Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life

1.5K 47 4
By aefanfiction

ANGGE'S POV:

"Angie! Gumising ka na! Tanghali na!"

For the nth time ay muli akong nagtakip ng tenga para hindi mo marinig ang pagsigaw ni Mama Bob na kanina pa kinakalabog ang pintuan ko.

E kasi namaaaaan. Bakit ba ang gulo niya?!

"Ma! Mamaya na nga kasi! Ang aga aga pa oh! Wala naman akong trabaho ngayon eh."

Rest day ko ngayon, pahinga, walang taping, wala show, walang event. Pahinga.

Pero imbis na tumigil ay lalo niyang kinalabog ang pintuan ko at paulit-ulit pa ring nagbunganga. "Aba tingnan mo talaga tong batang 'to! Anong maaga pa?! Alas siyete na ng umaga! Hala bilisan mo na at bumangon ka na diyan!"

Alas siyete ng umaga tapos tanghali na? Yung totoo?!

Iba din talaga 'to si Mama Bob.

Nagtalukbong na lang ulit ako ng kumot para pilitin na muling matulog.

"Ma naman! Minsan na nga lang makapagpahinga yung tao e, pagpahingahin mo na----"

"Bumangon ka na diyan! Kanina pa naghihintay si Erik sa iyo sa baba!"

Sa huling sinabi niya ay napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko.

"Si Erik?!"

Ano namang ginagawa niya dito?! Ang aga aga pa ah.

Dahil sa sinabi ni Mama Bob ay agad akong lumabas ng kwarto para siguraduhin na totoo nga yung sinasabi ni Mama Bob.

"Angie, isa--- harujusko nagulat naman ako sa iyong bata ka!" sabi pa ni Mama Bob nang buksan ko ang pintuan.

Dali dali akong bumaba papunta sa sala at doon ko nga nakita ang isang napakagwapong nilalang na feel at home na prente pang nanonood ng TV at nakasandal sa sofa.

Nang makita niya ako ay matamis siyang ngumiti sa akin at tumayo pa para sana humalik sa akin pero agad ko siyang sinenyasan na huwag siyang aalis sa kinauupuan niya at dahil syempre ako ang boss, bumalik siya sa pagkakaupo niya.

Hindi pa ako nagttoothbrush, pwede bang kumalma siya?

"Anong meron bakit nandito ka ang aga-aga? Wala bang almusal sa inyo?" diretsong sabi ko naman pero parang hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Good morning Love! Ang ganda mo, mas maganda ka pa sa umaga." masayang sabi niya habang nakatitig sa akin.

Wala na akong pakialam kung anong itsura ko dahil sanay naman na siya na makita ako sa umaga.

Tingnan mo 'to, ni hindi man lang sinagot ang tanong ko. "Alam kong maganda ako. Bakit ka nga sabi nandito?"

Ngumiti naman siya sa akin bago sumandal sa upuan. "Hmmmn wala lang, dito ako mag-aalmusal. Walang almusal sa amin, naubusan kami ng bahaw na kanin."

Napakapilosopo talaga.

"Anong tingin mo sa bahay ko? Restaurant?"

Ngumuso naman siya. "Hindi ka ba masayang makita ako? Ni hindi ka man lang naggoodmorning."

Inikutan ko naman siya ng mata. Good morning pa, good pa ba ang morning ko?

Oo naman, hindi lang good, very good. Hahahaha. Landi.

"E bakit hindi ka man lang nagsabi? Hindi ka man lang nagtext?"

"Aaaay. Nagtext ako Miss, hindi mo ba nabasa? Ah malamang hindi nga kasi kakagising mo lang, kaya badtrip ka ngayon kasi ginising ka."

Napakagaling talaga, lahat may sagot siya. Paano ko kaya siya napagtiisan nang matagal?

Oo na, kasi mahal ko. Happy?

"Hay nako Pogs, ewan ko sayo! Bahala ka nga diyan." sabi ko pa at akmang aakyat na ulit para sana mag ayos na nang bigla siyang nagsalita ulit.

"Love magready ka na ah, pagkatapos natin mag almusal aalis na tayo. Nagpaalam na ako kay Mama Bob."

Napalingon ulit ako dahil sa sinabi niya.

"Ha? Bakit, saan tayo pupunta?"

Wala naman kaming napag-usapan na aalis kami ngayon. Wala kaming trabaho pareho ngayon pero hindi ko ineexpect na may plano pala siya.

"Sa langit." nakatawang sabi niya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa sinabi niya "Joke lang, basta magdedate tayo kaya maligo ka na. Pero huwag ka na masyadong mag ayos ah, maganda ka na. See you later, Love." sabi niya pa at kinindatan ako bago muling tumingin na sa TV.

----------------------

"Saan ba kasi tayo pupunta, Love? Gutom na gutom na ako, kanina pa tayo nagbibyahe!"

"Malapit na Love! Chill ka lang kasi."

"E pang ilang "Malapit na Love" mo na yan eh! Hanggang ngayon nasa kotse pa rin tayo! Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta nga. Wag ka na kasi daldal nang daldal diyan para hindi ka lalong magutom. Mamaya malunok mo na yung dila mo diyan, sige ka."

"Hay naku Pogs, siguraduhin mo lang na matutuwa ako dito kasi kung hindi babaliin ko lahat ng buto mo sa katawan. Kung alam ko lang na gugutumin mo lang ako ngayon edi sana nanahimik na lang tayo sa bahay at kumain ng pancit canton."

Tumawa naman siya at pinisil lang ang kamay ko na hawak-hawak niya. Ganyan yan siya kapag nagbubunganga ako. Tatahimik na lang siya dahil alam naman niya na hindi ako magpapatalo.

Nagugutom na kasi talaga ako!

Kung kanina ay sobrang saya at nag-eenjoy ako, ngayon ay nangingibabaw na ang inis ko dahil sa sobrang gutom.

Bihira naman kasi kaming lumabas ni Erik para mag-date. Madalas kasi kapag wala kaming trabaho pareho, mas pinipili namin na magstay na lang sa bahay niya o sa bahay ko at doon na lang kami magkukwentuhan maghapon.

Bihira kaming magpunta sa mga malls o di kaya mamasyal kung saan saan dahil na rin sa trabaho naming dalawa. Kung lalabas man kami ay tuwing dinner yun madalas pagkatapos ng trabaho at tanging sa mga exclusive restaurants lang kami lumalabas nang magkasama.

Syempre hindi naman kami pwedeng gumala-gala lang lalo na kung magkasama dahil bukod sa maraming nakakakilala sa amin ay paniguradong malaking issue ang mangyayari kapag nakita kami ng mga tao. Isa pa ay mas gusto namin yung ganoong nasa bahay lang, simpleng date lang kumbaga.

Pero ngayon, we decided to date just like how normal people do. Actually, si Pogs lang pala ang nagdecide dahil hindi ko naman alam na aalis kaming dalawa ngayon. Isa pa ay ginagawa naman na namin 'to dati pa pero bihira naming gawin dahil nag iingat lang kami.

Kanina after namin kumain ng almusal ay umalis na rin agad kami. Himala nga dahil binigyan ako ni Mama Bob ngayon ng pera hindi gaya sa tuwing nanghihingi ako sa kanya ang dami pang tinatanong bago ako bigyan.

Una kaming pumunta ni Pogs sa Quiapo Church. Naalala ko pa noong hindi pa ako pumapasok sa showbiz, madalas akong magsimba doon kasama ang mga kaibigan ko pati na si Mama Bob.

Doon ako lagi pumupunta sa tuwing may problema ako o di kaya naman para magpasalamat.

Nagulat nga ako dahil si Erik mismo kanina ang nagyaya sa akin para pumunta doon. Hindi kasi kami pareho ng relihiyon pero wala namang problema sa aming dalawa yun. Sinabi niya pa nga noon sa akin na kapag magpapakasal na kami, handa siyang pakasalan ako sa kahit saang simbahan ko pa gustuhin.

----FLASHBACK----

"Anong ginagawa natin dito?"

"Bibili ng gayuma. Gagayumahin na kita, ang tagal natin umusad eh." sabi niya naman at inayos ang cap at shades ko "De, joke lang syempre magsisimba ano pa ba?"

"Magsisimba? Ikaw?" turo ko sa kanya

"Oo, bakit parang takang taka ka? Tara na sa loob Love, marami na tayong kasalanan masyado eh. Kailangan magbawas. Lalo ka na." biro niya sa akin.

So ako pa talaga ngayon?

Umiling na lang ako.

Nang makapasok na kami sa simbahan ay napatingin ako sa paligid. Kaunti lang ang mga tao ngayon dahil Martes.

Ang dami kong alaala sa lugar na 'to. Napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ko kung gaano kalaking parte ng simabahan na 'to sa buhay ko.

Umupo kami ni Erik sa likurang bahagi ng simbahan.

"Hay nakakamiss naman dito." I amazingly uttered.

"Happy ka Ge?" nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

Masayang tumango lang ako bilang sagot.

"Alam mo ba Pogs, bata pa lang ako sinasabi ko na na pangarap kong maikasal sa simbahan na 'to balang araw." biglang sabi ko.

Alam ko naman na alam niya yun pero wala lang trip ko lang ulitin.

"Talaga? Hmmn pwede naman. Malapit lang sa atin. Hindi tayo mahihirapan." sabi niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. So sure talaga siya na sa ikakasal kaming dalawa.

"Wala naman akong sinabi na sayo ako ikakasal." biro ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Ang pogi niya talaga kapag kumukunot ang noo.

Hay Lord, I'm so blessed.

"Basta kahit saan pa gustuhin ng bride ko, okay lang sa akin." seryosong sabi niya.

"So ang ibig sabihin mo, okay lang sa akin kung saan ko gustong ikasal tayo." kunyari ay paglilinaw ko sa sinabi niya.

He looked at me, "Oo naman, ikaw ang boss diba? Kahit saang simbahan pa yan, papakasalan kita." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Wow sure ka na ba diyan? Sabi mo yan ah, baka naman sa huli iba pala ang bride mo." medyo ngumuso pa ako.

"Hindi ako magpapakasal kung hindi rin lang sayo." sabi niya at hinalikan ang likod ng kamay ko

Ayan nanaman siya sa mga kilos niya, nasa simbahan kami, pigilan niyo ako.

"Ako rin Pogs." nakangiting sagot ko.

Basta ako sigurado na na siya ang lalaking gusto kong iharap sa altar.

"Teka, magpapaschesule na ako ngayon pa lang ng kasal natin o gusto mo magpakasal na tayo ngayon na mismo ha? Tutal nandito na tayo."

Hindi ko alam kung seryoso ba siya o ano pero tumawa na lang ako.

"Agad? Baliw, ni singsing nga wala kang dala." pabirong sagot ko.

Isa pa, alam ko sa sarili ko na kung tatanungin niya ako ngayon, hindi pa rin ako handa.

"Oo agad. Seryoso ako Ge, papakasalan kita." he said

I laughed at kinurot ang pisngi niya para mabawasan ang halatang sumeseryoso na na emosyon niya.

"Sos. Tsaka na, kapag okay na ang lahat."

"Okay na naman ang lahat, ikaw na lang ang kulang." he said and then sighed at sabay na kaming tumahimik pareho para magdasal.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang hawak pa rin ang kamay ni Erik.

'Lord, alam ko pong alam niyong maswerte ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Wala po akong ibang mahihiling sa Inyo kundi ang patuloy niyo lamang Po akong gabayan sa araw araw, sa lahat ng mga magiging desisyon ko hindi lang para sa akin kundi para sa mga taong nasa paligid ko. Salamat sa patuloy na pagbibigay ng lakas sa akin. I always believe that Your will forever prevail.'

I looked at Erik. Nakita kong nakangiti siya habang diretsong nakatingin sa altar.

'Lord, thank You for giving him to me. Sobra akong maswerte na kasama ko siya ngayon. Please Lord, akin na lang Po siya ha? He is a good man at hangad ko Po na palagi siyang maging masaya. Tulungan Niyo po kami na umabot sa harap niyo para sumumpa ng walang hanggan nang magkasama. Araw araw kong pipiliin ang lalaking ito at wala na akong ibang hiling kundi makasama siya panghabang buhay.'

Ngayon, nagpunta ako sa Quiapo hindi lang basta magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap ko sa trabaho kundi para na rin magpasalamat dahil kasama ko ngayon ang taong mahal na mahal ko.

After all, siya naman na talaga ang panalangin ko.

----END OF FLASHBACK----

Matapos noon ay kumain naman kami sa isa sa mga karinderya na madalas ko noong kainan sa bandang Recto. Ang totoo nga niyan ay nakilala pa si Erik ng tindera kanina.

----FLASHBACK ULIT----

"Ayan Pogs dito, bilisan mo" sabi ko naman at hinila siya papunta sa isa sa mga lamesa sa karinderya.

Tumingin naman siya sa paligid. Maraming tao pero hindi naman nila kami napapansin.

"Siguro ka dito mo gustong kumain?" tanong niya sa akin na parang nag aalangan pa.

"Oo, bakit ayaw mo ba?" sabi ko naman.

"Hindi sa ganon pero pwede naman tayong kumain sa restaurants kung gusto mo." sabi niya

Ngumiti ako "Hindi na ano ka ba, gagastos pa. Tsaka Pogs, masarap yung pagkain dito promise. Dito kaya kami kumakain ni Mama Bob palagi dati."

"Sure ka ito lang ang gusto mo?" he asked.

"Oo sure ako. Ikaw, ayaw mo ba?" tanong ko naman at medyo sumimangot.

Sa ginawa ko ay napangiti naman siya, oh diba, effective yang pagpapabebe ko palagi sa kanya.

Hinawakan niya ako sa pisngi bago nagsalita.

"Ako kahit saan ayos lang, inaalala lang naman kita kasi gusto ko naibibigay ko ang the best para sayo. Pero Love, kahit saan ayos lang ako basta ikaw ang kasama ko." sabi niya at itinaaas-baba pa ang kilay niya.

Habang nakatitig ako sa kanya ay hindi ko mapigilang hindi kiligin sa mga sinabi niya kaya napangiti ako at napatakip sa bibig ko kaya natawa siya.

Wow Angge, ang ganda ng scene niyo, nasa karinderya kayo pero naghaharutan kayong dalawa.

(A/N: Imagine-in nyo na lang kung paano kiligin si Angge haha)

Nang makabawi ako sa kilig ay inutusan ko na siyang mag order ng kakainin namin. Mahirap na, baka sa sobrang kilig ko hindi na kami makakain, sa hotel na kami magpunta.

Charot lang.

Nang matapos na kaming kumain ay binayaran na ni Erik ang mga kinain namin.

"Ate, magkano po yung sa amin?" sabi ni Erik sa tindera na medyo may katandaan na rin matapos naming kumain--- nasa 50s siguro. Ako naman ay nauna nang lumakad papunta sa kotse pero huminto ako saglit para pakinggan sila.

"Ah bale tatlong kanin, isang laing, isang kaldereta, at dalawang sprite. Bale 220 lahat sa inyo pogi--- teka Erik Santos?" natigilan naman ang tindera nang mamukhaan niya na siguro si Erik.

Medyo kinabahan naman ako kaya nilingon ko sila.

Agad namang nginitian ni Erik yung tindera. Infairness ah marunong pa ring kumilatis ng pogi si manang. Nakilala niya pa rin si Erik kahit na nakasumbrero at shades.

"Ah eto na po. Salamat po." sabi pa ni Erik pagkaabot ng 500 sa tindera at hindi na hinintay na masuklian siya.

"Teka iho yung sukli mo!"

----END OF FLASHBACK----

Pagpasok namin ng kotse nun ay tawa kami ng tawa dahil sa sobrang kaba. Ano kayang reaksyon nung tindera kung sakaling nakita niya rin ako? Siguradong laman na kami ng balita ngayong gabi pa lang kung nagkataon.

Pero hindi na rin namin gaanong inisip. Infairness may thrill din pala 'to. Ang mahalaga ay nag eenjoy kaming dalawa.

Matapos naman noon ay dumaan lang kami saglit sa Luneta Park para maglakad lakad kahit medyo mainit. Wala lang, trip lang namin. Tuwang tuwa pa nga kami ni Erik noong makakita kami ng mga pamilyang masayang nagpipicnic doon. Parang ang saya saya nilang tingnan.

Noon pa lang palagi nang sinasabi sa akin ni Erik na balang araw gusto niyang magkaroon kami ng masayang pamilya. Syempre ako gusto ko rin.

Balang araw gusto kong makita siya kasama ang mga magiging anak namin na masayang naglalaro. Wala akong ibang nakikita sa hinaharap ko kundi siya lang. Yun bang wala nang problema, wala na kaming kailangang itago.

Minsan pa nga ay binibiro ko siya na iwanan niya na ako at maghanap na siya ng iba kung gusto niya na bumuo ng pamilya.

Pero palagi niya lang sinasabi sa akin na paano naman daw ba siya bubuo ng pamilya kung yung babaeng gusto niyang makasama sa pagbuo nito ang hinihintay niya.

Alam kong balang araw magiging tama na rin ang lahat. Alam kong balang araw hindi na namin kailangan pang maghintay.

"We're here." Bumalik naman ako sa realidad nang marinig kong nagsalita na si Pogs sa tabi ko.

Tumingin naman ako sa bintana ng sasakyan para makita kung nasaan kami.

Para kaming nasa isang ship port.

Doon ay medyo kinabahan na ako.

"Anong ginagawa natin dito Pogs?"

He just shrugged bago tinanggal ang seatbelt niya bago ang seatbelt ko.

"Let's go?" sabi niya bago lumabas ng kotse para pagbuksan ako. Ano nanamang bang kalokohan 'to?

---------------------

"AYOKO, ayoko bahala ka! Hindi ako sasakay diyan!"

"*laughs* dali na, wala ka bang tiwala sa akin ha?"

Nandito na kami ngayon sa parang port kung saan nga kami huminto kanina ni Pogs.

"Alam mo nakakainis ka talaga!" sigaw ko naman sa kanya sabay pilit na bumibitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko habang naglalakad kami. Pero dahil mas malakas siya, wala naman akong magawa.

"Bakit nanaman? Kakain tayo diba? Diba sabi mo nagugutom ka na?" natatawa pa ring sabi niya

E kasi naman, sasakay pala kami ng yate ngayon para magdinner. Kaya pala hindi niya sinasabi kung saan kami pupunta ngayon. Takot kasi akong sumakay sa barko. Hindi ko alam, naiimagine ko kasi lagi na baka lumubog yung sinasakyan ko parang Titanic kaya natatakot ako. Though mas maliit naman 'to kesa sa barko, ayaw ko pa rin.

Nang nasa parang pantalan na kami ay may sumalubong sa amin na isang lalaki. Binati niya naman kami ni Pogs.

"Okay na po ba lahat Kuya?"

"Yes Sir. Ready na rin po yung pagkain niyo sa loob." sabi nito sabay abot ng isang susi kay Erik. "Dito po tayo Sir."

Sumunod naman kami ni Pogs sa kanya. Halos kaladkarin na ako ni Erik para lang maglakad ako. Nang makarating kami sa tapat ng isang yate ay humarap sa amin si Kuya at itinuro pa iyon "Dito na po. Enjoy po kayo!"

"Pogs tara na kaya? Sa bahay na lang tayo kumain." sabi ko naman habang nakakapit sa kanya kaya tumawa naman siya at nakita ko ring natawa si Kuya na nasa tabi namin.

"Bakit sa bahay pa? Ang layo natin sa QC, Love. Nasa Batangas tayo ngayon." pasimple niya pang hinagkan ang buhok ko.

Sa sobrang inis ko, kulang na lang ay magpapapadyak ako dito.

"Eeeeh basta hindi! Hindi ako sasakay diyan, baka ano pang mangyari sa akin diyan 'no! Hindi talaga Pogs, mag isa ka!"

"Oh akala ko ba gutom ka na? Tara na kasi, lumalamig na yung pagkain doon sa loob. Ayaw mo ba ng seafood?" natatawang turan niya pa at hinila ako.

"Eeeh ayoko may allergy na ako sa hasang! Erik naman eh! Natatakot nga ako."

"Bakit ka naman matatakot, kasama mo ako tapos matatakot ka? Diba Kuya?"

Nakita ko namang nakangiting nakatingin sa amin si Kuyang nagbigay ng susi pagkatapos ay tumango siya. "Oo nga naman po Ma'am, huwag ka pong matakot hindi ka naman papabayaan ni Sir."

Isa pa 'to si Kuya e, gatong din.

"Oh see?" Niyakap naman ako ni Erik bago siya bumulong sa akin. "Magtiwala ka lang, Love. Hindi kita pababayaan. Trust me."

HAY NAKO BAHALA NA NGA.

Halos himatayin ako sa kaba habang pasakay pa lang kami ni Erik sa yate. Kaunting galaw lang ng sinasakyan namin napapahawak ako sa kanya.

Nang makasakay na kami ay pinaandar naman na ni Pogs ang yate. Nanatili lang akong nakayakap sa kanya habang unti unting umaandar ang yacht palayo sa daungan.

"Pogs! Oh mygaaaahd!" tanging sabi ko lang nang unti unting bumibilis ang sinasakyan namin. Napapikit na lang ako habang nakayakap sa kanya habang minamaneho niya yung yacht.

Tumawa lang siya nang malakas bago hinawakan ang isang kamay ko na nakayakap sa kanya.

Hanggang sa unti unti ko na lang naramdaman na tumigil na ang sinasakyan namin. "Love, okay na. Buhay pa tayo."

Unti-unti ko namang idinilat ang mga mata ko. Totoo ba? Buhay pa kami?

Agad naman siyang humarap sa akin at hinawakan ang kamay kong kanina ay nakayakap sa kanya.

"Weh?" para makasiguro ako ay kinurot ko pa siya sa pisngi.

Okay, oo nga buhay pa kami.

Bahagya naman siyang tumawa dahil sa ginawa ko.

"Tara na sa likod?" pag aaya niya at doon iginiya niya na rin ako papunta sa likod ng yacht.

Pagkalabas namin sa parang deck ng yacht ay doon ko lang nakita na nakatigil kami sa gitna ng dagat. Hindi naman kalayuan 'to mula sa daungan pero sapat na para iconsider na kami lang ang tao dito ngayon.

Unti-unti namang nawala yung kaba ko. Atleast kahit papaano may makakakita pa rin sa amin kung sakaling malulunod kami diba?

Pero nawala naman ang iniisip ko na iyon nang makita ko na kung ano talaga ang nasa likod ng yacht.

May lamesa at upuan na para sa dalawang tao, kay pagkain, champagne at kandila. Samantalang sa di kalayuan naman ay may parang couch na puros din rose petals.

Hindi ko na lang namalayan na nawala na sa tabi ko si Erik at doon kinuha niya ang isang bouquet ng bulaklak para iabot sa akin.

"Flowers for you, sexy." sabi niya nang iniabot niya na sa akin ang mga bulaklak. "Do you like it?"

I nodded. "Hindi lang like, I love it. Thank you Pogs."

He then chuckled. "You're welcome sexy ko. You love it? Good, kasi I love you more." sabi naman niya. "So shall we?"

I smiled bago tumango ulit.

We ate dinner happily. Nakakatawa nga, usually kasi kapag ganito ang setup ng mga dinner, madalas yung mga nagdedate, they talk casually yet sincerely. Yun bang very romantic ang dating. Yung puros sweet nothings and all. Pero ewan, siguro nga kakaiba talaga kami ni Erik dahil puros kalokohan lang ang pinagkukwentuhan namin habang kumakain kami.

Matapos kaming kumain ay umupo lang kami dun sa pa-bed of roses kuno niya. Alam na alam ni Erik kung gaano ako kahilig sa mga bulaklak. Kaya nga palagi niya ring sinasabi na balang araw papatayuan niya daw ako ng sarili kong garden pero sa tuktok ng magiging bahay namin.

We sat there and talked about random stuff. The usual us sa tuwing magkasama. I leaned on his chest habang siya naman ay yakap yakap ako. Ang sarap talaga ng ganito.

How I wish our lives were always as easy and as happy as we are today. Pero alam naman natin na hindi.

However, masaya naman ako sa aming dalawa. Sa ngayon, kuntento na ako sa ganito. God had given me already the man whom I will love forever.

"Ay Love, bago ko makalimutan, may ibibigay nga pala ako sayo." sabi niya naman habang nakayakap pa rin sa akin.

"Hmmmn meron ka pang baon? Wow ah, di ka yata nauubusan ngayon." I said.

Ngumiti lang siya bago may kinuha sa ilalim ng unan na nasa tabi namin. "Whooo buti naman nandito pa, akala ko tumalon na 'to sa dagat kanina eh." sabi naman niya pagkakuha ng pahabang box.

"Ano yan?"

"Hmmn basta, talikod ka muna." sabi niya sa akin so syempre sumunod ako.

Maya maya pa ay naramdaman ko na lang nag malamig na bagay na dumikit sa leeg ko and so I held it.

Kwintas.

Hindi pa man ako nakakareact ay kinuha niya ang telepono niya at binuksan ang front camera nito at itinapat sa akin.

"Wala kasi akong dalang salamin kagaya ng mga nasa romantic na palabas kaya ayan, diyan mo na lang tingnan." natatawa pang sabi niya habang nakatitig sa repleksyon namin sa telepono.

Atleast mautak siya.

I smiled when I saw the necklace. Bilog ito na may mga puting diamante sa gitna.

Maganda.

"Love, ang ganda." sabi ko habang nakatitig pa rin sa sarili ko.

Niyakap niya naman ako sa likuran ko at ipinatong ang mukha niya sa balikat ko para magkadikit ang mga mukha namin.

"Maganda? Syempre, mas maganda ka. Sa susunod wedding ring naman." sabi niya sa akin. "Alam mo ba love, sabi nila, yang kwintas daw na yan ang ibig sabihin ay Royal Love? Sinisimbolo niyan ang unang regalo ng hari ng England sa minamahal niya at ibinibigay lang daw yan sa mga taong pangarap mong makasama habang buhay. Alam mo kung bakit?"

Wow, may ganoon pala? At dahil naamaze ako sa kwento ay gusto kong marinig ang buong dahilan kung bakit tinawag na ganoon ang kwintas na 'to.

"Talaga? Kung ganon, bakit daw?"

"E syempre sobrang mahal kaya niyan! Sa sobrang mahal maiisipan mong isangla yan kapag gipit ka na. E paano mo naman gagawin yun kung naghiwalay kayo nung taong pinagbigyan mo diba?"

"Teka teka, totoo ba yan?" nagtataka kong tanong na medyo nakasimangot pa.

He nodded, "Kaya dapat forever na tayong dalawa kasi sayo ko ibinigay yan ha? Isasangla natin yan kapag wala na tayong pangtuition ng anak natin." seryoso namang sabi niya.

Seryoso ba siya?! Sabagay, may katwiran naman. Natawa na lang kaming dalawa, sige, ganoon na nga lang ang gagawin namin.

"E teka ano bang okasyon bakit ka may ganito ha? Nagulat ako sayo kaninang umaga." tanong ko naman out of nowhere.

Oh diba hindi pa rin talaga ako makamove on sa kulang kong tulog kanina.

He just shrugged. "Wala lang, bakit kailangan ba may okasyon para i-date kita?"

"Hmmmn hindi naman. Wala lang din, ang weird lang kasi parang ang sweet mo yata masyado para mag-effort ka kahit walang okasyon." tila nag iisip na sabi ko, "Hindi ka naman siguro nambababae kaya ka ganito diba?"

Doon ay natawa siya sa sinabi ko kaya tiningnan ko siya at hinawakan siya sa panga niya. "Hoy ano, may babae ka?"

Lalong lumakas ang tawa niya sa ginawa ko. I know, bukod sa paranoid ako e ang kapal din ng mukha kong gamitin ang term na nambababae gayong hindi naman kami.

Feeling jowa.

"Wala, tinotopak ka nanaman mahal ko. Bakit ako mambababae, takot ko lang sayo." malambing na sabi niya

Ganoon? Good. "Aba dapat lang. Wag kang magkakamaling magloko, pagbubuhulin ko kayo ng babae mo Pogs, sinasabi ko sayo."

"Whoah, ang tapang ah. Parang hindi takot sumakay dito kanina oh."

This time ako naman ang tumawa. Oo na, ako na nga ang duwag. Sa basag ulo lang ako magaling pero takot ako sa tubig.

"Huwag mong iniiba ang usapan! Sinasabi ko talaga sayo Erik Santos, mambabae ka lang, hahanap ako ng mas gwapo sayo na majojowa! Baka nakakalimutan mo, marami ang nagtetext sa akin." sabi ko sa kanya at talagang kumunot agad ang noo niya.

"At sino namang nagsabi sayo na papayag ako?! Hindi mangyayari yun. Akin na nga yang cellphone mo, sabi ko naman sayo magpalit ka ng sim card diba? Bukas na bukas magpapalit ka ng number at gusto ko number ko lang ang nasa contacts niyan!" sabi niya naman sa akin.

Hala, baliw? Talaga bang inuutusan akong magpalit ng number at siya lang ang dapat na contact ko? Hello, paano naman ang pamilya, kaibigan at ang trabaho ko?

Palagi niyang sinasabi na siya lang daw dapat ang tinetext at tinatawagan ko. Minsan pa nga ay kapag magkasama kami nauuna pa siyang sumagot sa mga tumatawag sa akin para lang malaman kung sino ang mga nakakausap ko.

"Siraulo ka ba? Chill lang Mister, niloloko lang kita. Isa pa yan, bakit ba dito mo ako dinala ha? Alam mo namang takot akong sumakay sa mga ganito tapos dito mo pa ako pakakainin ng dinner? Yung totoo Pogs?"

"E syempre gusto ko naman ng kakaiba. Tsaka isa pa yun na nga yun e, takot ka. I want you to face your fears with me. Gusto ko marealize mo na hindi ka dapat matakot as long as kasama mo ako. Hindi kita pababayaang masaktan." sabi niya bago ako hinalikan sa noo.

Aba tingnan mo, biglang naging sweet.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Tama siya. With him, I feel safe. Feeling ko I can conquer everything basta kasama ko siya.

"E bakit hindi mo naman ako ininform na may padinner ka sa gitna ng dagat. Edi sana man lang nagprepare ako nang bonggang bongga? Edi sana man lang nakapagdress ako na pang-ABS CBN Ball diba."

Paano ba naman kasi, naka maong shorts lang ako, white t-shirt at rubber shoes din na white. Para lang akong pupunta ng SM. I mean, kaming dalawa pala dahil ganoon din ang porma niya.

"Bakit kung sinabi ko ba sasama ka ba?" sabi naman niya sa akin.

"Hindi." diretso kong sagot. Sabagay may point nga naman siya. "Pero kahit na, sana man lang sinabi mo na may pa candle-lit dinner ka, yung may pachampagne, may pabed of roses, para naman sana diba hindi tayo mukhang bibili lang ng meryenda sa 7Eleven diba?"

Tinitigan niya naman ako bago mabilis na hinalikan sa labi.

"Hindi na kailangan. Kahit pa nakapantulog ka pa, it won't matter. You don't need to dress up just to impress me. Para sa akin, ikaw ang pinakamagandang babae ngayon dito. I love you, love ko." sabi pa niya

Hinampas ko naman siya sa braso kaya tumawa siya. "Niloloko mo ba ako, e tayo lang namang dalawa ang nandito?"

Kikiligin na sana ako eh, kaso minsan din talaga inuunahan ako ng utak ko.

"Oh bakit may mga isda diyan sa ilalim ng dagat, syempre may babaeng isda. Mas maganda ka sa kanila Love, don't worry."

Dahil doon ay sabay na lang kaming tumawa dahil sa kalokohan niya.

Lord, I really love this man.

Continue Reading

You'll Also Like

131K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
54.8K 1.8K 39
Can he change the woman with a jet black heart?
375K 4K 83
Dont ask me about LOVE because I'm NOT Dr. LOVE I knew nothing about LOVE but don't get me wrong I knew How to LOVE but The Problem is I don't know...
74.1K 3.6K 61
"Maaari bang itama ng isang pagkakamali ang dati pang isang mali? Magiging tama ba ang mali kung ang dahilan mo ay pagmamahal?" They broke up two yea...