Under His Hoodie

By bratmind

12.1M 559K 374K

(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obse... More

Note
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Nazareth's POV (Part 1)
Nazareth's POV (Part 2)
Nazareth's POV (Part 3)
Special Chapter

Chapter 38

166K 8K 4.5K
By bratmind

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Nadatnan ko si mommy sa sala at nang makita niya ang itsura ko ay agad siyang tumalima. Hindi ko siya pinansin. Mabilis akong umakyat sa kwarto. Tumakbo ako sa kama at humiga.

I found myself crying endlessly.

Pinilit kong huwag lumikha ng ingay dahil ayokong marinig ni mommy ang pag-iyak ko ngayon. My heart broke mercilessly upon remembering what happened earlier.

Nasabi ko na. Hindi ko na mababawi pa ang mga iyon. I stand for what I've said. Hindi kami pwede. Hindi kami maaring dalawa. It might hurt now but I can move on from everything soon.

Nagising ako kinabukasan na namumugto ang mga mata. I was still sleepy but I wanted to start this day as a normal day. Tumayo na ako. Nadaanan ko pa ang vanity mirror sa gilid ng kama ko. Halatang-halata na umiyak ako magdamag dahil namamaga ang mga mata ko.

It was a sad morning. Walang gana akong kumilos. I wore my uniform blandly. Hindi ko alam kung maayos ba ang itsura ko. Nadatnan ko si mommy sa hapag pagkababa ko. Niyaya niya akong kumain pero hindi ako nagsalita. I ignored her as I grab my bag. Pumasok ako sa sasakyan.

Kanina pa tawag nang tawag si Hera. Hindi ko sinasagot. Parang wala akong lakas gumawa ng kahit ano ngayong araw. Though I also didn't understand why I come to school today. My guts told me to do so.

Pagkapasok ko pa lang ng gate, lahat ay nakayuko. Like everyone were mourning. Parang lahat ay pinagsakluban ng langit at lupa. Nagkakagulo. Pansin ko rin na may mga palakad lakad na naka-uniporme na pang pulis.

"What's happening?" I asked myself.

Hinanap ko agad si Hera. Marami pa akong nabunggo. Nakarinig ako ng pamilyar na boses na tila may inaaway.

"Don't you dare touch me, Adam!" sigaw ni Hera. "Paasa!"

Pinapalibutan na sila ng mga estudyante.

"Ihahatid na kita. Walang klase, Hera," ani ni Adam.

Hera scoffed upon hearing what Adam said. "Tang ina mo!"

Napatingin sa 'kin si Hera kaya bahagyang lumiwanag ang kaniyang mukha. "Bi!"

She went to me immediately, leaving Adam behind. Hindi siya mapakali. Hinila niya ako sa sulok dahil pinagtinginan kami nang tawagin niya ako. Tumingin pa siya sa paligid.

"Saan ba tayo pupunta, Her? We still have class."

Umiling siya. Aligaga pa rin. "No, there's no class to attend to."

Kumunot ang noo ko. "Why?"

Kinagat niya ang ibabang labi niya. Binalingan niya nang tingin ang mga estudyanteng dumadaan palabas ng gate, mga nakayuko.

"I-iyon na nga..."

"Ano?"

Lumunok siya at huminga nang malalim. "Kanina pa kita tinatawagan. Gusto ko lang sana itanong kung kasama mo ba si Nazareth kaso hindi mo naman sinasagot ang tawag ko."

I stiffened. Marinig pa lang ang pangalan niya ay tila nakaramdam muli ako ng iba't ibang emosyon. Dumaan ang panandaliang hapdi sa aking dibdib which caused me to tremble a bit. Mukhang napansin iyon ni Hera.

"Bi, ayos ka lang?"

Oo nga pala. Hindi alam ni Hera ang pag-uusap naming dalawa ni Nazareth sa rooftop. Alam ko ring natanggap niya ang video na kasama ako ngunit hindi siya nagtatanong tungkol doon. At ang pag-aaway naming dalawa noong ginawa namin ang paghihiganti ko kay Nazareth.

"I-I'm fine." Huminga ako nang malalim. "H-hindi ko siya kasama, Hera. Bakit?"

Just like what the students were doing earlier, she looked down. Looking undefeated. Agad umusbong ang kaba sa dibdib ko.

"Nazareth Sarmiego is missing."

Nanuyo ang lalamunan ko pagkarinig ko sa sinabi ni Hera. Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam kung bakit nagulat pa ako sa bagay na iyon kung ako naman ang nagtaboy sa kaniya.

Ito ba...

Ito ba ang resulta?

"But the police are still investigating. Hindi pa siya ganap na nawawala dahil 24 hours ang kailangan para masabing gano'n," dagdag niya.

"K-kailan pa siya nawawala?"

Nag-isip pa siya. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa nararamdaman.

"Kahapon. Second period."

Agad akong kinutuban. Kung tama ako, mga gano'ng oras kami nag-usap. I sent the videos before first period. Umaga iyon pagpasok sa school. Pagkatapos ko siyang iwan sa rooftop ay hindi ko na alam ang sunod na nangyari sa kaniya.

I left him there. Alone.

"Are you okay, bi?" tanong niya. "And what's with your eyes? Did you cry all night?"

Umiling ako. She sighed. "I'm still mad, Hellary," aniya. "Dinamdam ko ang pagsasagutan nating dalawa."

Hindi ko siya masisisi. That's our first time to argue.

"I'm sorry." Yumuko ako. "Naging harsh ako. Sorry."

Umiling siya. "Pero wala na 'yon ngayon. Gusto kong suportahan ka sa lahat, bi. Pero promise me na that would be the last."

Tumango ako. "Still, I feel sorry for involving you..."

Inirapan niya ako. "Parang tanga ampota. Okay na nga, eh."

Umiling lamang ako at ngumisi kahit papaano. Hindi muna ako nagpasundo dahil balak ni Hera mag-mall ngayon. Pero hindi ako makakilos nang maayos dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kay Nazareth. Umikot-ikot kami sa mall. Nag-window shopping. But I couldn't concentrate. Lumilipad ang isip ko.

"Don't overthink. I know he's fine, hanging out somewhere."

Hindi na lamang akong nagsalita. Wala na akong pakialam kay Nazareth. I shouldn't even care about what happened to him. O kung nasaan man siya ngayon. Maybe he was just out there doing random things or whatever.

Huminga ako nang malalim. Hinila ako ni Hera sa branch ng Toy Kingdom. Magreregalo raw siya sa inaanak niya kaya panandalian niya muna akong iniwan para maglibot sa loob.

Naagaw ng atensyon ko ang isang bagay. Dinampot ko ang isang laruang ibon. The familiar plastic red feather of the toy reminded me of something. Ibinaba ko ito at isinawalang bahala.

Natapos na si Hera kaya umalis na kami roon. Kumain muna kami sa isang chinese restaurant bago naisipang umuwi na.

Napabuntong hininga ako nang maramdaman ko ang lambot ng sariling kama. Agad nag-sink in sa akin lahat ang sinabi ni Hera na tila ngayon lang ulit pumasok sa kokote ko.

He was missing.

Nazareth was missing.

Pero dapat wala na akong pakialam sa kaniya. He planned to kill me. His parents, his family, killed my father & mother. Nararapat lang sa kaniya 'yon. Ano naman kung mawala siya?

Wala na akong pakialam doon!

My chest hurted a bit. Tumayo ako upang bumaba sa kusina. Uminom ako ng malamig na tubig galing sa ref para kahit papaano ay kumalma.

Sinubukan kong aliwin ang sarili ko sa pagbabasa ng mga memes at cat videos sa youtube kahit allergic ako rito. Bata pa lang ako gusto ko na ang pusa. Pero napilitan akong lumayo sa mga ito dahil agad akong inaatake ng allergy. Nagkakapantal pantal ang balat ko at nahihirapan akong huminga.

My phone vibrated.

Nakita kong nag-text si Hera. Tinaas ko ang nag-pop up na message niya dahil busy ako sa pinapanood. Ngunit ang text niya ay nasundan ng tawag.

Annoyed, I answer it.

"Hellary! Putangina!"

Nahimigan ko ang natatarantang boses ng kaibigan.

"Why? What's happening?"

Rinig ko ang malulutong niyang mura at paghinga ng malalim, pinapakalma ang sarili. "Hellary.."

"Hera, calm the fuck down. You're making me so damn nervous!"

Rinig ko ang malalim niyang paghinga. Panandaliang tumahimik.

"Now tell me what's happening."

"Hellary..."

"What's up?"

"N-nahanap na ng mga pulis si Nazareth."

Natahimik ako.

"Okay. Good for him. Sige na, I'm gonna hang u—"

"They found his cold body, Hellary," she added. "The dead body of Nazareth."

Nabitawan ko ang hawak na baso. It shattered into pieces. Lumikha ito ng ingay. But I couldn't grasp what she said. Thousands of scenarios came to my mind.

They found his cold body.

The dead body of Nazareth.

"H-Hellary? Ano 'yon? N-nandiyan ka pa ba?"

Hindi ako makapagsalita. There's a lump in my throat, restricting me from uttering words. Even if I want to, I couldn't. Nauunahan ako ng emosyon ko. This wasn't happening.

"I-I'm not in a right mood for pranks, Hera!" sigaw ko.

"I wish it's just a p-prank," she said. "His car jumped off in a cliff. The police thought the victim was drunk. Nakita ang katawan niyang paagos-agos sa isang ilog pero ang sasakyan niya ay nakita sa ilalim ng bangin."

Tila nabingi ako sa narinig.

Mabilis kong pinatay ang tawag. Nagmamadali akong umakyat, hindi alintana kung naapakan ko na ang mga bubog dulot ng pagkahulog ng baso. One thing was certain, I wanted to see it myself. Hindi ako naniwala.

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis ng bahay. Nakita ko na lang ang sariling lulan ng pampublikong sasakyan. Panay ang tingin sa 'kin ng mga tao roon ngunit wala akong pakealam.

Agad akong bumaba sa sinabing lugar ni Hera. Halos manlumo ako nang makita ang maraming pulis. Nanlambot ang tuhod ko. It was really happening...

"Hellary!"

Nagmamadaling lumapit sa 'kin si Hera. Napansin kong marami ring taga-Elron High ang nandito. May mga reporters din sa iba't ibang istasyon na narito, pilit sumisiksik sa nangyayari.

Hera embraced me tightly.

"I-It's not Nazareth," sambit ko. Nanginginig ang aking kalamnan.

Umiling si Hera. Naluluha na rin. Dahil kahit papaano ay ilang taon niya ring inidolo si Nazareth. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay. Malamig ito. Kasing lamig ng isang nyebe.

"Excuse me po! Padaan! Padaan!"

Gumilid ang mga tao nang dumaan ang isang strecher na tulak-tulak ng mga rumesponde. Nag-iyakan ang mga estudyanteng nakakita.

"Padaan sabi! Padaan! Excuse me!"

Parang tumigil ang mundo ko. Bumagal ang lahat sa paligid ko. Kitang-kita ko ang isang tao na natatakpan ng tela ang buong katawan. Nanigas ako. Hindi ako makagalaw.

Hindi siya.

Hindi siya si Nazareth.

Alam ko.

But my assumption was gone after the white cloth slowly went down. Natanggal ang tela sa may parte ng mukha nito. My knees went numb. Napaluhod ako nang makita kung sino ang nakahiga sa stretcher.

Nakapikit. Duguan. Hindi humihinga. Walang buhay.

Natakpan ko ang sariling bibig. Hanggang sa tuluyan na ngang umalis ang ambulansya. I felt a thunder of pain across my heart.

Those familiar features hunted me every night. Kaya alam ko na sa sarili ko. Kahit ayokong tanggapin. Kahit alam ko sarili kong galit ako sa kaniya...

It was him.

That someone lying on the stretcher was Nazareth Sarmiego.

Agad akong dinaluhan ni Hera. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Basta ang alam ko ay dinala ako sa hospital ni Hera nang makita ang duguan kong paa na puno ng bubog.

Hindi ako tumigil sa pag-iyak. Kahit habang tinatanggal ang mga bubog sa paa ko ay hindi manlang ako nakaramdam ng sakit, ng hapdi. Dahil walang tatalo sa nararamdaman ko ngayon. Doble-doble pa sa sakit ang kumakain sa 'kin ngayon.

Why is this happening?

"I-It's my fault, Hera." Hawak-hawak ni Hera ang kamay ko habang nakahiga ako sa hospital bed.

"Shhhhh. Rest, Hellary. Malalim ang sugat mo. Ang sabi ng nurse ay kapag pinwersa mo pa ang sarili mo ay baka magka-infection ang paa mo." She looked devastated right now. "Please lang, magpahinga ka na."

"Kasalanan ko. Pinalayo ko siya. Pinapaalis ko siya sa paningin ko. Hiniling ko na sana mawala na siya nang tuluyan. I-it's my fault!"

Humagulgol ako ng iyak. Niyakap lamang ako ni Hera. "Don't blame yourself for what happened. May rason ang lahat kung bakit nangyayari ito."

Nakatulog ako kakaiyak. Sa aking pagtulog ay nakita ko siya. He was there. He's alive. Naabutan ko raw siya sa rooftop ng school. Nakapatong ang paboritong niyang ibon sa kaniyang daliri habang pinapakain niya ito.

He looked so happy with it. I could see it through his eyes. Bahagya pa siyang kumakanta na 'tila napakasaya niya ngayong araw.

Lumingon siya sa 'kin. Rumehistro ang pagkagulat sa kaniyang mukha ngunit agad ding bumalik ang pamilyar na ngisi. "Love!"

Love.

Pinasok niya ang ibon sa loob ng hawla nito. "Kapag wala ako ikaw ang magpakain kay Pussy, love ha." Ngumisi siya. "Huwag na huwag mo lang talaga hihimasin ang ibon ko. Mahirap na."

His familiar laugh lingered around the rooftop.

"Is that a food? Sakto. Gutom na gutom na ako," aniya. Ngunit natigilan nang may napansin. "Oh? Umiiyak ka na naman."

Hinila niya ako palapit sa kaniya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang supot na hawak ko pero itinabi niya ito. Hinayaan niyang sumandal ako sa kaniyang dibdib at doon ay niyakap niya ako nang sobrang higpit. He played with my hair constantly.

"What's bothering you?" His voice was husky and gentle.

Sumisikip ang dibdib ko. Mula sa aking pwesto ay hinawakan ko ang kaniyang mukha. Sa makakapal niyang kilay, sa mata niyang may mahahabang pilik-mata, sa matangos niyang ilong, at sa mapupula niyang labi. Dinama ko ang panga niya sa mga palad ko. Umigting ito.

"Gwapo ko siguro," he teased. "What's wrong? Tell me."

Humagulgol ako ng iyak. He chuckled. Mas niyakap niya pa ako nang mahigpit na mahigpit. Hindi ko na kaya. Nasasaktan ako nang sobra.

"Stop crying. Please, love. It's hard for me too," he said. "I need to leave. It's for our good. That would take some time, but I'll still come back."

"I-I-Iiwan mo ako..."

He kissed my temple softly. "I won't. Nandiyan naman si Pussy. Babantayan ka niyan." Tinuro niya ang ibon. Tumingin ito sa amin at nag-ingay. "See? He's now laughing with your cry-baby face. Stop it already."

Ginulo niya ang buhok ko ngunit hindi ako tumahan. Mas lalo ko lamang siyang niyakap nang mahigpit. "Please, tell me this is not a dream."

Hinayaan niya lamang akong yakapin ko siya. Lumayo ako nang kahit papaano ay tumahan na.

"Hellary," he called my name.

He now looked serious. Gone was the carefree vibe from him. Tinitigan niya ang mata ko. His hand made its way to my cheek. He held it gently & tender like I'm a fragile glass.

"Don't ever blame yourself for everything. Mapapatay ko ang sarili ko kapag nasaktan ka."

Muli na namang tumulo ang luha ko.

"Can you do it for me, love?"

Hindi ako sumagot.

"Please?"

Dahan-dahan akong tumango. He sighed in relief. "That's my girl."

He embraced me again in his arm tightly. This time, I didn't resist. I gave all my heart and let myself hug him even tighter.

"Rest, Sarmiego."

Nakita ko na lang ang sarili kong umiiyak pagkagising. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa mailabas ko na ang lahat ng sakit kahit papaano. Para akong may hangover dahil sa sariling panaginip. Pero ngayon ay parang kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

Wala akong nadatnan na Hera sa kwarto. I tried to stood up pero agad din akong natigilan dahil sa dumaang sakit sa paa ko. I whimpered in pain. Tila ngayon lang rumehistro ang sakit sa akin.

Napapikit ako.

Ngunit natigilan ako nang marinig ko ang sigawan mula sa labas.

"Hellary is still asleep! You can't go inside!"

"Shut the fuck up! I need to see that bitch!"

Si Hera iyon at isang pamilyar na boses. Nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto. Kitang-kita ko kung paano pumasok ang galit na galit na si Kestrel. Sa likod niya ay si Hera na tila gusto nang sipain palabas ang babae. Nanlilisik ang mata ni Kestrel.

"Bi! Nagpupumilit siyang pumasok!"

"No. It's oka—"

Malutong na sampal ang agad iginawad ni Kestrel. Halos mabali ang leeg ko. Lalo na't nasundan pa iyon nang isa pang sampal. Hinila niya ang buhok ko kaya sumama ang katawan ko't bumagsak. I silently whimpered in pain when I felt the pain from my feet.

"Putangina ka! Putangina dapat mamatay ka na!" galit na sigaw niya.

Pilit siyang tinutulak ni Hera pero hindi nito magawa dahil desidido akong masaktan ni Kestrel. Nanlilisik pa rin ang mata nito. Hindi ko magawang lumaban pabalik dahil alam ko kung saan nanggagaling ang galit niya. Hindi ko siya masisisi.

"Dahil sa 'yo namatay si Nazareth! Ikaw ang may kasalanan!"

Napapikit ako at hinayaan siyang saktan ako. May mga dumating na security guard at agad siyang inilayo sa 'kin. Pilit siyang kumakawala sa mga ito kaya nakalmot ako sa aking mukha.

"You should rot in hell! Ikaw na lang ang dapat mamatay at hindi siya!"

Pilit siyang hinihila ng mga guwardiya. Sumisilip na ang mga taong napapadaan sa kwartong kinaroroonan namin. I didn't speak.

"Ano?! Magsalita ka! Aminin mong ikaw ang may kasalanan!" Gone was the innocent face of Kestrel.

Niyakap ako nang mahigpit ni Hera. Inalalayan ako ng mga nurse na dumating upang mahiga sa kama.

"Go home, Kestrel! Walang kasalanan ang kaibigan ko!" sigaw ni Hera.

Kestrel scoffed. She darted her bloodshot eyes directly at me.

"Nazareth is an orphan. Ampon lang siya ng pamilyang Sarmiego!" I stiffened. "Now tell me if it's not your friend's fault?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 76.7K 44
(Garnet Boys Series #2) Aurelia turns out to be the daughter of a big time criminal. And she lost everything because of it... Yaman, mga kaibigan, at...
1M 32.7K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
2.1M 53.1K 53
Sophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and...
14.3K 137 3
Lilliana Agnes Fabian Cooper, an aspiring and amateur writer on a mission to make her comeback to the writing world, is determined to master the art...