Love and Lost (On Going - Und...

By laymedown_07

1.9K 1K 337

Kiandra Kyle Lunox, is a 19 years old girl college student. She is a type of girl na hindi marunong magseryos... More

Letter/Liham
"PRO-LOGUE"
● CHARACTERS ●
Author note;
CHAPTER I: First Day
CHAPTER II; Lars Jandrik Montallana
CHAPTER III; Officially meet
CHAPTER IV; Duet
CHAPTER V; Accidentally Kiss
CHAPTER VI; Untold feeling
CHAPTER VII; Bracelet
CHAPTER VIII; Unexpected Duet
CHAPTER IX; Necklace
CHAPTER XI; Old friend
CHAPTER XII; Strange Feeling
CHAPTER XIII; Debut
CHAPTER XIV; Aminan feelings
CHAPTER XV; Courting
CHAPTER XVI; Past
CHAPTER XVII; Start of Something New
Appreciation Note.
CHAPTER XVIII; Complacent
CHAPTER XIV; Something's Wrong
CHAPTER XX; Love of a Friend (Daniel)
CHAPTER XXI; Black Gang
CHAPTER XXII; Please help me move on (Ralph)
CHAPTER XXIII; Oplan Move On 101 (Ralph)
CHAPTER XXIV; Complicated
CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)
CHAPTER XXVI; Officially
CHAPTER XXVII; Letting Go
CHAPTER XXVIII; Barista
CHAPTER XXIX; Misunderstanding
CHAPTER XXX; LQ
CHAPTER XXXI; Jealousy
CHAPTER XXXII; Paranoid
CHAPTER XXXIII; I Hate It
CHAPTER XXXIV; I Missed You
CHAPTER XXXV; Supposed to be a Date
CHAPTER XXXVI; Unknown Number
CHAPTER XXXVII; Time
CHAPTER XXXVIII; Beach

CHAPTER X; Hoodlum

38 36 8
By laymedown_07

-KIANDRA-

Nagising ako sa hindi ko malaman na kadahilanan.

Late na kaya ako? Kinuha ko ang phone ko para tignan ang oras. Alas sinco pa lang ng umaga.

Thursday na pala.

Hindi ako nakapasok buong maghapon kahapon dahil sa pag-aalaga ko kay Lars. Nakonsensya kasi akong iwanan siya dahil mas nagdelilriyo pa siya kahapon. Sobrang tumaas ang lagnat niya. Kahit pag upo sobrang nanlalambot siya. Ni kumain nga wala siyang gana eh. Kung hindi ko lang pipilitin.

Napailing na lang ako para mawala sa isip ko yung kahapon. Maaga pa naman kaya naisipan kong bumalik na lang muna ako sa pag tulog.

Kaso nakailang bilang na ako ng tupa at baling ng kung ano-anong posisyon sa pag higa, hindi pa rin ako makatulog ulit.

Bakit kaya pumasok na naman siya sa isip ko? Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi maalis sa isip ko ang kwintas na nakita ko sa kwarto ni Montallana. Posible kayang siya iyon? Pero hindi eh. Nasa states na siya. Pero paano nga kung bumalik siya ulit? Bumalik ba siya ulit dahil sa akin? Kaya ba nasabi niya yung 'ulit'?

Hindi, hindi.

Napailing ako sa isiping iyon.

Huwag ka ngang assumera Kia! The last time na nag assume ka, nasaktan ka. Kaya tigilan mo 'yan.

Bumalik lang ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko, nang mag ring ang cellphone ko.

🎶 Bright, cold silver moon
Tonight alone in my room
You we're here just yesterda-🎶

Ang aga naman yata ng isang 'to?

"Hello"?

[Hello Kia! Alam kong imbyerna ka dahil ganito ako kaaga tumawag, pero gusto kong pumunta ka mamaya sa bar after ng klase mo ha]?

Bakit? Ano na naman kayang ipapagawa sa akin ng baklang ito?

"No. Gising na rin naman ako eh. Bakit? Anong meron"?

[Ah. Wala lang.] Tumawa muna ito na tila kilig na kilig bago magpatuloy. [Gusto ko lang maka bonding ka ulit. Miss na kita eh].

Sus. If i know may gagawin lang siyang kalokohan. Pero sa huli napapayag na rin ako. Miss ko na rin naman ang kakulitan ng baklang ito.

[Okay! See you later]!

And i end up the call.

Dahil maaga akong nagising, nilubos ko na. Naligo na muna ako at nag bihis muna ng pambahay. Para mamaya, magbibihis na lang ako ng pang pasok. Bumaba na rin ako pagkatapos mag-asikaso.

Wala pang gising, kaya naisipan ko munang magluto ng umagahan.

Nagluto lang ako ng hotdogs and eggs para sa aming tatlo nila Yaya at Aaron. Nag toast na rin ako ng bread. Saktong pagtapos kong magluto nang marinig kong may pababa na ng hagdan.

"Oh? Ang aga mo yata ngayon"? Naghihikab pang sabi ni Aaron.

"Ah. Nagising kasi ako ng 5. Sinubukan kong matulog ulit, pero ayaw na ng katawang lupa ko, kaya nilubos ko na".

"Ah ganon ba? Sige at ipag handa mo na ako ng pagkain, alipin".

"May kamay ka. Bahala ka sa buhay mo". Inirapan ko siya samantalang tinawanan niya lang ako.

"Sige na. Maliligo lang ako tapos kain na tayo. Gisingin mo na rin si Yaya". Sabay kuha ng twalya niya at pasok sa cr.

Inayos ko muna yung lamesa bago ko ginising si Yaya.

"Yaya? Gising na po. Kakain na". Sabay bukas ko sa pinto ng kwarto niya. Napakurap pa ako ng ilang beses bago masanay ang mata ko sa dilim ng kwarto niya.

"O'sige ija. Susunod na rin ako. Magliligpit lang ako".

Pumunta na ulit ako sa kusina at sinimulang kumain.

Bahala na sila. Nagugutom na ako eh.

Hindi nag tagal, lumabas na rin ng cr si Aaron.

"Hoy! Ang daya mo. Bakit ikaw kumakain ka na? Hindi mo man lang kami hinintay ni Yaya? How could you"?

Napahawak pa siya sa dibdib niya. Napailing na lang ako sa ka OA-yan niya.

"Ang OA mo. Kung binibilisan mo kaya, ano"? Napakamot na lang siya sa likuran ng ulo niya at umakyat sa kwarto niya. "Bilisan mo"! Pahabol na sigaw ko sa kaniya.

Sakto namang patapos na ako ng kain, nang dumating si Yaya kasunod si Aaron.

Pumwesto sila sa kani-kanilang upuan at nagsimulang kumain.

Ako naman umakyat na para magbihis ng pang pasok ko. Nakita ko pang nakangusong tumingin sa akin si Aaron na ikinatawa ko. Tinignan ko ang oras sa phone ko.

Shocks. 6:30 na. Bakit ang bilis ng oras?!

Bumaba na agad ako pagkatapos kong mag-ayos.

"Una na po ako Yaya, Aaron".

"Tsk. Paasa"! Para siyang bata. I just rolled my eyes.

"Punta ka na lang rin mamaya sa unknown. Pinapapunta ako ni Ralph after ng class ko eh".

"Bakit daw"?

"Ewan ko. Basta miss niya lang daw ako makabonding sabi niya".

"Ah."

"Sige na. Una na ako. Maglalakad lang rin ako eh. Exercise na rin".

"Ingat ka! Baka pumayat ka".

Hinalikan muna ako nito sa ulo bago ako nagpaalam at tuluyan nang umalis.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang pumasok sa isip ko si Montallana.

Magaling na kaya siya? Okay na kaya siya? Papasok kaya siya mamaya? Bakit ko nga ba siya iniisip? Nahihibang na ba ako? Asar na napailing ako.

Pagkapasok ko ng room, nakita ko ang tatlong mga mukhang clown sa kapal ng make up na umaway sa akin kahapon na masama ang tingin sa akin.

As if naman na apektado ako sa mga clown na katulad niyo. Inirapan ko ang mga ito bago tuluyang pumunta sa upuan ko.

Hindi rin nagtagal dumating na rin si Ms. Fuentez at nagturo. Salita lang siya ng salita. Ako? Ayon. Lutang na naman ang isip. Siguro dahil ang aga kong nagising? O dahil kay... Hindi. Dahil maaga lang talaga ako nagising siguro. Oo. Tama, tama. Dahil nga roon.

Nang magbreaktime na, dumeretso agad ako sa canteen at bumili ng pagkain. Pagkabili ko, agad naman akong dumeretso sa tinatambayan ko. Sa likod ng gym, sa ilalim ng puno.

Bakit kaya hindi ko siya makita ngayon? Hindi kaya siya pumasok? May sakit pa rin kaya siya?

Teka nga. Ano bang pakielam mo Kia? Simula ng nakilala mo siya, naging abnormal ka na. I murmured to myself

Pagkatapos ng klase, agad na rin akong pumunta sa unknown bar. Nagsisisi nga ako kung bakit hindi ko dinala ang kotse ko. Malayo-layo rin pala 'yon mula sa school.

Habang naglalakad ako papuntang unknown bar, may nakita akong nagkukulumpulang mga tao.

Ano na naman kaya 'to?

"Kung ako sa iyo tanda ibibigay ko na 'yang pera mo"! Sabi nung mukhang hoodlum na lalaki sabay tawa nito. Napatingin naman ako doon sa matandang lalaki.

"W-wala nga ako sinabing pera. B-babayaran ko naman kayo kung m-meron man ako n-gayon". Nanginginig na paliwanag ni Lolo.

Ano ba 'tong mga 'to? Mga bakla? Tatlo laban sa isa? Ang lalaki pa ng katawan nila. Matanda lang mga nakakaya. Napaismid na lang ako sa hangin.

"Ah ganoon ha! Siguro naman sapat na ang buhay mo na bayad sa utang mo sa amin"?!Tumawa naman yung isang mukhang hindi papahuli ng buhay ng pang demonyong tawa.

Seriously?

Aalis na sana ako, kaso biglang naglabas ng baril yung nasa pinaka gitnang lalaki na mukhang hoodlum. Dali-dali naman akong pumunta sa kanila at inagaw ang baril.

Dahil hindi niya ako inaasahan, madali lang para sa akin maagaw ang baril mula sa kamay niya.

Sabi ko pa naman hindi na ako sasali sa gulo. Scam na naman, Kia.

"Hoy! Anong ginagawa mo ha?! Gusto mong madamay"?! Sabi naman nung isang lalaking negro.

"Mga bakla ba kayo at matanda ang pinupuntirya niyo"? Mahinahon kong tanong sa kanila habang sa baril pa rin ako nakatingin.

"Sino ka naman ha?! Ano bang pakielam mo"?! Sabi nung mukhang hoodlum.

"Kami?! Mga bakla?! Baka ipakita namin sa iyo kung gaano kami kalalaki ha"?! Sabi nung lalaking hindi papahuli ng buhay.

Galet na galet?

Tinignan ko lang sila. Tinignan ko ang mga kamay nila isa-isa. Nanginginig. Mukhang hindi ako mahihirapan sa mga 'to.

"Bakit? Magkano ba ang utang sa inyo ni Lolo"? Mahinahon ko pa ring sambit.

"Limang libo! Tuwing kinsenas 'yon. Isang taon niya kaming hindi binayaran. Bakit?! Kaya mo bang bayaran 'yon ha"?!

Seryoso? Dahil lang sa pera nanggaganyan na agad sila ng tao? Ang babaw naman.

"5k? Isang taon"? Napatawa ako ng hindi makapaniwala. "Nakakaawa naman kayo at para lang sa pera papatay na kayo ng tao na walang kalaban-laban sa inyo".

"Ano bang ginagawa nung babae"?

"Kung ako iyan, hindi na ako mangingielam".

"Ano ba siya? Nagpapaka bayani"?

"Tumigil nga kayo. Buti nga naglakas loob siyang tulungan yung lolo eh".

"Oo nga. Kawawa naman yung lolo".

Iyan lang yung mga naririnig kong bulong-bulungan ng mga tao na nakikiususero sa amin. Or should I say, mga parinig nila.

"Ang yabang mo ha"?! Sabay sugod sa akin nung negro. Sasapakin na dapat niya ako pero nakaiwas agad ako kaya ang ending nasubsob siya sa lapag.

Lampa.

Natawa ako ng mahina.

Remember? Nanginginig nga yung mga kamay nilang tatlo eh. Alam kong hindi talaga nila kayang manakit ng tao. Kaya I doubt na makakaya nila akong saktan.

"Aba't talagang"! Yung mukhang hoodlum naman ang sumugod sa akin. Sasapakin niya na rin dapat ako pero naka-iwas ulit ako at yung hangin ang nasapak niya.

Sinamantala ko nang ganoon ang pwesto niya at sinikmuraan ko na ka-agad siya. Ginamit ko lahat ng energy ko para magawa ko lang siyang paluhudin habang hawak hawak ang sikmura niya.

Aba. Malaki rin kaya ang katawan ng mokong na 'to. Maraming taba ang nagpo-protekta.

Hindi na nag tangkang sumugod sa akin yung isa dahil nakita kong natakot na siya sa akin ng sobra. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang wallet ko at dinukot ang 5k kong allowance, sabay hagis no'n sa mukha ng mukhang hoodlum na sa palagay ko, ay siya ang pinaka leader sa kanilang tatlo.

"Isaksak niyo sa baga niyo. Siguro naman okay na 'yan sa ngayong buwan. Sa susunod na makita ko pang nang-aapi kayo ng kapwa niyo, hindi ako magdadalawang isip na tuluyan na kayo. Naiintindihan niyo"?! Mukha namang natakot sila lalo na sa sinabi kong 'yan kaya...

"O-opo"!! Sabi nung dalawa. Pero yung mukhang hoodlum nanlilisik at deretso ang tingin sa mga mata ko. Hinila na siya nung mga kasamahan niya. Hindi ko alam kung bakit, pero masama ang kutob ko sa isang 'yon.

Buti na lang kamo inilagay ko yung allowance kong 'yon kagabi bago ako makatulog. Napabuntong hininga na lang ako.

Patay ako nito kay Mommy. Mukhang kailangan ko na talagang mag tawag ng santo nito.

Agad akong lumapit kay Lolo at inalalayan siyang tumayo. "S-salamat ija. Pasensya ka na at nagastos mo pa tuloy ang pera mo. Huwag kang mag-alala. Babayaran kita". Habang nanghihinang tumayo.

"Nako Lolo. Ayos lang po sa akin 'yon. Kahit wag niyo na pong bayaran. Isipin niyo na lang pong tulong ko sa inyo iyon... Ayos lang po ba kayo"? Alalang tanong ko sa kaniya.

"A-ayos lang ako Ija. Hindi pa lang kasi ako kumakain simula kaninang umagahan kaya medyo nanghihina lang ako. Salamat ulit Ija. Pasensya na kung naka-istorbo pa ako".

"Ayos lang 'yon Lolo. Sama po kayo sa akin. Libre ko po kayo ng pagkain para lumakas na po kayo".

Aangal pa sana siya kaso ginamitan ko siya ng puppy eyes na ikinatawa niya.

"Oh siya. Sige na nga." Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.

Yes!

Agad kong dinala si Lolo sa isang karinderya.

"Ano pong gusto niyo rito Lolo? Pili lang po kayo. Libre ko na po". Nakangiting sambit ko.

"Kahit ano ija. Basta may mainit na sabaw". Napatango na lang ako.

Bago ako umorder, humanap na muna ako ng upuan namin ni Lolo para habang umo-order ako, makapagpahinga siya.

Habang umoorder, may nakita naman akong sinigang. Umuusok pa ito, kaya 'yon na lang ang inorder ko. Tapos dalawang kanin. Inorder ko na rin si Lolo ng para pang mamaya niyang kakainin kapag umuwi na siya kung saan man ang bahay niya.

Nang makuha ko na ang order namin, ay agad na akong pumunta sa table namin ni Lolo.

Pagkalapag ko pa lang, kumuha na agad siya ng ulam at inilagay sa kanin niya. Napahagikgik na lang ako habang papa-upo.

"Ah. Lolo? Sino po ba yung tatlong panget na 'yon kanina? Bakit ganoon ka na lang nila pag-initan"?

Hindi kasi mawala sa isip ko 'yon. Alam ko hindi lang dahil sa pera ang intensyon nung mga panget na 'yon e.

Ngumiti lang ito ng mapait.

"Rati silang nagtatrabaho sa akin." Sa sinabi ni lolo, muntik na akong mabulunan. Dating nagtatrabaho? "Lagi ko silang nasusungitan noon. Panget ang pakikitungo ko sa kanila rati. Siguro dahil na rin sa madami akong iniisip na problema sa kompanya ko. Hindi ko namalayan na naaapakan ko na pala ang pagkatao ng mga nasasakupan ko". Sandaling huminto si Lolo at sumubo sa kinakain niya.

"Naisip ko na lang yung mga pagkakamali ko sa kanila nung oras na may nagpasarado sa kompanya ko, na hanggang ngayon wala akong ideya kung sino 'yon." Napangiti na lang siya at kumain na rin. Magsasalita pa sana siya, pero hindi ko na siya pinatapos pa.

"Saan po ba ang bahay niyo rito, Lolo"?

Masyado na kasing private ang kinukwento niya eh.

"Pangalawang kanto mula rito".

"Pwede ko po ba kayong bisitahin kapag nagkaroon po ako ng libreng oras"? Umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko.

"Oo naman. Mas na ikasisiya ko. Kaming apat na lang kasi ng anak kong babae pati ng dalawa kong apo ang naninirahan sa tahanan naming iyon".

Pagkatapos naming kumain ni Lolo, ay pinadala ko na sa kaniya ang tinake out kong makakain nilang apat.

Nagpaalam na rin ako sa kaniya dahil pupunta pa nga pala akong unknown. Tanghali naman na. Napasarap ang pagkwentuhan namin ni Lolo. Hindi ko na napansin ang oras. Wala narin naman akong a-abutan sa school dahil anong oras na, kaya dumeretso na lang ako sa Unknown.

Pagkarating ko ng unknown, bumungad na agad sa akin si Ralph sa loob.

"Bakit ang tagal mong dumating, hmm"? Sabay pout. Natawa na lang ako sa kaniya.

Hindi bagay.

"Matagal pa ba 'yon? Eh hindi pa nga namin uwian. Atsaka may tinulungan lang akong Lolo".

Magtatanong pa sana siya kaso naglakad na ako patungong counter. "So? Ano na"? Syempre segway na ako para hindi na ako ma-interview ng baklang 'to.

"Ayon na nga. Gusto lang kita maka bonding". Tumawa ito ng mahina bago nagpatuloy. "Atsaka may papakilala ako. And i knowwww. Miss mo na siya".

Miss ko na siya? The who?

Mula sa likuran ni Ralph, may lumabas na isang matipunong lalaki. Napakunot ang noo ko habang naniningkit naman ang dalawang mata ko.

Parang pamilyar 'to ha? Konting lapit pa.

"Jake"?!

Hindi ako makapaniwala. Bumalik na siya? Kailan pa? Speechless ang beauty ko. Na shookt ako.

"Jacob"!

Malaki ang ngiti at excited akong patakbong lumapit para yakapin siya.

Hmm. How I miss this damn big guy.

Natawa naman ito sa naging reaksyon ko.

"Kahit kailan ang cute mo kapag ganiyan ang reaksyon mo".

"So? Kamusta buhay sa states? Grabe. Ang laki ng pinagbago mo ha". Sambit ko nang mag hiwalay kami sa yakap ng isa't-isa.

Hawak ko pa rin ang mga balikat niya, habang pinasadahan ko ang buong pagkatao niya, mula ulo, hanggang paa.

"Ayon. Gwapo pa rin".

"Tsk. Lakas pa rin ng kahambugan mo sa katawan". Hindi siya sumagot, at tinawanan lang ako.

Siya si Jacob Ethan Emanuel. Jake for short. He's my bestfriend bago pa ako iwanan ni Kwanan. He's been with me through my up's and down's sa life.

Napabuntong hininga na lang ako.

"I know what your thinking. Hindi ko alam kung okay siya. Parehas kami ng bansang pinuntahan, yeah. Nakita ko siya, yes. But i never talk or even approach him".

"Umm". Nginitian ko na lang ito at ganoon rin naman siya.

Habang masaya kaming nagku-kwentuhan at iniinom ang aming mga drinks tatlo nila Jake at Ralph, ay narinig kong may kumanta. Napatulala ako.

Yung boses na 'yon..

~Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang~

Napatingin ako sa stage dahil sa boses na 'yon. Tama nga ako. Siya nga 'yon.

Bakit siya narito? Magaling na kaya siya? Nakatingin siya sa amin. Kung hindi ako nagkakamali, sa amin ni Jake. At.. ang sama ng tingin niya.

Problema nito?

~Tulad mo ba akong nahihirapan
Lalo't naiisip ka
Di ko na kaya pa na kalimutan
Bawat sandali na lang~

Bakit gan'on? Hindi ko alam kung ako lang 'yon o sadya ba talagang damang dama niya yung kanta?

~At aalis magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan~

Feeling ko, sa bawat lyrics na binibitiwan niya, may meaning siya roon.

~Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman~

Bakit hindi niya inaalis yung tingin niya sa akin? At ang weird kasi pati ako, hindi ko rin maalis mula sa kaniya ang tingin ko?

~Sa isang marikit na alaala'y
Pangitaing kay ganda
Sana nga'y pagbigyan
Na ng tadhana
Bawat sandali na lang~

Sabi na eh. Confirmed! Abnormal na nga ako! I knew it!

~Bawat sandali na lang
Sumabay sa biglang pagkabahala't
Lumabis sa pananadya
Tunay na pagsintang di alintana
Bawat sandali na lang

At aalis magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman
Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang
At aalis magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman.~

"Hoy Kia! Ano? Natulala ka na jan? Hello? Kia to earth"?!

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit parang biglang nag slow motion ang paligid ko habang kumakanta siya niyan at sa akin lang siya nakatingin? Bakit may kakaiba akong naramdaman sa tyan ko na parang tila may nagwawala? Tae siguro?

Bumalik lang ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko nang biglang hampasin ako ni Ralph sa balikat ko.

"Ano? Mulala"? Napakurap-kurap ako.

Oo nga pala. Kasama ko nga pala sila ni Jake.

Napatingin ako kay Jake.

"Ano? Tapos ka na ba siyang pag masdan"? Hindi humaharap na sambit nito.

Kahit hindi ko ipaalam sa kaniya ang gagawin at nararamdaman ko, alam na alam na niya ang mga ito.

Napatingin ulit ako sa stage...

Wala na pala siya roon. Masyado nga talaga siguro akong napatitig sa kaniya.

Literal na napailing na lang ako sa nangyari sa akin.

Humarap na lang ulit ako kela Ralph at Jake. Handa ko na sanang inumin ang drink ko nang biglang...

"Can i join here?"

Sa hindi ko malamang dahilan, bigla na lang ulit bumilis ang tibok ng puso ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

-TO BE CONTINUED-

[A/N; Another cliche chap. But I hope you like this though.

Vote, comment and follow. Lovelots. 💖

- Laymedown_07 💚

Continue Reading

You'll Also Like

31.5K 1.5K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
1.1M 85.9K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...