si Exequiel. Sa loob ng ilang taon? Wala itong babae? Imposible. At saka aware rin naman kasi sila tungkol sa mga balitang may kasamang babae si Exequiel at minsa'y model pa.

            Ano nga ulit pangalan no'ng mga 'yun? Arielle? Yssa? isip ni Carlo.

            "Oh come on, Exequiel, pa'no ka naglalabas? Sariling sikap lagi?" pang-aasar na tanong niya kay Exequiel.

            "Why not?" nakangising sagot ni Exequiel sa kanya.

            "Tatanda kang binata niyan," natatawang sagot ni Carlo na ikinatawa ni Exequiel. Tumayo si Carlo pagkatapos at inayos ang upuang kanyang ginamit. "She's gone for almost three years. Wala na ba siyang balak bumalik?" tanong ni Carlo.

            Nagkibit-balikat lang sa kanya si Exequiel at kinuha ang menu na nasa ibabaw ng lamesa.

            "We have Blaire's signature dish today," sabi ni Carlo kay Exequiel.

            "Nah. It's different if she's not the one cooking it," nakangiting sabi ni Exequiel.

            "Pabalikin mo na kasi. Sama mo anak ninyo sa pamimilit kay Blaire," sagot ni Carlo.

            Bakit ba hindi nagkatuluyan ang dalawa? isip ni Carlo. He might not have been there no'ng magkarelasyon sila Blaire at Exequiel noon pero ayon sa mga kuwentong narinig niya, mahal na mahal ng dalawa ang isa't isa. He even heard from Reneth that Blaire might have even loved Exequiel more than she loved Xavier.

            Iba rin magmahal 'yung babaeng 'yun. Sagad. Ang taong matalino talaga nagiging tanga pagdating sa pagmamahal, isip ni Carlo.

            Pero ayun nga, nadagdagan pa ang pagtataka niyang hindi nagkatuluyan sila Blaire at Exequiel dahil no'ng mga oras na sirang-sira si Blaire, si Exequiel ang naging sandalan nito, and Carlo saw how Blaire felt happy, contented, and safe with Exequiel.

            Hindi ba't that's love? isip ni Carlo.

            Naisip pa nga niya noon na baka mahal na talaga ulit ni Blaire si Exequiel at hindi lang nito iyon na-realize dahil nabulag ito sa sakit ng nakaraan nito with Xavier, pero ngayong hindi naman nagkatuluyan sila Exequiel at Blaire, siguro nga'y ang pagmamahal na nararamdaman nila Blaire at Exequiel para sa isa't isa ay parang matalik na magkaibigan.

            Pero hindi eh. The love around them is different, isip ni Carlo.

            "Wala si Reneth dito 'no?" tanong ni Exequiel sa kanya.

            "Wala," natatawang sagot ni Carlo. Alam din ni Carlo na kapag naaabutan ni Exequiel si Reneth sa restaurant ay ratrat ang inaabot nito kay Reneth. "May boyfriend siguro 'yun do'n 'no?" tanong ni Carlo kay Exequiel.

            Natawa si Exequiel sa kanya at sinabing, "Maybe. She's more secretive now. She doesn't tell me everything, you know."

            Lie, isip ni Exequiel. Blaire's not secretive, but Blaire also doesn't have to tell him everything because he knows everything. How could he not? He's the man that loves Blaire so much. He's the man Blaire is married to.

            "Pati ikaw pinagtataguan?" nagtatakang tanong ni Carlo.

            Natawa si Exequiel at sinabing, "France did her good. Hayaan mo na. I can still read her. Surprise me with a dish."

            "Ikaw lang naman nakakakilala nang mabuti do'n. We're really glad that you're still there for her," natatawang sagot ni Carlo bago kunin ang menu mula kay Exequiel. "Anything else?" tanong ni Carlo.

            "She told me a saying before about attached chains in love. Alam mo ba? Hindi ko matandaan eh," tanong ni Exequiel.

            Kumunot ang noo ni Carlo. Para ngang may naaalala siyang sinabi ni Blaire noon sa kanila tungkol nga sa true love and chains pero hindi niya maalala nang buo kung ano iyon. "I don't know pero marami namang alam na wisdom 'yung babaeng 'yun. Alalahanin mo na lang in non-verbatim," sagot ni Carlo kay Exequiel.

            Natawa si Exequiel at sinabing, "The problem is, I don't really remember the saying. Matagal ko nang pilit inaalala pero hindi ko matandaan. But, anyway, could you maybe cook a dish for Lara, as well? I asked my driver to pick her up and she's on her way."

            "Roger. Basta pabalikin mo na si Blaire. Everyone misses her already," sagot ni Carlo bago tumalikod at iwan si Exequiel.

            Exequiel leaned his left elbow on the chair's side and ran his index finger on his lips, as if thinking about something.

            "May boyfriend siguro 'yun do'n 'no?" tanong ni Carlo sa kanya.

            Exequiel chuckled.

            Binaba niya ang kaliwang kamay sa lamesa niya at nakuha ang atensyon niya ng isang makintab na bagay sa kanyang daliri. Doon lumapad ang kanyang ngiti.

            It's a simple silver wedding band with a small square-cut diamond in the middle.

            The memories of their wedding are still clear to him, even the day that Blaire said yes to his marriage proposal in the Emergency Room in that hospital in Paris. Every smile and every happy tears of Blaire ay alalang-alala niya.

            Damn. I really did propose to her in a hospital, natatawa at naiiling na isip ni Exequiel.


            EXCITED na sinalubong ni Blaire nang yakap si Lara nang bumaba ito sa isa sa mga itim na kotse sa labas ng apartment building niya. Grabe. Ang laki na ni Lara. May dalaginding na sila ni Exequiel.

            "Mommy! I missed you!" masayang sabi ni Lara sa kanya sabay higpit ng yakap sa beywang ni Blaire.

            "I missed you so much, Sweetie," nakangiting sagot ni Blaire. "Happy birthday!"

            "Thank you, Mommy," humahagikgik na sagot ni Lara sa kanya. "Mommy, do you have baby na in your tumtum?" tanong ni Lara sa kanya sabay poke sa kanyang tiyan na ikinatawa ni Blaire.

            "Not yet, Sweetie," biglang sagot naman ni Exequiel kay Lara na sumulpot sa harapan ni Blaire. "I'm home, Wife," nakangiting sabi naman ni Exequiel kay Blaire sabay halik sa mga labi ng asawa.

            "Home?" natatawang tanong ni Blaire.

            "Yes," nakangiting sagot ni Exequiel. "Home is wherever you are," dagdag nito na ikinangiti nang malapad ni Blaire.

            Napangiti rin si Blaire nang makita niyang lumabas sila Clarita at Benjo, ang mga tunay na magulang ni Lara, mula sa isa pang itim na sasakyan. At doon naman bumitaw si Lara mula sa pagkakayakap sa kanya at tumakbo papunta sa tunay na ina nito na kasalukuyang buntis.

            "Rita," masayang sabi ni Blaire at yumakap siya kay Clarita.

            "Blaire," masayang sagot sa kanya ni Clarita at yumakap sa kanya nang mahigpit.

            "Hi, Benjo," bati naman ni Blaire sa asawa ni Clarita at nakipagkamay dito. "Buti pinayagan ka ng doktor mo?" tanong ni Blaire kay Clarita.

            "Kailangan siyang payagan," natatawang sagot ni Benjo. "She's been wanting to see you for a long time. Palagi ring picture mo kasama si Lara at ang asawa mo ang pinagdidiskitahan. Sa'yo ata naglilihi," dagdag ni Benjo.

            "Para naman gumanda ulit anak mo!" sabi ni Clarita sa asawa niya na ikinatawa ni Benjo.

            "Ako talaga?" natatawang tanong ni Blaire kay Clarita.

            "Oo! Kaya nag-maternity leave na 'ko kaagad para makasama talaga kita!" excited na excited na sabi ni Clarita.

            "Really?" masayang tanong ni Blaire. "Until when are you going to stay here?"

            Naramdaman naman ni Blaire ang pagpulupot ng braso ni Exequiel sa kanyang beywang.

            Exequiel can't help but to smile nang makita kung ga'no kasaya si Blaire. He's been wishing this since forever kaya naman sobrang saya niyang ganito na ito kasaya ngayon. He's glad that Blaire Devan is a very strong woman.

            "Ikaw ba Benjo? Sasamahan mo pa asawa mo rito?" rinig ni Exequiel na tanong ni Blaire sa asawa ni Clairta.

            "May trabaho pa 'ko eh," nakangiting sagot ni Benjo.

            "He's flying back with Lara, Wife," sabi ni Exequiel kay Blaire at tumango-tango naman si Blaire. "Let's all go inside. Masyadong malamig dito at baka mapa'no pa kayo," yaya ni Exequiel kay Blaire.

            "Kayo ba, Blaire? Kailan kayo mag-aanak ni Exequiel?" dinig ni Blaire na tanong sa kanya ni Clarita habang nakaupo sila sa may veranda ng kanyang apartment habang umiinom ng hot chocolate at mga balot na balot dahil sobrang lamig ngayon sa Paris.

            "Next year siguro," nakangiting sagot ni Blaire.

            "Gustung-gusto talaga ni Exequiel na enjoy-in ninyo muna buhay kasal 'no?" tanong ni Clarita.

            Tumango-tango si Blaire at sinabing, "Siya talaga may gusto no'n pero kung ako tatanungin, okay lang naman sa'kin kung mag-anak na kami. We've had enough training with Lara."

            Natawa si Clarita at sinabing, "Magbubuntis ka ba?"

            Napaisip si Blaire. Magbubuntis nga ba siya? Wala na ba ang takot niyang manganak? Iyon naman kasi ang totoong dahilan kung bakit ayaw niyang magbuntis at manganak. Natatakot siyang manganak at baka magkakomplikasyon lang ang bata kung isasalang siya sa Delivery Room nang may takot sa puso.

            "Alam mo, 'yung pinsan ko, kumuha sila ng surrogate mother ng asawa niya. Nag-aalala kasi asawa niyang baka sa sobrang takot ng pinsan ko, hindi maging maayos panganganak ng pinsan ko," kuwento ni Clarita.

            "May gano'n naman kasi talaga eh. May mga babaeng ayaw talagang magbuntis kahit gusto naman nilang magkaanak. In vitro and other ways to get pregnant are available for all women naman. Hindi lang naman exclusive ang mga iyon sa mga babaeng kailangan talaga ang mga iyon," patuloy ni Clarita.

            Napangiti si Blaire. Marami na pala talagang babae sa mundo na kapareho ang pag-iisip sa kanya. May mga tao kasing sasabihing walang kuwenta at makasarili ang isang babae dahil ayaw nitong magbuntis. Pake ba nila? Ang babae ang dapat magdesisyon kung ano ang gusto niyang gawin sa sarili niyang katawan.

            "Alam mo na bang nabuntis ako before?" tanong ni Blaire kay Clarita.

            "Oo. Nabanggit sa'min ni Exequiel," sagot ni Clarita.

            "I wasn't ready to be a mother then, kahit na nasa tamang edad na rin naman akong magbuntis. I was 30, and I was still not ready to get married and have children of my own," kuwento ni Blaire.

            "Wala naman talaga kasi tayong oras na dapat habulin," nakangiting sagot ni Clarita.

            Napangiti ulit si Blaire at sinabing, "I just wish most people in the world have the same mindset as us—'yung open to all possibilities, chances, and of course, explanations. 'Yung bang hindi lang puro judgments ang pinapairal."

            "Ang dami na kasing judgmental ngayon," natatawang sagot ni Clarita. "Pero alam mo, naintindihan kita no'ng sinabi mong hindi ka handa. Sa totoo lang, bago ko ipanganak 'yung panganay ko, nabuntis din ako," kuwento ni Clarita.

            "Nabuntis ako kaso hindi ako handa. Nalaglag 'yung bata," kuwento ni Clarita. "Sinisi ako ng mga tsismosang mga kapitbahay naming kesyo raw hindi pa 'ko handa kaya nalaglag 'yung bata kaya nararapat lang daw na nangyari sa'kin 'yun. Ang babastos nila 'no?"

            Tahimik lang na nakinig si Blaire.

            "Dapat daw kasi tinanggap ko 'yung bata—na kasalanan ko naman daw kung bakit ako nabuntis, na nakalimutan ko naman daw kasing uminom ng pills kaya ako nabuntis, na dapat tanggapin ko 'yung bata kasi blessing daw 'yun mula sa Panginoon," kuwento ni Clarita.

            "Pero hindi ba nila alam na malaki ang tsansang malaglag ang bata lalo na kapag first time magbuntis ng isang babae?" dagdag ni Clarita. "Hinanda ko 'yung sarili ko 'no. Hindi ko pinalaglag 'yung bata kahit ilang beses sumagi sa isip ko na ipalaglag 'yung bata kasi 19 pa lang ako no'n, marami pa 'kong pangarap sa buhay at gusto kong makapagtapos ng kolehiyo..."

            "Pero ayun, nalaglag ang bata at nagpatuloy ako sa pag-aaral at nakilala ko ang asawa ko. Kaya lang, hindi pa rin naging maganda ang kapalaran ko kasi nando'n pa rin ako sa skwaters na 'yun at nakapaligid pa rin sa'kin 'yung mga tsismosang mga gagang 'yun," natatawang dagdag ni Clarita.

            "Kumalat pa sa amin no'n na kaya raw hindi ko magawa-gawang umangat sa buhay dahil pinatay ko 'yung una kong dapat na magiging anak. Mga gago sila," natatawang dagdag ni Clarita. "Ang point lang ng kuwento ko ay may mga babae talagang hindi handa na magkaroon ng anak at malaya tayong mamili kung itutuloy ba natin ang pagbubuntis o tatapusin natin. Sabi mo nga, 'Our body, our rules'."

            "Ikaw, hindi mo rin naman pinalaglag anak mo," tapos ni Clarita.

            "Because I know that someone will be there for me," sagot ni Blaire. "Nando'n si Xavier, kaso nga lang, before I could surprise him, nalaglag ang bata."

            "Hey," biglang sulpot ni Exequiel. "Hindi ba kayo nilalamig?" nakangiting tanong nito sabay upo sa tabi at kabig kay Blaire papunta sa mga braso nito. "Kanina pa kayo nandito. Baka kung mapa'no kayo. Ang lamig pa naman," may pagmamahal sa matang sabi ni Exequiel sa asawa.

            "I'm good," nakangiting sagot ni Blaire at nakita niyang lumabas din ng veranda si Benjo para yakapin din si Clarita. "Tulog na si Lara?" tanong ni Blaire kay Exequiel at naramdaman niyang tumango-tango ang asawa bago siya halikan sa noo at yakapin nang mas mahigpit.

            "I love you," bulong ni Exequiel sa tainga ni Blaire.

            Napangiti nang malapad si Blaire at bumulong din ng, "Je t'aime, Mon Amour."

Continue Reading

You'll Also Like

48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
Ink By Ridgeee

Science Fiction

1.8K 114 25
What if we all got a tattoo mark that will easily identify our soulmates?
3.7K 118 44
Beauty, wit, and elegance -- this is Maribelle Pacheco, the queen of Linavio National High School. She can capture the heart of everyone but can also...
241K 13.6K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.