Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 9🌿✨ -Treasure

1.6K 48 3
By aefanfiction

Angge's POV:

It's been a very busy day. As usual may trabaho pa rin ako, katatapos lang ng taping namin para sa isa kong show.

Kasalukuyan naman akong nagliligpit na ng mga gamit ko. Hindi ko kasi kasama ngayon si Ate Irene dahil may pupuntahan pa ako.

Matapos kong magligpit ay tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin. Suot ko pa rin ang damit ko kanina para sa taping.

Nakarompers ako na green at heels dahil iyon ang theme namin ngayon. Kung tutuusin ay okay naman pero feeling ko ay hindi ito tama sa okasyon kaya agad kong itinext si Erik para pagmadaliin na siya nang makadaan pa kami sa bahay bago kami umalis.

Kanina pa nga rin siya hindi nagtetext kaya hindi ko alam kung nasaan na siya. Kanina lang kasi ay sinabi niya na hinatid niya lang ang Tatay at Nanay niya pati ang bunso nila sa airport dahil magbabakasyon ang mga ito sa Cebu ng isang linggo pero siguro naman parating na siya.

Dahil nainip na ako maya-maya lang ay lumabas na rin ako at dahil anong oras na ay napagpasyahan kong lumakad na para hintayin siya sa parking lot.

Habang naglalakad ako ay bigla namang nagring ang telepono ko kaya agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Umaasa ako na sana si Erik na pero hindi...

*Ate Vice calling*

Napabuntong hininga naman ako bago sinagot ang tawag habang naglalakad pa rin ako palabas ng building.

"Hello te? Happy birthday!" pinilit kong pasiglahin ang boses ko kahit na ang totoo ay dismayado ako.

"Angge! Awww thank you baby sister ko! I miss you!" masayang sabi niya, "Oh ano na nasaan ka na?"

"I miss you too. Nandito pa ako sa studio."

"Oh akala ko ba pupunta ka? Inaantay ka na ng mga tiyahin mong beki dito oh!" sabi naman nito sa akin.

"Oo naman pupunta ako 'no, chill ka lang katatapos lang kaya ng taping ko pero pauwi na ako para magbihis."

"Aba dapat lang. Paspecial ka ah, ako ang may birthday ako pa ang tumatawag. Tsaka teka nga, bakit parang ang lungkot yata ng boses mo ha? Anong drama natin girl?" nagtatakang sabi niya

"H-Ha? Hindi ah, masaya kaya ako. Issue ka." pabiro ko namang sabi

"Weh Angeline, memetey? Naku boses mo pa lang no alam na alam ko na na may ineemote ka. Nasaan ka na ba kasi, akala ko ba pupunta kayo ni Erik?"

Napabuntong hininga naman ako. "Yun na nga e, pupunta kami pero hanggang ngayon wala pa ring Erik na nadating dito." inis na pag-amin ko.

"Ayoooon kaya ka badtrip, di pa nagpapakita ang lalaki mo." biro naman niya

"Ate naman eh!"

Lalaki talaga?

"*laughs* Char lang ito naman! E baka naman kasi may dinaanan lang si 'Pogs' mo. Ikaw naman masyado kang mainitin ang ulo para ka laging maagawan, di mo naman jowa."

Minsan talaga wala ring preno ang bibig nito.

"Alam ko. Kelangan paulit-ulit pa?" birong pataray na sagot ko naman sa kanya dahilan para tumawa siya.

"Hay nako ikaw talaga napaka ano mo basta si Erik ang usapan. O siya sige na basta pumunta kayo ah. Aasikasuhin ko muna ang boylet dito para pag di ka sinipot ni Erik makaawra ka sa mga otoks dito. Byeee!"

Hah. As if naman. Baka mapatay kami pareho nung lalaki ni Pogs kapag ginawa ko yun.

Ipinatay ko na ang tawag at nagsimula na ulit maglakad.

Itetext ko na rin sana ulit si Pogs nang matigilan ako nang makarinig ako ng pamilyar na tawa sa hallway pagliko ko.

Pagkaliko ko pa lang ay nakumpirma ko na nga agad ang hinala ko. Tama nga, tawa pa lang niya alam na alam ko na.

Tumaas ang kilay ko nang wala sa oras. Anong meron? Bakit sila magkasama?

"Oh Angeline, you're here din pala! Hello!" bati sa akin Kei at bumeso pa pero nanatili lang akong nakatingin kay Pogs na nakatingin din sa akin na parang sinasabi na agad na 'let me explain'.

"Magkasama kayo?" kaswal namang tanong ko kay Kei.

Kalmado pa ako pero naiinis na din ako. Kalma lang Ge, masamang manakit ng hayop. Dog lover ka nga diba?

Anong meron, nagbonding sila? May field trip ba sila na hindi ko alam?

"Ah yeah, *chuckles* kasi galing akong flower shop. I was also buying some for Ate Cynthia kasi. Then ayun, accidentally nakita ko si Erik doon, he's also buying flowers. So ayun, sumabay na ako sa kanya papunta dito. Wala kasi akong dalang car e." masayang sabi naman ni Kei

Tsh, wala ba siyang pang-taxi o Grab para makisabay pa siya?

Napatingin naman ulit ako sa dalang bulaklak ni Erik. Isang bouquet ng red roses.

"Ah, I see." nakangiti ko ring tugon sa kanya bago ibinalik ang tingin ko kay Pogs na parang kabadong-kabado na.

"Nagulat nga ako nung makita ko siya doon. Imagine, isang Erik Santos mukhang may gusto yatang ligawan." panunundyong sabi pa ni Kei

I smirked habang nakatingin kay Pogs. Mukhang kinakabahan talaga siya. Hmmmn.

"Ay weh? May pinopormahan ka na nga ba, Pogs? Parang wala ka naman yatang nababanggit sa akin." makahulugang sabi ko.

He looked at me intently. Parang sinasabi niya na 'ano bang ginagawa mo Ge?' pero I just ignored him and looked at Kei.

"Oo nga naman Erik. Sino bang pinopormahan mo? Para kanino din ba yang flowers na yan, we wanted to know."

"Uhmmm... kasi ano... Lov---" sabi naman ni Erik habang akmang iaabot sa akin ang bulaklak pero bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay inunahan ko na siya.

"Ah eto ba, ah sa 'kin 'to. Diba Pogs?" sabi ko naman at kinuha yung bulaklak sa kamay ni Erik.

I saw how much shock is written on Kei's face.

"Ang ganda, thank you Pogs! I love it, kaya sayo ako eh!" sabi ko pa sabay kindat at kunyaring sinipat ang bulaklak.

"I-is that for you?" takang tanong naman ni Keia.

I nodded. "Hmmmn. Diba Pogs?" tanong ko ulit dahilan para mapatingin muli si Kei sa kanya.

"A-ah, yes. It's really hers." sagot naman ni Erik habang tensyonado pero matamis na nakangiti sa akin.

"H-Ha, but I thought..." di ko nanaman pinatapos si Kei dahil nagsalita na ulit ako.

Shookt ka ghourl?

Nginitian ko siya.

"Sa akin 'to kasi pinabili ko 'to sa kanya. Birthday kasi ni Ate Vice at pupunta kami sa party kaya nagpabili ako ng bulaklak. Magkano nga 'to Pogs?" sabi ko naman at inilabas ang wallet ko.

Doon naman ay halos mapanganga silang pareho sa sinabi ko... Lalong lalo na ang mahal kong si Erik Santos. See?

"Ah haha, I see. I thought... Ah never mind." medyo tensed din na sabi ni Kei "Uhm so paano, I'll better go now. Mag iingat kayo. Bye Angeline, bye Erik see you around." sabi niya sa amin at muling tumingin kay Erik bago nagsimulang maglakad na palayo.

"Bye Keia! See you around." sabi ko sabay mahinang tawa habang paalis siya.

Feeling ko nagchampion ulit ako dun ah.

Nang makalayo na si Keia ay muli na akong humarap kay Erik.

All smiles ko siyang tiningnan bago iniabot pabalik sa kanya ang bulaklak at nagsalita.

"Tara na, 'Erik'" sabi ko na ginagaya ang tono ng maarteng pagbigkas ni Keia sa pangalan niya.

"Tsh, simpleng Erik lang hindi pa mabigkas nang maayos." bulong ko pa sa sarili ko.

Dahil doon ay malakas naman siyang tumawa pagkatalikod ko dahilan para lingunin ko siya ulit. "Wag kang tumawa hindi ako natutuwa sayo."

Pero imbes na tumigil ay tumawa pa rin siya at inakbayan ako habang naglalakad kami patungong parking lot.

"Ako, tuwang tuwa Love. Ang galing mo dun." tumatawa pa ring sabi niya.

Hinampas ko naman siya sa braso. Sayang saya pa rin siya oh.

"Kainis. Para kanino ba kasi yang bulaklak na yan ha? Ipapahamak mo pa ako e. Yung totoo Erik, magtatayo ka ng flowershop?"

"Syempre para kanino pa ba, edi malamang sayo." natatawang sabi niya. Ay para sa akin ba? Sorry naman. "Pero Love ang bilis mo dun ah. Parang pwede ka nang mag artista. Talino." maloko namang sabi niya.

I rolled my eyes. Duuuuh, magaling kaya akong mag inarte kay Mama Bob bata pa lang ako.

"Duuuh syempre naman. Ako pa ba magpapatalo. Hah, Erik never. Never. Wag ako." confident na sabi ko.

"Kaya mahal na mahal na mahal kita, that's my girl." sabi niya bago ako hinalikan sa pisngi at ginulo ang buhok.

Yes, I'm definitely his girl.
-----------------------------
PAGKADATING na pagkadating namin sa party ni Ate Vice sa isang bar ay kaagad kaming sinalubong ng mga kaibigan namin na nandoon din sa party.

Nandoon halos lahat ng mga artistang kaibigan at katrababo naming dalawa ni Pogs. Ganoon kasi kalawak ang mga kaibigan at mga kakilala niya kaya halos lahat ng katrabaho namin ay nandito din.

Sayang nga lang at wala si Yenggay ngayon dahil nagbakasyon siya kasama ang asawa niya sa ibang bansa.

Nagparty lang kami nang nagparty. We literally enjoyed the night. Hindi naman ako sobrang mahilig sa mga ganitong party pero nag eenjoy naman ako.

Kaunting usap kasama ang mga kakilala at kaibigan. Ganoon talaga, syempre buhay showbiz.

"Oh Ge, bakit naman nakaupo ka lang diyan? Ubos na ba ang energy?" napalis naman ang pagtitig ko sa mga nagsasayawang mga tao sa dance floor nang biglang dumating si Ate Cynthia. Iniabot niya sa akin ang isang glass ng wine bago umupo sa kaharap ko na couch.

"Nagrerecharge lang Ate. Napagod akong makipagchikahan e." sabi ko naman at uminom nang kaunti mula sa baso.

"Uhuhm. Tama yan, magrecharge ka talaga kasi mukhang may ihahatid ka pa pauwi mamaya. Kaya hinay lang sa pag inom." sabi naman ni Sir Erickson, ang manager namin ni Erik.

Natawa naman ako at napailing. Mukha nga. Inilapag ko ang baso sa lamesa bago ko iniikot ang paningin ko.

Nasaan nanaman kaya yun?

"Ate Cynthia nasaan na nga pala si Erik?" tanong ko naman. Kanina ko pa nga siya hindi nakikita. Nasaan na nga kaya yun?

"Sus nandiyan lang yan sa paligid. Huwag mo din muna masyadong alalahanin yun. Malaki na yun."

"Eto naman, masyadong natataranta kapag nawawala sa paningin niya ang Pogs niya." dagdag pa ni Ate Cynthia bago sila tumawa.

Ako nanaman ang napagtripan nila.

"Pogs? Bakit niyo pinag uusapan si Pogs ha?" bumaling naman ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ng lalaking kanina ko pa hinahanap. Nakatungkod ang isang kamay niya sa uluhan ng couch na sinasandalan ko habang ang isang kamay naman ay may hawak na baso.

"Sinong naghahanap kay Pogs? Bakit hinahanap si Pogs?"

Ay oh, lasing nanaman.

"Ako po Mister. Kanina pa kita hinahanap. Saan ka galing?" tanong ko naman sa kanya. Pero imbes na sumagot sa tanong ko ay umupo lang siya sa tabi ko at biglang yumakap sa akin.

"Ikaw ba ang naghahanap kay Pogs? Ha Sexy?" sabi niya habang nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko.

Sa kilos niya pa lang, alam na alam ko na agad na tinamaan na siya ng ininom niya.

"Opo, ako po ang naghahanap sa iyo mahal na hari. Saan ka ba galing ha? Lasing ka na yata." sabi ko naman sa kanya. Inilayo niya naman ang mukha niya sa leeg ko pero nanatili siyang nakayakap sa akin bago sumagot.

"Hmmn diyan lang, bakit namiss mo na ba agad ako, Love? Tsaka hindi pa ako lasing. Hindi ako lasing."

I smirked. "Talaga lang ha? Hindi pa sa lagay na yan ah?"

"Uhuh. Kaya ko pa ngang sumayaw e. Gusto mong makita? Tara na kasi, tayo na dyan. Let's party!" sabi niya at tumayo sabay hila sa akin para rin tumayo sa couch.

Pero tumawa lang ako

"Ayoko Love, dito na lang ako." pa iling kong sabi sa kanya.

"Eeeeh tara na Love. Let's enjoy the night. Ang saya nung kanta oh." sabi niya pa at sumayaw pa sa harap ko.

Nakita ko namang tumatawa sila Ate Cynthia at Sir Erickson dahil sa ginawang pagsayaw ni Erik sa harapan ko. Napailing na lang tuloy ako. Talagang gagawin niya lahat ng kalokohan kahit pa mapahiya siya. "Tara na Love, ipakita mo sa kanila yung pamatay na dance steps mo." sabi niya pa at hinawakan ang kamay ko habang sumasayaw.

"Ikaw na lang ang sumayaw doon Love. Sige na, nandoon naman sila Kaze oh." sabi ko naman ulit.

Bigla naman siyang tumigil sa pagsayaw at biglang sumimangot. "Hahayaan mo akong mag isa, doon? Hindi mo talaga ako sasamahan?" sabi niya sabay tingin sa dance floor.

I can see how people were dancing so wild. Ang daming halos magmake out na habang sumasayaw.

Iniisip ko pa lang na may biglang lalapit kay Erik na iba at sasayaw sa harapan niya ay umiinit na agad ang ulo ko. Napalunok naman ako. I sighed in defeat.

Tumayo ako at inayos sandali ang maikli black na dress na suot ko. Nakita ko namang biglang sumaya ang mata ni Erik dahil sa ginawa ko.

"Let's go." I said and held his hand tight.

Mahirap na, baka maagawan pa bigla.
----------------------------
PINAUNA ko na si Erik na pumunta sa dance floor dahil pumunta muna ako ng CR para naman makapag retouch nang kaunti. Medyo nahulas na rin kasi ang make up ko pero keri pa naman, fresh na fresh pa.

Ngiting ngiti naman akong lumabas at doon na naglakad papunta sa maraming taong nagsasayawan.

Mahilig din naman ako sa parties, mahilig akong gumimik lalo na kapag may libreng oras ako mula sa trabaho pero sa kabilang banda tahimik rin naman akong tao.

Sobrang lakas ng tugtog, patay sindi ang mga iba't ibang kulay na mga ilaw, may alak.

Habang naglalakad ay inumpisahan ko nang hanapin si Erik sa kumpol ng mga nagsasayawan sa gitna.

Medyo naisip ko rin na mali pala na pinauna ko siya dahil ngayon ay hindi ko nanaman siya mahagilap sa sobrang dami ng mga tao dito.

May kanya kanyang buhay ang mga tao dito. May ibang nagsasayaw kasama ang mga kaibigan, may iba naman na para bang ginawa ng hotel ang dance floor at dito pa talaga naghahalikan haaay.

Nakakainggit. Joke lang.

Nasaan na kaya yun?

"ERIIIIK! ANG GWAPO MO!!!" I then heard someone shouted.

Kahit na malakas ang tugtog, malinaw na malinaw ang boses kaya naman agad ko itong sinundan kung saan ito galing.

Hindi ako siguro kung ang Erik na yun ay ang Erik ko pero bakit ba? Try lang naman.

"AAAAHHH ERIIIIK!"

And then, ayun nga, I saw 'my' Erik dancing happily.

Kitang kita ko kung paano siya tinitilian ng mga babae habang sumasayaw siya sa tugtog ng kantang "Treasure" ni Bruno Mars.

(A/N: Kung napanood niyo yung video nila noon, maiimagine niyo 'to hoho.)

Napailing na lang ako. Talagang lasing na siya.

"ERIK! ERIK! ERIK!" paulit ulit na cheer ng mga babae na ngayon ay nakapaligid kay Erik.

I can see how happy those three girls are na hindi pamilyar sa akin while they were screaming for my guy na para bang mga teenager na nakakita ng jowable na basketball player sa liga.

Aba tingnan mo nga naman saglit lang akong nawala may lumilingkis na kaagad.

At oo, akin sya. Ipapakita ko sa kanila kung ano ang kay Angeline.

Ngayon pa ba ako magpapatalo?

Para namang walang pakialam si Erik sa mga babae dahil sumasayaw pa rin siya kahit na mag isa lang.

Napailing naman ulit ako.

Sa ginagawa niya talaga tuwing nalalasing siya, palagi niya akong binibigyan ng rason para palagi siyang sundan at sunduin sa tuwing nakakainom na siya.

Undeniably, he is very hot and handsome kaya walang duda na talagang kahit hindi siya mag initiate ay lalapitan siya ng mga babaeng matitipuhan siya.

He's not just a man by the way, he is Erik Santos.

By just staring at him from afar ay naiinlove na kaagad ako.

Ang gwapo naman kasi siz, sarap iuwi.

Gusto ko pa sana siyang panoorin na mag isang sumasayaw lang dahil ang gwapo niyang panoorin ay naalarma naman ako nang makita kong lalapitan na siya ng isa sa mga tatlong babaeng kanina pang sumisigaw ng pangalan niya.

The girl started dancing while going to Erik's direction. Nakita kong napatingin rin si Erik sa kanya kaya naman yun na ang cue ko para umeksena.

Wrong move ka diyan, Miss.

Akin yan.

Mabilis pero with poise akong lumakad papalapit sa kanila.

Kulang na lang ay effects na lumilipad ang buhok ko para bongga.

"Hi handsome, do you want to have some fun?" sabi nung babae na patuloy pa ring sumasayaw.

Fun fun ka dyan, gusto mong sapukin kita?

When the girl was about to touch Erik's face while still continuously dancing ay hinawakan ko na si Erik sa balikat dahilan para humarap siya sa akin at doon kaagad akong sumayaw sa harapan niya.

Sayaw. As in yung sexy na sayaw.

Kahit na madilim ay kitang kita ko ang amusement at ang saya ni Erik habang nakatitig lamang sa akin habang nagsasayaw pa rin ako.

Parang gulat na gulat siyang makita ako na sumasayaw sa harapan niya.

For sure ay nakilala niya kaagad ako. Kilalang kilala namin ang isa't isa.

At para bang tumigil ang mundo niya dahil sa ginawa ko. Hindi siya makagalaw ng ilang segundo.

Well, yun naman talaga ang plano ko, yung makuha niya ang atensyon and that went so fine.

Muli ko namang tiningnan ang babae na para bang gulat na gulat sa ginawa ko. Hindi ko alam kung epekto ba ng alak o sadyang selosa lang ako kaya matapang na ako ngayon na gawin ito.

Pag akin kasi, akin lang.

"May kailangan ka?" painosente pero matapang na sabi ko sa babae.

Tiningnan naman ako nung babae from head to toe. Parang sinisigurado niya kung sino ako.

Oo girl, wag kang magduda. Si Angeline Quinto ang kaharap mo. Ako lang naman 'to.

Pero hindi pa man ito nakakapagsalita muli ay si Erik na ang nagsalita. "Sorry, but I'm with her. She's more than enough for me to have fun tonight." sagot niya at hinalikan ako sa noo.

Take note. Sa harap nung babaeng humaharot sa kanya.

Aaaah Erik, tara na uwi na tayo.

De joke ang harot.

Doon ay hindi ko na napigilang hindi ngumiti. Ugh I'm really inlove with this man infront of me.

May inis naman sa mukhang kaagad na tumalikod paalis ang babae na sinundan ng mga kaibigan niya.

Hindi ko na napigilan na hindi tumawa nang malakas dahil sa nangyari. Wala akong pakialam basta feeling ko ngayon nanalo ulit ako sa Star Power.

Tinitigan naman ako ni Erik bago muling nagsalita "Kuntento na ako dito sa babaeng mahal ko."

Dahil doon ay hinaplos ko ang pisngi niya at mabilis ko siyang hinalikan sa labi.

"I love you pogi." sabi ko at kaagad kong ipinulupot ang braso ko sa mga leeg niya at muli kaming nagsayaw.

🎼 NOW PLAYING: Treasure

(A/N: Patugtog na lang kayo sa YouTube para maimagine niyo haha k.)

"So ano namang masasabi mo, Love? Ang galing ko ba?" tanong ko. Magkadikit na magkadikit kami ngayon dahil bukod sa siksikan sa dance floor ay maingay ang tugtog na pumapailanlang sa loob ng buong lugar kaya hindi kami magkakarinigan.

"Hindi lang magaling, sobrang galing. You surprised me, Love." he said.

Yung galaw ng katawan niya, sobrang hot. Hindi ko mapigilang maisip.

"Talaga? Good, ipinapakita ko lang naman sa kanila kung ano ang akin. At kung ano ang akin, hindi ko shineshare sa iba." I said at hinawakan ang mga labi niya.

Ang kakapal ng mukha ng mga babaeng yun na pagnasaan ang Pogs ko. Aba, hindi sila uubra sa akin.

He laughed "You see, those girls are nothing compared to you. Kaya wag kang mag alala, iyong iyo lang ako, Love. Ikaw ang pinakamaganda at pinakasexy sa paningin ko."

"Sus talaga ba, e titig na titig ka nga doon sa babae kanina. Malamang yan kung hindi ako lumapit baka bumigay ka na."

"Huh no way. Kita mo naman sobrang loyal ko sayo, mag isa lang na nagsasayaw kanina dito. Takot ko lang sayo." natatawang sabi niya

"Tama yan, tsaka type mo ba yun e wala ngang boobs yun? Gusto mo yung ganun Love?"

Totoo naman kasi. Ang lakas ng loob magtube, flat na flat naman.

"Hindi. Alam mo yan na hindi." natatawang sabi niya

"Ayan. Kaya iyo ako eh. Good job, my Love" sabi ko then I laughed.

Aba dapat lang, babalian ko talaga siya ng buto at yung babaeng yun dito mismo kung talagang nakipagsayaw siya.

"But seriously, Love, you were so hot earlier at hanggang ngayon. You are so amazing." he sexily said and that made me blush. Kahit siya naman, he is so hot.

Siguro kasi nakainom na rin kami pareho.

"Ikaw rin naman, kaya nga nilalandi ka nila eh pero sorry na lang sila dahil sa akin lang gigiling ang katawan na 'to." pabiro kong sabi at hinaplos ang dibdib niya.

Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko yun sa kanya.

Ang gwapo talaga.

We both laughed so hard while still dancing. Patuloy kaming nagkwentuhan while enjoying the beat of every music.

It feels so good to enjoy this kind of night kasama ang taong sobrang malapit sa puso mo.

"I love you." he then said out of the blue at hinalikan ako sa tungki ng ilong ko.

"I know and I love you too." sagot ko naman sa kanya nang nakangiti.

"I love you more." sabi niya bago ako mabilis na hinalikan sa labi.

"Mas mahal kita, Mr. Erik Santos." sagot ko naman nang natatawa.

He shrugged.

"Mas mahal na mahal na mahal na mahal kita Angeline." sabi niya bago ako hinalikan nang matagal sa labi. He then showered my face with butterfly kisses while saying "I love you" repeatedly.

Nakakatuwa lang. Para siyang bata. Wala kaming pakialam sa mga tao sa paligid namin.

It's as if like it's just the two of us having fun together. Ganito kami palaging dalawa. Tila ba mundo na namin ang isa't isa.

Nang siguro ay mapagod na siya ay nag aya na siyang bumalik sa upuan namin. Pagkaupong pagkaupo pa lang ay yumakap siya kaagad sa akin at muling isinubsob ang mukha niya sa leeg ko.

Ilang minuto din siyang ganoon lang at hindi nagsasalita. I can see everyone's eyes in the table were on us. I was about to call out his attention nang bigla naman siyang nagsalita.

"Ge, I love you." maya maya ay bulong niya sa akin.

Mukhang lasing na nga talaga siya.

"Pogs tara na, umuwi na tayo." bulong ko sa kanya pero imbes na lumayo sa akin ay lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa mga bewang ko at lalong sumiksik sa leeg ko.

"M-Mahal na...*hik* mahal na mahal... k-kita Ge. P-Please, don't leave...*hik* me." sabi pa niya habang nakayakap pa rin sa akin.

I sighed at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay maiiyak ako sa sinabi niya. He's asking me not to leave him, he's asking me to stay kahit na nasa tabi niya naman ako.

"Ssssh, I will never leave you. Hindi, Pogs." sabi ko naman sa kanya at hinaplos ang mukha niya.

Napapalaban ako sa English pag lasing 'to eh.

Doon ay iniangat niya nang kaunti ang mukha niya para titigan ako sa aking mga mata.

"Talaga?" he asked me like a kid whose really afraid of losing someone.

Tumango naman ako.

Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. Dahil nakayakap siya sa akin ay nakatingala siyang nakatingin sa mukha ko.

Hinaplos niya ang mukha ko bago siya nagsalita.

"H-Huwag mo akong i-iiwan ah... hindi ko k-kayang wala k-ka."

Muli siyang sumubsob sa leeg ko pero this time nararamdaman ko na na hinahalikan niya ang leeg ko.

Medyo nailang ako sa ginagawa nito.

Jusko, dito talaga?

"P-Pogs."

"Ge, *hik* pakasal na tayo." sabi niya nang mahina pero sapat lang para marinig ko.
Mahina lang yun pero sapat na para marinig ng mga tenga ko at ng puso ko. Those words. Those were the words na palagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing nalalasing siya.

Tumingila ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo galing sa mga mata ko. Ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong nalalasing siya.

"Ge, please akin *hik* ka lang. Pakasal na *hik* tayo." he repeated. Alam kong wala na siya sa sarili niya

I sighed bago ko hinaplos ang buhok niya para kumalma siya.

Sa tuwing nalalasing si Erik, palagi niya akong niyayaya na magpakasal. Lasing man siya o hindi alam ko naman na iyon talaga ang gusto niya.

Akala ko noon ay kumalma na siya pero naramdaman ko na unti unti niyang inaabot ang kamay ko. He then held my hand and looked at me intently.

"Y-You'll stay with me forever, right? H-Hindi mo ako iiwan d-diba?" medyo paputol putol na sabi niya habang nakatitig sa akin.

Marahan akong tumango. Feeling ko hindi ko kayang magsalita. Naiiyak ako.

"I want you to be mine *hik* forever. Kasi *hik* $kaw ang buhay ko. *hik* Mahal mo ako Ge?"

This time, I felt the need to answer him.

Matamis akong ngumiti bago ako nagsalita. "Hmmmn. Mahal na mahal na mahal kita Pogs. Sayo lang ako, pangako yan."

I promise to be his' until the end.

At paninindigan ko ang pangako na yun anuman ang mangyari, kahit gaano pa kami pahirapan ng tadhana.

Nakita ko ang naging pagngiti niya dahil sa sinabi ko. Pinagdikit niya ang mga noo namin at hinawakan ang mga pisngi ko.

"Akin ka lang. I love you." after saying those words, he then pressed his lips to mine.

Hindi na ako pumalag. Wala na akong pakialam sa mga nasa paligid namin.

Alam ko rin naman na walang papansin sa aming dalawa sa gabing ito.

Ang importante ay kaming dalawa.

After that kiss, naramdaman ko na unti unti nang nahihimasmasan si Erik habang nakayakap sakin. Pero hanggang ngayon ay paulit ulit pa rin siya ng sinasabi. Na mahal niya ako at magpakasal na daw kami.

Siguro totoo nga na mas nagiging matapang ang tao kapag nalalasing. Through the spirit of alcohol, we can express the things that we are usually afraid to say. Yung mga bagay na hindi natin kayang sabihin dahil sa natatakot tayo.

Yung mga problema natin, yung mga totoong iniisip natin, yung mga nasa puso natin. With that, I am very happy and at the same time emotional sa tuwing sinasabi ni Erik yung mga ganoong bagay sa tuwing nakakainom siya.

This guy really wants to have a family with me. Sa akin lang.

Siguro kung nasa ibang sitwasyon lang kami ay baka matagal na akong sumagot ng oo. Iyon ang dahilan kung bakit sa tuwing nalalasing si Erik ay natatakot ako dahil alam kong sasabihin niya yun muli at baka isang beses ay hindi ko na mapigilan at sumagot na ako sa kanya ng oo.

Nakita ko rin kanina na umiiyak si Ate Cynthia habang nakatingin sa amin. Sila lang naman kasi ang may alam ng totoo bukod kay Yenggay at sa pamilya namin. Alam na alam nila kung gaano namin kamahal ang isa't isa, alam nila kung gaano kami nahihirapan. Kaya siguro among all the people, sila ang pinakanahihirapan para sa amin ni Erik.

Nang medyo maramdaman kong parang tumatahimik na si Erik sa tabi ko ay naisipan ko nang umuwi na kami habang hindi pa siya tuluyang nakakatulog.

Agad naman akong nagpaalam kela Ate Cynthia na iuuwi ko na si Erik. Agad din akong tinulungan nila Sir Erickson na buhatin si Erik pasakay ng kotse.

Nagprisinta pa nga siya na ihahatid niya na lang kami pero tumanggi naman ako dahil kaya ko pa namang magdrive kahit na medyo nakainom din ako tutal ay malapit lang naman.

Nang makapasok na kami sa kotse ay bigla namang nagising si Erik. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti at hinawakan ang isang kamay ko habang nakaupo siya sa passenger's seat ng kotse.

Buong biyahe ay nakahawak lang ang kamay niya sa kamay ko. Alam kong gising siya dahil paminsan minsan niyang pinipisil ang kamay ko at binabanggit ang pangalan ko.

Wala pang 10 minuto ay nakarating na kami sa bahay nila. Agad ko namang kinuha sa bulsa niya ang susi ng bahay dahil nga wala namang ibang tao dito dahil umalis ang pamilya niya.

Pagkabukas ko ng main door ay agad kong inalalayan si Erik pababa ng kotse.

Napansin kong hindi na siya singlasing hindi kagaya kanina dahil nakapaglakad naman siya nang nakahawak lang sa kamay ko

Pagkadating namin sa sala ay agad ko namang ibinaba ang dala kong pouch bag sa sofa. Samantalang si Erik naman ay paakyat na sana ng hagdanan kaya bigla akong nagsalita.

"Wait lang Pogs ah, ikukuha lang kita ng tubig, okay? Umakyat ka na dun para makatulog ka na." sabi ko naman sa kanya.

Pero nang patalikod na sana ako ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko at bigla siyang nagsalita kahit na hindi nakatingin sa akin.

"Pagkatapos? Saan ka pupunta?"

"Syempre uuwi na ng bahay. May trabaho pa ako bukas eh."

"Iiwan mo ako dito?"

I sighed. Eto nanaman tayo sa pagpapabebe niya. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.

"Hindi ka na naman baby e. Bakit, hindi mo ba kayang mag isa dito?" tanong ko pa.

"Dito ka na lang." sabi niya habang titig na titig sa akin.

Natawa naman ako bago ko binitawan ang pisngi niya.

"Hindi nga pwede Pogs. May trabaho ako bukas. Kaya matulog ka na para makaalis na ako agad. Kukuha na ako ng tubig---" pero bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay hinila niya na ako palapit sa kanya at doon hinalikan.

His kiss was so deep and gentle.

Hinila niya ang bewang ko papalapit sa kanya.

Agad akong napakapit sa hawakan ng hagdanan habang hindi pa rin naghihiwalay ang aming mga labi.

Ramdam na ramdam ko yung init at pagmamahal niya sa bawat halik niya.

He was kissing me possessively at ganoon na rin ako.

Maya maya naman ay tumigil din siya at tinitigan ako sa mga mata ko. His orbs were like a hole full of mysteries.

"I love you... I want you." habol ang hiningang sabi niya as he claim my lips again and so then I responded.

I want you.

Isa lang ang ibig sabihin 'non.

Habang magkadikit pa rin ang aming mga labi ay unti unti kong nararamdaman na iginigiya niya ako paakyat ng hagdanan.

Dahan dahan kaming humahakbang pataas at alam ko na kung saan pupunta ang tagpong ito. I can feel his hands slowly caressing my bare back.

Nararamdaman ko rin ang pagngiti niya habang magkadikit ang mga labi namin.

Nakaramdam ako ng kaunting kaba dahil natatakot ako na baka mahulog kami.

Ang taas pa naman ng hagdan. Baka ibang langit ang marating namin kung sakaling malalaglag kami.

Alam kong naramdaman niya ang kaba ko dahil agad niyang hinawakan ang mga kamay ko para dalhin sa bewang niya.

Mas hinila ko siya papalapit sa akin. Hinawakan ko ang mga braso at ang dibdib niya. I started unbuttoning his polo.

We went up without breaking the kiss.

Nang matanggal ko na ang polo niya ay ihinagis ko lang ito pababa ng hagdan.

"Hagis ka nang hagis, maililigpit mo ba yan bukas?" he teasingly said.

I just sexily laughed at him bago siya muling hinalikan.

Bahala na bukas.

I know that he wants me again the way I want him too.

Yes, again. This was not our first time but every moment feels so brand new.

Halos mangangalahati pa lang kami sa hagdan nang bumaba ang paghalik niya sa leeg ko. Kinagat niya ang gilid ng leeg ko kaya medyo nagulat ako pero kasabay noon ay naramdaman ko na umangat na ang mga paa ko mula sa lapag.

"Akin ka lang." sabi niya pa sa akin.

He then carried me like a bride habang pataas kami papunta sa kwarto niya na nasa harapan lang halos ng hagdanan.

Nakita ko ang pagngiti niya bago kami pumasok ng kwarto niya at kasabay noon ay bumulong,

"I love you Angeline." before unzipping the back of my dress.

"Erik... I love you." I said in between our kisses.

I know that whatever happens, it'll always be forever true.

"I love you too, my Angeline."

He pulled me closer that even air won't be able to pass through our bodies. And before I knew it,

I just found myself sharing a magical night together with the man I love the most... Again.

Continue Reading

You'll Also Like

535K 11.9K 47
Paano ba maiinlove ang isang babaeng ubod ng sungit at ipinaglihi sa sama ng loob at galit sa isang tagilid ang pagkalalaki? Would it be possible? Cr...
7.3K 425 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
54.8K 1.8K 39
Can he change the woman with a jet black heart?
21.6K 1.2K 85
Bawal paasa dito.....